Wednesday, February 23, 2011

SBLS-Short Bisexual Love Stories- The WRITE One

AKDA NI K.G.F.

SBLS-short bisexual love stories-the WRITE one
Message: Sa lahat ng nag follow ng blog ko thank you, sa mga nakachat ko sa BOL chatroom at sa FB na naghihntay ng new story eto na, sa wakas natapos ko, salamat po ulet sa lahat ng sumusuport at nagbabasa. :)


_________________________________________________________

“If you feel something, wether it is hatred, anger, love, joy, try to write it down, it’ll make you feel better, Trust me” This is a quote na ginawa ko lang, kasi when I feel something, I just write it down, kasi parang pag nasulat ko kung ano yung nararamdaman ko, I feel na kahit wala akong kausap naishare ko sa paraan ng pag sususlat yung nararamdaman ko, and who knows, baka may mainspire pa ako sa mga sinulat ko.


Galing ako sa magulong pamilya, si Dad kasi may kalaguyo, si Mama ko hirap na hirap na, Mga kapatid ko, kung hindi lulon sa droga, maaga nag asawa, ako? Lahat ng sakit na nararamdaman ko sinusulat ko, hindi man ako mahilig mag blog basta maisulat ko lang sa kaibigan kong papel lahat ng gusto kong sabihin. Mabait, masunuring anak, at ang tanging tumutupad sa mga pangarap ng magulang ko sakin, ganyan ako, ganyan si Rafael, some people call me Raffy, yung iba RafRaf, meron ding Rafael, I don’t really care kung paano nila ako i-adress. Produkto ako ng Premarital sex, panganay sa pamilya pero hindi pa nakakatikim ng droga, yosi o kahit ari ng kahit sino. Ako na yata ang pinaka virgin sa lahat ng bagay, pero when it comes to love, dyan mo ko maasahan, kasi yun nalang yung nagiging panakip ko sa lahat ng nararamdaman ko, kaya ako, hindi ako nag hihintay ng taong magmamahal sakin, usually, ako pa yung naghahanap para lang kahit papaano may karamay ako pag hirap na hirap na ako sa buhay ko. Mga kapatid ko? Spoiled kasi, nakukuha nila gusto ni la pag ginusto nila, sabihin na natin na mayaman ang mga magulang ko, pero exeption ako, kasi hindi ko yaman yun, kanila yun.

Sobrang Normal na araw, kaka break lang naming ng huling Girlfriend ko kasi parang katawan ko lang ang habol nya, not to brag pero kahit stressed ako, hindi ko pinapabayaan ang katawan ko, I make sure na may nakikita ako pag tumitingin ako samay chest at abdominal part ng katawan ko. Ako? Eto naghahanap nanaman ng babae na pwedeng maging savior ko sa lahat ng misery na nadarama ko. Kuha ng notebook, upo sa isanggilid ng tambayan sa school, hintay ng barkada kasi ibang course ang mga barkada ko, so hindi kami pareho ng schedule, kaya eto ako, sa tambayan, magisa, kuha ng papel, at ilabas muna lahat ng sama ng loob ko.

“This day sucks, big time, nag break na kami ng Girlfriend ko, bago pa ako umalis ng bahay, naubos na yata yung mga furnitures sa bahay kabato ng mga magulang ko, nahuli daw ni Mama si Dad na may kasama sa mall, Hay! Si Dad naman kasi eh…”

“Hoy Raf” sabay tapik ng barkada kong HRM, si Patrick, na kakalabas lang ng klase nya, napahinto ako sa pagsusulat ng hinaing ko sa papel at napatitig nalang sa kanya “Ano nanaman yan sinuslat mo pards?” sabi pa nya

“Eto naman parang hindi ako kilala!” sagot ko sakanya

“Oo nga pala sorry Emo boy ah!” mapanginis nyang banat

“Sige na ako na emo, ako na! lagi naman” pabirong sagot ko sakanya

Nagdatingan na ang mga Architecture naming tropapips, mga Accountancy, 6 kami sa barkda, kumpletos rekados na, may joker, may pang emo, may pang rock, basta lahat!

I am straight, and alam ko sa sarili ko na straight ako, pero we’ll never know what will happen right? So ayan tapos na yung break, at eto ako papasok nanaman sa lintek na klase kong Economics, mahirap pero kakayanin naman, madaming inspirasyon kahit madami ding problema. Hindi ako palakausap sa mga tao kaya medyo loner ako sa block namen, dumating ako sa room naming para sa class ko, ayan, maingay agad ang mga kaklase ko, Shit naman bakit ba ako napadpad sa block na to. Dumating na si Sir, nagstart ng class pero bago pa man sya makapag lesson may kumakatok ng room namin, biglang pumasok ang isang lalaking katamtaman ang tangkad, maputi, at hindi naka uniform, siguro ay bago naming makakaklase, since wala akong katabi sa likod, nagulat ako na papalapit sya sa inuupuan ko sa likod, umupo sya sa silya na isa lang ang pagitan mula sa kinauupuan ko, pagkababa ng gamit, nagpakilala sya sakin

“Gerald C. Gatdula, nga pala pare”

“Rafael John Cuevas” pakilala ko, tinawag sya ng professor naming para magpakilala sa iba naming kaklase, tumayo sya at nagpakilala.

“Cuevas ka din pala” sabi nya

“Baket? Cuevas ka din?” tanong ko

“Hindi Midlle name lang” sabi nya, haha nakakatuwa naman may common something kami! Wala lang, aminin natin! Kahit tayo pag nakakakilala tayo na pareho tayo ng last name, natutuwa din tayo, nagbibiruan pa nga na baka magkamag-anak pa! Nakaktuwa lang isipin. at pagkatapos ay nag lecture na si Sir sa harapan, napansin ko na may isinusulat sya na hindi naman tugma sa ni lelecture sa harapan.

“Ano yan?” usisa ko sakanya

“Eto? Wala lang to, wala kasi ako magawa” sagot nya

“Ano nga yan?” tanong ko

“Wala lang to” sabi nya tumahimik ako sandali at nagpaka seryoso para sabihin nya sakin kung ano man yun. “Sige na nga, stories to, nagsusulat ako kasi pag mabigat yung loob ko, eto lang nakakapag pasaya sakin” sabi nya.

“haha! Sensya makulet ako ah” sabi ko

“Ayus lang” sagot nya

Naging ka close ko si Gerald dahil pareho kaming mahilig magsulat, ang difference nga lang, mahilig sya mag sulat ng mga stories, ako, parang blog lang, parang diary ganun, pinapabasa nya sakin yung mga stories na sinusulat nya, mapa adventure, o kahit love story, minsan mystery, basta saludo ako sakanya kasi sya lang umiisip ng mga stories na yun. Lagi ako nasa condo nya after class, wala naguusap lang, tinutulungan ko sya minsan gumawa ng stories nya, sa rooftop ng building nila dun lang kami, nagsusulat sya ng stories nya, nagsusulat ako ng mga nangyayari sa buhay ko.

Nasa rooftop lang kami ng biglang hinawakan ni gerald yung kamay ko

“Pikit ka Raf” sabi nya

“Baket?” tanong ko

“Basta” pinikit ko yung mga mata ko at naramdaman ko na parang may sinusulat sya sa may kanang palad ko. “Oh! Dilat ka na” sabi nya. Pagdilat ko tinignan ko ang mga palad ko at may nakasulat na “THANK YOU”
“Para san to?” usisa ko

“Para sa lahat! sa oras mo!.. na lagi mo ko sinasamahan, na lagi ka lang andyan” Na touch ako sa sinulat nya sa kamay ko at nginitian ko nalang sya. Sobrang sarap ng pakiramdam na naapreciate nya lahat ng mga oras na magkasama kami, sya lang kasi yung nakakaintindi sakin pag may problema ako, ngayon imbis na sa papel ko lang sinasabi lahat, may isang tao na ako na pinagkakatiwalaan ko sa mga problema ko.

MInsan lang kami magkita sa school kasi irregular sya, isang subject ko lang sya classmate, dalawang beses lang kami magkasama pero pagkatapos naman ng klase, lagi ko na sya kasama. Isang beses nasa rooftop lang kami nagsusulat ng naubusan ng tinta yung ballpen na ginagamit ko, nanghiram ako sa kanya at pinapunta nya ako sa kwarto nya para manguha ng ballpen, hiniram ko yung susi at bumaba sa 7th floor kung nasaan nandun yung kwarto nya, kunin ko daw samay lamesa malapet sa lababo, pag lapit ko sa lamesa ay napansin akong 5 naka-stapler na mga bond paper, nakita ko yung title sa tuktok ng papel “RESTRICTED LOVE” habang binabasa ko ay bigla kong nabitawan yung papel ng makita ko yung nakasulat duon, isang storya na hindi ko alam kung papaano ko tatangapin, isang storya na hindi ko alam kung kaya ko pang pulutin para basahing muli. Umuugong sa utak ko yung unang sentence sa storya nya na yun.

“I never thougt I would meet someone like him, someone like Rafael John Cuevas, I like to tell him that I love him so much, but I don’t want to spoil our friendship, I treasure it so much, kaya ayoko na dahil lang sa nararamdaman ko, matapos yung kung ano mang meron samin ngayon”

Hindi ko alam pero sabi ko sa sarili ko kailangan ko dalhin to sa taas kung saan nandoon si Gerald, hindi ko alam kung bakit kailangan ko syang i-confront, ewan ko! Dahil ba gusto ko sya? Ewan! Hindi ko alam kung bakit.

Umakyat ako at habang papalapit ako sakanya, hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang kaba ko, napatingin sya sakin at sa hawak ko, alam kong alam nya kung ano yung dala dala ko, nakita ko yung gulat sa mga mata nya ng bigla nalang sya nagsalita

“Raf, I’m sorry, I’m really really sorry” sabi nya

“Baket Gerald? Baket may ganito?” tanong ko sakanya

“Mahal kita Raf eh”

Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, binitawan ko nalang yung limang patong na papel at tumakbo papunta ng elevator, hinabol ako ni Gerald, sakto bumukas yung elevator ngunit bago pa ito makasara, pumasok si Gerald at niyakap ako, tumitig sya saakin, at hindi sya nag-alangan na halikan ang mga labi ko, bumigay ako dahil na rin siguro nga, gusto ko din sya, hinalikan ko sya at wala akong pakialam kung may tao man na makakita saamin. After he pulled away from my face,nakita ko na may mga luhang bumagsak sa mga mata ni Gerald

“Raf, thank you ah, kahit sa mga huling araw na makakasama kita, pinagbigyan mo ko”

“Huling araw? Bakit?”

“Aalis na din kasi ako papunta sa Spain, dun na ko titira kay Mama ko, isang reason din yun kung bakit hindi ko masabi sayo na gusto kita, kasi aalis din ako, para san pa? itago ko nalang”

Ewan ko kung ano yung nagtulak sakin pero niyakap ko ulet sya at hinalikan ko ang mga labi nya, hindi ko alam kung anong sumapi sakin para gawin ko yun. Hinawakan nya ang mga kanang palad ko at nakatitig lang ako sakanya habang may sinusulat sya sa kamay ko. Hindi ko pinansin yung sinusulat nya ngunit ang nagawa ko lang ay tumingin sa malungkot nyang muka at lumuluha nyang mga mata, sumasakit na yung dibdib ko, hindi ako makahinga a pagpigil sa mga luha ko. Nang pagkatapos nyang isaulat at niyakap nya ako at tumakbo papalayo sakin.

Simula nung araw na yun, hindi ko na sya nakita, ni hindi ko man lang alam kung nasan na sya! Hindi ko man lang alam kung nasa Pilipinas pa ba sya o nasa Spain na! Wala, evertime na naliligo ako, lagi kong tinatakpan ng something yung kamay ko para hindi mabura yung nakasulat sa mga palad ko

“I LOVE YOU RAF” simpleng mga salita pero hindi ko alam kung bakit naiiyak ako evertime na tinitignan ko yun, sobrang sakit, kasi mahal ko din pala sya, baket nyayon pa, kung kailan wala na! Pero sabi nga nila pag meant kayo sa isa\'t isa, kayo talaga, kung hindi, edi hindi, buti andito yung barkada kong papel at si Besprend G-tech!

All I can say to my paper is “I MISS GERALD! I MISS GERALD SO MUCH, I LOVE HIM, I LOVE HIM SO MUCH.” kung nagsasalita at nakakagalaw siguro si barkadang papel, sinigawana at binatukan na ko nito, sa sobrang non sense ng sinusulat ko, puro iyun puro iyun! Everytime mag susulat ako, hindi ko alam pero bakit lagi sya naiisip ko, napapatingin padin ako sa kamay ko, at andun parin “I LOVE YOU RAF” hindi nabubura kasi inaalagan ko talaga.

One day, asa tambayan lang ako, nagsusulat ng mga hinanakit ko sa bahay at sa magulo kong buhay ng bigla nanaman umeksena si Patrick, ang barkdada kong HRM

“Raf, tama na emo! Kain tayo oh” alok nya sakin, inaabutan nya ako ng isang tacos galing sa foodcourt ng school namin at alam nyang iyun yung paborito kong kainin.

“Ayoko Pat! Busog ako” sagot ko

“Sige na! Please! Raf! Kumain ka na oh!” Kulit ni Pat sakin. Hindi ko pa sya nakikita kahit kailan na ganyan sakin, hindi ko alam kung anong gusto nya iparating. Sobang iba yung kilos ni Patrick ngayon.

Tinanggap ko nalang at baka magtampo patong tropapips ko eh etong mga ito na nga lang yung nakakapag pangiti sakin. Nung kinuha ko yung Tacos sa mga kamay nya, nalihis yung mga mata ko sa muka nya, at First time, as in unang beses ko nakita yung ngiti nya na ganun! Hindi ganun ngumiti si Patrick, I know kasi ang tagal tagal ko na kasama yan! Sobrang iba ng ngiti. Hindi ko nalang muna binigyan ng malisya kung ano man gusto nya iparating sa mga ngiti nya na yun. Pero parang may iba akong naramdaman sa ngiti nyang yun. Seriously, He looked so Fucking Hot nung ngumiti sya ng ganun! Grabe! Ewan ko iba sya! Sinasapian yata ng kung ano!

The day ended, gusto ko ng umuwi para magpahinga! Hay Stressors! Layuan nyo ako! Bago ako makalabas ng school may tumawag sa pangalan ko

“Raf! Intay!” Sigaw ni Patrick sakin! Hindi ko alam kung anong sanib nito! Hindi to sumasabay sakin pag pauwi na kasi ibang way sya at kabilang gate sya dumadaan, ewan ko ba! “Tara Raf, kain tayo Tacos sige na!”

Hindi na ako nakatanggi medyo gutom na din naman ako nun eh, order ng Tacos! Yes! Favorite ko. And then bigla ko syang tinanong kung bakit naisipan nya ako I treat nanaman ng Tacos

“Wala lang! Inisip ko lang baka gugutom ka! Di ka naman naglulunch eh” sabi nya

“Eh! Di ka naman ganyan dati ah! Ano sapi mo ngayon Pat?” tanong ko

“Kasi baka maunahan nanaman ako” sagot nya

Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko at kung tama man pano ko iinindihin yung sinabi nya, pano ko iinterpret, Shet! Then bigla syang nagsalita

“Okay Sorry! Barkada mo nga pala ako! Hanggang barkada lang dapat” Sobrang naghalo halo yung mga iniisip ko hindi ko alam kung bakit! Hindi ko alam kung bakit ganyan sya magsalita! Then nagsalita ulet sya

“Dati pa kita gusto! Hindi ko alam kung pano ko sasabihin Raf! Tapos nung kaya ko na! Ayan na! Nandyan na si Gerald, alam mo nung nawala yun, sabihin mo na na selfish ako! Pero sobrang saya ko nung nawala si Gerald”............ “Kasi at least kahit masabi ko lang nararamdaman ko ng walang magagalit na iba, masaya na ako, alam ko naman na hindi ganun yung tingin mo sakin” sabay punas ng luha na unti unting bumabagsak sa kaliwang mata nya.

“Patrick! I love you too” hindi ko padin alam kung bakit sinabi ko yun! Naawa? Nahabag? Nakonsensya? Hindi ko alam pero hindi ko naman siguro sasabihin yun kung hindi 50% and more na meant ko yun! Siguro yung ngiti nya nun, hindi ko alam kung pano iexplain! Basta!

That day was history, ang hirap man isipin pero Oo, naging kami nga ni Patrick! Sobrang maalaga, sobrang bait nya sakin, and to tell you the truth, parang nakakalimutan ko na si Gerald dahil kay Patrick, pano ko nasabi? Kasi everytime na nahahawakan ko si barkadang papel at si tropang G-tech, sya at sya yung pumapasok sa isip ko, on how he takes caer of me everyday, kung pano nya ko kulitin kumain. Basta, alam ko natutuwa yung papel ko na Finally, I found someone na mag fifill in sa mga spaces sa puso ko.

Si Patrick na siguro yung pinaka nakapag pahalaga saakin, more than how my family has cared for me. Si Gerald? I felt how he cared for me but not for a long time, kasi nga iniwan nya ako. Iniwan nya ako. He left me. Haha Bitter? Haha

I was all alone at home, at syempre ang boring naman siguro kung nasa bahay lang ako at nagiisa, I texted Patrick, na I\'m all alone, I was expecting na hindi sya pwede kasi malayo pa yung bahay nila sa bahay namin, I did\'t expect na pupunta sya para makita ako and makasama ako thinking na ang layo ng panggagalingan nya.


After an hour or so dumating na si Pat, he brought me Tacos, favorite ko, ang sweet sweet naman nitong mahal ko! We watched movies para hindi kami ma bore. Then habang pinapanood naming yung movie, kinukulet nya ako, and then he just stared at me like hell, sobrang titig! And kinakabahan ako kung ano man yung gusto nyang iparating sa mga titig na yun. He made his way closer to my lips, he kissed me, ayoko sya i-disappoint, kaya I kissed back, not that I don’t want to, it’s just, parang ayoko lang kasi mataas yung respeto ko sakanya and sa relasyon naming dalawa, pero wala akong magagawa, he wants that, sige I’ll give it to him. After that, bumaba sya samay neck ko and shit! Si Junior patigas na, He was about to pull my shirt up, pero pinigilan ko sya, I looked at him and I said sorry na hindi ko kaya, umupo nalang sya at kitang kita ko na parang na turn down ko sya sa ginawa ko. The night went on, walang kahit ano man syang sinabi, ilang beses ako nag sorry, wala talaga. Ayoko naman na isipin nya na hindi ko sya mahal, kasi Mahal na mahal ko naman talaga sya.



My mom approached me when I woke up the next day and sabi nya

“Oh Raf mag pack ka ng gamit mo, punta tayo sa kapatid ng dadi mo sa probinsya, dumating kasi galling abroad”

That was a big deal sa Dad ko, kasi yung kapatid nya pala na yun ay yung kapatid nya na parang nagkaroon sila ng gap matagal na, 18 years ago pa yung huli nilang usap, parang family reunion na din siguro kasi naghanda si Dad pati yung mga iba pa nilang kapatid sa pagdating na isa sa mga kapatid nila na let’s say na, nawala sa linya ng pamilyang Cuevas ng halos 18 years.


And I took this opportunity narin para makapag sorry kay Pat, I asked my mom kung pwede ko isama ang “BESTFRIEND” kong si Pat, kasi alam nila na bestfriend ko yun, at pumayag naman sila, masarap daw kasi dun sa probinsya nila Daddy ko, malamig, madaming galaan para sa mga mahilig sa nature, hay, sarap magsulat dun kasama si Barkadang Papel at si Tropang G-tech habang katabi ko yung taong nakakapgpangiti sakin araw araw.


It was a long trip, magkatabi kami ni Pat sa likod, sila Mama At Dad nasa harap, hindi ko namalayan na nakatulog na ako, at pag gising ko, nakita ko nalang ang isang palasyo, sobrang malapalasyong laki sa bahay, na bahay pala ng kapatid ni Daddy ko, Wow Sosyal! Mayaman.


Puputok na yung pantog ko kaya kinulet ko na sila Dad na magmadali papasok at ayun, nung nagkita ang magkapatid, iyakan to the max ang naganap, nagpakilala ako kay Tita at agad nag paalam kung pwede ako makigamit ng CR. Iniwan ko muna si Pat sa labas sa sobrang madali ko kakaihi, pagpasok ko ng bahay sobrang daming tao, mga bisita ng kapatid ni Dad, mga kaibigan nya, mga ibang kapatid nila, hindi ko nalang sila napagtuunan ng pansin dahil narin sa sobrang sakit nan g pantog ko, nakita ko na ang CR at bago pa man ako makapasok ay bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko at biglang may parang dumikit na malamig na bagay sa may mga braso ko, isang bagay na alam ko naman talaga kung ano, nung nawala ang mga tabing sa mata ko agad kong tinignan ang mga braso ko at nakita ko ang mga katagang

“I MISS YOU”

Ayoko man tumingin sa likod kasi alam ko na kung ano ang madadatnan ko, alam ko na kung sino ang may gawa nito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayan na. Dahan dahan ko nilingon ang ulo ko at alam ko na hindi ako nagkakamali sa hinala ko


Nakita ko si Gerald nakangiti sakin, hindi ko alam kung bakit nawala yung urge ko sa pagpunta sa CR, nawala yung kailangan kong iihi, hindi ko alam, basta nung nakita ko sya niyakap ko sya, and I whispered him that I missed him so much, nakita ko si Pat na nakatingin saming dalawa, nakita ko yung sakit sa mga ni Pat, hindi ko alam kung bakit niyakap ko si Gerald despite all the hurts na nadulot nya sakin dati, hindi ko alam, all this time niloloko ko lang yung sarili ko, niloloko ko lang yung sarili ko, niloloko ko lang si Pat, nagulat ako nung lumalapit sa Pat samin, nakangiti at tinapik nya si Gerald sa likuran at sinabi nya “Ayan! Inalagaan ko muna si Raf habang wala ka” naluha ako habang sinasabi ni Pat yun, does he really mean it, or nasabi nya lang yun para mapasaya nya ako, all I know is Mahal na mahal talaga ako ni Patrick.


Pinunasan ni Gerald yung mga luha ko at binitawan ko na sya sa mahigpit na yakap ko sakanya, biglang dumating ang Kapatid ni Dad


“Oh Anak, na meet mo na pala yung anak ni Tito Johnny mo, ano Raf? Nakagamit ka na ban g banyo”

Hindi ko alam kung ano yung magiging expression ng muka ko, gulat? Lungkot? Gulat ulet? Ano? Pinsan ko si Gerald? Shit!


Everytime naiisip ko na pinsan ko sya, hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko na minamahal ko pa rin sya hanggang ngayon, diba hindi yun pwede? Pinsan ko sya eh rules ng love yun eh.

Pero sabi nga nila “Love has its own rules… but just like promised, rules are made to be broken”


Mahal ko sya, Mahal nya ako, dito ko napatunayan na Love conquers all, kahit rules pa yan, hatred, o kahit ano pa man, basta ang alam ko


Me and Gerald? We will set a new rule on LOVE.


Kasi from the start, alam ko na he is the RIGHT one.



From: Gabriel

No comments: