Anak ng pota. Excited na excited si gago. Halatang halata na tuwang tuwa siya na makakasama niya ako ng ilang linggo. Sa akin, ilang linggo din akong magtitiis na makasama ang Ryan na yan. Sigurado ako na pinagplanuhan niya ang mga ito. Talagang ni-request pa niya kay Tito Ronald na isama ako. Faggot! Kainis. Nakaka-bwisit. Napakaraming plano ang masisira dahil sa pagsama sa kanya. Tsssssss.
Cathryn. Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang iniisip ko? Ang dali dali namang humanap ng kapalit mo pero bakit ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. DAMN! IT’S HARD TO LOVE SOMEBODY WHO IS NOT IN LOVE WITH YOU. Ang sakit pa rin isipin na hiniwalayan niya ako dahil naso-soffocate na daw siya sa takbo ng relasyon namin.
Anak ng pota. Excited na excited si Gago. Halatang halata na tuwang tuwa siya na makakasama niya ako ng ilang linggo. Sa akin, ilang linggo din akong magtitiis na makasama ang Ryan na yan. Sigurado ako na pinagplanuhan niya ang mga ito. Talagang ni-request pa niya kay Tito Ronald na isama ako. Faggot! Kainis. Nakaka-bwisit. Napakaraming plano ang masisira dahil sa pagsama sa kanya. Tsssssss.
Cathryn. Bakit hanggang ngayon ikaw pa rin ang iniisip ko? Ang dali dali namang humanap ng kapalit mo pero bakit ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. DAMN! IT’S HARD TO LOVE SOMEBODY WHO IS NOT IN LOVE WITH YOU. Ang sakit pa rin isipin na hiniwalayan niya ako dahil naso- suffocate na daw siya sa takbo ng relasyon namin. Wala naman akong magawa dahil ayaw kong ipilit ang mga bagay na hindi na pepwede. Pumayag ako dahil mahirap makuntento kung ang isa sa inyo ay hindi na masaya.
“We said let go but I kept on hanging on. Inside I know it’s over, you’re really gone. It’s killing me ‘cause it ain’t a thing that I can do… Baby I stay in love you..”
I stay in love. I stay in love with her. Kung natuturuan lang ang puso na makalimot… matagal ko nang ginawa.
Siguro, I’ve done it a long time ago. Nakalimutan ko na sana ang sakit na dulot ng pagkasira ng pamilya ko. Ang pagkawasak ng tahanan na nagpapasaya sa akin. Back then, puno pa ng tawanan ang bahay na ‘to sa tuwing magdi-dinner kami. Yun lang ang nagsilbing bonding namin ng aking pamilya dahil na rin sa pagiging busy nila sa work. Pero kahit ang mga tawanan na yun ay nawala na.
Kung ang buhay ng tao ay katulad ng panonood ng movie, siguro naging napakadali nang mabuhay. Pwede kang mag-fast forward sa tuwing masasaktan ka. Sa tuwing mabo-bored ka. Kung ayaw mong makita ang eksena, isang pindot lang. Pwede ring i-rewind. Ulit-ulitin ang mga bagay na masasaya. Mga bagay na nakapagpatawa at nakapagpakilig sayo. Mga eksenang gustong gusto mong balikan. Pindutin ang pause kung kinakailangan mo pa ng oras. Kung nagigipit ka sa panahon na ibinigay sayo. Pwede ka ring mamili ng genre na panonoorin mo. Pwede kang tumanggi sa panonood kung alam mong hindi mo magugustuhan ang panonoorin mo. Mayroon kang idea sa mga maaring mangyari. Pero hindi eh. Walang fast forward, rewind, pause o kaya stop. Mapipilitan kang panoorin ang bawat tagpo, kahit na ayaw mo. Kailangan mong panoorin ang bawat eksena, boring man o masakit. Sana isang pelikula na lang ang buhay ng tao. Sana…
Pangalawang araw ko nang hindi lumalabas ng bahay. I’m not in the mood para makipag-socialize. Para saan pa? Ayaw ko namang maging plastic. Pinapakita kong masaya ako pero sa loob ay malungkot. Mas mabuti na rin yung pinapangatawanan mo ang nararamdaman mo. At least, kapag nawala yun… pepwede ka nang maging masaya ulit.
Thank God at hindi ako ginagambala ni Ryan. Minsan kasi, presence pa lang niya naiirita na ako. At isa pa, kinakailangan kong magrelax. Sa mga susunod na linggo, tiyak maiistress na naman ako. Ilang linggo ka ba namang mamumuhay na kasama si Ryan, ewan ko lang. It’s like a living hell. Haha. Napakasama ko talaga. Pero biruin mo yun, sa pag-iisip ng masama tungkol kay Ryan, napapangiti ako. At technically, napapasaya niya pa rin ako, in a different way nga lang.
