No Boundaries
Chapter XXII
Pagmamahalang Wagas ni Nicco at Andrei
Natapos na ang bakasyon, ngayon ay haharapin na ulit ang bagong taon para makapag-aral. Si Stephanie ay kumuha ng advance subjects sa Australia kung kayat ang apat na taon sanang pag-aaral ng Public Administration ay naging tatlo. Sa ngayon ang dalaga ay nakapasok sa munisipyo bilang Head ng Public Relations Office.
Lumakad ang mga araw at gaya ng dati ay madals magkaroon ng tampuhan ang dalawa. Madalas magselos si Nicco, higit pa ngayon na naging Mr. Engineering si Andrei. Madaming nakadikit na mga babae at pinapantasya din ng mga bading. Minsan nga ay inaalala nito ang kasintahan na baka may mag-offer ng indecent proposal kapalit ay grades. Mas lalong naging protective si Nicco kay Andrei, mas hinigitan niya ang paglalambing dito. Lagi din niyang inaalala ang academic standings nito kayat ang laging sitwasyon sa apartment nila ganito.
“Andrei ko, pagkakain mo gumawa ka na ng mga assignments mo.” paglalambing ni Nicco.
“Opo mahal kong Nicco pagbubutihin ko para sa iyo” sagot ni naman ni Andrei.
“Dapat lagi kang nag-aaral at nagrereview ng mga pinag-aralan ninyo.” Pagkasabi ni Nicco nito ay lalapit sa likuran ni Andrei para yakapin.
“Ang sweet naman, kaya madaming langgam dito sa bahay dahil sa inyo, naiinggit tuloy ako, sana andito din si Steph.” sabay tawa pagkasabi ni Andrew ng ganitong mga kataga.
“At ikaw naman Kuya Andrew ko, hindi ko mo’t pagmamay-ari ka na ni Steph eh hindi na kita pakikialaman” nakangiting wika ni Nicco.
“Kaya sa iyo ako, kasi hindi ka nakakalimot” isasagot naman ni Andrew kay Nicco.
“Tigil na iyan, baka magselos pa ako.” Idudugtong pa ni Andrei at sabay na magkakatawanan ang tatlo.
Karaniwan na ang ganitong mga sitwasyon sa tatlo tuwing magkakasama.
Si Nicco naman ay dalawang taon ng napagwawagian ang Tinig Unibersidad, isang singing contest na para sa buong unibersidad nila. Nakilala din ng madami at hindi maikakailang madami ding humahabol dito ng tingin. Lalo na’t malapit ito sa mga tao, kahit hindi niya kakolehiyo ay madami siyang kakilala. Naging daan ito para makapasok siya sa Student Council. Lagi naman siyang sinusuportahan ni Andrei sa lahat ng proyekto nila. Maging si Andrew ay naging active din dahil sa dalawa.
Si Andrew naman ay sumikat dahil tulad ni Andrei ay naging Mr. Accountancy ito. Bantay sarado din it okay Nicco dahil iyon ang pangako niya kay Steph. Dumami man ang umaaligid sa kanya, di niya pinapansin, lagi niyang iniisip, “maglaway kayo sa akin, basta si Stephanie na ang may-ari sa akin.”
Mas lalong naging madalas ang tampuhan ng dalawa pero sa bandang huli ay nagkakaayos din. Habang dumadami ang tampuhan, mas lalo naman silang nagmamahalan. Minsan nang naisipang dumalaw ni Andrei kay Nicco sa kwarto nito ay nakita niya ang minamahal. May nakahigang babae sa balikat nito. Bukod dito, may nakita din siyang nakatitig sa mahal niyang si Nicco na tila ba hinuhubaran na ang mahal niya. Pagkaalis ng ulo ng babae ay saka naman ang lapit ng lalaki, kitang-kita niya kung paano nito dinikit ang ari niya sa likod ng mahal na si Nicco. Pagkatapos nun ay walang pakundangang niyakap nito ang mahal niyang si Nicco. Nakita niyang nagwawala ang mahal niyan si Nicco, ngunit tumatawa. Hindi na sana niya papansinin pa kahit selos na selos na siya para hindi na sila mag-away pa, pero hindi talaga niya kayang magpigil ng damdamin.
“Nicco” tawag niya mula sa likuran.
Agad namang binitiwan ng lalaki si Nicco “Kuya Andrei, ikaw pala” nakangiti nitong wika.
Nang makalayo na ang dalawa ay sinabi ni Nicco “Ang sweet sweet talaga ng Kuya Andrei ko, dinadalaw pa ako.”
“Minsan na nga lang kitang dalawin eh nahuhuli pa kitang nagtataksil” malungkot na wika nito.
“Asus, ang Andrei ko, nagseselos.” Nakangiitng sabi ni Nicco.
“Hindi kaya ako nagseselos” sagot ni Andrei.
“Anong hindi, kita naman sa iyo” nakangiti pa rin si Nicco sabay tingin sa mga mata ni Andrei. Tila alam ni Nicco kung paano paamuhin ang kanyang Kuya Andrei dahil sa ginawa niya ay tila lumambot ang puso ni Andrei at nawala ang pagseselos nito.
“Aminin mo na nagseselos ka. Natutuwa nga po ako kasi nagseselos ka.” saad ni Nicco.
“Oo nagseselos ako, nagseselos ako dahil mahal kita. Nagseselos ako dahil ayaw kong mawala ka sa akin. Ang selos ay isang magandang ekspresyon ng pagiging makasarili dahil ayaw kong may kahati sa iyo na taong minamahal ko.” sagot ni Andrei.
“Nakaktuwa talaga Kuya ko. Healthy iyon sa isang relationship, kaso dapat mag-ingat, dahil baka hindi mo namamalayan nabibitawan mo na pala ako, hindi ko pa naman kayang humawak ng ako lang mag-isa.” sagot ni Nicco “pero huwag kang mag-alala, mananatili akong nakakapit hanggang sa maibalik mo ang pagkakahawak mo sa akin dahil mahal kita.” Dagdag pa niya.
Tila nasiyahan ang dalawa sa sagot ng bawat isa, kung kayat lalo nilang napatunayan ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa ay mananatiling matatag anumang unos ang dumating.
Unang nakakauwi sa bahay lagi si Nicco, pero sa pagkakataong iyon ay nais niyang makabawi sa Kuya Andrei niya kaya pinuntahan niya ito sa kwarto nila para sabay na silang umuwi. Hindi niya maasahan ang kanyang nakita duon. May kaakbay itong babae na mahahalatang maganda at mayaman, mga tipong kalolokohan ng madaming kalalakihan. Hindi niya kaya na makita pa ang Andrei niya sa ganuong sitwasyon. Tila habang tumatagal na makita niya ito sa ganuong sitwasyon ay nadudurog ang puso niya. Ipinagpasya niyang umuwi na lang at huwag ng tanungin si Andrei tungkol sa bagay na iyon.
Pahakbang na siya palayo ng may tumawag sa kanya “Nicco” sabi ng isang tinig. Hindi niya ito nilingon sa pag-aakalang ibang Nicco ang tinatawag.
“Niccollo Emmanuelle Ray” sigaw ulit nito, pamilyar sa knaya ang tinig kayat lalo niyang nasiguradong siya ang tinatawag nito.
“Carl, ikaw pala iyan.” sagot niya. Si Carl ang kasamahan niya sa Student Council, nalimutan niya na Enginering nga pala ang kinukuha nito.
“Saan ka papunta, ano ang ginagawa mo dito sa floor namin?” tanong ng gwapong si Carl.
“Wala lang napadaan lang” sagot niya.
Bigla namang napatayo si Andrei nang marinig ang pangalang Nicco at bigla siyang napatakbo ng marinig ang buong pangalan ng kanyang mahal. Tumalon sa tuwa ang puso niya ng malamang dinalaw din siya ng mahal niya. Hinitay na muna niyang makaalis si Carl bago niya lapitan ang kasitahan.
“Nicco, napadalaw ka ata?” tanong ni Andrei na bakas ang katuwaan.
“Sabay sana tayong umuwi kaso nagbago na ang isip ko kaya hindi na din kita tinawag.” Sagot ni Nicco sa mahinang tinig.
Naramdaman ni Andrei na nagseselos si Nicco kayat hinila niya si ito sa malayo “Nicco ko, kung ano man ung nakita mo kanina wala lang iyon.” Panimula nito “biruan lang namin iyon at normal na sa amin iyon.” Dugtong pa nito.
“Wala naman sa akin iyo. Huwag kang mag-alala nagtitiwala ako sa iyo, binibigay ko sa iyo ang lahat ng tiwala ko” sagot ni Nicco “sige na uwi na ako, bibili na lang ako ng pagkain para hindi na tayo magluto ah” paalam na Nicco.
Pipigilin pa san niya si Nicco, subalit dumating na ang Prof. nila kayat hinayaan nalang niya na makauwi ang mahal at sa bahay na lang aamuin. “Sige mag-iingat ka” nag-aalalang wika nito.
Hindi nagawa ni Andrei na magconcentrate dahil isa lang ang nasa isip niya. Nasaktan niya si Nicco, si Nicco na pinakamamahal niya. Hindi siya makakatagal na may galit sa kanya si Nicco. Tila ang isang oras at kalahati ay napakatagal na para sa kanya. Nang matapos ang klase ay agad umuwi si Andrei. Pagpasok pa lang ng bahay ay nanibago na siya sa nakita. Hindi tulad dati na si Nicco ang unang sumasalubong sa kanya ay wala ito ngayon. Si Andrew lang ang nakita niya na nanunuod ng TV.
“Kamusta na ang araw mo?” tanong ni Andrew.
“Eto maayos naman” sagot niya “si Nicco?” sunod na tanong niya.
“Nasa kwarto masama ang pakiramdam” sagot naman ni Andrew “tingin ko nga may lagnat, kasi pagdating dito kumain sandali tas nakatulog na.” dugtong pa nito.
“Ganuon ba” pagkawika nito ay pinasok niya ang kwarto nito at nakita nga niyang nahihimbing na ito. Nilapitan niya at saka binigyan ng isang halik sa noo.
May tatlong kwarto ang apartment na iyon, may sala, kusina at kainan. May kalakihan din at masasabing sakto na para sa kanilang tatlo.
Naninibago man ay pinilit niyang ngumiti para hindi makahalata ang kakambal. Pagkatapos kumain ay dumiretso ito sa kwarto ng minamahal niya si Nicco. Tinabihan niya ito saka niyakap, hinaplos ang mukha at binigyan ng mumunting mga halik. Tila inaamo-amo niya nang sa ganuon ay mapatawad na siya.
“May tiwala ako sa iyo, tiwala ang bagay na dapat taglay natin para lalong tumibay ang pagmamahalan natin. Kaso huwag sanang abusuhi o samantalahin ang tiwala sapagkat mahirap na itong ibalik sa dati.” wika ni Nicco sa mahinang tinig.
“Sorry na mahal kong Nicco, narealize ko, mali ang ginawa ko. Kahit na sabihing kaibigan ko lang iyon, hindi pa rin tama, dahil alam kong masasaktan ka pagnakita o nalaman mo na ganuong ang pinapakita ko sa kanila.” sagot ni Andrei.
“May pagkakamali din naman ako sa iyo, iyong nakita mo kanina, hindi ko din dapat hinahayaan iyon, dahil alam kong may isang tao na akong masasaktan pag nalaman niya na ginagawa ko iyon.” sagot ni Nicco na may pagsisisi.
“Bati na tayo?” tanong ni Andrei.
“Opo naman, mahalaga nalaman natin kung saan tayo nagkamali para maitama nadin natin ito hanggang maaga.” Sabay harap kay Andrei at bingyan ng isang halik sa labi.
“Mahal na mahal kita Nicco, ikaw lang ang buhay ko, wag mo akong iiwan” pagsusumamo ni Andrei.
Mahal na mahal din po kita Andrei ko, hindi kita magagawang iwan, sana ganuon ka din sa akin” sagot ni Nicco sa mahal niyang si Andrei.
Higit isang oras ding nag-usap ang dalawa ng magkayakap. Lumabas na si Andrei sa kwarto ng mahal niyang si Nicco para makagawa ng mga dapat niyang gawin.
“Ano Kuya? Napaamo mo na ba ang mahal mo?” tanong ni Andrew.
“Oo bro, magaling na ang Nicco ko” sabay ang mahinang tawa.
Mula ng gabing iyon ay lalong naramdaman ng dalawa na mas lalo nilang iniibig at minamahal ang isa’t-isa. Pinatutunayan lang nila na walang limitasyon ang pagmamahalan at hindi dapat husgahan ang ganuong uri ng pagsasama.
Love is not bounded by any chances. It is the two truly in loved people that matters. No matter what, love knows NO BOUNDARIES.
No comments:
Post a Comment