Sunday, January 9, 2011

The Encounter with The Flirt 7

Geeky


CHAPTER 7

Tumatagiktik na ang pawis ni Eiji sa buong katawan pero parang wala pa siyang planong huminto sa ginagawa. Ilang beses na niyang na-perpekto ang mga pinagpapraktisan na bagong technique sa paglalaro ng acrobatic tennis subalit tila kulang pa iyon para sa kanya. Kung makakapag-reklamo lang ang raketa at ang mga tennis ball na hinahampas niya ay malamang na naireklamo na siya sa pinakamalapit na barangay.

"Damn!" usal niya sa pagitan ng paghahabol ng hininga.

Nahiga siya sa malambot na bermuda grass ng tennis court. Bahagya niyang ibinaba ang suot na visor para hindi masilaw sa sikat ng araw. Kung makikita lang siya ng derma niya ay malamang na paulanan siya ng mura nun. Para kasing gusto niyang magkasakit sa balat sa ginagawa.

Pero kailangan niyang maging busy. Hindi kasi niya maalis sa isip ang eksena sa kanila kanina ni Billy. Hindi na ito lumabas ng kwarto nito pagkatapos ng agahan nila. Wala tuloy siyang magawa kung hindi ang pilitin ang sariling mag-praktis. Tutal naman ay malapit na ang laban niya para prelims ng US Open. Ngunit tila tuksong kapag nagkakaroon ng pagkakataon para siya panandaliang mag-isip ay pilit na sumisingit ang imahe ni Billy sa isipan niya. Tulad ngayon.

Memories of last night easily flooded his system. Naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan at ang reaksiyon ng kanyang pagkalalaki. Napaungol siya sa realisasyon. Hinamig niya ang sarili at tumagilid. He wanted Billy! Nakakagulat man ang napakabilis na development na iyon sa pagitan nila pero iyon ang totoo. Pero bakit nga ba niya tinanggihan ang alok ni Billy sa kanya?

Alam mo ang sagot diyan, Eiji. Sabi ng kontrabidang bahagi ng isip niya.

Naiiling na bumangon siya pero hindi tuluyang tumayo. Nanatili lang siya sa pagkaka-upo kahit pa tirik na tirik ang araw. Dedma sa banga ang drama niya. Mas gugustuhin pa yata niyang magka-cancer sa balat kaysa ang harapin ulit si Billy.

Nasa ganoon siyang pakikipag-diskusyon sa sarili ng makarinig siya ng mga yabag. Patamad niyang nilingon ang nagmamay-ari nuon para lamang panlakihan ng mata. His heart might have skipped a beat from seeing those mesmerizing eyes. Literal siyang napanganga sa kagwapuhan ng may-ari ng mga matang iyon.

Hindi! This can't be! Hiyaw niya sa isipan.

Unti-unti ang paglapit na ginawa ng taong umistorbo sa kamalayan niya. Tumingkayad ito paupo para magkarron ng lebel ang kanilang mga mukha. Naamoy niya ang mabangong samyo nito. Uy! Fresh!

"A-anong ginagawa mo dito?" he said stammering. Nais tuloy niyang batukan ang sarili. Lalaki lang iyan! Ano ba! Lalaki ka rin!

Weh di nga?

May inumang na bote ito sa kanya. Napatingin siya sa bote ng gatorade na nasa harap ng mukha niya. Nakakunot-noong tiningnan niya ito.

"Huwag mong sabihing pati ito ay tatanggihan mo? Nakakatampo ka na Eiji."

Para siyang pinitik sa tainga sa narinig. Ewan niya pero ramdam niyang nag-init ang kanyang punong-tainga hanggang mukha ng dahil sa kilig. Salamat sa haring araw at sa kanina pang pagpapawis at mukhang may dahilan siya para mamula ng wala sa oras.

"S-salamat." Nahihiya niyang sabi.

"You're welcome."

Napatitig siya sa mata nito. Para siyang hinihigop ng mga iyon. Nakakainis mang tanggapin pero mukhang ang lakas nga ng tama niya sa taong ito. Hindi niya alam kung aware ito sa nangyayari sa kanya ngayon pero ang lakas-lakas talaga ng tibok ng puso niya. Nag-aalala na nga siya at baka atakihin siya sa puso ng wala sa oras.

Tse! Wala kang sakit sa puso no?! Epal ng antagonist na parte ng kanyang isipan.

"Ah... Eiji."

Napakurap siya ng magsalita si Billy. Bakit parang musika sa pandinig niya ang pagbigkas nito ng pangalan niya? It sounded like, he was in love with him. Uh oh! You've said the "L" word Eiji. Patay tayo diyan! Napayuko siya sa naisip. Lord! Hamper ka! Hamper! Bakit kay Billy pa? He's so nice. Hindi bagay sa akin!

"About last night." Pagpapatuloy nito.

Napaangat siya ng mukha. "What about it?" Tumaas agad ang depensa niya para dito. Hindi kasi mamaring ulitin nito ang inaalok sa kanya at baka masuntok na niya ito ng matauhan.

"I want-"

"No."

"What?" Nalilitong tanong nito.

"I said no. Capital N-O. No!"

"No, what?"

"Yang sasabihin mo. Hindi ang sagot ko." Nagmamadali siyang tumayo at pinagpagan ang sarili.

"Bakit ano bang sasabihin ko?" Naiirita na nitong tugon.

"Alam ko na ang sasabihin mo. Kaya nga hindi na kita pinapatapos na magsalita. No Billy. Hindi sa tagalog."

"What? You're a mind reader now?"

"Hindi. Pero alam kong alam mo na alam ko ang gusto mong sabihin." Huh? Parang ang gulo?

"Talaga? O sige nga, anong sasabihin ko?"

Natigilan siya. Ano nga ba ang sasabihin nito? "E-eh, di ba yun yung..."

"I want a repeat." sansala nito sa paghahagilap niya ng isasagot.

"What?" Siya namana ng napatanga dito.

"Narinig mo ako. I want a repeat."

Juice ko! Ano bang pumasok na kalungkutan sa utak nitong taong ito?

"Y-you w-want a re...repeat?"

"Yes."

"But why?" Sa wakas, diretso niyang sabi.

"Because I want to."

"Yeah right. Ganoon lang yun. Natuto ka lang ng kabastusan, malakas na ang loob mong magyaya na para bang kendi lang ang hinihingi mo. How gregarious of you!" Maaskad niyang sabi.

"Ang dami mong snasabi Eiji. Do you want me or not?"

The question caught him off-guard. Sandali siyang napatitig dito. Subalit bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay nagmamadaling hinila siya nito palapit na kung hindi sa mabilis niyang reflex ay napasubsob na siyang tiyak dito.

"Maybe this can help you decide." anas ni Billy bago siya hinaklit sa batok para gawaran ng mariing halik. Parang deja vu ito ng kagabi. Iyon nga lang, siya ang nagpasimula. Siya ang guro. Ito ang estudyante. Pero ngayon, mukhang baligtad na ang pangyayari.

Mapangahas ang labi nitong pilit na sumisira sa kanyang katinuan. Ramdam niya ang kawalan ng experience ng dila nito pero mukhang mas lalong nagpaigting iyon sa kanyang damdamin. Mas nagpainit. Mas lalo siyang na-excite. Gumanti siya ng halik dito. Hindi alintana kung nasa gitna sila ng kung saan mang lupalop ng daigdig. Basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay silang dalawa lang. Ninanamnam ang tamis ng bawat isa.

Hindi alam ni Eiji kung ilang minuto ang itinagal--parang taon na nga yata--ng kanilang halikan ni Billy. Basta ang alam lang niya ay nasa alapaap ang pakiramdam niya. At ang mainit na hininga nito ay tumatama sa kanyang mukha. Kapwa sila humihingal pagkatapos ng maalab na eksenang iyon.

"Which room? Yours or mine?"

"Huh?" Disoriented na tanong niya.

"Okay. Sa kwarto ko na lang." Sabi nito saka mabilis siyang hinila patungo sana sa bahay kung hindi lang bumalik agad sa normal ang kanyang pag-iisip.

"Wait Billy. Stop!"

"Why?" Takang tanong nito.

"We need to talk."

"Can it wait?"

"No."

Napabugha ito ng hangin. Halatang frustrated. "Okay. Doon tayo sa bench." Sabi nito saka nagpatiuna pa patungo sa sinabi nitong lugar.

Nang pareho na silang nakaupo ay para naman silang timang na nag-aantayan sa kilos ng bawat isa. Siya, nag-iisip ng tamang salitang gagamitin. Ito, ewan niya. Panaka-nakang sumusulyap lang ito sa kanya. Seryoso ang hitsura. With matching knotted forehead pa. Sosyal!

"So?" Basag nito sa pananahimik nila.

Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan bago nag-aalangang tumingin dito. "A-about last night."

"Linya ko iyan."

"Ha? Ay oo nga no? Sige, pahiram lang ha."

Tumango lang ito.

"You were great." Pagsisimula ulit niya.

"Thanks. But I can hear a "but"."

Napailing siya. Billy may be a virgin when it came to sex and relationship but he's not stupid. In fact, mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ito na ang namagitan sa kanila ay normal lang. Nagkataon lang na siya ang nagbigay ng initiation dito but it was not enough for them to have a relationship.

"But, it's not right that we start something just because we had sex." There, nasabi na niya.

"I know. Nasabi mo na di ba?"

"So bakit ka nagyaya?"

"Because I want to. I want to do it again. With you. Masama ba iyon?"

Natameme siya. Bakit ba ang arte niya? Kung ang iba nga nagbabayad pa para lang magkaroon ng sex life tapos siya, heto at inihahain na isang makisig na lalaki ang sarili sa harapan niya eh tinatanggihan pa niya. Kabog! Ikaw na! Hirit ni Grazilda. Ang ipinangalan niya sa kontrabidang parte ng isip niya.

"Ah... What can I say?" Natuturete na niyang sabi. Pinangangapusan na siya ng hininga sa antisipasyon.

"Just say nothing."

"Okay. Just promise me one thing Billy."

Nangunot ang noo nito sa sinabi niya.

"After this, wala ka ng babanggitin about us, being together. Okay?"

Mataman siyang tinitigan nito. Seryoso. Hanggang sa napaskil ang mapang-akit na ngiti nito. He thought he just died and was sent back to heaven ng dahil sa ngiti na iyon.

Anong drama yan? Nagiging poetic ka na tsong!

"Sure. Can we go now?" There it was again. His lopsided smile. Para itong lethal injection na itinurok sa kanya ng paulit-ulit.

Hindi niya alam kung paano silang nakarating sa bahay at sa kwarto nito ng hindi napapansin ang mga tao sa paligid. Namalayan na lang niyang isa-isa na nilang tinatanggal ang kasuotan nila. Mainit ang pagtatagpo ng kanilang balat. May pananabik. Sa parte niya, puno ng antisipasyon. Sa parte ni Billy, puno ng pagsasaliksik. Parang batang uhaw sa pagtuklas ng bagong kaalaman.

Napabitiw siya dito ng maalalang pawisan pa siya.

"Bakit?" Tanong ni Billy.

"Magsa-shower lang ako." Aniya rito saka kinintalan ng halik sa labi bago tinungo ang banyo.

Nasa loob na siya at magsisimula pa lang na magbabad sa itinimpla niyang temperatura ng tubig sa shower ng pumasok si Billy in his naked glory. His member standing in full salute greeted him. Hindi niya maiwasang makaramdam ng mabilis na tensiyon sa pagitan ng kanyang hita.

Pinigilan niya ang sariling lapitan ito. Parang tukso naman ang mabagal na paglapit nito sa kanya. Nagbaling siya tingin sa ibang parte ng CR. Nagsimula na siyang magsabon sa sarili. Nagmukhang maliit ang banyo ng dahil sa pagsasama nilang iyon ni Billy sa loob. Pagbaling niya ulit ng tingin rito ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. Nagtatanong ang mga mata niya ng sa wakas ay makalapit ito. Hindi ito sumagot, sa halip, hinawakan siya nito sa baywang at saka siya hinapit palapit dito. He felt their members clashed. Lalong nag-init ang pakiramdam niya. Hinalikan siya nito sa labi, pagkatapos ay sinimulan na pagapangin ang kamay nito sa may sabon pang katawan niya. He left out a small cry of ecstasy.

Napasighap siya ng isandal siya nito sa tiled wall kung saan naabot niya ang bahagi ng shower. Eiji was thirlled with the position this time. Nararamdaman niyang ang pagkilos ni Billy ay nakabase sa instinct nitong magpaligaya ng partner.

Isinampa nito ang isang hita niya sa bathtub pagkatapos ay lumuhod ito--and sucked like a babe there.

"Oh my God!" Ang tanging nasambit niya sa napakabilis na pangyayari. Kung bakit ito ginagawa sa kanya ni Billy ay tanging ito lang ang nakaka-alam.

Napasabunot siya dito hanggang sa tuluyan ng humulagpos ang self-control niya. Hinila niya ito patayo saka itinulak sa dingding sa sinasandalan niya kanina at ginaya ang ginawa nito sa kanya.

Pagluhod niya rito, his manhood was already as stiff as a tank destroyer, ready for battle. Napabungisngis siya as he toyed with it, before he finally tasted the hard shaft with the tip of his tongue. Giving him another experience worth remembering. He teased with it a little. Played with it a little. Billy kept grunting and moaning. Hanggang sa hindi na yata ito makatiis, sinabunutan siya nito at iginiya nito sa bibig niya ang kahandaan.

"Mabibilaukan ako nito." Humahagikgik na sabi niya to which he replied a violent groan.

He took the tip of his maleness and suckled to it. Tila kinumbolsyon naman ang reaksiyon nito.

After a long while, mukhang ang self-control naman nito ang nagwala. Itinayo siya nito at isinandal paharap sa dingding. He took over of the situation. In one swift thrust, he was inside him. The next moment, Billy was thrusting in and out of his ass rather violently. Ngunit sa halip na masaktan ay tila lalo lamang siyang sinisilaban.

When they exploded together, hindi na nila napigilang isigaw ang pangalan ng isa't-isa.


Nakatitig lang siya sa mukha ni Eiji habang nakahiga sila sa kama. Napakabilis ng mga pangyayari sa kanilang dalawa. Parang kailan lang ay nag-iiringan pa sila. The next thing he knew, he was inside of him. Literally.

Nababagabag man kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya para kay Eiji ay wala siyang makapang pagsisisi sa kaloob-looban niya. Kahit pa ang pagtanggi nito sa alok niyang maging sila --na kahit siya ay hinahanapan pa niya ng kasagutan kung bakit niya naisipang ialok rito-- ay hindi niya ikinabahala. Secured siya sa pagkalalaki niya. Ito lang ang inaalala niya.

Secured nga ba?

Nakatingin lang din ito sa kanya. Pagkatapos ng eksena sa banyo ay sa kama naman sila nagpatuyo ng katawan. Bawat pagtatagpo ng katawan nila ay nagdudulot ng malaking apoy na tumutupok sa kanilang pareho.

Hinapit niya ang katawan nito palapit para ipadama ang hindi pa humuhupang emosyon sa pagitan ng mga hita niya. Natawa lang ito.

"Grabe ang energy mo Billy. Sumusuko ako."

"Ganoon talaga. Twenty-seven years ba anmang puro kamay lang ang kaulayaw ko eh."

Nakita niyang naligayahan ito sa sinabi niya. Naisip niyang tanungin ulit ito ng inalok niya kanina.

"Sigurado ka bang ayaw mong maging tayo?"

Nawala ang ngiti nito sa labi.

"Ayan ka na naman Billy eh." Natatarantang sabi ni Eiji.

"Ito naman naitanong ko lang. Wala naman akong planong ipilit pa."

"Good. Kasi, hindi porke may nangyari na sa atin eh ganoon na dapat ang kauwian natin. Susme, kung lahat ng lalaki ganyan ang pananaw eh di sana walang unwed mothers ngayon." Sabi nito saka pagak na tumawa.

"Why are you so against it?" Kunot-noong tanong niya.

"Against what?"

"The idea of us, being together. In a relationship."

Naramdaman niya ang pagbabalak nitong tumayo kaya dinaganan niya agad ito. Sumusukong nagpakawala ito ng hininga.

"I don't have anything against it Billy. That's the truth."

"But?" Pangungulit niya.

"You're too good to be true. Hindi ka bagay sa akin."

"And may I know why?"

"Basta." Pagtatapos nito sa usapan.

Tinitigan niya ito. Umiwas naman ito ng tingin.

"What if... maging tayo. Without commitments. No strings-attached. No responsibilities. Just for the heck of it." Pag-iiba niya ng estilo.

Napatingin ito sa kanya sa di makapaniwalang reaksiyon.

"Seryoso ka?"

"Did you hear me joking?"

"No. I-i mean... Why?"

"Kailangan ba ng rason sa lahat?"

"Well, I guess not."

"Kaya nga ganoon ang alok ko sa'yo. Ayoko naman na tawagin nating fuck-buddies ang isa't-isa. Ang sagwa eh. Kung tatanungin mo naman ako kung bakit ikaw, I don't know. I really don't know the answer. Hindi dahil sa ikaw ang naka-una sa akin. Hindi iyon. Maligaya lang kasi ako sa piling mo. Iyon lang ang alam ko."

Natigilan ito. Hindi makapaniwala sa naririnig sa kanya. Kaya naman ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita tutal naman ay naroon na sila.

"Ano? Payag ka ba?"

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan. Napakurap-kurap pa na parang wala siya sa ibabaw nito. "B-billy."

"Yes?"

"What are you feeling right now?"

Nagtataka man ay sumagot siya.

"Happy? Iyon lang naman ang nararamdaman ko eh. Simula pa kagabi kahit panira ka ng moment kaninang umaga."

Biglang naging seryoso ang mukha nito.

"Seryoso ka ba Billy sa alok mo?"

"Oo naman."

"Baka lang kasi sa bobrang saya mo na hindi ka na virgins a sex eh kaya ka nakakapagdesisyon ng kung anu-ano. Sometimes, people tend to say something they don't really mean just because they feel something on that particular moment."

"Huh?"

"I'll think about your offer Billy although pabor sa akin iyon. I like you so much... but with me, you can't find the proper relationship that you're looking for. Maaaring naaaliw ka lang sa kaalamang kaya mo ring magpaligaya ng ibang tao when it comes to sex. In the long run, maghahanap ka rin ng para sa'yo. Diversion lang ito Billy."

Napatahimik siya ng mga salitang iyon ni Eiji. Maaaring tama ito. Pero siya na ang bahala bukas. Ika nga, One step at a time.

"Sure ako Eiji. Kaya huwag ka ng maraming satsat pa. Ang daldal mo talaga." Aniya saka ito siniil ng halik. Gumanti naman to ng mas malalim.

"Okay." sagot nito kapagkuwan.

"Yosh! Now, let's enjoy each other while we can. Okay?"

"Sure." Eiji said then grinned mischievously.

"Let's enjoy this Billy until the day we have to say goodbye." Bulong nito sa kanya bago yumakap ng mahigpit.

"Shall we?"

Tila nag-isip pa siya kung tatanggapin o hindi ang alok nito. Kapagkuwan ay naramdaman niya ang halik nitO; gumanti siya ng mas mapusok. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang "pagkabuhay" nilang pareho.

Muling nabuhay ang apoy sa kanyang pagkatao na kay Eiji niya lang naramdamang nangningas ng ganoon katindi. Marahil, ito lang rin ang may kakayahan para apulahin ang apoy na iyon.


Itutuloy...

2 comments:

vdg20 said...

wow... i read chap 1-7 its really nice mama dalisay... i love it... sna may next na... thanks

DALISAY said...

Salamat dear vdg20. :)