Paglipas ng Isang Taon: Sina Andrei at Sandra
Pagkahatid ni Andrei kay Nicco ay napag-utusan ito ng Papa niyang harapin ang mga scholars at pinapoag-aral ng pamilya nila. Galing man sa kalungkutan ay pinilit niyang maging maayos sa harap ng mga ito. Labis man ang sakit sa kanyang puso ay sinikap niyang maging mahinahon at pinilit na hindi ipahalata ang nararamdaman. Pagkatapos ng usapan nila sa pagitan ng mga scholars ay may lumapit sa kanyang isang babae.
“Excuse me po sir” magalang na wika nito.
“Andrei na lang” pakiusap nito.
“Sorry po” sabi ng dalaga “Sandra nga po pala”
“Please to meet you Sandra” simpatikong sagot nito “may kailangan ka?”
“Gusto ko lang po sanang magpasalamat sa inyo, dahil sa inyo nagawa kong makatapos ng Business Management” pasasalamat ng dalaga “salamat po talaga ng marami.”
“You’re welcome” at ginantihan ni Andrei ng ngiti ang pasasalamat na iyon ni Sandra.
Biglang nakaramdam ng hiya ang dalaga. Nagpaalam na ang binata subalit muli ay tinawag siya nito.
“Andrei” tawag nito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang kanina pa napapansin.
“Bakit Sandra?” tanong ni Andrei.
Pinilit niya ang sarili na dapat niya itong sabihin “Kasi po, pansin ko napakalungkot mo.” Sabi nito.
“Salamat sa concern” dahil dito ay gumaan ang pakiramdam ni Andrei. Pakiramdam niya ay may bago siyang mapagsaasabihan ng problema bukod kay Andrew. “Gusto mong kumain?” yaya niya dito.
“Nakakahiya po, huwag na lang.” saad ni Sandra.
“Hindi, ayos lang sa akin iyon. Sumama ka, ikaw din hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo.” nakangiting tuuuran ni Andrei.
Napapayag niya si Sandra na kumain sa labas. Sa tagpong iyon ay nakita ni Andrei ang kakulitan nito. Kahit sandali ay nakalimutan niya ang kalungkutang binigay ni Nicco. Sa gabing iyon ay muli siyang nakadama ng kalungkutan sa isiping wala na talaga sa kanya si Nicco. Nagmistulan isang anghel sa kanya si Sandra dahil lagi niya itong tinatagawan pag kainlangan niya ng kausap. Gumagaan ang kalooban niya pag nakaksama ito pag nagkukwento ito. MAs lalong naging malapit ang dalawa. Nang pakiramdma ni Andrei na handa na siyang sabihin kay Sandra ang totoong probelma niya ay ginawa niya. Nalaman niyang ang Sandrang nagustuhan ni Nicco dati ay ang Sandra na kaharap niya ngayon. Ganuon din si Sandra, nagulat siya na ang kanyang Nicco pala ay inibig at minamahal ang Andrei na ngayon ay kaharap niya.
Nang malaman ni Sandra ang tunay na sanhi ng kalungkutan ni Andrei ay tila nadurog ang puso niya. Duon niya napapag-alamang may gusto na din pala siya kay Andrei. Kahit na ganuon ang nangyari, walang nagbago sa samahan ng dalawa. Sa tuwing naaalala ni Andrei si Nicco ay si Sandra ang tinatakbuhan niya. Kahit man masakit para kay Sandra iyon ay inaalo pa din niya at pinapakinggan si Andrei. Higit at lalong humanga na tunay nga ang pagmamahalan ng dalawa ng malamang walang naganap na pagsisiping sa dalawa. Napatunayan niyang malinis ang hangarin at tunay na pagmamahal ang namagitan sa dalawang lalaking minahal at minamahal niya.
Pitong buwan din mula ng magkakilala ang dalawa. Isang pangyayari ang nagpakilala kay Andrei ng bagong pakiramdam. Dalawang linggong hindi nagpakita sa kanya si Sandra. Sa tuwing pupuntahan niya sa bahay ay hindi niya ito naabutan. Hindi din sumasagot sa mga text o tawag niya. Naisip niyang baka nag-sasawa na sa kwento niya si Sandra at ayaw na siyang makita pa nito. Ito ang simula ng pag-usbong ng bagong pakiramdam kay Andrei. Higit niyang naintidihan ang posibilidad na may gusto na siya sa dalaga ng panahong makita niya itong may kasamang lalaki. Sa pakiramdam niya ay nais niyang gulpihin ang lalakkio at sabihing layuan si Sandra. Subalit naisip niyang wala siyang karapatan dahil may Nicco siya at hanggang kaibigan lang kaya niyang ibigay kay Sandra.
Nang sabihini niya sa kakambal ang nararamdaman na iyon ay pinyuhan siya ni Andrew. “Kuya Andrei, matagal ng nagpaalam sa iyo si Nicco, makahanap man ikaw ng iba ay hindi siya magagalit pa dahil siya mismo ang nagsabing humanap ka ng taong makakapagbigay sa iyo ng kaligayahan. Ang dapat mo lang gawin, tuluyang pakawalan sa puso mo si Nicco nang sa ganuon ay lumaya na siya at ikaw. Nang sa ganuon ay mapakawalan mo ang nararamdaman mo para kay Sandra.”
Isang linggong pinag-isipan ni Andrei ang tinuran na iyon ng kapatid. Hindi nga nagtagal ay napagdasisyunan niyang hindi niya kayang mawala si Sandra. Kaya naman inabangan niya ang labasan nito sa trabaho. Pagkakita niya dito ay agad niyang nilapitan at inaya para kumain sa labas. Dito na niya ipinagtapat ang nararamdaman. Sa pakiramdam niya ay napakaligaya niya. Walang mapagsidlan ang ligayang mayroon siya ng sabihin ang totoong nararamdaman kay Sandra. Walang pag-aalinlangang tinanggap ni Sandra ang panliligaw ni Andrei. Labis ang tuwa sa puso ng dalaga. Isang panaginip na natupad ang pakiramdam niya. Isang buwan ang tinagal ng panliligaw na iyon. Hindi na pinalagpas ni Sandra ang pagkakataon. Iyon na ang binigay niyang regalo kay Andrei sa pagpasok ng taon. Kaya naman naging maligaya ang bagong taon nila. Sa isip-isip ni Andrei –“Nicco, salamat sa iyo, handa na akong harapin ka tulad ng pangako ko. Handa ko ng ipakilala sa iyo ang taong kapalit mo sa puso ko.”
Sa kabilang banda ay walong buwan na ang nakakalipas mula ng malaman ni Nicco ang tungkol sa sakit niya. Minsanan na lang kung sumpungin siya ng sakit sa likod at alam iyon ni Doktor Matthew. Sa tuwing bumibisita ito sa semiaryo ay laging si Nicco ang nasa klinika nito. Alam ng madami na malapit ang dalawa kung kayat walang nakaiisp na may sakit ang binatang seminarista.
“Magandang balita kung ganuon.” Sabi ni Dok Matthew “baka sakaling gumaling ka sa sakit mo, pagnagkataon isa itong himala.”
“Talaga po Dok?” tanogn ni Nicco “Salamat naman pos a Diyos kung magkaganun man nmga.”
“Oo, ipagpapaalam kita kila Rector para payagn kang makalabas muna. Sasabihin ko isasama kita sa isang out-reach program” sabi ng doktor.
“Bakit po ano ang gagawin natin sa labas?” tanong ni Nicco.
“Ipapasuri kita, tingnan natin kung may improvement.” Paliwanag ng doktor.
“Talaga po? Salamat po talaga ng madami.” Sabi ni Nicco.
Pinayagan si Nicco para makalabas ng seminaryo. Tatlong araw lang ang paalam nila kung kaya naman sinigurado nilang agad ay masusuri si Nicco. Kahit gabi na ay kinuhanan ng bone marrow sample si Nicco. Kinabukasan ay handa na ang resulta. Subalit ganuon pa din, isang masamang balita pa din ang nalaman nila. Hindi gumagaling si Nicco, lalo lang lumalala. Normal lang na paminsan-minsan na l;ang umandar ang pananakit ng kanyang likod at pagkahilo, subalit darating din ang oras na magiging sobrang sakit nito. Kahit anong gamot ay hindi uubra. Malungkot man sa balita ay pinasaya ni Nicco ang sarili, tanggap na niya ang kapalarang iyon, kaya naman ang tanging magagawa niya ay gumawa ng kabutihan sa kapwa.
Gumawa siya sa seminaryo ng isang organisasyon para makatulong sa mga mahihirap sa karatig nilang pook. Naging masaya si Nicco sa ganuong gawain maging ang mga seminarista. Lalong dumami ang sponsors ng seminaryo. Ang dating pangit na imahe nito ay naging maganda na. nakapglunsad sila ng mga programa para makatulong sa mga street children, sa mga illegal settlers. Napakiusapan din nila ang kapitolyo, si Governor Don Joaquin para makapagpagawa ng tahanan para sa mga batang lansangan at madami pa. naging kaakibat ang seminaryo para malutas ang kahirapan sa buong lalawigan.
Isang taon at dalawang linggo na mula ng magpaalam siya kay Andrei at apat na buwan na mula ng simulan nila ang organisasyonh sa seminaryo. Kinabukasan ay maghahandog sila ng misa pasasalamat at maikling programa para sa mga taong naging malaking tulong sa seminaryo at sa organisasyon. Maagang nagpahinga ang lahat para sa gaganaping pagdiriwang na iyon. Maayos ang pakiramdam ni Nicco at tila ba ay kay lakas lakas niya. Ang lahat ay nasasabik na para sa gaganaping programa bukas. Mag-aalay ng awit, sayawa ang mga seminarista at ang mga batang natulungan ng organisasyon. Kahit pinapatulog na ang lahat ay hindi nila magawa, maging ang mga pari ay tila mas nasasabik pa sa gagawin nila kinabukasan. Napagpasyahan na lang nilang gumawa ng mga bagay na pwedeng souvenir ng pagdiriwang bukas. Naging masaya ang naging paggawa nila. Lalong naging malapit ang mga pari sa mga seminarista. Nagagawa nilang makipagsabayan sa mga kaharutan ang biruan ng mga ito. Isa itong bago sa seminaryo, naging malapit ang mga sen\mnarsta at mga pari. Ala-una na ng umaga, madami na silang nagagawa at tingin nila ay sasapat na sa mga bisita. Isa-isa nang nakatulog ang mga seminarista at mga pari.
Si Nicco bagamat hindi pa nakakadam ng antok ay pinlit makatulog. Katulad ng dati ay kinausap niya ang diyos para mapanatag ang kanyang kalooban. Mag-isa lang si Nicco sa silid ng panahong iyon, ang kanyang dalwang kasama sa kwarto ay nakitulog muna sa ibang silid para magpractice ng gagawin nila bukas. Sa kabilang banda ay may isang tao namang nasasabik na din para bukas.
“Nicco ko, matutupad ko na ang pangako ko sa iyo.” Sabi ni Andrei sa sarili. “Makikita na ulit kita Nicco ko.” Hindi namamalayan ni Andrei na bumabalik ang dating damdamin niya para sa binata. Nasa ganuong pag-iisip siya nang makatulog.
Tatlong oras lang nakatulog si Nicco at ginising siya ng masakit na likuran, batok at leeg. Pakiramdam niya ay tinatanggal iyon ng buong-buo. Kasabay niyon ay may dumaloy na dugo mula sa kanyang bibig. Sa tindi ng sakit ay tila hindi na niya magawang mag-isip sa kung ano ang gagawin. Pinilit niyang abutin ang kahon kung saan nakatago ang kanyang mga gamot na binigay ni Dok Matthew. Nahirapan siyang abutin ang mga ito, sa banmdang huli ay nagawa niyang makuha subalit laloing matindi ang sakit na kanyang nararamdaman. Nanginginig niyang binaksan ang lalagyan, tila ba wala siyang lakas para buksan iyon, pagkakuha ng mga tableta ay agad niyang sinubo subalit hindi pa man nalulunon ay agad ng tinaggay ito ng dugo palabas sa kanyang bibig. Nakatatlong ulit siya subalit ganuon ang nangyayari. Dahil sa sakit ang paraang naiisip niya ay lunununing muli ang dugo ng sa ganuon ay makasama nito ang mga gamot.
Apat na tableta na ay hindi pa rin nababawasan ang kirot. Lima, anim, pito ay wala pa ding pagbabago. Nawawalan na siya ng pag-asa ng unti-unti ay nabawasan ang sakit na ito. Nang maramdman niyang kaya na niya ang sarili ay nilinis na niya ang naging kalat upang nang sa ganuon ay walang makaalam na may iniinda siyang sakit. Sakto namang nakatapos siyang maglinis ng dumating ang mga kasamahan niya.
Sinamantala niyang walang tao sa kapaligiran, tinungo niya ang klinika ng seminaryo. Nagulat siya ng matagpuan duon ang Doktor na naging kaibigan at tagapag-ingat ng knayang lihim.
“Magandang umaga Nicco” bati nito.
“Magandan umaga po doktor.” Ganitng bati nito “Tila kay aga po ninyong naparito?”
“Dapat lang, kasi balak kong suriin muna ang kalagayan mo bago kayo magsimula.” Sabi nito.
“Salamat po doktor” wika niya.
“Ikaw bakit ka naparito? “ tanong niya kay Nicco.
“May sasabihin lang po sana ako.” Sagot niya.
“Ano naman iyon?”
“Salamat pos a inyo. Ibinigay po kayo sa akin para mapagsabihan ko ng nararamdaman ko. Salamat pos a pakikinig sa akin, sa ipinakita ninyo sa aking kabutihan. Salamat po dahil naging kaibigan ko kayo. Salamat po dahil alam ko pinahalagahn po ninyo ako.” Sabi ni Nicco.
Ramdam ng doktor na tuna yang sinabi ni Nicc. “Hindi mo kailangan magpasalamat. Itinuring kitang kapatid ko. Bilang kapatid dapat na tulungan kita.”
“Basta salamat po talaga” giit niya “saka po may sasabihin pa ako sa inyo.” Nag-aalinlangang sabi ni Nicco.
“Ano iyon Nicco?” tanong ng doktor.
Natagalan bago makapagsalita si Nicco “If I can help even to my last breath, I won’t miss this chance. Kaya naman po gusto ko, kung sakaling dumating na ang oras ko, gusto ko idonate sa nangangailang ang mga organs ko na pwedeng mapakinabangan” sabi ni Nicco.
“Too early to give up Nicco. Hindi pa ngayon ang oras mo” naluluhang sinabi ni Dok Matthew.
“Dok, wag kayong umiyak, gusto ko lang masabi iyon bago ako mawala.” May pang-aalo sa tinig nito.
“Nicco naman, magtatagal ka pa.” giit ng doktor.
Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa dalawa ng muling magsalita si Nicco.
“Dok Matthew, may pabor po sana akong hihilinign, sana po kayo na ang magsabi sa kanila kung paano ko gusting ilibing. Gusto kop o sana ay dalawang araw lang mananatili ang walang buhay kong katawan bago ilibing sa lupa. Sana po ay imbes na mag-aksaya ng pera para sa ataul ay idonate na lang ito sa nangangailangan. Nais ko pong malsap ng katawan ko ang higaan ko sa San Isidro, sapat nap o iyon sa aking para maging higaan nang nahihimlay kong katawan. Hindi kop o nais na magsuot ng ng magandang damit. Sapat nap o sa akin ang sando at shorts ang suot habang nakahimlay. Dumating ako sa lupa ng walang kahit ano maliban sa pagmamahal, gusto kop o na lisanin ang mundong ito ng simple at payak at may baong pagmamahal.” nakangiting wika ni Nicco.
“Napakabait mong bata, sige ako ang bahal sa mga bilin mo.” Sabi ng doktor.
“Salamat po, sige po kita na lang po tayo sa gym mamaya. Babalik nap o ako sa dormitoryo at baka hinahanap na ako duon.” Paalam ni Nicco.
Habang paalis si Nicco ay may nasabi pa ang batang doktor. “Nicco, kakaiba ka sa lahat, marunong kang makuntento sa kung ano ang mayroon ka. Kakaiba ka sa lahat. Iba ang pananaw mo, iba ang lahat sa iyo. Matatag ka, kahit alam mong oras mo na, nakahanda ka na agad sa maikling panahon. Nicco, bihira na lang ang kagayo mo sa mundo.”
No comments:
Post a Comment