Akda ni Jaime Sabado
BUGOY: "ah eh bubble" waring nagtatakang pahayag ni Bugoy
BUBBLE: "Di ko din alam Bugoy eh, sinusunod ko lang ang nararamdaman ko"
BUGOY: "may pagtingin ka sa akin kung ganun?" nauutal na pahayag bito
BUBBLE: "Nagising nalang ako lately na ikaw agad ang pumapasok sa isipan ko"
BUGOY: "salamat Bubble ah..akala ko ako lang ang nakakaramdam ng ganoon para sa iyo"
BUBBLE: "totoo ba yang sinasabi mo?" natutuwang pahayag niya
BUGOY: "Oo.." nahihiya
BUBBLE: "I love you.." sabay halik ulit sa Labi ni Bugoy
BUGOY: "Mahal na din ata kita"
BUbble: "Kalimutan na natin ang lahat ng nakaraan, harapin natin ang bukas ng tayong dalawa"
Nung gabing iyon ay pinagsaluhan ni Bubble at Bugoy ang init ng kanilang nadaramang pagmamahal. Nagkaisa ang kanilang damdamin at utak na limutin ang nakaraan, kasama na ako dun..
SA HOTEL...................................
AKO: "Best, ba't dito tayo tumuloy?, sana dun nalang mapalit sa kinainan nating jollibee kanina, parang magaan kasi ang pakiramdam ko dun, parang gusto kong libutin ang place nila"
ALEXANDER: "whew! best naman pag itinuloy kita dun, siguradong malilintikan tayo ni Donya Gloria kasi dapat daw comportable tayo"
AKO: "asus, sabihin mo dapat comportable ka" sabay tawa
ALEXANDER: "cge cge dun tayo sa eskwater tumuloy, ok lng sakin, sanay ako dun" may pagtatampong pahayag niya
AKO: "aysus, nagtampo.. hindi bagay best..hehehe"
ALEXANDER: "mukha mo..hehehe, best hanap tayo ng chicks gusto mo?"
AKO: "ha? ah eh... ayoko best, di ko naman siya need as of now, nagagawan pa naman ng paraan eh..hahaha"
ALEXANDER: "hahaha puro ka siguro mariyang palad noh?"
AKO: "hehehe uu, safe pa"
ALEXANDER: "pde naman maghanap jan ng safe eh..hehehe unless bading ka best" sabay tawa ng malakas
AKO: "Wala kasi ako interest sa babae best, honestly" sumeryoso ang mukha ko
ALEXANDER: "joke ba yan?"
AKO: "I'm serious, dati ko pa napapansin"
ALEXANDER: "Baka epekto lng yan ng pagkawala ng memorya mo best kaya ok lang yan kasi babalik naman cguro yan"
AKO: "Panu kung hindi na?" seryoso ulit
ALEXANDER: "Wag mo isipin yan best" sabay akbay
AKO: "Best panu kung bakla pala ako dati, tatanggapin mo pa kaya ako bilang bestfriend mo?"
ALEXANDER: "Panghawakan mo to best, sa pagbalik ng alaala mo, at kung totoo man yang ipinagaalala mo, hindi ako magbabago sayo. Ikaw lang ang nag iisa kong bestfrend at mahal kita na parang bunsong kapatid ko."
AKO: "salamat best ah"
Sa mga sinabing iyon ni Alexander gumaan ang loob ko, Nalaman kong kahit anung klaseng tao ako dati ay hindi ako ilalaglag ng kaibigan ko.
KINABUKASAN..........................
AKO: "Bilis naman ng araw, 2nd day na natin dito, gusto ko pa magtagal dito..hehehe"
ALEZANDER: "hingi tayo extension sa Lola mo.."
AKO: "Sabagay mukhang papayag naman yun kasi andito na tayo"
ALEXZANDER: "Best gusto mo ponta tayo sa mall of Asia? malaking mall yun.."
AKO: "Di na dapat itanong yan kasi sasama ako kahit san dito sa manila.hehe"
ALEXANDER: "Ayos! tara na!!!! weeeeeeeeeh!!!!!!!!!!!!!"
Excited ang sumakay sa kotse, natawa naman si alexander sakin dahil hindi ko maalis ang paningin ko sa bintana, ninanamnam ko ang lugar..hehe
Pagkatingala ko ay nadaanan namin ang isang Billboard na may Litrato ng Isang lalaking nakatopless at waring iminomodelo ang suot na jeans. Nabasa ko ang pangalan ng Modelo sa baba Chris Garcia.
Biglang sumakit ang ulo ko ng makita ko ang Billboard na iyon. May mga imaheng pumasok sa utak ko, isang lalaki na naka uniform ng Blue at kasama akong kumakain, mga imahe ng kasama ko siya palagi at ang lalaking iyon ay ang lalaki na nasa Billboard.
AKO: "ahhhh!!!! ang sakit ng ulo ko!!!" sabay hawak ng mahigpit sa ulo ko
ALEXANDER: Best?.. anun nangyayari sayo? best?..... Manong! derecho mo ko sa ospital"
DRIVER: "sang hospital sir?"
ALEXANDER: "kahit saan basta yung malapit dito!"
DRIVER: "cge po sir"
Dali dali akong dinala sa hospital ni alexander dahil sa sobrang pananakit ng ulo ko. Tuloy tuloy ang pagpasok ng mga imahe na animo'y putol putol na video clips hanngang sa mawalan ako ng malay.
Pagkagising ko ay nasa isang kwarto na ako ng Hospital. Si Alexabder ay naka upo sa silya sa gilid ng kama ko.
AKO: "be...best..." nagsimula na akong umiyak
ALEXANDER: "best bakit? masakit pa ba ulo mo? teka tatawag ako ng doctor" nag aalalang pahayag nito.
AKO: "Ok lng ako best...makinig ka best,......"
ALEXANDER: "Oo nakikinig ako"
AKO: "may naalala na ko..(humagulgol), hindi lahat pero sapat na para matunton ko ang pamilya ko best"
ALEXANDER: "best patawarin mo ako" nanginginig ang boses ni Alexander
AKO: "bakit?" pagtatake ko
ALEXANDER: "Pinakiusapan ako ng Lola mo na wag sabihinang totoo"
AKO: "Na hindi niya ako Apo? na hindi ko kuya si kuya zander?" umiiyak
ALEXANDER: "Pero mahal na mahal ka ni donya Gloria"
Nahinto ang usapan namin ng pumasok ang doctor sa kwarto ko. Kinumusta ako ng Doctor at sinabi ko ang lahat lahat tungkol sa kundisyon ko.
DOCTOR: "Mswerte ka sa case mo sir, kasi ang iba ay nalilimotan na nila ang mga alaala nila nung nasa state of amnesia sila, yunbang parang nagising lang sila sa isang mahabang pagkakatulog, pero kayo po ay naalala niyo pa ang mga taong nakasalamuha mo for the past 2 years na dala dala mo ang amnesia niyo."
AKO: "Lucky me.. I have the chance na pasalamatan sila"
Magkahalong saya, lungkot, pagtataka at pagtatampo ang nadarama ko ngayong halos lahat ng alaala ko ay bumalik na. Nakiusap ako kay alexander na wag na munag sabihin kay Lola ang lahat lahat dahil ayoko rin saktan ang taong umaruga sa akin ng dalawang taon kahit na ipinagkait niya sa akin ang kapatang gumaling. Sa kabila ng ginawa ni Lola ay nauunwaan ko ang dahilan niya.
Sa ospital ay binigyan ako ng schedule ang sessions ng magiging theraphy ko para tuluyan ko ng maalala kung bakit ako nagka amnesia. Nung araw ding iyon ay napagpasyahan kong lumabas na ng hospital dahil gustong gusto ko ng makita si naynay, si taytay, si Kuya, si bugoy at Bubble pati ang ate ko na nasa ibang bansa ay gusto ko na ding makausap.
Nakiusap ako kay alexander na samahan nila ako sa Lugar kung saan talaga ako nakatira. Halos kapusin ako ng hininga habang paonta na kami sa lugar kung saan ako lumaki.
Ilang sandali na ay nadoon na kami. Hindi ako makababa ng kotse, sobrang kumakabog ang dibdib ko sa kung anu ang magiging reaction nila.
ALEXANDER: "Cge na best...cgurado akong matutuywa sila dahil makikita kana nila"
Tumango lamang ako kay alexander at animoy lumakas ang loob ko dahil sa sinabi niya.
Bubuksan ko na ang pinto ng kotse ng makita ko si Bugoy na may kasamang pamilyar na lalaki. Naglalakd sila patungo sa direction ng bahay namin. Kinilatis ko ang pamilyar na lalaki.
AKO: "Tama.. si Bubble nga iyon" sa isip ko
Nagkukulitan silang dalawa habang naglalakad. May kurot akong nararamdaman sa puso ko dahil sa nasaksihan ko. Napakasakit na kurot at lalong lumala pa ang sakit ng gawaran ng nakaw na halik sa labi ni Bubble si Bugoy. pagkatapos ay nagkatawanan sila at dumerecho na papasok sa gate namin.
Luha..tama, may luhang namuo sa aking mga mata ng mga sandaling iyon. Galit, tama ulit, galit ang isa pang namuo sa dibdib ko.
Sa kabila noon ay nanaig ang pagkamiss ko sa pamilya ko kaya bumaba padin ako ng kotse at nagpasyang tumungo sa bahay namin.
Nasa gilid na ako ng gate namin ng makita ko silang lahat si Terrace namin, kahit si Tita Minda na ang alam ko ay kaalitan ni naynay ay nandoon pati ang asawa nitong si Tito Recardo ay naroon.
NAYNAY: "Hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang Nurse na ang BUNSOY natin" sabay halik sa pisngi ni Bugoy
TAYTAY: "Oo at salamat kay Bugoy dahil masayahin kana ulit"
NAYNAY: "syempre naman, sino ba ang di sasaya sa talino at sa kabaitan ng BUNSO nating ito"
BUGOY: "masyado naman akong nafflatter NAYNAY niyan eh" sabay ngiti
BUBBLE: "ako din mabait" hehehe
NAYNAY: "siya nga pala bilang surpresa ay ipinaayos na namin ang kwarto sa gitna, sa iyo na iyon, anytime pwede kana ding matulog dito dahil sayong sayo na ang kwartong iyon at syempre may pahintulot ng nanay mo"
TITA MINDA: "aba mare syempre naman ok lang sa akin at masaya akong ganun ang turing niyo sa anak kong si Bugoy"
Mahaba pa ang naging usapan nila at mula sa labas ng gate sa parteng sulok ay nandoon ako at nakikinig. Di man lang nabanggit ang tungkol sa akin, Ang kwartong dating akin ay ibingay kay bugoy, naynay na ang tawag niya sa nanay ko, pati si bubble ay nasa kanya na din.sabagay mabait naman talaga si bugoy kesa sa akin na laging pasaway kina naynay.
Mas masakit ang naramdaman ko ng mapagtatanto ko na sa araw din na iyon ay ang totoo kong kaarawan, at 21 ang totoo kung edad, hindi 22. Mula sa pwesto kong iyon ay makikita ang likod bahay, nakita ko ang malaking kahon na pag aari ko na pinaglalagyan ko ng mahahalagang bagay para sa akin. Naroon iyon at animoy itinapon na parang basura.
GALIT..Galit sa kanilang lahat ang namuo sa dibdib ko. Galit na alam kong hindi madaling maalis. Siguro ay patay na ako para sa kanila pero masakit na pati alaala ko sa kanila ay pinatay na din nila.
Masagana ang luha na dumadaloy aking mga mata habang tinutungo ko ang kotse. Sobrang sakit ng nadaradam ko sa dibdib.
AKO: "Diyos ko, sana ay habang bhay nalang ako nagka amnesia" humahagulgol
Pagpasok ko sa kotse ay Buong pagtataka akong pinagmasdan ni Alexander.
Wala sa loob ko siyang niyakap at napahagulgol ako ulit.
ALEXANDER: "best bakit? wala naba sila jan? iba na ba ang mga nakatira?" pag aalala nito
AKO: "Kinalimutan na nila ako best, alam mo bang birthday ko ngayon bilang Lando pero hindi nila iyon naalala, hinintay kong mabbanggit nila iyon pero wala. puro si Bugoy ang sectro ng usapan."
ALEXANDER: "best di naman siguro nila nakalimutan ang birthday mo"
AKO: "Best halos tatlumpung minuto akong nakinig ngunit wala man lang sila nabanggit. Impossible iyon dahil kilala ko ang nanay ko. Pero ngayon may iba na silang bunso" umiiyak padin"
AKO: "ang masakit pa ay mukhang NAGMAMAHALAN NA SI BUGOY AT BUBBLE" sa isip ko.
Isang malaking desisiyon ang napag isipan ko at gagawin ko to para isalba ang sarili ko sa muling pagdurusa kahit na sa mga sandaling iyon ay pakiramdam ko ay parang wala ng silbi ang buhay ko.
AKO: "best! Sa atin nalng sana ito.. Ilalaan ko na ang buong panahon ko kay Lola at sa mga negosyo niya, ayoko na best, dati pa ay punong puno na ng pagdurusa ang buhay at puso ko, best di na naawa ang diyos sa akin.."
ALEXANDER: "wag mong sabihin yan best"
AKO: "may karapatan akong sabihin iyan sa puntong ito, hindi pa ako nakakaramdam ng kasiyahang wagas at totoo sa buong buhay ko." sabay hagulgol
AKO: "darating ang araw na makikita nila ako, pero ituturing ko na rin silang hindi ko kakilala tandaan mo yan best, PANAHON NA SIGURO PARA LUMABAN SA BUHAY NA PURO PASAKIT"
ALEXANDER: "Uwi na tayo ng tacloban best.. hindi na healthy para sayo na makita pa ang lugar na ito."
HInayaan kong magdesisiyon para sa amin si Alexander dahil alam kong para sa ikabubuti ko ang gagawin niya.
Lumipas nag mga araw at linggo na sinunod ko lahat ng gusto ni Lola. Kahit madalas niyang itinatanong kung bakit daw madalas niya akong mapansing nananamlay. Piangpatuloy ko ang Hospital management na gusto niyang ipakuha sa akin.
Short course lang para doon ang kinuha namin ni Alexander kaya in few weeks ay mauumpisaha ko ng hawakan ang hospital bago pa ito tuluyang buksan.
Habang ako ay umaattend ng iba't ibang seminar para dito, si Alexander naman ang namamahala sa hiring ng mga empleyado.
May mga promotional activities din kami na ginawa para makaakit ng madaming client para sa amin na magpatingin kung sakaling magbukas na kami.
Isa sa mga ito ay ang paglalgay ng Billboard sa iba't ibang lugar sa maynila. Napagpasyahan namin kasama na ang buong team na Picture namin ni Alexander na naka medical uniform ang ilagay sa billboard habang ang hospital building ang background namin. wala akong nagawa dahil iyon ang requeust ni Lola.
AKO: "sana lang ay makita niyo ang mga billboards" sa isip ko
SA BAHAY................................................
TITA MINDA: "Kunchita! nakita mo na ba ang malaking billboard sa may highway?"
NAYNAY: "Hindi pa bakit?"
KIKAY: "Aling kunchita!!!! tingnan niyo ang billboard sa highway!!!"
NAYNAY: "anu ba ang nasa billboard na iyan at taranta kayong dalawa?"
Dahil narin sa pagtataka ay nagpasama sa kanila si naynay na pumunta sa highway at tiningan ang billboard.
Animoy binuhusan si naynay ng malamig na tubig ng makita niya ang larawan. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay at napatakip siya ng bibig sa sobrang pagkabigla.
NAYNAY: "ang anak ko...diyos ko" at napaiyak siya ng tuluyan
TITA MINDA: "hindi pa tayo sigurado kung siya nga iyan, at impossibleng si Lando ant lalaking iyan baka kamukha lang"
NAYNAY: "Minda anak ko siya kaya alam kong si Lando iyan" napahagulgol na.
SI BUGOY HABANG NAGLALAKAD PAGKATAPOS MAG APPLY SA ISANG HOSPITAL MALAPIT SA LUGAR NA IYON.........................................................
Napatingala siya ng mapansin ang bagong kabit na billboard doon. Punong-puno ng pagkagulat ang buong pagkatao niya ng mga sandaling iyon.
BUGOY: "La...Lando...?"
BInasa niya ang address ng Hospital na nakasulat sa ibabang banda ng larawan at dali dali siyang sumakay ng taxi patungo sa Lugar na iyon............
BUGOY: "Alam kong ikaw yan Lando............" sa isip niya
Itutuloy..............................
2 comments:
Sadyang mapagbiro ang tadhana. Sa perspektibo nila Bugoy at Bubble, ano ang tama - maghintay sa isang isang bagay na tila imposible o muling hayaan ang pusong umibig? Sa oras na mapatunayan na buhay nga si Lando, ano ang gawawin nila Bugoy at Bubble? Sa mapaglarong tadhana, wala kang ibang panghahawakan kung hindi ang paninindigan. Kung wala kang paninindigan, lalo mo lamang gaga wing komplikado ang mga bagay.
anong silbi naman ni Kikay na di sinabi yung nakita si lance sa jolibee at nagpapicture pa nga at kinuha pa number. tas ngayon sasabihin na tingnan yung bilboard. useless lang pala yung eksena na yun. hehe. pero ang gondo po ng istorya. except yang kay kikay.
Post a Comment