Chapter 8
Last Bout: Tahan na Micco
“Sarah” sabi ni Adrian “I want you to meet my nieces and nephews.”
“Kids” sabi ulit ni Adrian “this is your Tita Sarah. Introduce yourself.”
“I’m Melissa” pakilala ng una na may kasunod na irap.
“I’m James” masayang pakilala ng pangalawa.
“I’m Nicole” sabi ng pangatlo.
“I’m Margareth” sabi ng sumunod.
“I’m Charles” ang panglima.
“I’m Eugene” pakilala ng pang-anim.
“I’m Matthew” sabi ng huli.
“Nice metting you” sabi ni Sarah kasunod ang isang maasim na ngiti.
“Tita Sarah we prepared something for you” sabi ni Nicole.
“What is that?” tanong ni Sarah.
“Kuya Micco” sabi ni Matthew sabay takbo papunta kay Micco.
“Tito Micco teaches us a folk lovesong to sing for you” sabi ni Margareth.
“I’ll be glad to hear that” sabi naman ni Sarah sabay ang tingin kay Adrian.
“Sige na Micco, pakita mo na iyong ginawa ninyo” sabi ni Adrian na tila excited na marinig ang kung anuman ang gagawin ng mga bata.
Nagsimula na ngang kumanta ang mga bata –
“Bituing marikit, sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay
Yaring aking palad, iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako’y bahaginan.”
“Nice blending and beautiful harmony” komento ni Sarah.
Tila natulala si Adrian sa naririnig niya, may kung anung bumabalik sa alaala niya. masasayang alaala kung saan ay muli niyang nararamdaman dahil sa kantang iyon. Mga alaalang akala niya ay hindi na dadaan ulit sa isipan niya.
“Natanim sa puso ko ang isang pag-ibig
Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, ako’y nasasabik
Ikaw ang pangarap ko, bituing marikit.”
Tila ba dinala na si Adrian ng nakaraan, ang nakaraan kung saan ay masaya niyang kasama ang mga kapatid, ang nakaraan kung saan ang kantang iyon ay unang tinuro sa kanya ng mga kapatid na nagpakita ng pagmamahal sa kanya. Ang kantang iyon na muling nagpapakilala sa kung sino ba talaga siya. Ang kantang bumubura sa lahat ng galit niya sa mundo.
“Lapitan mo ako, halina bituin
Ating pag-isahin, ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa’y, huwag mong uhawin
Sa tamis ng iyong pag-ibig.”
Natapos ang kantang punung-puno ng mga alaala ng nakaraan si Adrian. Wari niya’y nabuksan ang isang katauhang matagal nang nakakulong at nakakandado na pilit niyang binago, na binago ng isang malagim na trahedya na dumaan sa pamilya nila.
“I really hate songs like that” sabi ni Sarah “It’s so boring.” dugtong pa nito.
Hindi na lang umimik pa si Adrian.
“I really appreciate your effort Micco as well as with you, kids” sabi ulti ni Sarah “but I really don’t appreciate songs like that.”
Hindi na lang din nagsalita pa si Micco bilang paggalang kahit na nga ba gustong-gusto na niyang sagutin si Sarah.
“That song is beautiful” sabi naman ni Melissa “it’s classic.” dugtong pa nito.
“We hate you” sabi naman ni Margareth.
“Kids, tama na iyan” pag-awat ni Micco at inaya na niya ito palabas sa kinaroroonan nila Adrian at Sarah.
“I thought that they will sing nice song” sabi ni Sarah kay Adrian pagkaalis nila Micco.
“That is a beautiful song” pagkontra ni Adrian. Hindi din matanggap ni Adrian na laitin ang kantang nagpapaalala sa kanya sa mga kapatid na pinatay. Minabuti na lang niyang ihatid pauwi si Sarah kaysa sa magsimula sila ng away dahil lang sa kantang iyon.
Nagtataka man ay pumayag si Sarah na umuwi din kaagad.
Ngayon nga ay isang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ito. Sa tingin naman ni Micco ay masaya si Adrian kay Sarah dahil nakita niya ang pagbabago sa ugali nito. Hindi na sila madalas kung magbanggaan at magsagutan o inisan.
Nang umagang iyon ay tuturuan ni Micco ang mga bata kung paano nagkakaiba-iba ang genre ng mga kanta at kung paano ang technique para maayos, maging maganda at tama ang breathing pag mabibilis na kanta. Tulad ng nakagawian ay basic exercises ang pinagawa niya sa mga ito. Hindi marunong bumasa ng chords si Micco kung kaya’t tiyaga lang siya sa pakikinig sa original para maisalin sa piano at maisabay sa mga bata. Nasa bahay din si Adrian ng mga araw na iyon, hindi ito lumakad o pupunta sa kung saan mang lupalop.
“Sandali lang, may nakalimutan ako sa taas” paalam ni Micco sa mga bata.
Walang anu-ano ay napasigaw ito – “ahhh” at unti-unting bumagsak ito na patihaya sa sahig ngayon naman ay pabagsak na sa gawi niya ang dala-dalang bag na umitsalo sa taas.
Sakto namang palabas na si Adrian ng mga oras na iyon para kamustahin ang mga bata at si Micco. Kitang-kita niya kung paano nadulas si Micco at kung paano ito babagsakan ng bag na ngayon ay pabagsak sa sahig. Dali-dali niya itong tinakbo subalit sa kamalasan ay – “ahhhhh” sigaw nito at padapa siyang bumagsak sa papatayong si Micco.
Hindi sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi. Muli, tila huminto ang mundo ng dalawa sa nangyaring iyon. Ang kanilang mga labi ay magkahinang at ang mga mata ay nagtatama at napako sa isa’t-isa. Pakiramdam ni Micco ay nanginginig ang bawat himaymay ng kanyang laman, nanunuot sa kanyang katauhan ang malalambot na labi ni Adrian. Pakiramdam niya ay tumatagos sa kaloob-looban niya ang halik nito sa sapat na para magwala ang kanyang nakataling puso.
Sa kabilang banda ay muling may kumiliti sa katauhan ni Adrian sa kung anuman ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Micco. Pakiramdam niya ay may milyong maliliit na boltahe ng kuryente ang nagiging sanhi para mas lasapin ang batang-batang labi ni Micco. Ang mainit, mapula at malambot na labi ni Micco. Milyong boltahe ng kuryente upang maramdamang ang halik na iyon ay nanunuot sa kanyang buong pagkatao. Tila nawalan siya ng lakas para tumayo o alisin ang mga labi sa labi ni Micco. Ayaw na niyang maalis ito mula sa pagkakahinang sa pakiramdam niya.
Walang anu-ano ay bumagsak ang bag sa ulo ni Adrian na naging sanhi para lalong madiin ang mga labi niya sa labi ni Micco. Sa pagkakataong ito ay imbes na masaktan ay lalong natuwa si Adrian dahil higit pa niyang nanamnam ang labi ni Micco. Nagising na lamang ang diwa ni Adrian nang tawagin sila ng mga pamangkin niya.
“Are you okay Tito Adrian?” tanong ni Melissa na labis na nag-aalala.
Biglang tumayo si Adrian at napansing ang lahat ng ito ay nakatitig sa kanila ni Micco. Si Micco naman ay natulala sa nangyari at ngayon naman ay nakakaramdam ng hiya nang mapansin din ang mga mata ng mga bata ay nasa kanila ni Adrian at nakita ang kung anumang aksidente na naganap sa kanila.
“Sana wala na lang ang mga bata” tudyo ng isipan ni Micco “sana, sana, sana, ayiee nakakakilig” bulong pa ng isipan niya na naging sanhi para mangiti siya.
“Kasi naman hindi ka nag-iingat. Stupid! Stupid! Stupid!” biglang bulyaw sa kanya ni Adrian. Hindi alam ni Adrian kung bakit bigla niya iyong ginawa kay Micco kahit hindi naman siya galit dito.
“Kayong mga bata kayo, bakit kasi nag-iiwan kayo ng mga balat ng saging sa sahig” pangaral ni Adrian sa mga bata.
“Adrian” tawag ni Micco “walang kasalanan ang mga bata, ako ang nakalaglag niyan diyan” pagtatanggol ni Micco sa mga bata.
“Kaya naman pala” sabi ni Adrian “hindi ka na naman gumamit ng utak.”
“Paano kung ang mga bata ang nadulas d’yan?” sabi ulit ni Adrian. Iba ang nais gawin ni Adrian, ang gusto niyang gawin ay lapitan si Micco para tanungin kung ayos ba ito o may masamang nangyari ba sa kanya.
“Puro na lang kapahamakan ang dinadala mo dito” sabi pa nito “pinapairal kasi ang katangahan.”
“Okay sige” sagot ni Micco “aalis na lang ako para wala ka ng nakikita pa.” sabay takbo paakyat ni Micco.
Gusto sana siyang habulin ni Adrian subalit yumakap na sa kanya ang mga bata. Nabakas sa mukha ng bata ang takot. Natakot sila sa ginawa ni Adrian kay Micco. Samantalang si Melissa naman ay nakangiti at tila ba nagbubunyi dahil sa wakas ay aalis na si Micco.
Labis man na nasaktan ni Micco sa kung ano ang sinabi ni Adrian ay higit pa ang naramdaman niya ng ipahiya siya nito misma sa harap ng mga bata. Ayos lang sa kanya ang pagsabihan, pero ang ulit-uliting ipamukha sa kanya na tanga siya at ulit-ulitin ito sa harap ng mga bata. Matagal din niyang inayos ang mga gamit, sa tatlong linggo niyang pamamalagi sa bahay na iyon ay napamahal na sa kanya ang buong lugar. mabigat man sa loob dahil sa ganuong paraan niya lilisanin ang lugar na iyon ay wala siyang magagawa.
Pagdaan niya sa silid ni Melissa ay narinig niya ang mahihinang hikbi mula dito. Walang pag-aalinlangan niyang pinasok ito kahit na nga ba alam niyang ito talaga ang naglagay ng balat ng saging sa sahig na naging sanhi nang pagkakadulas nila.
“Anong problema?” tanong niya kay Melissa.
Irap lang ang sinagot sa kanya ng bata.
“Hay! Aalis na nga ako ganyan ka pa sa akin” sabi naman ni Micco “sabihin mo na ang problema mo para naman bago ako umalis matulungan kita” wika ni Micco.
“Wala!” madiing wika ni Melissa.
“Sabi mo wala” sabi ni Micco “ikaw din, ‘pag umiyak ka lang ng umiyak diyan kawawa ka, papangit ka” sabi naman ni Micco.
“Gusto mo sigurong pumangit” tila pamimilit niya sa bata para sabihin na ang problema nito.
“Kita mo kumukulubot na ang mukha mo kakaiyak” sabi ni Micco sabay hawak sa pisngi ni Melissa.
Agad namang napahawak si Melissa sa pisngi niya – “Talaga Tito Micco? Kumulubot na mukha ko?” tanong ni Melissa na napahinto sa pag-iyak.
“Oo” sagot ni Micco “iyak ka kasi ng iyak. Ano ba kasi ang dahilan ng pag-iyak mo?” tanong pa ni Micco.
“Kasi” tila alangan si Melissa kung sasabihin ba ang problema kay Micco.
“Kung sikreto man iyan, hindi ko na naman masasabi kay Tito Adrian mo iyan, kasi aalis na ako.” wika ni Micco.
“Kasi Tito Micco nakipaghiwalay na ang boyfriend ko sa akin.” sabi ni Melissa sabay yakap kay Micco.
“Aysus, iyon lang ba?” sagot ni Micco “hindi dapat iniiyakan ang mga ganyang bagay. The greates revenge you can do is to be beautiful and happy” sabi ni Micco.
“I love him so much” sabi ni Melissa.
“Bata ka pa, madaming dadaan sa buhay mo, mas matindi pa diyan. Kung iyan iniiyakan mo na paano pa kaya pag mas malala diyan” wika ni Micco “saka bata ka pa, hindi mo dapat masyadong dibdibin ang boyfriend-boyfriend na yan” dugtong pa ni Micco.
“Tito Micco!” iyak ni Melissa.
“Kung ayaw niya sa’yo bahala si’ya” sabi ni Micco at tuluyan na ngang tumahimik ang pagitan ng dalawa.
Samantala, si Adrian naman ay dumiretso sa kwarto niya at hindi alam kung paano pakikiharapan si Micco. Alam niyang masyadong nasaktan si Micco sa ginawa niya at alam din niyang malamang ay hindi pa din ito handang makipag-usap sa kanya. Labis na pag-aalala ang nadarama niya, hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling totohanin man nito ang gagawing pag-alis sa kanila. Sa ganitong pag-iisip siya ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
“Tito Adrian” tawag ng mga bata sa labas.
“Pasok kayo” sagot ni Adrian.
“Tito Adrian” nanginginig ang mga bata na bakas pa din ang takot.
“Sorry sa nangyari kanina” paghingi ng tawad ni Adrian sa mga bata.
“Tito, may sasabihin po kami” sabi ni Nicole.
“Ano iyon?” tanong ni Adrian.
Nagturu-turuan ang mga bata kung sino ang dapat na magsabi. Lalo namang naguluhan si Adrian sa naging reaksyon ng mga ito.
“Matthew, ano iyong sasabihin ninyo?” tanong niya kay Matthew para matapos lang ang turuan ng mga bata.
“Kasi po” nanginginig ang boses ni Matthew “si Ate Melissa po ang naglagay ng mga balat ng saging sa sahig kanina” pagatol-gatol na wika ni Matthew.
“Akala ko si Tito Micco ninyo?” tanong ni Adrian sa mga bata “bakit naman gagawin ni Melissa iyon?”
“Kasi po tito ayaw niya kay Tito Micco kaya niya ginawa iyon” sabi naman ni James.
“Pati nga po ung sa pool si Ate Melissa din ang nagtulak kay Tito Micco” pagsusumbong ni Charles.
Bigla namang nagbago ang aura ni Adrian kung kayat dagli siyang tumayo at mabilis na tinungo ang kwarto ni Melissa.
Mararahas na katok ang ginawa niya sa kwarto ni Melissa – “Melissa” madiin niyang wika “Melissa!” sunod pa nito.
Nagulat naman sila Micco at Melissa, tila nakaramdam ng kaba si Melissa dahil unang beses siyang tinawag ng tito Adrian niya ng ganito. Natatakot man ay sumagot ito – Bakit po Tito?” tanong niya sabay pihit sa pinto.
Pagkapasok ay agad na hinila ni Adrian si Melissa sa loob ng silid nito at inihagis sa higaan niya. Umiiyak ngayon si Melissa. Tila nagulat si Micco sa nakita nito na tila nagwawalang hayop si Adrian. Nakita din niyang nakasunod ang mga bata na ikinatakot niyang lalo na baka ma-trauma ito sa Tito Adrian nila. Agad niyang nilabas ang mga bata at kinausap.
“Sa baba na muna kayo” pakiusap ni Micco sa mga bata.
“Tito Micco anong gagawin ni Tito Adrian kay Ate Melissa?” tanong ni Margareth.
“Pagsasabihan lang siguro” palusot ni Micco.
“Bakit po umiiyak si Ate Melissa?” tanong pa ng isa.
“Baka nagulat lang kay Tito Adrian n’yo” palusot ulit nito.
“Sige na, sa baba na muna kayo, pipigilin ko lang ang Tito Alex ninyo. Tawagin na din ninyo si Manang” sabi pa ni Micco.
Agad na pumasok si Micco sa loob ng kwarto at nakita niyang may hawak na sinturon si Adrian at ihahampas kay Melissa ang gawi na may buckle.
“Ikaw na bata ka, bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Adrian na tila hindi na naghihintay pa ng kasagutan. Sabay bigay ng isang palo dito.
Muling itinaas ni Adrian ang sinturon subalit naging maagap naman si Micco at nahawakan niya ang kamay ni Adrian. Sa lakas si Adrian ay nagawa siya nitong maihagis papunta sa sahig kasama ang sinturon na inaagaw niya.
“Lumayas ka dito!” sigaw ni Adrian kay Micco.
Muling hinarap ni Adrian si Melissa at gamit ang kamay muli nitong papaluin ang bata. Tulad nang kanina at naging maagap si Micco, sinuggaban niya si Adrian para awatin sa gagawin kay Melissa. Tulad nang una ay naitulak siya ni Adrian palayo at ngayon nga ay humagis siya sa may upuan na naging sanhi para makaramdam siya ng dobleng sakit at magtamo ng sugat.
Natigilan naman si Adrian sa ginagawa kay Melissa at nakaramdam ng pangamba at pag-aalala para kay Micco. Dagli niyang nilapitan si Micco para tulungan, imbes na pahawak kay Adrian ay agad nitong pinuntahan si Melissa.
“I’m sorry” sabi ni Adrian.
“Anong nangyayari dito?” tanong ng mayordoma pagpasok sa loob ng kwarto.
“Melissa, pakabait ka” pagkasabi nito ay agad na kinuha ni Micco ang mga gamit niya at mabilis na umalis.
Hinabol ito ni Adrian ngunit sadyang mabilis si Micco. Tila ito lumilipad na sobrang bilis. Tanging nasa isip lang ni Micco nang mga oras na iyon ay mailigtas si Melissa at makaalis na agad sa bahay na iyon. Ayaw na niyang makipag-usap pa kay Adrian at ayaw na niyang makipagtalo pa dito ulit.
“Tito Micco” umiiyak na sabi ng mga bata pagkasalubong sa kanya sa baba ng bahay.
“Papakabait kayo” sabi ni Micco sa mga ito.
“Huwag ka nang umalis Tito Micco” pakiusap ng mga bata kay Micco.
“Micco, sandali” tawag ni Adrian buhat sa taas.
Nagmamadali namang inalis ni Micco ang pagkakayakap sa kanya ng mga bata at mabilis na lumakad palabas.
“Manong isara ninyo ang gate, huwag papalabasin si Micco” utos ni Adrian sa gwardiya.
“Ano ba kasing kailangan mo?” sabi ni Micco at hinarap na si Adrian.
“Micco please” sabi ni Adrian.
“Tatawagin mo na naman ba akong tanga?” sabi ni Micco.
“I’m sorry Micco” sabi ni Adrian.
“Sorry Sir, pero hindi ko na kaya, suko na ako” sabi ni Micco “kung ang balak mo na maging miserable ang buhay ko, oo, miserable na nga” sabi ulit ni Micco.
“Micco, hindi ganuon” kontra ni Adrian “I’m sorry, I’m really sorry.”
“Sorry” sabi ni Micco “tapos ano? Uulitin mo naman.” habol pa ni Micco. “Masakit, sobrang sakit, pakiramdam ko nadudurog na ang pagkatao ko sa tuwing ipapahiya ninyo ako” wika ni Micco. Kasunod nito na lumakad na siya palayo kay Adrian.
“Manong pagbuksan na po ninyo ako” pakiusap ni Micco sa gwardiya.
“Pero, Sir Micco” tututol pa sana ang gwardiya.
“Huwag, huwag mong bubuksan” sabi ni Adrian “I-lock mo ang gate para hindi makalabas si Micco.
Pero lubhang desidido si Micco at hindi siya mapipigilan, kaya naman ng kuhanin ng gwardiya ang susi sa may pwesto niya ay naging maagap si Micco para mabuksan ang maliit na gate. Subalit naging mas maagap si Adrian at nahawakan nito ang mga kamay ni Micco.
“Aalis ka lang dito pag sinabi ko” tila pag-uutos ni Adrian. Hindi ma intindihan ni Adrian ang sarili kung bakit ayaw na niyang mawala sa kanya si Micco. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang malalagutan ng hininga sa oras na mawala ito sa paningin niya. Matinding pangamba ang nadarama niya ngayon dahil aalis si Micco at mas lalong naging masakit sa kanya ang pagtatangka at pagkadesidido nitong iwanan na sila.
Tinalikuran naman ni Adrian si Micco kaagad, hindi na niya kaya pang makita ito nahihirapan higit pa na siya ang dahilan. Gusto niyang yakapin ito at pigilan subalit may bahagi sa kanya na tumututol at kumokontra. Walang anu-ano at –
Sabay na inihagis ni Micco ang dalawang bag niya sa labas ng gate at mabilis na inakyat ito. Nakalayo na si Adrian samantalang ang gwardiya ay umalis muna para gumamit ng banyo.
“Micco” biglang kilos si Adrian para mapigilan si Micco.
Naging mas maliksi si Micco, pagkabagsak niya sa kabila ay agad nitong kinuha ang mga gamit at saka kumaripas ng takbo palayo sa lugar na iyon.
Si Adrian naman ay agad na kinuha ang kotse at pinabuksan ang gate para habulin si Micco. Lubhang mabilis ata si Micco at hindi na niya nakita pa sa loob ng subdivion. Ilang oras din siyang iikot-ikot nang mapagdesiyunan niyang magtanong sa guard ng subdivision kung nakalabas na ba si Micco at sa pagkadismaya niya ay – oo nakalabas na ito.
Si Micco naman ay agad na nagtago sa isang sulok nang makitang padaan ang kotse ni Adrian. Nang masiguradong nakalayo na ito ay mabilis niyang tinakbo ang gate palabas ng subdivision at agad na sumakay ng taxi para makasakay ng bus papuntang ampunan.
Ilang oras din ang byahe niya, pagkababa niya ay agad niyang dineretso ang papunta sa Fortitude. Hindi pa man siya nakakakatok sa gate ng ampunan ay biglang may nagtakip sa ilong at bibig niya ay hinatak siya sa kung saan at isinakay sa kotse. Nakaramdam siya nang antok at kahit na anong pigil niya ay hindi niya magawang labanan at tuluyan na siyang pinanawan ng malay.
Pagkagising niya –
“Good Morning Micco” nakangiti at masayang bati kay Micco.
“Anong ginagawa ko dito?” tanong ni Micco.
“Ibinabalik ka kung saan ka dapat.” sagot naman ni Adrian.
“Pwede ba, tumigil na tayo” anas ni Micco “tanggap ko na, natalo ako sa’yo” dugtong ni Micco.
“Hindi naman ako nakikipagkumpitensya sa’yo” sagot ni Adrian “I’m sorry” sabi ni Adrian sabay hawak sa kamay ni Micco.
Nakaramdam ng kakaibang ligaya si Micco sa ginawang ito ni Adrian sa kanya. Ang mainit na palad ni Adrian ay sapat na para pawiin ang galti niya para sa binata at ang inis niya dito ay napalitang ng bago at kakaibang pagtingin. Naramdaman niyang sincere ito sa pagsosorry.
“May magagawa pa ba ako?” sabi ni Micco “nandirito lang din naman ako” tila biting wika ni Micco.
“Ayos na tayo?” tila may pagtatanong kay Adrian.
Isang ngiti lang ang sinagot ni Micco dito.
Agad na tumayo si Adrian sa tabi ni Micco at agad na tinawag ang mga bata. Pinapasok niya ang mga bata sa loob ng kwarto at ang mga ito ay isa-isang yumakap sa kanya, kahit si Melissa na ayaw sa kanya ay mukhang nakuha na din niya ang loob.
“Tahan na Micco” sabi ni Adrian “sinisigurado kong hindi na kita aawayin” tila paninigurado ni Adrian.
No comments:
Post a Comment