“In life, you learn lessons. Sometimes you learn them in a hard way. In many times, you learn them too late……. And when you realize you were wrong, you need to say you’re sorry… And this is the best way I know.”
This is about a lesson I learned too late…
Isang gabi nanaman na puno ng napakasasayang pangyayari. Oo masaya ako. Biruin mo yun, nag-divorce na nga ang parents ko iniwan pa ako ng girlfriend ko. FUCKIN’ PERFECT! Ang saya ko talaga. SOBRANG SAYA. Sabihin na nating nasa akin na ang lahat. Gwapo, matalino, mayaman… mali pala. Wala na sa akin ang lahat ng bagay na inaasam-asam ko sa buhay. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng isang masaya at buong pamilya, ang mahalin ng isang taong minamahal ko din at magkaroon ng isang payapang pamumuhay. Lahat ng mayroon ako ngayon ay ipagpapalit ko para lamang makuha ang kahit isa sa mga inaasam ko.
Aking tinititigan ang baso ng tequila habang hawak ng isa kong kamay. Pinagmamasdan ko din ang mga usok na aking binubuga na dulot ng paghithit sa mamahaling sigarilyo. Tumutulo ang luha ko sa bawat halakhak na aking ginagawa. Hindi ako baliw. Hindi rin ako naka-drugs. Nagpapakasaya lang ako habang pinapanood ang aking buhay na unti unting nalulusaw. Para akong kandila na unti unting lumuluha hanggang sa ako’y matunaw at mamatayan ng ningas na siyang nagbibigay ng liwanag sa aking buhay.
Joseph Sta. Maria. Siya na ang pinaka-miserableng tao na maari mong makilala sa mga oras na ito. OO, ako nga. Disi-otso anyos pa lang ako pero mamamatay na yata ako dahil na rin sa dami ng problemang kadikit ng buhay ko. Mga problemang parang kanser na unti-unting umuupos sa pag-asang muling mabuhay. Nasa akin ang lahat na maari mong hangarin. Hindi sa pagmamayabang, pero gwapo ako. Sa totoo nga nyan understatement pa ang salitang gwapo. Kulang pa iyon para mailarawan ang perpekto kong itsura. Gusto mo? Handa akong ibigay ang pagiging perpekto ng katawan ko kapalit lang ng isang masayang pamilya na mayroon ka. Sports car, restaurant, pera, bahay – sa iyo na lang kapalit ang taong mamahalin ako. Mayaman ako ngunit heto ako’t nanglilimos. Humihingi ng pagmamahal na maaring ika’y mayroon.
BROTHERHOOD. Miyembro ako ng isang fraternity. Wala kaming alam kundi makipag-basag ulo sa kung sino sinong demonyo. Hobby ko yatang ihampas at mahampas ng tubo. Kahit pa sabihin natin na ang “brotherhood” ay maituturing mong pamilya, iba pa rin na may mga taong minamahal ka ng husto.
Nagising ako na nakahiga sa sarili kong kama. Hindi ko pa rin alam kung papaano ako napunta dito. Ang huli ko lang natandaan ay… wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi. Wala nga ba? O sadyang kinalilimutan lang? Bumangon ako sa kama, kinuha ang towel at dumiretso sa banyo. Maiging pangtanggal ng hangover ang isang malamig na paligo. Matapos magbabad sa ilalim ng showerhead, lumabas ako at nagpunas. Nagbihis ng damit na pambahay, kinuha ang iPod at sinalpak ang earphones sa aking tenga. Lumabas ako ng kwarto at naamoy ko ang amoy na galing sa isang masarap na putahe. Nagluto nanaman yata siya ng masarap na pagkain para sa akin. Pero kahit pa gaano kasarap iyon ay wala akong ganang kainin ‘yon.
Siya? Oo nga pala. Nakalimutan kong banggitin ang “best friend” ko daw. Best friend ko daw siya pero sa akin wala akong pakialam sa kanya. Ewan ko ba sa Ryan na ‘yan kung bakit patuloy pa rin ang pagdikit sa akin. Oo nga’t magkababata kami pero simula ng mag-kolehiyo kami, nawalan ako ng amor para sa kanya. Nakakasira siya sa imahe ko, isa kasi siyang bi-sexual at pinagkakalandakan pa niya iyon sa buong campus. Kilos lalaki siya at normal kung manamit, pero ilang ako sa mga taong katulad niya. Sabihin na nating mababaw ang rason ko para mawalan ng pakialam sa kanya. Dulot na rin siguro iyon ng mga pagsubok na aking pinagdadaanan ngayon. Kung tutuusin, siya na lang yata ang taong nagmamahal sa akin ngayon pero binabalewala ko pa. Napakagulo ko kasi. Nanlilimos ako pero pinipili ko lamang ang barya na aking tatanggapin.
Nagtungo ako sa kusina kung saan siya naroroon. Dumiretso ako sa mala-aparador naming refrigerator at kumuha ng orange juice kasama ng tatlong balot ng mamahaling chocolates. Yun na ang nakasanayan kong almusal.
“Hey Joseph, aren’t you gonna eat ze food that I’ve prepared for you?”
“No thanks, I’m not in the mood.”
“Okay. So where are you going?”
“I’m gonna stay here in the house the whole day. You, why are you here?”
“I’m just looking after you. I just thought that you might want some help here.”
“Hey Ryan, I don’t need a nanny or a yaya to look after me. I can take care of myself. And how many times did I tell you not to go here unless you have my permission?”
“I’m sorry Joseph. I just.... I know it’s kinda hard for you.”
Si Joseph. Siya ang taong pinakamamahal ko. Siya ang taong kasa-kasama ko noong mga bata kami. Siya ang kalaro ko nung elementary. Kabarkada nung high school. Pero simula ng maghayag ako ng totoo kong sekswalidad ay lumayo na siya sa akin. Ramdam ko ang pagkailang niya. Masakit pero pinipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Kailangan niya ako ngayon. Kailangan niya ang pag-unawa at pag-intindi ko. Ako na lang siguro ang taong nagmamahal sa kanya.
Lumaki kami ni Joseph na sanay sa marangyang buhay. May-ari ng higit sa 20 na sikat at five star restaurants ang pamilya niya samantalang kami nama’y may-ari ng pinakamalaking Food Company dito sa bansa. Mag-best friends ang mga tatay namin kaya’t simula pagkabata kaming dalawa na ang naging magkalaro. Pareho kasi kaming nag-iisang anak. Simula pa lang pagkabata ay may nararamdaman na ako sa kanya. Pero itinago ko iyon dahil alam kong hindi kami pepwede. Masayahin, masarap kasama, mapagbiro, thoughtful… yan si Joseph dati. Kabaligtaran siya ng taong kilala ko ngayon.
Nang mag-high school kami ay kami pa rin ang laging magkadikit. Magkasama sa lahat ng bagay na aming ginagawa. Naghahalakhakan sa bawat masasayang pangyayari sa aming buhay. Magkasamang nag-celebrate ng pasko, birthdays pati Valentine ’s Day. Pareho kasi kaming NGSB… mali. Siya pala ay NGSB at ako nama’y NBSB. Sabay naming pinagsaluhan ang tagumpay na makatapos ng high school at makapasa sa isang sikat na Unibersidad dito sa Pilipinas. Pareho kami ng kursong kinuha.
Sa kolehiyo, siyempre kami pa rin ang laging magkasama. Pero sadyang hindi kayang itago ng isang tao ang lahat ng na kaniyang sikreto. Umamin ako sa totoo kong sekswalidad. Tanggap naman ako ng aking mga magulang dahil na rin siguro sa kadahilanang nag-iisa akong anak. Sa totoo niyan, ang tanging hiling lang nila ay magkaroon sila ng apo. Hindi naman sila bigo sa akin dahil yun din ang pangarap ko. Pangarap kong magka-anak ngunit hindi mag-aasawa ng babae. Sa katunyan niyan, nung 18th birthday ko ay nag-hire ang magulang ko ng isang baby maker. Laking tuwa ko noon dahil sa wakas matutupad na rin ang pangarap kong magka-anak. Siyempre may nangyari sa amin noong baby maker, for obvious reasons, at hanggang ngayon ay doon pa rin siya nakatira sa bahay ng aking mga magulang. EXCITED AKO. Tiyak akong magiging maganda o gwapo ang aming anak dahil na rin sa maganda ang kanyang nanay. Hindi naman ako pahuhuli, sa katunayan niyan campus heartthrob ako. Kahit na bisexual ako ay marami pa ring nagkakadarapang babae, bading at bisexual sa akin. Pero iisa lang talaga ang taong mahal ko. Si Joseph lang.
Kung ang mga magulang ko ay tanggap ako, kabaligtaran si Joseph. Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin simula ng aminin ko ang totoo kong pagkatao. Inintindi ko siya dahil ng mga panahong iyon ay maraming gulo sa kanilang pamilya. Simula ng magdesisyong maghiwalay ang mga parents niya ay gumulo na ang buhay niya. Nahuli kasi nilang may kasintahang lalaki si Tito Michael kaya napagdesisyunan ni Tita Rose na hiwalayan ito. Yun na rin siguro ang dahilan ni Joseph kung bakit siya ilang sa akin. Ayaw niya sa mga taong katulad ng tatay niya.
Nagsimulang maghiwalay ang landas na tinatahak naming ni Joseph. Sumali siya sa fraternity at halos araw-araw nakikipag-basag ulo. Alam kong nangungulila lamang siya sa pagmamahal ng mga magulang. Iniwan siya ng nanay niya dito sa Pinas samantalang busy naman si Tito sa pagmamanage ng kanilang business. Ako na lang ang natitirang tao na nagmamalasakit sa kanya pero pilit niya akong tinataboy. Masakit na malaman na ang taong minamahal mo ay pilit lumalayo sa iyo. Alam ko namang wala akong pag-asang ibigin ng isang katulad niya.
Nabalitaan ko mula sa mga kabarkada kong babae na hiniwalayan niya si Joseph. Alam kong mahal na mahal ni Joseph si Cathryn. Pagmamahal na hindi niya kayang ibigay sa akin. Sa tingin ko’y maglalasing nanaman yun sa bahay nila. Siya na lamang ang mag-isang nakatira doon. Kaya’t ng malaman ko ang ginawa ni Cathryn ay kaagad kong kinuha ang susi ng kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Kahit na malayo ay tinungo ko pa rin ang bahay nila. Baka kung ano na lang ang gawin ni Joseph sa sarili niya. Kaibigan ko pa rin siya kahit na pilit niya akong tinataboy.
Pagdating ko sa bahay nila, patay lahat ng ilaw ngunit alam kong naroroon siya sa loob. Kinuha ko ang susing inihabilin sa akin ni Tita Rose bago ito mag-ibang bansa. Binuksan ko ang gate at ipinasaok ang aking sasakyan. Pinasok ko ang kanilang bahay pero wala siya living room. Wala rin sa kitchen at sa recreational area. Marahil ay nasa bar siya. Kaya kaagad kong inakyat ang second floor ng bahay at hindi naman ako nagkamali sa hinila. Nakasubsob ang kanyang mukha sa counter habang hawak ng isang kamay ang isang baso ng tequila. Kaagad ko naman siyang inilalayan patungo sa kanyang kwarto. Inihiga ko siya doon at binihisan. Sanay nanaman akong makita ang perpekto niyang katawan pero sa tuwing masasaksihan iyon ng aking mga mata ay nag-iinit ako. Pero mataas pa rin ang respeto ko sa aking kaibigan kaya’t pinipigilan ko pa rin ang digta ng aking katawan. Isa pa’y, baka lalo siyang lumayo sa akin.
Pagka-imis sa mga kalat na iniwan ni Joseph ay natulog na lamang ako sa sofa nila. Kung dati rati’y tabi kaming matulog, ngayon ay pinagbabawalan niya akong tumabi si kanya. Kahit nga ang pagpunta sa kanilang bahay ay pinagbawal ni Joseph. Wala naman akong magagawa.
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang ipagluto si Joseph. Niluto ko ang putaheng paborito niya. Pagkatapos kong magluto ay naramdaman ko ang pagbaba niya mula sa kanyang kwarto.
No comments:
Post a Comment