No Boundaries
Chapter VIII
Si Andrew at Nicco
Kahit lumipas na ang magdamag, hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ni Andrew ang binatang narinig niya sa kapitolyo. Ang bawat ngiti nito, pikit ng mga mata, buka ng bibig, maging ang tinig nito na paulit-ulit niyang naririnig. Habang nagmamaneho ay masusing minamasdan ng binata ang daan ng San Isidro na para bang may hinahanap. Pagkalabas ng San Isidro ay tila bagang pipi ito na hindi man lang nagsasalita at bakas ang lalim ng iniisip.
“Andrew, what’s wrong?” tanong ni Steph na napansin na malalim ang iniisip ng manliligaw.
“Wala lang ito, iniisip ko lang kasi iiwan mo na ako ngayon” sagot ni Andrew na may halong paglalambing “ayan, nandito na tayo sa airport.”
“Sakto, may 15minutes pa pala tayo para magsama” nakangiting sambit ni Steph. Tanging ngiti lang ang ginawad ni Andrew sa mga katagang iyon.
Di nga nagtagal at nakaalis na ang eroplanong kinalululanan ni Steph at nagdesisyon na ding umuwi si Andrew. Sapagkat may dala ding sariling kotse ang mga magulang ni Steph sa paghahatid sa anak kung kaya’t mag-isang nagbyahe ang binata sa pag-uwi. Sa pagpasok nya ulit sa San Isidro ay patuloy pa din niyang hinahanap ang binatang biglang binalingan ng kanyang interest.
Kinaumagahan, araw ng Linggo, napagpasyahan ni Andrew na magsimba sa bayan ng mag-isa. Hindi tulad ng nakagawian na sa bisita sa barrio sila nagsisimba ng kakambal kasama si Aling Martha. Saktong sa pagdating niya ay naghahanda na ang mga sacristan para sa pagsisimula ng misa. Duon ay naulinigan niya ang mga pagbati sa isang tao at ang isang pamilyar na tinig na nagpapasalamat sa mga bumabati. Nais sanang makita ni Andrew ang pinanggagalingan ng tinig na iyon subalit kasabay sa paglapit niya ay ang pagsisimula na ng prusisyon mula sa pinto ng simbahan patungong altar. Napagpasyahan ni Andrew na sa harapan umupo at ipagpamamaya na lang ang gagawing paghahanap sa binatang nagpapagulo sa isipan niya.
Mula sa ibaba ay kitang kita ni Andrew ang mga mukhang nasa itaas ng altar. Sa pag-ikot ng kanyang paningin ay napakong bigla ang kanyang mga mata sa binatang kanina pa niya hinhanap. Biglang bumilis ang tibok ng knayang puso at tila napakaingay sa loob ng kanyang dibdib. Hinidi niya maialis ang mga mata sa anyo na kahapon pa niya hinahanap. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso ng makitang tumingin din ito sa gawein niya at siguradong siya ang nginitian nito.
Mula sa itaas ay kitang-kita ni Nicco ang mga tao, maging ang lalaking kanina pa sa kanya nakatingin. Sa pag-aakalang ito ay si Andrei, binigyan niya ito ng isang ngiti. Sa pag-aakalang nasa loob ang lalaking nagpapakabog sa kalooban niya ay nagsimulang makaramdam ng pagkabalisa ang batang sacristan. Subalit hindi tulad ng dati, pakiramdam niya na tila ba ibang tao iyon at hindi si Andrei na nakilala niya.
Nang matapos ang misa ay nakita ni Andrew ang mga kabarkada niya kung kaya’t nawalan na siya ng oras na puntahan ang sacristan dahil naipit na siya sa kwentuhan. Naisip na lang niya na mayroon pa naman ibang araw lalo na at alam niya kung saan hahanapin ang hinahanap. Masaya na siya at nakita niya ang binata at kahit kailan niya nais ay maaari niya itong puntahan.
Samantala, madami ang pumupunta sa sakristiya hindi lamang para magmano kay Fr. Rex kundi para batiin din ang kampeon ng San Isidro.
“Nicco, alam ko namang pagod ka, bakit ka pa nagserve ngayong araw.” sabi ni Fr. Rex kay Nicco.
“Naku Father para isang oras lang po sa isang linggo ay pinagbabawalan nyo pa akong maglingkod sa Diyos.” pakling sagot ni Nicco.
“Naku iho, hindi naman kita pinagbabawalang magsimba, sana naman ay nagpahinga ka muna at kahit mamaya ka na nagsimba.”
“Father, kung magsisimba po ako, mas maganda na ung magseserve na din ako.” ani ni Nicco “iba po kasi sa pakiramdam ang alam mong nakakapaglingkod ka kahit sa munting paraan. Madami po tayong dapat ipagpasalamat at madaming dahilan para paniwalaan nating siya ay nag-iisang maylikha at manunubos.”
“Sige na nga, ikaw na ang panalo sa ngayon.”
Patakbong umalis si Nicco dahil mahuhuli siya sa usapan nila ni Rome. Nalimutan na rin niya ang binatang inakala niyang si Andrei. Tila ba pilit na pinagtatagpo ng tadhana si Andrew at Nicco. Hindi sinasadyang sa pagmamadali niya ay nabangga niya ang isang lalaki at ito ay natapunan ng iniinom na softdrinks.
“Shit” sabi ng binatang natabig ni Nicco “hindi kasi marunong mag-ingat” sabay lingon ni Andrew.
Tila ba napipi si Nicco dahil hindi niya inaasahang si Andrei pala iyon. Muli ay nanginig ang kanyang katawan at lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hindi din malaman ni Andrew ang gagawin o sasabihin ng malamang ito pala ay ang binatang nais niyang makilala at makita.
“Sorry And—“ hindi pa man niya naitutuloy ay agad ng sumabat ang mga kaibigan ni Andrew.
“Stupido, hindi ka kasi nag-iingat” sabi ng isa “bulag ka ba o tanga?” dugtong na nito.
“Gusto mo pare bangasan na natin to” sibad pa ng isa.
Likas ang pagiging mayabang sa barkada ni Andrew, nakapagtatakang kahit mayabang ang mga ito ay tila hindi apektado at naiimpluwensiyahan si Andrew.
“Ah, mga pare, pabayaan nyo na, talagang may mga tanga lang sa mundo.” Hindi maunawaan ni Andrew kung bakit iyon ang nasabi niya, iba ang nasa loob ng kanyang puso. Tila ba gusto niyang hawakan ang mga kamay nito at sabihing ayos lang ang nangyari. Maging ang mga kabarkadang iyon ni Andrew ay nagtaka sa sinabi nito. “tara na umalis na tayo.”
Labis na nasaktan si Nicco dahil hindi niya inakalang ganuon ang sasabihin ng inakala niyang kaibigan. Inalo niya ang sarili na at sinabi – “ Nicco, Nicco, Nicco, madami lang talaga ang mapagpanggap sa mundo. Malas mo lang at nakakilala ka ng isa. Mainam na at habang mas maaga nalaman mo na ang ugali ng Andrei na yun, darating din ang katapat nun na pagpapatino sa kanya.” Isang malalim na buntong-hininga ang inilabas pinakawalan ni Nicco.
Nang gabi ding iyon ay iniisip pa rin ni Nicco ang nangyari, ngunit tulad kanina ay inalo niya ang sarili -- “Nicco, Nicco, Nicco, ang mahalaga totoo ka sa sarili mo at hindi ka nagpapanggap okay.!” Nahihirapan mang makatulog dahil sa pag-iisip sa nangyari ay pinilit pa rin niya, ngunit hindi pa rin talaga niya kaya kaya’t saglit niyang kinausap ang Diyos mula sa kawalan –
“Buti na lang po andiyan ka lagi para kausapin ko, paglabasan ko ng sama ng loob. Hindi man po kita nakikita, sa puso ko alam ko na hindi ka nang-iiwan. Sa tuwing nababalisa ako, napapagaan mo ang loob ko. Paano na lang kung wala ang tulad mo.”
Inilabas ni Nicco ang lahat ng nararamdaman sa pamamagitan ng dasal, at tila ba epektibong gamut, unti-unting nawala ang pag-iisip niya at napakalma agad siya. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Kagaya ni Nicco ay hindi din makatulog si Andrew, tila pinagsisisihan ang ginawa niya kanina, lalo na ang ginawang pag-iwan niya dito kanina.
“Hay, ano na kaya ang iniisip nun tungkol sa akin.” mahinang sambit ni Andrew “sana naman pag nagkita kami ulit hindi na siya galit, magsosorry na lang ako”
Minabuti ni Andrew na magpatugtog na lang gamit ang ipod nang sa gayon ay malimutan niya ang ginawa kanina na labis niyang pinagsisisihan.
Samantala, walang kaalam-alam si Andrei na nagagalit pala sa kanya si Nicco dahil sa pagkakamaling hindi siya ang may gawa kundi dahil sa maling akala ni Nicco. Gayun pa man, hanggang sa panaginip ay naaalala niya si Nicco at ang tinig nito na para bang isang anghel ang umaawit na binagsak ng lupa para sa kanya.
No comments:
Post a Comment