Monday, January 10, 2011

Soulmate... Checkmate! Part 2

“hi lex! Hindi ko na kailangan pang imbitahin kang umupo dahil nakaupo ka na. hahaha!” pambungad niya. “siguro nagtataka ka ngayon and kinakabahan dahil di mo alam kung ano ang pwede kong gawin sa’yo, tama ba?” wala pa din akong imik. Kinakabahan talaga ako sa kanya.



“magsalita ka naman lex, hindi ka naman siguro pipi ano?” actually, hindi ako makapagsalita kasi nakatingin lang ako sa mukha niya. Moreno din siyang gaya ko pero tinamaan ako. Malakas ang sex appeal niya. Tipong isang ngiti lang eh bibigay na ako.



“ah, eh… sorry! Nagulat lang ako.”



“nagulat ka saan? Dahil lalaki ako na humahanga sa’yo at hindi babae?” napalunok akong bigla. Alam ba niya ang totoo tungkol sa akin? Shit pag nagkaganun. Hindi naman ako halata ah. Maingat naman ako sa lahat ng ginagawa ko. Tsaka humahanga? Ano ba ito!



“ah, eh, hindi naman. Ano kasi…”



“wag mong sabihin na-love at first sight ka sakin?” muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. “joke lang, pero nakita ko nag-blush ka. Uuuyyy, crush niya ako.”



“epal nito. Feeling mo gwapo ka, hindi kaya.” Nakabawi kong sagot.



“hindi nga pero tinamaan ka naman nang appeal ko. Kanina mo pa kasi ako tinitingnan eh alam ko namang walang dumi yung mukha ko.” Toinks, sapul ako dun ah.



“whatever. Oh bakit mo ako pinapunta dito? May sasabihin ka bang importante?”



“masyado ka naming nagmamadali lex. Hindi mo pa nga ako tinatanong kung anong pangalan ko tapos ganun na. nakakatampo naman samantalang ginawa ko lahat ng paraan malaman ko lang pangalan mo.” Oo nga, tinamaan na naman ako dun ah. Stranger pa pala siya sakin tapos ganun. Teka, anung sabi niya?



“anong sinasabi mong ginawa mo ang lahat para sa pangalan ko?” taking tanong ko.



“wag mo nang alamin kung paano. Nga pala, I’m raki dimagiba.” Napangiwi ako sa apelyido niya. Kala ko sa teleserye lang merong ganun, sa totoong buhay din pala. Napansin niya ang reaksiyon ko kaya naman muli siyang nagsalita.



“oh bat ganyan reaction mo? Hay naku, judgmental ka pala.” Sabay simangot.



“naku hindi naman. Sorry kala ko kasi sa teleserye lang me ganun.” Napayuko ako. Pagkayuko nakita kong nakasungaw yung ID niya. Enrique apelyido niya hindi Dimagiba. “sinungaling ka naman pala eh.”



Nakita niyang nakatingin ako sa ID niya sabay tawa. “binibiro lang din kita. Tiningnan ko lang reaction mo. Sineryoso mo pa ang paghingi nang sorry huh.” Bakit ganun, may dulot na ligaya ang pagtawa niya. Parang ilang sandal pa ay kaya na nito akong patulugin. Nangiti ako nang wala sa oras.



“uuuyyy, nangingiti siya. Aminin mo na kasi in love ka sakin nuh.” Napahiya ako for the 3rd time.



“hoy, kapal mo huh. Sino nagsabi sayong in love ako sayo. Masyado namang malakas ang hangin dito sa kfc. Sarado naman ang mga bintana ah. Saan kaya nanggagaling?” seryoso kong banat. Sabay muwestra nang mga kamay. Tumawa lang ito.



Madami siyang mga kuwento. Kung anu-ano. Halos buong buhay na nga niya ay idinadaldal na sa akin pero para akong engot na nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya. Nag-eenjoy na akong kasama siya hindi gaya kanina na may kaba at pangamba.



“buti naman at ngumingiti ka na. siguro naman palagay na ang loob mo sa akin.” Ngiti lang ang sagot ko. “i-save mo number ko huh baka kasi hindi mo gawin eh.” Oo nga nuh. “pede ba kitang dalaw-dalawin sa school niyo or sa dorm mo?”



“huh, bakit? Anong meron?” tanong ko.



“gusto ko lang makasigurado na nakauwi ka nang maayos or kung nasa school ka ba para hindi na ako mag-aalala pa.” sabay bitaw ng isang ngiti.



“nagpapatawa ka naman. Hindi naman ako babae para alagaan nang ganyan and isa pa binata na ako kuya.” Inistress ko ang word na kuya. “tsaka, hello, FYI, kaya ko ang sarili ko. Marunong ata akong mangarate.”



“ah basta, wag nang makulit. Please let me be your knight simula ngayong araw na ito.” Sabay hawak sa sa kamay ko. Ewan ko pero parang may kuryenteng dumampi sa mga kamay ko nang hawakan niya iyon.



Tama kaya siya? Love at first sight ba ako o masyado lang akong nadadala sa mga teleseryeng napapanood ko. Baka masyado lang talagang sweet . . . sa isang lalaki. Toinks!



--

“pssst, bakla. Ayun si papa raki oh inaantay ka na.” kasalukuyan na kaming nasa labas ng school nun at nakita ko nga siya na nakatayo sa labas sa may hepa boulevard. Lumapit kami sa kanya.



“hi! Bakit andito ka?” pambungad kong tanong sa kanya.



“Gaya nang sabi ko, let me be your knight.” Yumuko siya na parang isang knight sa harap ko. Shit nahiya ako dahil andaming estudyante sa paligid. May mga nakangiti, may mga ewan, may nandidiri.



“umayos ka nga diyan raki. Nakakahiya yang ginagawa mo. Tsaka pwede ba hindi naman ako maharlika para bigyan ng ganyang saludo nuh!”



“aba, ang bakla nag-inarte. Eh kung bunutin ko kaya isa-isa buhok mo sa kili-kili nang matigil ka diyan. Tsaka, keribels ba nila na may papa na gumaganyan sayo. Mga inggit lang iyan.” Sabay tawa nang nakakagago.



“kahit kelan ka talaga Irene, napaka-engot mo. PDA kaya iyan.” Sabi ko naman.



“see papa raki eh di lumabas din ang trulagen. Gusto niya may privacy kayong dalawa. Ikaw naman kasi binigla mo si friendship. Hala sige tara sa tambayan at dun tayo magganyanan.” Isang ngiti ang nakita kong sumilay sa mga labi niya. Mukhang nagustuhan niya ang sinabi nito.



--

“so Irene, pwedeng pag may klase kayo eh pakibantayan muna si lex baka kasi kung anu-ano gawing kagaguhan niyan eh.” Sabi ni raki pagkadating niya after um-order.



“oh sure papa raki. Akong bahala sa monghang ito.”



“aba, aba, aba. At ako talaga ang topic dito mga friendship huh. Eh kung alugin ko kaya mga ulo niyo para umayos takbo nang mga utak niyo.” Sabay tawa ko. Natawa din si Irene pero lumalafang na pala ang hitad.



Patuloy lang ang mga walang kabuluhan naming balitaktakan tungkol sa mga buhay buhay. Lumalalim na ang gabi at kailangan na naming magsiuwian. Malapit lang naman ang mga dorms namin nila Irene kaya inuna na naming siyang ihatid. Lakad mode ang ginawa naming para bawas bilbil na din.



Isang halik sa pisngi ang iginawad ni Irene saming dalawa ni raki bilang thank you sa paghatid daw sa kanya. Aba, pag ako lang naghahatid sa kanya ni kiss ayaw ibigay. Sipa ang abot ko. Parang I smell something fishy ah. Patuloy kami sa paglalakad.



“lex, may alam akong shortcut dito para hindi tayo masyado gabihin papunta sa inyo.” Tumango na lang ako kahit na alam kong 10-15 minutes lang eh andun na ako sa dorm namin.



Dumaan kami sa isang eskinita. Ang dilim, nakakatakot. Na-sense niya ata ako kaya naman hinawakan niya ang kamay ko. HHWW ang drama naming dalawa. Nang feeling ko nasa kalagitnaan na kami nang eskinita, bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Na-shock ako sa ginawa niya pero ano pa nga ang magagawa ko kundi mag-emote na din.



“thank you lex huh for coming into my life. Promise I will take care of you. Uulitin ko, let me be your knight.”



Natameme na naman ang emote ko. “ah, eh… ikaw ang bahala.”



“thank you ulit lex.” Sabay hug ulit. Maya-maya pa ay nakalabas na kami sa eskinita.



--

4 5683 968! Yan ang nakalagay sa may locker ko. At sino na namang hudas-talipandas ang may kagagawan nito. Kinuha ko ang papel at ibinulsa. Hindi ako makarelate sa numbers na iyon. Ano ba kasi iyon?

--



Exam week na kaya hindi na muna kami masyado napagkikita ni raki. Ayaw ko namang obligahin siya na ihatid sundo niya parin ako kahit na gusto niya. Patuloy parin naman ang text namin at ang mga sweet nothings.



Gaya nang dati may note na naman sa locker ko. 4 6477 968! Shit, ano na naman ba iyon? Hindi na ako nakatiis at isinangguni ko na kay reyna Irene.



“hala bakla, hindi kaya code iyan. Parang sa da vinci code. Kailangang i-de… i-de…”



“i-decipher”



“ayun nga, kailangan mo siyang i-decipher para malaman mo ang mensahe na yan. Bat ganun, lagi na lang ikaw. Una, may papa raki ka na, pangalawa nagka-stalker ka and pangatlo hayan, may secret notes ka pa. ano bang meron ka at talo mo ang beauty ko? Para kang babae pero may bayag ka naman.” Seryoso ang emote nang lola mo.



Batok ang inabot niya sa akin. “aray ko naman. Di ka na nabiro. Oh hala sige maiwan na kita dyan friendship at andyan na si papa ko. Babush!” at tuluyan na siyang umalis.



Honestly, naguguluhan na ako. Bakit ako may ganitong unique letter sa locker ko? Bakit may raki na nagbabantay sa bawat kilos ko? Tumayo ako at humarap sa salamin. Tinitigan kong mabuti ang moreno kong itsura. Sakto lang naman, hindi kagwapuhan at hindi kapangitan. Yun nga lang makinis ako. Wala akong pimples sa mukha and scars sa katawan.



Hindi ako agad nakatulog kakaisip sa sinabi ni Irene na kailangan kong I-decipher yung codes. Tinutukan kong maigi ang mga numero. Ano kayang meron ditto? Biglang nag-ring cp ko. Nagtext si raki. Matapos kong basahin ang good luck text niya parang may kung anong pumasok sa isip ko.



Bakit hindi ko naisip iyon? Tama! Biglang nanliwanag ang utak ko at kinuha ang mga codes at inumpisahang i-break iyon. Nagulantang ako sa natuklasan ko tungkol sa mga codes na iyon. Sino namang tao ang makakaisip nang ganitong drama?



--

Tapos na ang exam ko at laman parin ng isip ko ang mga notes na natanggap ko. Hindi iyon mawala-wala sa isip ko. Nagtext si coach at pinapapunta kami sa tagpuan dahil sa isang mahalagang anunsiyo. Dali-dali akong tumungo doon.



Wala pang 5minutes kumpleto na ang members at si coach.



“guys, kailangan na nating umpisahan ulit ang practice. Siguro naman hindi lingid sa inyo na 3weeks from now, may invitational cup tayong dadaluhan sa megamall. Gaya nang dati, ganun pa din ang inaasahan ko. Alam kong hindi niyo ako binigo nung una, let’s make it to the top again. Practice will start tomorrow at 5:30pm. You know the rule, no late comers. Okay?” sabay-sabay kaming sumagot. Ano ba naman iyan kahit labag sa kalooban namin kailangan naming sumunod. Para sa team, para kay coach, para sa school.



Diretso na ako nang uwi sa dorm para magpahinga. Nagulat pa ako na nakabalandra si raki sa pintuan ng dorm at may dala-dalang chess board.



“ano na naman to raki?”



“well alam ko kasi na malapit na ang invitational cup niyo kaya naman heto, andito ako ngayon para tulungan kang mag-practice. Be gentle huh.”



“be gentle ka diyan. Hala pasok na at tingnan natin kung gaano ka kahusay sa laro na iyan.



Inumpisahan agad namin ang laban namin pagkaupo sa visitor’s area. In fairness, magaling siya huh. Hindi ko akalain na may ibubuga siya. Actually, nahirapan ako ulit. Tipong wala na akong lusot. Ginalaw niya ang bishop niya para i-check ako. Natetense na ako kasi naman halos wala na akong moves. Naramdaman niya ata ang reaction ko kaya naman hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing relax lang ako. Ipinikit ko ang mata ko gaya nang dati. Pagmulat ko, laking gulat ko na may knight pa pala ako sa tabi na pwedeng ipanlaban. Ginalaw ko ang knight at kinain ang bishop niya.



Ilang saglit pa ay natapos na din ang laban. Ako ang nanalo siyempre. In fairness magaling talaga siyang player. Lumabas muna kami para kumain.



--

3weeks later



Excited ang buong team dahil opportunity na naman ito para sa aming mga players. Kailangan naming ibalandra na kami ang hari sa laro nang chess



Nagtipon na ang lahat ng mga kalahok sa ground floor ng mall. Nagregister at naghihintay na mag-bukas formally ang competition. Habang nag-aantay ay katext ko si raki at kinukumusta siya. Maya-maya pa, dumating na ang mga “araw” at hindi maiwasang hindi ako mapalingon. Shit! Totoo ba ito?



Si raki? Chess player din?



itutuloy...

No comments: