No Boundaries
Chapter XXIII
Masayang Katapusan sa Buong Akala
Isang buwan na lang ang nalalabi at matatapos na ang taunang pampaaralan. Sa kabutihang palad, si Nicco ay makakatapos ng kolehiyo. Naipasa niya ang lahat ng subjects maging ang thesis niya ay tinanggap. Kita ang kagalakan kila Andrei at Andrew ng malaman nila ang tungkol sa magandang balita na ito. Subalit ang kagalakang ito ay panandalian lamang pala at hindi din matatagalan ay mababalot ng lungkot ang tatlo.
“O aking Nicco, san ka pupunta? Sabado ngayon ah.” Nag-aalalang tanong ni Andrewi.
“Andrei ko, may lalakarin lang ako, kukuha ako ng kopya ng birth certificate ko para kung sakaling kailanganin ko di ba?” sagot ni Nicco.
“Samahan kita, hitayin mo lang ako.” sabi ni Andrei.
“Huwag na mahal ko, tapusin mo na lang yang ginagawa mong miniature model” pagpipilit nito.
“Gusto talaga kita samahan” kita ang kalungkutan sa mukha ng binata “pero sabi mo wag na lang, sige pagbubutihan ko na lang itong ginagawa ko” sabay ang ngiti ni Andrei.
“Tama, dapat lang pagbutihin mo, para next year, ikaw naman ang makakgraduate.” saad ni Nicco “O siya , alis na ako” paalam nito.
Habang naglalakad ay nakaramdam ng pagkahilo si Nicco. Naninibago siya sa nararamdaman sapagkat hindi naman siya nagkakaganito. Inisip na lalng niyang dala lang iyon ng matinding init kaya ganuon ang nararamdaman niya. Habang nasa jeep ay tila mas lalo niyang nararamdaman ang pagkahilo. Sa pakiramdam niya ay hinang-hina siya. Hindi naman siya ganito dati, kahti na nga ba sabihing lagi siyang puyat at pagod ay hinid isya nakakaramdam ng panghihina o pagkahilo. Naisip niya na baka namimiss lang niya si Andrei kaya ganuon ang nararamdaman niya.
Ipinasya niyang bumaba muna sa isang fastfood chain, sa loob ay umorder siya ng softdrinks at fries. Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa kaya itinuloy niya ang pagbyahe. Magtatanghali na ng makarating siya sa NSO, sakto namang nagcut-off kaya maghihintay pa siya ng matagal bago muling magbukas ang mga opisina. Nakaramdam ng ginhawa si Nicco sa loob at higit pa ng tawagan siya ni Andrei.
“Hello, kamusta na ang mahal ko?” tanong ni Andrei sa kabilang linya.
“Eto, ayos naman ang mahal mo, saying nga naabutan ako ng cut-off.” May panghihinayang sa tinig nito.
“Ganuon ba, siguro namimiss mo na ako ano? Kasi namimiss na kita” simpatikong tanong nito na may halong paglalambing.
“Ang asawa ko talaga, siyempre naman namimiss ko ang asawa ko.” Sagot ni Nicco na may paglalambing din sa tinig.
Bagamat bag okay Andrei na tawagin siyang asawa ni Nicco ay labis siyang natuwa. “Ang asawa ko nglelevel up na” sabay ang tawa sa kabilang linya “puntahan kita diyan”
“Magagalit ako pagpinuntahan mo ako dito. Mas gusto ko matapos mo iyan, at higit pa makita ko dapat iyan pag-uwi ko.” Giit ni Nicco.
“Ayoko sa lahat na magaliang asawa ko kaya susunod na lang ako kahit ayaw ko.” Tila nalungkot niyang sabi.
“Ang asawa ko nag-drama pa” sabi nito “di bali, may sopresa ako sa iyo pag-uwi ko” sagot nito “sige na, gawin mo na iyan?
“Sige po, I love you Nicco ko” sabi ni Andrei buhat sa kabilang linya.
“I love you more Andrei ko” sagot ni Nicco at pinindot na niya ang end call.
Saktong ala-una ng magbukas ulit ang mga opisina. Hindi nagtagal at nakuha na niya ang hinihintay niyang birth certificate. Pagkalabas ng gusali ay tinext na niya si Andrei na pauwi na siya. Labis namang kinasabikan ni Andrei na muling makita ang minamahal niyang si Nicco. Habang naglalakad siya patungong sakayan ay may huminto sa harap niyang isang kotse. Pagkababa ng bintana ay bumati sa kanya ang naksakay duon.
“Kamusta ka na Nicco” sabi nito.
“Kayo pala Dok Matthew. Kamusta na po kayo? Mabuti naman po ako.” Sagot nito.
“Saan ba ang punta mo ngayon?” pagkasabi nito ay unti-unting bumuhos ang ulan “sumakay ka na baka maulanan ka pa.”
“Sige po, salamat po Dok.” Sagot nito “Pauwi na po kasi ako, galing po ako sa NSO kumuha ng Birth Certificate.”
“Ihatid na kita” sabi ng Doktor.
“Huwag na po, may dadaanan pa po kasi ako sa may mall” sabi nito.
Nakapagkwnetuhan ang dalawa habang inihatid ng doktor sa mall si Nicco. Sa loob ng mall ay patuloy pa din ang patak ng malakas na ulan. Pagkahatid ng doktor kay Matthew ay nagpaalam na ito sapagkat bibiyahe pa ito patungo sa seminaryong pareho nilang naging tahanan.
Tila lalong lumalakas ang ulan, pagkatapos mabili ang sorpresa niya kay Andrei ay nagpasya na itong umuwi. Kahit malakas ang ulan ay sumugod pa rin siya dito. “Buti na lang pinadoble ko ang plastic niotng caka pare hindi mabasa ung loob.” Madilim na ang paligid, lalong sumama ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay babagsak na siya ng may makapitan siyang poste.
Kita ang pag-aalala kila Andrei at Andrew ng mga sandaling iyon. Nakahanda na ang sasakyan ni Andrei para hanapin ang mahal niyang si Nicco. Nasa aktop na siya ng paglabas ng may kumatok sa pinto. Si Nicco, basang basa ng ulan.
“Magandang gabi mahal ko” sabay ang paggawad nito ng halik sa mga labi ni Andrei “Magandang gabi Kuya Andrew” kasunod ang ngiti.
“Saan ka ba nanggaling? Pinag-alala mo ako, hindi kita matawagan?” simula ni Andrei samantalang si Andrew ay kumuha ng tuwalya para ibalot sa katawan ni Nicco “kapag may nangyari sa iyong masama hindi ko mapapatawad ang sarili ko” dugtong pa niya.
“Sorry po kung pinag-alala ko kayo. Hindi ko naman inaasahang uulan ng malakas, nabasa phone ko nung sumugod ako sa ulan kaya nasira siguro” sagot ni Nicco.
“Ang mahalaga bumalik ka dito” sabi ni Andrei sabay yakap kay Nicco. Nakiyakap na din si Andrew dahil maging ito ay labis na nag-alala sa kanyang kaibigan.
Inalalayan ng kambal si Nicco para makaupo ng makahigop ng mainit ng tubig. Pinaghanda naman nila noodles si Nicco ng sa ganuon ay mawala ang panlalamig nito. Pinagpunas ng katawan at pinagpalit ng damit.
“Pasensya na kayo, yung cake na binili ko nadeform na ata” sabay turo sa kahong kanina pa niya dala.
“Sabi ngang mas mahalaga ang andito ka na ngayon” sagot ni Andrei na maluha-luha na.
“Tama iyon, kaya let’s celebrate” sabay kuha ng kutsilyo at binuksan ang kahon at hinati ang cake.
Makalipas ang ilang oras ay nagpahinga na ang tatlo. Napagpasyahan nilang tabi-tabi silang matutulog sa kwarto ni Nicco. Alam kasi nilang hindi maganda ang pakiramdam, nito. Nuong una ay tumanggi si Nicco, subalit lubhang mapilit ang kmabal lalo na ang Andrei niya kayat napapayag na din siya. Pagkahigang-pagkahiga ay nakatulog agad si Nicco. Si Andrei ay may dalang maligamgam na tubig para iapahid kay Nicco samantalang si Andrew ay dala ang kanil;ang mga unan at kumot. Niyakap ni Andrei si Nicco, hindi lang basta para bigyan ito ng init kundi para iparamdam dito na mahal na mahal niya si Nicco. Sa ganitong sitwasyon, naisin man ni Andrew na manatili sa kwarto at tabihan ang kanyang dalawang kapatid, pinasya niyang mas mabuti kung magsosolo ang dalawa kaya nagpaalam na siya kay Andrei at lumabas.
“Kuya Andrei, sige iwan ko na kayo ni Niks, basta wag gagawa ng hindi maganda” nakangiting sabi nito.
“Salamat Andrew, oo, wlaa kaming gagawin, may pangako kami di ba?” sagot ni Andrei.
Pagkaalis ni Andrew ay pinilit ni Andrei na makatulog, subalit hindi niya magawa. Kahit nahihimbing si Nicco ay kinausap niya ito.
“Alam mo Nicco, mas lalo kong napatunayang mahal kita. Hindi ako napanatag mula ng hindi ka magparamdam sa akin. Kanina, naisip kong may masamang nangyari na sa iyo, hindi ko alam ang gagawin ko, pakiramdam ko nadudurog ang puso ko., pakiramdam ko mamamatay na ako. Mahal na mahal kita Nicco. Ayaw kong mawala ka sa akin, huwag mo akong iiwan dahil hindi ko kakayanin. Ikaw ang bumuo sa akin, ikaw ang bumubuo sa pagkatao ko, ikaw ang buhay ko Nicco. Mahal na mahal kita.” Sabay ang pagtulo sa luha ni Andrei.
Lingid sa kaalaman ni Andrei ay nagising si Nicco kanina pa at narining nito ang mga sinabi niya. Sa isip ni Nicco ay sinagaot niya si Andrei. Hindi kaya ni Nicco ang pag-alalahain ang kanyang Kuya Andrei kaya naman kahit nahihirapan ay pinilit nitong makauwi. “Mahal na mahal din kita kuya Andrei, Ikaw na ang buhay ko ngayon. Ikaw na ang mundo ko ngayon. Ikaw na ang lahat para sa akin.” Sabi ng isip ni Nicco. Sabay umagos ang mga luha sa mga mat niya at nakatulog siya sa ganuong ayos.
Kinaumagahan ay pinilit ni Nicco na tumayo. Pinilit niyang kumilos para hindi na mag-alala ang kanyang mga kuya lalo na si Andrei. Nararamdaman niya ang kirot sa likod niya.Tila ba nagkadikit-dikit ang mga buto niya at sa pakiramdam niya ay para bang ito ay tinutusok ng karayom.
“Natitiis ko pa naman, mawawala din ito pamaya-maya” – sabi ng isip ni Nicco.
“Sakto pala ako ang unang nagising, maipagluto nga muna sila para bago kami magsimba ay makakain na muna” sabi ni Nicco – hindi na sila umuuwi ng San Isidro sapagkat tambak ang mga gawain nila. Sayang lang sa oras ang apat na oras ng byahe ng pag-uwi sa kanila.
Nang mga sumunod na araw ay nakakaramdam ni Nicco ng pananakit sa likod, batok at leg niya. Pinipilit niyang itago para hindi na mag-alala pa ang mga kuya niya. Dumadalas din ang pagkahilo niya. Binalewala na lang niya ito at hinayaan. Hinid niya alam na maari pala itong maging seryoso. Mas mahalaga sa kanya ngayon ay kapiling niya ang pinakamamahal niyang si Andrei. At magkasama nilang pinapatunayan na Love Knows NO BOUNDARIES. It is the realization of love between two different people. Love speaks no limit, travels no end and feels passionately and selflessly. True love is not judgmental, it is the matter of understanding.
No comments:
Post a Comment