Saturday, February 5, 2011

Lance na lang para Pogi 7

Akda ni Jaime Sabado



Wala sa loob kong lumapit sa kanila. Habang papalapit ako ay di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko at dun ko lang naisip na mag-iisang buwan na din palang hindi ko siya nakakamusta. Nanginginig ang mga tuhod nung makalapit na ko at nasa likod na nila ako.

AKO: "Bu..Bugoy?" naiiyak kong tawag

Nilingon ako ni Bugoy at halata ang pamumutla at pagkabigla sa mukha niya.

BUGOY: "hubs, excuse us muna" bulong niya sa kasama niya

Hinila ako ni Bugoy palayo at pumasok kami sa cr malapit sa foodcourt at dun ay kinausap niya ko.

AKO: "panung?... Bugoy anu tong ginagaw............."

buGOY: "mahal ko siya!!!"

AKO: "naririnig mo ba sinasabi mo Bugoy? panu si Jessa? panu na..........."

BUGOY: "anu? panu kana? yun ba itatanong mo?" singhal niya

Napayoko ako sa pagkapahiya.

BUGOY: "Akala mo ba di ako nasaktan sa mga ginawa mong pag iwas sa akin dati ha?.. Lando napapagod din ang puso..."

Parang nagumapaw sa iba't ibang emosyon ang damdamin ko ng madinig ko iyon.

AKO: "ang kapal ng mukha mo.. bakit ako ilang taon mokong binaliwala, pero bakit di napagod ang puso ko ha.. lahat ata ng taong napapalapit sayo mahal mo eh, alam mo ba talaga kung panu magmahal?, wala ka palang kwentang tao bugoy" umiiyak na ko.

Nagulantang ang buong diwa ko ng isang malakas na suntok ang tinanggap ko at napaupo ako sa sahig.

BUGOY: "wag na wag mokong pagsasabihan niyan dahil di mo alam ang tunay na nararamdaman ko at pinagdaanan ko dahil lagi kang umiiwas" umiiyak na din.

AKO: "mas lalong di mo alam ang mga pinagdaanan ko. Puro ka sarili mo" sabay tayo at talikod.

BUGOY: "yan. tatalikod kana naman ba?.. wala ka talagang kwenta, magdusa ka sa kalungkotan"

Di ko na napigil ang sarili ko at kwenelyuhan ko siya..Habang naginginig sa galit ang boses ko ay..........

AKO: "Siguro nga wala akong kwenta para sayo, pero hindi tamang ipagdasal mo ang kalungkutan ko..Tandaan mo ito Bugoy, hindi ito malalaman ni jessa. Pero ang maipapayo ka sayo, wag mo siyang gaguhin dahil mahal kaniya" at mabilis akong tumalikod at naglakad palayo.

Mula noon ay wala na akong naging balita pa kay Bugoy. Kahit na paminsan minsan ay nakikita ko siya sa terrace nila ay wala na akong interes pang makipag usap sa kanya.

Isang araw sa schol ay kinausap ako ni CHRIS.

CHRIS: "landz.. tungkol dun sa tinatanong mo sa akin nung isang araw"

AKO: "wala akong matandaan, pagsisinungaling ko"

CHRIS: "gustong gusto kitang piliin.. mahal na mahal kita.. gusto ko lang sanang makiusap, hindi kasi madaling kumalas landz"

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ako ang pinili niya o malulungkot dahil maiiwan si mimi.

AKO: "pero chris"

Ngunit di ko na natapos ang sinasabi ko ng halikan niya ako sa labi. Unang halik ko iyon. Napakasarap ng pakiramdam at eeling ko ay nakalutang ako sa ulap ng mga sandaling iyon.

CHRIS: "landz, ipangako mong jan ka lang hanggang sa pwede na"

AKO: "pero..."

CHRIS: "please?"

AKO: "cge Chris, hihintayin kita, dito lng ako hanggang pwede na" wala sa loob kong nasabi

CHRIS: "salamat landz.. i love you"

AKO: "thanks din.. i love you too"

Pero after kong sabihin ang mga katagang iyon ay parang may sumundot sa puso ko. Pumasok sa isip ko si Bugoy.

Naging maligaya ako ng mga sumunod na araw pero sa kabila nito ay may kunting lungkot dahil sa isang taong hindi ko makalimutan. Si Bugoy.

Patuloy ang naging set up namin ni Chris. Lalo siyang napamahal sa akin at ganun din ako sa kanya. Patuloy din ang kawalan ng balita ko kay Bugoy.

March 10 isang linggo bago ang graduation namin sa high school sa Botanical garden.

CHRIS: "Landz.. ito na yun.. right after our graduation, makikipagkalas na ko kay mimi"

AKO: "sigurado ka ba sa gagawin mo? "

CHRIS: "bakit ayaw mo?"

AKO: "gusto pero, panu siya?"

CHRIS: "kahit anu pa gawin nating pagpapaliwanag ay masasaktan at masasaktan talaga siya landz"

AKO: "cge kung anu magiging desisyon mo chris dun ako"

Niyakap niya ako ng mahigpit at at hinalikan sa labi.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Araw ng graduation ay sabay kaming pumunta ni Chris sa venue. Si chris ang nanguna sa buong batch namin samantalang ako ay nakakuha ng deserving award lng.hehehe

Masaya ako noon kasi umuwi ang ate kong nurse mula saibang bansa para maka attend sa graduation ko. Madami siyang kaibigang nurse na inimbitahan sa party na gift ni naynay at ate sa akin

Pagkatapos ng ceremony ay derecho ako sa bahay para sa blowout ko at si Chris naman ay derecho din sa kanila dahil may hinandang party si mommy niya for him.

Habang idinaraos sa bahay ang kasiyahan ay di ko maiwasang mapasilip sa tapat. Kinabukasan kasi ay Graduation naman nila Bugoy. Mejo namimiss ko na siya kahit mejo ginago din ako, pero patas na ata kami ngayon. Pakiramdam ko ay ganun din ang ginawa ko sa kanya ng pumayag akong makipagcommit kay Chris.

Kinabukasan ng Hapon ay magkikita kami ni chris sa bahay nila at magcecelbrate kaming dalawa para sa graduation namin.

NAYNAY: "lovable baby, kanina kapa nakatulala jan, asikasuhin mo mga bisita mo..nakakahiya"

Halos matunaw naman ako sa hiya ng makita kong nakapin sa dibdib ni nanay ang graduation ribbon ko at nakasuot ang medal na tinanggap ko. Proud na proud niya itong ipinapakita sa mga kaibigan niyang dumalo sa blowout party.

Color of the day ni naynay ngayon ay gold..wahehehe

Hinila naman ako ni Kuya papunta sa mesa nila at buogn pagmamalaki akong ipinakilala sa mga tropa niya. Mejo nahiya naman ako nun..hehehe

At as expected dinila din ako ng ate kong nurse sa table nila na lam kong puro nurses ang nandoon.

ATE: "guys this my brother Lando.. dati akala ko di makakagraduate ng highschool to dahil pasaway at spoiled kay nanay pero nagkamali ako at may award pa" proud niyang pagkkwento

AKO: "di po totoo yan mabait po ako..hehe" nahihiya kong pagbibiro

Tawanan naman ang mga bisita niya.

ATE: "nga pala baby lando, sila mga kaibigan ko, nakatrabaho ko sila sa ospital sa kabilang siyudad"

AKO: "hello po"

ATE: "yang magandang iyan ay si ate demi"

"ako ako maganda din kaya ako" sabay hawi ng buhok at pose

ATE: "yes yan pala si ate noime mo, katabi niya si kuya jairus at, si kuya dave, kuya allan , ate mara."

Nakaramdam ako ng hiya, dahil ang gaganda at ang popogi nila. Parang gusto ko na din mag nursiing.hehe

ATE: "dito ka muna maupo samin bunso. Alam niyo kasi guys gusto ko din sanang magnursing to, sayang naman kasi ang opportunidad, andun na ko sa abroad, magiging madali sa akin ang ipasok siya." naupo ako sa tabi ni ate

KUYA JAIRUS: "lando, gusto mo ba magnurse? sabihin mo kung pinipilit ka ng ate mo ah?..wahehehe"

ATE NOIME: "magpapilit ka sa ate mo, future mo din yun.. malay mo ako pala future mo" sabay tawa ng malutong

ATE: "Noime girl.. magcocolege palang kapatid ko, Makuntento kana kay Jairus..hehehe"

ATE NOIME: "naku may ibang mahal yan" sabay tawa

Napansin kong mejo dumilim ang mukha ni kuya Jairus. Pinagmasdan ko siya at hindi na napawi ang lungkot sa mga mata niya.

Nagpatuloy ang usapan nila at ako naman ay pinili kong tumayo at asikasuhin ang ibang bisita. Hapon na ng umuwi lahat ng bisita ko sa dahilang di pa naman sila pwede mag inuman. Mga bisita nila naynay,taytay,ate at kuya nalang ang nandoon.

Pinili kong tumambay sa likod bahay at nag isip isip. Di kasi mapawi sa isip ko si Bugoy. Kumusta na kaya ito ngayon. Muli ay nanumbalik sa isip ko ang tagpong naabutan ko sa mall at ang mga salitang sinabi niya.

Di ko napigilang tumulo ang luha ko. Sa kabila kasi ng sabay naming paglaki at di pala kami magiging magkasundo ngayon. At dun ko lng din naspagtanto ang katotohanang mas mahal ko pa pala talaga si Bugoy sa kabila ng mga ginawa niya. Pero mahal na mahal ko din si Chris at alam kong matuturuan din niya akong mahalin siya gaya ng pagmamahal ko kay bugoy.

Hindi ako naniniwala sa sabi ng matatanda na di raw natuturuan ang puso. Para sa akin, matuturuan mo ang pusong magmahal ulit o magmahal ng iba. Lalo na pag puso din ang magturo sayo kung panu.

Habang nakaupo ako sa may bato at nageemote ay may kamay na humawak sa balikat ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang kaibigan ni ate.

KUYA JAIRUS: "lando boy.. ok ka lng ba?"

AKO: "ah opo ok lng po kuya Jairus" sabay punay sa luha ko.

KUYA JAIRUS: "mukhang maiiwan mo ang puppy love mo kaya ka nagkakaganyan no?"

AKO: "hindi po..hindi ko po siya iiwan"

KUYA JAIRUS: "whew! meron kana pala? talo mo ako ah?wahehehe"

AKO: "parang ganun na nga po kuya"

KUYA JAIRUS: "huh? naks it's complicated ba?"

Tango lng ang naisagot ko.

KUYA JAIRUS: "bata ka pa, pero sasabihin ko parin to sayo... ayusin mo kung anu man ang complication na yan sa relasyon niyo.. masakit pag di mo naayos yan"

AKO: "opo kuya.. dalawa po kasi laman nito" sabay turo sa dibdib

KUYA JAIRUS: "di naman pwedeng prehas ang level ng pagmamahal mo sa kanila syempre isa jan ay mas nakahihigit"

AKO: "mukhang alam ko na naman po eh kaso"

KUYA JAIRUS: "may iba ang masmahal mo?"

AKO: "Opo"

KUYA JAIRUS: "paglaban mo, pero kung alam mong mahal niya ang kasama niya ngayon, you should be happy or her wag ka magagalit sa kanya dahil malay mo wala siyang ideya na mahal mo siya"

Malalim ang sinabing iyon ni kuya jairus, malungkot na naman ulit ang mukha niya ngayon.

AKO: "kuya may problema din po ba kayo?"

KUYA JAIRUS: "hehehe ok lng lando boy"

AKO: "iniisip niyo po siguro bata pa ko pero mas ok nga yun, kasi ako makikinig lng po ako at alam kong isang taong makikinig sa lahat ng sasabihin mo ang makapagpapagaan ng loob mo kuya"

Natahimik si kuya jairus at napansin ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

AKO: "kuya jairus panyo po ah?"

KUYA Jairus: "salamat.. ok lng ba talagang makinig ka? di mo pagsasabi?"

Di ko alam pero masyado ang concern ko sa taong ito at gusto kong mapagaan ang loob niya.

AKO: "ayos lng kuya.. promise po di ko pagsasabi."

KUYA JAIRUS: "ayun na nga.. parang ako kasi yang sinasabi mong mahal mo. Dati kasi di ko alam na may isang taong mahal na mahal ako. Tinago niya iyon sa akin. Ako naman bilang walang ideya ay nagmahal ng iba..... pero..(naluha siya) kinuha siya sakin ng diyos. Sobrang sakit nun pero tinuloy ko ang buhay ko at ito nga't naging nurse na ko. Isang araw bumalik ang taong lihim akong minamahal at naging malapit kami sa isa't isa.

AKO: "tapos kuya?"

(garalgal ang boses niya)
KUYA JAIRUS: "tapos nung mahal na mahal ko na din siya.. dun ko lng nalaman na bumalik lng pala siya para paghigantihan ako. Dahil sinaktan ko daw ang damdamin niya. Ang masakit pa ay may mahal na siyang iba at alam din nito ang paghihiganting ginagawa sa akin ng partner niya" tuluyan nang umiyak

AKO: "kuya pasensya na po ah?"

KUYA JAIRUS: "bakit naman?"

AKO: "wala po kasi akong maipapayo sa inyo.. di ko din po kasi alam ang gagawin kung ako nasa sitwasyon niyo."

KUYA JAIRUS: "ok lng yan..salamat ah? sa pakikinig.. yaan mo pag may problema ka, puntahan mo lng ako sa ospital kahit malayo..ehehe" ngumiti siya kahit may luha pa sa mata.

AKO: "Napakagwapo nito para magdusa sa pag-ibig sa isang tao na walang kwenta" sa isip ko

KUYA JAIRUS: "nga pala.. magnunursing kaba?"

AKO: "opo!.. pag may assignment at project ako pupuntahan kita ah?..hehe"

KUYA JAIRUS: "sure walang problema" sabay akbay sakin.

Di ko alam pero pakiramdam ko ay malaki ang magiging papel ng taong ito sa buhay ko. mejo naexcite naman ako sa ideyang iyon.

Tatlong araw ang stay ng mga kaibigang nurses ni ate sa bahay kasi madami pa daw silang pagbobondingan.

Kinabukasan habang naghahanda sila ate para sa beach party ay naisipan kong imbis na sa bahay nila chris kami magcelebrate na dalawa ay sumama nalng kami sa beach party nila ate. Kaya masaya kong tinungo ang bahay nila Chris.

AKO: "alas dyes na ng umaga kaya gising na yun for sure"

Bukas ang gate nila kaya dumerecho na ako sa loob at sa may garden ay nakita ko ang yaya ni chris.

AKO: "yaya alicia, si chris po?" sabay ngiti sa kanya

YAYA ALICIA: "kacute na bata ere...hehe, anu nga ulit?"

AKO: "Si chris po?" hehehe bingi

YAYA ALICIA: "ay naku iho, eh nahuli ka ata nagising.. maaga pa silang umalis kasi maaga ang flight nila sa amerika, magpapa enroll daw kasi si chris at doon na mag aaral, buong pamilya nga lumipad, ang alam ko pati si mimi ay doon na din daw magaaral"



AKO: "po?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"








Itutuloy.................................................

1 comment:

Jadey said...

Ang komplikado ng sitwasyon a wala akong masabi.