Akda ni Jaime Sabado
Di ko man maaninag ang mukha ni Bubble ngunit ramdam ko ang pagkagulat sa boses niya.
AKO: "seryoso ako"
BUBBLE: "kaya mo bang kalimutan siya?" malungkot ang tono ng boses
AKO: "tol, nakikiusap ako. Tulungan mo akong malimot siyang muli, panghawakan mo ang sasabihin kong gagawin ko ang lahat para matutunan din kitang mahalin ng higit pa sa kaibigan at nararamdaman ko namang madali para sakin na mahalin ka." seryoso at desperado kong pahayag
BUBBLE: "tol isa pang itatanong ko, matatanggap mo bang ganito ang...."
AKO: "bubble please, wag mong maliitin ang sarili mo dahil sa physical na anyo mo, di ko kailangan ng tropeyong ipandidisplay, kailangan ko ng taong mamahalin ako ng totoo, taong di ako iiwan at pagtitiwalaan ako"
BUBBLE: "tol handa akong gawin lahat para maging masaya ka, pero tanggapin natin ang realidad ng buhay na importanteng sapeto ng relationship ang physical appearance"
AKO: "maniniwala ka bang gusto kong ganyan ka lang at ayokong may baguhin ka pa sa sarili mo"
BUBBLE: "parang mahirap atang paniwalaan yan lando"
AKO: "mahirap paniwalaan pero totoo, masyado ka kasing fucos sa size mo, di mo ba alam na may itsura ka tol"
BUBBLE: "salamat tol..." sabay buntong hininga
AKO: "gusto mo bang patunayan ko sayong di mahalaga sakin ang physical appearance"
BUBBLE: "panu?"
Humarap ako kay bubble at walang anu-anung hinalikan ko siya ng masuyo. Halik na nagbibigay sa kanya ng assurance na willing akong ibigay sa kanya ang puso ko, basta magtutulungan kami.
AKO: "sapat na ba yun tol?"
Ngunit wala akong nadinig na sagot mula sa kanya.
AKO: "tol?..bubble?"
Nag-alala ako kaya dali kong binuksan ang lamp shade. Naaninag ko siyang nagpupunas ng luha sa kanyang mga mata.
BUBBLE: "sorry tol ah.. masaya lang kasi ako... tol, maipapangako mo bang, kung sasaktan mo ako ay dadahan dahanin mo lng, natatakot kasi akong hindi magwork to eh"
AKO: "tiwala sa isa't isa.. yun lang ang siguro ang kailangan natin"
BUBBLE: "tol, mahal na mahal kita kaya gagawin ko to, tutulungan kitang lumaya sa kalungkutang nagkukulong jan sa puso mo. Puso sa puso nating pagsasakipan na malampasan lahat to" garalgal ang boses niya
Nagsimula na akong maiyak sa mga sinabing iyon ni Bubble. Napakasaya ko dahil may isang tao na willing sumubok na ilayo ako sa kalungkutan, ngunit sa kabilang banda ay nokokonsensya ako dahil sa ngayon ay di ko pa siya ganoon ka mahal pero punong puno ng pananabik ang puso kong subukan muli ang umibig at yun nga ay kay Bubble na naging malapit na din sa puso ko.
Lumipas ang mga araw at linggo na nasa ganoong set up kami ni bubble, hindi ko eneexpect na magiging ganoon pala ka gaan ang lahat. Hindi diya mahirap mahalin lalo na't napaka caring at thoughtful niyang tao.
Sa tatlong grocery bags niyang snack, akin ang half ng laman sa isang grocery bag, sa kanya ang 2 ang a half bag na snack.hehe
Nandun ang ipagluluto niya ko sa tuwing napapadalaw ako sa bahay nila. Hindi ko alam na magaling palang magluto si Bubble. Nang pumunta ako sa bahay niya ay dun ko lng nalaman na napakabait niyang anak, paralyze na ang daddy niya at nakaratay nalang sa kama pero masaya niya itong kinakausap.
BUBBLE: "good afternoon dad!!!.. may ipapakilala po ako sa inyo" sabay hila sa akin papunta sa harap ng dad niya.
BUBBLE: "dyaraaaan!!hehehe.. dad si Lando po! mahal na mahal ko po to dad"
Natouch ako sa ginawa niyang iyon, nagulat din ako na nasabi yang mahal niya ako sa harap ng dad niya. Dun ko din naramdamang kaya akong pangatawanan ni bubble.
Madalas ding napapadalaw si bubble sa bahay at magiliw naman namin siyang inaasikaso sa bahay.
Walang pasok noon at napag-usapan naming lumabas ni Bubble,dahil narin sa sobrang strees namin sa pag-aaral ay ginusto din muna naming magpahinga. Ngunit ang masayang araw ay naging isang trahedya para sa amin ni Bubble.
Hindi namin alintana ni Bubble ang sasabihin ng mga tao sa paligid kahit magkahawak kamay kami sa mall. Anjan ang pupunasan niya ang pawis ko paminsan minsan habang naglalakad lakad kami.
Pero bigla nalang kaming nagulantang ng walang anu-anung lumapit si Bugoy at kwenelyuhan si Bubble.
BUGOY: "ang kapal ng mukha mong pumatol kay Lando!!!!!!!" galit nitong sabi
Nagulat ako sa presensya ni Bugoy.
AKO: "Bitiwan mo siya" sabay alis ng pagkakawahak ni bugoy kay bubble
BUGOY: "Iba karin Lando anu?, sa kanya mo ba ginamit yung condom na dala-dala mo noon ha?" sarkastikong pagtatanong niya
AKO: "nagpaliwanag na ko sayo Bugoy at wala na kong pakialam kong maniniwala ka man"
BUGOY: "sabihin mo, madumi ka lang talaga, at ikaw naman (kay BUBBLE naman) may salamin kaba sa bahay niyo? look at your size.. com'on Lando, magkakagusto ka ba sa ganyang itsura?" sabay tawanan ang mga kasama niyang alam kong Bi din dahil sa mga porma nito.
AKO: "Anu bang problema mo Bugoy ah?1 matagal na kong nagtitimpi sayo ah? sa tuwing may mapapalapit sa akin ay nagagalit ka? Makasarili ka pa din hanggang ngayon!!! Anung pakialam mo kung ipagsigawan ko sa Buong mall na ito na mahal ko ang lalaking yan na nilalait mo?!!"...
Naging seryoso na ako at mahinahon habang umiiyak na nag open up kay Bugoy at wala na kong pakialam na madinig ng mga barkada niya ang sasabihin ko.
(garalgal boses ko)
AKO: "Ipapaintindi ko ang lahat sayo Bugoy.. Natatandaan mo nung mga bata pa tayo? sinabi mong mangako tayo sa isat isa na magiging tayo paglaki natin, alam kong usapang bata lang iyon pero nung naghighschool tayo ay seneryoo so ang pangakong iyon kaya labis akong nasaktan ng maging kayo ni Jessa. Simula nun ay hindi mo na ako nabibigyan ng kahit na katiting na oras at imbis na papuri ay puro negative ang comments mo sa akin, sa harap pa ni jessa. Binalewala mo ko Bugoy ng napakatagal na panahon, tinanggap ko iyon dahil inisip kong normal ka!!(galit). Pero labis mo akong sinaktan ng makita kitang kasama ang lalaking sinasabi mong mahal mo, pakiramdam ko ay naabandona ako ulit pati si chris na nagpapasaya sa akin noon ay iniwan din ako" naluha na ko
BUGOY: "kaya ba nagttyaga ka sa....sa...."
BUBBLE: "anu? nagttyaga siya sa matabang to ha.. alam mo tol hindi ako sanay sa ganitong awayan, mas sanay ako sa sapakan kaya bago magdilim ang paningin ko ay aalis na ko dito, pasensya na kayo ha pasensya na kong ganito lang ako.." sabay talikod habang masagana ang luha sa mukha
AKO: "Bubble wait!"
Pero hindi ako nilingon ni Bubble at alam kong labis siyang nasaktan sa mga nangyari.
BUGOY: "Lando aminin mo na kasi sa sarili mo na ginagawa mo lng siyang panakip butas"
AKO: "Tang-ina mo Bugoy! kung akala mo'y baliw na baliw parin ako sayo, masyado ka namang ambisyoso. Kung sususmahin ay masmababa ang tingin ko sayo dahil nagawa mong pagsabayin noon ang lalaki at babae at sa maniwala ka at sa hindi mahal ko ang matabang iyon na sinasabi mo dahil siya di ako iniwan at alam kong di ako iiwan" galit kong pahayag sabay takbo patungo kat BUbble
BUGOY: "sakin ka padin babagsak Lando tandaan mo yan!!!!" mejo garlgal ang boses niya
Alam kong umiyak din si Bugoy sa mga pahayag kong binitiwan pero dapat lang sigurong madinig niya iyon para naman malaman niyang hindi laging sa side niya nakakampi ang mundo.
Hinabol ko si Bubble habang mabilis na naglalakad. Ngunit nawala siya sa paningin ko ng nasa dako siya ng madaming taong nagsisiksikan.
AKO: "bubble!!!!..... bubble" habang palinga linga ako at umiiyak na din.
Tinatawagan ko siya ngunit di niya sinasagot ang phone niya. Sobrang dami ng text ko pero di niya din iyon nrereply. Sobrang allang alala na ko sa kanya.
Pagkatapos ng matagal kong paghahanap ay dumerecho ako sa bahay nila. Ngunit wala daw siya doon.
Umuwi ako ng bahay na mabigat ang dibdib at iyak ng iyak sa kwarto ko.
AKO: "diyos ko wag niyo po sanang hayaan na maiwan na naman po akong muli.. pagod na pagod na po ako, maawa na po kayo sa akin. Ikamamatay ko na po ang sususnod na kawalang magaganap sa buhay ko" umiiyak padin
Lunes ng umaga ay pumasok ako ng maaga para makausap ko na si Bubble, pero laking pagkabigo ko dahil hindi siya pumasok.
Lumipas ang ilang araw at di siya pumapasok. Nag-aalala na ko na baka maexpel na siya sa department kong ipagpaptuloy niya ang pag liban sa klase. Kasabay ng mga araw na di siya nakikita ay ang palihim kong pag-iyak sa school library. Sobrang namimiss ko na siya at mas lalo kong napapatunayan na mahal ko na siya.
Isang araw nakatangggap ako ng tawag mula sa isang di kilalang numero.
AKO: "hello?"
NUMBER: "hello Lando ikaw ba yan?"
AKO: "yes ako nga po.. sino po sila?"
NUMBER: "mommy ni bubble to.. si bubble kasi...."
AKO: "po? asan po si bubble? tagal na po niyang di pumapasok"
Napansin ko sa kabilang linya na umiiyak ang mommmy ni Bubble. Tinatawag ka ni bubble puntaha mo siya dito please.
AKO: "saan po?"
NUMBER: "dito sa UBT hospital"
AKO: "po???!!!!"
Mabilis kong tinungo ang hospital na malapit lang sa school namin. Dumadagundong ang dibdib ko habang papunta ako doon. Muli ay naalala ko ang nangyari kay Carol.
AKO: "Diyos ko wag naman po sana" mangiyak ngiyak na ako
Nasa tapat na ako ng hospital room kong saan si Bubble, wari ay nanginginig ang mga tuhod ko at ang mga kamay ko ay di magawang ipihit ang door knob ng pintong iyon.
Pero nilakasa ko ang loob ko at binuksan ang pinto sabay ng tatlong mahihinang kato.
Pagtingin ko at si Bubble nga, nasa hospital bed at walang malay, halata sa mukha niya ang sobrang stress at parang pinahirapan siya ng todo dahil nadin sa anyo ng mukha nito. nakakaawa ang itsura ni Bubble at di ko napigilan ang umiyak.
AKO: "Bubble...." umiiyak ako
TITA DOLORES: "sabi ng doctor nagiging ok daw siya kung kakain lng siya at magtatake ng vitamins.. Ilang araw na kasi siyang di kumakain at nagkukulong sa kwarto. natagpuan nalang namin siyang walang malay na nakahadusay sa sahig" iyak na din
Nanlumo naman ako sa nadinig ko dahil alam kong isa ako mga dahilan kung bakit nagkaganoon ang lagay niya.
BUBBLE: "Lando...Lando asan ka? mahal kita lando"
TITA DOLORES: "yan lagi ang sinasabi niya simula ng mawalan siya ng malay kaya tinawagan na kita, tulungan mo siya Lando, di ko alam ang sasabihin ko Lando.. pero nakikiusap akong mahalin mo sana siya, wala na kong pakialam kung anu ang tama at mali basta masaya lang ang anak ko Lando" umiiyak parin
AKO: "mahal ko ang anak niy Tita, nagkaroon po kasi ng problema at dinibdib niya iyon ng labis, sinubukan ko siyang hanapin at kausapin pero di ko siya mahagilap tita"
TITA DOLORES: "dahil sinandya niyang di magpakita"
Muli ay binaling ko ang tingin kay Bubble. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon habang naluluha padin.
BUBBLE: "Lando...ikaw ba yan" dahan dahan siyang nagmulat ng mata at naiyak siya ng makita ako
AKO: "ako ng bubble.. magpahinga ka muna, andito lang ako sa tabi mo"
BUBBLE: "patawarin moko Lando..sa ginawa ko"
AKO: "shhhhhh... ok na lahat Bubble ko, wag na wag mo lang uulitin tong ginawa mo" pagpapagaan ko sa sitwasyon sabay ngiti
Tumango si Bubble at nangiti na din kahit halatang wala pa siyang sapat na lakas.
Di nagtagal ay muling nanumbalik ang positibong aura sa buong kwartong iyon.
BUBBLE: "gutom na ko mommy" mahinang sabi niya
TITA DOLORES: "talaga baby? cge cge bibili lng si mommy ng food ha? tatawagin ko lng si kuya mo" natutuwang sabi nito habang maluha luha sa kaligayahan
AKO: "Diet as Tolerated kanaman daw eh kaya pwedeng pwede kahit anu..hehehe"
BUBBLE: "salamat naman..pumayat na ba ako?..hehe" pagbibiro niya
AKO: "adik ka.. sabi ko na ngang ok ng ganyan ka eh.. di ka pumayat Bubble, tumaba yang eyebugs mo" sabay halik sa pisngi niya
BUBBLE: "eh di lalo ako pumangit" mahina niyang sabi
AKO: "pogi ka parin wag ka mag-alala..hehe"
Totoo namang sa kabila ng katabaan ay gwapo talaga anbg mokong. Ewan nga lang at di niya makita iyon.
Sa ilang araw na pananatili ni Bubble sa ospital ay agad niyang nabawi ang lakas niya at sinamahan ko namang siyang ayusin ang mga pananagutan niya sa school nung mga araw na di siya pumasok.
Muli ay nakapag aral na si Bugoy at masay na ulit kami. HIndi ko insip pa si Bugoy at lagi akong napapsama pag iniisip ko siya.
BUBBLE: "Lands Birthday ko na next week, lagi kasing may party ang birthday ko, aattend ka ha?.. syempre dapat andun ka"
AKO: "di mo kelangang imbitahan ako..hehehe pupunta talaga ako sasama ko si naynay"
BUBBLE: "wala na namang pasok, tara sama ka muna sakin sa bahay"
AKO: "ok cge"
Pagdating namin doon ay dinala niya ko sa likod ng bahay nila. nakita kong may gate din doon sa likod nila.
Bubble: "pikit ka muna"
AKO: "adik, parang teleserye lng ah..hehehe may surprise kaba? tapos sasabihin kong wow ang ganda..hehehe"
Binatukan ako ni Bubble
BUBBLE: "panira ka ng trip eh..pikit na kasi"
AKO: "hehehe cge na nga"
Nadinig ko ang pagbukas niya ng gate.
BUBBLE: "oh ayan dumilat kana"
AKO: "di ako makadilat bubble..wala akong makita..huhuhu" pagbibiro ko
BUBBLE: "sipa? gusto mo? o gahasa?..adik ka eh..hehehe"
AKO: "gahasa please.,hehe" habang nakapikit padin
BUBBLE: "dilat na kasi" pagmamakaawa niya
Dinilat ko nga ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita kong isang bahay kubo ang nadoon at napapalibutan ng iba't ibang klase ng pananim na bulaklak may mga hayop din doon gaya ng mga rabbit, loro, nakita ko din ang dalawang maliliit na usa.
AKO: "wow! grabe.. panu niyo namamaintain to?..ganda dito bubble" buong pagkamangha kong tanong
Napansin kong ang mga loro at dito lang sa paligid lumilipad lipad sa kabila ng pwede silang makatakas. nagpatuloy ako sa paglilibot, nilapitan ko ang isang kuneho at pinulot ko iyon. Tuwang tuwa akong hinahaplos iyon.
BUBBLE: "siya si silvester"
AKO: "grabe mas mabantot pa pangalan ko kesa sa rabbit na to..hehehe"
BUBBLE: "Adik..hehe.. tara dito tayo" sabay hila sakin
Pumasok kami sa bahay kubo.
BUBBLE: "sabi ko sa sarili ko dati, ipapakita ko lang to sa taong mahalaga sa akin bukod sa pamilya ko"
Pagbukas niya ng pinto, nakita ko na kwarto iyon, lahat dun ay puti mula kama hanggang sa mga upuan at mesa pati tv, at mga display doon ay puti.
AKO: "wow puting puti.. kwarto mo din ba to?"
BUBBLE: "dito ang tambayan ko, mula pagkabata kasi ay wala naman akong naging kaibigan talaga bukod sa mga pinsan ko. Dito ko ginugugol ang oras ko pag wala ako ginagawa"
AKO: "maganda nga dito, makikihiga ah?...hehe" sabay bagsak ng katawan ko sa kama
Tinabihan ako ni Bubble at humarap siya sa akin.
BUBBLE: "salamat ah? dahil tinanggap mo ako"
Ngiti lng ang isinukli ko kay Bubble at masuyo ko siyang hinalikan sa labi. dapat sana ay smack lang iyon pero hinawakan ako ni Bubble at tinuloy ang halik na iyon. Naging mapangahas ang ginawa naming halikan na iyon.
AKO: "handa na ba tayong gawin to tol?"
BUBBLE: "yup" sabay halik ulit
Ayun nga at nangyari ang pagsasalo namin ng pagmamahalan ni Bubble. Dalang ulit naming ginawa iyon.
Hindi ko maipalaiwanag ang sayang naramdaman ko pagkatapos naming gawin iyon. Walang guilt sa puso ko dahil ginusto ko ang ginawa namin.
Pakiramdam ko ay maspinatibay ng pangyayaring iyon ang relasyon namin ni Bubble.
Araw ng kaarawan ni Bubble, sa bahay ay busy si naynay sa paghahanda para sa gaganaping party.
NAYNAY: "lovable baby, look at may party dress, isn't it beautiful?"
Napapalakpak naman ako sa sinabing iyon ni naynay.
AKO: "wow perfect english!!!!!!!!! wohhhooo!"
KUYA: "Amen!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay palakpak din
NAYNAY: "I'm asking you about my dress, not my english" sabay irap sa amin ni kuya
KUYA: "There she goes again, perfect sentence ulit..yeheyyyy!!!1" palakpak ulit
AKO: "aleluyaaah!!! praise the lord" malakas na palakpak at sabay tingala sa langit
TAYTAY: "kayo pinagdidiskitahan niyo na naman ang hilaw na english ng naynay nyo" natatawa naman siya.
NAYNAY: "haay naku isa kapa jang mukhang alimasag sa suot mo"
Nakasuot kasi si taytay ng matingkad na orange na amerikana at orange na pantz.wahehehe
TAYTAY: "wag mokong simulan ah? at baka magkamali ako ng tingin at maitali kita sa kulungan ng manok, mukha kang inahing jan sa suot mong mabalahibo"
NAYNAY: "wala ka talagang alam sa fashion! feathers to pan design ng damit"
TAYTAY: "what ever.. sabay talikod"
KUYA: "ohhh yeah!!!!! humirit si taytay ng english.. one point!!!" ginawang microphone ang suklay
NAYNAY: "napaka simple naman ng english ng tatay niyo.. peice of cake" sabay tawa at nakapamaypay pa
Natahimik kami ni kuya sa huling phrase na binanggit ni naynay.wahehehe (peice of cake)
KUYA: "Tol, look at my eyes, I think i'm gonna cry..huhuhu lalim ng english ni naynay" sabay yakap sakin (wahehehe adik lang)
Sinakyan ko naman si kuya.
AKO: "yeah me too..parang kelan lang isang mumunting nene lang siyang tumatakbo takbo sa harap natin, and now she's grown up..huhuhu"
KUYA: "adik!!! (sabay batok sakin) anung koneksyon ng sinabi mo kay naynay..hehehe"
NAYNAY: "tama na nga iyan lets go and let's get the party started na"
Tinginan ulit kami nu kuya.
KUYA: "tol seryoso, may sanib ata si naynay at taytay ngayon eh" bulong niya sakin
AKO: "Oo nga kuya eh.. sana lagi silang may sanib no?hehehe galing kasi"
Tawanan kami ni kuya at sumakay na din kami sa sasakyan.
Pagdating namin sa venue.....
AKO: "Diyos ko salamat" bulong ko sa sarili ko.
Nadinig pala iyon ni Kuya.
KUYA: "bakit ka nagpapasalamat tol?"
AKO: "ah eh.. kuya tingnan mo mga matatangand bisita.. lahat naka costume, mukhang mukhang hinaluan nila ng costume party to eh..hehehe swak na swak si naynay at taytay.. Kanina pa ko kinakabahan sa entrance natin eh..wahehehe"
KUYA: "Oo na no...hehehe ayos! apir tayo jan!"
Ang mommy ni Bubble ay nagpacostume party para sa mga bisita niya at pang normal na tao na naman sa bisita ni Bubble..wahehehehe.
TITA DOLORES: "oh Lando darling come here, salamat sa pagdating" sabay beso
AKO: "ah thanks din po sa pag imbita tita, siya nga po pala si kuya ko, taytay at si naynay ko po"
Tita DOLORES: "well hello kayo pala ang family ni lando"
Natawa ako kasi pati si kuya at taytay ay benesohan ni tita dolores. Natahimik kami ng magkatinginan si Tita Dolores at naynay na Bongga pareho ang costume..wahehehe
TITA DOLORES: "(inaaninag ang mukha ni naynay) Cunchita? Cunchita ikaw ba yan?"
NAYNAY: "huh? (kinilatis din ni naynay ang mukha ni Tita Dolores).. Dolor? Dolora Aunor? ikaw ba yan?"
TITA DOLORES: "yes ako nga to.. anu kaba? kumusta kana?!!!!!!!!!!!!"
Naghawakan sila ng kamay at parang mga dalagang Nagtili-an.
TITA DOLORES at NAYNAY: "ahhhhhhhhhhyyyyy!!!!.. (sabay kanta at naka peace sign pa)
DUET (WAHEHEHE):
Mambobola, boladas mo'y tigilan na.
Mambobola, pagkat ako'y sawang sawa na yeah com'on!
NAYNAY: "kumusta kana girl?.. maganda ka parin ha?"
TITA DOLORES: "sureness!!!(sabay pose pang model) ikaw din di halatang 40 plus na.."
NAYNAY: "oh thank you" kunwari'y nahiya pa sa papuri.
NAYNAY: "nga pla mga anak at honey, classmates kami nung high school nito, bestfrends kami nito, kaso eh biglang napalipat sila ng bahay kaya nagkahiwalay na kami ng landas."
TITA DOLORES: "haiissst god is wonderful, naging magkakilala pa mga anak natin, yeah it really the happiest night of my life.. let's go ang meet and greet my baby son" tuwang tuwa niyang pahayag
KUYA: "tol, halatang bestfrends nga sila dati no?.. swak na swak ang english at ugali, BIRDS OF THE SAME FEATHERS................."
AKO: "ARE THE SAME BIRDS" sabay tawanan kami ni kuya.
Nakita kong papalapit na si Bubble sa direction namin at hanggang puyo ang ngiti habang nakatitig sa akin.
TITA DOLORES: "this is my baby son Borgy, I'm calling him bubble.. son, you kiss them com'on" sabay tulak kay bubble papunta samin wahehehe
Nagkakilala ang mga pamilya namin at naging masaya kaming lahat sa party na iyon. Si kuya ay agad na nawala sa paningin ko at alam kong naghuhunt ng babaeng mapapatihaya iyon. Si taytay ay nakipagyabangan sa mga kapwa tatay doon at si naynay at tita dolores ay hindi na napaghiwalay.
BUBBLE: "Lando halika papakilala kita sa mga pinsan ko"
AKO: "nakakahiya ata bubble"
BUBBLE: "wag kana mahiya. andito naman ako sa tabi mo" sabay hawak sa kamay ko at pumunta kami sa table ng mga pinsan niya.
napansin kong magaganda at mga gwapo ang mga pinsan niya.
AKO: "di nakakagulat, kasi pogi din naman si bubble" sa isip ko
BUBBLE: "guys guys!! this Lando, my aheemmm"
Labis ang pagtataka ko dahil animo'y nakuha nila ang ibig sabihin ni Bubble.
Crista: "Lando, lagi kang bukam bibig nitong si Borgy"
GIO: "right! nung naospital din ay ikaw ang tinatawag..ayeeeeh!"
BUBBLE: "tama na nga at nahihiya na tong kasama ko"
GIO: "wag ka na mahiya, itong katabi kong pogi, he's also my boyrieand kaya di kayo nag-iisa ni bubble" sabay ngiti
BF ni GIO: "hi" sabay ngiti
Tiningnan ko si Bubble tanda ng pagtatanong kung totoo ang sinasabi ni Gio at tumango naman si Bubble tanda naman ng pagsagot na totoo nga ang sinasabi nito. Nainggit naman ako dahil alam ng pamilya nila na ganun sila samantalang ako ay nagtatago pa at alam iyon ni tita dolores.
LEO: "oh lando, pinapakain kaba nitong pinsan namin ah?"hehehe
AKO: "hehehe yup, maalaga to eh"
Nagkakasiyahan na kami sa Table at magaan na ang loob ko sa lahat, mababait ang mga pinsan ni Bubble at halatang magagalang din ito.
LALAKI: "Hi!!!!!!!!!! mga pinsan!!!!!!!!!! are we late sa birthday ni BUBBLE BEE..HEHEHE"
Lingunan kaming lahat sa direction ng boses na iyon.
BUBBLE: "wow!!!!!!!!!!!!!! pinsan!!!!!!!!!!!! kumusta you're here.. Grabe binatng binata kana din pala CHRIS"
Parang namingi ako ng madinig ko ang pangalang iyon. Nang aninagin ko ang mukha niya ay napagtanto kong si Chris nga iyon at kasama si Mimi................................
Itutuloy.................................
1 comment:
That moment when you finally built your sand castle then comes the tide that washes it away. Ano kayang mangyayari sa muling pagkikita nila Lando at Chris?
Post a Comment