This story is dedicated to my son Patrick and Nelson. Ang mga latest kong biktima sa mga oras na ito. Ahihihi... I Love You mga hijo...
NARAMDAMAN ni Ayhian ang matinding kaba ng marinig ang malalakas na pag-ingit ng gulong ng mga sasakyan. Hindi iyon kalayuan mula sa bahay nila na natatanaw niya mula sa ilog na sakop ng pinakamalaking asyenda sa lugar nila, Ang Villa Alexander. Ipinangalan sa unang anak na lalaki ng isa sa mga pinakamaimpluwensiyang tao sa bayan ng Suyo sa Ilocos Sur.
Iglap ang kanyang ginawang pagtakbo patungo sa kanilang bahay. Hindi na sakop ang lugar na iyon ng Villa Alexander. Minana iyon ng kanyang ama mula sa kanyang lolo. May kaliitan ang dalawandaan at limapung metro sukat na lupain nilang pinaliligiran ng lupain ng mga taga Villa.
Mabilis ang kanyang kilos dahil tanging ang kanyang Inay at Itay lamang ang naroroon. Paglabas niya ng kakahuyan ay nagulat siya ng makitang hindi lamang isa kundi tatlong malalaking sasakyan ang naroroon sa kanilang bakuran. Mataktika siyang nagtago sa isang puno. Ngunit ang mas nakapanghilakbot sa kanya ay ang makitang mayroong mga dalang armas ang mga ito. Lalapit sana siya sa kanilang bahay ng makita niyang lumabas ng kanilang bahay ang kanyang ama at ina.
“Anong kailangan ninyo sa amin at bakit may mga armas kayo?” anang matatag na boses ng kanyang ama.
“Maghinay-hinay ka Flores sa mga pananalita mo, baka iputok ko ito sa iyo.” Maaskad na sabi ng isang tinig na sa palagay niya ay lider ng mga sangganong nasa harap ng kanilang bahay.
“Maghunos-dili ka Mercado,” anang isa pang tinig.
Hindi makilala ni Ayhian kung sino ang mga taong ito ngunit may palagay siyang kakilala ito ng kanyang ama at ina. May hawak na gulok ang kanyang mga magulang. Nakaramdam siya ng mas matinding takot at pagkabahala sa nakita. Ngali-ngaling tumakbo siya sa tabi ng ama mula sa punong pinagtataguan.
“Vicencio, utusan mo ang mga tauhan mo na magsi-alis na ngayon. Kapag nakita ito ng aking anak ay malamang na ma-trauma siya. Alam ko ang balakin mong takutin kami para makuha ang gusto mo. Pasensiya ka na, ngunit kahit gumamit ka ng dahas ay hindi ka magtatagumpay.” Tumataginting na turan ng kanyang ama.
Isang halakhak ang pumuno sa paligid na sinundan ng mga kasamahan ng naunang tumawa. Maya-maya ay tumaas ang kamay ng tinawag na Vicencio. May hawak iyong tabako at sa isip ni Ayhian ay napagtanto niya kung sino ang taong iyon. Napahigpit ang hawak niya sa may punong pinagtataguan.
Nais niyang lumabas ngunit hindi siya sigurado kung makakatulong siya. Napakarami ng kasamahan ng ganid na taong naroroon ngayon sa harap ng bahay nila at kausap ang kanyang ama.
“Nelson,” wika ng tinatawag na Vicencio. “Ang nais ko lang naman ngayong gabi ay pirmahan mo ang kasulatang inihanda ko at kunin ang perang kalakip niyon para maging maayos na ang lahat sa pagitan natin.”
“Walang kasulatang pipirmahan at walang perang kukunin ang asawa ko. Makaka-alis na kayo Vicencio. Ikaw, sampu ng tauhan mo.” Matatag na sabi ng kanyang ina.
“Maritess,” nakakalokong sambit ni Vicencio sa pangalan ng kanyang ina. “Magkaibigan ang pamilya natin. Bakit kailangang pahantungin ninyo ito sa ganito ng dahil lang sa katigasan ng ulo ninyong mag-asawa?”
“At bakit kailangan mong gawin ito Vicencio kung itinuturing mong magkaibigan an gating pamilya. Napakaliit ng sakop ng aming lupain kumpara sa ekta-ektaryang lupain ninyo na nakapaligid dito?”
Napapalatak ang tinatawag na Vicencio at marahang lumapit sa kanyang mga magulang. Habang ang isang kamay ay may hawak na tabako. Ang isa naman ay may hawak na folder. Naningkit ang kanyang ama sa nakita.
“Huwag kang magkakamaling humakbang pa ng isang ulit Vicencio. Kahit na ikaw ang pinakamayamang tao dito sa bayan ng Suyo ay hindi ka sasantuhin ng gulok ko. Mamamatay kaming mag-asawa pero hindi mo makukuha ang lupaing ito.” Mapanganib na iniumang ng kanyang ama ang gulok na tangan nito sa lalaking nagngangalang Vicencio.
Iiling-iling naman itong huminto. Hindi marahil ipinagwalang-bahala ang panganib na nasa mata ng kanyang ama at ina. Pero ang hindi inaasahang pangyayari ni Ayhian ay ang pagputok ng mga baril sa direksiyon ng kanyang mga magulang nang ipitik ni Vicencio ang kanyang daliri sa ere.
Mabilis sana siyang lalapit para sumaklolo ng isang malakas na kamay ang humila sa kanya pabalik sa pinagtataguang puno papunta sa mas masukal na bahagi ng gubat. Hindi siya makasigaw sa pagkabigla. Nahahati siya mula sa pagtangis para sa kanyang magulang at sa kagustuhang makaalpas mula sa estrangherong pumigil sa kanya.
Nang matapos ang tila napakatagal na paghila nito sa kanya ay isinadlak siya nito pasakay sa isang sasakyan. Pagbaling niya ay nanlaki ang kanyang mata ng makitang kilala niya ang taong humila sa kanya.
“S-sina Itay at Inay… pi-pinatay sila… Hayup sila! Mga Hayup sila!” nanginginig niyang sabi. Tinabig niya ang lalaking nagpasok sa kanya sa sasakyan ngunit hindi pa siya nakakahakbang palayo rito ay may matigas na bagay ang naramdaman niyang ipinukpok sa kanyang ulo.
Sa nanlalabong paningin ay nakita pa niyang lumalagablab ang napakalaking apoy mula sa bahaging kinatatayuan ng kanilang bahay at ang malakas na halakhakan ng mga taong may kinalaman sa malagim na krimen na iyon.
“I-inay… I-itay…” aniya sa nanghihinang tinig.
Bago tuluyang humulagpos ang kanyang malay ay nagawa pa niyang isipin ang isang taong bagama’t wala sa mismong lugar na iyon ay may malaking kinalaman rin sa pangyayaring babago sa kanyang buhay.
“A-alexander…”
Sa kanyang tuluyang pagkalugmok ay muli siyang kinuha ng lalaking nagligtas sa kanya sa kapahamakan at inilayo siya ng tuluyan sa mapanganib na bayan ng Suyo.
**********
Alexander was happy and gay. Sa isang probinsiya tulad ng Bayan ng Suyo ay hindi tipikal na kakikitaan ng isang bading na katulad niya. Of course, he was out but he was not a cross-dresser either. Kampante siya sa kung anong hitsura ang meron siya at hindi niya kailangang lagyan ng kolorete ang mukha para magmukhang kaaya-aya sa paningin ng mga kalalakihan o di kaya ay ang magsuot ng wig o maliliit na damit pambabae na tiyak naming hindi kakasya sa kanya.
He was no drag queen.
But he loved Liza Minnelli, Madonna, Cindy Crawford and Evita Peron.
His name alone is enough to make his target succumb to him. Siyempre pa at hindi siya namimilit. Sa labing-apat na taon niya sa Australia ay natutunan na niya ang kalakaran ng pakikipagharutan sa kapwa lalaki. He’s only eighteen pero ang feeling niya, masyado na siyang maraming karanasan.
Napatingin siya sa koral ng mga kabayo. Nakita niya roon ang nagkikisigang mga trabahante ng kanyang ama. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa tagal niya sa ibang bansa ay hindi niya nalamang mayroon palang ganito kalaking lupain ang kanyang ama.
Hiwalay kasi ito at ang kanyang ina. His mom was now married to another guy. Habang ang kanyang ama ay nanatiling single sa durasyon ng paglaki niya. Hindi niya itinago ang kasarian dito, bagkus, hinamon pa niya itong tanggapin kung ano siya dahil hindi siya sasama rito pauwi ng Pilipinas kung hindi siya nito tatanggapin.
Siya ang kumontak dito ng tumuntong siya ng dise-sais. Laking panlulumo nito ng malamang bakla siya. Pero ipinaliwanag niya rito na kahit bading siya, he was not gonna make a fool out of himself. Besides, hindi naman kapareho ng mga bakla sa Australia ang mga bakla sa Pilipinas. That pacified his father a bit bagama’t hindi pa rin ito kumporme sa kasarian niya.
Nagsisimula ng ilabas ang mga thorough-bred na kabayo ng kanyang ama. Ilan sa mga iyon ay ang makikintab Arabian Horses, Appaloosa at Mustang. Sigurado siyang milyon ang halaga ng bawat isa noon kaya naman pinipili ang mga taong mag-aalalaga sa bawat isang kabayo.
Nang maalala niya sa isip ang tagapag-alaga ng mga kabayo ay may isang partikular na tagapag-alaga ang nangibabaw sa kanya. Walang-iba kundi ang masungit na si Ayhian. Isa itong trabahante na kaedad lang niya. Sa edad nitong labing-siyam ay napakatikas ng pangangatawan nito.
Noong una ang na-amuse siya sa kasungitan nito ng malamang bakla ang anak ng may-ari ng Villa Alexander. Sa kanya pa naman nakapangalan iyon pero kung magkikilos daw siya ay tila balewala lang sa kanya ang kayamanang meron siya samantalang ang ilan ay ipagpapalit ang lahat mapunta lang sa posisyon niya ayon rito.
Ipinagkibit-balikat lang niya iyon at sinabi ritong hindi siya ang may kasalanan kung bakit siya isinilang na mayaman.
Simula noon ay kinulit-kulit na niya ito. Kahit kasi ubod ng suplado ito ay napaka-gwapo at napakaamo ng mukha nito. Makapal ang kilay na bumagay sa malamlam nitong mata at natural na mapulang labi. Ang hugis ng mukha nito ay lalaking-lalaki. Ayhian was probably the first guy na hinabol-habol niya. Sa Australia kasi ay siya ang tinaguriang player ng kaniyang mga barkada. Kung magpalit kasi siya ng boyfriend ay tila pagpapalit lang ng underwear.
Well, kung marami ka naming pwedeng tikman, bakit ka magse-settle sa iisa lang? Iyon ang madalas niyang sabihin.
Kaya naman laking-gulat niya sa sarili ng ito lang ang habul-habulin niya sa mga unang buwan ng pagkakapadpad niya sa Villa Alexander.
Naalala niya pa ng mahuli siya nitong sinusundan ito sa kakahuyan.
“Bakit mo ako sinusundan?” madilim ang mukhang sabi ni Ayhian.
“I’m not following you. I’m just walking around.” Patay-malisya niyang sabi.
“Sinungaling.” Naiiling na sabi nito.
He chuckled. “You know what; I can always tell my father that you’re calling me names. I’m not a liar you know. I’m just walking around my property,” he gave emphasis to the last word.
Sa pagkagulat niya ay natawa ito na ikina-patda niya. Ang sarap ng tawa ni Ayhian sa kanyang pandinig. And boy, he looked even yummier when he’s smiling like that. Naramdaman niya ang mabilis na pagpintig ng puso. Nakangiti rin ito ng balingan siya.
“Property?” tanong nito sa kanya.
Nagtaas siya ng baba para ipakitang hindi siya apektado sa ngiti nitong parang sa commercial model. “Oo. Property pa rin namin ito di ba?”
Muli na naman itong natawa. Napilitan tuloy siayng tingnan ang paligid. Naroroon pa rin sila sa hacienda ng kanyang ama at hindi naman sila nalipat ng lugar, kaya ipinagtataka niya ang pagtatawa nito.
“Will you stop laughing?” irritable na niyang sabi.
“Sorry po Senyorito Alexander,” anas nitong kababakasan ng pang-iinsulto. “Pero ang lupaing kinatatayuan mo ngayon ay lupain na ng aming pamilya. Huwag mo iyong ikabibigla.”
Napatda siya. Paanong naging sa kanila Ayhian ang lupaing iyon kung sa bukana ng hacienda ay lupain pa rin nila?
“Nababaliw ka na.” sabi na lang niya.
“Hindi po Senyorito, totoo ang sinasabi ko. Ang lupaing ito ay sa amin na. Maliit lang ito at napapaligiran ng inyong pag-aari pero hindi na sa inyo ang bahaging ito. Nasa iyo na kung maniniwala ka o hindi. Wala akong panahong kulitin ka katulad ng ginagawa mo sa akin.”
Napaawang ang labi niya sa hayagang pang-iinsulto nito sa kanya. Wala pang kahit sino ang nagparanas sa kanya niyon. Itong hudyo pa lang na ito.
“How dare you!” napupuyos na sabi niya. “Akala mo naman napaka-gwapo mo. Eh hamak na tagapag-alaga ka lang naman ng kabayo rito. Kung tutuusin, pwede kitang ipagtanggal sa tatay ko sa mga sinasabi mo. I have been running after you but that doesn’t mean I am really interested with a low-life like you!” maanghang niyang sabi na walang-wala na sa katwiran.
Nakita niya ang pagdilim ng mukha nito at ang pag-igtingan ng mga ugat sa sentido at leeg nito. Palatandaan iyon na nagpipigil ito ng galit. Well, hindi rin siya magpapatalo. Marunong anman siyang ipagtanggola ng sarili niya at siya ang anak ng may-ari ng lugar na iyon. Walang makakapang-alipusta sa kanya basta-basta.
“Kung napakababa pala ng tingin mo sa akin ay bakit naririto ka pa? Huwag ko na sanang makikita na sinusundan mo pa ako Senyorito. Para na rin pos a kahihiyan ninyo, huwag kayong lalapit sa mababang-uri na katulad ko.” Ani Ayhian sa malamig na tinig sabay talikod sa kanya.
He was rendered speechless for a moment. Hindi niya akalaing hindi siya papatulan nito sa ginawa niyang pang-iinsulto. Pero ang hindi niya mapaniwalaan ay guilt feelings pagkatapos ng maiksi nilang engkwentro.
He was not that mean. Kahit naman walang pinag-aralan ang kausap niya o mahirap lang ay hindi siya tumitingin doon. Nagkataon lang na kailangan niyang isalba ang pride na tinapakan ni Ayhian.
“Well, hindi lang ikaw ang naapakan ang pride. Nanapak ka rin, hijo,” sabi ng kanyang isip.
Napapa-iling na sinundan na lang niya ito.
“Ayhian!”
“Ayhian!”
Mabato ang paligid dahil malapit na iyon sa paligid kaya hindi niya napansin ang naka-usling bato at natapilok siyang bigla. Napasigaw siya sa sakit pagbagsak niya. Agad niyang naramdaman ang pagguhit ng hapdi sa kanyang kanang binti. May malaking galos doon mula sa mga naka-usling bato.
“Help! Tulungan niyo ako!” naiiyak niyang sabi.
“Ayhian! Tulungan mo ako!” hindi niya mapigilang bulalas.
Ewan niya pero ang pangalan nito ang isinisigaw ng puso niya para tawagin ng mga sandaling iyon. Sinubukan niyang tumayo para lang mapa-upong uli dahil sa iglap na sakit mula sa kanyang kanang paa.
“Ayhian!!!” hiyaw niya sa pagkataranta.
“Senyorito!” anang isang tinig.
Sa kabila ng sakit ay nangibabaw ang tuwa sa kaalamang binalikan siya nito. Nakita niya ang purong pag-aalala sa mukha nito.
“Sa-salamat at bumalik ka.” Nag-aalangang sabi niya.
“Anong nangyari sa’yo? Bakit ka nakasalampak dito?”
Namumula ang mukhang tumingin siya rito ng diretso at inamina ng totoong dahilan ng pagkakatapilok niya.
“I was running after you. I-I… I wa-want to say s-sorry for the things I have s-said. Tapos ito na nga, I accidentally tripped.”
Nakita niya ang paglamlam ng magandang mata nito ngunit iglap lang iyon at muli na naming bumalik sa pagiging blangko ang mga iyon.
“Hindi mo na ako dapat sinundan Senyorito. Ayan tuloy at nasaktan ka pa.”
“I want to,” pagpipilit niya. “I want to say sorry because I know I’ve hurt you. I didn’t mean those things Ayhian. Please forgive me. Please?” nagsusumamo niyang turan.
Sa halip na sumagot ay tsinek nito ang sugat niya sa paa.
“Ah… I think i-its broken.” Nangingiwi niyang sabi.
Hindi ulit ito sumagot ngunit sa pagkagilalas niya ay binuhat siya nito. May kabigatan rin naman siya ngunit tila balewala lamang iyon para kay Ayhian.
“A-ayhian…” nahihiyang turan niya.
“Huwag ka ng magulo Senyorito. Dadalhin kita sa bahay naming para mahilot iyang paa mo.”
The thought made Alexanders’ heart beat faster. He didn’t expected Ayhian to be this gentle. Ang alam lang niya ay masungit ito palagi sa kanya dahil nga hinahabol-habol niya ito. Kung alam lang niyang ang paraan para pansinin nito ay ang magpatapilok, noon pa sana niya ginawa.
Napahagikgik siya sa naisip. Para tuloy siyang damsel-in-distress sa ayos nila at ito ang kanyang Prince Charming. Habang buhat siya nito ay may naisip siayng kapilyuhan. Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito na ikinasinghap nito.
“S-senyorito?!”
“Sshh… keep going Ayhian. Inaantok lang ito.” He said almost in a whisper. Making sure that his hot breath is making circular motions in Ayhians’ neck.
“I-itigil mo ang ginagawa mo, pa-paki-usap…” hinihingal na sabi nito.
Lalong lumakas ang loob niya ng maramdaman ang malakas na pagtambol ng dibdib nito. Isiniksik pa niya ng todo ang katawan dito. “Bakit? Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko, Ayhian?”
Naramdaman niya ang paglunok nito ng ilang ulit. Ngayon niya napatunayang may galingsiya sa larangan ng pang-aakit.
“H-hindi tama iyan. I-isa pa, b-baka mabitiwan kita.” Hingal pa rin nitong sabi.
Napahagikgik siya ulit sa leeg nito at hinayaan na lamang itong maglakad ng maayos. Natatakot rin naman siyang mailaglag nito kung mangungulit siya.
Pagdating sa bahay nito ay sila lamang ang tao. Maingat siyang ibinaba nito sa papag at agad sanang lalayo ng hilahin niya ang kamay nito.
“Not so fast.” Aniya.
Dahil hindi napaghandaan ay napaibabaw ito sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataon para kabigin ang batok nito at sakupin ang basal pang labi ni Ayhian sa kapwa lalaki.
Ang pagtutol ay panandalian lamang ngunit di nagtagal ay ito na ang nagmaniobra ng pangyayari. Alexander smiled triumphantly. Minutes later, moans of their passion and union can be heard to that part of the forest.
Napangiti siya ng husto ng maalala ang tagpong iyon. Simula noon ay naging sila na ngunit itinago lang muna nila ang kanilang relasyon sa mga magulang.
Pasensiyoso, mabait, sweet, thoughtful, bugnutin, suplado, karinyoso ang ilan sa mga katangian ni Ayhian na nakapagpapabaliw sa kanya. Ngunit ang higit na inaasam niya palagi ay ang mga tagpo kapag sila na lamang dalawa sa mga tagong bahagi ng hacienda.
Mainit si Ayhian sa bagay na iyon. Tila ito batang sabik na sabik tuklasin ang bawat pagtatagpo ng katawan nila. He loved it wheneve he’s deep inside him
Naputol ang pagmumuni niya ng mag-alarma ang mga taga-villa ng para sa sunog. Laking panggigilalas niya ng mapagtantong ang sunog ay nagmumula sa bahaging kinatitirikan ng bahay nila Ayhian.
Agad siyang tumakbo papunta sa bahaging iyon. Kahit may kalayuan ay hindi an niya iyon ininda pa. Abo’t-abot ang kaba niya sapagkat tatlo lamang ang nakatira sa bahay na iyon.
Ang ama at ina ni Ayhian at ito.
Ngunit hindi pa siya nakalalayo ng makitang paparating ang sasakyan ng kanyang ama at ng mga tauhan nito. Agad niyang hinarang ang katawan sa kalsada upang parahin ang mga ito.
“Papa!” nagigimbal na sabi niya.
“Bakit Alexander?”
“May sunog po kina Ayhian. Bakit hindi po ninyo pinupuntahan?”
“Galing na kami roon anak. At ikinalulungkot ko…” malungkot na sabi ng ama.
“N-no… No… Papa, No!”
“W-wala na silang lahat. Wala na kaming nagawa.”
“No!!! You’re lying Papa! No!!!” agad na nagpatakan ang luha niya
Kumawala siya rito ngunit pinigilan siya ng mga tauhan nito. “Let me go!!!” histerya niya.
“It’s no use Hijo. They’re dead. Umuwi na tayo. Delikado doon ngayon.”
“No!!!” hiyaw pa rin niya. “I’m going Papa!” hilam sa luhang sabi niya.
Tinanguan ng kanyang ama ang tauhan. Ngunit ang akala niyang pagpayag nitong umalis siya ay mali pala. Isang malakas na palo sa ulo ang nagpabagsak sa kanya sa lupa.
“Ayhian…” aniya sa nalalabing kamalayan na mayroon siya.
Itutuloy…
21 comments:
galing talaga n Miss D.. mukhang masisimulan na ang book3 ng TFE.. :D
GANDA!...
NAkakamis nga ang mga TFE hehehe..
-mars
Thanks Zekiee and Mars. :)
Mahusay talaga. Walang kupas! Galing! haha! Idol!
tenchu Miguel. ahihihi ano ako panglaba?
paano kaya magmimeet sina ayhian at si perse..?
sila nga ba ang mga bida dito? hahaha..
ang ganda nang pagkakabitin! laging kaabang-abang ang pagtatapos ng bawat chapter!! ang galing talaga ni ate dalisay <3
WOW!!!! Umpisa na naman ng TFE!!!Si Ayhian ay si Perse...si Perse ay si Ayhian... Tama ba???at kung pano.... ikukwento un ng Diamond writer!....
Kaya abangan..Galing galing galing galing tlaga!!!
lovelots!.....
.....HoneyBun
Thanks silhouette. :)
HONEYBUN, tingnan natin kung tama ka. Ahaha, pero kung regular reader ka ng TFE ay malalaman mo ang totoong sagot. :)
yehey...may TFE na ulit....whe thanks ms. d.....
WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!! Ako pa? na ilang beses inuulit ang stories? Aw... come on!!!! pag tinatawag ni cody ng ayhian si perse.... nag liliparan ang mga maaring nyang ibato..... bleeeeeeeeeee....
ahahahahhahahahaha....tama kaya ako!!!!!Ops..... mawawala ang suspense!!!!!
ahahahhahahahhaha....Ur always my DIAMOND writer!
Lovelots.... HoneyBun....
Oo na ikaw na. Ahaha, huwag ka ng Maingay Honeybun. ikaw na nagsabi, mawawala ang suspense. :)
eh wagas. idol talaga! namiss ko to! may bago na naman akong aabangan. :)
Wooooooooo! Next na, Dyo Yaaaaaa! Si Perse na pala! I like!
WOAH! I've read all your TFE series. And you never fail to amaze me. Im really puzzled how you do this stories as if you really did experienced it all.
Next na. Excited e. hahaha :)
it's me brickwall. I've made an account, for a change.
ganbatte ne! wohoo! :))
@Chef Brye: thank you dear.
@DYO CHII: Yeiz, si Lolo Perse na.
@Mr. Brickwall: Hi there. Its nice to know na hindi ka na anonymous ngayon. May living in anonymity is not quite fun at all. LOL. I haven't experienced all of this, these are all but figments of my wild imagination. LOLZ.
ow! Im surely a fan now!
But among the stories you've shared, may story ba na in some ways may pagkakatulad sa real life stories mo? I mean, you're own love story... hehe :) (just curious)
@MR. BRICKWALL : My first short novel, Mt. Romelo Nights is based on a true-story. About a certain man who held captive of my heart before. But we parted amicably. And now, we are friends. Kung di mo pa siya nababasa, its on the CONTENTS tab. :-)
WOAH! really? nabasa ko na sya dati pa, di ko nga lam nung una na ikaw pala ang may akda nun. nice naman ng storya ng pag-ibig mo. buti ka pa. haha :)
@Mr.Brickwall: That was then. Wala na kamii ni Rommel. :-)
OW! but i can see you're happy now. :)
I am happy dear. :)
Post a Comment