Friday, February 11, 2011

Lance na lang para Pogi 12

Akda ni Jaime Sabado

Ilang linggo akong nanatili sa ospital na iyon. Napakabait ni Lola Gloria ngunit ang ipinagtataka ko lang ay sa tuwing magtatanong ako tungkol sa nakaraan ko ay iniiba niya ang usapan.

DOCTOR: "Congratulations iho, ppwedeng pwede ka nang umuwi sa inyo. Dadaan ka muna sa iba pang series of test bago masimulan ang treatment regimen para sa amnesia mo"

AKO: "salamat po doc, eh sa bait ba naman po ng lola ko, sigurado akong lahat ng mga alaala ko ay pawang masasaya" sabay ngiti

LOLA GLORIA: "Apo excited ka na bang umuwi sa atin?" sabay himas sa ulo ko

AKO: "Opo Lola"

Kinabukasan ng umaga ay pinayagan na akong ma discharge sa hospital at ipagpatuloy nalang ang treatment ko sa tacloban. Hindi ko alam na planado na pala lahat ni Lola, nung araw na din iyon pala ang flight namin pauwi ng Tacloban city.

Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam kong iwanan ang lugar na ito. Pero animoy wala naman akong choice kaya hinayaan ko na din si Lola na iuwi ako sa probinsiya.

Kulang kulang isang oras ang naging biyahe namin sa eroplano bago kami nakarating ng Tacloban. Pagdating namin sa airport ay naroon ang dalawang lalaking naka uniporme ng puting polo at agad na lumapit sa amin at pinagbuksan kami ng payong patungo sa Van ang isa naman ay kinuha ang mga bagaheng dala dala namin.

AKO: "Lola pati din po dito ay wala akong maalala, di ko na din po matandaan ang lugar na ito"

LOLA: "Wag mo munag isipin yan apo, kailangan mo munang magpahinga ha?, pag uwi natin sa bahay kakain tayo ng masarap." sabay halik sa pisngi ko

May bigla namang kumislot sa dibdib ko ng halikan ako ni Lola, parang dati ko pa itong nararanasan ngunit parang hindi galing kay lola iyon. Winaglit ko muna sa isip ko ang naramdaman ko at excited akong makita ang lugar kung saan ako lumaki ayon kay Lola.

Isang oras ang beyahe namin mula sa airport. Probinsyang probinsya ang lugar na iyon, napansin ko ang napakalaking gate na pinasukan namin. Manghang mangha ako sa bahay namin.

AKO: "wow! lola anlaki ng bahay natin, di ako makapaniwalang dito ako lumaki. Lola san ba ako naglalagi pag nandito ako?"

LOLA: "ah eh...doon apo sa kubo sa gitna ng palayan sa likod ng pader na yan."

AKO: "Wow!! makikita ko po ba yun mula sa taas? " sabay tingin sa terrace sa taas ng bahay

LOLA: "oo naman apo, at lahat ng lupang matatanaw mo dun ay sa atin"

Sa pagkamangha ko ay para akong batang tumakbo papasok sa loob ng bahay, Nakita ko sa loob ang napakakagagandang mwebles at halatang mamahalin. Nakapila sa gilid ng pinto ang mga babaeng nakasuot ng kulay blue at puting uniporme. Nginitian nila ako at halatang tuwang tuwa sila na makita ako kaya pakiramdam ko ay dito talaga ako lumaki.

AKO: "Hi!, good morning! akyat lang ako sa taas ah?" sabay ngiti at tinungo ko ang second floor.

Sa ibabaw ng piano ay may nakita akong mga larawan ng isang lalaki na ang tantya ko ay malapit sa edad ko. Hindi ko siya kamukha pero ang iniisip ko ay kamag anak ko ito.

BABAE: "gwapo niya po sir no?"

AKO: "ah oo nga po eh.. sorry po may amnesia po kasi ako kaya di ko po siya maalala" sabay ngiti na mejo nahihiya

BABAE: "ako nga po pala si Aning, nanay aning nalang, katiwala po ako dito(sabay ngiti) at ang nasa litratong yan ay si.............."

LOLA: "Siya si Zander ang kapatid mo.."

AKO: "Talaga po Lola? kaya pala kasing pogi ko..heheh asan po siya?"

Biglang nalungkot ang expression ng mukha ni Lola at ni nanay aning..

AKO: "Bakit po?" pagtataka ko

LOLA: "wala na siya apo, namatay siya dahil sa car accident, isang buan na ang nakakaraan" at naiyak si Lola.

Nalungkot ako at nanghinayang sa nadinig ko. Halatang mahal na mahal ni lola si kuya zander dahil basang basa ko ang labis na lungkot sa mukha ni lola.

Ang ginawa ko ay yinakap ko si Lola...

AKO: "Lola, isipin nalang natin na lagi siyang nandito para bantayan tayo."

LOLA: "Alam ko iyon apo (iyak), kaya wag na wag mo din akong iiwan apo ah? di ko na kakayanin iyon, ikaw nalang ang natitirang kamag anak ni Lola." sabay iyak

AKO: "Wala pa po kayong nababanggit sa akin lola tungkol sa mama at papa ko"

LOLA: "Wala na din sila apo, bata ka pa ng mamatay sila dahil sa plane crash"

Labis na pighati ang naramdaman ko ng malaman kong ulila na ako sa magulang ayon kay Lola.

AKO: "Lola wag na po kayong magkwento, ayoko po makita kayong umiiyak ng ganyan" sabay yakap ulit kay Lola.

NANAY ANING: "Oh siya siya... donya gloria, magsaya na po tayo at nandito na si senyorito..........."

LOLA: " Jake... anu kaba aning parang nagka amnesia kana din" sabay tapik sa balikat ni nanay aning

AKO: "Di lang po pala ako ang may amnesia dito eh...hehehe"

Tawanan naman kaming tatlo at tuluyan ng napawi ang malungkot na momentum na pansamantalang bumalot sa aming tatlo.

AKO: "Lola punta ako ng Terrace titingnan ko yung kubo sa gitna ng palayan na sinasabi niyo po" sabay takbo patungo roon.

LOLA: "(PASIGAW)..apo bumaba kana agad at kakain na tayo ah?"

AKO: "opo Lola"
____________________________________________________________________________________

SA BAHAY (NAYNAY AT TAYTAY)..................................................

Umiiyak sa sofa si naynay kasama at si taytay.
NAYNAY: "(HUMAHAGULGOL) nasaan na kaya si Lando, Ilang Linggo na siyang nawawala, bumalik tayo sa presinto at baka may balita na sila"

TAYTAY: "tahan na mahal, ginagawa naman ng mga pulis lahat"

NAYNAY: "ilang linggo na silang nag iimbistega at wala pa din.. gusto ko ng makita ang anak ko" sabay hagulgol at yakap yakap ang bag ko na na recover nila sa basurahan na pinaglagayan ko nung gabing mabugbog ako.

Ilang katong sa pinto ang nadinig nila.

TAYTAY: Oh minda ikaw pala, halika at tumuloy kayo"

TITA MINDA: "Kunchita?.. naririto ako para makibalita sana.. nag aalala na kasi ako dito sa anak kong si Bugoy, wala ng ganang mag-aral at minsan ay di pa kumakain, laging umaalis para hanapin daw si Lando" umiiyak na din si Tita Minda

NAYNAY: "Wala padin minda.. Hindi ko na alam kung kaya ko pang ituloy ang buhay ko ng wala ang bunso ko" napahagulgol ulit siya.

BUGOY: "Tita kunchita, wag na po kayong umiyak, hindi po ako titigil sa paghahanap kay Lando"

NAYNAY: "Salamat iho"

Bigla namang sumulpot si Kuya......

KUYA: "tay pwede ba tayong mag usap doon sa kusina?"

NAYNAY: "oh bakit di pwedeng dito niyo pag usapan iyan, alam kong tungkol kay Lando yan kaya dito mo na sabihin"

KUYA: "pero nay.........."

TAYTAY: "cge na iho sundin mo na ang naynay mo"

Nagsimula ng tumulo ang luha ni kuya...

KUYA: "Yung DNA samples daw na nakuha mula sa markings sa bag niya at yung nakuha mula sa dugo malapit sa kinaroroonan ng bag niya ay nagmatch daw. Lumabas na din yung babaeng nakakita sa buong pangyayari. Sinaksak daw si Lando at hinataw ng tubo sa ulo. Hindi na daw niya alam kung anu nangyari dahil siya daw ay pinalanghap ng kung anu at nawalan ng malay, nagising na daw lang yung babae na nasa isa na siyang bakanteng lote at ng pinuntahan ng mga pulis iyon ay wala doon si Lando" ang hirap at umiiyak na pagsasalaysay ni Kuya

NAYNAY: "Diyos ko, mga hayop sila, nasaan ang naka ko.. nasaan si lando!!!" nagiging hestirikal na si naynay

KUYA: "nay sa dami daw ng dugo at sa tindi daw ng pagkakahataw sa ulo ay baka daw.... baka daw.........(umiiyak).. baka daw patay na si lando at tinapon nalang kung saan" humagulgol na si kuya

Napatakip ng bibig si Tita minda sa nadinig at si Bugoy naman ay umiiyak at patakbong tumalikod.

BUGOY: "Hindi ako naniniwala!!!!!!!1 Buhay si Lando!!!!!!! alam ko yun"

NAYNAY: "(humahagulgol) Hindi patay ang anak ko... Buhay siya nararamdaman ko yun... lando anak !!!!!!!!!! asan kaba!!!!!!11 umuwi kana" sabay yakap sa bag ko

_______________________________________________________________________________________

SA TACLOBAN....................

Manghang mangha ako sa nakita ko mula sa terrace, napakalawak na lupain, naroon ay matatanaw mo ang mga taong nagtatrabaho doon at may mga batang naglalaro din doon at naghahabulan.

Tuwang tuwa ako sa nakita ko. Patakbo ako ulit na bumaba at excited na tinungo ang kusina. nilapitan ko ang isa sa mga katulong at tinanong.

AKO: "ah excuse me po, san po ang kusina?"

KATULONG: "ah doon po kayo sir, andun po ang lola ninyo at hinhintay na kayo sa mesa"

AKO: "salamat"

Tinungo ko ang kinaroroonan ni nila..

LOLA: "oh apo halika na at alam kong gutom kana. Napapansin ko lagi kang tumtakbo, alalahanin mong kagagaling mo lang sa ospital"

AKO: "sorry po lola.."

Masaya kaming kumakain ni Lola ng maitanong ko sa kanya ang isang bagay.

AKO: "Lola? nag-aaral po ba ako? saan po kaya?"

LOLA: "ah eh... oo naman apo pero Home study ang pinili mo, Management ang kurso mo at siyempre dun ka nag aaral sa school na pag aari ng pamilya natin."

AKO: "Lola? suplado po ba ako noon o masama ugali?"

LOLA: "bakit mo naman naitanong yan apo?"

AKO: "Eh bakit po home study ang pinili ko?"

LOLA: "kasi naman apo nahihiya ka mag aral sa school natin"

AKO: "ganun po ba? pwede po dun na ko pumasok"

Halata naman kay lola ang pagkataranta.

LOLA: "ah eh.. naku lalong hindi ka pwedeng mag aral dun apo dahil sa kundisyon mo, magpagaling ka muna ok?"

AKO: "ah ok po lola" pagsang ayon ko nalang

LOLA: "sana maunawaan mo ako apo"

AKO: "Opo Lola"

Pagkatapos kumain ay nagpaalam ako kay lola na maglibot muna at baka sakaling may maalala ako. Pinayagan naman ako ni Lola sa isang kundisyon nga lang. Dapat ay kasama siya sa paglilibot ko.

Sobrang saya ko nung nilibot namin ang buong lupain ni Lola, mababait ang mga tao. Gustong kong lumapit at kausapin sila ngunit pinagbawalan ako ni Lola dahil hindi naman daw sila makakatulong para may maalala ako.

Isang linggo palang ako sa probinsiya ay nag uumpisa na akong makaramdam ng pagkabagot, gusto kong makaramdam ng thrill sa buhay ko ngayon.

Nakaupo lng ako sa terrace at nagmumuni muni ng lumapit sa akin si Lola.

LOLA: "Apo, bukas ay magsisimula na ang home study mo, baka sakaling makatulong iyon, yung dati mong instructor ay nagresign na kaya kumuha ako ng bago."

AKO: Lola wala po kasi akong maalala sa mga pinag-aralan ko dati patungkol sa kursong iyan, uulitin ko po ba lahat?"

LOLA: "madali lang naman iyon apo. Kailangan mo lang naman pag aralan kung panu mo patatakbuhin ang mga negosyo natin. Madali lng ang diploma na makuha"

AKO: "Ganun po ba Lola"

Ngiti ang isinukli ni Lola sa akin.

KINABUKASAN......................................................................

Maaga palang ay nagising na ako dahil may schedule ako, mag-aaral ako pero sa loob din ng bahay namin. Nakapaghanda na ako at lahat lahat kaya lumabas na ko sa kwarto, tama namang nakasalubong ko si nanay aning.

NANAY ANING: "Tamang tama at pinapatawag kana ng Lola mo at kakain na daw, nandun na din sa mesa ang instructor mo"

AKO: "salamat po nanay aning. Good morning po!!!!!!" sabay mabilis na tinungo ang dinning area

LOLA: "Apo. Good morning"

AKO: "Good morning din po Lola" sabay halik sa pisngi niya

Napatingin ako sa Lalaking nakaupo sa tapat niya.

LOLA: "Nga pala Alexander, ito ang apo kong si Jake. Siya ang magiging estudyante mo."

ALEXANDER: "Good morning po senyorito, kinagagalak ko pong makilala kayo"

AKO: "ako din kinagagalak kitang makilala. Parang kaedad lang kita ah..hehehe ilan taon kana po sir?"

ALEXANDER: "22 po senyorito"

LOLA: "Di nga kayo nagkakalayo, itong si jake ay 20 years old lang din" singit naman ni Lola

AKO: "Ganun na pala ako katanda?"

LOLA: "Pasensya kana alexander, alam mo na siguro ang kundisyon ng apo ko kaya pagpasensyahan mo ah... parang first time niya kasi ulit na pag aralana ang kursong to"


ALEXANDER: "wag po kayong mag alala donya gloria, ako na po bahala kay senyorito Jake"

Pagkatapos namin kumain ay dumerecho na kami sa Library ng bahay at doon ang magsisilbing classroom ko.

AKO: "Sir, sorry in advance ah..hehehe wala talaga akong ideya sa pag aaralan natin, atleast naalala ko pa panu magsulat at magbasa pati bumilang" sabay tawa

ALEXANDER: "ok lang po iyon senyorito, madali lng naman po to." sabay ngiti

Dumaan ang ilang linggo at ganoon ang takbo ng buhay ko. Nagtanong na din ako kay Lola kung bakit hindi ako nagpapatreatment para sa amnesiya ko.

LOLA: "iho, isipin mo ng masama akong Lola pero ayokong maalala mo pa ang nakaraan. Hindi mo magugustuhan ang lahat." at nag iiiyak si Lola

AKO: "Lola tahan na po... kung iyon po ang gusto niyo, susundin ko po, pero sana naman po dumating yung oras na handa na kayong ipaalala sa akin ang lahat"

Dalawang taon pa ang lumipas at wala padin akong ni katiting na naaalala although madalas kong mapanaginipan ang sinag babae na nagsasabing.

"PAKINGGAN MO ANG PUSO MO, MAAARING MAKALIMOT ANG UTAK PERO HINDI ANG PUSO LANDO"

May napapanaginipan din akong isang matabang lalaki na umiiyak, at dalawang lalaki na malungkot din ang mukha at silang tatlo ay nakasuot ng puti, hindi ko mawari kung doctor o nurse ba ang mga ito.

Naekwento ko kay Lola ang panaginip kong iyon at naitanong ko kung sino ang Lando na tinutukoy sa panaginip ko, maaari kasing kilala ni Lola kung sino iyon.

LOLA: "wag mo na muna pilitin ang sarili mo, maaalala mo din ang lahat. Ang isipin mo ay ang Birthday mo, kailangan nating paghandaan iyon, lalo pa't may mga kaibigan kana ngayon dito, di gaya nung last year na tayo tayo lang ang bestfriend mong si ALEXANDER lang ang naging bisita mo"

AKO: "Mas gusto ko nga po iyon Lola eh..


Naging matalik kong kaibigan si Alexander. Habang tumatagal din ang pagsasama namin bilang guro at estudyante ay nagkapalagayan kami ng loob. Katagalan ay pinayagan na akong lumabas ni Lola basta kasama si alexander. Pumupunta kami sa Astro, Naroon ang mga gimikan sa munting syudad ng Tacloban. Minsan ay sa Balyuan kami kumakain ng barbecue.

Nagsimula na din akong magtake charge sa ibang negosyo ni Lola. nung una ay mahirap subalit katagalan ay naging madali nalang lahat para sa akin. Siyempre laging nandun si alexander para i guide ako.

Ni minsan ay hindi ako pinayagan ni Lola na pumunta sa Maynila o kahit saan sa Luzon para umattend ng business meetings. Laging visayas at Davao, Singapore at kung saan saan pa sa ibang bansa ako nakakapunta pero not in manila. Minsan hindi maiwasan dahil sa naroon ang pangunahing Airport pero derecho ako sa next flight pauwi ng tacloban.
______________________________________________________________________________________



SA BAHAY (NAYNAY AT TAYTAY)............................

NAYNAY: "dalawang taon na mula ngayon since nawala ang baby natin"

TAYTAY: "Sigurado akong binabantayan niya atyo ngayon mahal"

NAYNAY: "Araw araw ko paring namimis si Lando (mangiyakngiyak), mabuti at nandiyan si Bugoy para kahit paanu ay maibsan ang pangungulila ko sa bunso natin. Kahapon ng ibalita sa atin ni Bugoy na pumasa siya sa Board exam, naisip ko na kung sana nabubuhay lang si Lando , baka siya ay Nurse na din ngayon"

TAYTAY: "matalino si Lando kaya sigurado iyon"

BUGOY: "naynay kunchita, magandang hapon po (sabay halik) sabi ni nanay punta daw kayo sa city para mamili para sa blow out party ko"

NAYNAY: "ganun ba? ay kailangan ko na palang mag bihis,naku at excited ako para sa anak anakan naming bunsoy" sabay halik ulit kay Bugoy

At pumasok na siya para magbihis.

BUGOY: "Tay, namimiss ko padin po siya....... minsan nga pi napapaiyak padin ako, sana dalawa kaming nagcecelebrate ngayon"

TAYTAY: "wag ka mag alala sigurado akong masaya ngayon si Lando para sa iyo.. siya nga pala si Bubble pumasa din ba?"

BUGOY: "Opo pumasa din po siya, pero hanggang ngayon sinisisi parin po niya ang sarili sa pagkawala ni Lando"

TAYTAY: "Naaawa nga din ako sa batang iyon, nung malaman niyang wala na si lando ay di nangiming umiyak sa harapan namin at humingi ng tawad. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari kaya wala siyang dapat ikapagsisi"

BUGOY: "Minsan po, sinisisi ko nga din po ang sarili ko pero alam kong ayaw ni Lando na ganun ang isipin ko."

TAYTAY: "tama iyan, wag niyo sisihin ang mga sarili ninyo, ang lahat ay nangyayari ayon sa kagustuhan ng diyos.. Siya nga pala, nung nasa siyudad ako para bumili ng feeds para sa manok ko ay nakasalubong ko si Bubble, anlaki ng pinayat, kagwapong bata na. Di ko nga siya nakilala eh, siya ang unang pumansin sa akin."

BUGOY: "ganun po ba?"

TAYTAY: "oo, yaan mo't patatawagan ko kay kunchita ang nanay nun at ng maimbita sila sa blowout mo."

_______________________________________________________________________________________

SA PROBINSIYA (TACLOBAN).................................................


BIRTHDAY KO BILANG JAKE LOUIE S. VALDEVON..............................


Madami ang dumalo sa Birthday party na inorganize ni lola na gustong gusto na malaki ang party para sa akin.

nagsidatingan ang mga kaibigan ko pati ang bestfriend kong si alexander.

ALEXANDER: "happy birthday best.... balita ko may surprise ang lola mo sayo"

AKO: "hehehe naexcite tuloy ako."

Sa kalagitnaan ng Party ay kinausap ako ni Lola.

LOLA: "Iho since halos lahat ng klaseng negosyo ay napasukan na natin, Gustong itry ang isa pang negosyo na maaaring kumita din tayo pero kakailanganin mong mag aral patungkol sa business na ito ulit"

AKO: "Anu po iyon Lola?"

LOLA: "Bago yan, bilang gift ko sayo ay ..... maaari ka nang pumunta ng manila at mag follow up ng busineses natin doon at ang pangalawa doon din ang bago kong naisipang negosyo at ikaw ang mamamahala."

AKO: "Lola ang saya ko...weeeeeeeee!!!!!!! Manila here I come!!!!!!!"

LOLA: "naku ikaw talaga apo. Siya nga pala ang bagong business na tinutukoy ko ay napagplanuhan na namin, nakatayo na nga ang establishment. I think in six month mapapatakbo na natin iyon.

AKO: "Bilis naman po Lola, pati po employees meron na?"

LOLA: "Nagumpisa na ang hiring"

AKO: "Anu po ba kasi to Lola? pinapa excite niyo naman ako eh..hehehe"

LOLA: "Nagpatayo ako ng HOSPITAL........ napansin ko kasi dati pa na iteresado ka sa mga bagay na related sa health"

AKO: "po??"

LOLA: "oo apo HOSPITAL nga. at Bilang paghahanda ay mag aaral kayo ni alexander ng Hospital management, gusto ko si alexander parin ang mag guguide sayo"

AKO: "wow Hospital.... i love you Lola!!!!!!!"

LOLA: "hmmmmmmmmmm apo ha? baka naman ligawan mo lahat ng magiging NURSE doon"

Kinabahan ako ng madinig ko ang salitang NUrse. Animoy may isang bahagi ng puso ko ang biglang nagising.

AKO: "nurse" bulong ko sa sarili ko.






Itutuloy..................................................................

1 comment:

Jadey said...

Anong mangyayari pagbalik ni Lando sa Manila? Abangan haha