CHAPTER 3
It
was a windy night.
Madilim at waring nagbabadya ang isang hindi magandang
panahon ng mga oras na iyon. Makapal ang ulap sa kalangitan at walang mga
bituin.
Sa isang panig ng kalsadang iyon ay
nakatayo ang isang kumikislap-kislap na poste ng ilaw. Wala masyadong tao sa
lugar na iyon kaya naman gustong-gusto ng mga callboy ang tumayo at maghintay
ng mga parukyano na daraan at tatangkilik sa kanila.
“Mukhang uulan pa yata?” tinatamad
na wika ni Rodgie.
“’Wag naman sana.” Segunda ni Paul.
Parehas silang labing-siyam na taong
gulang. Parehong ulila sa ina. Parehong istokwa. Parehong patapon ang buhay.
Si Paul, matangkad. Nasa anim na
talampakan at dalawa ang taas. Katamtaman ang laki ng medyo may kaputiang
katawan. Mahilig siyang magpatawa. Si Rodgie, limang-talampakan at labing-isa
ang taas. Tindig modelo ang pangangatawan at medyo may kaitiman. Madaling
mag-init ang ulo.
Nagkakilala ang dalawa sa negosyong napasukan. Dahil magkaedad,
hindi naging hadlang ang pagkakaroon ng pagkakasunduan sa kabila ng pagkakaiba
ng ugali.
It was like the wind hugging the
fire.
Pinagkukunan ng lakas ng isa ang
isa. Papalit-palit lang sila ng posisyon. Paulit-ulit. Ngunit hindi sila
nagsasawa. Dahil para sa kanila, ito ang nagbibigay ng rason para pilitin pa
nilang bumangon at isabuhay ang bawat araw na nagigising sila.
“Mag-drawing ka nga ng araw sa
semento,” utos ni Paul sa kasama.
“Ulol!” sagot ni Rodgie sabay batok
sa una. “Nagiging habit mo na yang mga corny jokes mo. Itigil mo yan.
Masasaktan ka palagi sa akin.”
Natatawang kinamot-kamot ni Paul ang
nasaktang ulo. Normal na sa kanya ang pagiging mainitin ang ulo ni Rodgie.
“Ikaw talaga. Ano ba naman yung
magpatawa ako? Tayong dalawa lang naman palagi ang nandito. You’re so
quarrelsome, man.” Ani pa niya sa kasama.
Akmang babatukan siya ulit ni Rodgie
ng tumakbo na siya palayo dito. Tatawa-tawa pa siya ng magsalita ito habang
hinahabol siya.
“Gago ka! Huwag mo akong inaasar.
Porke’t nakapag-aral ka, iniingles mo na ako. Paksyet ka. ‘tol!”
“You talaga, hindi ka na ma-joke.
I’m just practicing my English, man. What if I bumped into an Englishman one
day? How do I talk to him-“ aniyang tumatakbo ng palayo ngunit nakaharap dito.
Biglang tumigil sa pagtakbo si
Rodgie na ipinagtaka niya. Madalas ay aabutan siya nito saka sila magpapambuno
na mauuwi sa isang mainit na halikan sa loob ng madidilim na eskinita na
regular nilang ginagawa kapag walang customer. Ipininasya niyang huminto rin at
alamin kung ano ang nakapagpahinto sa kaibigan.
Napako ang mga mata niya sa isang
malaking lalaking nakasuot ng magarang kadamitan na kadalasan ay nakikita niya
lang sa mga pelikulang Ingles. Naka-amerikana itong itim na bukas lahat ang
butones. Naka-kurbata at may nakapasak na tabako sa bibig. Bata pa ang hitsura
nito para sa napiling get-up ngunit bumagay iyon dito.
Napangiti siya.
“Uy, mukhang may customer na tayo.”
Ani Paul.
Narinig niya ang nagmamadaling yabag
ni Rodgie papalapit. “Mukhang may maipanglalaklak tayo sa isang ito ah.” Sabi
pa nito.
“You talk to him,” anang bagong
dating.
Nagkatinginan ang dalawa.
“Ano daw?” magkasabay pa nilang
sambit.
Napangiti ang lalaki at lumapit sa
kanila. “You asked what you would do if you bumped into an Englisman one day?
Well, you almost did, boy,’ ani pa nito sa weird na tono.
Pasimpleng bumulong si Rodgie sa
kaibigan.
“Baliw
ba ‘yan?” Hindi malaman kung paano itatago ang pagbuka ng bibig sa wirdong
lalaki. “Eh, mas pangit pa nga yan mag-Ingles sa’yo eh.”
Mabilis
na siniko ni Paul ang kaibigan sa sinabi nito. Naintindihan niya ang sinabi ng
lalaki. Hindi lang niya alam na magkakatotoo ang biro na binitiwan niya sa
kaibigan. Mahilig siyang manood ng mga palabas na ang bida ay mga artistang
Briton kaya naman alam niyang British accent ang ginamit nito sa kanila kanina
ng magsalita ito.
