Friday, February 11, 2011

Back to December (2)

Nakakainis talaga ang Ryan na ‘to. Sinabi ko na ngang umalis pero nandito pa rin, pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin. Fuck! Bwisit! Pati ba naman sa panonood ng TV ay sinasamahan pa ako. Hindi ko kailangan ng PA na katulad niya. Hindi ko din kailangan ng yaya, ng supervisor, at ng janitor. Kaya kong tumayo sa mga sarili kong mga paa. Pero talagang may lahing epal ang bwisit na ‘to. Tsssssss.

“Joseph, hindi ka ba talaga nagugutom?”

Hindi ko siya sinagot. Wari’y wala akong naririnig.

“Gusto mo kain tayo sa Italianni’s? My treat.”

Ang kulit! Ayaw pa akong tantanan. Tssssssss.

“Or ipagluto na lang kaya kita ng Charlie Chan? Favorite mo yun diba?”

Hmmmm. Tatanggi pa ba ako? Kahinaan ko yata yun. The best siyang magluto nun, mas masarap pa sa Yellowcab. Kahit na hate na hate ko ‘tong bwisit na ‘to, kakalimutan ko muna.

“Ok. Sige pagluto mo ko. Bilisan mo ha.”

“Ok boss! Is there something else you want, sir?”

“Wala… can you serve it with a glass of ice cold red wine. Pakisamahan ng konting bilis.”

“Ok.”

Lakas makapang-asar nitong gagong ‘to. Nginitian pa ako bago tumayo sa kinauupuan. Kung di lang kita naging kaibigan inupakan na kita. Pacute ka pa, wala namang epekto sa akin yan.

Matapos ang halos mag-iisang oras na pagluluto…

“Ang tagal ah. Napakabagal mong kumilos. Kung chef ka sa restaurant namin, tinanggal na kita.”

“Thank God hindi ako nagtratrabaho sa inyo.” Sabay ngisi.

“Talaga. Kung ikaw rin lang naman ang chef, hindi na ako kakain dun.”

Matapos ko siyang asarin ay kinain ko na ang niluto niya. Gutom na gutom ako. Simula pa kagabi ay hindi pa ako nakakain ng matinong pagkain. The best talaga siya pagdating sa pasta. Halos lahat ng pasta na niluluto niya ay nagugustuhan ko. Pihikan pa naman ako sa pagkain. Napansin kong nakatitig lang siya sa akin habang kumakain.

“Oh ano? Tutunawin mo ba ako sa pagtitig mo?”

“Ah… eh… hindi naman. Ano masarap ba?” halata ang kanyang pagkataranta ng pansinin ko ang kanyang pagtitig.

“Okay na rin. Masarap yung sauce pero yung pasta medyo overcooked. Pwede na ring pagtiyagaan.”

Kitang kita ang biglang pagbabago ng expression ng mukha niya. Parang na-disaapoint siya sa mga sinabi ko. Adding insult to the injury, binigyan ko pa siya ng isang nakakapang-asar na ngisi. Halos mangiyakngiyak si loko sa aking pinakita. Sadista yata ako. Gustong gusto kong nakikita na nahihirapan ang ibang tao. Ilang sandali pa ay nakatanggap si gago ng tawag sa blackberry niya. Mukhang si Tito Ronald ang tumawag sa kanya kaya’t dali-dali siyang nagpaalam.

“Joseph, iwan muna kita for now. Pinapatawag kasi ako ni Dad. Balik din ako maya-maya.”

“Much better. Wag ka nang bumalik, mas better (best na yun ah) para sa akin.” Seryoso kong bilin sa kanya.

“Basta. Adios for now.”

Dali-daling nanakbo si loko papunta sa garage ng bahay. Sa wakas, ako na lang mag-isa sa bahay na ‘to. Sanay naman akong mag-isa. Kahit pa nung mga panahong maayos pa ang relasyon ng magulang ko ay iniiwan na nila akong walang kasama. Si Ryan lang ang kasa-kasama ko simula pagkabata, at ayun nagladlad pa si Gago. At dahil mag-isa na naman ako, pumasok na naman sa makitid kong utak ang mga problemang pilit iniwasan. Kani-kanina lang ay nageenjoy pa ako sa kinakain ko pero nawalan na ako ng gana. Mahirap pa lang mag-isa. Kahit sanay na ako, nahihirapan pa rin ako. Ok na rin siguro na pagtiyagaan ko ang company ni Ryan. At least may kasama pa rin ako.

Sa buong maghapon na pagkukulong ko sa bahay, nagawa ko na yata ang lahat ng pepwedeng gawin. Mararamdaman mo lang na mabagal ang oras kapag wala kang magawa. Kaya sa mga natira kong oras ay naupo ako sa isang tabi. Nakinig sa playlist, tumitig sa kawalan. Nag-isip ng mga bagay na malungkot. Binalikan ang masasakit na pangyayari sa buhay ko. Sadista nga talaga ako kaya pati ang sarili ay gustong gusto kong saktan. Unti-unting pumatak ang luha mula sa mata na naliligaw na sa kawalan. Kalalaki kong tao, heto ako’t umiiyak na naman. Ito ang kabilang side ng sarili ko na hindi ko pinapakita sa iba. Kung sa tingin nila ay malakaas ako, doon sila nagkakamali. WEAK ako. W-E-A-K. WEAK.

Wala namang masamang umiyak. Sa katunayan, hobby ko yun sa tuwing mag-iisa ako. Doon ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob na naipon sa dibdib ko. Wala din namang rule na bawal umiyak ang mga lalaki. Naniniwala ako na wala sa pag-iyak ang basehan ng tunay na pagkalalaki. Sa kaso ko, ako lang naman ang nakakasaksi sa pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Kahit pa ang mga magulang ko ay hindi ko pinakitaan ng panghihina. Sa sarili ko lamang kayang ipakita ang kabilang parte ng aking pagkatao.

Patuloy pa din ako sa “hobby” ko biglang mag-ring ang phone ko. Tsk! Si Ryan na naman. Hindi niya ba talaga ako tatantanan? Basag trip to ah! SHIT talaga!

Nakakapagod talagang magluto nitong Charlie Chan. Napaka-rami kasing ingredients kaya ako natatagalan. Pero sulit naman, at least si Joseph ang kakain. Alam ko namang hindi niya matatanggihan ang alok ko. Kahinaan niya yata ang mga pasta na niluluto ko. Matapos kong iluto ay inihain ko kaagad sa kanya ang pinaghirapang pasta dish. Sabi nga nila, masa masarap pa ang gawa ko kaysa yung nabibili sa Yellowcab.

Habang kumakain si Joseph ay nakatitig lamang ako sa kanya. Iniintay ko ang reaksyon niya sa niluto ko. Pinagmamasdan ko rin ang perpektong mukha na mayroon siya. Hindi ko pagsasawaan ang pagtitig doon. HEAVEN. Maya-maya ay sinaway niya ako sa ginagawa ko. BASAG TRIP!

“Oh ano? Tutunawin mo ba ako sa pagtitig mo?”

“Ah… eh… hindi naman. Ano masarap ba?” natataranta kong sagot

“Okay na rin. Masarap yung sauce pero yung pasta medyo overcooked. Pwede na ring pagtiyagaan.”

Yun lang? Pinaghirapan ko ang pagluluto niyan tapos sasabihin niyang overcooked yung pasta. Napasimangot ako sa sinabi niya. Na-disappoint ako sa sarili ko. Akala ko pa naman mapapasaya ko si Joseph sa ginawa ko. Pero eto, palpak pa rin ang ginawa ko. Halos lahat yata ng bagay na ginagawa ko para sa kanya ay palpak. Nang tumingin sko ulit sa mukha ni Joseph ay nagpakita pa ito ng pagka-disappoint. Kilalang kilala ko na siya kaya alam ko na ang ngising yun ay nangangahulugang disappointed siya. Halos mangiyakngiyak na ako sa pagod at pagkainis. Naiinis ako sa sarili ko. Luluha na sana ako ng maramdamang nagvibrate ang phone ko. Si Dad pala

“Hello.”

“Nasaan ka Ryan?”

“Dito po kina Joseph. Bakit po?”

“I need you to go here sa office. May importante akong sasabihin sa iyo.”

“Ok po. Papunta na.”

“I want you here ASAP. Sige bye”

Kinabahan naman ako sa sinabi sa akin ni Dad. Dali-dali tuloy akong umalis kahit na gusto ko pang mag-stay. Nagpaalam ako kay Joseph. Hanggang sa pag-alis ko ay hindi pa rin ako nakaligtas sa kanyang insulto. Nang makalabas ng bahay, pumatak na ang luhang kanina ko pa pinipigil. Naiinis ako sa sarili. Halata namang ayaw akong kasama ni Joseph, pero bakit ko pa pinagpipilitan ang sarili sa kanya. Manhind ba ako at kumakapal ang mukha dahil lang sa desperado akong ipakita sa kana yang aking pagmamahal? Ang tanga ko talaga. Fuck you Ryan! Tanga mo!

Habang nasa sasakyan ay patuloy pa rin ang pagluha ko. Para naman mabawasan ang pagmumukhang tanga, ay sinabayan ko pa ang tugtog galing sa player ng kotse. Mas lalo tuloy akong nagmukhang tarantado. Feel na feel ko pa ang pagkanta habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.

“I just had sex! And it felt so good. I will never go back to not-having-sex ways of the past”

Isipin niyo na lang ang itsura ko, gago ko diba? Sanay na naman akong magmukhang tarantado, bobo, tanga at lahat na ng shit na pwede mong itawag sa isang tao. Halos lahat ng mga tao sa paligid ko’y hindi ako na-appreciate. Ang masama pa niyan, puro negative comments pa ang binibigay sa akin. Puro flaws ko lang ang kanilang napapansin. Natuto na tuloy akong i-down ang sarili. Masakit na walang tao na nakaka-appreciate sayo. Kahit nga yung mahal na mahal mo, hindi ka kayang tanggapin.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa office ni Papa. Pinunasan muna ang mga luha na dulot ng katangahan bago lumabas ng kotse. Dali dali naman akong pumasok sa loob ng malaking gusali at kaagad na tinungo ang office of the president. Pinasabi ko sa secretary ni Dad na nakarating na ako at ilang sandali pa ay pinapasok na ako sa loob.

“Oh hijo, maupo ka na muna diyan. May tatapusin pa ako.”

Sa isip-isip ko, minadali pa ako meron pa pala siyang ginagawa. ASAP pala ha. Ano ba yan? Hindi alam ang ibig sabihin ng ASAP! Kainis. Halos makatulog na ako ng kahihintay ng sa wakas kausapin na ako ni Daddy. Marami siyang sinabi sa akin. Tungkol iyon sa bagong project ng company, new product na irerelease sa market. At dahil naa-ayon naman yun sa kursong kinuha ko, ako ang ginawa niyang head sa product development na ito. Marami pang kalokohan ang sinabi ng tatay ko bago niya ako paalisin. Ng palabas na ako sa ng kanyang opisina…

“Muntik ko ng makalimutan. Ryan, magkakaroon nga pala ng seminar about freeze concentration, microbial stability at thermal processing next week. Sa Vancouver gaganapin yun at invited ang kompanya na magpadala ng representative. Tutal naman Christmas break niyo na, ikaw ang gusto kong pumunta dun. Isama mo si Joseph. Hindi kita papayagan ng wala kang kasama. Ilang weeks din kasi ang convention na iyon kaya mas ok kung may kasama ka. Tutal, magkapareho naman kayo ng kurso ni Joseph at tiyak makakatulong iyon sa inyo. Naiintindihan mo ba?”

“Ok po.”

Ano ba yan, ako pa ang pinapunta. Nakakainis naman. Hindi man lang ba naisip ni Daddy na magpapasko at hiwahiwalay na naman kami pagsapit nun? Kaasar. Tsaka nakakasawa na ang mga microorganisms na yan. Paulit ulit. Pero sa isang banda, ilang weeks din kaming magkakasama ni Joseph. Pwede na rin siguro. Hahaha. (insert evil laugh here). Napakalandi ko talaga. At dahil excited, tatawagan ko nga si Joseph. Tiyak naman hindi yun makakatanggi lalo pa’t si Dad ang nag-utos. Akin ka lang Joseph sa mga susunod na linggo. (insert malanding tawa).

No comments: