Tuesday, January 18, 2011

Part 1 : Enkantadong Gubat

By: Jayson
Genre: Homo-erotic, Fantasy

*************************************************************
Prologue 

Tumakbo siya papasok ng IT Park – hindi na niya kailangan na lakasan ang pagtakbo sa pagkat ang mga taong humahabol sa kanya ay medyo malayo pa at malabo nang mahuli pa siya. Isang sampal para sa kanya ang tawaging isang pangkaraniwang magnanakaw lamang, para sa kanya mas magaling pa siya riyan. Sa totoo lang magaling naman talaga siya, kahit na sa edad na kense maiituturing na siyang isang experto.

Madali niyang napapansin ang mga ang mga taong mahilig sa luho at kadalasan tama ang kanyang mga hinuha sa kung ano ang gusto nito. Pagkatapos, isang tanong lang ang kailangan upang makapagsimula ng usapan, papaniwalain niya ang kausap na taglay na siya ang isang mahalagang bagay at ipagbibili ito sa murang halaga. Napakagaling nitong manlinlang na agad naman niyang nauuto ang kausap na bilhin ang isang bagay na wala naman talaga.

Ang pagbebenta ng mga mga bagay na hindi sa kanya o mga bagay na wala naman talaga ang siyang pangunahing dahilan kung bakit walang dereksyon ang kanyang buhay. Sa pagkakataong ito mukhang mali yata ang tantya niya at sa halip na makalabas ng Brgy. Apas na hindi nahuhuli ay heto at hinahabol pa siya ng madlang kanyang naging biktima.

Hindi naman siya namomroblema sa sitwasyon niya kasi mga tanga naman ang madlang humahabol sa kanya; ang iingay kaya madali niyang nalalaman kung nasaan ang mga ito at iwasan. Medyo napagod na siya sa kakatakbo kaya naisipan niyang magpahinga. Nang lumingon siya ay nakita niya na papalapit na ang mga humahabol sa kanya; kaya naisipan niyang magtago sa likod ng puno ng akasya na nakatanim sa likod ng rehabilitation center sa may bungad ng IT Park. Nakaupo lang siya habang pinagmamasdan niya ang mga taong humahabol sa kanya na papalapit sa kanyang dereksyon, pero ang nakakapagtaka ay parang di siya nakikita ng mga ito. Natawa nalang siya habang pinagmamasdan niya ang mga taong nagsisigawan, galit na galit sa paghahanap sa kanya.

Habang pinagmamasdan niya ang mga humahabol sa kanya, may narinig siyang isang sutsot sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito nagtaka siya sapagkat ang pagkakakita niya ilang minuto lang ang nakakaraan ay may iisang puno lang sa lugar na iyon, ngunit parang isang malaking gubat ang kanyang nakita. Ginala niya ang kanyang paningin at puro puno at damo ang nasa paligid hanggang sa nawala sa kanyang paningin ang nagtataasang gusali ng IT Park, wala na rin ang mga taong bayan na humahabol sa kanya. Huli na nang mahinuha niyang nasa gitna na siya ng kagubatan.

“Ngayon ay nasa kamay na siya ng kagubatan” sabi ng isang batang engkanto.
“Sa tingin ko ay kailangan muna nating maghintay,” sambat naman ng matandang engkanto na kakarating lang, “Minsan kusa silang pinapalabas ng kagubatan, parang ayaw ng gubat sa kanila.”

Tiningnan niya ang paligid at mukhang napapagod na ang kanyang mga mata sa kakatingin ngunit di niya pa rin maaninag ang naglalakihang gusali ng IT park. Di niya maipalawanag kung papaano siya napunta sa kagubatang iyon. Naisipan niyang maupo sa isang bato na nakita niya sa tabi ng isang malaking puno. Hindi siya mapakali may palagay siyang hindi siya nag iisa. Nararamdaman niya ang mga matang nagmamatyag sa kanya.

“Munting nilalang, anong meron ka ngayon para sa akin?”

“Kamahalan, isa pong mortal ang hinahabol ng taong bayan. Pinapasok ko siya at binigyan ng kaligtasan dito sa kagubatan. Naghihintay nalang po siya sa inyong hatol.”

“Oo nga, bata pa siya ngunit nasa tamang edad na upang makagawa ng bata. Ayon sa ating batas kailangang tratuhin natin siya gaya ng sa matatanda. Hmm..mukhang takot siya, pero natural lang iyan; at ang kanyang pangalan ay, ahhh Jed. Ngayon imbestigahan natin ang dahilan kung bakit siya ipinadala dito sa kagubatan. Hmmm... mukhang may kakayahan naman; ngunit mukhang di pa niya alam kung papano ito gamitin. Ang nakakalungkot lang ay isa siyang makasariling nilalang at ginagamit niya ang kanyang kakayahan upang manlinlang ng kapwa.”

“Ano ang kakayahan niya kamahalan?”

“Tingnan natin, nasa eksaktong posisyun siya, lagi niyang alam kung nasaan siya. May kakayahan din siyang maramdaman ang pakiramdam ng iba, dahil dito alam niya kung ano ang pangangailangan ng iba.”

“Sa tingin nyo po mali ako sa pagpapasok ko sa kanya, kamahalan?”

“Munting nilalang, minsan kailangan nating magbaka sakali. Hindi naman sa lahat ng oras ay sigurado tayo sa ating mga desisyon. Mas mabuti nga ang ganoon, nakakadadag ito ng kulay sa ating buhay. Kahit na sa tingin ko ay may kakayahan nga siyang makagawa ng kaguluhan sa ating mundo. Sa ngayon ay kailangan natin siyang bantayan ng maigi; di na ako magugulat pa kung makatakas siya dito sa kagubatan; naiisip ko pa lang ay mukhang kapana-panabik na, kasi wala pa namang nakakapasok sa kagubatang ito na nakakalabas ng buhay.”

“Pero kamahalan, kung baka sakali nga na makalabas siya, malaki ang mawawala sayo!”

“Totoo, tama ka munting nilalang; iyan ang nakasaad sa batas at kailangan natin iyang sundin. Buksan nating tuluyan ang ating mundo sa kanya at umpisahan na natin ang kasiyahan.”

“Masusunod po kamahalan, gaya ng iyong nais, bubuksan ko na ng tuluyan ang ating mundo para sa batang mortal.”

-itutuloy-

Note: Maikli lang ang part na ito kasi I have to make sure that each episode has one plot lang. Ngunit wag po kayong mag-alala if magustuhan niyo man ang kwentong ito, araw-araw ko na po itong i-update. Kung gusto niyong mabasa ang mga updates ng mas maaga paki bisita nalang po ako sa blog ko kasi medyo delayed ang posting ko sa ibang mga blog sites, paki leave nalang po ng comments dito at sa blog ko mismo para naman gumana ang utak ko. Kung hindi niyo naman gusto, okay lang po, just leave and do not read further.

Here is my blog: www.jaysoncnu.blogspot.com

2 comments:

Clyde Menkent Solis said...

Wow hahaha Enchanted na enchanted mga Parapsychologist pasok hahaha

DALISAY said...

@CLYDE: Salamat sa Pagbabasa ng akda ni Jayson.