Friday, February 18, 2011

SBLS- Short Bi Love Stories- Part 3 - LET IT FALL (version 1)

AKDA NI K.G.F.

“If you love someone, Tell them that you love them, don’t wait until you loose your chance” 

Isang malakas na tunog na nang galing sa bubong naming ang gumising sa akin, Shet! Umuulan nanaman, Ako? I used to hate the rain, kasi sagabal ito para sakin, may mga lakad akong hindi natutuloy, may mga oras na hindi ko kailangan mabasa pero nababasa parin pero I know this one person na kahit anong oras at araw pa umulan, hindi nya makitang mali ang pag ulan, This person loves the rain so much, sya ang nagpakita sakin na napakasarap ng pakiramdam pag umuulan.

“Robi, anak, magdala ka ng payong ah, baka magka sipon ka” Agad na bungad ng nanay ko habang nagbibihis ako sa kwarto para magready pumasok sa klase ko.


“Opo!” sagot ko para matigil nadin ang pangungulit ni Mama sa pinto habang abala akong maghanda

Eto nanaman, umuulan nanaman, bwiset, unahan nanaman sa jeep, lahat ng katabi mo kung hindi basa, may dalang basing payong, nakakinis, pinaka ayoko talaga pag umuulan. Lumabas na ako sa bahay dala ang payong na bilin ni Mama sa akin, hintay ng jeep, as usual lahat puno, maghintay ka pa ng hindi puno. Naglakad lakad na din ako papunta sa terminal kasi naisip ko nab aka maleyt lang ako sa katangahang paghihintay na ginagawa ko, sobrang lakas ng ulan, halos hindi nakaktulong ang payong na bitbit ko, at nagulat nalang ako ng umihip ang sobrang lakas na hangin na halos pati ako ay madala, pero nilabanan ko nalang muna kasi ayokong mabalog! 

Habang naglalakad ako ay may nadaan akong isang lalaki na tila walang masilungan at walang dalang kahit ano na pananggi sa napakalakas na buhos ng ulan, nakatayo lang sya sa ilalim ng ulan at naawa ako kaya nilapitan ko, ngunit habang papalapit ako sakanya ay napapansin ko na nakapikit ang mga mata nya at nakangiti, nung makalapit ay agad kong syang isinukob sa aking payong, napatingin sya bigla sa akin,

“Okay lang ako, wag mo na akong payungan” sabi nya

“Baka magkasakit ka kasi kaya sinukob kita, basing basa ka na nga oh!” sagot ko


“Sige na baka may kailangan ka pa puntahan, okay lang ako, pwede mo na ako iwanan” 

Medyo nainis ako at tinangal ko ang pagkasukob ng payong ko sakanya at umalis nalang ako at baka mahampas ko pa to ng payong ko

“Salamat nga pala pero Okay lang talaga ako” sigaw nya habang papalayo ako sakanya. Napalingon ako sakanya at nginitian ko nalang sya

“Walang problema, basta pag nagkasakit ka, wag mo sabihin saking di kita pinayungan ah” sabi ko

Ngumiti nalang sya at lumapit sa akin “Jed nga pala” pakialala nya habang inaabot nya yung basang kamay nya sa akin “Ay! Basa nga pala yung kamay ko” hinawakan ko nalang at nakipagkamay sakanya

“Okay lang, di ko naman ikakamatay kung hawakan ko yan” “Rob nga pala” pakilala ko habang magkahawak ang kamay namin at nakatingin ako sa mga mata nyang nakangiti din sa akin

“Sige na at baka may pupuntahan ka pa” sabi nya “Alam ko naman magkikita pa ulit tayo”

Nakangiti ako habang papalayo ako sa kanya, he has this aura na nung hinawakan ko sya parang may kakaiba dito sa taong to, parang gusto ko sya makilala, sana magkita pa kami ulet. 

