No Boundaries
Chapter XXV
Tampuhang Nicco at Andrei
Nakalipas ang isang linggo at dumating na ang araw ng pagtatapos ni Nicco. Maaga ng ipinaalam ng ama ni Nicco na hindi siya makakasama nitong umakyat sa entablado. Dahil dito si Governor Don Joaquin ang kasama niyang aakyat at tatayong ama niya. Tanghali ng dumating ang mga ito sa Maynila. Kasama ng mag-aamang del Rosario sina Aling Martha, Fr. Rex, Chad, Rome at Stephanie.
Malungkot man si Nicco ay hindi nadin niya ito pinansin. Nalalabi na lang ang araw niya sa mundo bakit pa niya sasayangin sa kalungkutan. Higit sa lahat, may isang desiyon siyang gagwin kung saan ibibigay niya ang lahat ng emosyon niya at kalungkutan para dito. Si Nicco, hindi man nakapagtapos ng Cum Laude ay nakatanggap naman ng natatanging pagkilala mula sa unibersidad. Hatinggabi na ng makatapos ang programa, pinagpasyahan nilang kinabukasan nalang umuwi. Kaya naman si Nicco at Andrei ang magkasama sa kwarto. Si Don Joaquin, Rome, Chad at Andrew sa isang kwarto at si Aling Martha at Stephanie sa isa pa.
Nang gabing iyon ay natulog na magkayakap si Nicco at Andrei, nakahiga si Nicco sa mga bisig nito habang yapos naman niya ang buong katawan ng binatang iniirog at minamahal niya. Nais niyang kahit man lang sa huling pagkakataon ay maramdaman niya ang katawan nito, ang init na mula sa kanyang mahal at higit sa lahat ang pakiramdam na protektado siya nito, alaga sa anumang oras at ang pakiramdam na mahal na mahal din siya nito. Tumulo na lang ang mga luha niya ng maalalang maaring ito na ang huling pagkakataon na magagawa niyang yakapin ang mahal niyang si Andrei. Maaring bukas o sa susunod na araw ay hindi na niya magagawang maamoy ang halimuyak nito, marinig ang tibok ng puso nito na tila isang musika para sa kanya, maramdaman ang yakap ng binata o makita ang mukha. Nakatulog siya sa ganitong isipin.
Kinaumagahan ay maagang umalis ang lahat para bumalik ng San Isidro. Patuloy pa ding pinag-iisipan ni Nicco kung itutuloy ba niya ang balak, subalit naiisip niyang ito ang pinakamainam sa lahat. Kaya naman, kinagabihan matapos ang salu-salong inihanda para sa kanya ay inaya niya ang Kuya Andrei niya sa isang lugar na tahimik at malayo sa lath. Isang lugar na walang makakaisp na puntahan ninoman. Kinakabahan si Andrei, ngunit higit ang kabang nararamdaman ni Nicco.
“Kuya Andrei” panimula niya “alam mo namang mahal na mahal kita.” Sabi niya.
“Oo naman, alam at nararamdaman ko.” Sagot ni Andrei, bagamat naguguluhan ay pinilit pa din niyang intindihin at pakiramdaman ang nais sabihin ng minamahal niyang si Nicco.
“Kahit anung mangyari tandaan mo mahal na mahal kita” matapos nun ay tumakbo palayo si Nicco. Pakiramdam niya ay hindi pa niya kayang pakawalan si Andrei. Ayaw pa niyang mawala yito sa piling niya. Pero iyon lang ang paraan para ihanda ito sa katotohanan. Ito lang ang paraan para hindi ito masaktan pag huli na ang lahat.
Hahabulin sana niya si Nicco subalit may kung anong pumigil sa kanya para huwag itong sundan. Higit pa ay kinabahan ito sa sinabi ng katipan na tila nagpapahiwatig na mawawala ito sa kanya.
Hindi nakatulog ng maayos si Nicco ng gabing iyon, subalit pinilit niyang magising ng maaga, may dapt siyang ikunsulta kay Fr. Rex at sa Gobernador na nagsilbing ama niya.
“Good Morning po Father” sabay mano sa pari.
“Ano ba ang sadya mo iho at napakaaga mo dito?” tanong ng pari.
“Nais ko po sanang bumalik ng seminaryo” panimula niya “duon ko po nais gugulin ang nalalabi kong mga oras”dagdag pa niya.
“Maganda iyan iho, tunay ngang tinatawag ka ng Diyos para maging tagapaghatid niya ng balita.” Saad ng pari “tutulungan kitang makabalik.”
“Salamat po Father” tila nabunutan siya ng tinik nang aprubahan ng pari ang desisyon niya.
Sunod niyang pinuntahan ay si Governor Don Joaquin. Sinamantala niyang tulog pa ang kambal ng masiguradong ang gobernador lang ang makakaalam ng balak niya. Tulad din ng pari ay natuwa ang gobernador sa pasya niya at nangako ng suporta. Hindi niya alam ay hindi din nakatulog si Andrei dahil pinag-iisipan nito ang sinabi ni Nicco. Buhat sa likuran ay nagsalita ito.
“Iyon pala ang nais mong sabihin sa akin kagabi” malungkot na sabi nito.
“Kuya Andrei” tila nabibilaukan niyang nasabi.
“Ang aga mo atang nagising? Sige mag-usap na muna kayo ni Nicco at maghahanda na ako para makaalis.” Pagkasabi nito ay tumayo na ang gobernador at nagpaalam na aakyat na muna ito.
Katahimikan ang namagitan sa dalawa, nang hindi makaya ni Andrei ang sarili ay lumabas ito. Sinundan naman siya ni Nicco. Higit pang binilisan ni Andrei ang paglakad “Kuya Andrei!” sigaw ni Nicco. Tila may sariling buhay ang kanyang mga paa, nilingon niya si Nicco at kita niya ang mga luha sa mata nito. Nadurog ang puso niya sa nakitang umiiyak ang kanyang mahal.
“Pag-usapan na muna natin ito” pakiusap ni Nicco.
“Sumunod ka sa akin” aya ni Andrei.
Malungkot man si Nicco ay nabuhay ang pag-asang mauunawaan siya ng Kuya Andrei niya. Pagdating sa may parting iyon ng hardin ng mga del Rosario ay agad na angsalita si Andrei.
“Ano ba Nicco, pinaglalaruan mo ba ako?” galit na tanong nito.
“Kuya Andr—“ hindi na niya natapos ang sasabihin.
“Ang sakit Nicco, minahal kita, minamahal kita, mahal na mahal kita at hada akong mahalin ka habang-buhay bakit mo nagawa sa akin to.” Puno ng kalungkutang sinabi ng Andrei.
“Mahal na mahal kita ng higt sa buhay ko, pero ito lang ang alam kong paraan para sa bandang huli hindi ka masaktan.” Paliwanag ni Nicco.
“Kung mahal mo ako, hindsi mo gagawin ito sa akin.” Napaluhang sabi ni Andrei “kung ayaw mo akong masaktan, bakit ngayon ginagawa mo sa akin to?”
“Gusto ko mging normal ang takbo ng buhay mo. Gusto ko matanggap ng lipunan ang pagkatao mo.gusto ko mabuhay ka ng wlaang nilalabag sa pamntayan ng mga tao. Yun lang ang gusto ko, makuha mo ang mga bagay na hindi mo makukuha pag kasama mo ako.” mahinahong paliwanag ni Nicco.
“Makasarili ka, bakit iyong gusto mo ang iniisip mo? Hindi iyon ang gusto ko. Ikaw ang gusto ko. Wala akong pakialam sa mga bagay na makukuha ko pag hindi ka kasama, mas gusto ko ng mga bagay na makukuha ko kapag kasama kita. Mahal na mahal kita Nicco” giit ni Andrei.
“Pero Kuya Andrei, intindihin mo sana ako.” Sambit ni Nicco na may pakiusap.
“Lagi kitang iniintidi, sana ak oang intindihin mo ngayon.” Pagkasabi nuon ay umalis na si Andrei at naiwan si Nicco. Napaupo si Nicco at walang ibang alam gawin sa mag oras na iyon kundi umiyak.
Hindi batid ng dalawa na may mga matang nakatingin sa kanila buhat sa itaas. Nakikitang lahat ni Andrew ang naganap sa pagitan nila., Ganuon na lang ang awa niya sa kakambal at ganuon din kay Nicco. Hindi niya alam kung sino ang papanigan pero alam niya, maayos ang gusot sa pagitan ng dalawa.
Love knows NO BOUNDARIES, hanggat kaya mong magtiis para sa taong mahal mo. Hanggang alam mong isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para makita siyang masaya sa hinaharap. Ang pagsasakripisyo para sa mahal mo ay isang patunay na love knows NO BOUNDARIES. As long as love is selfless, it can soar high, as long as it is pure, it can go a far distance.
No comments:
Post a Comment