No Boundaries
Chapter XVII
Lihim na Pagsasama sa Kaligayahan
Nalaman na ng buong San Isidro ang desisyon na iyon ni Nicco, at sa bawat isang nagtatanong, isa lang ang lagi niyang sagot “Mahirap po kasing gawin ang mga bagay na hinid naman ikinaliligaya ng puso.” Madami ang nanghinayang, gayunpaman, madami ang suportado ang desisyon niya. Isa na sa mga sumuporta dito ay ang kanyang pamilya.
Isang linggo na din ng makauwi siya ng San Isidro, pagkagaling sa labasan ay inabutan niya ang mga kapatid sa kanilang bahay. Hindi siya sanay sa ganuong pangitain, lalo na at hindi niya inaasahan ang pagpunta ng mga ito sa bahay nila.
“Magandang hapon mga kapatid ko.” panimula niya, bagamat may pangambang baka ang mga ito ay galit sa kanya ay pinilit niyang itagao ang nararamdaman. “Kumain na ba kayo?” kasunod na tanong nito.
“Nicco” sabi ng Ate Lourdes niya “bakit mo biglang naisipan na huwag ng ituloy ang pagpapari?” tanong nito.
Kahit pinaghandaan ni Nicco ang ganitong posibilidad ay hindi niya alam kung bakit tila nablanko ang isip niya at bigla siyang napipi. Nanatili na lamang siyang nakatahimik.
“Bakit hindi mo man lang sa amin ipinaalam?” dugtong pa nito.
Gusto sana niyang sabihin na “Paano ko sasabihin sa inyo, ni hindi nyo nga ako nabisita sa seminaryo, ni hindi ko kayo makausap” – subalit pinili na lang niyang itikom ang bibig. Pakiramdam niya ay nais tumulo ng luha sa kanyang mga mata sa isiping ang realidad ay may pamilya siyang walang pakialam sa kanya.
“Ano pa ang silbi nang pagiging kapatid namin sa iyo, kung hindi mo kami magawang pagsabihan ng mga balak mo?” sabi naman ng Ate Nica niya “kahit naman ganito kami, inaalala ka pa din namin” saad din nito.
Hindi na talaga mapigilan ni Nicco at umagos na paunti-unti ang mga luha sa mga mata niya. Yumuko na lamang siya ng sa ganuon ay hindi nila ito mapansin. Binigyan lakas niya ang sarili at nagsalita “Mahirap tumupad sa isang bagay lalo na kung paunti-unti ay lumalayo ang puso mo dito. Pakiramdam ko hindi ako masaya sa ginagawa ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin. Pakiramdam ko mas magagawa kong makalipad ng malaya sa labas ng seminaryo. Higit sa lahat, hindi ko kaya na mabuhay sa isang mundong ipinilit lang sa akin para tahakin.”
Tumahimik ang kapaligiran. “Naiintindihan ka namin” wika ng Ate Antonette niya “basta ba siguraduhin mo na magiging masaya ka sa desisyon mo. Hindi ka namin pipigilan” dugtong pa nito.
Naantig ang damdamin ni Nicco, sa unang pagkakataon, naramdaman niyang bahagi siya ng pamilya ay mayroon siyang pamilya. Natuwa siya dahil sa unang pagkakataon ay nagpakita ng interes sa kanya ang mga kapatid niya. Nasabi na lang niya sa sarili – “Tunay nga, kahit hindi mo maramdaman sa una, sa bandang huli, ang kabutihan na ang mismong magpapakita sa iyo, sa mga oras na hindi mo inaasahan.”
Kinabukasan, nagkita ulit sina Nicco at Andrei sa may lumang bahay ng mga del Rosario, malayo ang bahay na iyon at natitiyak nilang sila lang ang tao sa lugar at paligid. Kasalukuyan silang nasa hardin ay masayang ibinalita ni Nicco kay Andrei ang naging usapan nila ng kanyang mga kapatid. “Edi maganda kung ganuon, kaya pala masaya ang mood ng Nicco ko kagabi” nakangiting sabi nito “bakit hindi mo ikunuwento sa akin ung nung magkausap tayo sa phone?”
“Gusto ko kasi personal kong sabihin sa iyo. Mas maganda kung personal mong malalaman.” Nakangiting sagot ni Nicco.
“Ayos pala. Tayo? Kailan kaya nila matatanggap ang tungkol sa atin? Matatanggap kaya nila tayo?” tanong ni Andrei.
“Kuya Andrei ko, wag ka mag-alala, matatanggap din nila tayo” pagkasabi ni Nicco nito ay natahimik ang pagitan ng dalawa.
“Dahil sa ang buhay ng tao ay karaniwang nakasandig sa relihiyon, nagiging pangunahing angkatan nila ng prinsipyo ang relihiyon. Mayroon lang talagang ibang pinaninindigan ang prinsipyong nakukuha nila mula sa labas ng relihiyon pag nakita nilang may mabuting idudulot ito o kaya naman ay malaking pakinabang para sa kanila at nakararami” pagbasag ni Nicco sa katahimikan “parang tayo, we break free, we move out of the shell, because we know that we can grow more in this world that we are now creating.” tila may pang-aalong sinabi ni Nicco “napa-english ako dun ah” birong dugtong ng binata.
“Tama ka Nicco ko. Kung matatanggap tayo ng simbahan, matatanggap din tayo ng mga tao. Ang simbahan ang pangunahing pinagkukunan ng ideolohiya at kaisipan ng mga tao. Relihiyon ang malaking bahagi ng buhay ng tao. Dito na sila kumukuha ng basihan ng tama at mali, higit sa lahat iyong mga ordinaryong taong nagpapatangay na lang sa agos. Dahil dito, nagagawa ng relihiyon na makapagdikta ng social norms. Bakit madami ang kontra sa paggamit ng condoms? Kasi sabi ng relihiyon bawal iyon, labag daw un sa moralidad. Ibahin natin halimbawa ang sitwasyon, kung natanggap ng relihiyon ang condoms, sana natanggap na din ito ng marami.” paghabol pa ni Andrei.
“Tigil na nga natin itong usapan na ito.” Pag-iba ni Nicco sa usapan “kailan natin sasabihin kay Andrew?” tanong ni Nicco kay Andrei.
“Bahala na, basta darating ang panahon sasabihin ko din.” sagot ni Andrei.
Matagal ding natahimik ang dalawa, dahil sapat na sa kanila ang magkasama sila para lumigaya. “Sumama ka daw sa amin sa Maynila bukas sabi ni Papa” saad ni Andrei na tila may pag-uutos kay Nicco.
“Bakit naman daw?” tila nagtatakang tanong ni Nicco.
“Aayusin na natin ang mga papel mo para duon ka na din makapg-aral” sagot ni Andrei “si Papa na ang bahala sa pag-aaral mo” dugtong pa nito.
“Nakakahiya naman, pinangakuan na ako ni Fr. Rex na tutulungan daw niya ako sa pag-aaral ko.” Sabi ni Nicco.
“Nagkausap na sila ni Papa nung nakaraang araw, at pumayag ni Fr. Rex na ipaubaya na kay Papa ang pag-aaral mo. Sinabi na din ni Fr. Rex na gusto mong ituloy ang ABPhilosophy.” Sabi ni Andrei.
“Ganuon ba, para yatang ipinagbili ako ng hindi ko alam.” wika ni Nicco.
“Kung ipinagbibili ka, sana matagal na kitang binili para simula pa lang alam kong akin ka na.” may himig ng paglalambing kay Andrei.
“Kahit naman hindi mo ako bilin, sa iyo pa din naman ang bagsak ko, kasi ako ang hahanap ng may-ari sa akin.” sagot ni Nicco na may mahinang tawa “loko ka, nambobola ka na naman eh.”
“Kung pambobola ang pagsasabi ng katotohanan, sige nambobola ako” may mahinang tawa din si Andrei.
“Sige magkita tayo bukas para masikaso na natin ang pag-aaral mo sa Maynila. Tamang-tama may ABPhilosophy sa Philippine University”
Hindi na nagpahatid pauwi si Nicco. Naglakad na lang siya mula sa simbahan pauwi at maagang natulog. Masaya niyang inisip ang magandang bukas kasama si Andrei niya.
No comments:
Post a Comment