Nakonsensiya naman ako sa ginawa ko kay Ryan. Kitang kita ko sa mukha niya ang galit nang buksan ko ang pinto. Siyempre hindi ko rin siya masisi dahil wala nga naman talagang konkretong dahilan upang gawin ko sa kanya ‘yon. Ngayon ko lang na-realize na naging napakasama ko pala sa kaibigan ko. Siya na ang pinaka-matagal kong kaibigan at wala siyang magiging kapalit. Pero bakit nga ba ako nagagalit sa kanya?
Wala naman talagang kaso sa akin kung ano mang sexuality ni Ryan. Nadamay lang siya sa galit ko sa Daddy ko. Kung hindi dahil kay Daddy, edi sana’y masaya pa ang pamilya ko. Somehow, nakikita ko kay Ryan ang Daddy ko at sa tuwing mangyayari yun, nanariwa ang mga sugat na iniwan sa akin ng paghihiwalay ng aking mga magulang. Hindi ko ginustong idamay si Ryan. Hindi ko lang talaga maiwasan na makita sa kanya si Daddy.
Pero dahil sa ginawa ko sa kanya, kahit papano ay nabawasan ang inis ko sa kanya. Naawa ako sa kanya. Alam ko na marami na siyang nai-sacrifice for my own good. Kaya naman kanina, bigla na lang pumasok sa utak ko na halikan siya sa pisngi. Pambawi na lang sa mga ginawa ko sa kanya. Simula pagkabata, palagi kong ginagawa sa kanya iyon. At alam ko na may lihim na pagtingin siya sa akin kaya alam kong magiging effective yun para mawala ang galit niya sa akin. Ako? wala talaga akong gusto sa kanya. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Weh?
“O natahimik ka yata? Hindi mo gusto yung nai-order ko sayo?” basag ni Ryan sa aking pag-iisip
“No, I’m fine. May naisip lang. Kain na tayo.”
“Sure?”
“Yup”
Sa buong araw na pagsasama namin ni Ryan, muling nanumbalik sa akin ang pagkabata namin. Na-miss ko ang ganito. Buong araw na nagkukulitan, tawanan, usapan at kung ano ano pa. Nothing has changed. Ganoon pa rin kami. Except for the fact that na alam kong bisexual siya at may pagtingin siya sa akin. Somehow iniiwasan ko na masyadong maglambing sa kanya. Ayokong umasa siya, dahil wala siyang aasahan? I’m keeping my guard up.
“So kamusta? Ano nagbago sayo? Matagal tagal din tayong hindi nakapagkwentuhan about sa mga pangyayari sa buhay natin. I guess we’re both busy.” Umpisa ni Ryan habang nakaupo kami sa damuhan sa picnic grove sa Tagaytay.
“Ganun pa rin. Haha. Ayun, nagmomove on na ako sa mga nangyari sa pamilya ko. Slowly, natatanggap ko na. Pero mahirap pala talaga. Ang hirap na mag-isa ka lang.”
“Mag-isa? Eh anong tawag mo sa akin? Hahahaha.”
Fuck! Ang cheesy!
“Haha. No, what I mean is… yung wala kang pamilya na yung sayo lang. Ganun. Tapos iniwan pa ako ng kabarkada mo. Wrong timing.”
“Haha. Ikaw kasi. Ang dami namang iba diyan.”
“Oo nga marami, pero hindi eh. Basta. Magulo utak ko ngayon.”
“Ah… Ganun? Kailan pa ba hindi naging magulo utak mo?”
“Gagu. Oo, ilang beses na ‘tong naalog dahil sa hobby kong makipag-suntukan. Pero matino pa rin naman. Haha.”
“Haha. Tara inom tayo. My treat!”
“Sige ba. Game ako pagdating sa ganyan.”
Nagdrive kami pabalik sa bahay. Siyempre before umuwi, nag-stop over muna kami sa Ministop para bumili ng drinks. Mahaba-habang inuman ‘to. Pagdating sa bahay, bukas kaagad ng san mig. Kailangang makalimot. Kailangang mag-enjoy. Nakakaisang case na kami pero ni isa sa amin wala pa ring tama. Kilala ko si Ryan, pagdating sa inuman di yan papatalo. Siyempre ganun din naman ako.
“Balita ko magkakaanak ka na daw. Tsk. Naunahan mo pa ako ah!”
“ Sina Mommy kasi, excited. Biruin mo, ibinugaw ako dun sa baby maker. Pagdating na pagdating ko sa bahay nung birthday ko, kaagad kaming pinapunta sa room ko. Tapos the rest is history.”
“Wow. Galing mo rin ah. First try bull’s eye kaagad! Haha. Mas straight ka pa ata sa akin. Haha”
“Di naman. Kahit ganito ako, dream ko pa ding magkaanak. Kaya ayun, hindi ko tinigalan hanggat di siguradong mabubuntis! HAHAHAHAHA”
“Libog mo!”
“Sino kaya?”
“Tawa na lang ako. HAHAHAHAHA.”
We had fun for the rest of the night. Kwentuhan. Mahaba habang “catching up” ang nangyari. Gumaan na ang loob ko kay Ryan. Wala namang nagbago sa kanya. Ganoon pa rin. He got me thinking na nagkamali ako sa pag-judge ko sa kanyang pagkatao, lalo na sa kanyang sexuality. I promise, for now on, susulutin ko na ang mga oras na kasama ko siya. Marami na akong nasayang, pero wala na akong magagawa. The best thing to do is face the future with a smile, kasama ang BEST FRIEND KO.
Napakasaya ko kagabi, back to normal na kami ni Joseph. Bumalik na ang best friend ko. Lalo tuloy akong naging excited for our Vancouver trip. Except sa fact na kailangan naming umattend ng seminar sa University of British Columbia, sigurado akong magiging masaya ang Christmas ko ngayon. Hindi ko man kasama ang Daddy at Mommy ko, kasama ko naman ang “love” ko. LOL. Siraulo ako. Haha. Asaness.
Next week na ang flight namin pa-Vancouver and I’m super duper uber megalicious excited. Napaka- exaggerated ko. Halata naman. Haha. Noon ngang hindi pa kami maayos ni Joseph, excited na ako, ano pa kaya ngayon? Haha. After ng “pag-kidnap” niya sa akin sa bahay nila, lagi na kaming magkasama. Your average magkabarkada lang naman. Magkasama sa mga trip sa buhay. Photo walk here, photo walk there. Kain here, kain doon. Napakasayang kasama ng best friend ko. Kahit ganito lang, masaya na ako. Pero mas masaya kung may halong kiss, hugs, at totoooot. Joke. Seriously, hindi ko na iniisip ang bukas, basta masaya ako na kasama ko si best friend. Kahit hindi na ma-upgrade sa BOYFRIEND, ayus pa din. Pero mas ok kung mauupgrade. Asa ka pa boy!
We enjoyed the rest of the week. And the day na pinakaiintay ko, VANCOUVER! This is not the first time na I’m leaving the country, pero this is the first time na kasama ko si Joseph. Siyempre sa airport, hinatid ako nila Mommy at Daddy. Almost three weeks din kami doon at ma-mimiss daw nila ako. Ako naman, hindi ko sila mamimiss. Haha. Kasama ko kaya si Joseph. HAHAHA. Pero mamimiss ko pa din yung mga yun pati ang soon-to-be baby ko.
4 pm ang flight namin pero around 1 nasa NAIA na kami. Siyempre marami pang kalokohan ek ek kaya kailangan maaga. Nandun na rin si Joseph. Siyempre hindi kumpleto kapag wala siya.
Napakabilis ng oras, kanina lang nasa airport kami, ngayon nandito na kami sa Vancouver International Airport. Sabi ng iba “time slows down whenever you’re around”, pero para sa akin napakabilis ng oras kapag kasama ko si Joseph. Hays. Wala kasi kaming inatupag kundi magkulitan sa plane. Hanggang ngayon nami-miss ko pa rin siya kahit magkasama kami. FUCK talaga! Nagiging cheesy ako ng wala sa oras.
Ilang minutes lang ay dumating na rin ang sundo namin ni Joseph. Siyempre hindi kami pababayaan ni Daddy, kaya nagpadala siya ng mga tauhan niya. Kaagad naman kaming inihatid sa tutuluyan naming flat sa downtown Vancouver.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin…
“Game?”
Huh? Ano daw? Kuya wag po! Virgin pa po ako (at least sa lalake). Pero kung gusto mo talaga kuya ibibigay ko naman. Hindi mo na kailangan ipilit. Basta ba… be gentle. At kung ano ano pa ang pumasok sa utak ko na kabastusan. Napakaraming pumasok sa utak ko. Puro kabastusan…
“G-ame?!” nagtataka kong tanong
“Game. Magluto ka na gago! Gutom na ako. More than 12 hours kaya yung biyahe natin. HAHA.”
Tsk. Toot na naging bato pa! Ano ba yan? Paasa.
“Akala ko kung ano na. Sayang!”
“Utot mo! Haha. Never mong matitikman ang katawan na ‘to! Asa ka boy! Maglaway ka na lang diyan.”
“Feeling mo naman yun ang ibig kong sabihin. MALIBOG ka lang talaga!”
“Osus. Palusot ka pa. Halatang halata naman sa mukha mo na yun ang iniisip mo! Haha. Tsaka may boner ka oh! Tatanggi ka pa?”
Oh shit. Hindi ko napansin.
“Malamig lang!”
“Osus. Nahihiya ka pa. Okay lang naman sa akin na mag- fantasize ka about sa akin. Basta ba wag mo akong rerapen. HAHAHA.”
“ULOL ka! Hindi kita ipagluto diyan!” at naglakad ako patalikod
Nabigla naman ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako mula sa likod ko.
“Sorry na po kuya. Please. Ipagluto mo na ako.”
Hays. Isang yakap lang, sobra sobra nang suhol. Ano pa ba magagawa ko? Mukhang magiging alila ako for two weeks. Pero okay lang. Basta ba laging may yakap at kiss. Haha. Kalandian nga ito.
No comments:
Post a Comment