Sa lahat ng nagmamahal sa Task Force Enigma Boys. I love you all guys, from the bottom of my beautiful heart. :)
Chapter 1
“Sir, lahat ng report tungkol sa nangyaring shootout sa Guilty Island ay nariyan na pong lahat, Sir.” anang isang tauhan ni Perse sa kanya.
It was a regular Monday at alas-nueve pa lang ng umaga ay naiinip na siya. Bilang head ng Homicide Department, dapat ay umaatikabong imbestigasyon at pagre-run ng mga di pa natatapos na kaso ang inaatupag niya but he doesn’t feel like doing anything today.
“Good. Dismissed,” tinatamad niyang sabi.
Walang partikular na dahilan kung bakit siya nagkakaganoon ngayon. In fact, ang sinabing report ay inayudahan ng kanyang kaibigan na si Cody sa kabila ng busy ito sa trabaho at may iniintindi na rin itong love-life.
Yes, they’re cold-blooded doctor-assassin turned out to be a loving boyfriend to Kearse Allen Concepcion. Isang contemporary writer sa Bi Out Loud Publishing na sinuwerteng napatino ang baluktot na utak ng kanyang kaibigan.
Nagsalita ang straight… ang utak.
Naiiling niyang tinampal ang noo.
Sa kawalan niya halos ng tulog ay kung anu-ano na ang pinag-iisip niya. Nakikipag-usap na siya sa sarili at tinatampal ng wala sa loob ang sariling noo. Malala na talaga siya.
Tiningnan niya ang report. Guilty Island Shootout. Nagsimula iyon sa isang babaeng natagpuang patay sa dumpster ng establisyimento. Brenda David. Anak ng kilalang druglord sa buong Asya na si Francisco David. Nang imbestigahan ang may-ari ng bar na si Larry Salazar ay itinanggi nito ang pagkakakilanlan ng babae. Ngunit ng makakuha ng surveillance video ng pag-uusap ng biktima at ni Larry ang kanyang magaling na tauhang si SPO4 Aries Morallos ay nalaman nilang magkarelasyon ang mga ito.
Ngunit ang pagkamatay ng babae ay hindi sa bar nangyari kundi sa bahay ng isa pa nitong boyfriend na si Alfie Quinita. Sumisinghot ito ng inaakalang cocaine na nagkataong pesticide pala. Nag-collapse ito at tumama ang ulo sa fishbowl. Sinubukan itong iligtas ng nobyo sa pamamagitan ng pagsasalin ng sariling dugo, na isang pagkakamali.
Ang biktima ay type O habang si Alfie Quinita ay A. Ang maling blood transfusion ang kumitil sa buhay ng anak ng druglord. Itinapon ang katawan ng biktima sa dumpster ng Guilty Island na pag-aari ni Salazar para ito ang pagbintangan. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi nila inaasahan.
Nagbarilan ang dalawang nobyo ng biktima ngunit hindi sila ang tumapos sa isa’t-isa kundi mga hindi nakikilalang salarin. Malamang ay mga tauhan ng ama ng biktima. Naroroon sana si Cody para tirahin ang mga ito ng tranquilizer gun ngunit naunahan ito ng mga totoong sniper.
Nagsara ang kaso dahil wala ng suspect na maaaring idiin sa krimen. Sa ngayon ay iniimbistegahan nila kung saan maaaring nanggaling ang mga baling kumitl sa dalawang nobyo ni Brenda David.
Patamad niyang inihagis pabalik sa lamesa ang report ni SPO4 Morallos. Nabo-bore talaga siya sa mga oras na iyon. Wala namang malaking kaso ang dapat na asikasuhin sa ngayon kaya di niya alam ang gagawin niya.
Kailan ka pa nawalan ng gagawin Perse?
Naiinis na naihilamos niya ang kamay sa mukha. Oo nga. Kailan pa siya nawalan ng gawain? Kung minsan nga siya pa ang kumukontak kay Rick para lang magkaroon ng gagawin. Wait! Speaking of that sob.
Inilabas niya ang cellphone at idinial ang pribadong numero ng kanilang team leader sa TFE. Kaagad naman itong sumagot pagkatapos ng ikalawang ring.
“Tolentino…” narinig pa niya ang paghikab nito sa linya.
“Ungas ka. Gising ka na ba?” naiiling niyang sabi.
“Good Morning to you too…” sarcastic naman nitong sagot.
“Tumayo ka na Rick at may itatanong ako sa’yo.”
“Kanina pa nakatayo.”
“Ulol. Ang aga-aga may agiw na yang utak mo.”
“Ikaw ang may agiw ang utak. Kinulang lang ako ng salita ang dami mo ng naisip. Marumi kasi ang utak mo Major.”
Napa-ismid siya. “Ikaw na ang malinis.
“Ano bang kailangan mo?”
Napabuga siya. “I need a breather. Tinatamad ako rito sa office.”
Narinig niya ang impit na pagtawa ni Rick. Hindi talaga ito marunong maglabas ng emosyon basta-basta. Halos katulad lang niya ito sa maraming bagay, except for one thing. Mas malala ito sa kanya.
“Huwag mo akong pagtawanan gunggong ka.” Asik niya rito.
Kumalma naman ang boses nito pero nai-imagine na niyang nakangising-aso ito sa kabilang linya. “Tsk! Malala na yan parekoy. Ano naman klaseng breather ang gusto mo?”
Sa pagitan nilang mga nasa TFE, kapag binabagot sila ay breather ang tawag nila sa mga assignment nila. Kapag ganoon kasi ay tumataas ang adrenaline nila at ang kanilang boredom ay automatic na nawawala.
“Iyong maaaliw naman ako.”
“Sure. Meron ako ritong assignment na mukhang bagay na bagay sa iyo. Kaya lang medyo malayo ito.”
Na-curious siya sa tono ni Rick. Mukhang may alam ito na ayaw sabihin sa kanya.
“Sa Jolo ba iyan? Okay lang.” tinatamad niyang sagot.
“Hindi. Luzon lang ito. Pero four letters din.” Nang-iinis pa nitong sabi.
“Di ako manghuhula Rick, c’mon, spill it.”
“Alam mo ang lugar na ito Ayhian Nelson Flores.” Seryoso na nitong sambit.
Natigilan siya. Nanlamig ang katawan. “Putang…”
“Chill, pare. Siguro naman ay alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin?” ito naman ang tila tinatamad ang boses.
“A-all this t-time… y-you knew…?” halos di humihingang sabi niya.
“Of course, pare. Wala kayong pwedeng itago sa akin.”
“Walanghiya ka Ricardo!” galit na sabi niya.
“So ano? Ipapadala ko na lang ang file.” Balewalang-sabi nito.
“No…” ngunit nabitin na lang sa hangin ang sasabihin niya. “…way.” Tila nauupos na sambit niya.
Naloloka siya sa nalaman. Matagal na palang alam ni Rick ang tungkol sa totoo niyang pagkatao pero wala itong sinasabi sa kanya. All this time ay kampante siyang si Cody lang ang may nalalaman at aksidente pa nitong natuklasan ang tunay niyang pagkatao.
Shit ka Rick!
But then again, that was not Rick kung hindi nito malalaman ang bagay na iyon. Pero pagkakataon lang ba o talagang nag-imbestiga ito? Unknown ang inilagay niya sa profile niya noong pumasok siya ng TFE. At si General Mariano mismo ang nagbigay ng go signal para payagan iyon.
Naiinis na sinabunutan niya ang sarili.
Maya-maya ay ginulantang siya ng tunog ng kanyang cellphone. File received. Ibig sabihin, ibibigay talaga sa kanya ni Rick ang assignment na iyon. By hook or by crook. At wala siyang choice.
Kinopya niya ang file sa computer. Hindi na siya nagulat ng makita ang ang pangalan ng lugar na nasa report. Isa iyon sa mga bagay na ibinaon na niya sa kahapon. Kasama ng pagpapalit niya ng pangalan labing-apat na taon na ang nakalilipas. Pilit niyang kinalma ang sarili habang pinapasadahan ng tingin ang nasabing report nang tumambad sa paningin niya ang isang pangalan na nagpatigas lalo ng kanyang mukha.
Nangalit ang kanyang mga bagang.
Nagpasya siyang umalis muna.
Itinabi niya ang file sa isang sikretong folder at tumayo. Wala siyang ganang mag-isip maghapon sa opisina kaya lalabas na lang siya. Mukhang ang multo ng kahapon ay hindi siya pagbibigyan sa kanyang kahilingan na huwag na siayng habulin nito.
Nanlulumo niyang tinungo ang pinto palabas. Hindi na niya pinansin ang mga nagbigay galang na tauhan. Wala siyang paki-alam sa kahit na ano ng mga oras na iyon. Ang importante sa kanya ay makalanghap ng hangin kahit hindi pa iyon sariwa.
Nang makalabas ay mabilis niyang tinungo ang sasakyan. Pagkapasok sa kotse ay hindi niya iyon agad pinaandar. Sa halip muli niyang sinulyapan ang pangalan sa cellphone na matagal na niyang kinalimutan.
Alexander Cruz.
Napangiti siya ng mapait. “It’s payback time.”
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isang taong mula sa kanyang nakaraan na siyang tanging nakaka-alam kung sino at ano siya ngayon.
“Hello. Ako ito. Meet me at twelve o’clock. Same place,” iyon lang at dagli na niyang nilisan ang lugar na iyon.
KAKAGISING lang ni Alex nang umagang iyon ng bulabugin siya ng nakasisindak na sigaw ng kanyang ama. Kung sa iba ay isa iyong panibagong araw ng pag-asa ay hindi para sakanya. Isa iyong panibagong araw ng kanyang kalbaryo.
Ang kanyang ama na isang napaka-impluwensiyang tao noon ay isa na ngayong baliw. Oo. Nagkaroon ito ng mild depression ng matalo ito ng subukan nitong kumandidato siyam na taon na ang nakararaan.
Hindi niya inakalang matatalo ito sapagkat napakalakas ng kanyang ama sa kanilang lugar. Ngunit isang bagay ang nagpangyari para hindi ito manalo. May ipinakalat na balita ang nakalaban nito tungkol sa pagiging mangangamkam ng kanyang ama.
Dinadaan daw nito sa dahas ang mga gustong kunin ang lupain at kung hindi papaya ay maaaring mauwi sa patayan. Sinabi pa na ito ang dahilan ng pagkamatay ng patriyarka at matriyarka ng mga Flores na siyang katiwala nila.
Sa pagkaalala nun ay sumingit bigla sa isip niya ang isang pangalan at mukha.
Ayhian…
Napalis ang ngiting sana’y sisilay sa kanyang labi ng muling makarinig ng sigaw. Mabigat ang katawang bumangon siya. Mabagal na iniligpit ang higaan at saka naghilamos at nagbihis.
Pagbaba niya ng kanilang datingmasiglang mansiyon ay lalo siyang nanlupaypay ng makitang binubuhat ang kaniyang am ang dalawang elderly habang sinu-supervise ng kanyang kaibigan at kababatang si Jocelyn na isang registered nurse.
“Good Morning, Alex.” Bati nito sa kanya.
Napangiwi siya. “What is good in this morning kung ganito palagia ng sasalubong sa akin Jocelyn?”
“Ikaw naman. Hindi ka na nasanay. Magkakaroon din ng development ang Daddy mo.”
Napabuga siya. “Kailan pa?”
“Just pray. Pray harder.” Anitong pinisil pa ang kamay niya.
Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. Ito ang nurse ng kanyang ama ng ma-depress ito. Kakapasa lang nito ng board noon at hanggang sa matuluyang mabaliw ang kanyang magulang ay ito na ang kinuha niya. Mabuti ng kilala niya ang nag-aalaga sa kanyang ama.
“Siyanga pala, Alex. Aalis muna ako. May nag-text kasing pinsan ko sa Maynila. Nagpapasundo yata yung nanay niya.
“Ikaw naman. Bakit nagpapa-alam ka pa. Pamilya na tayo rito Jocelyn.”
“Sus, alam mo namang hindi ko kinasanayan iyan. Mabuti ng alam ko ang pagitan nating dalawa.”
Ewan niya pero kahit nakangiti it habang nagsasalita ay may pakiramdam siyang may pinaghuhugutan ang sinasabi nito.
“Ikaw ang bahala.” Kibit-balikat niyang sabi.
“Salamat.” At nagpaalam na ito.
Tinungo niya ang silid ng kanyang ama. Sinenyasan niya ang mga nagbabantay na elderly na lumabas ng saglit. Tinitigan niya ang ama na ngayon ay tulog na.
Araw-araw na ginawa ng Diyos ay hinihiling niyang sana ay gumaling na ito o magpakita ng positibong development. Ngunit sa mga nakalipas na taon ay nakailang espesyalista na sila ngunit iisa lang ang diagnosis. Malala na ang kanyang ama.
Nilapitan niya ito at hinaplos ang numinipis ng buhok. Ang laki ng itinanda ng kanyang ama. Wala na ang dating gilas nito na kinatatakutan at kinaiinggitan ng marami noon.
“Daddy… please tell me what to do. Nahihirapan na ako…” aniya sa mahinang tinig.
Naninikip ang dibdib niya sa nakikitang sitwasyon ng kanyang ama. Wala siyang alam na maaaring makatulong sa kanya ngayon kundi ang kanyang sarili. At hirap na hirap na siya.
Awa ng Diyos, simula ng magkaganoon ang kanyang ama ay siya na ang napilitang magpatakbo ng hacienda. Afterall nakapangalan na iyon sa kanya. Sa murang edad na bente-uno ay kinailangan niyang pag-aralan ang pagpapatakbo ng malawak nilang lupain.
Thank God he made it.
At sa tulong ng mga mapagkakatiwalaang tao ay maayos ang takbo ng kanilang negosyo. Iyon nga lang, hindi na ganoon ang tingin ng mga tao sa kanila. Nangingilag ang mga ito na tila anumang oras ay mapapatiran din siya ng matinong pag-iisip.
Napasinghot siya. Hindi niya namalayang tumulo nap ala ang luha niya. Mabilis niya iyong pinahid. “Dad, I’m going to work now. Please take good care and behave yourself,” pinisil niya ang kamay nito.
Sa gulat niya ay pinisil iyon pabalik ng kanyang ama. Mahina lang pero hindi niya maitatangging naramdaman niya ang pagtugon nito. Nabigyan siya ng kaunting pag-asa. Sa mga ganoong moments of lucidity ng kanyang ama ay nakakaramdam siya na nauunawaan siya nito sa kabila ng kapansanan sa pag-iisip.
“MAGPAPANGGAP ka bilang isang pulis Maynila na nadestino sa Bayan ng Suyo. Pero ang tunay mong misyon ay ang manmanan ang isang hinihinalang drug den. Pag-igihan mo ang stake-out pare. Malaking grupo ang nasa likod nito.”
Blangko ang ekspresyon na tiningnan lang ni Perse ang nagsasalitang si Rick. Pero sa loob-loob niya ay gusto na niya itong daluhungin at bigwasan subalit nagtimpi siya. Magkakasakitan lang sila ng magaling na tinyente.
“Alam ko na ang gagawin Tolentino. Hindi mo na ako kailangang i-brief ng husto.” Asar niyang sabi.
“E di i-panty mo na lang siya.” Ani Cody sabay hagikgik.
Nakatikim ito ng kutos mula kay Rick na nasa likuran lang nito.
“Aray naman. Isusumbong ko kayo sa asawa ko.” Parang batang sabi nito.
“As if may magagawa ang chubby mong mister, este, misis.” Naiiritang sabi ng nuknukan ng supladong Tiyente.
“Inggit ka lang Rick-toy, wala ka kasing love life. Meron ka lang life.” Nang-iinis pang sabi ng tinamaan na magaling na doctor.
Binato nila ito ng mineral water bottle ni Rick na parehas nitong naiwasan.
“Kayo talaga. Masyado kayong mga pikon. Mga walang urbanidad!” ani Cody na pakwela na namang tumakbo palayo sa kanila ng ambahan nila ng suntok.
“Tama na nga yan. Para kayong mga timang,” ani Jerick. “Ang importante, maplano natin ng maayos kung paano ba-back-up-an si Perse. Afterall matagal na siyang di nakakapunta sa baying iyon.”
Napa-angat ang tingin niya sa Sarhentong may nakakabit yatang laptop sa katawan.
“Paano mo nalaman…”
“Alam naming lahat. Sinabi na ni Rick.” Putol ni Rovi sa sasabihin niya.
“Anak ng pating…” mura niya.
“Relax Perse, kung hindi namin malalaman ay hindi ka naming matutulungan. Malay mo, makita natin ang pumatay sa magulang mo doon?” si Cody na nagseryoso na.
“Ako na ang bahala sa kanya.” Tiim-bagang na sabi niya.
“Anyway, kami na ang bahala sa back-up. What we need you to do is to ifiltrate that house and plant some bug. Hindi ko na kukwestiyonin ang kakayahan mong gawin ang mga bagay na iyan.” Bale-walang sabi ni Rick sa pagkainis niya.
“Move.” Sabi pa nito.
“Yes Sir!” kunwari pang saludo ng mga kumag sa Lieutenant Colonel na tahimik lang na tumango.
Nilapitan siya ni Jerick ng matapos ang meeting.
“Pare.”
Tinitigan lang niya ito.
May inabot ito sa kanya. “Kunin mo.”
Patamad niyang kinuha ang maliit na bagay na tila hikaw.
“Ano ito?”
Ngumit lang si Jerick. “Transmitter and receiver. Gusto mong magpabutas ng tenga?”
Naiiling na tumalima lang siya sa paanyaya nito.
Itutuloy…
9 comments:
ayan may bago nanaman akong aabangan sa TFE
Next na Dyoooooo YAAAAAA! Wooooooo!
Thanks McFrancis and Dyo Chii :)
HWAAAAA!
ayan nananaman mga kinababaliwan ko!
lalabas na nga ako tamana pagiging silent reader ko!
Ms.Dalisay You nailed it again!!!
nice ,,nakakaexcite naman ,, :)) hehe ,,
si perse pala si ayhian XD
hahaha, pero parang hindi alam ni perse na walang kinalaman si alex...
paano kaya magtitwist ang story..
kaexcite naman!!
ms d..... whoa.... im so excited ..... hehhehehe been waiting for this....so nice.... cant wait to cry and fall inlove again
yun oh. i just started my day right. :)
@Erwin, thank you for coming out. ahaha
@Marclester, thank you din.
@Silhouette, yes, Perse is Ayhian.
@Nino, thanks sa suppoert
@Brye, thank you din sa inyong pagbabasa. That made my day as well
Post a Comment