Speaking of the devil, ayan na siya. Haha. Naririnig ko na ang ingay na dulot ng gate. Tiyak ako na siya ‘yon. Siya lang naman ang may susi ng bahay na ‘to bukod sa akin. Hmmmm. Nakaisip tuloy ako ng isang plano. Haha
Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay nabigla na siya sa ginawa ko. Mula sa likod ng pinto ay hinampas ko ang mga binti niya. Hindi naman yun kalakasan pero sapat na para madapa siya. Tapos tinali ko ang mga paa niya para di siya makatayo at makapaglakad ng ayos. Tinalian ko rin ang mga kamay niya. Hindi na nakapag-react si Gago. Napakabilis kasi ng mga pangyayari. I caught him completely off guard.
“Joseph! Ang sakit. Ano sa tingin mo ginagawa mo? Tanggalin mo yung tali sa binti at kamay ko.” Reklamo ni Ryan na halos mangiyak ngiyak na.
“Wala lang. Trip lang. Kunwari kidnapper ako. Haha.” Lakas kong trip na dahilan.
“Joseph… please. Pakawalan mo na ako. Maawa ka na.”
“Ayaw ko. Kapag pinakawalan kita, tiyak iistorbohin mo nanaman ako. Kaya itatali na muna kita at ikukulong dun sa kabilang kwarto. Para walang istorbo sa akin. Hahaha.”
“Joseph naman… ano ba. Parang hindi ikaw yan.”
“Hindi nga ako ‘to. Let me introduce myself. I’m Joseph… the Sadomasochist. Nice meeting you Ryan! Haha.”
“Jose…”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil binusalan ko na ang mga bibig niya. Pawang ungot lang ang maririnig mo mula sa kanya. Natatawa naman ako. Ang pangit ni Gago. Haha. Halos tutulo na ang luha pero pilit pa ring pinipigilan. Hahaha
“So pano? BEST FRIEND Ryan… iiwan muna kita diyan ha. Maliligo lang si BEST FRIEND JOSEPH.”
Hindi ko na inintay ang reaksyon niya at kaagad kong ni-lock ang pinto kung saan siya naka-tali. Ginawa ko na ang mga kailangan gawin. Naligo ako, naglinis ng kwarto ko. Binuksan ang facebook account. Ginawa ko yun ng hindi man lang iniisip ang sagabal na si Ryan. THE SADOMASOCHIST. Haha. Pero wala akong sakit sa utak. Trip lang yan.
Matapos ang halos tatlong oras ay binalikan ko na siya sa kabilang room. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto…. Naawa na ako kaagad sa itsura niya. Pugto na ang mga mata niya kakaiyak. Basa ang walk shorts niya. Marahil hindi na niya napigil ang call of nature. Kahit gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko na nagawa. Tao pa rin naman ako, may konsensiya pa rin. Kaagad ko namang kinalag ang pagkakatali sa kanya. Matapos kong tanggalin ang tali ay bigla-bigla niya akong sinuntok sa mukha na kaagad namang nagpataob sa akin.
“Shit ka! Demonyo ka! Hayop. Ang lakas din naman ng trip mo’t nagawa mo sa akin ‘to. Kung ayaw mong istorbohin kita, sana pinaalis mo na lang ako. Hindi yung isasama mo ako sa mga laro mo!” mahaba ngunit mabilis na sabi ni Ryan. Hindi na niya inintindi ang basa pa rin niyang shorts
“Shit ka rin. Ang sakit nun ah!”
“May gana ka pang magalit! Kulang pa yan a ginawa mo sa akin. Nagpunta ako dito dahil ibinilin ka sa akin ng mama mo. Pinagkatiwala niya sa akin ang pag-aalaga sayo Damulag ka! At ako naman dahil kaibigan kita, hindi ko naman matanggihan. Tapos yan lang ang igaganti mo sa akin.” Kaagad naman ngumalngal si Ryan
Nakonsensiya naman ako sa mga pinaggagawa ko sa kanya.
“So-sorry na Ryan.”
“Marunong ka pala niyan.”
“Sorry na nga eh!”
“Nagso-sorry ka pero lumalabas naman sa ilong mo. Such a stupid way of saying sorry.”
“Sorry na Ryan. Hindi ko naman sinasadya.”
“Hindi sinasadya yung lagay na yun? Ano pa kaya yung sinasadya mo? Napatay mo na siguro ako kung sinadiya mo pa ang mga pinaggagawa mo!”
Basag trip naman yung “Oo” ng Up Dharma Down. Tsk. Tinamaan ako dun ah.
“Baka sakali lang maisip mo naman
Puro s'ya na lang
Sana'y ako naman
'Di mo lang alam
Ika'y minamasdan
Sana'y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam
'Di mo lang alam
Kahit tayo'y magkaibigan lang
Bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo naman
Ako'y nandito lang
Hindi mo lang alam
Matalino ka naman”
DAMN! IT’S HARD TO LOVE SOMEBODY WHO IS NOT IN LOVE WITH YOU. Mahal na mahal ko si Joseph pero si Cathryn naman ang mahal niya. Ang saya-saya ko na makakasama ko na si Joseph pero pinaalala pa sa akin ng kanta na mahirap magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Puro siya na lang. Puro si Cathryn. Pero wala akong karapatang magreklamo. Wala naman akong karapatan kay Joseph. Kaibigan lang ako.
ESTUPIDO. Ang emo ko naman. Narinig ko lang yung kanta nag-emote na ‘ko kaagad. Dapat nga maging masaya ako kasi makakasama ko siya ng ilang linggo. Malungkot parin. Pero pipilitin kong magpakasaya ngayong araw kahit na malungkot ako. Masarap magsuot ng mascara. Masarap itago ang tunay na nararamdaman mo. At least, sa kabila ng kalungkutan mo… makakaramdam ka pa rin ng kaunti at panandaliang tuwa.
Pupunta na lang ako sa bahay ni Joseph. Nakaka-miss na rin kahit kahapon lang kami magkasama. Ganoon talaga yata kapag nagmamahal ka. Haha. Ako kaya, miss na niya ako? Asa pa.
Nag-drive ako papunta sa kanila. Kahit traffic at medyo nakakapagod, ayos lang. Gutom man at kulang sa tulog, pupunta pa rin ako. Makita ko lang si Joseph, busog na ako. Naks. Ang cheesy ko. Haha. Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating na rin sa kanila. Yayain ko munang kumain sa labas si Joseph. For sure, gutom na rin yun.
Masaya akong pumasok ng bahay nila Joseph nang may biglang humampas sa mga binti ko. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ako makapag-react dahil na rin sa sobrang sakit ng binti ko. Nadagdagan pa ang sakit ng binti ng talian ito ng mahigpit. Pati kamay ko ay tinalian na rin. Ng humarap sa akin ang gumawa noon ay masyado ang pagka-dismaya ko.
Si Joseph. Tuwang tuwa pa sa ginawa niya sa akin. Ang hindi niya lang alam ay sobrang sakit ng ginawa niya. Hindi lang physically, emotionally na rin. Nagmakaawa ako sa kanya na kalagan ako sa pagkakatali pero imbis na pakawalan ako ay binusalan pa niya ako sa bibig. Dinala sa isang kwarto at iniwang nakatali.
Istorbo daw ako sa kanya. Gago siya! Istorbo pala. Kung wala ako, siguro matagal ka nang patay. Nakakinis isipin na ikaw na nga ang nagmamalasakit, ikaw pa ang gagawan ng masama. At ano bang ginawa kong mali para gawin niya sa akin ‘to? Ang sama niya…
Gutom na gutom na ako. Halos isang oras na akong nakatali dito. Napaka-sakit ng mga binti ko. Pagod ka na nga, wala ka nang tulog tapos hahampasin ka pa ng tubo sa binti. Sumosobra na. Ilang saglit pa ay hindi ko na napigilang umiyak. Dala na rin ng halo halong emosyon na nararamdaman. Naawa ako sa sarili, naiinis ako kay Joseph, nagagalit at naiihi. Bwisit!
Iyakin ako. Simula pagkabata pa lang ay madalas na akong umiyak. Tandang tanda ko pa na sa tuwing masisigawan lang ako ng magulang ko ay kaagad na akong iiyak. Hindi ko alam. Hindi ko kayang ipunin sa loob ko ang nararamdaman. Kahit na pilit kong pigilin ang pagluha, automatic na yun. Hindi ko kayang kontrolin. Hindi ako natigil hanggang sa maubos na ang pwede kong iluha.
Hanggang ngayon ay iyakin pa rin ako. Ganoon pa rin, walang pinagbago. Anong natakbo sa utak ko tuwing umiiyak ako? Madami. Puro pagkaawa sa sarili ang aking nararamdaman. Nagtatanong ako kung bakit yun ginagawa sa akin? Mahal pa ba nila ako? Bakit sila ganoon? Madalas sa tuwing umiiyak ako ng walang humpay, napasok sa isip ko ang kitlin ang sariling buhay. Ganoon ako. Iniisip ko na wala akong halaga para sa ibang tao. Walang nagmamahal sa akin. Kung mamatay ako, saka niyo lang ako papahalagahan. Saka niyo lang maiisip na mahal niyo ako. Saka niyo lang maiintindihan na nasasaktan ako. Madalas yang mangyari sa akin. Pero hindi ko pa nasusubukan na gawin ang mga bagay na makakasakit sa sarili. Takot din ako. Takot akong saktan ang sarili. Kaya’t matapos mahimasmasan ay balik na sa normal ang aking pag-iisip.
Iba ngayon ang sitwasyon. Imbis na awa sa sarili ang maramdaman, puro galit lang ang naiisip ko. Makakapatay yata ako ng tao. Nakakainis. Ang sarap gulpihin ng gumawa nito sa akin.
Hindi ko na napigilan ang aking pag-ihi. Hinayaan ko na lang mabasa ang aking shorts. Wala akong pakialam kung mamaho man ako. Ang gusto ko lang gawin ay ang makaganti.
Matapos ang halos 3 oras ay sa wakas dumating din ang demonyo. Pagkapasok niya sa pinto’y tila nawala ang mapang-asar niyang mukha. Ramdam ko na naawa siya sa itsura ko. Pero wala akong pakialam dun. As soon as mawala ang pagkakatali ng aking mga kamay ay kaagad ko siyang sinuntok ng napakalakas. Kulang pa yan. Tatadyakan ko pa sana pero hindi ko magawa. Dahil na rin siguro sa pagmamahal ko sa kanya. Inilabas ko lahat ng naipong galit sa nakalipas na 3 oras. Nakita ko naman ang pagka-guilty sa mukha ni Joseph. Alam ko namang mapagbiro talaga siya pero sumosobra na siya. Ibang level na ang ginawa niya sa akin.
Humingi siya ng sorry sa akin. Pero halatang napipilitan lang siya. Hindi ko ‘yon tinanggap.
“Nagso-sorry ka pero lumalabas naman sa ilong mo. Such a stupid way of saying sorry.”
“Sorry na Ryan. Hindi ko naman sinasadya.”
“Hindi sinasadya yung lagay na yun? Ano pa kaya yung sinasadya mo? Napatay mo na siguro ako kung sinasadya mo ang mga pinaggagawa mo!”
“Sorry na iyaking bata… peace na tayo.”
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Ganoon ang ginagawa niya sa akin noong mga bata kami. Simula kasi noong elementary pa lang ay lagi na niya akong pinagtritripan. Nandiyang papatirin ako, aagawan ng chocolates at sisirain ang mga laruan ko. Kapag hindi ko na siya kinakausap… saka lang siya hihingi ng sorry.
“Sorry na iyaking bata… bati na tayo huh?” Sabay halik sa aking pisgi. Nawala naman lahat ng galit ko sa kanya at napaltan pa iyon ng kilig.
Ganoon na ganoon pa rin ang ginawa niya sa akin. Nakakabigla ang kanyang paghalik sa aking pisngi. Isa na rin yun sa mga dahilan kung bakit kahit bata pa lang ako ay in love na ako sa kanya. At kagaya ng dati, nawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko.
“Sige. Ok na. Pero ang sakit pa rin ng binti ko. Hindi ako frat man para hatawin mo ng tubo sa binti!”
“Sorry na nga diba? Tyaka akala ko kasi…”
“Kasi?”
“Wala. Sorry na talaga Ryan.”
“Ok lang. Kahit hindi pa talaga ok. At para makabawi ka, i-treat mo ako ng lunch. Gutom na gutom na ako kanina pa.”
“Sige ba. Yun lang pala eh.”
Nilibre niya nga ako ng lunch sa Italianni’s. Siyempre pinahiram niya rin ako ng damit. Ang baho ko kaya. Siya rin naman may dahilan kung bakit ako namaho.
Akala ko kanina magiging malungkot na araw ‘to pero it turns out magiging masaya pa yata. For the first time, after 3 years, nakasama ko ulit si JOSEPH. Si JOSEPH na kababata ko. Yung Joseph na kilala ko. Yung masayahing Joseph. Yung sweet at thoughtful. During lunch, masaya kaming nagkwentuhan. Pinagusapan ang mga bagay na nagbago sa amin. Mga bagay na na-miss namin sa isa’t isa sa nakaraang tatlong taon. Masaya ako dahil nagbalik ang best friend ko. After kumain, we took a stroll around Nuvali, kahit na mahapdi pa rin ang binti. Kwentuhan pa rin. Kulitan. MASAYA NA AKO. Kahit ngayon lang. MASAYA PA RIN AKO. Alam ko namang na-guilty lang si Joseph sa ginawa niya sa akin. Bumabawi lang siya. There’s a possibility na bumalik ang dati niyang trato sa akin after ng araw na ‘to. Pero pilit ko nang hindi inisip ang bagay na iyon. Susulitin ko na lang ang araw na ‘to na kasama ang BEST FRIEND ko.
Di mo lang alam. Kahit tayo'y magkaibigan lang, bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan.
No comments:
Post a Comment