Monday, February 14, 2011

Lance na lang para Pogi 15

Akda ni Jaime Sabado

Dali daling tinungo ni Bugoy kung saan naroroon ang hospital sa Billboard. Pagdating niya doon ay dumerecho siya sa guard.



GUARD: "Ah sir, mag aaply po ba kayo?"



BUGOY: "ah eh..opo san po ba ang HR department niyo?"



GUARD: "ah nasa third floor po sir, yung list of requirements po ay nasa bulliten board jan po pagpasok na pagpasok niyo"



BUGOY: "ok thank you.. ah nga pala guard, nakita ko pala billboard ng Hospital niyo, mejo kilala ko kasi yung isa sa dalawang lalaki sa picture, sino ba sa tingin niyo incharge sa pagkuha ng models na yun" tila desperado niyang pagtatanong habang nakatingin sa nakasabit na billboard sa tapat ng hospital



GUARD: "ay naku sir di ko po alam pero hindi po models yang dalawang lalaki sa litrato. Sa gawing kanan po ay si sir Jake sila po may ari ng hospital na to at ang katabi niya ay ang matalik niyang kaibigan na si sir alexander. Silang dalawa po ata ang mamamahala pagkabukas ng hospital na to"



BUGOY: "may ari?" puno ng pagtataka ang boses niya



GUArd: " opo nasa loob nga po si sir alexander ngayon at nangangasiwa sa mga mag aapply, puntahan niyo na po at mahaba ang pila"



BUGOY: "cge cge salamat"



Kagagaling lang ni Bugoy sa pag aaply sa isang hospital kaya may extra siyang dala na resume at lahat ng mga requirements. Matiyaga siyang pumila hoing na makapasok sa hospital at kumpirmahin ang hinala.



SECRETARY: "uhmm mga applicants, kukunin ko nalang po ang resumees ninyo at bumalik nalang po kayo bukas may meeting po kasi si sir alexander ngayon, pasensiya na po talaga"



Ipinasa ni Bugoy ang resume niya at akmang tatalikod ng animoy nakakita ng multo.



Hindi ko namalayang napadaan ako sa harap ni Bugoy patungo sa opisina ni Alexander. May kausap ako sa cellphone, dagdag pa ang naka shades ako kaya di ko napansin si Bugoy na nasa gilid ng Lobby at gulat na gulat akong pinagmamasdan.



Animoy slow motion para kay Bugoy ang lahat ng madaanan ko siya.



BUGOY: "La..Lando?" mahinang usal nito pagkalampas ko ng kunti



Bulong ang ginawang pagtawag na iyon ni Bugoy pero parang sigaw iyon na nakarating sa pandinig ko. Napahinto ako sa paglalakad at natigil ang pakikipag usap ko sa cp. Hindi ako makaharap sa direction kung saan nagmula ang boses na iyon.



Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga at dahan dahan kung nilingon ang directiong iyon.



Panananbik. Oo, pananabik ang namayani sa puso ko ng makita ko kong kanino galing ang boses na iyon. Pero dali dali naman itong napalitan ng puot ng maalala ko ang nasaksihan ko ng magkasama sila ni Bubble.



Binawi ko agad ang tingin na iyon at dederecho na sana ako sa opisina ni Alexander ng makita ko naman siyang papalapit sa akin.



ALEXANDER: "oh best! tamang tama papunta na ko sa conference room tara sabay na tayo"



Agad kong inayos ang sarili ko para di mahalata ni Bugoy man o Alexander ang pakiramdam na naghahari sa puso ko that time.



AKO: "kaya nga papunta na sana ako sa office mo para sabay na tayo eh"



ALEXANDER: "kain tayo after meeting ah? sa jollibbee nalang, alam ko namang dun mo gusto..hahaha"



AKO: "ah eh cge..." sabay dinaanan namin si Bugoy na parang estatwang nakatayo sa gilid.



Nagawa kong hindi pansinin si Bugoy at magkunwaring di ko siya kilala pero nag aalala akong mahalata niya ako sa dahilang lumingon ako nung tawagin niya ako sa pangalang Lando.



Nung mga sandaling iyon ay umiiyak ang puso ko. Nanjan na sa harap ang lalaking minahal ko at sa tingin ko ay minamahal ko pa hanggang ngayon pero tiniis kong balewalain siya.



Gustong gusto ko siyang yakapin at kumustahin pero nasasaktan talaga ako sa tuwing maalala ko sila ni Bubble.



AKO: "Best, di ata ako makaka attend ng meeting, biglang sumakit ulo ko.. dederecho nalang ako sa hotel ah?"



ALEXANDER: "Ganun ba? ah cge cge, habol ako right after the meeting, ingat ka best ah?"



At tumuloy na ko ng Hotel, para naman namin na naman itong nadarama ko ngayong pagkabigo.





SAMANTALANG..........................................




BUGOY: "Tama, lumingon siya ng tinawag ko siyang Lando,alam kong ikaw yan, pero bakit? bakit mo ginagawa ito?" sa isip niya habangnamumuo ang mga luha sa mata niya.



Patakbo niya kaming sinundan ni Alexander pero huli na, si Alexander nalang ang naabutan niyang naglalakad sa hallway. Ako naman ay nakababa na at papunta na ng Hotel.



BUGOY: "Asan kaba Lando?... asan ka?" at tuluyan ng dumaloy ang luhang kanina pa niyang pinipigilan na tumulo.



Bigong umuwi sa bahay sa Bugoy.


Pagdating niya sa kanila ay ang balitang ito din ang isinalubong sa kanya ni Tita minda.



TITA MINDA: "anak nakita mo na ba yung billboard sa may highway, magugulat ka"



Hindi sumagot dito si Bugoy sa halip ay yinakap niya si Tita Minda at parang batang umiyak dito.



BUGOY: "Nay bakit ganito??..parang dinudurog ang puso ko..nay nakita ko siya, nakita ko si Lando, alam kong siya iyon nay pero hindi niya ko pinansin. Parang ibang tao na siya nay" at napahagulgol na.



TITA MINDA: "a..anak? san mo siya nakita?"



BUGOY: "Pinuntahan ko yung address ng ospital at nakita ko siya dun nay, Jake daw ang pangalan niya pero alam kong si Lando siya nay.."



TITA MINDA: "Tahan na anak..natural lang iyang nararamdaman mo dahil nga sa matagal siyang nawala pero sa kabilang banda hindi tayo siguradong siya iyon. Malay natin kamukha lang, wala naman siyang rason para kalimutan ang pamilya niya pati ikaw"



BUGOY: "Alam kong siya iyon nay"



TITA MINDA: "anak..noon ko pa napapansin sAyo to.. may pagtingin kaba kay Lando noon pa man? at ang pagiging close niyo ni Bubble ay iba ang pakiramdam ko"



BUGOY: "na..nay..." nauutal niyang pahayag



TITA MINDA: "anak basta lagi mong tatandaan, nanay moko at wala kang maililihim sa akin, kung saan ka sasaya dun kami at susuportahan ka namin."



BUGOY: "salamat po nay..at tuluyan siyang napaiyak muli.




SA HOTEL...........................................




Dali dali akong nagtungo sa Hotel at mabilis akong naglakad papunta sa room ko. Magulo ang utak ko ng mga panahong iyon pati ang puso ko ay sobrang magulo.



Pagpasok ko sa kwarto ay di ko na napigilang lumuha.



AKO: "Diyos ko.. bakit kasi sila pang dalawa.. labis labis na pong pagpaparusa ang ginagawa ninyo sa akin" napahagulgol ako at napa upo sa sahig.



Kung anu anung ideya ang pumasok sa isip ko patungkol kay Bubble at Bugoy. Pumasok din sa utak ko ang ideyang may nangyari na sa kanila. Iniisip ko palang ay napakasakit na, anu pa kaya kung totoo nga ang iniisip kong iyon.



Pero sa kabila ng matinding sakit ay may kung anu sa utak ko ang nagsasabing hayaan ko na silang magmahalan at dapat maging masaya ako para sa kanila.Pero bilang tao ay hindi ko mawaglit ang sakit at selos na nadarama.



Habang nasa ganoon akong sitwasyon ay walang humpay din naman ang iyak ni naynay. Nagpipilit na puntahan ang Lalaking nakita sa billboard.


SA BAHAY......................................


NAYNAY: "ang anak ko...alam kong anak ko yun, kailangan puntahan natin siya"



TAYTAY: "mahal, tahan na.. malaki ang posibilidad na hindi si Lando iyon kaya wag kang umarte ng ganyan"



NAYNAY: "ikaw ang ama dapat nararamdaman mo din ang nararamdaman ko!!!!! wala kana talagang pakialam sa bunso natin"



KUYA: "Tay puntahan na kasi natin yung hospital at ipagtanong natin ang lalaking yun para maging ok na si naynay"



TAYTAY: "Panu natin hahagilapin yun?.. diyos ko naman kunchita.. cge pagplanuhan muna natin ang bagay na ito, wag tayong susuong sa isang sitwasyon ng hindi handa, alam kong labis kang masasaktan pagnalaman mong hindi si Lando iyon"



SAMANTALA SA HOTEL ULIT.......................




AKO: "Siguro tama lang na hindi ko na balikan ang dati kong buhay, masasaktan na naman ako pag ginawa ko iyon. Ang pamilya ko na hindi na ako naaalala at itinapon lahat ng bagay na mahahalaga sa akin, ganun pala ako kadaling makalimutan biLang isang anak. Kay Bugoy at Bubble naman sana maging masaya sila kahit masakit ay tatanggapin ko nalang ang katotohanang nagmamahalan na sila" sambit ko habang nakatingin sa malayo at umiiyak.


ALEXANDER: "best?.....nadinig ko lahat"



AKO: "ayos lang yun best, totoo naman"



ALEXANDER: "Don't you think pagiging selfish yang gagawin mo?.. Two years kang nawala ang probably inakala nilang patay ka na, sa tingin ko gusto lang siguro nilang mag move on pero hindi naman siguro ibig sabihin nun ay kalimutan ka ng tuluyan"



AKO: "Hindi mo ako maiintindihan best"




ALEXANDER: "nasabi ko lang best, baka lang kasi nabubulagan kana ng galit mo.. akala mo siguro kanina hindi ko siya namukhaan, best tell me? anung meron kayo ng lalaking iyon? ba't ganun nalang nagbago ang momentum mo ng makita mo siya?"



Natulala ako at nabigla sa pahayag niyang iyon.



ALEXANDER: "Oo best alam ko, nung nasa kotse tayo sa harap ng bahay niyo, kitang kita ko sa mata mo ang sakit ng makita mi siya kissing another guy"



AKO: "best..."



ALEXANDER: "ok lang best, cgueo nga ay hindi ka pa handa pero wag kang mag alala gaya nga ng pinangko ko sayo, walang magbabago, tanggap kita kung anu ka best at mahal kita bilang kapatid"



AKO: "Salamat best, salamat sa pag unawa mo" at tuluyan na akong umiyak ulit at niyakap siya



ALEXANDER: "Tahan na best, tutulungan kita panu mo haharapin ang dati mong buhay, sabihin mong nangingialam ako pero hindi ko hahayaang talikuran mo ang pamilya mo"



Napakalma ako ni Alexander at nagdesisyon kaming mamasyal na muna para gumaan gaan ang pakiramdam ko.



Nagpaalam si Alexander na maliligo muna bago kami mamasyal, ako naman ay bumaba sa dining hall ng Hotel at ddon ko na napagpasyahan na hintayin si Alexander.


Pagdating ko sa dining hall ay bigla akong nagulat sa tilian ng mga babae.


Nagkukumpulan sila at labasan ang camera.



AKO: "mga pilipino nga naman basta artista sinasamba" sabay nilagpasan ko ang kumpulan at naupo sa pinaka dulo.


Ilang sandali pa ay.....




AKO: "haaay salamat at tahimik na, nakapagpapicture na ata lahat.kawawang artista" sa isip ko.



"Hi!!!!!!!!! are you alone.. nga pala I'm Chris"



Nang tingalain ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ay labis akong nagulat.





AKO: "Chris??" gulat na sambit ng utak ko







Itutuloy.....................................................


HULING BAHAGI, SUSUNOD NA!!!

1 comment:

Jadey said...

May punto si Alexander. May mga pagkakataon talagang nakakabulag ang galit. Nauunawaan ko pamilya ni Lando pero kay Bugoy at Bubble..... at Chris.
Finale na pala kasunod tsk parang bitin haha