Akda ni Jaime Sabado
Sa lahat ng naging reaction ko nung makita ko si Bugoy at Bubble pati na ang pamilya ko. Kaiba ang naramdaman ko nung makita ko si Chris. Hindi ko na nakuhang magkunwaring wala akong naalala.
Napatayo ako, tumulo ang mga luha sa mga mata ko at halos patakbong nilisan ang lugar na iyon. Pagkapasok ko sa elevator ay nagulat akong makita na hinabol niya ako. Dalawa lang kami sa elevator that time kaya wala akong ligtas sa mga sasabihin niya.
CHRIS: "ikaw nga iyan Lando, but why? alam mo bang gulat na gulat ako ng mabalitaan kong patay kana"
AKO: "Ayoko nang magpaliwanag at sawang sawa na ako"
CHRIS: "Alam na ba ito ng pamilya mo? nila bugoy?"
AKO: "who cares?, nobody remembers me, kinaliMutan na nila ako" pagmamatigas ko.
CHRIS: "Your too selfish!!! hindi mo ba alam na masyadong nangungulila say ang pamilya mo?"
AKO: "Hindi mo ako maiintindihan"
CHRIS: "at ayokong intindihin kasi lahat ng iniisip mo ay walang mabuting maidudulot alam ko yan"
AKO: "Salamat nalang sa concern chris but I can manage to fix mi ruined life"
CHRIS: "aayusin mo in a wrong way..Landz, kahit papaano ay may pinagsamahan tayo at malapit ka padin sa puso ko hanggang ngayon kaya nag aalala ako sayo" maluha luhang sambit nito
Natouch ako sa sinabing iyon ni Chris. Napaluha ako at wala sa loob ko siyang niyakap. Napakasarap ng pakiramdam ng mga sandaling niyayakap ko siya. Sa isip ko, sana hindi na matapos ang sandaling iyon.
CHRIS: "I missed you Landz" naiiyak niyang sabi
AKO: "Same here Chris, kahit anu pang ginawa mo sakin dati pa, ay hindi padin nagbabago ang nararamdaman ko sayo, ewan ko ba" umiiyak na ko
CHRIS: "Landz....(umiiyak)...kasi.."
AKO: "bakit chris?"
CHRIS: "natatandaan mo pa ba yung singsing na pinakita ko sa ioy nung huling beses na nagkatagpo tayo?, totoo iyon Landz, ..I'm married at..at...mahal ko na siya gaya ng pagmamahal ko sa iyo DATI" at nahagulgol
Hindi ako makapagsalita, parang bombang sumabog sa tenga ko ang mga nadinig ko. Tamang tama namang bumukas ang elevator at patakbo kong tinungo ang kwarto ko at nilock ang pinto. Mula sa labas ay nadidinig ko ang mga pagkatok ni Chris.
CHRIS: "Landz, mag usap naman tayo please, hindi ko gustong saktan ka pero hindi ko din kayang lokohin ang sarili ko, mahal ko ang asawa ko..... patawarin moko na hindi kita inalagaan noon. Landz please"
Habang sinasabi niya iyon ay naghihimutok ang dibdib. Umiiyak ang puso at kaluluwa ko.
Lumipas ang ilang sandali ay hindi ko na nadidinig ang pagkatok niya sa pinto.
AKO: "hindi ko na kaya ang lahat ng ito, hindi ko maintindihan kung anung kasamaan ang nagawa ko at ganito ang dinaranas ko." sa isip ko.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.....................
ALEXANDER: "best? best gising na... anu nangyari? umiyak kna naman ba?"
AKO: "Ayos lang ako best... alam mo? cguro nga tama ka, kung pakikinggan ko ang galit ko, sino pa ang makakaramay ko sa lahat ng pagdurusa ng puso ko? alam kong ang pamilya ko lang ang makakaintindi sa akin ng lubusan. Alam mo best, kailangang kailangan ko si naynay ngayon. Kailangan ko ang yakap niya" malungkot kong pahayag
ALEXANDER: "Gusto mo puntahan natin sila bukas?"
Tango lang ang naging tugon ko sa sinabing iyon ni Alexander.
BUong gabi kong ulit iniyakan ang katotohanang lahat ng lalaking minahal ko ay may kanya kanya ng buhay pag ibig at kailan man ay hindi na magiging akin muli.
KINABUKASAN ADMIN OFFICE NG HOSPITAL...............
SECRETARY: "Sir may naghahanap po sa inyo sa labas, kanina pa po nagpipilit pumasok"
AKO: "Sino daw po?"
SECRETARY: "sir..nanay niyo daw po, Kung gusto niyo ay tatawag po ako ng guard sir"
AKO: "'No no.. cge papasukin mo"
Punong puno ng kaba ang dibdib ko hanggang sa tuluyan ng iluwa ng pintong iyon ang nanay ko, kasama ang tatay at kuya ko.
Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang pananabik at pagkamiss sa kanila pero hindi ko muna ipinahalata iyon. Hindi ko alam pero mas nangingibabaw ang tampo ng paglimot nila sa akin.
NAYNAY: "diyos ko....ikaw nga, anak ikaw nga!" napahagulgol
Patakbo akong tinungo ni naynay at niyakap ng mahigpit.
NAYNAY: "Anak, bakit hindi ka nagpakita sa amin ng matagal na panahon? sabihin mo anu ba ang nangyari" umiiyak padin
AKO: "ah eh.. excuse me po maam, wala po kasi akong alam sa mga sinasabi niyo. Ayun po ang nanay ko" sabay turo sa malaking portrait ni Lola at ng anak niyang babae na pumanaw na din.
NAYNAY: "Hindi totoo iyan, alam kong ikaw iyan lando..Bat ka ba nagkakaganyan lando, ako ang nanay mo" hindi matanggal ang pagkakayakap sa akin ni naynay.
Mejo nagiging hestirekal na siya at napapalakas ang iyak......
TAYTAY: "pasensiya na po kayo sir, kamukhang kamukha niyo po kasi ang pumanaw naming bunso"
NAYNAY : "Siya ang anak natin, alam kong nararamdaman mo din iyon"
HInahwakan ni nanay ang magkabila kong pisngi at umiiyak na sinasabing siya ang ina ko. Pero pinilit kong maging manhid. Nasa uta ko kasi ang ginawa nilang paglimot sa akin.
AKO: "Miss jaon, tumawag po kayo ng security please"
TAYTAY: "Huwag na po sir, pasensiya na po sa asawa ko lalabas na po kami." hinila niya si naynay at pinilit na lumabas sa opisina ko.
Pagkasara ng pinto ay hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. May kong anung nagsasabi sa akin na napakasama ng ginawa ko. Tuluyan na akong napahagulogol.
Biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Alexander. Bigla akong kwenelyuha at sinapak.
ALEXANDER: "best hindi na tama yang ginagawa mo!!!!!!!!!! pamilya mo yun alam ko ba't ganun ang ginawa mo?!!!!! anu masaya kana ba sa ginawa mo? ha? akala ko ba ok na kagabi?!!! wala kang puso"
Wala akong naisagot, sa halip ay nag iiyak ako. madami pang sinabi si Alexander pero mistulang bingi na ang tenga ko.
Dali dali akong tumayo at patakbong lumabas ng opisina.
AKO: "naynay" sa isip ko habang luhaang tumatakbo
Pagdating ko sa lobby ng hospital ay wala na sila doon. Lumabas ako at nagbaka sakaling maaabutan ko pa sila ngunit wala na sila.
Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Pabalik na ko sa loob ng hospital ng makita ko ang kotse namin na papalabas ng parking area. HInarang ko iyon. Umiiyak at napaluhod ako sa harap ng kotse na kinaroroonan nila naynay.
AKO: "naynay!!..patawarin niyo po ako"
nakita kong lumabas sa kotse si naynay at itinayo ako mula sa pagkakaluhod ko at niyakap ako.
NAYNAY: "anak ko...!!!! "
AKO: "naynay...patawarin niyo po ako nay akala ko po kasi kinalimutan niyo na ako, pumunta ako sa bahay natin pero nakita kong masaya na kayo, tinapon niyo pa ang kahon ko at nakalimutan niyo ang kaarawan ko" at niyakap ko ulit si naynay.
NAYNAY: "anak, miss na miss kana naming lahat patawarin mo kami anak, patawarin mo kami dahil mas pinili naming kalimutan ka ng tuluya para hindi na masaktan"
AKO: "naynay miss ko na kayong lahat, wala po kayong dapat ipaghingi ng tawad, kung tutuusin ay mababaw lang ang ipinagkatampo ko"
TAYTAY: "anak, anu ba ang nangyari sa iyo bat ganun ka katagal na nawala?"
Isinama ko pabalik ng opisina ko sila taytay at kasama si alexander ay ikwenento ko lahat lahat ng naganap sa akin. Nalaman nila ang lahat at naunawaan nila naynay kung bakit hindi ako ipinagamot ni LOla. Sabi nga ni taytay. Ang mahalaga daw ay nakita na nila ako.
Nanumbalik ang saya sa puso ng pamilya ko. Si naynay ay walang kagatolgatul na sinabing magpapaparty siya sa bahay namin. Wala akong naging pagtutol sa disesyon niyang iyon.
Kinagabihan ay tinawagan ako ni Alexander.
AKO: "hello best?"
ALEXANDER: "best, nandito sa manila si lola mo, gusto kang maka usap. Proceed ka nalang sa room niya, same hotel"
Dali dali akong pumunta doon. pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Lola at alexander.
LOLA: "Apo! patawarin mo ako"
AKO: "Lola wag po kayong mag alala naiintindihan ko naman po kayo"
batid kong nasabi na sa kanya ni alexander ang lahat lahat.
LOLA: "sana ay pwede parin kitang ituring na apo, ikaw na lang ang nalalabi kong kayamanan sa mundo" umiiyak
AKO: "Lola,kayong kayo lang po ang lola ko at wala ng iba" sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
Naging maayos na ang lahat sa pamilya ko. Si naynay at Lola ay agad na nagkasundo at naging close sa isat isa sa loob lamang ng ilang araw.
Punong puno man ng sakit ang puso ko ay hinayaan kong idaos ang isang pagdiriwang para sa pagbabalik ko.
naging masaya ang lahat ng mga panauhin doon at karamihan ay nabigla ng masilayan ako ulit. Pati ang ate ko sa ibang bansa ay napa uwi at buong higpit akong niyakap.
Nung gabi ng party habang nasa garden ako at nakaupo, nag iisip isip ay isang boses ang tumawag mula sa likod ko.
BUGOY: "Lando?"
Nilingon ko iyon at nagulat ako ng makita kong kasama niya si Bubble. Pinilit kong maging matatag.
AKO: "yes? anu atin?"
BUGOY: "(mangiyak-ngiyak) nandito kami para humingi ng tawad sa naging kasalan namin sayo Lando"
BUBBLE: "Lance, hindi namin sinasadya toh, nagising nalang akong mahal ko na si Bugoy" magiyak ngiyak na din ito.
May luha mang dumaloy mula sa mga mata ko ay buong tatag kong tinanggap ang katotohanang silang dalawa nga ay totoong nagmamahalan.
AKO: "huwag kayong humingi ng tawad, Oo masakit sa akin to pero hindi kasalan ang magmahal, lalo pa't sapat ang dahilan kung bakit nahulog kayo sa isa't isa. HIndi biro ang dalawang taon kong pagkawala kaya naiintindihan ko." umiiyak ako sa sobrang sakit.
BUGOY: "mula bata ay magkasama na tayo kaya alam kong matatag kang tao Lando, balang araw mahahanap mo din ang taong nakalaan para sayo"
Nag iiyakan kaming tatlo doon. Nakiusap ako sa kanilang dalawa na iwan muna nila ako sandali para mag isip.
Habang pinagmamasdan ko silang dalawa na mgakahawak kamay ay parang dinudurog sa sakit ang puso ko.
AKO: "Siguro ganito na talaga ako. Ikaw na po ang bahala kong ibibigay niyo pa po siya sa akin".. nakatingala sa langit
Nang mga sumunod na araw ay naging busy ang buhay ko dahil sa nalalapit na pagbubukas ng Hospital na iyon. Naaawa na din ako kay Alexander sa dami ng ginagawa niya kasama na ang hiring ng mga empleyado kaya napagpasyahan kong tulungan na siya.
ALEXANDER: "tol tapon mo to doon"
AKO: "Resume to ah, may mga credentials pa.. ok naman grades nito, wala nga lang working experience, di man lang ba natin iinterviewhin to?"
ALEXANDER: "Look best, tinganan mo oh, taksa pina BI ko na yan best kasi nga nanghinayang din ako sa taas ng grades"
At naisalaysay sa akin ni Alexander lahat ng nakuha nilang impormasyon tungkol sa may ari ng resume.
AKO: "I think everybody deserves a second chance, hindi naman siguro e uurong ang demanda sa kanya kung masamang tao talaga ito. Iapatawag mo siya at shedule mo for interview bukas 8am na batch mo siya isama. kaw talaga best..hehehe"
ALEXANDER: "kaw bahala, may point ka nga naman sa mga sinabi mo, feeling ko tuloy napaka judgemental ko"
AKO: "hehehe ayos lng yan best,hehehehehe kain tayo after nito ah?"
KINABUKASAN................................................
Alas otso ng umaga ay nasa opisina na ako, nakapagtataka at wala pa si Alexander.
AKO: "malas naman kungn kelan madaming gagawin, saka pa late" sa isip ko
Ilang sandali pa ay nagring na ang cp ko. Si Alexander tummatawag.
AKO: "yes? best........ whaaat???, may sakit ka? weeeh.. nadinig kita kagabi may beach party ang nililigawan mo. sasama ka noh?"
ALEXANDER: "buking na ko..huhuhu cge na best please????"
AKO: "Ok lng no problem basta babawi ka ah?"
ALEXANDER: "Sure best!!! salamat!!!!!!! bye love u best"
AKO: "luv u 2 best bye"
Pagkatapos ng tawag na iyon ay agad kong hinarap ang trabaho. 50 applicants ang naka schedule na interviewhin ngayon. Nakakapagod magtanong ng pabalik balik. Bawat applicant same lang ang tanong ko. Kung pwede lng ay e hire ko nalang silang lahat. Pero isang bagay na ikinatutuwa ko ay game silang lahat na makipag chismisan sa akin. pati lovelyf ng mga applicants ay itinatanong ko na.hehehe Sabi nga ng isang applicant, chikahan ang pinuntahan niya at hindi interview, Guess what? tinggap ko siya...hehehehe
Sa 50 na interview ko ay isa ang nakakuha ng attenion ko.
Pumasok ang isang lalaki, base sa resume niya na hawak hawak ko ay nasa 26 na ang edad nito. Matangkad, to make the long story short. Napaka gwapo. (umandar ang kalibugan ko.wahehehe)
AKO: "so ito pala ang lalaking pina BI ni Alexander, mukhang wala naman sa mukha nito ang pagiging murderer." sa isip ko.
Pinaupo ko siya at nag umpisa na akong tanungin siya.
AKO: "Uhmmm .. so, tell something about your self, yung mga significant details lang siguro na wala dito sa resume mo"
LALAKI: "Uhmm sir, I'm James Montemayor. I think all the details regarding my qualifications for the job is already on my resume. I had been a volunteer nurse at ******* hospital"
AKO: "really? jan nagtrabaho dati ang ate ko, what year ka nagwork doon?"
JAMES: "2009 sir"
AKO: "bakit wala sa resume mo yan?"
JAMES: "because of some personal reason sir."
AKO: "Since magiging part ka na ng team, would you mind telling me the reason specially regarding to sa pagvovolunteer mo as a nurse dati."
JAMES: "I committed a criminal offense sir (walang kagatol gatol nitong pahayag).
AKO: "huh?" kunwariy ala akong alam
JAMES: "Nademanda po ng isa kong katrabaho sa hosital. itinulak ko po kasi siya without knowing na buntis pala ito. Nakunan po siya.
Wala akong naging tugon pero halata sa mukha ko na naglolong pa ako ng further elaboration sa mga sinabi niya.
JAMES: "I did it because of love sir. Mahabang story po and I dont want to discuss further details about it, if you wont mind sir"
AKO: "I respect that, but hows the case now?"