Ang
ipinagtataka lang niya, hindi ito mukhang foreigner na galing sa UK pero hindi
rin naman ito mukhang call-center agent sa porma nito. Masyado itong
out-of-place sa lugar at sa sitwasyon.
“What?
Cat got your tounge?” sabi pa ng lalaki sa kanila.
Sa
experience niya sa panonood ng mga pelikula at palabas na gumagamit ng ganoong
lenggwahe, iisa ang masasabi niya. Ibang level ang husay nito sa paggamit ng
accent na iyon.
“N-No.
We were j-just… We’re just surprised to see you. T-that’s all.” Aniya sa
katulad na tono.
“You’re
English is not that bad. And I loved your accent. I feel like I’m in my own
country.” Sagot nito.
Napangiti
si Paul.
“Hoy,
anong sinabi mo sa kanya? Gago ka.” Si Rodgie.
“Don’t
worry. Wala siyang sinabing hindi maganda sa akin,” nakangiting sabi ng bagong
dating na ikinagulat ng dalawa.
“Putang-ina…”
ani Paul.
“Whoops!
That’s not English. And please… don’t curse.” Ang estranghero.
“Sira-ulo
ka ‘no?” maiinit ang ulong sabi ni Rodgie. “Akala naming kanina porendyer tapos magsasalita ka ng
tagalog tapos mag-i-ingles ka na naman? Baliw ka na-“
“Kumalma
ka lang, Rodgie. Wala akong balak na paglaruan kayo. Nakisali lang ako sa
lambingan ninyo.”
Natigil
sa akmang pagsugod ang kaibigan ni Paul habang siya ay napatulala sa lalaking
kalmado lang na pinatigil ang pagngangalit ni Rodgie.
“S-sino
ka ba?” ang tanging nasambit niya.
“Paul.
Paul Arenas. Muntikan ng makatapos ng kolehiyo kung hindi lang namatay ang ina
at nalulong sa bisyo ang ama. Tumakas sa bahay at ipinasyang magpakalayu-layo
at napadpad dito. Sa lugar na ni sa panaginip ay hindi gugustuhin ng mga
magulang mo para sa iyo. Poor child.”
“At
ikaw, Rodgie Tan. Hindi nakapag-aral ng husto. Literal na Grade 1 lang ang
inabot. Alam lang isulat ang pangalan at magbilang. Ginapang ng amain mo na ang
buong akala mo ay tunay na lalaki. Namatay lang ang nanay mo, ikaw na ang
gustong asawahin. Kaya tumakas ka nang magkaroon ng pagkakataon. Ngunit saan
ang bagsak mo? Dito din sa lugar na kung saan ay nakita mo ang pagkakaroon ng
pagkakataon na kumita gamit ang iyong katawan.”
“Saka
kayo nagkita. Nagkakilala. Nagkasundo. Hindi lang ang mga ugali kundi pati ang
inyong katawan sa tawag ng laman. Mali ba ako?”
Nagimbal
silang dalawa sa mga sinabi ng estrangherong lalaki. Bukod sa alam nito ang
kanilang mga pangalan, alam rin nito ang kanilang nakalipas. Nangingilabot na
nagkatinginan silang dalawa.
“Huwag
kayong mag-alala. Ako si Karl. Karl Torres. Hindi ang ibunyag kung ano ang
nalalaman ko sa inyong dalawa ang pakay ko rito. I’m here for business.” Ani
Karl.
Nangunot
ang noo ni Rodgie.
“B-business?”
“Anong
klase?” si Paul.
“Well,
hindi katulad ng usual ninyong ginagawa sa mga customer ninyo. May mga tao
akong gusto kong makilala at kung maari… kaibiganin ninyo.”
“Mga
tao?” ani Rodgie.
“Hindi
kami papatay ng tao. Just so we’re clear.” Sagot naman ni Paul.
“Wala
kayong papatayin ultimo na lamok sa inaalok kong trabaho. Just so we’re clear.”
Karl replied mockingly.
“Gusto
kong sundan ninyo ang dalawang ito. Pewde kayong magkahiwalay na gawin ito,
ngunit iisa lang dapat na maging katapusan ng lahat ng ito.”
“Ano?”
magkasabay nilang sabi.
Ngumiti
si Karl at may iniabot na papel sa kanilang dalawa.
“Kailangang
nariyan sila ng alas-dos ng hapon.”
Kinuha
nila ang papel upang tingnan at nang ibalik na nila ang tingin kay Karl ay may
sinalubong sila ng malakas na sinag ng ilaw mula sa isang sasakyan at
naglalakad na ito palayo. Narinig na lang nila ang boses nito habang nakayuko
sila.
“Nasa
lapag ang paunang bayad sa inyong dalawa. Sana magawa ninyo ang ipinapagawa ko
sa lalong madaling panahon. Huwag kayong magtatangkang lokohin ako. Alam ko
kung saan kayo hahanapin. See you.”
Iyon
lang at umalingawngaw ang malakas na pag-arangkada ng sasakyan na sumundo kay
Karl.
“Tang
ina.”
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment