by Jeffrey Paloma
Hindi ko na matiis pa ang aming katahimikan. Gusto ko nang basagin ang pader na bigla kong itinayo sa pagitan namin ni Ron. Nasabi ko naman na sa kanya na ayaw kong itakwil ako ng isa ko pang kaibigan. Ang isang kaibigang mahal ko na rin ng halos sing tindi na rin ng pagmamahal ko kay Dexter.
Natatakot akong lubos na pati si Kevin ay iwasan na rin ako nang dahil kay Ron. Ngunit mahalaga na rin si Ron para sa akin pero hanggang bilang kaibigan na lang. Hindi ko na kayang magdagdag pa ng isa pang tao sa buhay ko na balang araw ay sasaktan ko o sasaktan ako. Sadyang nagsisi ako sa aking pambubulyaw kay Ron.
Gusto ko nang mag-sorry. Sana sa mabuting paraan ko na lang sa kanya sinabi.
Nahihiya ako sa ibang customer ng Starbucks na napansin ang kanyang ginawang paghalik sa akin. Iyon kasi ang unang beses na hinalikan ako ng kapwa kong lalaki sa harap ng maraming tao. Magkahalong matinding kilif at kahihiyan ang aking naranasa. Ngunit mas nakakahiya ang pagsigaw ko sa kanya sa harap ng ibang tao. Wala naman siyang ginawa. Marahil ay nagawa lang niya iyon upang iparamdam sa akin na nandiyan siya para ako ay mahalin kung nararamdaman kong walang nagmamahal sa akin. Napakasama kong kaibigan.
Tinignan ko siya mula sa gilid ng aking mga mata. Tulala siyang nakatingin ng malayo sa hangin. Lumuluha ngunit walang bakas ng pagsisisi sa kanyang ginawa. Parang tinitimbang ang sariling katayuan.
Naawa akong lubos sa aking nakikitang pagtangis niya. Di ko matiis na ang kaibigan ko nobyo ng espesyal kong kaibigan ay aking nasaktan sa kanyang binibigay na awa at pagkalinga sa aking matagal ko nang minimithi na sa kanya at kay Kevin ko lang naranasan.
Hindi na ako makatiis pa. Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta sa likod niya habang siya ay nanatiling tulala at nakaupo lang at sumisipsip ng kanyang inumin.
Dahan-dahan kong ipinatong ang aking mga kamay at yumuko upang ipadulas sa kanyang dibdib ang mga ito upang ibalot sa kanya ang aking mga bisig sa kanyang leeg hanggang sa magkadikit na aming mga pisnging parehong luhaan.
"K-kuya Ron-kolokoy... sorry po sa nagawa ko... sorry po talaga... ayaw ko kasing mag-away kayo ni kuya Vinvinpot eh"... ang pagsosorry ko na lang at paglalambing sa kanya na para bang batang mahal na mahal ang kuya. "... kuya Ron-kolokoy... nahihiya po ako at nabigla lang kasi din sa iyong paghalik... iyon kasi ang unang beses na hinalikan ako ng kapwa ko sa harap ng maraming maraming tao....napakasarap sa damdamin.. kaya lang nabigla lang po talaga ako.. hindi ko inaasahan.. isa pa.. baka magalit si kuya Vinvinpot sa atin eh.. ayaw ko tayo tatlo away-away... love ko na kasi kayo yata ni kuya Vinvinpot... kaya ko nang kalimutan si Dexter sa piling ninyo... alam mo... masaya ako na nakilala kita at kahit mabilis man lahat ng pangyayari mula kaninang umaga sa Festival Mall hanggang dito.." hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin.
Parang nanuyo ang aking lalamunan at bigla rin tinakpan ni Ron ang aking mga labi ng kanyang mga daliri upang itigil na ang aking pagsasalita.
Bigla na lang siyang bumangon sa kanyang pagkakaupo at ibinaba ang kanyang baso ng inumin habang hawak ng isang kamay niya ang pagitan ng dalawa kong nakabalot na braso sa leeg niya na para bang sweater na nakakapit sa likuran na pinipigilan niyang mahuhulog sa kanyang paggalaw.
Nang makatayo na ay bigla siyang humarap sa akin at pinunasan ang aking mga luha ng kanyang kanang kamay. Nginitian niya ako ng kanyang magagandang labi at mapupungay na mga mata.
"Hindi magagalit si kuya Kevin mo.. mahal ka naming dalawa.. sorry din kung nabigla kita. Sa dami ng kuwento mo sa akin sana isinama mo na yung tungkol dito..." agad niyang hinawakan ang aking baba patango sa kanya at mabilis na nagdikit at mga labi.
Walang tigil niyang sinip-sip ang aking mga labi at naramdaman kong bila na lang nanlaban papasok sa loob ng aking bibig ang kanyang dila na agad ko namang tinanggap at binalikan ng pagsipsip. Ibang klase humalik si Ron.
Maalab, malambing, puno ng mga gustong sabihin, puno ng damdamin. Napapikit na lang ako sa sobrang kaligayahan. Pero... ganito pala ang mag-alaga ang mga kapatid sa pananampalataya no? Pawang handshake lang ang mag torrid kissing... at in public pa.
Hindi ko namalayan ang mga tao sa amin sa paligid sa lugar na iyon ay nanonood na. Maraming magkasintahan pala ang mga kasabayan namin. Karamihan sa hindi magkasintahan naman ay mga babae.
Nalaman ko na lang na nanonood sila nang biglang magpalakpakan ang iba sa mga magnobyong nandoon at mga babaeng mukhang kinikilig. Meron din iba sa kanila bakas sa mukha ang pandidiri.
Natigil si Ron nang ako'y napatigil sa paglaban sa kanyang halik. Napansin din niya ang aking napuna at biglang natawa.
Tumitig siya sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay nangungusap na ang kanyang mga mata. Parang malungkot. "Jeremy... sorry talaga sa lahat... kung alam mo lang talaga.. sorry.. sorry po talaga.. hindi ko lang masabi sa iyo Jeremy.. malalaman mo rin ang gusto kong sabihin balang araw ngunit hindi ko talaga masabi sa iyo ngayon.. sana sa pagkakataong malaman mo na ang gusto kong sabihin ay... mapatawad mo man lang ako... ang mahalaga lang ngayon ay nasa amin ka na ng kuya Kevin mo..." sabay yakap ng mahigpit na mahigpit sa akin. Napansin niya ang sugat ko sa aking noo na biglang nagdugo nanaman. "San mo nakuha yan? Masakit pa ba? Medyo namamaga na eh" sabay bunot siya ng kanyang panyo upang dampiin ito. Napaaray lang ako bigla nang mapadiin niya masyado ang unang pagdampi ng panyo niya sa aking sugat sa noo.
Nagtaka akong lubos sa kanyang mga sinabi. "Ano kaya iyong gusto niyang sabihin sa akin? Bakit kaya? Nakakalito ang mga binitiwan niyang salita sa akin. Hindi ko mawari kung ano iyon.
"Kuya... anong ibig mong sabihin?" ang tanong ko sa kanyang mga sinabi.
Nag-isip siyang saglit at sumagot nang "Gusto sana kitang isama sa isang videoke bar ngayon malapit dito eh..."
"Kuya, madalas ako dito pero hindi sa gabi.. meron pa bang bukas ng 11:oo PM ng gabi? Isa pa ayaw mo kumanta diba?" ang naniniguradong tanong ko sa kanya.
"Oo... meron dito Korean na videoke bar.. nasa liblib lan kasing parte ng Tagaytay... at gusto kita kasing naririnig na umaawit" ang paliwanag niya sa akin. sabay akbay sa akin.
Dahil wala naman nga akong tungong pakay nang gabing iyon ay "O sige ba!!!... pero... kuya... may nakakalimutan tayo eh... " sabay turo sa cheesecakes.
Tumawa si Ron ng malakas at nagsabing "Oo nga naman... baka huling pagkakataon ko na kumain nito...." at biglang natigil saglit na parang biglang pinigilan ang sarili sa mga susunod na sasabihin "...at hindi na gumawa dito sa pinas ng ganyan ang Starbucks.... Pano na?... mapapalitan na natin ang listahan ng mga paborito natin niyan?... wala na rin tayo dahilan para magtagal dito sa coffee shop na ito kung puro drink lang order natin.." sabay bitiw ng kanyang buhay na buhay na ngiting abot tenga na sinabayan pa ng pagtaas baba ng kanyang kilay.
Natawa na lang ako sa ginagawa niya at sabay na kaming bumalik sa pagkakaupo sa aming mesa. Napaisip akong saglit sa kanyang sinabi ngunit mas magandang huwag ko na lang bigyang puna at dahilan ang halos lahat ng bagay.
Siyempre, nilantakan na namin ng magana ang paborito naming blueberry cheesecake. Sa bawat subo na ginagawa namin at nagkakatinginan kami at nagbabalikan na lang kami ng mga ngiti.
Nang matapos na kami sa pagsimot ng aming paboritong pares ng inumin at cake. Mabagal kaming naglakad pabalik sa kanyang kotse.
Dahil sa hindi naman kami nagmamadali, habang naglalakad nakaakbay siya sa akin ng mahigpit na mahigpit na halos hindi na ako makapaglakad ng tuwid at nakasandal lang ako sa kanyang dibdib kasama ang leeg kong nakabaluktot nang nagpapabunggo sa aking bunbunan sa kanyang kilikili.
Nang makarating sa kotse ay pinagbuksan na niya muna ako ng pinto bago muna siya sumakay. Sa tabi niya ako nakaupo.
Dahan-dahan naming binaybay ang daan patungong videoke bar na tinutukoy niya dahil sa medyo madilim na sa kalsada at delikado ang magmadali sa pagmamaneho.
Nang makailang ikot ay nakarating na rin kami sa aming pupuntahan. Medyo malayo sa mga rest house na nasa paligid ng videoke bar kaya pala okay lang iyon doon. Si Ron ay pinatunog ang door bell.
Bumukas ang lakaing pinto ng bar at kitang kita na mula sa aming kinatatayuan ang loob na maganda ang lugar para sa isang videoke bar sa kabila ng simpleng disenyo ng may-ari at hindi mo maitatangging Korean ang may-ari dahil maraming nakapaskil doon na sign na parehong english words at Hangeul letters na translation ang nakasulat. Binati kami ng bantay na binatang Korean na naghihintay sa tarangkahan ng "annyeonghaseyo!"..
"Nado dangsin ege annyeonghaseyo!" ang bati naman ni Ron sa kanya na aking ikinagulat.
"Marunong kang mag-nihongo?" ang tanong ko sa kanya sabay ng aking pagkakagulat. Tinawanan lang niya ako at sinabing "pyojuneo.. yun ang salita nila.. ikaw talaga... nihingo sa hapon yun!! sabay kamot sa kanyang ulo.. "
"Sorry na.. alam mo naman kami ni Kevin pagdating sa asian language Filipino at Japanese lang ang kaya naming i-identify kahit di kami marunong maghapon no...salamat na lang sa mga anime!" sabay nagpose na parang si Mark Rider Black lang at biglang belat sa kanya.
Natatawa na lang sa amin ang bantay na binata at napailing sabay sabing "Tuloy po kayo!"
Nanlaki na lang ang mga mata ko sa pagkagulat nang malaman kong tuwid pa sa pinoy ang kanyang pananalita nang tagalog. Napanganga na lang ako at natawa si Ron at ang bantay sa aking itsura.
Hinila na ako ni Ron para pumasok habang ako ay hindi pa rin makapaniwala. Nang halos magkalapit na kami ng bantay na naiwan sa pinto upang kami ay papasukin, hindi ko na napigilan sarili ko na paulit-ulit na nagbow nang nakaharap sa kanya habang naglalakad papasok at paulit-ulit din na sinabi ang "konbanwa... konbanwa.. konbanwa..".
Napansin ni Ron ang aking ginagawa at hinila na lang ako ng malakas para pumasok na habang tumatawa ng malakas.
"... ang kulit mo talaga Jemykoy!!! nakakagigil ka talaga!!!" sabay harap sa akin at kinurot-kurot ang aking pisngi habang bakas sa mukha niya ang pangigigil na parang batang musmos lang ang kaharap niya. "nihongo ang konbanwa!! hahahaha!!! korean siya hindi hapon... hmmm!!!" at walang tigil niyang pinisil-pisil ang aking pisngi habang kinakagat ang kanyang mga labi bakas na bakas ang matinging pangigigil.
Nagpatuloy kami sa lobby hanggang sa music room. Ang music room ay kasing laki lang ng tipikal na sala lang ng isang bahay ngunit wala itong bintana at sa vents lang lumalabas at pumapasok ang hangin dito. Parang kulay pink yung pintura ng pader at kisame nito pero di ko masyado makumpirma ang kulay nito. Medyo madilim dahil kakaunting ilaw lang ang mayroon doon kumukutitap pa at ang tanging pirming liwanag lang ay ang nanggagaling sa isang malaking screen ng videoke doon. Meron naman itong center table na kulay brown yata at may nakapatong don na scratchpad at ballpen.
Kami lang pala ni Ron ang tao doon. Pagdating sa music room, iniwan ako ni Ron muna doon at inabutan ng song book. "Kanta ka muna.. hanapin mo yung "Huwag Na Muna" ng Moostar88 pero wag mo muna kakantahin yon ha pagdating ko na lang. Kakagatin kita pag kinanta mo yan nang wala ako." sabay bitiw ng isang gigil na ngiti at bago umalis ay.. ".... I love you bunso!"
Umalis na si Ron. Bale wala na sa akin yung sinabi niya dahil alam kong bilang isang kapatid lang ang laman ng mga katagang iyon. Kahit kinikilig ako at umiinit ang aking dibdib dahil doon. Deadma lang.
Binuksan ko yung song book at kinuha ang papel a ballpen sa lamesa sa gitna para makapaglista na. Inuna kong hinanap yung sinasabi ni Ron at agad ko naman itong nahanap.
Hindi nagtagal, pumasok na si Ron at kasabay yung binatang bumati sa amin kanina sa labas. Nahiya ako sa kanya nang maalala ko yung pinaggagawa ko kanina bago kami tuluyang pumasok ng bar. Itinakip ko na lang ang song book sa aking mukha na kunwari naghahanap ako maigi ng kanta.
"andito na si kuya Ron-kolokoy mo bunso!... natakot ka ba sa dilim?" sabay bitiw ng mala demonyong tawang nakakaloko.
"Ako kuya?.. takot sa dilim?... ako takot sa dilim?.. mahilig kaya ako sa dilim... hehehehe" ang pilyo ko namang sinagot sa kanya at isang nakakalokong tingin. Alam kong nakuha naman ni Ron ang aking ibig sabihin bagaman ito'y isang biro laman.
"sige nga patay ko lahat ng ilaw tapos sarado ko pinto... tingnan ko kung matapang ka bunso..." ang hamon niya sa akin.
"eh.. kuya naman eh... gusto ko sa dilim pag may kasama hindi nag-iisa!!" ang sagot ko namang parang nagdadabog na bata. Na kanya namang tinawanan habang ibinababa ang mga pulutan sa lamesa. Napansin ko namang yung binatang bantay ay nagpasok ng tatlong case ng grande na aking kinagulat.
"Ron!?! tatlong case?!? grande?!? san-mig light baka gusto mo?!?" ang gulat kong naitanong kay Ron sa pag-aalalang magmamaneho pa siya.
"okay lang yan bunso... ikaw naman uubos niyan eh.. mamaya malalaman mo kung bakit mo uubusin yan.." sabay bitiw ng matamis na ngiti.
"lulunurin mo ko Ron?.. ang dami niyan!!! dalawang case nga lang namin ni Kevin parang nawala na kaluluwa ko eh.. baka sa dami niyan hindi na ako magising..." ang kuwento ko naman sa kanya nang maalala ko inuman namin ni Kevin nitong huli.
"Eh di ibigay na lang natin sa bantay yung matitira natin..." ang sagot naman ni Ron.
"ay... sayang naman... sige susubukan kong ubusin lahat yan pero..sa isang kundisyon... hindi ka iinom kahit isang patak dahil magmamaneho ka pa mamaya.." ang nag-aalalang sabi ko sa kanya.
"okay.. basta hatid kita bukas pauwi ha?" ang dagdag niyang alok sa pagpayag niya sa aking kundisyon. Okay lang kesa naman pulutin na ako sa Mendez, or sa Sta. Rosa, or sa Silang, o Nasugbu na susuray-suray na bumyaheng lasing.
Nang makaalis na ang bantay isinarado na ni Ron ang pintuan ng music room. Lumapit siya sa akin ng dahan dahan at naupo sa aking tabi. "pahiram naman nung listahan ng kanta.." ika niya at inabot ko naman ito sa kanya.
"asan dito yung pinapahanap ko?" ang tanong niya at tinuro ko naman sa kanya kung alin doon.
Kinuha niya ang remote ng player at pinatugtog yung kanta. Nakita kong nilagay niya sa repeat mode yung kanta.
"Kuya gusto mo kong gawing sirang plaka?" sabay bitiw sa kanya. Hindi siya kumibo at hindi nagbago ang ikinikilos niya.
Ihinarap niya ako sa kanya sa aking paglalasaampak sa sofa habang tumutugtog na ang gitara ng tugtog na pinahanap niya sa akin. Nang kami ay magkaharap na naramdaman kong bumilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan. Naguguluhan. Nanlalambot. Napansin kong nakatitig sa aking maigi si Ron. Nakita kong may namumuong mga luha sa kanyang mga mata na naaninag ko nang kumindat ang ilaw sa kanyang mukha. Nagtataka ako kung bakit siya ganon. Hindi ko pa siya masyadong kilala ngunit sobra ang pagmamahal na nadarama ko mula sa mga titig, halik, at yakap niya. Hinaplos niya ang aking mukha at hinawi ang aking buhok.
"Bunso... masayang masaya ako ngayon... " bigla siyang natigil sa sasabihin at nagpatuloy " masaya kami ni Kevin.. " at naputol nanaman ang kanyang sasabihin at nagpatuloy siya sa paputol putol na mga salita "sorry talaga kung nasaktan kita.... kanina.. naaawa ako sa lahat ng pinagdaanan mo... sana hindi mo na dinanas iyon... gusto kita ngayon tulungan kalimutan mo na si Dexter.. nandito kami ni Kevin.. mahal ka naming dalawa... Sana matuto kang mahalin... din kami bilang mga kuya.. " ang sabi ni Ron.
"What?! Ano daw?! Naguluhan ako dun ha. Anong meron? Bakit ganito?" ang nasabi ko sa aking sarili na gulong gulo na bigla. Hindi ko na maitago iyon sa aking mga mukha.
Napansin ni Ron iyon a nagsalita siya sa saryoso niyang boses"Alam mo yung lyrics niyan?" sinagot ko lang siya ng pagtango.
"Wala akong gagawing masama sa iyo bunso... gusto ko lang na magrelax ka.. " ang uto sa akin ng malambing na boses ni Ron. "P- pano ako marerelax non?!? Sa ganitong lagay natin?? Relax kuya?? Seryoso ka??" ang sigaw ko naman sa sarili.
"ipikit mo lang ang mga mata mo... at alisin mo muna ang kahit anong nasa isip mo ngayon... tatayo tayo ngayon.."
Ipinikit ko ang aking mga mata. Inaalalayan ako ni Ron sa pagtayo sa aming pagkakaupo. Inilakad niya ako ng kaunti at naramdaman kong parang mas malapit ako ng kaunti sa screen dahil dama ko ang kabog ng mga speakers sa aking dibdib habang nagagatilyo ang gitara ng musika.
Ilang saglit pa. Narinig ko naman ang boses ni Ron.
"Gusto ko sana sa oras na ito.. wala ka nang iniisip... at nakikinig na lang sa boses ko... at sa musikang naririnig mo..." ang sabi na lang sa akin ng malamig na boses ni Ron. Ngayon lang nagbalik sa akin ang boses niya ay napakapamilyar ngunit hindi ko pa rin maalala kung sino at saan ko narinig ang boses niya.
"Gusto kong awitin mo na ang kantang naririnig mo... wag kang titigil... sabayan mo lang ito... damdamin mo ang bawat linya ng kanta..." ang sabing malumanay ni Ron na nasa aking tabi at nakaakbay na sa akin. Agad ko namang sinunod dahil tamang tama ang timing ng utos niya sa pagulit muli ng kanta.
Panaginip ko sa yo giliw, hanggang sa paggising
Nangingibabaw sa isip na ikaw ang kapiling
Sana'y wag ng magbago pa ang puso kong ito
Sinisigaw ng damdamin na wag ibigay sa yo
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo
Panaginip ko sa iyo giliw ang ating sumpaan
Na di magawang tapusin sa langit at lupa
Binigay ko sa iyo ang nag-iisang mundo
Nagulo lang ang ito, unti-unting nagbago
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo
Ang pag-ibig ko, di muna ibibigay,
Ang tiwala, ay huwag na muna
At di na iiyak
Sasabihin ko sayo giliw, hanggang dito muna
Ang pag-ibig na hanap, saka na lang kaya
Mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari
At ayokong masisi sa bandang huli
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo..
Matapos kong isang beses ang kanta at nang tumugtog nanaman ang intro ng kanta ay naramdaman kong dahan-dahang bumalot sa akin ang kanyang mga bisig hanggang sa mayakap na niya ako ng tuluyan ng mahigpit.
Hindi ko na iyon pinansin.
Itinuloy ko lang ang aking ginagawa ngunit sa pagkakataong iyon dahandahan ko nang nararamdaman ang kirot na itinatago ko sa aking dibdib.
Hindi ko na napigilan at umiiyak na ako habang kumakanta. Nanginginig ang aking boses. Hindi ko na napansin na si Ron ay nagsasalita.
Kahit naririnig ko sa aking kanang tenga ang kanyang mga sinasabi. Hindi na si Ron ang naririnig kong nagsasalita sa akin. Nagpatuloy ako sa aking pagkanta ngunit humahagulgol na ako...
"Sorry Jeremy... sorry sa lahat ng pagpapaasang nagawa ko sa iyo noon... nasabi kong mahal kita ngunit ako'y sadyang puno lang nang takot na ... baka itanggi mo ako.. mahal na mahal din kita ngunit... tulad mo... hindi ako sigurado sa aking pagkatao... gusto ko pag hinarap kita... sigurado na ako... sana maunawaan mo... mahal na mahal kita at gagawin kong lahat.. kahit buhay ko pa ang kapalit..."
Nangingibabaw sa aking isip na ikaw ay kapiling...
Humigpit ang aking yakap na para bang si Dexter ang nakayakap sa aking likuran. Nagaalab ang aking itinabing pagmamahal at lubos na pangungulila sa kanya. Sinuklian naman iyon ni Ron ng mga maririing halik sa aking leeg at batok habang nagpatuloy ako sa kanta't iyak na aking ginagawa.
Sinisigaw ng damdamin na wag ibigay sa yo...
"Kuya Dexter!!!! Mahal na mahal kita.... bakit ginagawa.... mo sa akin ito?!?!?!!!!! bakit mo ako pinahihirapang lubos sa pangungulila sa iyo?!?!..... " hindi ko na napigilang humagulgol at sumigaw habang umaalingaw ngaw sa akin ang lyrics ng awit na sinubukan ko rin kantahin pa rin sa kabila ng hirap at sakit na nararamdaman ko.
Ang tiwala ko sa yo, naglaho na sa abo
Panaginip ko sa iyo giliw ang ating sumpaan
"Mali bang... minahal kita.... kahit hindi kita nakikita?!?!... sabi mo walang iwanan!!!! bakit ganito?!? bakit!!!!" Naninikip na ang aking dibdib. Hindi na ako makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko para kay Dexter. Naghuhumiyaw na lang ako na para bang kausap ko lang siya.
Binigay ko sa iyo ang nag-iisang mundo
Nagulo lang ang ito, unti-unting nagbago
" sa iyo ko na nasabi lahat ng tungkol sa akin... sa araw araw ko at naging ganoon ka rin sa akin.. sabi mo mahal na mahal na mahal mo ako... pero bakit ganito?!! namuhay akong parang nasa tabi ka lang!!!! pano ko ipapaalam sa iyo na ganito na kita kamahal ngayon kung ginagago mo ko?!!"
Sasabihin ko sayo giliw, hanggang dito muna
Ang pag-ibig na hanap, saka na lang kaya
Mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari
"ano bang pakay mo at hinayaan mo pang magkaganito ako sa iyo?!!! bakit?!!! nangako ka!!! nangako ka!!!! bakit?!! mahal pa rin kita sa kabila ng lahat ng ito!!!! at hindi ko na mababago yon!!!! ....uhuhuhu....." lumuhod na lang ako at si Ron ay sumunod din na nanatiling nakayakap sa akin.
Napansin kong basang basa ang kanang balikat ko ngunit di ko na to inintindi pa dahil sobrang sakit na ng aking dibdib at mga mata.. tumuba na lang akong nakatagilid sa sahig at sumunod naman si Ron. Ang kanyang mga bisig ang nagmistulang unan na sumalo sa ulo ko sa pagkakauntog sa sahig.
Tuloy pa rin ang pagtugtog ng musika ngunit nakarelate na ako sa mga linya ngayon. Sumasang-ayon na ang aking damdamin na pakawalan na si Dexter at tanggapin ang kanyang kawalan.
Maya-maya nagulat akong may nagpunas ng aking mga luha sa pisngi. Amo'y Lacoste Red ang panyo.
Pamilyar ang amo'y na iyon. Kilala ko siya ngunit lutang ang isip ko. Nagtaka akong panong napunsan ni Ron ang mukha ko kung ang magkabilang bisig niya ay nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit.
Ngunit sadyang napagod sa ko sa aking pagsigaw para gumalaw pa. Naramdaman ko na lang na biglang may humalik sa aking pisngi na tuluyang gumising sa aking ulirat at nilingon ang taong iyon...
(itutuloy)
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment