Saturday, February 12, 2011

No Boundaries - C30

Ang Buhay Matapos ang Isang Taon

Isang taon na din ang nakakalipas buhat ng mawala si Nicco.unang taon ng kamatayan nito. Sariwa pa sa alaala ng lahat ng nagmamahal ang Nicco na minahal nila. Ngayon nga ay nakatakda silang bisitahin ang puntod ni Nicco. Alayan ng dasal at panalangin. Pinaghandaan ng tatlong pamilya ang araw na ito. Ang pamilya ng San Agustin Seminary, pamilya del Rosario at pamilya de Dios.
Maagang nagising si Andrei ng araw na iyon. Pinasya niyang pumunta muna sa kanilang lumang bahay para alalahanin ang magagandang alaala ni Nicco na taglay ng lugar na iyon.
“Nicco, natitiyak kong sa pagpili ko sa iyo mula sa isang libong posibilidad ay hindi isang pagkakamali. Nararamdaman kong tama ang ginawa kong piliin ka at ang ginawa ng puso kong mahalin ka ng lubusan.” mahinang turan ni Andrei.
“Kuya Andrei” bati ni Andrew mula sa likod “Ang aga mo dito ah.”
“Hindi naman” sagot ni Andrei “Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Andrei.
“Wala lang inaalala ko lang ang bahay na ito. Alam ko kasing may alaala din si Nicco sa lugar na ito” sagot ni Andrew sa kakambal.
“Tama ka bro” pagsang-ayon ni Andrei “akala ko dati malulungkot lang ang alaala ko dito, pero dahil kay Nicco, minahal kong ulit ang lugar na ito” dagdag pa niya.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa.
“Mabait talaga si Nicco kahit hanggang sa huli. Siguro kung andito pa si Nicco, patuloy ko lang na masasaktan si Sandra at baka tuluyan na siyang nawala sa akin.” panimula ni Andrei “kung nagkataon nawala nadin ang isa sa kaligayahan ko. Kung hindi siguro namatay si Nicco, malamng nakatali pa din sa kanya ang puso ko. Malamang ay patuloy akong aasa sa pagbabalik niya sa akin. Marahil hindi ko maibibigay kay Sandra ang pagmamahal na dapat sa knaya. Hindi ko magagawng masuklian ang pagmamahal niya dahil si Nicco ang nasa isip ko. Hanggang sa huli gumawa pa din siya ng kabutihan para sa akin. Gumawa siya ng dahilan para hindi ko masaktan si Sandra.” Pagwawakas niya.

“Talagang ganyan Kuya” sagot ni Andrew “Punta tayo sa simbahan” anyaya niya sa kakambal.
Pagdating sa simbahan ay anduon na si Sandra, nakita nila ang dalagang nagdarasal ng taimtim. Tinabihan ito ni Andrei at sinabayan sa pagdarasal. Pagkatapos ng isang panalangfin ay nagwika ito “Tama si Nicco, kusang lalapit ang nakalaan sa atin sa oras na makita na natin ito. Madami ang inilaan para sa atin. Mula sa madaming ito, tayo ang pipili kung ano ang gusto natin. Siguraduhin nating wala tayong magiging pagsisisi sa kung ano man ang mapipili natin at higit pa ay dapat makuntento tayo sa kung ano ang makukuha natin para hindi makaramdam ng kalungkutan. Sa ngayon, masaya ako at may Sandra akong napili mula sa isang libong posibilidad.” pagkawika ay tumingin ito kay Sandra at sabay ang isang napakatamis na ngiti.
Tumalon naman ang puso ni Sandra at higit pa, napatunayan niyang labis na ang pagmamahal sa kanya ni Andrei. Ang tangi lang niyang nasabi para sa binata ay isang malambing na “Oh Andrei ko”
Pagkatapos magdasal ay sinundo na nila si Steph sa bahay at sabay sabay na nagtungo sa sementeryo. Naabutan niula duon ang ama ni Nicco na si Mang Juancho. May dalang isang bata si Mang Juancho. Nasisigurado ni Andrei na si Nicco ang hawak nitong bata. Si Nicco ang bunsong anak ni Mang Juancho sa ikalawa nitong pamilya. Ipinangalan niya ang bata sa namatay na si Nicco para dito ibuhos ang pagmamahal na ipinagkait niya sa kanyang anak.
“Tatay” masayang bati ni Andrei “kay aga po ata ninyo dito” tanong nito.
“Oo nga tatay, naunahan pa ninyo kami” pagsang-ayon ni Andrew.
“Maaga kasi akong nagising, kaya naman pumunta na ako dito” sagot nito “ang papa nyo? Hindi nyo ata kasama?”
“Maya-maya pa poi yon, inumaga na sa pagpirma para diretso ang araw niya dito.” sagot ni Andrew.
“Alam niyo mga anak” panimula niya “pinagsisisihan ko talaga at hindi ko sinabi kay Nicco ang tungkol sa pangalawang pamilya ko. Sana sa simula pa lang ay sinabi ko na sa kanya, para hindi ko siya napabayaan.” pagpapatuloy nito “pinangunahan kasi ako ng takot na baka hindi niya matanggap”
“Tay wag na po ninyong isipin iyon” sabi ni Andrei na may pag-alo “Wala po iyon kay Nicco”
“Sa tingin ko po ay masaya siya dahil alam niyang may mag-aalaga sa inyong panibagong pamilya.” dagdag pa ni Andrew.
Madami din ang nagbago mula ng mamamatay si Nicco. Ang mga kapatid nito ay natitipon sa bahay tuwing linggo. Tinanggap nila ang bagong pamilya ng kanilang ama. Hindi nila nakalimutang magdamayan. Hindi na nila ngayon sinosolo ang mga problema. Isa pa, natutunan nilang pakiramdaman ang bawat isa. Alam na nila kung paano magdamayan. Mas lalong higit, unti-unti nilang naaayos ang mga problema nila dahil tulong-tulong sila sa paglutas nuon. Sama-sama silang muli ay binigkis ng pagkamatay ni Nicco. Lalo’t higit, naging isa silang masayang pamilya.
Bukod sa kanila ay dumagdag ang mga del Rosario sa kanilang pamilya, dalawang pamilya ang binigkis ni Nicco. Higit pa rito, anak ang turing ng Don Joaquin sa mga kapatid ni Nicco at ganuon din ang turing ni Mang Juancho sa mga del Rosario lalo na sa kambal.
Sa pagkamatay ni Nicco, nagising si Don Joaquin na dapat niyang bigyang halaga ang kanyang mga anak. Kaya naman kinausap niya ang mga ito at inayos ang gusot sa pagitan nila. Tama naman ang ginawa ng Don dahil unti-unti ay umayos ang samahan sa kanilang pamilya. Magkakasundo ang lahat ng knayang mga anak. Natutunan din nila ang pagmamahal ng isang pamilya. Isang pamilyang hindi naramdaman ni Nicco.
“Sayang, wala na si Nicco” simula ulit ni Mang Juancho “hindi niya makikita ang pamilyang gusto niyang makita ang pagmamahal na hindi niya naramdaman.” Nagsisimula na namang lumuha ang matanda.
“Tay talaga oh, masaya si Nicco ngayon sigurado ko” pag-alo ni Andrei “dahil nakikita niyang umaayos ang pagsasamahan natin, kahit wala siya, alam kong nararamdaman din niya ang pagmamahal” dagdag pa nito.
“Isa pa po, si Nicco na din ang naging susi para maayos ang gusot sa mga pamilya natin. Siguro ay sinadya ng Diyos na ganitoi ang mangyari para matutunan nating ang mga aral na dsapat naitng malaman” wika ni Andew.
“Marahil ay tama kayo mga anak” sabi ni Mang Juancho.
“Sa bandang huli, kung kailan wala na saka lang naitn malalaman ang halaga. Nakapanghihinayang lang talaga at iniwan tayo agad ni Nicco. Siya pa ang naging sakripisyo para maintindihan natin ang aral na dapat nating matutunan. Nakapagsisisi at napabayaan ko ang anak ko.” sabi pa ni Mang Juancho.
“Sa sinabi po ninyong iyan ay tiyak na mas sasaya si Nicco, dahil nalaman niyang may halaga pala siya.kasi kahit mawala ang isang bagy kung hindi naman ito mahalag sa isang tao ay hindi niya ito hahanapin pag nawala o kaya ay hindi niya mapansin na nawala pala ito.” sabi ni Andrei.
“Tama po iyon tay, hanggang nasa puso natin si Nicco, habang buhay siyang mananatiuling buhay” dugtong pa ni Andrew “kita mo nga naman, nagiging Nicco na din tayong mag-isip” pabiro nitong turan.
Nagtawanan na lang ang tatlo ng dumating ang mga ate ni Nicco. Sinundan ng Don at ni Aling Martha, kasunod si Chad at Rome, si Dok Matthew, si Fr. Rex, Fr. Cris, Fr. Ed, ang rector, iba pang mga pari at mga seminarista. Pati ang mga natulungan ng organisasyong tinatatag ni Nicco. Dumating din para bumisita ang iba pang nagmamahal kay Nicco.
Matapos ang pag-aalay ng panalangin ay nagpalipad ang mga ito ng puting lobo na nagpapakita na “Sige pa Nicco, tumuloy ka sa paglipad. Salamat sa mga itinuro mo sa aming aral. Higit sa lahat, salamat sa pagtuturo mo sa amin ng --
Love knows NO BOUNDARIES
Love is not bounded by any limits
It is for two deeply in loved people
It is for pure and passionate emotion
Love can travel even there is no road to take
It never quits loving
It continually loves even there is no reason to love
It entails contentment and satisfaction
It avoids hurting others
It requires understanding
Love is an infinite journey
It needs sacrifices
It engages pain and sorrows
It never ask for return
It surrenders everything
It removes anger and hatred
It involves loyalty.
Love is the realization of deep feeling for wanting and needing
It must be felt
It must be selfless
It must be faithfully given
It must learn how to forgive purely
It must not ask for anything in return
Love inclines the endless feeling of HAPPINESS.
END

7 comments:

mcfrancis said...

habang tinatapos ko ang pagbabasa nito ay patuloy ang pagdaluy ng luha, grabe talaga ang emotion na madarama ng sinumang magbabasa nito, tagos hangang kailaliman ng puso....

to the author, ipagpatuloy nyo lang po ang pagsusulat ng mga kwento na katulad nito...

Anonymous said...

Hi!

Gusto ko lang magpasalamat sa mga kwento na nabasa ko dito..

Sa totoo lang ay para akong nakawala at nailabas ko ang pagiging ako..

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako nalulumbay sa kinalalagyan ko ngayon..

Pero pag balik ko ng Pinas sigurado akong ititigil ko na ang pagbabasa..

Babalik na ako sa dating pinagtataguan ko..

Nagustuhan ko ang mga gawa mo.. Pati yung mga naka post na iba ang gumawa.. Pakisabi din salamat..

At ito ang nagustuhan ko sa lahat..

Pakisabi kay Sir Juha na salamat dahil kung hindi sa kanya di ko ito makikita..

Paxenxa na din pala kung nag comment ako na di mo nagustuhan.. Kala ko kasi palabiro ka.. Base sa mga kwentong ginawa mo.. Iba pala ang naging tunog.. Pero sana malaman mo na may karapatan ka din malaman ang damdamin ng bawat mambabasa.. Maganda o masama man sa iyong pananaw..

Pag nakawala ulit ako sa mundo ko babalikan kita.. :)

Ingat at God Bless..

-lonely and blue..

DALISAY said...

Salamat din sa pagbabasa dito. Makakarating kay Mike ang comment na ito. Pero para sa kaalaman mo, hindi ako nagalit, at tama ka na may karapatan kayong maipahayag ang mga komento niyo. Pero sana, maalala mo rin na dapat nating ingatan ang mga salitang binibitawan natin. Ayoko lang ng may kasamang "mura" sa isang komento. Iyon lang iyon. Nakalimutan ko na ang tungkol sa pangyayaring iyon sa nakaraan, pasensiya na kung naapektuhan ka. We all learned a lesson from there. Hope you still continue reading not just on this blog but all blogs in general. Thanks for sharing your time and effort. It is highly appreciated. :)

Anonymous said...

What a nice story....tagus sa puso!!!!


-JP

iRead said...

di na ko magcocoment nang mahaba... mahalaga malaman mo na nabasa ko ang kwentong ito maraming salamat sa pagshare....


"LHG"

iRead said...

di ko pala nasabi na maganda ang kwentong ito nakakainspire...

"LHG"

Anonymous said...

after 6 months..

Kamusta Dalisay..? :)

What happened after 6 months..? :)

Happy Father's Day..

I'm so happy and blessed to know this owner of blog where I read some stories,,

Ingat and God Bless.. :)

-lonely and blue..