Two
“And it won't matter now.
Whatever happens to me.
Though the air speaks of all we'll never be
It won't trouble me.”
-Toad The Wet Sprocket
AKO nga pala si Angelo. Marion Angelo Ebenezer Alcantara.
Oo', ganyan kahaba ang pangalan ko. Galing sa lola ko, paboritong author nang aking ama at nakuha naman ni mama sa isang diksyonaryo nang mga pangalan.
Pero Angelo lamang ang palaging itinatawag sa akin, sa bahay man o sa aking trabaho. Limang taon na akong staff nurse sa isang pampublikong ospital na bagamat hindi ganoon kalaki ang sahod ay ayos din naman sa dala nitong mga benipisyo.
Nagkaroon nang dalawang girlfriend na taon din naman ang itinagal ngunit hindi ko lang talaga alam ang dahilan kung bakit ngayon ay hindi ko na sila kasama. Iyong una ay ipinagpalit ako sa kanyang first love samantalng ang isa naman ay "It's all about me, not you" ang dahilan. Sa mga panahong kasama ko sila, nagawa ko namang ibigay ang lahat nang aking makakaya lalo na ang oras ko sa mga ito. Ngunit ganoon lamang talaga siguro kapag hindi talaga para sa isat-isa, wala kang magagawa. Pero naniniwala pa rin akong ang lahat nang ito ay nangyayari dahil sa kanilang kagustuhan at sa kanilang mga desisyon na kanilang isinakatuparan.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ilahad ang lahat nang aking nararamdam,
(dahil sa hindi naman talaga ako palakwento, maliban na lang kung ako'y tanungin) ngunit hindi ko mapigilan na hindi tumugon.
Dalawang araw na ang nakalipas nang ma-admit dito si Viktor. John Viktor Andres ang kanyang buong pangalan. Aaminin kong hindi ko alam ang gagawin sa tuwing papasok ako sa kanyang kwarto. Bagamat may mga bagay na kailangan ko talagang isakatuparan gaya nang pagpapainom nang gamot at pagkuha nang kanyang vital signs ay nakikita ko'ng madalas na balisa ang aking sarili sa mga araw na nakalipas. Mabuti na lamang at makwento ito, na ang tanging gagawin ko na lamang ay ang makinig. Nabiyayaan sya nang mahaba at kulot na pilik-mata, kaya ang pag-iwas na sya ay tingnan ang isa sa mga bagay na hirap kong gawin sa tuwing nasa loob ako nang kanyang kwarto. Ang mga mata nito na tila ba walang kulay puti na lalo pang nawawala sa tuwing sya ay tumatawa (na madalas nyang gawin) at halos nagmumukhang guhit na lamang ang mga ito sa kanyang bilugang mukha.
Malaki ang kanyang pangangatawan (na siguro ay dahil sa tipo nang kanyang trabaho) ngunit may mga oras na umaasta syang parang bata na sa tuwing may makikitang kakaiba sa kanyang paligid ay ngingiti ito at mamamangha.
Madalas nyang ikwento sa akin ang buhay nya sa kanilang probinsya.
Panganay daw sya sa pitong magkakapatid kaya sya lamang ang inaasahan nang kanyang mga magulang. Kaya sobra nyang ikinalulungkot (kahit hindi halata) ang sinapit niyang aksidente. Madalas nya rin'g itanong sa akin kung magkano na ba ang kanyang babayaran sa kanyang pamamalagi dito sa ospital. At dahil hindi ko naman alam ang sagot sa kanyang katanungan ay sinasabi ko na lamang sa kanyang huwag na itong alalahanin at intindihin na lang ang kanyang paggaling. Isa pa, sigurado naman akong tutulungan sya nang kompanyang kanyang pinapasukan sa kanyang mga gastusin.
Ikaapat na araw na nito nang tanungin nya ako kung pwede ko daw bang sulatan o pirmahan ang cast sa kanyang binti. Tinanggihan ko ito dahil naisip kong magdadala lamang ito nang suspetsya sa aking mga kasamahan at kahit hindi ko sa kanya sinabi ay naisipan ko din'g huwag nang dalasan ang pagbisita sa kanya kung hindi naman talaga kinakailangan. Nang sumapit na ang hapon sa araw na iyon at nang magpainom na ako nang gamot sa kanya ay inabutan ako nang mga kasamahan nito sa trabaho. May dala ang mga itong pasalubong para sa kanya na hindi ko naman malaman kung bakit ko ikinatutuwa.
Tumango ako sa mga kasamahan nito upang ipahayag na lalabas na ako at magalang din namang ngumiti ang mga ito sa akin. Nang hawakan ko na ang door knob nang pinto ay tinawag ako ni Viktor.
"Sir Angelo. Kain ka po..."
“Ay oo nga po dok'..."
Alok din nang iba pa.
"Sige..."
Ang tangi ko lamang naisagot at tuluyan nang lumabas.
Nang maisara ko na nang mabuti ang pinto, narinig ko na lamang ang boses nyang magiliw na nagkukwento.
"Baka bukas mga pare ay maka-uwi na ako..."
At patuloy na akong naglakad palayo.
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan matapos itong marinig ngunit alam kong ang isang dahilan nito ay dahil day-off ko bukas.
Bago ako mag-out nung gabi ay huli ko syang binisita sa lahat bago ako umuwi.
Nakita kong mayroon nang mga pirma ang kanyang paa na marahil ay nagmula sa kanyang mga kasamahan.
"Yan po sir, pwede ka nang maka-pirma...madami na sila..."
Sambit nya sa akin nang naka-ngiti habang iginagalaw-galaw pa ang parteng ito nang kanyang katawan. Bago ako magpaalam ay nag-pasama pa ito sa akin sa comfort room sa loob nang kanilang kwarto. Bagamat kaya nya na daw ang tumayo, ay inalalayan ko pa rin sya papunta dito. Inantay na lamang sa labas at sinabihang tumawag lamang kung mayroon syang kailangan. Maliban sa tunog nang tubig mula sa gripo na tumatama sa loob nang drum, inakala ko nung una na umiiyak ito kaya kinatok ko syang agad. Saglit pa ay lumabas na ito at bago pa man mag-ingay ang katahimikan sa aking hindi pag-sasalita ay nagpaalam na ako sa kanya. Tiningnan nya lamang ako mula sa kanyang pagkakaupo sa kama. Noong una ay inakala kong bigla syang iiyak dahil nakita ko'ng nagsisimulang kumislap ang kanyang mga mata. Ngunit bago pa man pumatak ang inaakala kong luha ay bigla na lamang syang ngumiti. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman nang mga oras na iyon.Ngunit lumuha pala ako nang hindi ko namamalayan. Malamang ay luha iyon mula sa sobrang saya na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Nang mapansin nyang ako ay lumuha, bahagya syang napalapit sa akin at agad na pinunasan ang aking mukha gamit ang kanyang kaliwang kamay.
Hinayaan ko lamang ito at maya-maya pa ay bigla nyang kinuha ang aking mga kamay at mahigpit itong hinawakan. Pinagmasdan nya ito nang mabuti at walang ni isa man sa amin ang nagsalita. Hanggang sa basagin ko ang katahimikan at sinimulang magsalita.
"Kailangan ko nang umuwi."
Tanghali na nang ako ay magising at mabilis akong nag-ayos matapos kong idilat ang aking mga mata. Nagmamadali ako sa isang bagay na hindi ko sigurado kung ano. Sa tuwing day-off ko ay sa bahay lang ako nag-papalipas nang oras o madalas ay buong araw na natutulog upang makabawi sa pagod sa trabaho. Bihira din naman akong mamasyal dahil ayokong gawin ito nang mag-isa.
Agad akong pumunta sa ospital at agad na nag-tungo sa aming station.
At dahil sa hindi ako naka-duty ay magmasid at makipag-kwentuhan na lamang sa aking mga katrabaho ang aking magagawa. Sa mga oras na iyon ay gusto kong tanungin o tingan ang chart ni Viktor ngunit hindi ko ito kayang gawin.
Pinipigilan ko ang aking sarili at gusto ko din'g puntahan ang kanyang kwarto na ilang lakad lamang ang layo mula sa aming station.
Maya-maya pa ay lumabas ang isang nurse na aking kaibigan sa kwarto ni Viktor at nang makita ako nito, malayo pa lamang ay batid ko na ang kanyang mga ngiti.
"Aba, aba, aba...ano'ng ginagawa mo dito?..."
Tanong sa akin ni Bernadette.
Na isa sa itinuturing kong mabuting kaibigan at hindi lang kasama sa aking trabaho.
Si Bernadette na walang kwentong hindi naka-lagpas sa kanyang pansin. Ewan ko na nga lang sa mga usapan pagdating sa akin.
"Eto', pinapanuod ang mga toxic..."
Pinilit kong tumawa, kahit na hindi talaga ako mapakali. Gusto ko ding
tingnan ang hawak nitong chart kung bago ba ito o yung kahapon pa din.
"Sira ka talaga ...ay teka...may pinabibigay pala sayo yung alaga mo..."
Nakukuha ko naman ang respeto’ng inaasahan ko sa lahat nang aking katrabaho, maliban kay Bernadette na lahat ay nasasabi sa akin nang harapan na dala na din siguro nang aming matagal na pagkakaibigan. Wala nga lang akong ideya kung ang bagay na pinaka-tatago ay kanya ding nalalaman. Nang marinig kong sinabi nya ito, pakiramdam ko'y bigla akong pinana sa dibdib sa pagkaka-alam na wala na nga sya dito at sa kung anong bagay ang kanyang iniwan. Nakita ko'ng kinuha ni Bernadette ang isang maliit na kahon mula sa maliit naming refrigirator at agad nya itong iniabot sa akin.
"O' yan...galing yan sa pasyente mo...mamigay ka ha'...haha...pasalamat ka at di ko pinag-tangkaang kainin...".
"Haha...ikaw talaga...".
Napansin ko ang kahon at nakita ko dito ang pangalan nang aking kliyente.
Ang isa sa dalawang babaeng aking inalagaan na na-discharge na noon pang isang araw.
"O' napadaan lang ako, alis na din ako...hmm.. Gusto mo?..."
Sambit ko dito.
At inalok ko sa kanilang lahat ang tsokolate.
Nalungkot ako sa pag-kakaalam na iyon na marahil ang huli naming pagkikita. Bagamat pinilit kong maging masaya, tingin kong hindi ko naman ito lubusang naitago. Kaya agad na din akong nag-paalam sa kanila upang maka-alis. Nang papalapit na ako sa elevator upang makababa, narinig kong muli ang boses ni Bernadette na tumatawag sa aking pangalan. Nang lumingon ako dito, nakita kong may hawak na naman itong kahon at sumesenyas sa akin na upang lumapit.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment