AKDA NI K.G.F.
“If you love someone, Tell them that you love them, don’t wait until you loose your chance”
Isang alaalang hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko…
“Suuuunnnoooooggg” Nagising ako sa lakas ng sigaw ng mga kapatid ko at ni Mama, pati sa mga sigawan ng kapitbahay, sobrang init, ng biglang nagising ako sa kamalayan na nasusunog na pala ang bahay namin at ang tatlo pa sa mga kapitbahay namin. Mabilis akong lumabas at nakita ko ang mga kapatid ko at si Mama na nasa isang tabi at si Kuya ko na nagbabalik balik sa CR naming at binubuhusan ng tubig ang pintuan naming para makalabas kami, walang bumbero, walang kahit ano, hindi ko na alam kung anong gagawin ko, musmos na musmos pa ako at tumakbo nalang ako sa Mama ko para umiyak kasama nila, nakita ko sa mga mata ng kapatid ko ang takot, sa Mama ko naman ay nakita ko ang pangamba, wala ako magawa para tumulong sa kuya ko, sobrang init na ang naramdaman ko, pero ang paglabas lang sa nasusunog naming bahay ang gusto ko mangyari sa mga oras na yun. Wala ako nagawa kung hindi umiyak sa tabi.
Tumingin na lang ako sa taas at pinagdikit ang dalawa kong kamay at nanghingi na tulong sa Diyos. Humahagulgol na ng habang nakapikit ako ay bigla nalang kumulog ng malakas at isang malakas na malakas na ulan ang bumuhos, nakita ko ang galak at pasasalamat ng Mama ko sa ulan na dumating, ako din ay tuwang tuwa, napawi ang sunog dahil sa mga tubig na nanggaling sa Diyos.
Ako si Jedrich, isang taong punong puno ng pangarap, pero hanggang pangarap nalang yata, mahina kasi yung baga ko pero ako, eto isang napakakulit na bata, mabisyo pagdating sa paninigarilyo, pero pinipigilan ko pa naman hanggang kaya ko.
Simula nung araw na iyun, Kapag umuulan ay lagi ako naglalaro sa labas at lagi ako nakatingin sa itaas para magpasalamat. Magpasalamat na dumating ang ulan sa mga oras na kailangan ko ito. At Ewan ko, pag nasa ilalim ako ng ulan, iba yung pakiramdam ko, parang lahat ng problema ko nawawala, pati pagod ko, at kahit isang beses hindi pa ako nagkasakit dahil sa ulan. Parang kapatid ko na nga yung ulan, sya yung dumadamay sakin pag may problema ako o pagod. Hindi ko alam na dahil sa kanya din makilala ko yung taong una at huli kong minahal.
Maulan na buwan nuon kaya’t lagi pag gising ko ay Masaya ako, nasa ilalim lang ng ulan at dinarama ito. Nakapikit ako habang dinadamdam ko ang mga patak ng ulan sa ulo ko ng biglang parang huminto ang mga patak na nararamdaman ko, napatingin ako at may isang lalaking naka uniform ang sinukuban ako ng payong nya, akala siguro nya ay wala lang ako masilungan
“Okay lang ako, wag mo na akong payungan” sabi ko
“Baka magkasakit ka kasi kaya sinukob kita, basing basa ka na nga oh!” sagot nya
“Sige na baka may kailangan ka pa puntahan, okay lang ako, pwede mo na ako iwanan”
Nakita ko sa mga mata nya na parang nasungitan yata sya sa pagkakasabi ko na Okay lang ako kaya habang papalayo sya ay sinabi ko
“Salamat nga pala pero Okay lang talaga ako” pasigaw kong sinabi habang papalayo sya sakin.
“Walang problema, basta pag nagkasakit ka, wag mo sabihin saking di kita pinayungan ah” sabi nya habang nakangiti sa akin at tumawa ng bahagya
Nilapitan ko sya para magpakilala para nadin sa pagpapasalamat sa concern nya sa akin. “Jed nga pala” pakilala ko sakanya. Medyo nahiya ako kasi basa yung kamay ko dahil basa ako ng Ulan “Ay! Basa pala kamay ko nakakahiya naman sayo”
“Okay lang, di ko naman ikakamatay kung hawakan ko yan” “Rob nga pala” pakilala nya. Nakatingin sya sakin at parang may iba sa mga tingin nya. Parang yung nararamdaman kong gaan pag umuulan. Ano kaya yung nararamdaman ko?
“Sige na at baka may pupuntahan ka pa” sabi ko “Alam ko naman magkikita pa ulit tayo” dagdag ko pa.
Sobrang saya na natapos yung araw ko, Umulan kaya Masaya at nakilala ko naman si Rob, Rob seems so special, and yung paraan ng pag approach nya sakin parang sobrang iba, ewan ko pero parang iba yung mga ngiti at tingin nya sakin.
Ilang araw din na nagkikita kami ni Rob pag dumadaan sya kung san lagiako nakatayo pag umuulan, lagi nya ako pinapayungan, lagi ko naman sya pinipigilan, at sinasabi ko sakanya lagi na Masaya ako pag nauulanan ako, at hindi ako kalian man nagkasakit dahil sa ulan, sinusulit ko nalang din yung ulan kasi matagal na akong may lung cancer, mahirap tanggapin pero ito yung naka takda para sakin eh, eto yung binigay ng diyos kaya tatanggapin ko, at lahat naman ng nangyayari ay may dahilan, kahit minsan hindi talaga natin alam kung ano yung mga dahilan na yun.
Lagi na kaming nagkakausap ni Rob kahit hindi umuulan, lagi ko syang nakikita, at Masaya ako pag nakikita ko sya, he seems to not like the rain until malaman nya kung gaano kasarap magtampisaw at magbasa sa ulan, siguro hindi nya rin maapreciate kasi hindi nya alam kung gaano kahalaga sa akin ang ulan, hindi nya alam kung paano sinagip ng ulan ang buhay ng pamilya ko. Hindi ko alam kung ano yungnararamdaman ni Rob para sa akin, pero ako? Gustong gusto ko sya, pero nahihirapan ako kung sasabihin ko ba sakanya na gusto ko sya o hindi kasi at the end of the day, naiisip ko na bilang na yung mga oras ko sa mundong ito, pag sinabi ko sakanya na gusto ko sya at maging kame? Tapos mamatay ako? Hindi ko maimagine kung paano nya tatanggapin, masakit. Kaya siguro wag nalang.
May isang pagkakataon na nagkausap kami ng Mama ko ng seryoso, alam nya na bisexual ako, at alam nya na nagkakagusto din ako sa kaparehas ko, at tanggap nya ako, hindi ko alam kung dahil binibigay nya nalang yung makakapagpasaya sakin kasi malapit na ako mawala o dahil tanggap nya talaga, it doesn’t matter, sya ang sinasabihan ko ng mga problema ko pag hindi ko na kaya itago sa sarili ko
“Ma! Mahal ko na yata si Robi eh, pero ayoko na sabihin sakanya, paano kung mahal nya din ako tapos pag nawala ako?” I told my Mom
“Jed! Wag ka nga magsalita ng ganyan, makaka survive ka dito anak! Lalagpas ka din dito”
“Pero Ma! Diba sabi ng Doktor wala na akong pagasa na gumaling pa, wala na..” sagot ko
“Anak! Masakit para sakin yun, pero ano ba naman yung sabihin mo sakanya na may sakit ka, at sabihin mo sakanya na mahal mo sya! Eh iyun yung makakapagpaligaya sayo eh” sagot ni Mama “At hindi mo alam baka iyun din ang makakapgpaligaya kay Rob” dagdag pa nya
Naguguluhan ako nung mga panahon na yun pero gustong gusto ko na sabihin kay Rob na gusto ko sya. Kaya isang araw gumawa ako ng paraan para masabi ko sakanya, binalot ko ang isang kwintas na nakita ko dati nung mga bata ako pagkatapos ng sunog, lucky cha daw yun sabi ng mga Chinese, buy one take one sya nun, kasi ibigay ko daw yun sa taong malapit sa puso ko, at eto ibibigay ko sakanya, isang kwintas na may pendant na pabilog at may nakaukit na ang ibig sabihin ay tubig. Ibibigay ko sakanya yun para parehas kaming meron noon at para sa tuwg makikita nya yun ay maalala nya ako.
Nagtext ako sakanya ng parang humihingi ako ng tulong para mabilis sya makarating at hindi na sya makatanngi. Nakita ko na tumatakbo sya parating at nagkunwari ako na nilalamig sa isang gilid
“Okay ka lang ba? Ha? Ano ba kasing iniisip mo Jed! Ha? Hindi lang basta ulan yang sinugod mo, BAGYO Jed BAGYO!” bigla akong tumingala sa kanya at nginitian ko sya “Hoy! Niloloko mo ba ako ah. Alam mo bang kinkabahan ko dun sa text mo ha? Akala ko kung ano nang nagyari sayo” Patuloy padin ang pagngiti ko sa kanya at bigla nalang ako tumayo at hinatak ko si Rob papunta sa gitna ng malakas na ulan.
“Rob, look at me” I told him
“Oh? Anong meron?” he answered. He looks surprise habang kinukuha ko yung kwintas na ibibgay ko sakanya na nasa mga bulsa ko.
“Eto para sayo yan, nakita mo yung pendant, yung parang letter na yan, Symbol ng water yan, lagi mong susuot yan para lagi mo akong maaalala.” Habang sinusuot ko sa leeg nya ang regalo ko
“Salamat” yun lang ang nasabi nya sakin, nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya na mahal ko sya o hindi, I looked deep into his eyes ang I smiled at him. Ngumiti naman sya, hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero Nilapit ko nalang yung labi ko sa mga tainga nya at ibinulong ko sakanya
“Rob, Mahal kita”
Wala akong narinig na kahit anong sagot sakanya kung hindi sa isang matamis na ngiti lamang na nanggaling sakanyang mga matatamis ding labi. Naguluhan ako sa kung ano nga ba yung gusto nya sabihin sa mga ngiti nyang iyun pero gusto ko makasiguro kung ano, ang hirap din sabihin tungkol sa sakit ko dahil nadin hindi ko pa alam kung ano ba talaga? Naghingi ako ng sign sa taas, sabi ko na pag hinalikan ko sya at hindi sya tumanggi, iyun na yun ah
Sobrang lamig dahil nasa gitna kami ng bumubuhos na ulan pero nung inilapit ko na yung mga labi ko sa kanya ay nagulat ako ng pumikit nalang sya at hindi nagalintanang dikitan ang mga labi ko, naginit ang katawan ko kahit nasa gitna kami ng malamig na buhos ng ulan, may mga taong dumadaan pero wala kaming pakialam, basta ako? Alam ko na yung sagot ng itaas sa akin, at sobrang saya ko na ganun din yung nararamdaman nya sakin.
Sa bawat araw na dumadaan lalo kong nararamdaman na malapit na ako kunin ng kaitaasan, madalas ay hirap na akong huminga kaya hindi ko na sya masyadong nakikita, kasi madalas na matamlay ako, ayoko mapansin nya na may sakit ako, basta kung sakali man na mawala ako, aakuin ko yung trabaho ng guardian angel ni Rob, ako nalang, para lagi ko sya nababantayan kahit hindi na apak ang dawang paa ko sa lupa.
Araw araw, oras oras, sinasabi ko sakanya na mahal ko sya, nakakapagtaka lang na hindi nya man lang masabi sakin na mahal nya ako, though nararamdaman ko at ipinaparamdam nya sakin na mahal na mahal nya ako, hindi ko alam yung dahilan kung bakit ayaw nya sabihin, iyun lang naman yung hinihintay ko na sabihin nya saakin eh, kung kailangan ko ngang palitan yung pangalan ko ng I love you, o mahal kita, gagawin ko tawagin nya lang ako ng ganun, at masabi nya lang saakin yun.
Pag gising ko isang umaga, sobrang lakas ng ulan, kasabay ng ulan ang pagsumpong ng sakit ko, hindi ako makahinga kaya tinawag ko na si Mama at mga kapatid ko, sobrang sakit, halos mapaluha ako sa sakit at parang kinukuha ng kung sino yung hangin na lalanghapin ko. Sobrang sakit ng katawan ko hindi ako makatayo, hindi ako makahinga hanggang wala na akong maalala
Nagising nalang ako na nakahiga ako sa isang kwartong malamig, may nakaputi na nasa tabi ko, may hawag na parang instrumentong kinabit nya sa mga balikat ko. At nagsalita ang boses ng Mama ko
“Anak gising ka nap ala” sabi ng Mama ko.
“Ma! Asan si Rob?” hinanap ko agad ang taong pinakamamahal ko kasi parang naaaninagan ko na na malapit na ako mawala, medyo hirap padin ako huminga, “Ma? Si Rob po?” sabi ko pa
“Wala anak eh, hindi ko pa nasasabi sakanya at hindi ko alam kung papaano kasi hindi ko naman sya makontak”
Agad kong ibinigay ang cellphone ko sa Mama ko para kontakin si rob, pero halos dalawang oras syang hindi matawagan, hindi ko alam kung wala ng charge ang cellphone nya pero out of reach daw. Pinilit ko si Mama na tawagan si Rob pero hindi padin sya matawagan, iba na ang pakiramdam ko, ibang iba na, sobrang hirap na hirap na ako huminga, halos hindi ko na maigalaw ang mga parte ng katawan ko kaya naisip ko nalang na idadaan ko nalang sa sulat ang paalam ko sakanya sakaling hindi nya man ako maabutan at para masabi ko sakanya sa huling pagkakataon kung gaano ko sya kamahal at kahalaga saakin. Nakiusap ako sa kapatid ko na isulat ang mga sasabihin ko kasi hindi ko na ito kayang gawin sa sarili ko.
“Ate, sabihin mo pasensya…. Na…. sya…. Kung hindi ko nasabi sakanya… na ganto…” hirap na hirap na ako magsalita pero pinipilit ko, naiiyak na yung kapatid ko habang isinusulat nya. Nahirapan ako pero patuloy ko padin ang pag sasalita
“Pakisabi.. din.. na… Mahal na mahal ko sya… Ate, sabihin mo… pag umuulan labas sya… tapos…. Isahod nya yung mga kamay nya… kung… ano .. yung masasalo nya…. Ganon sya … kahalaga… sakin… at………………………kung…… ano …. Yung……….hindi ….. nya….” Lalo ako nahirapan sa pagsasalita pero kinakaya ko padin kasi baka eto na yung huling masasabi ko sakanya “masalo…………………. Ganoon……………………. Ko……………………….. syaaahhh…………… KA… MA……Haaaall” Pagkatapos ko sabihin yun hindi ko na maalala ngunt nararamdaman ko na parang tumatayo ako sa kinahihigaan ko at bigla nalang ako nakatayo sa hinihigaan ko, gulat nalang ng makita ko na umiiyak na ang Mama ko at ang mga kapatid ko. May mga nakaputing nagmamadaling pumasok sa kwarto at laking gulat ko na nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa kama at parang wala ng pagasa.
Kahit ako ay naiiyak kasi kahit anong sigaw ko sakanila ay hindi nila ako marinig. Kahit anong hawak ko sakanila, tumatagos lang ako naiyak ako sa mga iyak ng Mama ko
“Rob! Anak, wag kang bibitaw, lumaban ka anak! Paprating na si Rob Anak, paparating na! ANNAAAAAAAAAKKK!”
Wala, eto ako, isang kaluluwa nalang na nasa loob padin ng kwarto, hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, habang tinitignan ko ang patay kong katawan na nakahilata sa kama, biglang may kumatok sa pinto at napangiti nalang ako ng makita kong basang basa si Rob, sana nakikita nya yung ngiti ko, at nakikita ko din yung sakit na nararamdaman nya sa pagkawala ko. Pero ano pang magagawa ko para mawala yung sakit na nararamdaman nya, eto ako, sumisigaw pero walang nakakarinig, nakita ko yung mga luha nya habang binabasa nya yung sulat ko sakanya, at yung sakit na nararamdaman nya habang wala na syang magawa sa akin.
Tumakbo sya palabas at sinundan ko sya na parang may magagawa pa ako sa sakit na naidulot ko sakanya, umiiyak sya sa gitna ng ulan, niyayakap ko sya ngunit ang sakit ng hindi nya man lang nararamdaman ang mga yakap ko sakanya.
Bigla nalang ako umaangat ng walang bumubuhat saakin, nakikita ko na palayo ako ng palayo sa kanya, pataas ako ng pataas, nadaanan ko na ang mga ulap. Hanggang bigla nalang ako nagising sa isang napaka payapang lugar, isang lugar na parang perpekto kung titignan. Lahat ng nakikita ko ay puti. Walang iba, pero may isang parang lugar na kumikinang, ay may boses na biglang nagsalita
“Jedrich! Ang mga kumikinang na iyan ay ang iyong mga pakpak, kunin mo at tutupadin ko ang hiling mo na alagaan si Rob”
Agad akong lumapit sa kumikinang kong mga pakpak at bigla nalang itong lumipad sa sarili nya at dumikit sa mga likod ko. At agad akong dinala sa lugar kung saan nakikita ko lahat ng ginagawa ni Rob, naiiyak padin ako kasi malungkot padin sya kaya tumingala ako at nagsalita
“Pwede din po ba ako bumaba para makita sya?” tanong ko
“Maari anak! Ngunit hindi ka maaring magpakita sakanya, makikita ka lamang nya pag nakatingin sya sa mata mo kaya iwasan mo tumingin sa mga mata nya, mahigpit kong ipinagbabawal iyun”
Araw araw kong binabantayan si Rob at araw araw ko syang sinasabihan na mahal ko sya kahit alam ko na hindi nya ako maririnig. Ngunit hanggang ngayon gusto ko padin marinig na mangaling sakanya ang mga salitang “I Love you”, niyayakap ko sya pag umuulan at nilalakas ko ang hangin para maramdaman nya na nasa paligid lang ako at binabantayan sya.
Isang araw na sobrang lakas ng ulan sa ibaba, pumunta ako kay Rob para tignan at bantayan ko sya, gulat na makita syang umiiyak at hawak ang sulat na ibinigay ko sakanya habang tinitignan nya ang picture naming dalawa na magkasama. Gustong gusto ko syang mayakap at mahalikan pero papaano ko gagawin yun. Hindi ko alam kung pano, gusto ko man tumingin sa mga mata nya bawal. Gusto ko iparamdam sakanya na hindi ako nawala sakanya.
Wala akong pakialam sa mga oras na iyun kung mapagalitan ako sa itaas, kasi hindi ko na matiis yung nararamdaman ko, gusto ko nang magpakita sakanya. Hinawakan ko ang mga balikat nya at alam kong titingin sya sa akin at alking gulat ko na paglingon nya at nagkasalubong ang mga mata naming, biglang may mga lumuha na tumulo sa mga mata nya, aga kong sinabing “Rob, miss na miss na kita” hindi ko maipaliwanan ang saya na nakikita ko sa mga mata nya, niyakap nya ako at naramdaman ko sya, alam kong naramdaman nya rin ako, hindi ko napigilan ang mga luha ko ng inilapit ni Rob ang mga labi nya sa tainga ko at ibinulong
“Jed, mahal na mahal kita”
thanks for everyone who still supports my stories and thank you guys for the continous support. It really makes me happy to see that my stories also inspires you guys.This is just the same as the SBLS-LET IT FALL but this time we see it from Jed’s point of view..
No comments:
Post a Comment