Friday, March 4, 2011

Si Joseph at Ako (Part 1)

Photobucket


Note: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED
Source: www.kwentongkalibugan.tk
Author: louiekalbo23


Hi there guys! I decided to make this favorite story of mine edited and use third person narration. My ENDLESS THANKS to the author of this story na siyang nag-inspire sa akin IN OH SO MANY WAYS. Dear, kung sino at nasaan ka man, taas ang kamay ko sa iyo. Salamat. 

Anyways, enjoy reading this one. I translated some words pero hindi ko iniba ang plot.  I didn't have the heart to do just that. Maraming salamat sa patuloy na pagsuport. Leave some comments po sana.



Si Joseph at Ako – Translated and Edited by Dalisay

Chapter 1

"Wala pa yung DVD ng Elektra dadaanan ko pa mamaya paglabas ko ng office." Kausap ni Daniel sa phone ang longtime partner na si Joseph na nasa Nueva Ecija ngayon, inaasikaso ang pagpapatayo ng kwarto na karugtong ng lumang bahay nila. Sa mga nakakarinig sa opisina, para lang siyang may kausap na pamangkin na merong ipinabibiling kung ano-ano dito sa Manila. Pang-asar ang tawa ni Joseph sa kabila ng linya ‘Pare, ang lalim ng boses mo…parang totoo…kakalaglag ng panty.'

Alam ng partner niya na di siya makakatili, magladlad bigla sa office, at mabulilyaso ang pangarap na umangat konti sa accounting firm. Yes mga dudes and sistahs, isa siya sa mga closet na striving yuppies na kailangang i-relegate sa obscurity ang personal niyang buhay mula sa propesyon dahil kailangan niya ng maayos na trabaho at may ambisyong mabuhay ng maayos.

Aminin man kasi niya o hindi, hindi pa rin naman ganoon ka sensisitibo sa gender at sexuality ng mga empleyado ang mga opisina dito sa atin. Meron mang formal na policy sa gender sensitivity, iba pa rin yung nagiging treatment ng mga matatandang bosing na educated sa old school.

Pati mga colleagues mo, kapag umamin ka parang ‘Ay bakla, sa creative department ka…' o kaya hanggang novelty na lang ang turing sa iyo, na hindi kayang mag-handle ng responsibildad o seryosong trabaho. Anyways…

Pasimple pa rin siyang sumagot, di sinakyan ang panunukso ni Joseph dahil sanay na siya dito. Minsan nga noon, nag-away sila bago siya pumasok sa office, sinabi pag di sila maayos na naghiwalay pag labas niya ng apartment, tatawag ito sa office at magpapakilalang asawa niya. Lower agad ang timplada ng lola ninyo, Bwiset no?

"Siya, pakisabi kay Nanang, half-day ako ngayon. Gusto ko ng pinakbet saka pritong isda na hapunan". Si Nanang, nanay ni Joseph…tsismosa, minsan nakakasira ng moment pero generally okey dahil tanggap siya sa kanila bilang kanilang ‘daughter-in-law'.

Konting pasimpleng lambingan pa sa telepono bago mag hang-up gaya ng "Yung alaga nating kambing, pakisilong ng maaga para di magkasakit, okey?" na ang ibig sabihin, "Yung horny mong toot, ihanda mo na dahil mapapalaban mamaya".

Haaayy. Friday…pauwi na naman siya sa bayan nila…and he can't really help but smile. Matapos ang isang linggong bakbakan na trabaho, He is coming home for the weekend to have a simple meal kasama ang asawa niya. ‘Asawa'…seven years of living together and being a member of each other's family…yun lang yata ang salitang akma sa pagsasama nila, kahit gaano ka-pretentious o kataray pakinggan. Kung lilingunin niya ang pinagdaanan nilang dalawa ni Joseph, parang nakakagulat na pwede palang mangyari. Hindi rin naman kasi biro ang mga kasamang dasal, action na Rambo style, at mga eksenang hindi kaya ng powers ni Ate Vi na i-characterize pero eto sa relasyon nila ni Jo.

At hindi lang naman kasi pitong taon ang pagi-ibig niya sa damuhong lolo ninyo. Pareho sila ng bayan sa probinsya pero magkaiba ng baryo. Fourth year high school siya noon (dalagita), grade four si Joseph (totoy) noon. Lakwatsera siya at palaging kasama ang mga friends niyang mga lalaki, siya ang muse at palagi silang pumupunta sa baryo nina Jo para mamitas ng mangga, bayabas, kung ano ano pa.

Take note, walang mga scooter at jeep noon, kanya kanyang bike ang kanilang gamit, at kung saan saan nakakarating, basta libre ang pagkain at gimik. From a poor family siya, pero from a poorer family si Joseph. Habang rampa to death with his friends, work to death naman si Joseph after school hours sa pangunguha ng damo na ipapakain sa livestock nila. (You know, mga paalagang kalabaw, kambing, etc.) Ewan ba niya, parang gumaganda ang araw pag nakikita niya yung bata batutang Joseph na yon noon.

Pero bata pa lang si Joseph, kita na ang potentials. Dark, matambok ang butt, proportioned na ang mga limbs, masungit ang mata, parang balbunin pag laki kasi makapal ang buhok, kilay, pilikmata at animal kung ngumiti. Kapag binabati niya si Joseph, parang nahihiyang natatakot: binibilisan ang paghakot ng naipong damo, at nagmamadaling lumalayo. Yung mga barkada niya, sabi sa kanya palagi noon, "Hoy bakla, makukulong ka sa iniisip mo! Musmos pa yan!"

Musmos pa rin naman siya noon kung tutuusin: madaling magkagusto, madaling makalimot. Dahil virgin pa rin naman, wala pang yearning na ma-satisfy kung ano man ang di pa natitikman. Nakalimutan niya si Joseph, nagkaron ng ibang crushes, nag-aral, inenjoy ang simpleng buhay sa probinsya. Pagkatapos lang ng ilang buwan, subsob na rin ang barkada sa review ng National College Entrance Exams

Fear niya talaga noon ang maging valedictorian pero bagsak sa NCEE. Yung mga hindi na naabutan ito, basta kailangan ito para makapagpatuloy ka sa college, okey?

Further questions tungkol sa historicity nitong school event na ito ay kawalang galang na sa nakakatanda, hmp! Madali't salita nakapasa siya sa NCEE, sa UP with a scholarship, naging abala sa paghubog na sariling niyang ideolohiya ek ek, at maagang nakatapos ng kolehiyo. Pero dahil nga sa libis-ng-nayon, anak-pawis, hampas-lupa etc. ang drama, nagdesisyon na manilbihan sa sariling bayan bilang konsehal(a) sa munisipyo sa edad na 22.

Noong time na yon, power and money were there to be had. So were the guys. Small town, alam ng lahat ang pagiging girlish niya at alam din nila ang kanyang qualification kaya mainit naman ang reception  ng mga tao. Mainit din siyempre ang tingin ng mga barako dahil akala nila trophy wife ang lola ninyo. He went in and out of relationships, yung iba kasing meaningful ng Webster's 9th New Collegiate Dictionary, pero yung iba were just mercy fucks. Merong mga dapat nagtagal pero either hindi nakayanan ang pagka lukaret niya or di niya nakayanan ang expenses. Some just did not understand that despite his being gay, gusto pa ring magsilbi sa bayan kaya kung nag-aalburoto at hindi nai-date dahil may consultative meeting siya sa mga constituents, e goodbye muna sila.

1995, nagpasayaw siya minsan sa plaza bilang fund raising sa nalalapit na pagho-host ng bayan nila ng inter-town sports cup. Para sulit ang entrance fee, He commissioned the best mobile disco sa Pampanga, kumpleto sa video screens at malupet ang sounds. Dumalo si Joseph…17 pa lang ito noon pero parang mama na. Palibhasa kahit matalino, hindi na napag-aral ng mga magulang kaya napilitan ng magtrabaho sa mga pabrika sa Laguna: nabanat at na-develop nang maaga ang katawan. Sa taas niyang 5' 7" mas matangkad na si Joseph noon ng mga 3 inches.

Gwapo…yun lang ang pumasok na salita sa utak niya. Naka shirt ng black at naka Levi's ng button fly. May pino nang balahibo sa mga braso at may umbok na rin sa mga inaasahang parte ng katawan. Lahat ng taon na hindi sila nagkita at gingugol niya sa kung ano-anong bagay at tao na akala niya noon ay importante sa kanya, parang biglang naging hindi importante kumpara sa moment na yon. Nandoon siya at si Joseph, merong music at masaya ang paligid.

Si Joseph, hindi na batang mahiyain…malakas na ang loob na lumapit sa kanya. Iniabot ang kamay na nakangiti, sabay bating ‘Kumusta, konsehala?' Imbis na maimbyerna sa pagiging impertinente ng pagbati nito, napatitig siya sa kamay nito bago abutin. Grabe ang laki! Hindi niya napigilan, sa gitna ng maingay na pa-disco na yon, na i-imagine ang kamay na yun na tinatanggal ang damit niya, na humahaplos sa kanyang katawan. Napakalaking effort at pagpapapanggap na hindi siya masyadong apektado sa presensiya nito ang ginawa niya para lang bitawan ang kamay na yon, para formally na buksan ang pa-disco at gawin ang natitira pang trabaho ng isang host.

Nang maisaayos na ang mga kinita sa entrance at naitabi na ang pambayad sa mobile disco, hinayaan niya namang i-enjoy ng working group ang gabi. Dahil kabataan naman ang sector niya sa konseho, kahalu-bilo niya ang lahat ng dumalo at hindi na rin lumayo sa grupo si Joseph. Tila wala itong pakialam sa stares o questioning looks ng mga hindi nakakakilala sa kanya, at panay naman ang kindat sa kanya ng mga kaibigang alam kung sino siya.

Para sa mga nasa tamang edad na, merong kiosk na nagtitinda ng beer at ibang drinks. (Pero tama man o mali, it's the province babe, maagang natututong uminom ang kabataan at kahit na sino pwedeng bumili ng maiinom niya. At sino ba naming nagtitinda ang aayaw sa kita? Saka recently lang naman na-require yang huwag magbenta sa minors ng alak. Noon nga, pinapabili siya ng tita niyang Chinese na shoktong sa tindahan kung hindi maganda ang pagre-regla niya. And besides, ang stand ng maraming bading diyan dati, ‘salamat sa alak at gumaganda ang ilan sa ating mga syonget!’)

Lumalim ang gabi, nakainom na siya, at itong si Joseph, parang nakakarami na rin. Nagiging aggressive, cocky, ika nga. Confident sa pagkalalaki at porma, isinasayaw na siya. Hinapit nito ang mukha niya papalapit sa bibig nito na akala tuloy niya ay hahalikan siya then and there, at pasigaw na sinabi(kasi nga disco at maingay e di sisigaw di ba?) "Naalala mo ba yung pangha-harass mo sa kin nung bata pa ako?".

Syempre feeling precious ang lola, "Anong pangha-harass?"

"Joseph, paglaki mo, boyfriend kita ha?" ginaya niya ang boses ko, tinutukoy yung paborito niyang linya noong kinukulit niya pa ito. Natatandaan pa rin pala nito iyon.

Natawa na lang siya. "Pwede mo nang gawing yon sa akin ngayon, di na kita tatakbuhan," sabi ni Joseph habang gumigiling sa likuran niya sabay sa tugtog na Carolina ni Shaggy. Kung iisipin niya kung gaano kalaswa ang hitsura nila ganoon sa publikong lugar, nahihiya siyang natatawa.

Shit!, sabi niya sa isip, malakas talaga ang tama niya sa mokong na to, and Joseph knows it. Tukso, as in. Kung gugustuhin niya, magagawa na niya ang matagal nang inaasam. Pero iba ang nakikita kang sumasayaw sa iyong sariling pa-disco at nage-enjoy, at iba ang dating sa makakakita kung ikaw ang unang lalabas sa affair na iyon para manglalake.

Nagdesisyon siya. Bago matapos ang gabing ito, isang definite na incident ang mangyayari sa buhay nila ng puppy love niyang ito.


Itutuloy…

No comments: