-----------------------------------
Chapter 7
Status: In a Relationship
“Sobra naman” reaksyon ni Micco sa pagbukas niya ng Facebook. Isang buwan at dalawang linggo nadin niyang hindi nagagalaw ang kanyang facebook account o kahit anong online social networks. Isang buwan at dalawang linggo na din siyang pinapaniwalaang nasa Italy, kung kayat hindi na nakakapagtaka kung umabot man ng 200messages at flooded na ang wall niya. Ngayon lang siya nakalabas mag-isa sa bahay nila Adrian at sinamantala na niya ang pagkakataon para makapag-internet sa labas.
“Micco, bakit hindi ka nagrereply sa mga messages namin. Ano na ba ang balita sa’yo? Pahingi daw ng picture mo si Tita. Sobrang miss ka na. J” sabi ni Ate Jhell niya sa isang message nito.
“Pasabi po sa kanila na sorry. Ayos lang po ako dito, medyo pikon lang ang amo ko, mayabang, masama ang ugali pero mabait. Huwag na po kayo mag-alala sa akin, masaya po ako dito, sana maging masaya din kayo diyan. Iyong picture po next time na lang.” reply ni Micco sa message ng ate Jhell niya habang ang iniisip ay ang kanyang Sir Adrian.
“Micco, kailangan mo nang mag-isip ng paraan.” sabi ni Micco sa sarili. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ni Micco.
“Hello” bati ni Micco.
“Micco, nasaan ka ba?” tanong sa kanya ni Adrian.
“Secret, walang clue” sagot nito.
“Pasecret-secret ka pa” sabi ni Adrian “lumabas ka na diyan sa internet café at umuwi ka na” tila utos nito kay Micco.
“Kung makapag-utos” sa loob-loob ni Micco “sige po” sagot ni Micco.
Pagkabayad sa counter ay agad na lumabas si Micco at nakita nga niya duon ang kotse ni Adrian.
“Paano mo nalamang nasa internet café ako?” may tila asar na tanong ni Micco.
“Nakita kasi kitang pumasok diyan” sagot ni Adrian “siyempre, lahat ng gusto mong gawin dapat pigilan ko” dugtong pa nito.
“Naku, sobra ka na. Patatawarin kita ngayon kasi may hihingin akong pabor sa’yo.” sigaw ng isipan ni Micco. Nagdadalawang isip man ay desidido at desperado na siyang humingi ng tulong kay Adrian.
“Sir Adrian” simula ni Micco “pwede po bang humingi ng pabor?” tanong ni Micco na may paawa effect.
“Aba, para kang isang anghel” tila pang-aasar ni Adrian.
“Seryoso ako Sir” pilit ni Micco “kung ayaw mo eh di huwag na lang.” sabi ni Micco.
“Sige, ano ba iyon?” tanong ni Adrian na may ngiti – “Tigil ka muna Adrian, mukhang kailangan talaga ng tulong nito” buyo at pagsaway ng isip niya.
“Pwede po bang magset-up tayo na kunwari Italy ang setting ‘tas nagpeperform ako?” pakiusap ni Micco.
“Bakit?” tila naguluhan si Adrian.
Nahihiya man ay nagsimula na itong magkwento. Bawat detalye nang nangyari sa kanya at bawat pasikut-sikot. “Naku Micco, kailangan mo ang tulong niya kaya tiisin mo na lang muna ang lait niya sa’yo. Pagkatapos ng pabor saka ka na lang gumanti” sigaw ng isipan ni Micco.
“Tatanga-tanga ka nga kasi” sabi ni Adrian. Taliwas sa inaasahang reaksyon ni Micco na pagtatawanan siya nito ay tila ba nabubwisit ito sa kanya dahil sa nangyari at sa ginawa niya.
“Sabi ko na nga ba tatanga-tanga ka talaga” galit na sinabi ni Adrian “bakit ba ganyan ka? Careless mo, parang wala kang pakialam sa pwedeng mangyari.” sabi ulit ni Adrian na tila nangangaral kay Micco.
“Hindi ko naman gusto iyong nangyari” sagot ni Micco.
“Iyon na nga, kung nag-iisip ka ba naman, kunggumagamit ka ng utak.” sagot ni Adrian.
“Oo, alam ko namang tatanga-tanga ako” nasaktan si Micco sa narinig kay Adrian at pinilit niyang pigilin ang luhang gustong umagos sa mga mata niya. “hindi mo na kailangang ulit-ulitin na tanga ako, hindi mo na kailangang ipamukha sa akin iyon.” Hindi na napigilan ni Micco ang sariling mga luha kung kayat ito na ang kusang kumawala sa mga mata niya – “Salamat na lang, kaya ko nang gumawa ng paraan sa problema ko.” wika ni Micco sabay bukas sa pinto ng kotse para lumabas.
Naging maagap naman si Adrian at walang anu-ano ay hawak na niya ang braso ni Micco. “Don’t go” sabi ni Adrian sa malumanay na tinig “I’m sorry” dugtong pa nito at hinatak na niya ulit papasok si Micco. Agad naman niyang pinaandar ang kotse at dali-daling umuwi na.
May pasok ang lahat ng mga pamangkin ni Adrian kung kayat pahinga din ito ni Micco. Pagkarating sa bahay ay dali-daling pumasok si Micco sa kwarto niya at maagap pa din si Adrian na sinundan ito hanggang sa loob.
“Micco” malungkot na wika ni Adrian.
“Bakit nandito ka?” tanong ni Micco.
“I’m sorry” tila nagsusumamo si Adrian kay Micco “I know that I hurt you.” dugtong pa nito sabay lapit kay Micco.
“Sige” si Adrian ulit “I’ll do everything just to help you solve your problem” tila pangungumbinsi naman ni Adrian kay Micco.
“Wag na, I can do this on my own” sagot ni Micco.
“Hindi” sagot ni Adrian “I will help you” giit pa nito.
“Bukas na bukas din, I promise to give you nice shots” sabi ni Adrian.
Nanatiling nakatahimik alng si Micco.
“I’ll propose to Sarah and please sing for us” sabi ni Adrian “that way you can have pictures as if you were in Italy.”
Tila nakaramdam ng saya si Micco sa sinabi ni Adrian at nakita niyang sincere ito sa pagtulong at paghingi ng tawad. Isang bagay lang ang hindi niya maintindihan, bakit tila kumirot ang puso niya ng marinig na magpopropose ito. Ang ganitong pakiramdam ay pinilit niyang kalimutan, mas mahalaga sa kanya ang magkaroon ng pruweba na siya ay natuloy sa Italy.
“Sir Adrian” sabi ni Micco “salamat po.”
Ngiti lang ang sinagot dito ni Adrian. Ilang minuto ding tahimik ang pagitan ng dalawa nang magpaalam si Adrian –
“Sige Micco, aalis na ako” paalam ni Adrian kay Micco.
“Sir” tawag ni Micco kay Adrian.
“Ano iyon?” tanong nito kay Micco.
“Kung pwede po wala sanang makaalam nito at huwag po sana ninyong sabihin kahit kanino, kahit kay Ate LJ.” pakiusap ni Micco.
“I’m giving you my word” sagot ni Adrian kasunod ang isang ngiti.
“Salamat po” tanging nasabi ni Adrian.
Hindi maintindihan ni Adrian kung bakit ganuon agad ang naging reaksyon niya sa nangyari kay Micco, hindi niya alam kung bakit siya apektado sa naging damdamin nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tingin niya ay apektado siya sa mga luha nito. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang magpopropose kay Sarah kahit wala naman talaga siyang gusto dito kung hindi pormahan lang. Para sa kanya ay mahalagang matulungan niya si Micco at mahalaga sa kanya ang nadarama nito.
Dumating na nga ang kinabukasan, namangha si Micco sa nakita. Oo, mukhang Italya talaga ang settings nang lugar. Tinupad ni Adrian ang pangako niyang dadalin ang Italya sa Pilipinas para lang makakuha siya ng magandang pangkumbinse sa mga magulang niya sa San Tadeo. Biglang nagring ang cellphone niya –
“Are you there?” tanong ni Adrian sa kabilang linya.
“Yes Sir” sagot ni Micco.
“Good, malapit na kami” sabi naman ni Adrian.
“Sir” tila nahihiya si Micco kay Adrian.
“Ano iyon?” tanong naman ni Adrian.
“Salamat po” sabi ni Micco.
“You’re welcome” sagot ni Adrian.
Halos sabay nilang pinindot ang end call.
Ito na ang oras, dumating na sila Adrian – “In fairness, maganda ang taste ni Sir Adrian, kaso mas maganda pa din si Ate LJ” saad ng isipan ni Micco.
Nagsimula nang kumanta si Micco, mga lovesongs na paborito ni Sarah ang kakantahin niya. Muling naramdaman ni Micco ang musika at saya na naibibigay sa kanya pag nasa itaas na siya ng stage, ang saya ng pakiramdam kapag kumakanta na siya at nagpeperform. Nabubuhay sa kaibuturan niya ang hindi maipaliwanag na ligaya.
Sa kabilang banda naman ay hindi inaasahan ni Adrian na ganuon pala kagaling si Micco – narinig niya itong tinuturuan ang mga pamangkin niya pero iba pala talaga pag siya na mismo ang kumakanta. Masarap pakinggan, masarap sa tenga at masarap sa pakiramdam at nakakagaan.
“Galing ng singer” komento ni Sarah.
“He is the music teacher of my pamangkins” wika naman ni Adrian na may pagmamalaki.
“He is great” kita ang paghanga kay Sarah.
“Sarah” simula ni Adrian sa pagbabago ng usapan.
“Ano iyon?” tanong ni Sarah.
“Can you be my girlfriend?” tanong ni Adrian.
Sa nakaka-in-love na boses ni Micco at sa version nito ng mga kanta ay napasagot ni Adrian ng oo si Sarah. Matapos ang dinner na iyon ay namasyal pa ang dalawa samantalang si Micco ay nauna nang umuwi.
Pagkarating ni Adrian sa bahay ay agad niyang hinanap si Micco. Dagli niya itong niyakap at nagpasalamat.
“Salamat Micco” sabi ni Adrian.
“Ako nga ang dapat magpasalamat” sagot naman ni Micco.
“Salamat talaga” giit ni Adrian.
“Bahala ka nga, basta ako ang dapat na magpasalamat dahil sa pabor mo” giit naman ni Micco.
“Kala ko ba si Ate LJ ang liligawan mo?” tanong ni Micco kay Adrian.
“Si LJ, may boyfriend na pala ang pinsan mo” sabi ni Adrian “kaya ayun, si Sarah na lang ang niligawan ko.”
“Sinong boyfriend” tila may pagtataka kay Micco “ayos ka din ano, lahat na lang ata liligawan mo.”
“Migs daw ang pangalan” sabi ni Adrian “namimili naman ako ng liligawan ko, target ko talaga si Sarah pag binasted ako ni LJ.”
“Si Kuya Migs? Pinsan kaya namin iyon” sabi ni Micco “ayaw lang talaga sa’yo ni Ate LJ.” komento ni Micco.
“Sige mang-asar ka, tandaan mo dahil sa akin may picture ka na ipapakita sa inyo.” tila may pananakot kay Adrian.
“Sorry naman” paghingi ulit ng dispensa ni Micco.
“Sige na, maghahating-gabi na pala, matulog ka na at tuturuan mo pa ang mga pamangkin ko bukas.” sabi ni Adrian.
“Salamat po talaga Sir” sabi ni Micco sabay lakad papunta sa kwarto nito.
Kinabukasan –
“Mga bata, dito tayo ngayon sa pool mag-aaral.” sabi ni Micco.
Pinalusong ni Micco ang mga bata sa swimming pool na nasa likuran ng bahay nila Adrian. Ngayon nga ay tanging ulo na lang ang nakikita sa mga ito. Sinimulan niya sa breathing exercise at sinundan ng Do – Re – Mi at pinakanta ang Do – Re – Mi. maya-maya pa ay pinaahon na niya ang mga ito para makapagmeryanda muna.
Habang kumakain ang mga bata ay pumunta muna siya sa may gilid ng pool. Nakatanaw sa malayo at malalim ang iniisip. Hindi pa man nagtatagal at –
“Ahhh” sigaw ni Micco “Tulong, tulungan ninyo ako” dugtong pa nito.
“Micco” sabi ni Adrian na nasa may hindi kalayuan. Agad nitong tinakbo ang kinaroroonan nila Micco at nang makitang nalulunod ito ay agad niyang tinalon ang pool para iligtas si Micco. Nakaramdam siya nang pag-aalala para kay Micco, pakiramdam na ayaw niyang mawala ito sa paningin niya.
Agad na niyakap ni Adrian ang pipisag-pisag na si Micco na patuloy sa pagkampay ng mga kamay at mga paa. Biglang huminto ang mundo nila Micco at Adrian. Kakaiba ang naging pkairamdam ni Adrian sa nangyaring iyon, tila may kakaibang tuwa ang naidulot sa kanya ng pagkakayakap kay Micco. Hindi niya maipaliwanag ngunit sa tingin niya ay ayaw na niyang bitiwan pa si Micco, ayaw na niyang pakawalan ito. Matindi ang naging pagnanais niyang yakapin ito hanggang sa mawala ang takot nannadarama ni Micco.
Sa kabilang banda ay tila lumundag ang puso ni Micco nang yakapin siya ni Adrian. Pakiramdam niya ay naging napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Naramdaman niya ang kaligtasan sa mga bisig nitong ngayon nga ay nakaikot sa kanyang katawan. Tila nanginig ang buo niyang katawan sa kakaibang pakiramdam na naidulot nito sa kanya, ang pakiramdam na nakatagpo siya ng taong nakahandang magligtas sa kanya, ng taong may kayang pagaanin ang loob niya.
Ngayon nga ay nagtama ang kanilang mga paningin, may bilyong boltahe ng kuryente ang nanulay sa mga titig na iyon. Tila nawili ang dalawa at hinayaang mapako ang mga mata nila sa isa’t-isa. Lalong nakaramdam ng ligaya sila Adrian at Micco, kakaiba – oo kakaibang damdamin ang unti-unting nabubuksan sa kanilang mga puso. Ayaw nang pakawalan pa ni Adrian ang mga mata ni Micco, nawiwili na siyang titigan ito. Hindi niya namamalayang may isang damdaming unti-unti nang umusbong sa kanyang kaibuturan. Si Micco man ay tila ayaw nang matapos ang oras na iyon, gusto niyang titigan ang mga mata ni Adrian habang-buhay. Hindi din niya pansin ang isang bagong damdaming ngayon lang niya naramdaman at mararamdaman.
“Tito” sabay-sabay na sigaw ng mga bata.
Sa tawag na ito natauhan ang dalawa. Inunat ni Micco ang mga paa at nakaramdam ng hiya para sa sarili. Abot ng mga paa niya ang sahig ng pool na iyon at lalo siyang nahiya ng maramdamang kabalikat lang pala niya ang tubig sa gawing iyon ng pool. Agad siyang bumitiw sa pagkakayakap ni Adrian at mabilis na umahon sa pool. Nangiti naman si Adrian sa naging reaksyon ni Micco kayat agad niyang hinabol ito.
“Micco” tawag ni Adrian “sandali lang Micco.”
Nahihiya man ay nilingon ni Micco si Adrian “Nakakahiya naman po Sir.” sabi ni Micco.
“Sorry po Tito Micco” paghingi ng tawad ni Melissa – “buti nga sa’yo” sa loob-loob ng bata.
“Ayos lang iyon Melissa” sagot ni Micco kasunod ang isang ngiti.
“Tara muna sa loob, magpalit ka muna ng damit” aya ni Adrian kay Micco sabay abot ng tuwalya para ibalot sa katawan ni Micco.
“Salamat po Sir Adrian” wika ni Micco.
Pagkapalit ng damit ni Adrian ay kinatok niya si Micco sa kwarto nito at pinagbuksan naman siya ni Micco. Matiim ang mga titig ni Adrian kay Micco – tipong lalamunin siya ng buhay.
“Pinagana mo na naman iyang katangahan mo” simula ni Adrian.
“Sorry po Sir” sagot ni Micco.
“Wala ka bang utak?” tila nang-aasar si Adrian “kita mo na at hanggang balikat mo lang pala iyong tubig, pipisag-pisag ka pa. Hindi ka ba nahihiya?” tanong pa ni Adrian.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin na hanggang balikat ko lang pala iyon? Bakit tumalon ka pa?” balik na tanong ni Micco.
“Ah, eh” basta wala lang” sagot ni Adrian. Hindi niya malaman kung bakit ganuon din ang naging reaksyon niya sa pagkakahulog ni Micco sa tubig.
“Hindi mo ba alam na nag-alala ako sa’yo” dire-diretsong saad ni Adrian. “Gago kang Adrian ka, bakit iyon ang sinabi mo?” sabi ni Adrian sa sarili.
“Aba, type mo ako?” sabi naman ni Micco sa sarili na tila nakaramdam ng kilig. “Ikaw? Nag-aalala?” sagot ni Micco.
“Oo, wala kasi akong aasarin kapag may nangyaring masama sa’yo” putol-putol na wika ni Adrian. “Bakit ba nagkakaganyan ka Adrian” pangaral ni Adrian sa sarili.
“Basta, ihanda mo ang mga bata, darating dito si Sarah mamaya” sabi ni Adrian kay Micco at sabay labas sa kwarto nito.
“Ewan ko sa’yo” singhal ni Micco.
Sa totoo lang ay hindi maintindihan ni Adrian ang sarili kung bakit naging ganuon siya sa pakikipag-usap kay Micco. Tila may isang damdaming kumikiliti sa kanya para buksan ang isang pintuan sa puso niya para sa isang bagay. Sa kabilang banda, kahit na may inis ay tila kinilig si Micco sa reaksyon mula kay Adrian. Paano kaya nila haharapin ang bagong yugto na ito sa buhay nila.
No comments:
Post a Comment