My day ended na normal pero naiisip ko padin si Jed, ewan ko parang may something sakanya na gusto ko malaman at malaman. Habang naiisip ko ay nakatulog nadin ako sa sobrang pagod sa maghapon. Nagising ako sa tila isang malakas na ulan na tumatama sa bubungan ng bahay namin. “SHET! BADTRIP UMUUALAN NANAMAN” pero on the bright side baka makita ko nanaman si Jed habang naglalakad ako papuntang terminal. 

It was strange pero habang naglalakad ako, lingon ako ng lingon kung saan saan, siguro ineexpect ko na makikita ko sya, pagdating ko sa lugar kung saan ko sya nakita kahapon ay surpresa na nadoon nanaman sya, nakaupo at nakatingala sa langit habang basang basa at parang ninanamnam nya ang bawat patak ng ulan na nagmumula sa mga madidilim na ulap sa taas. Agad ko syang nilapitan at pinayungan ulet at nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ko sya.

“Anu ka ba? Kahapon nag papaulan ka! Ngayon eto ka nanaman, magkakasakit ka nyan ay Jed” sabi ko

“Okay lang ako, hindi mo kasi alam kung gaano kasarap na ramdamin yung ulan na binabahagi satin ng Diyos”

“Ano ka ba? Nagpapakabasa ka lang dyan ano makukuha mo? Sakit? Sipon? Lagnat?”

“Hindi! Nakukuha ko? Saya! Kasi nawawala yung lahat ng sama ng loob o kahit anong nararamdaman ko everytime na nandito ko nakatingin sa langit habang niraramdam ko yung ulan.” Ewan ko kung parang bakit gusto kong bitawan yung payong ko para samahan sya na magpa ulan. “Subukan mo Rob, tara, Bilis”

Agad kong sinara ang payong na hawak hawak ko at unti unti akong binasa ng mga patak ng ulan na nanggagaling sa itaas. Sobrang sarap pala ng pakiramdam na nakatingala ka lang sa langit at tinitignan mo yung bawat patak ng ulan. Habang nakatingala ako sa langit ay napansin ko na naktitig lang sakin si Jed, nilihis ko ang mga mata ko at tumingin ako sakanya

“Bakit mo ko tinititigan?” tanong ko

“Gusto ko lang makita kung anong reaction mo ngayong dinadama mo lang yung ulan” sagot nya

“Ang sarap pala no? parang nakakawala ng pagod” sabi ko

“Ang cute mo pala pag nakangiti ka no!” sabi nya habang nakangiti sya sakin.

“Wooh! Bola” sabi ko sakanya

“Hindi! Hindi ako marunong mambola” sabi nya. HInawakan nya yung mga pisngi ko at nginitian nya ako. “Salamat nga pala sa payong mo kahapon” sabi nya. Hindi ako makaimik pero nginitian ko na lang din sya. Dahan dahan nyang nilapit ang muka nya saakin at napapikit nalang ako habang papalapit sya, hindi ko alam kung hahalikan nya ba ako o ano, ayan na ba? Ayan na? Isang malakas na kulog ang nagpadilat saakin at gumulat. Nagtawanan nalang kami at nagkasatan sa gitna ng bumubuhos na ulan. Tumila na ang ulan, hinatid nya ako pauwi sa bahay namin, nagkapalitan kami ng number at nang makauwi na sya ay agad kaming nagkatext. 

Pag umuulan ay lagi lang kaming nagtatampisaw at tumitingin sa langit at dinarama ang sarap na dala ng ulan, lagi nyang sinasabi sakin na hindi lang daw sya ang napapasaya ng ulan ngunit marami pang kagaya nya, Ako! Ako Masaya naman ako pag umuulan ah, Masaya din ang mga magssaka pag umuulan, Masaya ang mga halaman pag umuulan, ang mga tamad mag pa carwash ay masasaya, maraming napapasaya ng ulan at isa na ako sa maraming iyun. 

Isang araw na sobrang lakas ng ulan, nagtext si Jed sa akin at parang humihingi ng tulong,pinapunta nya ako sa isang lugar at pagkadating ko doon ay nakita ko syang nakaupo sa isang sulok, nakadukdok at lamig na lamig. Tumakbo ako papalapit sakanya at agad ko syang niyakap at isinilong sa aking payong

“Okay ka lang ba? Ha? Ano ba kasing iniisip mo Jed! Ha? Hindi lang basta ulan yang sinugod mo, BAGYO Jed BAGYO!” bigla syang tumingala sa akin at ngumiti saakin “Hoy! Niloloko mo ba ako ah. Alam mo bang kinkabahan ko dun sa text mo ha? Akala ko kung ano nang nagyari sayo” Patuloy padin ang pagngiti nya at bigla syang tumayo at hinatak ako sa gitna ng sobrang laks na ulan.

“Rob, look at me” sabi nya

“Oh? Anong meron?” sabi ko. Then meron syang kinuha samay bulsa nya at inilabas nya ang isang kwintas na may hawig sa kwintas na lagi nyang sinusuot, at isinuot nya ito sa aking leeg.

“Eto para sayo yan, nakita mo yung pendant, yung parang letter na yan, Symbol ng water yan, lagi mong susuot yan para lagi mo akong maaalala.” Sabi nya.

“Salamat” yun lang ang nasabi ko. Then he looked at my eyes and was leaning closer to me then he whispered 

“Rob, Mahal kita” 

Hindi ko ugali na magsabi na mahal ko ang isang tao kasi hindi ko nakasanayan, kahit sa mga magulang ko ni hindi ko nasasabi na mahal ko sila, pero pinaparamdam ko naman, ewan ko kung bakit alam ko na mahal ko rin si Jed pero hindi masabi ng mga labi ko, pero alam ko alam nya na may nararamdaman din ako para sakanya.

Sobrang lamig dahil nasa gitna kami ng bumubuhos na ulan pero nung lumapit na yung mga labi nya saakin, parang niliyaban ako, sobrang init ng mga labi nya na dumikit sa akin, wala kaming pakialam kung sino man ang makakita saamin, basta alam naming gusto naming dalawa kung ano man yung ginagawa namin.

Araw araw sinasabihan ako ni Jed na mahal na mahal nya ako pero ni isang beses hindi ko masabi sakanya yun, ang ginagawa ko nalang ay pianapramdam ko nalang sakanya na mahal ko talaga sya, Sya yung taong laging nagpapangiti saakin. Naging

Ramdam ko sa sarili ko na ibang iba na ako, I take things more seriously now, I can manage my time better, Lahat ng dating hindi ko magawa ginagawa ko na, isa lang ang hindi ko magawa, ang sabihin ang mga salitang “Mahal kita” at “I Love You” hindi ko alam kung bakit pero iyun talaga ako, isang taong hindi marunong magsabi ng mga bagay na yun, pero alam ko na kahit di ko nasasabi sa isang tao yun naipaparamdam ko sakanila na mahal ko sila.

Isang umaga pag gising ko, sobrang lakas ng ulan, at agad akong ngumiti at nagbihis lumabas at tumakbo papunta sa lugar kung saan lagi kaming nagkikita ni Jed pag umuulan, exited ako makita sya kasi ilang araw nadin wala ang ulan at ngayon lang ulit ito nagparamdam. Pagdating ko ay wala sya, hindi ko alam kung bakit, naghintay ako ng ilang oras sa lugar na yon, pero hindi sya dumating. May bigla nalang tumawag sa phone ko, napangiti ako dahil number ni Jed yung tumatawag. Nang sinagot ako ay nagsalita ang isang boses ng babae na inidi pamilyar sa akin at sinabi

“Si Robi ba to” sabi ng babae na parang malungkot ang boses

“Opo” sagot ko

“Si Tita Glenda mo to, Mama ni Jed, nandito kasi sya sa hospital ngayon eh, kanina ka pa nya hinahanap, gustong gusto ka makita ni Jed Anak!” sabi nya habang rinig na rinig sa boses ng mama nya na umiiyak

Agad akong pumunta kung nasan man sya, hindi ko napigilan na tumulo yung mga luha ko habang basang basa ako ng ulan, tumatakbo ako papunta sakanya, pagkarating ko sa hospital ay agad kong hinanap ang kwarto nya, Nang nakita ko ay agad akong pumasok, wala akong pakialam kahit basang basa ako, at kahit basa ng luha ang mga mata ko, nakita ko si Jed na nakahiga sa kama at parang natuutlog. Sinalubong ako ng Mama nya at binigyan ako ng towel para makapagpunas

“Ikaw pala si Rob! Ikaw pala yung laging kinkwento sakin ni Jed” sabi ng Mama nya

“Ano pong nangyari kay Jed?” tanong ko

“Hindi ba nya nasabi sayo?” sabi ng Mama nya habang may mga luhang tumutulo

May malubhang sakit pala si Jed ngunit hindi nya sinasabi sakin, hindi ko alam kung pano ko tatanggapin na ganun nalang naitago sakin ni Jed yun, masakit pero ayoko din naman sisihin si Jed, ayaw nya lang siguro ako malungkot, pero ano ba nangyayawi ngayon? SURPRISE ba to? Ha? Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Gusto ako makita ni Jed? Pagdting ko wala na sya, wala na. Hindi ko man lang sya inabutan, hindi ko man lang nasabi sakanyang mahal ko sya kahit isang beses, kahit alam kong nararamdaman nya, iba padin na naggaling sakin na mahal ko nga sya. May binigay saking sulat ang Mama nya at sinabing pinabigay daw ni Jed, si ate nya pala ang nagsulat habang sinasabi lang ni Jed ang mga ilalagay sam liham.


Rob,
I’m sorry kung hindi ko man lang nabanggit sayo na ganito ako, gusto ko kasi Masaya tayo lagi, at ayoko nading isipin na malapit na yung oras ko, basta wag ka malungkot ha? Kasi hindi naman kita iiwanan eh, nandyan lang ako, promise ko sayo, ako yung papalit sa guardian angel mo, basta alam mo naman naman na mahal na mahal kita, 
Para malaman mo kung gano kita kamahal, lumabas ka pag umuulan, isahod mo yung mga kamay mo sa ulan, lahat ng masasalo mo, ganun ka kahalaga sa akin, at lahat ng di mo masasalo, ganun kita kamahal.
-Jed

Tumakbo ako papalabas at nagpakabasa sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, sinigaw ko lahat ng nararamdaman ko, iniyak ko lahat ng kailangan ko iiyak, binuhos ko sa ulan lahat ng nararamdaman ko. Ang sakit sakit na kahit isang beses, hindi ko nasabi sakanya na mahal ko sya, kahit alam ko na hinihintay nyang sabihin ko sakanya na mahal ko sya.

Lumipas man ang ilang araw, buwan, taon, hinding hindi ko kakalimutan si Jed, at ang pagmamahal nya saakin, tuwing umuulan, nararamdaman ko na nasa paligid lang siya, bigla nalang ako naiiyak at bigla ako napapahawak sa kwintas na binigay nya saakin, nararamdaman ko na parang may yumayakap saakin, alam kong siya yun,

Isang beses na sobrang lungkot ko dahil naalala ko yung mga ginagawa namin pag umuulan, Sobrang lakas ng ulan sa labas nakatitig lang ako sa bintana naming at inaalala ko lahat ng ginagawa namin ni Jed habang bumubuhos ang ulan, nang bigla kong naramdaman na may biglang malamig na pakiramdam na pumatong sa mga balikat ko, sobrang pamilyar na boses ang nagsalita, “Rob, miss na miss na kita” lumingon ako at nakita ko si Jed, nananaginip man ako o hindi, wala akong pakialam, imbis na matakot ako ay niyakap ko pa sya habang bumubuhos ang mga luha sa mga mata ko at ibinulong ko sakanya



“Jed, Mahal na mahal kita”


From:  Gabriel

No comments: