Akda ni K.G.F.
Message: WARNING:
This story is a sequel of the story REVERIE, if you have not yet read the first part of it, I recommend you read it first before you start with this one, I’m sure you’ll appreciate this story once you’ve read that first, to understand the flow of the story, and to know more about the characters
KUNG AYAW BASAHIN ANG FIRST PART: read at your own risk. hahahaha
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SBLS sequels- REVERIE DOS
“When it is meant to happen, there’s no other way to stop it from happening, we don’t hold the fate, only God knows what tomorrow will be”
Si Lance nakahiga sa daan, duguan, hindi ko alam ang gagawin ko, isinisigaw ko ang pangalan nya pero walang lumalabas na boses sa bibig ko, tumutulo yung mga luha ko sa gitna ng ulan, sinisigaw ko yung pangalan nya pero wala padding lumalabas na boses ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko
“Drei!!!!”
“John Andrei David! Gumising ka na! Tatapusin mo pa yung Trigo mo! Anong petsa na! alas 7:00 na nang gabi”
Nagising ako sa sigaw ni Lance sakin. Pag gising ko nagulat ako na basa ang unan ko, basa ang mata ko ng luha
“Oh bakit ka umiiyak” tanong ni Lance
Ngumiti nalang ako at niyakap ko sya, sobrang higpit na yakap, ayoko sya pakawalan, natatakot ako sa kung ano ang pwede mangyari…
Isang masamang panaginip nanaman ang nagyari, isang mahabang panaginip na kailangan ko ilagay sa Dream book ko, isang panaginip na kakatakutan ko nanamang dumating, isang panaginip na sana hindi magkatotoo, isang panaginip na magiging leksyon nanaman sakin, ano nga ba natutunan ko? Wag ko daw sayangin yung oras ko, kung kaya ko sabihin ngayon, bakit hindi diba? Siguro binigay sakin ng Diyos na maykapal yung ganitong kakayahan hindi para baluktutin ko ang tadhana ngunit para magkaroon ako ng mga leksyon sa bawat panaginip na mapapanaginipan ko…
Sa lahat ng hindi pa ako kilala, ako nga pala si Andrei, isang weirdo! Isang batang nananaginip ng mga bagay na mangyayari at mangyayari gustuhin ko man o hindi.
Isang panaginip na hindi kailangan mangyari, iyun ay ang mamatay ang taong dahilan kung bakit sa bawat malagim na panaginip ko ay kinakaya ko pading mabuhay. Habang yakap yakap ko si Lance ay agad kong sinabi sakanya ang nais iparating ng puso at isipan ko
“Lance, mahal na mahal kita sobrang mahal na mahal kita”
Isang ngiti lang ang nakuha ko mula sa kanya, isang ngiti na parang gustong sabihing “OO AKO DIN DREI, MAHAL KITA”
Ang naalala ko ay ang bandang Death cab for cuties at ang malagim na gabi sa panaginip ko kung saan nahagip ng kotse si Lance, hindi iyon maaring mangyari.
Nagkasakit si Jaely, ang bestfriend ko, kaya’t exited na exited ako na Makita ko sya sa klase kinabukasan, at to break my excitement, wala sya sa klase thenext day. Oo nga naalala ko tuloy sa panaginip ko na halos 3 araw nawala si Jaely sa school.
Everything happened again, lahat ng nagyari sa panaginip ko nagyari nanaman, halos lahat, nakasalubong ko yung ex ko. Pero ang kaibahan, alam na ni Lance na sya nga ang gusto ko, kaya nagbago ang ikot ng mundo, hindi na katulad ng dati na nag walk out sya, hindi na katulad ng dati na ganun, halos lahat nagbago, kaya hindi ako nawalan ng pag asa na maisasalba ko si Lance sa malagim na nagyari sa panaginip ko. Kasi lahat ng pangyayari nagiba nung sinimulan ko ulet.
Kumanta sya sa bar kung saan kami uminom pagkatapos ng exams namin, parehong kanta, Falling for you, pero ibang pakiramdam kasi alam ko na para sakin nga yung kanta na yun.
Dumating ang time na nag-aya si Jaely para manuod daw kami ng Death Cab for cuties at sabi ko eto na yun. Hindi na ulet pwede mangyari yung nangyari dati kay Lance, and mahirap man sabihin, sinabi k okay Jaely lahat ng napanaginipan ko, pwera kay Lance, ayokong malaman nya na ganun ang mangyayari sakanya. Naintindihan naman ako ni Jaely, kaya’t hindi na kami tumuloy. Nagtext si Lance sakin na nagpasama daw ang pinsan nya na mahilig sa Death cab for cuties at inaaya kami ni Jaely na manuod, Kinabahan na ako, iyun nga ang iniiwasan ko mangyari tapos eto, mapupunta nanaman sya dun. I tried to contact him pero hindi sya sumasagot sa phone, hindi din sya nag rereply sa mga texts ko, SHET! Putangina, I won’t let this happen again.
I ran over to the mall kung saan ang concert kasama ko si Jaely. Traffic! Badtrip, bumaba, kame sa taxi at biglang bumuhos ang malakas na ulan, napa SHET nalang ako, kasi anytime ngayon pwede na ulet mangyari ang kinatatakutan ko. Tumabo ako ng sobrang bilis patungo kung nasaan si Lance, walang pakialam kung mabasa lahat ng dala kong gamit, pinipigilan ako ni Jaely kasi sobrang lakas na pero wala akong pakialam, wala. TAKBO. SIGE. TAKBO PA. hanggang marating ko kung nasaan ang mall, sa entrance kung saan kami dati naghintay si Jaely, nakita ko si Lance na tumawid ng kalsada, sumigaw nalang ako kasi nakita ko ang kumakaripas na kotse na parating
“LAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNCEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE”
Sumigaw ako ng sobrang lakas. Iniisip ko n asana panaginip lang ulet ito. Sumigaw ako hanggang hindi na kaya ng boses ko nalang may tumawag sa pangalan ko
“John Andrei David! Gumising ka na! Tatapusin mo pa yung Trigo mo! Anong petsa na! alas 7:00 na nang gabi”
SHET! Andito nanaman ako kung saan ako nagsimula, hindi ko alam, naguguluhan na ako, bakit ganun? Pag iniisip ko na panaginip lang lahat ng nangyayari, nagiging panaginip nga. This time I made my plans, this time I’ll make sure na hindi na ako papalpak, this time I’m sure I’ll save the life of the person I love
Niyakap ko si Lance ng mahigpit at pinunasan nya ang mga luha ko
“Bakit ka umiiyak” tanong ni Lance
“Wala” sagot ko. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Lance ang tungkol sa tunay na ako, ang tungkol sa dream book ko, sa mga panaginip ko. Hindi ko alam, baka isipin nya na baliw ako. Pero naisip ko din, why the hell would I care kung isipin nya na baliw ako, mahal ko sya, it’s his life that’s at stake here, bakit ganun? Kahit pigilan ko mang mangyari yung lintek na Death cab fro cuties concert na yun, kapalaran pa rin ang gumagawa ng paraan para mapunta sya duon sa lugar na yun.
Nagpasya akong sabihin na kay Lance lahat, lahat ng kailangan nyang malaman, at hindi ko matanggap ng sabihin nyang
“Kung ganun yung kapalaran, kailangan ko harapin yun Drei, pero bago pa dumating yun. I want to let you know how much I love you”
“Mahal na mahal din kita Lance”
Nangyari parin ang lahat ng kailangan mangyari. Yung pagkakasakit ni Jaely, yung finals exam, yung inuman at eto nanaman, dumating nanaman ang panahon ng concert ng lintek na badang iyun.
Alam nan i Jaely at ni Lance ang tungkol sa gabing iyun kaya’t nagpasya kami na manatili nalang sa bahay ng araw na iyun. May nagtext bigla kay Lance.
“SI Mama, sinugod daw sa hospital” sabi ni Lance
“Saan?” tanong ko
“Dun mismo sa tabi ng Mall kung saan ako nabunggo” sagot ni Lance
“Wag ka na tumuloy Lance” paubaya ko
“Hindi pwede Drei, si mama yun” sagot nya
“Eh pano kung…”
“Wala akong pakialam Drei, kung iyun yung nakatala para sakin, wala ako magagawa, I’m sorry kailangan ko puntahan si Mama” sagot nya
Sumama ako kay Lance para narin mabantayan ko sya, pagdating namin sa hospital lumabas si Lance ng kotse nya at hinatak nya ako palabas sa sobrang pagmamadali nya, nahulog yung phone na hawak ko sa paghatak nya, pagpulot ko ay hindi ko napansin na tumatawid na pala si Lance ng kalsada, bigla nalang ako napasigaw at napatayo na habang tumatakbo sya ay may paparating na kotse at hindi nya napansin.
“LANCE, yung kotse”
Tumulo yung mga luha ko kasi hindi ko matanggap na sa pagkakataong ito, nagyari nanaman iyun, tinignan ko kung kaya ko pa ulit itong ibalik sa dati, inisip ko na panaginip lang ulit iyun, ipinikit ko ang mga mata ko at BOOM narinig ko nanaman ang boses ni Lance na tinatawag ako
“John Andrei David! Gumising ka na! Tatapusin mo pa yung Trigo mo! Anong petsa na! alas 7:00 na nang gabi”
PUTAKTE! Ulet nanaman ako sa umpisa, madali ko nang nasabi kay Jaely at Lance ngayon ang kung ano ang mga nangayayari at ganun parin ang sinabi ni Lance saakin
“Kung yun yung nakatakdang mangyari sakin, wala akong magagawa Drei, tatanggapin ko nalang” sabi ni Lance.
HINDI! Hindi ako papayag na mangyari yun
Ilang beses ko na ring inulit ulet ang mga nagyari pero, gumagawa parin ng paraan ang kapalaran para ilayo sya saakin, hay! Dumating yungoras na halos mabaliw ako kakaisip kung paano ko iyun gagawin. Naubos yung pagasa ko at isang bagay nalang yung naisip ko. At siguro iyun nalang ang tanging paraan
Dumating ang concert ng death cab for cuties. This time hindi ko pinaalam sakanila ang paparating na sakuna. Pero nagpaparamdam na ako at nagpapaalam na sa mga taong mahal ko kasi ang tanging paraan na naisip ko…
… MAMATAY KASAMA NG TAONG MAHAL KO
Kung mamatay sya, sasama nalang ako, kesa mamatay ako sa lungkot pag nawala sya. Natapos ang concert
Lumabas kami at sobrang lakas ng ulan. Nag presenta si Lance na iikot nya nalang ang kotse nya para sunduin kami ditto, pero sumama ako sa kanya, at bago kami umalis tumulo ang luha sa kaliwang mata ko habang naglalakad ako papalayo sa bestfriend kong si Jaely, at tinitignan ko sya habang papalayo ako. Tumakbo kaming dalawa ni Lance sa unahan, hinnada ko na ang sarili ko sa mangyayari, ayan na, naririnig ko an gang kotse na paparating saamin, sa sobrang lakas ng ulan halos hindi mo malalamang paparating na ito, at ayan na sumigaw si Lance,
“DREI, yung kotse”
Madilim at tanging mga boses na umiiyak lang ang narinig ko, ng idilat ko ang aking mga mata nakita ko si Lance na nakatayo sa tabi ng hinihigan ko
“Drei!” sigaw ni Mama, napatingin ako sa kabilang parte ng hinihigan ko at niyakap ako ni Mama ko “Buti okay ka na” sabi nya pa
“Lance” tumingin ako sa kabilang side ng hinihigan ko ng nawala si Lance sa tabi ko
“Drei, anak, matagal ng wala si Lance” sagot ni Mama ko
“Ha?” laking gulat ko dahil kanina lang nakita ko sya sa tabi ko
“Tatlong linggo ka na dito sa Ospital na walang malay anak, pero sabi ng Doktor magigising ka pero hindi nila alam kung kalian, buti nalang nagising ka na anak”
Halong emosyon ang naramdaman ko, parang walang epekto lahat ng ginawa ko, ni hindi ko man lang nakita si Lance na inilibing, umiyak ako habang nakahiga ako, inisip ko na babalik ba ako sa una o ano? Hindi ko alam hinang hina parin ako, hindi padin ako makagalaw. Sa sobrang iyak ko at panghihina ko nakatulog ako at biglang may boses na nagsalita habang nakapikit ako
“Kahit ilang beses mo balik balikan ang nakaraan, hindi mo maaring baliin ang nakatakda, maaring magbago ang mga nangyayari pero hinding hindi mo mababago ang oras ng pagkamatay ng isang tao. Kahit isang miyong beses mo pa balikan ang nakaraan, isang milyong beses at paraan din sya mamamatay”
Nagising ako sa yakap ni Jaely sakin.
“Drei, akala ko pati ikaw iiwanan mo na ako” sabay iyak samay balikat ko.
Ngayon nakita ko ang hirap din pala pag nawala ako no? Andaming nagmamahal sakin. Pamilya ko, kaibigan ko, at kahit ang mga taong hindi ko masyadong katrip. Paulit ulit ko mang balikan ang nakaraan at magpakamatay kasama si Lance, kung hindi ko pa oras, hindi ko pa talaga oras.
Eto kami ni Jaely, halos araw araw, dumadalaw sa puntod ni Lance, duon kami nagpapalipas ng oras, inaalala lang naming sya, yung mga oras na kasama namin sya.
Madami ding nadulot na maganda sakin itong panaginip ko na ito, mga naituro sakin. Hindi ko talaga kaya baluktutin ang kung ano man ang nakatakdang mangyari, it just gives me a glance on what’s opt tp happen, hindi para baguhin ang mga nangyayari, ngunit para ihanda ko ang sarili ko at kung sino pa man para sa pagsubok na iyon. It also taught me to be brave enough to face reality, to accept things as they are. To be determined, to be wise, to be aware. Madami talaga, sobrang dami, pero ang pinakamahalang bagay na naturo nito sakin ay
LIFE GOES ON
At nagpapasalamat ako kay Lance sa mga aral na ito.
Lance Angelo Reyes, may you rest in peace, thank you and I LOVE YOU
Loves, John Andrei David
No comments:
Post a Comment