Monday, January 3, 2011

Torn Between Two Lovers? iv

Kasalukuyan akong nag-stroll sa department store nun sa bayan nang makita ko si Arnel. Mukhang nag-iisa lang siya. Lumakad ako papalapit sa kanya pero wala akong balak na magpakita muna.

Sinusundan ko siya san man siya magpunta. Stalker kumbaga. Mukhang masaya siya at ano kaya ang dahilan. Maya-maya pa may lumapit sa kanyang babae. Namangha naman ako sa kanila. Ang sweet nilang tingnan. Nakaangkla ang braso nung haliparot sa braso ni Arnel at eto namang isa nag-eenjoy.

Bigla bigla ang pag-akyat nang dugo sa mukha ko at tila ba bulkan na handa nang sumabog. Lalabas na sana ako para harapin sila nang sa kung saan eh biglang sumulpot si Francis.

"Kuya, andito ka din pala. Sinong kasama mo?" Nagulat pa ako sa presensya niya.
"Ah.. Eh.. Ako lang. Ikaw sino kasama mo dito?"
"Sila mama. Bibili kasi sila nang regalo para kay papa."
"Ah ganun ba? Asan na sila ngayon?" Tanong ko.
"Andun sa may clothes for men section. Gusto mong gumawi muna dun?"

Di na ako nakasagot pa kasi agad na niyang hinila kamay ko papunta dun sa direksyon na sinabi niya. Sa kabila nang papausbong na saya sa dibdib ko ay hindi padin nakaligtas sa akin ang namasdang kasiyahan sa mukha ni Arnel kasama yung babae na yun.

Hawak-hawak ang kamay ko nang ipakilala niya ako sa mama at ate niya.

"Ma, ate si Kuya Dhenxo kaibigan ko po." Tumingin muna saglit samin yung mama niya at nangiti sabay sabi nang 'nice meeting you'.

Sasagot sana ako nang mapansin kong nakatingin yung ate niya sa mga kamay naming dalawa na magkadikit pa din. Napahiya ako kaya naman pilit kong inaalis yung pagkakasugpong nang mga kamay namin pero hindi ko magawa dahil lalo niyang hinigpitan pagkakahawak niya.

Tiningnan ko siya at tumingin din siya sakin sabay ngiti.

"Hey ate, natutunaw na kami sa titig mo tumigil ka na." Pagsaway niya pero nakangiti.
"Ah bunso sensya naman. Masyado na kasing madaming langgam sa pagitan niyong dalawa kaya naman sinusubukan ko silang takutin sa pamamagitan nang tingin." Sabay tawa nang ate niya. Nakitawa din ako.
"Oo nga naman anak, bakit di mo muna pagpahingain yang mga kamay niyo. Baka hindi na matanggal iyan dahil sa natuyong pawis niyo." Seryoso padin itsura niya pero halatang nagjo-joke.
"Ayaw ko nga ma, baka pag binitawan ko kamay niya bigla siyang mawala. Hirap kayang hagilapin nito. Palos eh."
"Oo nga naman Francis, medyo namamawis na din kamay ko. Nakakahiya na." Nasabi ko na lang.
"Sige bibitawan ko pero sa isang kundisyon." Sagot niya.
"Anong kundisyon naman yan bunso?" Di na napigilang makisawsaw ulit nang ate niya sa usapan namin.
"Samin ka matutulog mamayang gabi." Nagulantang ako sa kundisyon niya.
"Pero..."
"Ma, di ba pwede naman matulog si kuya sa bahay and para makilala na din siya na papa?"
"Oo nga naman hijo. Have time with us mamaya and bukas ka na nang hapon umuwi para maenjoy mo celebration nang birthday ni daddy." Speechless ako.
"Oh teka, ibalik natin yang kamay mo sa kamay ko." Sabi ko bigla nang tanggalin ni Francis yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Natawa silang lahat lalo na si ate.

Sumama na ako sa kanila para mamili nang ireregalo sa papa niya. Masayang kakwentuhan si ate. Si tita naman kakatapos lang nang botox treatment niya 3days ago kaya hindi pa masyadong makangiti. Nag-eenjoy ako sa pagsama sa kanila nang bigla kong maalala na may bibilhin din pala ako dun.

Nagpaalam muna ako saglit para bilhin yung pinapabili nang kapatid ko na school supplies. Bago pa ako pinayagan ni Francis eh naghabilin pa siya na wag na wag akong titingin sa iba. Natawa ako sa reaction ni ate lalo na nung batukan niya ito.

Namimili na ako nang magandang notebooks nun nang biglang nagsalita si Arnel sa tabi ko. Akala ko okay na ako pero biglang nanumbalik yung sakit na pansamantalang naiwaksi kanina.

"Bakit magkasama kayo?" Bungad niya.
"Nagkataon lang." Tipid kong tugon.
"Nagkataon? Mukhang hindi ito nagkataon lang Dhen."
"Ayaw mong maniwala di wag. Di naman kita pinipilit." Hindi ko man lang siya nilingon man lang dahil busy ako sa pagpili.
"Kayo na ba?" Napahinto ako bigla.
"Kami na nga ba? Sa tingin ko hindi." Sagot ko. Napikon ata siya sa tinuran ko.
"Bakit ka ba nagkakaganyan? Sinasaktan mo ako alam mo ba iyon?"
Tumingin ako sa kanya sa wakas. "Sinasaktan ba kita? Mukhang di naman halata ah. Tsaka mukha ka pa ngang masaya oh."
"Masaya? Paano ako naging masaya kung harap-harapan mo akong binabalewala."
"BESTFRIEND, hindi kita dinededma. Nagkataon lang din na ngayon may kasama na ako at may kasama ka. Tsaka hindi ko naman alam na andito ka din pala."
"Paanong mapapansin mo ako eh busy ka diyan sa Francis na yan ni hindi mo nga magawang tumingin sa paligid mo kung may kakilala ka ba o wala."
"Teka nga, walang patutunguhan itong pag-uusap natin. Puntahan na lang kita sa bahay niyo sa makalawa."
"Ngayon na natin to pag-usapan dahil hindi ako sigurado kung pupunta ka nga sa bahay. It is now or never!" Sabi niya na may pagbabanta.

Sasagot na sana ako nang sumulpot sa kung saan ang babae niya. Muli na naman akong nakaramdam nang inis at selos. Since magaling naman akong magtago nang nararamdaman, nagkunawri akong busy ulit sa pagtingin nang mga notebooks.

"Hon, alin dito ang mas maganda?" Tama ba ang nadinig ko, hon? Hindi ko siya nilingon.
"Ui, Dhenxo ikaw pala iyan. Kamusta ka na?" Sabi niya.
"Ah okay lang naman ako." Ngayon ko lang naalala kung sino siya. Siya si Jessa, ang girlfriend niya nung high school. Hindi ko alam na nagkabalikan pala sila.
"Ah Jessa, Arnel una na ako sa inyo sa counter huh. May pupuntahan pa kasi ako eh." Paalam ko sa kanila.

Tama ang desisyon ko dahil hindi ko alam baka biglang bumagsak luha ko dahil sa sama nang loob. Dumiretso nga ako sa counter at nagbayad nang mga binili ko. Parang ang tagal nung cashier na i-punch yung mga items ko. Ganun ba talaga ang nararamdaman ko sa ngayon? Nasaktan nga ba talaga ako? After kong makuha yung mga binili ko, nag-decide na akong umuwi. Wala sa sariling naglakad ako palabas nang store.

"Oops, where do you think your going mister?" Si Francis.
"Ah, eh. Sa labas lang. Papahangin." Palusot ko.
"Wag ka na. Hindi ka din naman makakatakas sakin eh. Anong akala mo makakaalis ka dito nang basta basta. Kanina pa kita binabantayan." At tumawa pa ang gago.
"Papahangin lang talaga ako tsaka medyo ginutom ako kaya tambay lang sana ako dyan sa may siomai stall." Bigla niyang hinawakan ulit yung kamay ko.
"O siya tara, magmerienda muna tayo. Gutom na din ako eh."
"Oh eh bakit nakahawak na naman yang kamay mo na yan aber? Nawiwili ka na ah."
"Hindi naman sa ganoon. Masaya kasi ako kapag hawak hawak ko kamay mo. Feeling ko akin ka na."
"Feeler ka sobra." Di ko maiwasang mapadako ang tingin sa kinatatayuan nila Arnel. Nagkatitigan kami pero ako na ang bumawi.

Sa labas, bumili kami nang siomai at maiinum. Nakatambay kami sa may stall habang kumakain at naghihintay kila tita. Hindi din naman sila masyadong nagtagal pa dahil agad na silang iniluwa nang dept. store. Inaya na kami na sumakay na sa kotse para umuwi. Tatanggi sana ako dahil hindi pa ako nakapagpaalam pero mukhang natunugan ako sa balak ko.

"Ah ma, si ate na lang po muna mag-drive sa inyo pauwi. Dadaan pa kasi kami sa bahay nito." Paalam niya.
"Ipagpaalam mo na din siya dear brother sa parents niya para tuloy ang ligaya natin mamayang gabi." Sabad ni ate.
"Sure ate, akong bahala kay ma- este kil tito and tita." Bago umalis yung car, kumindat muna si ate kay Francis. Hindi ko alam kung anong dahilan pero mukhang masaya si Francis dun.
"So, papara na ako nang trike natin huh."
"Bakit kailangan mo pang ipaalam kung pwede ka namang basta pumara na lang di ba?" Sabad ko naman. Ngiti lang tugon niya sa akin.

Nakapara naman agad siya. Papasakay na ako noon nang tawagin ako ni Arnel. Napahinto naman ako sa labas at hinintay siya. Hingal kabayo pa ito nang makalapit.

"Bakit?" Tanong ko.
"Sasabay ako."
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Dadalaw ako kila tita." Tiningnan ko muna si Francis. Nakatingin siya sa ibang direksiyon na waring ayaw niyang isama ko si Arnel.
"Ah okay." Tanging tugon ko sabay pasok na sa loob. Sumunod sakin si Francis at huli si Arnel.

Ang hirap nang puwesto ko sa sasakyan. Imagine, katabi ko sa Francis samantalang sa may harapan ko (patagilid) pumwesto si Arnel. Naiipit ako sa kanila. Ang lalaki naming mga tao nagsiksikan sa maliit na sasakyan. Kaya naman nang natapat sa harap nang bahay yung tricycle at bumaba na silang dalawa, saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag.

Dali-daling pumasok ang bestfriend ko at agad nambulahaw sa mga tao doo. Samantalang si Francis naman ay waring isang Maria Clara este ginoo pala na hindi makabasag pinggan sa tindi nang kanyang pag-iingat sa kilos. Kung gaano siya ka-open sa family niya eh siya namang tiklop niya sa bahay. Hindi niya kaugali si Arnel na bagamat matagal nang kilala nang pamilya eh sadyang mapagbiro lalo na kila mama at papa.

"Tita mano po. Tito mano po."
"Kaawaan ka nang Diyos anak." Naki-mano na rin si Francis.
"Bakit ang tahimik mo hijo?" Tanong ni papa.
"Ah, eh.."
"Naku tito, malamang sa totoo nahihiya po sa inyo yan." Si Arnel sabay tawa.
"Hoy ikaw, wag mo nga masyado inaalaska yung tao. Bago siya dito kaya naman ganyan siya umasta." Sabay irap ko sa kanya.
"Nga pala, ma, pa, si Francis po. Ka-department ko po pero lower year. Francis parents ko." Pagpapakilala ko sa kanila.
"Nice meeting you po..." Napansin nila na nag-aalangan pa din ito sa kanila.
"Tito and tita na lang para hindi masyadong old." Sabay tawa ni mama.
"Nice meeting you po tito and tita." Sabay flash nang isang nakakainspire na ngiti.

Nagsisimula nang maging at ease si Francis nun sa bahay. Nagagawa na nitong makisakay sa mga biro ni papa sa kanya. Para silang mag-ama kung tutuusin dahil sa pareho ang mga hilig nila lalo na sa palabas. Maya-maya pa dumating na yung kapatid kong babae galing school.

"Kuya, sino yang bisita mo? Ang cute niya. Kunin ko nga number niya." Sabi nito sa akin.
"Tumigil ka! Gusto mo isumbong kita kila papa at sabihin kong ambata bata mo pa lumalandi ka na?" Pananakot ko sa kanya.
"Tse! Sungit!" Sabay takbo at nagmano kila mama at papa.

Hinahanap ko si Arnel dahil bigla siyang nawala. Nakita ko siya sa may terasa at mag-isang nakatingin sa kawalan. Dahan-dahan akong lumapit at balak kong gulatin kaso ako ang nagulat nang makita siyang sobrang lungkot.

"Psst, bakit andito ka? Hindi ka makikihalubilo samin sa loob? Nagkakasiyahan sila dun oh."
"Naku hindi na. Mas gusto ko dito sa labas. Tahimik, lahat nakikiayon sa nararamdaman ko."
"Ang drama mo ikaw huh. Baka gutom ka lang kaya ka ganyan."
"Hindi naman sa ganun. Busog pa ako, kakameryenda lang namin ni Je-- kakameryenda ko lang."
"Ah ganun ba. Di puwede yan teka papakuha ako nang pagkain." Tinawag ko yung kapatid ko at nagpakuha nang kahit na anong meryenda. Maya-maya dumating ito.
"Merienda tayo ulit habang nagmomoment." Isang pagkakamali na nasabi ko ito.
"Dhen, hindi pa ba ako sapat sa iyo?" Nasamid ako sa sinabi niya. "May kulang ba sa akin? Hindi ba pwedeng ako na lang?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Len (tawag ko sa kanya), naguguluhan pa ako sa ngayon. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang gusto kong maging kasama. Tsaka..." Natahimik ako saglit. "ayokong makasakit nang tao lalo pa at isa siyang babae." Pero hindi niya pinansin yung huli kong sinabi.
"Pero malaki ba ang pag-asa ko sayo o kulang pa?"
"Hindi ko alam."
"Pero mas nauna ako kesa sa kanya."
"Oo alam ko yun. Pero ayoko munang mamili. Nag-eenjoy ako sa company niyong dalawa. Hindi mo naman kailangang makipagkumpitensiya sa kanya eh. Bestfriend kita kaya andito ka na sa puso ko."
"Iba ang gusto kong maging estado natin eh. Hindi ba talaga tayo pwedeng maging more than bestfriends?"
"Alam mo..." Matama siyang nakikinig. "gutom lang yan kaya kumain ka na baka maunahan ka nang mga langaw diyan sa pagkain mo." Sabay tawa. Kumuha naman siya at kumain.
"Ang drama mo ngayon Len huh. Ikaw ba talaga yan?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Sige lang, hindi kita kokontrahin ngayon."
"Wag na kasi emo. Pumapangit ka niyan eh." Tumingin siya sa akin at dali-daling binigyan ako nang smack. Isang hampas ang itinugon ko. Paano pag may nakakita sa ginawa niya.

Pagpasok namin sa loob, nagulat pa kami ni Arnel nang makita ang isang backpack sa may upuan. Nagtatakang tumingin ako sa kanila. Ayoko sa lahat yung pinapakialaman yung bag ko lalo na nang walang pasabi.

"Ma, bakit nakalabas yung bag ko?"
"May overnight daw kayong mga officers nang department niyo at kailangan niyo daw magpakita lahat doon. Inihanda ko na ang mga gamit mo para ready ka nang lumarga anytime."
"Pero ma naman. Baka ginulo niyo cabinet ko!" Sagot ko.
"Wag ka na ngang mag-inarte diyan kuya. Magpasalamat ka dapat dahil nabawasan trabaho mo." Sabad nang kapatid ko. Pinandilatan ko lang siya.
"Totoo ba yun?" Bulong sakin ni Arnel. Napatingin muna ako kay Francis bago ako tumango sa kanya. "Kung ganun naman pala, aalis na ako. Tito, tita uwi na po ako. Gumagabi na din po." Sabay walk out nang mokong.
Hahabulin ko sana pero pinigilan ako ni Francis.

---

Habang asa daan papunta sa bahay nila, hindi ko pa din maiwasang maalala yung itsura ni Arnel bago siya umalis. Malungkot siya. Siguro dahil naramdaman niyang nagsinungaling ako sa kanya. Nagi-guilty ako pero wala na akong magagawa pa. Kahit gustuhin ko man siyang itext, may puwersang pumipigil sa akin.

Lumilipad pa ang utak ko nang kalabitin ako ni Francis at sabihing nasa tapat na kami nang bahay nila. Bigla naman akong kinilabutan. Hindi ko alam kung bakit. Inaya na ako ni Francis na pumasok sa loob.

Pagdating sa may sala, napahinto ako sa ganda nang interior nang bahay nila. Simple but elegant ang dating. Nakakaengganyong tumira sa bahay nila. Agad naman niya akong niyaya para magpahinga sa kuwarto niya. Pinauna niya ako dahil kukuha muna siya nang meryenda namin. Naglakad ako papuntang pintuan nang room niya at nang matapat ay bigla na naman akong kinabahan.

Pinihit ko yung door knob at itinulak yung door, nagulat ako sa nasaksihan ko. Para akong tinuklaw nang ahas at hindi makagalaw.

(itutuloy...)

3 comments:

Joseph said...

waaaaaaaaaaaaa!bitin!ahahah!author kelan po ung kasunod?

Anonymous said...

san na po yung kasunod?? ^^,

Coffee Prince said...

waaaaaaaaaaaaaa! ano na nangyariiiiiiiii . .

kabitin, pero in fairness, ang ganda ng story . .


:D


Keep it up author & GOD Bless!