JAMES: "Iniurong na po ang demanda sir, pero nakakulong ako while the case was being heard sa court sir" wala na naman kagatol gatol na sabi nito.
Nakita ko ang paghihirap ng kalooban niya kaya sinikap ko na ibahin ang topic namin.
AKO: Nagwork doon ang ate ko pero I dont think makikilala mo siya kasi sa operating room siya naka assign pero naalala ko way back nung graduation party ko ng high school ako, may mga bisita siyang nurses na dun din nagwowork, teka naalala ko pa ang name nung isa coz we had the chance to talk eh"
Nag isip ako sandali at inalala ang lalaking nakausap ko sa party ko noon.
AKO: "Yeah that was kuya jairus, tapos dikit niya palagi was, Noime ata iyon yung maingay na babae" sabay tawa ng malakas
Pero imbis na makitawa ay napayoko si James at dumilim ang mukha.
Tumahimik na din ako at pinagmasdan siya sandali.
AKO: "Something wrong Mr. Montemayor, If worried ka na di ka matatanggap dito, dont worry Im giving you the chance na prove mo ang sarili mo dito"
JAMES: "Noime at jairus, Kilala ko po sila sir"
AKO: "Really?" sabay ngiti
JAMES: "Sila po ang magulang nung nalalag na baby" sabay yoko na tila nahihiya.
Hindi ko alam kung anu amg magiging reaction ko pero imbis na ma Off ay humanga ako sa lalaking ito. Naisip ko na siguro ay laging ito(demandahan) ang reason kaya walang ibang hospital ang tumatanggap sa kanya.
Napaka honest. Pinagmasdan kong muli ang mukha nito, mukhang mabait naman ito at mababasa sa mata niya ang napakalalim na kalungkutan. Yan din ang mga matang nakikita ko sa tuwing haharap ako sa salamin.
AKO: "I wont ask you to explain what happend, enough na sakin ang malamang inatras nila ang demanda sayo. Meaning, hindi ka talaga masamang tao" sabay ngiti
JAMES: "Thank you sir"
AKO: "Your welcome James..."
Alas singko na ng hapon. Pagod na pagod na ako pero biglang pumasok sa isip ko na magmoment pansamantala. Maglakad lakad at alalahanin ang nakaraan. Ang mga naging buhay pag ibig ko na labis na nagpapabigat ng loob ko ngayon..
Paglabas ko sa main door ng Hospital ay nagulat ako sa nakita ko. Si James na naka upo at kausap ang guard. Nakita naman niya agad ako at dali akong nilapitan.
JAMES: "ah sir, Good afternoon po, hinintay ko po kayo para ibigay sa inyo to, nagpapaslamat po ako sa pagkakataong binigay niyo sa akin"
Iniabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag.
AKO: "Hinintay mo pa talaga ako?..hehehe"
JAMES: "ah eh, gusto ko lang po kasi magpasalamat sir"
AKO: "sus wala yun, qualified ka naman talaga sa work na yun eh, siya nga pala since hinitay mo ako ng pagkatagal tagal, yaan mong e invyt kitang mag dinner. tska nasa labas tayo ng hospital, Tawagin mo nalang akong lando.. ay Lance nalang para pogi..hehehehe"
JAMES: "hehehe ok Lance..."
AKO: "yan, sarap sa tenga. Nakaka asiwa na ang puro sir." sabay tawa.
Pagkatapos ng haponang iyon ay naging magaan na ang loob namin ni James sa isa't isa. Para kaming mga sira ulong nag iiyakan habang nag iinoman sa unit ko. Nalaman kong Bisexual din pala ito at ang karanasan niya sa buhay pag ibig.
Mas dumalas ang paglabas labas naming dalawa. Pinapasyal niya ako sa farm na pag aari ng pamilya nila. Doon ay masaya kaming nagtatanim ng mga gulay.hehehe Nagpapakain ng mga manok nila doon na libo libo.
Malapit si james sa mga katiwala nila sa farm. Mabait siyang amo, makulit sa mga matatandang babae doon. Lahat sila itinuturing niyang Lola, sobra niyang nilalambing ang mga ito kaya tuwang tawa sa kanya ang lahat doon.
JAMES: "Lance? ganito ang buhay ko nung walang hospital ang tumatanggap sa akin, dito ko binubuhos ang panahon ko.. nagustuhan mo ba dito?"
AKO: "Oo madaming manok, sana sinama natin si taytay kasi mahilig sa manok yun, ito na ang mundong inaasam asam niya...hehehe"
KINAHAPONAN.......................................
Pinagmamasdan ko si James habang naka topless na tumutulong sa pagkakatay ng baboy. napaka gwapo nito kahit pawis na pawis na. Lalo akong kinilig ng kinindatan niya ako.
May takot sa puso ko na mahulog muli sa isang taong hindi naman pala nakalaan para akin pero pasaway talaga ang puso kong ito.
Inaasikaso niya ako ng mabuti at para akong prinsipe kong itrato nito. Anjan ang susubuan ako pag kumakain kami. Pag nakikitang pinagpapawisan ako ay agad niya itong pinupunasan.
AKO: "james? favor please?"
JAMES: "Anu yun?"
AKO: "Wag mo ako sanayin sa ganito, baka mag level up ang nararamdaman ko para sayo" mejo nahihiyang sabi ko
JAMES: "Level one hundred na kaya ako. Tarantado ka Lance, binuhay mo ulit tong puso ko"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. Mangiyak ngiyak ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kong paano magrereact sa sinabi niya. Basta punong puno ng kaligayahan nag puso ko nung puntong iyon.
JAMES: "Nung araw palang na tinanggap mo ang pagkatao ko at ang nakaraan ko ay minahal na kita. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis pero pasensya kana Lance, sa ayaw at sa gusto mo babakuran na kita. mahal kita gago ka"
AKO: "Mahal na din kaya kita, di ko alam kong kelan pa basta mahal na din kita, tinuruan mo akong lumimot sa mga pasakit sa puso ko" umiiyak na ko
JAMES: "wag ka umiyak please...dapat masaya tayo" sabay punas sa luha ko
AKO: "ang sabihi mo naiiyak ka din kasi. Tsaka di ako tarantado at gago. kaw ah bad ka"
JAMES: "sorry naman po..(sabay gawad ng halik sa labi ko) I love you Lance thanks for comming into my life"
AKO: "same here, sana ay hindi na ko masaktan ulit"
JAMES: "pangako, iingatan kita Lance basta wag ka lang magagalit sa gagawin kong pagbabakod sayo. Madamot ako eh. Akin ka lang dapat"
AFTER 1 YEAR...............................................................
Binuksan na for business ang Hospital namin. Luckily madami agad kaming naging regular clients na anag papacheck up dito. Lahat halos ng mga kilalang tao ay sa hospital na namin nagtitiwalang magpagamot.
Ako naman ay nasabi ko na sa pamilya ko ang totoo kong preference at napaswerte kong hindi nila ako hinusgahan. Tinanggap nila ako ng Buong puso.
Si naynay at lola ay nagpatayo ng salon na pinagkakalibangan nilang dalawa. Di na nagsawang magjamming ang dalawa.
Si Chris naman ay nakausap ko na at nagkaroon na kami sa wakas ng maayos na closure. Maligaya siya ngayon bilang kauna unahang model actor na lantad ang katotohanang kasal siya sa kapwa lalaki.
Si Bugoy at Bubble naman ay masaya paring nagsasama. Unti unti ko nang natanggap na sila talaga ang nakatandhana sa isa't isa although paminsan minsan ay ako ang nagiging sumbungan ng dalawa pag may nagagawang kasalanan ang isa.
Si Alexander naman, ikinasal na sa girlfriend niyang pagka pangit pangit, hanggang ngayon ay mesteryo pa sa amin kung bakit minahal niya ito.hehehe Masaya naman sila ngayon. Dasal ko lang ay magmana kay Alexander ang magiging anak nila.
Ang puso ko naman???... Yup! 1 year na kami ni James. Simula nung inaya ko siyang magdinner ay napagtanto namin na we have a lot in common. Naunawaan ko na rin ba't napalihis ang landas niya minsan sa buhay niya. Nalaman kong isang napakabuting tao si James. Mayaman ang pamilya nito at may sarili siyang foundation na tumutulong sa mga batang hindi kayang pag aralin ng mga magulang nito. Pamisan minsan ay nagkakaroon kami ng pagtatalo pero hindi namin pinalalampas ang araw na hindi kami nagkakabati.
Sa hinaba haba ng pasakit sa puso ko. Sa dinamidami ng nangyari sa buhay ko at sa dami ng lalaking minahal ko. Kay James lang pala ako babagsak. Si James huli ang kiliti ko, si james na araw araw na ipinaramdam sa akin na mahal niya ako at kailanman ay hindi niya ako magagawang saktan.
WAKAS.....................................
13 comments:
yung totoo? ba't nakakakilig? hahaha!
nice one! ang ganda ng isang to! tinapos ko sa buong maghapon. pangarap ko rin makatagpo ng isang JAMES sa buhay ko sa kabila ng mga lintik na bigong pag-ibig na dumaan sa makulay kong buhay. *tears* chos! good job! :DD
-- andrei
SOBRESALIENTE!
ganda ng story . . .
pero siguro kung ako nasa kalagayan ni Lance, hindi na talaga ako makaka-move on sa pagiging magkarelasyon nina Bugoy at Bubble . .
BUTI nalang may isang JAMES na papawi sa lahat ng hinanakit na naranasan ni Lance . . .
HAYY! hirap talagang ma-inlab lalo na kung bi / discreet / bottom ka man . . . . . at lalong lalo na kung wala kang maipagmamalaking FACE! . . . haha . . .
hindi ako maka move on kay bubble at bugoy.. siguro kung ako si lance, makaka move on ako kung lalayo ako sa kanila muna! sasama ko si James sa States or kaghit sa Tacloban as in kaming dalawa lang ni James para makalimutan ko na ang dapat makalimutan..
Jacobo--
Anyways nice story but somehow nailagay ko ung buhay ko kay chris... pero un nga lang mas pinili ko ang babae!..
Hello Mr. Jaime Sabado, who is the author of this beautiful serye, napakaganda ng pagkakagawa mo, na kung saan talaga namang kikiligin ka sa mga kilig factor ng mga panauhin, at syempre halos hindi ka na huminga para makita mo na agad ang next chapter kasi talaga namang kaabang abang ang bawat yugto ng kwento, grabe ang ganda talaga.
PERO, ahaha, biglang hater style na, well hindi naman ako hater dahil over affected ako sa kwento, hindi ko lang naman nagustuhan ung ending, yun lang naman, uhuhu! Tsaka isa pa parang ang daming na-missed na kung saan may gusto ka pang malaman tungkol duon, tulad ng biglaang pagkawala ni Chris papuntang Amerika, bakit? anung dahilan? Yung sakit na sanhi ng pagkamatay ni Carol, anu? eheheh, odiba talagang naapektuhan din ako sa story, tapos dahil umiikot lang yung mundo ni Lance sa tatlong lalaki, sana isa man lang sa kanila ang nakatuluyan ni Lance, ung kay Chris naman, ayos ndin na He got married sa taong minahal nya tulad ng pagmamahal nya kay Lance, ang kaso, ung sa dalawa, (Bubble at Bugoy), parang hindi ako convinced, kasi ba naman, dun sa story ni Jairus Boom2x, si Lando at Bugoy na ang nasali sa eksena, yung condom naman pala ang pinag-awayan nila at gumulong gulong pa, tska isa pa, sobrang ganda ng pagkakagawa mo kasi nasingit singit mo ung mga tauhan sa Jairus Boom2x at sa Lance nalang para pogi, kasi nagiisip pa ung reader bago maconnect ung mga tauhan sa kwento kung sinu nga ba sila sa Jairus Boom2x, nakakatuwa kasi ang galing mo, KASO dahil sa pag-singit singit mo ng mga eksena sa kwento, PUMANGIT sa ending, kasi pinartner mo si Lance kay James na kung saan s'ya ang walang partner sa Boom Boom Jairus, eh hindi man gumana ang kwento ng matagal sa kanila, kya badtrip ang mood ko ngayon, ahaha, odiba, kahit kathang isip mo lamang ito eh over affected nko, it means na magaling ka talagang gumawa ng kwento.
Sana magbook 2 ka at patayin mo nalang si James at Bubbles tulad ng sunog, lunod, lindol- kinain ng lupa, kidlat, sakit na malala, nabaril, nauntog, nahulog, nagsemplang or nagpakamatay nalang, ahahaha, odiba ang daming choices, tapos magkikita sila after 10 long years, tpos syempre gawan mo ndin ng sex sandal kasi wala man sa mga nauna, isa pa yun sa mga hinahanap ko, ahaha, kaya go na for book 2, kasi sila Lando at Bugoy din yung may sumpaan nung mg bata pa sila, at isa pa, ng may billboard na c lance at ung bestfriend nya eh nagpunta pa si bugoy duon sa hospital para makita lang si Lance, na parang sila talaga sa ending, hai, basta ang alam ko, hindi lang ako yung disagree sa ending mo, ehehe, peace be still.
Nga pala, I’m Rolando David, pero Lance nalang din, para pogi (-:
masarap ma-inlove.. hahahayst
huhuhuhuhuhuhuhuhu grabe iyak ko, di ako maka move on. napunta si bugoy sa iba nang di man lang sila nagkaayos along the way. sana si bugoy at lance ang nagkatuluyan, medyo malalim ang love nila sa isat isa eh, taz si james at si bubbly nalang huyhuhuhuhu
i really like the story :)
napaiyak nyo ko hahaha :'(
wish ko sana matagpuan ko rin ang right guy for me :))
and i can wait until a long period of time :)
thanks sa pagbahagi ng story na to :)
The story is excellent, at ung connection ng story of jairus boom boom and lance ang itawag mo sa akin is very good kasi dun sa jairus boom boom pa lang may introduction na ng mga character sa story sa lance ang itawag mo sa akin. ung scenario ng story where lando and bugoy na nag away sa mall eh hahanapin mo talaga at ung facing ng sat ung story is maganda, na justify ung sakit ni carol (kasi nabasa ko yun) then ung shifting ni lance from childhood to manhood... for me maganda talaga ang story... kahit na pinapatulog ako ng mama ko ng maaga kasi bawal mag puyat ako dahl sa sakit ko. go basa pa din ako... debersyon ko na kasi ang magbasa ng ganitong story... keep up MR. Sabado and to Dalisay at sa alaht ng nag susulat sa blog na to...
Thanks Blue Evasco, makakarating yan kay Jaime. :)
very good story ..yeah maganda ang ending for me na nakonek c lance ke james ..pero tulad ng sbe ng iba eh sna c bugoy at lance nlng heheh sna magkaroon ng anothr story na kokonekta dito ..tnx ult sa npka gandang story
bharbzz,,
Agree ako kay Blue, tama lang ang ending..
sana patuloy pa po kayo writers ng blog na2 sa pagsusulat ng magagandang kwento na talaga namang ummaantig sa aming puso!!! maraming salamat po sa pagbabahagi niyo ng kakaibang kwento sa amin!!! well done....
-JP
"Sa hinaba haba ng pasakit sa puso ko. Sa dinamidami ng nangyari sa buhay ko at sa dami ng lalaking minahal ko. Kay James lang pala ako babagsak. Si James huli ang kiliti ko, si james na araw araw na ipinaramdam sa akin na mahal niya ako at kailanman ay hindi niya ako magagawang saktan."
Napakagandang pagtatapos sa isang napakagandang kwento. Una, akala ko isang karaniwang katha lamang ito ng magkababata na nagkaibigan, may sumingit na babae subalit sa huli ay napagtanto na ang isa't-isa pala ang hanap.
Mali ako sapagkat ang istoryang ito ay napakaganda. Mula sa aspetong pang pamilya, at ibang mga aspeto ng buhay ay nabigyan ng diwa.
Ang sarap ng pakiramdam na mayroon kang isang pamilyang tanggap ka at handanf sumuporta sa iyo, mga kaibigan na NASA likod mo at siyempre, isang taong kaisa ng puso mo.
More power!
Post a Comment