A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Wednesday, September 22, 2010
GWAPITO'S BY NIGHT 2
sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa Gwapito's by Night 1, maraming salamat,
sa mga kasunod kong magsu-sulat dito, goodluck
sa mga nagbasa, nag-comment, nag save ng copy, sumuporta sa mga kwento sa BOL, pagpatuloy nyo lang po,
yan na, kinakabahan na ako, parang takot pa ako, pero sige eto na
sana magustuhan ninyo,
have a glimpse of Jethro's life
cheers (,")
sweet :-)
----------------------------------------
Chapter 2
‘I have to do something’. Yan ang paulit-ulit na imiikot sa utak ni Jethro.
“Uy, emote” pag-para ni Goji sa nagbibiyaheng isip ni Jethro.
“Hindi” biglang preno ni Jethro. Pero patuloy pa ring umandar ang utak niya para magpasakay ng mga ideya kung paano matulungan si EA.
“Meron kang ibang iniisip, baka pwede namang i-share” pagsakay naman ni Dyne.
“Wala nga, ang kulit ninyo” pag-kambyo ni Jethro. Pero kailangan pa ring bumiyahe kasi baka sakaling makasagasa siya ng plano para ma-divert ang atensyon ni EA.
“Bakit hindi tayo mag-laro ng Truth or Truth pero si Jethro lang ang sasagot” pag-para rin ni EA.
‘Oo nga, magandang ideya, kahit hindi ako sanay na mag-open up ay papayag na rin ako para kahit sa sandaling oras ay mawala si Elton sa isip ni EA’ at tuluyan ng gumarahe ang utak ni Jethro.
“Sige, call ako” pagpayag ni Jethro.
Nagtaka at nabigla ang mga kaharap niya, hindi nila aakalain na papayag si Jethro dahil sa ilang taon na pagsasama nila, madalang na madalang lang kung mag-kwento ito sa buhay niya, madalas ay nagbibiro, nagbibigay ng payo, o nakikinig lang ito.
“Ok game, history in making” sabay palakpak ng kamay ni Franco.
“Sino ang unang magtatanong?” si Aerel.
“Sandali lang” pagpigil ni Jethro.
Ini-atras niya ang upuan kung saan hindi siya nasisikatan ng liwanag ng mga ilaw sa loob ng bar. Ayaw niyang makita ng mga kasama ang magiging reaksyon sa mga tanong na ibabato sa kanya at kung paano iyon sagutin, mahirap na baka sa unang pagkakataon ay masulyapan ng mga kaibigan ang luha niya. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang stick ng marijuana sa wallet niya at sinindihan, eto ang tutulong sa kanya para lumakas ang loob.
“Anong effect yan, Hot Seat in the Dark with Smoke” pagpansin ni EA.
“Pagbigyan na natin siya, madalang lang mangyari ito, excited na ako” si Goji.
“EA, tutal ideya mo yan, ikaw na rin ang unang magtanong” mungkahi ni Aerel.
“Simulan ko na. Kapag pinag-uusapan ka namin, limitado lang ang mga detalye na alam namin tungkol sa’yo, marami kang hindi sinasabi sa amin at bilang mga kaibigan mo ay nirerespeto namin iyon” pag-simula ni EA.
“Pinagtsi-tsismisan ninyo pala ako kapag wala ako” sarkastikong sabi ni Jethro at sabay buga ng usok.
“Hindi sa ganoon, masyado lang kami pre-occupied sa mga biro at payo mo kaya hindi namin napapansin na konti lang ang alam namin tungkol sa iyo” paliwanag ni EA.
“Biro lang, mga kaibigan ko kayo at pwede ninyong gawin at pag-usapan kahit anong tungkol sa akin, at pwede nyo rin akong pagpantasyahan” pabirong sabi ni Jethro.
“Eto naman, seryosong usapan na nga hahaluan pa ng biro” si Goji.
“At dahil dyan, paabot naman ng sisig” paki-usap ni Jethro kay Goji sabay inom ng alak.
“Hindi naman kasi kayo nagtatanong at hindi talaga ako sanay mag-kwento, mas gusto ko yung makinig lang” paliwanag ni Jethro sabay subo ng isang kutsara ng sisig.
“Kailan mauulit ito?” si Franco.
“After fifteen years. Kaya eto na ang pagkakataon ninyo para itanong ang lahat ng gusto ninyong itanong sa akin” sagot ni Jethro.
“Height?” tanong ni Aerel.
“5’10”” si Jethro.
“Weight?” si Dyne
“Ewan, sampung taon na noong huli akong magtimbang” pabirong sagot ni Jethro.
“Hair and eye color?” si Goji.
“Depende sa mood, sa pagkakataon at sa pangangailangan, pero natural color, buhok ay itim at dark brown ang mata” sagot ni Jethro.
“Define Love and Life” si EA ulit.
“Love is a four-letter word, L-O-V-E. Life, enjoy” sagot ni Jethro sabay hithit sa dahon na hawak niya.
“First kiss?” si Franco.
“Di ko na maalala. Sandali, nakakahalata na ako, ano ito slumbook? Paabot muna ng calamares” paki-usap niya kay Franco.
“Bakit sumagot ka naman?” pagbulyaw ni Aerel.
“Na-miss ko kasi. Noong high school ang daming nagpapa-sagot ng slum book nila, kulang na lang pa-photocopy ako ng bio-data at ipamigay ko sa buong campus” biro ni Jethro sabay inom ng beer.
“Seryoso. Anong paborito mong sideline?” si Dyne.
“Photography. Noon pa man ay hilig ko ng kumuha ng mga litrato, stolen shots ng mga kaklase at mga pinsan ko, ang galing nga capture talaga yung emotion at memory. Pero ngayon interesado ako sa nature at sunset sa beach” paliwanag ni Jethro sabay kain ng calamares.
“Mga susunod na paborito mong sideline?” tanong ni Goji.
“Pagsusulat. Kung ano-ano, blogs, newspaper articles, kwento. Sa pagsusulat kasi lumalabas yung emotion at kung ano-anong mga malilikot na ideya na pumapasok sa utak ko. Pangatlo, pag-gawa ng programs, thesis, research papers, term papers, at kung ano-ano pa na required ng mga professors. Karamihan ay estudyante sa University Belt ang mga suki ko, mababa lang ang kita pero tinatanggap ko na rin, kahit graduate na ako gusto ko pa rin yung pakiramdam na parang nag-aaral pa rin para mas maraming natutunan” kwento ni Jethro.
“Illegal na sideline?” nag lakas-loob na pagtatanong ni EA, sabay inom ng kanyang Jack Daniels.
Naghihintay ang lahat sa isasagot ni Jethro habang siya naman ay humithit muna ng dahon.
“Meron” sagot ni Jethro pagkatapos bumuga ng usok.
“Anong trabaho?” si Franco, sabay abot ng french fries kay Jethro.
“Salamat, parang alam mo ng papa-abot ko sa’yo yan. Dispatcher ako. Naghahatid ng kung ano-anong bagay na galing sa mga pulitiko at sindikato, naka-envelope, naka-kahon, at kung minsan ay buong sasakyan na merong mga kargamento sa loob” sagot ni Jethro sabay inom ng beer.
“Paano nag-simula?” si Aerel at inabot din ang isang platitong mani kay Jethro.
“Mukhang alam mong mahabang paliwanagan ito, salamat Aerel. College ako noon ng isama ako ng isa sa mga kaklase ko, may part-time daw kami. May pinuntahan kaming lugar, hindi ko nakita kung sino ang mga kausap niya basta sinama na lang niya ako noong lumakad na siya. Kinabukasan ay binigyan niya ako ang pera, bayad daw sa pagsama ko sa kanya. Naging interesado ako sa trabaho kasi malaki ang kita. Makalipas ang ilang buwan ay pinaubaya na niya sa akin ang pag-dispatch kasi meron pa siyang ibang illegal na gawain at mas malaki ang kita” kwento ni Jethro.
“Hindi ka ba natatakot?” sunod na tanong ni Dyne.
“Hindi ako takot, tiwala ako sa contact ko, hindi niya pinapabayaang ako ang humarap sa mga ka-deal niya, ibibigay lang niya sa akin ang kailangan i-despatch at ihahatid ko ito base sa instruction niya. Pero nag-iingat pa rin ako, kahit hindi ko sila nakakaharap ay kilala ko kung sino ang mga pulitikong iyon at kung sino ang nasa likod ng sindikato. Kailangan mag-disguise ako kapag may lakad at lahat ng usapan ay naka-record din, kung may pagkakataon ay titignan ko ang laman hawak ko, at pagkatapos kong ihatid ay pupunta muna ako sa mga mataong lugar para maligaw ko kung sakali mang may nakasunod sa akin” pagpapatuloy ni Jethro at muling bumuga ng usok.
“Naisip mo ba ang pamilya mo at kaming mga kaibigan mo?” seryosong tanong ni Goji.
“Nasa lowest level of illegality ang ginagawa ko, at hindi ko papasukan ito kung alam kong mapapahamak ako, kaya nga doble-dobleng ingat ang ginagawa ko para hindi madamay ang mga taong malalapit sa akin. Magaling daw ako sabi ng contact ko, pinipilit akong bigyan ng ibang mga trabaho pero tumanggi ako, sabi ko kuntento na ako sa kinikita ko bilang dispatcher. Huwag kayong mag-aalala, hindi kayo mapapahamak dahil sa akin. At isa pa, madalang lang naman kung may ipa-dispatch, malaki lang talaga ang kita kaya hindi ko maiwanan” pagtatapos ni Jethro sabay ubos ng beer.
“Susunod na tanong, magkwento ka naman tungkol sa pamilya mo” muling naglakas loob si EA sa pagtatanong.
“EA, tawag ka na, second set na daw” sigaw ni Jethro sa kaibigang bokalista.
“Oo pala, napasarap kasi ang tanungan, ituloy natin ito pagkatapos ng second set namin” paki-usap ni EA kay Jethro.
“Sige, walang problema, napasubo na rin ako. Yung request ko pala, huwag mong kalimutan” si Jethro kay EA.
Muling nagpunta si EA sa stage para sa second set ng pagtugtog ng kanyang banda. Samantala ay nahinto muna ang pagtatanong kay Jethro para makatayo naman siya sa Hot Seat at para mapanood din nila ang kaibigang si EA. Nang marinig ni Jethro ang pagtugtog ng banda ay bumaba na siya at iniwan ang mga kaibigan na nahilo sa alak at nalasing sa mga rebelasyon.
We get it on most every night
When that moon is big and bright
It’s a supernatural delight
Everybody’s dancing in the moonlight
Sakto ang pagpasok ni Jethro sa dancefloor ng simulang tugtugin ng banda ni EA ang kanyang paboritong kanta. Nang makita siya ng ibang mga tao sa dancefloor, merong lumapit para makipag-sayaw, makipag-halikan at meron din mga nanghihipo sa kanya.
Dancing in the moonlight
Everybody’s feeling warm and bright
It’s such a fine and natural sight
Everybody’s dancing in the moonlight
Kapag nasa dancefloor, wala siyang pakialam kahit anong gustong gawin sa kanya, mapa-lalake, babae, o bakla ay pagbibigyan niya, kapag nasa dancefloor, lahat pagmamay-ari siya.
Natapos ang second set ng banda kaya bumalik muli ang mga magka-kaibigan sa iniwan nilang set-up, “Hot Seat in the Dark with Smoke” ulit si Jethro. Nawala ang epekto ng beer at dahon sa katawan niya kaya muli siyang humingi ng beer at nagsindi ng dahon ng simulan ang ikalawang installment ng pang-gigisa sa kanya.
“Let’s talk about your lovelife. Ang daming naghahabol sa’yo, lalake, babae, at bakla pero bakit hanggang ngayon wala ka pa ring pinapakilala sa amin na BF o GF mo?” unang tanong ni EA.
“Masyadong personal na yan, biro lang. Hindi pa kasi ako handa, gusto ko yung parang kanina sa dancefloor, nakikipag-flirt lang” sagot ni Jethro.
“Bakit hindi mo gayahin ang Kuya Ethan mo?” mungkahi ni Franco.
“Si Kuya Ethan, yung pinsan ko, hindi ko kaya yung ginawa nila ni Kuya Bryan na ipaglaban ang pagmamahalan nila. Masaya ako para sa kanila kasi malaya na silang namumuhay na magkasama ngayon. Ang galing nga, para silang mag-asawa” paliwanag ni Jethro, sabay ulit buga ng usok.
“Baka naman hindi ka naghahanap, malay mo nakita mo na siya at hindi mo lang pinansin?” tanong ni Aerel.
“Seryoso naghahanap ako. Ang dami ko ng nakilala at nakasiping, mula sa pagiging escort service, sa pakikipag-chat, hanggang sa pagfi-flirt sa disco, pero wala pa rin” si Jethro at muli na naman uminon ng beer.
“Anong katangian ng tao ang hinahanap mo?” si Dyne.
“Ayokong mag-lista at maghanap ng katangian sa isang tao, sabi nga ni Kuya Ethan, makakaramdam ako ng kakaibang spark sa puso ko kapag nakaharap ko na ang taong para sa akin. At kapag dumating iyon, hindi siya makakawala sa akin” sagot ni Jethro.
“Nag-iingat ka ba sa mga nakakasama mo sa kama?” nag-aalalang sabi ni Goji.
“Oo naman, nakinig ako ng husto noong mag-lecture ka sa akin about Safe Sex. At sinisigurado ko rin na babayaran nila ako. Dahil dyan, paabot naman ng crispy pata” si Jethro.
“Bakit wala kang permanenteng trabaho?” muling pagbubukas ng bagong topic ni EA.
“Ayaw kong pumasok sa corporate world o private companies, ayaw kong may nagmo-monitor sa attendance at galaw ko, ayaw kong inuutusan ng supervisor, ayaw kong sinesermunan ng manager, ayaw kong nira-rush dahil meron pasyente sa ER, ayaw kong nag-aatend ng press conference, ayaw kong naghihintay ng taong pipili sa akin para magpamasahe, ayokong nape-pressure dahil sa dami ng order sa restaurants, ayokong gumawa ng lesson plan, ayokong magbasa at sumunod sa mga companies rules ang regulations, basta ayaw ko” sabay hithit ng dahon si Jethro.
“Kailan at paano nabuo ang ideya mong mabuhay sa pagsa-sideline?” sunod na tanong ni Franco.
“Dahil sa paghihigpit ng magulang ko noon, pakiramdam kinulong nila ako sa amin, lahat ng gusto nila kailangang sundin ko, mula sa damit na isusuot hanggang sa pagpili ng kaibigan. Nag-sawa ako sa pag-kontrol ng magulang at mga teachers sa buhay ko, kaya bukod sa mga subjects na tinuturo sa eskwelahan, nag-aral din ng photography, video editing, pagsusulat, driving, at kung anu-ano pa na pwede kong matutunan para kapag nag-graduate ako ng college, marami akong alam gawin. Gusto ko kasi after college, kontrolado ko ang oras ko, ako ang namimili ng trabaho, ako ang pipili sa makaka-trabaho ng ilang oras o araw, ako ang tumatanggi sa trabaho, gusto ko iba-iba ang ginagawa ko” paliwanag ni Jethro sabay ubos ng beer sa hawak niyang bote.
“Kung gusto mong lumaya, bakit hindi ka humiwalay sa magulang mo?” si Aerel sabay abot ng iba pang pulutan kay Jethro.
“Matagal ko ng gustong gawin iyan, pero parang merong hindi maipaliwanag na pwersa na pumipigil sa akin para iwanan sila” sagot ni Jethro.
“Bakit ang dami mong alam gawin?” si Dyne.
“Siguro madali akong matuto at madami akong interest. Ginamit ko ang katawan, talino at emosyon, dagdagan mo na rin ng time management, kaya ang dami kong alam gawin ngayon. At sinuwerte naman ako na pinakikinabangan ko ang lahat ng nalalaman ko. Kung sinasabi ninyo na sideline lang ang ginagawa ko, para sa akin eto ang trabaho ko” paliwanag ni Jethro.
“Masaya ka ba?” parang ewan na tanong ni Goji.
“Oo, alam ko masaya at malaya na ako ngayon, eto ang pangarap kong gawin sa buhay, ang gumawa ng kung anu-ano para mabuhay. Masaya ako na wala ng kumokontra sa mga gusto kong gawin, masaya ako kasi kahit ano nagagawa ko, masaya ako kasi kahit sino pwede ko ng makilala, masaya ako kasi kahit saan pwede na akong pumunta, basta masaya ako, lalo na kasama ko kayo” parang ewan din na pag-sagot ni Jethro.
Yan si Jethro, madaming alam gawin, cross stitch, pag-tutor ng foreign language, pag-coach ng iba-ibang klase ng sports, paggawa ng crossword at pagsagot ng sudoku, pagpapakain ng manok, baboy at kalapati, magpa-utang, pagkumpuni ng computer, pagme-mekaniko, pag-install ng software at pag-aralan ito, video editing, pagsusulat, driving, pagkumpuni ng tubo at linya ng kuryente at telepono at kung anu-ano pa. Kahit saan man mapunta, kahit sinong kasama, at kahit anong panahon, siguradong mabubuhay at hindi mawawalan ng pera.
I got a feeling that tonight’s gonna be a good night
that tonight’s gonna be a good night
that tonight’s gonna be a good good night wooh hoo
Sa last set ng pagtugtog ng banda ni EA, nagpunta ang mga magkaka-ibigan sa dancefloor para pagbigyan ang mga taong sabik makipag-sayaw sa kanila. At sa kalagitnaan ng set, pinaubaya ni EA ang pagkata sa ibang ka-banda para samahang sumayaw ang mga kaibigan niya.
Tonight’s the night night, let’s live it up
I got my money, let’s spend it up
Go out and smash it, let go o' my guard
Jump off that sofa, let’s get get up
It’s a good night indeed for them, the six friends celebrated their six years of friendship that night with revelations from Jethro.
Let's do it and do it and do it and do it and do it
And do it and do it and live it
Up and do it, do it, do it, do it, and do it
At tuluyan ng nag-alisan ang mga tao sa ReZ Dente Party Music.
“Meron pala akong regalo sa inyo” sabay abot ni Jethro ng tig isa-isang paper bag sa mga kaibigan.
“Adik ka talaga, ano to, condom at brief” si Aerel at nakisabay na ring magbukas ang iba.
“Huwag ka ng mag-reklamo, napilitan nga akong makipag one-night-stand para may pambili ako niyan, hindi pa kasi nagbabayad yung mga pautang ko” biro ni Jethro.
“Ang ganda, animal head printed in black colored brief” si Dyne.
“Tiger, Cobra, Lion, Hawk, Panther, Panda Bear, iba ka talaga at dahil diyan ikaw na naman ang makakatanggap ng Scene Stealer Award, dinaig mo na naman ang moment ko” sabay abot ng bote ng Jack Daniels ni EA kay Jethro.
“Tagay pa ng kape” si Goji.
“Cheers” sabi ng iba.
“Hindi ako nagka-kape, hot chocolate sa akin” si Jethro.
Umaga na sa Kalye Gwapito.
Itutuloy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment