Tuesday, February 1, 2011

No Boundaries - C15

No Boundaries

Chapter XV

Ang Pagdating ni Dok Matthew

“Sarap umiyak dito sa hardin diba? Kahit naman sino, kailangang umiyak. Bahagi na iyon ng pagiging tao” sabi ng doktor.

Si Dr. Matthew Cervantes Jr. ay ang bagong doktor ng seminaryo. Bukod sa pagsisilbi niya ng libre sa seminaryo ay regular na doktor din siya sa isang ospital sa Maynila. Isang dating seminarista na lumabas ng seminaryo para hanapin ang isang bagay na tunay na ikaliligaya ng puso niya. Sa pagbabalik niya sa kanyang bayan ang Santiago ay duon niya nakita ang madaming kakulanga ng lipunan. Napagtanto niya na madami sa mga kababayan niya ang namamatay ng hinid man lang nakakakita ng doktor sa tanang buhay nila. Sa pag-iral ng likas na kabaitan ay naantig ang kanyang puso upang tumulong sa mga ganitong uri ng tao. Hindi naglaon ay nakita niya ang sarili na pinag-aaralan ang medisina.

Kahit tutol ang kanyang pamilya sa bagong landas na tinatahak ay pinanindigan niya ito. Hindi siya natakot na mawala ang kung ano pa man sa kanya. Sa ngayon, mas iniisip niya ang pagtulong sa mga kapwa. “Hindi ko ipagkakait ang tulong sa nangangailangan sa paraang alam kong kaya kong gawin.” Ito ang naging pamantayan niya sa pagtulong sa kapwa.

Ngayon ngang nakapagtapos na siya ng medisina at isa ng ganap na doktor ay pinili niyang maging doktor sa isang pampublikong ospital at isang volunteer doctor na pumupunta sa mga mahihirap na lugar para mag-abot ng tulong. Hindi din niya ipinagkait ang libreng serbisyo sa kanyang dating tahanan, ang San Agustin Seminary. Pinupuntahan niya ang seminaryo ng dalawang beses sa isang linggo. Buhat ng una silang makapg-usap ni Nicco ay naging malapit na ang bata sa kanya.

Dalawang buwan na ang lumilipas at walang kambal na nagpakita sa seminaryo. Labis na kalungkutan ang nararamdaman ni Nicco. Lalo’t higit sa isiping galit sa kanya ang Kuya Andrei niya. Linggo nuon, nasa hardin si Nicco, parehong lugar kung saan niya unang nakausap ang doktor. Umiiyak ng palihim ang batang si Nicco ng muli ay makita siya ng doktor.

“Ano ang problema iho?” tanong ng doktor sa kanya.

“Wala naman po.” Sagot nito.

“Kung wala, bakit ka umiiyak?” tanong nito “hindi pwdeng umiiyak ka ng walang dahilan” dugtong pa nito. “Lagi kitang nakikitang umiiyak sa lugar na ito” ibig sabihin may problema ka.

At duon nga ay ikinuwento ni Nicco sa Doktor ang lahat. Kahit may pag-aalinlangan sa kanya ay ginawa pa din niyang magtiwala sa doktor dahil alam niyang makakatulong ito sa kanya.

“Isipin mo, ano ba talaga ang mas matimbang sa iyo? Saan ka ba mas liligaya? Bakit hindi mo subukang pagdaanan ang parehong landas. Ngayon ay tinatahak mo ang unang option mo, nakikita ko masaya ka pero may kirot at hapdi sa puso mo. Bakit hindi mo subukang lumabas? Tahakin mo ang isa pang option. Malay mo, sumaya ka na walang kirot sa puso mo.” sambit ng doktor.

“Dok, nagsimula lang naman po ito nung umamin sa akin si Kuya Andrei at mas naramdaman ko ang kalungkutan nung hindi niya ako dinadalaw.” Sagot ni Nicco.

“Tamang pagkakataon na para subukan mo ang isang landas.” Dagling pagsagot ng pari. “Kung sakali mang hindi ka lumigaya sa labas, bukas ang seminaryo para tanggapin ka.”

Napangiti si Nicco na para bang gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa palagay niya ay binigyan siya ng senyales mula sa taas kung ano ang gagawin niya. Naisip na lang niyang, mas madali pala ang magpayo kaysa sa isabuhay mo ang pinapayo mo.

“Salamat po Doc Matthew” sabi ni Nicco “buti na lang po at andyan kayo”

“Salamat din sa tiwala mo sa akin” sagot ng doktor “walang makakalam ng pinag-usapan natin”

Mula nuon ay tila gumaan na ang pakiramdam ni Nicco, at unti-unti sa bawat linggo, alam na niya ang isasagot sa kanyang minamahal na kuya Andrei kung sakaling bumisita ito at magtanong sa kanya.

No comments: