Tuesday, February 1, 2011

No Boundaries - C12

No Boundaries

Chapter XII

Si Nicco, Andrei at Andrew: Muling Pagkikita

Mag-iisang buwan na din mula nang magpaalam si Nicco sa bayan ng San Isidro para tuparin ang pangarap niya at ng kanyang pamilya para sa kanya. Mag-iisang buwan na din buhat ng magpaalam siya kay Andrei na labis na nagpabago sa kanya bilang siya, na gumising sa isang kakaibang damadamin na nuon lang niya naramdaman. Ilang araw na lang din at malapit ng magsimula ang pasukan sa mga kolehiyo sa Maynila kung saan mag-aaral sina Andrei at Andrew. Si Andrew ay patuloy na hinahanap ang isang mukhang labis na nagbigay sa kanya ng kaba at tuwa sa minsang pagkikita. Si Andrei naman ay labis ang kalungkutan sa nagyaring paghihiwalay nila ni Nicco na gumising sa isang kakaibang siya.

Nautusan ng pamunuan ng San Agustin Seminary na pumunta si Nicco kay Fr. Rex para ihingi ng payo ang problemang hinaharap ng seminaryo. Labis ang tuwang naramdaman ni Nicco at sa isip niya “Makikita ko ulit si Andrei, bago ako bumalik sa seminaryo kailangan kitang makita Andrei.” at napangiti si Nicco sa ganitong isipin at ngayon nga ay nasa harap na siya ng opisina ng simbahan ng San Isidro at duon hinihintay si Fr. Rex.

Sa kabilang banda ay nakatakda ng lumuwas patungong Maynila sina Andrei at Andrew para duon mag-aral. Napagkasunduan ng dalawa na humingi muna ng basbas kay Fr. Rex bago sila umalis ng San Isidro. Kaya naman ng umaga ding iyon, ay nagtungo sila sa simbahan para makipagkita kay Fr. Rex. Ang kalungkutang nararamdaman ni Andrei ay biglang sumaya ng makita ang isang pamilyar na itsura sa harap ng opisina. Si Andrew naman ay biglang nakaramdam ng matinding kaba ng maaninagan din ang parehong taong nakita ni Andrei.

“Sarado pa ang opisina, napaaga ata ako ng alis sa seminaryo.” pabulong na wika ni Nicco.

“Oo nga, napaaga ka, pero ayos lang kasi nakita kita” sabi ng isang tinig “buti na lang maaga din akong pumunta”

Walang kabang nilapitan ni Andrei si Nicco at gayon pa man ang pagkakagulat ay nakita ang mga ngiting gumuhit sa mga labi nito. Si Andrew ay nawala ang kaba at tila hindi makapaniwala sa nakikitang kakilala ng kuya niya ang taong matagal na niyang hinahanap. Gayon din si Nicco na parang nagtataka sa dalawang Andrei na ngayon ay nasa harap niya.

“Andrei? Sino sa inyo si Andrei” nakangiting wika ni Nicco.

Hindi tulad dati na may kaba sila sa dibdib tuwing nagkikita, tila ang kaba ay napalitan na lamang ng hindi mapantayang kaligayahan.

“Oh, he’s Andrew, my brother, I mean, my twin” sagot ni Andrei sabay tingin sa kakambal na tila nahihiya.

Hinarap ni Nicco si Andrew “Please to meet you! I’m Nicco” sabay ngiti sa kakambal ni Andrei.

“Mga iho, ano ang ginagawa ninyo dito?” nagtatakang bati ni Fr. Rex sa mga binata na nuon ay kabababa lamang mula sa kwarto nito sa itaas. Kasunod nito ay tiningnan niya si Nicco “Aba Nicco, kita mo nga naman bagay na bagay sa iyo ang suot mo ngayon, para kang isang anghel na binaba sa lupa” pagkasabi nito ni Fr. Rex ay namula si Nicco.

Nuon lang napansin ni Andrei at Andrew ang tila kakaibang bihis nito kung ikukumpara sa nakikita nila dati. “Oo nga Nicco, parang hindi ikaw si Nicco” sambit ni Andrei.

“Ako pa din ito. Ibahin mo man ang kasuotan ko, ibahin mo man ang anyo ko, hanggat nandito ang puso at isip ko, ako pa din si Nicco na kilala mo.” sagot ni Nicco sabay ang isang napakatamis na ngiti.

“Oh siya umakyat na tayo sa taas at duon na mag-usap at nagkamustahan” sambit ni Fr. Rex “sumama na din kayong dalawa” dugtong pa nito.

“Tamang tama Father, kayo po ang sadya namin dito ni Kuya” kahit may hiya ay pinilit ni Andrew na makapagsalita.

Makalipas ang ilang sandali at nakaakyat na sila sa taas.

“Nicco, ano ba ang sadya mo?” tanong ni Fr. Rex.

“Pinapasundo po kayo ni Rector sa akin” sagot ni Nicco.

“Pwedeng tawagan nyo na lang naman ako para hindi nyo na ako sunduin pa.”ni Fr. Rex.

“Medyo personal po kasi, tungkol sa seminaryo” sagot ni Nicco “unahin nyo na po sila bago ko ikwento.”

“Ano ba ang kailanagan nyo sa akin?” sabay lingon kila Andrei at Andrew.

“Hihingi po sana kami ng basbas sa inyo dahil po sa Maynila na kami mag-aaral” sabi ni Andrew.

“Pero uuwi naman po kami ng lingguhan” dagdag ni Andrei, batid ng binata na nalungkot si Nicco dahil sa pagkawala ng mga ngiti sa labi nito kung kaya bumawi siya sa pagsasabing uuwi sila ng lingguhan.

“Ah iyon ba, sige bibigyan ko kayo ng basbas.”

Sinimulan na ni Fr. Rex ang dasal sa dalawa at pagbibigay basbas ng sa ganuon ay maging ligtas ang mga ito sa kapahamakan, matatag laban sa mga tukso, malayo sa kapahamakan at masigasig sa pag-aaral at may lakas ng puso at isipan.

“Kung nais nyo, hintayin nyo na si Nicco, hahayaan ko muna kayo makapag-usap bago siya bumalik ng seminaryo” wika ng matandang pari.

“Sige po” agad at sabay na sagot ng kambal.

Isa si Fr. Rex sa tinitingala sa San Agustin Seminary kung kaya’t napagpasyahan ng pamunuan nito na humingi ng tulong sa kanya. Sa loob ng opisina ng pari ay sinimulan na ni Nicco ang pagkukwento.

“Father, nagkasunod-sunod po kasi ang problema sa seminaryo. Bago pa man po ako dumating ay may nahuli silang dalawang seminarista na gumagawa ng di magandang bagay. Nahuli po sila sa akto ng pagtatalik. Kasalukuyan naman pong kumakalat ang balita na iyon sa buong San Felipe at pinangangambahang pati sa buong lalawigan at maging karatig na pook. Kung magkakataon po ay maaring maipasara ang seminaryo” panimula ni Nicco.

“Ano pa Nicco? Ikwento mo lahat ng sa gayon ay handa ako para harapin ang pamunuan.” sambit ni Fr. Rex na may himig ng pag-aalala para sa seminaryong pinagmulan din niya.

“Isa-isa na pong nawawala ang mga sponsors ng seminaryo at mga seminarista dahil sa pangyayaring iyon” may lungkot na pagbabalita ni Nicco “kumakalat din po ang balita na ang mga nagnanakaw sa mga bahay sa tabi ng seminaryo ay mga seminarista o tauhan ng seminaryo” dugtong pa ng binatang seminarista “pasensya na po Fr. Rex un lang po ang maari kong ikwento dahil iyon iba po ay sila na ang magkukwento dahil maging kami ay hindi namin alam” pagwawakas ni Nicco.

“Nakakalungkot, madami talagang tao ang marurupok. Pinangungunahan sila ng makamundong pagnanasa at napagwawalang bahala ang dapat sana ay sa nasa tuwid nilang landas.” nabakas ang kalungkutan ni Fr. Rex “sige iho, lumabas ka na at maghahanda na ako ng damit at kakausapin si Fr. Matt para halilihan ako bukas. Mag-usap na kayo nila Andrei sa labas.”

Nagpaalam na nga si Nicco at nilabas ang kambal na kanina pa naghihintay. Matapos na magpalit ng damit para hindi masyadong maging kapansin pansin ang bikas niya ay inaya na niya ang dalawa.

“Tara na” masayang sambit ni Nicco.

“Sige ba” agad na sumunod si Andrei.

Napansin ni Nicco na hindi pa din tumitinag si Andrew “Andrew, halika na sumama ka na sa amin” sabay ngiti.

Biglang namula si Andrew at nakaramdam ng hiya at kaba dahil sa ginawa ni Nicco “Ah, sige” tanging nasambit ni Andrew.

Habang naglalakad sila ay nagsalita si Andrew “Sorry Nicco” sabi nya “hindi ko sinasadya ung ginawa ko sa iyo nung nakaraang magkita tayo” dagdag pa niya.

“Ah, hindi ka dapat sa akin magsorry. Kasalan ko din naman yun. Kung magsosorry ka dapat kay Andrei kasi siya yung inaway ko dahil dun” sagot ni Nicco na halata ang kasiyahan.

“Kung magsosorry ka sa akin hindi ko tatanggapin, ilibre mo na lang kami para mapatawad kita” masayang bigkas ni Andrei sabay hila sa braso ng kapatid.

Tila nawala ang hiya at kaba ni Andrew at napalitan na din ng puro kaligayahan “Sige ba, tara kumain muna tayo” sambit ni Andrew sa masayang tinig.

Masayang masaya ang tatlo, aakalain mo ngang mula pa pagkabata sila magkakakilala. Kung magkulitan at alaskahan ay para bang hindi mga nag-aaway. Lumabas ang kakulitan ng kambal gayundin si Nicco. Sa asaran, laging talo si Nicco pag nagsabay ng mamuwisit ang kambal. Naging magaan at palagay na ang loob nila sa isa’t—isa. Wala na din ang kaba at hiya. Higit sa lahat, mas lalo nilang nakilala ang bawat isa.

Hindi nila napansin na maghahapon na at kanina pa naghihintay si Fr. Rex sa simbahan. Napagkasunduan nilang bumalik na ng simbahan at ng sa ganuon ay hindi abutin ng gabi sa daan sina Fr. Rex at Nicco. Malungkot man sila dahil maghihiwalay-hiwalay na ay hindi na nila pinansin. Mas mahalaga ang magandang nagyari sa kanilang tatlo ngayon.

“Magandang gabi po Fr. Rex” bati ng tatlo

“Sinulit nyo talaga ang araw ano” masayang bati ni Fr. Rex sa tatlo.

“Opo nga po eh, sarap nga pong asarin ni Nicco” sagot ni Andrew.

“Lagi pong talo sa asaran” dugtong ni Andrei.

“Kasi naman pinagtutulungan nyo ako eh” pagtatanggol ni Nicco sa sarili.

“Kayong mga bata kayo. Mainam na din at nagkasama-sama kayo bago pa man maging busy sa pag-aaral” sagot ni Fr. Rex “nagbihis ka na at lalakad na tayo.

“Sige po Father” sagot ni Nicco.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na ng silid si Nicco at tulad kanina at suot nito ang puting-puti niyang polo at itim na pantalon na typical na sinusuot ng mga seminarista at pari.

“Sige Andrei at Andrew, alis na kami” tila may lungkot niyang sinabi.

“Sige mag-iingat kayo” sabi naman ni Andrew.

“Sana magkita pa ulit tayo” dagdag naman ni Andrei.

“Wag kayong mag-alala tiyak magkikita pa ulit tayo” tila pagbibigay pag-asa niya sa bagong mga kaibigan na batid niya, tulad niya ang malungkot din sa paghihiwalay nila.

Gabi na ng makarating ang dalawa sa seminaryo at duon ay sinabi sa kanya ni Fr. Rex “Iho, may tiwala ako sa kakayahan mong mag-isip at sa paniniwala mo, ipapatawag kita sa meeting para makatulong na masolusyunan ang problema ng seminaryo.

Matapos magdasal ay natulog na ang mga seminarista maging ang mga pari para paghandaan ang maagang misa.

No comments: