Tuesday, January 4, 2011

Task Force Enigma: Rovi Yuno 21

Photobucket

Para kina Jhay L, Filmark, at King Punisher ( na dumayo pa from Pex! )

Enjoy Reading!


Chapter 21

Lihim na nagpasalamat si Rovi at kaswal na lang ang usapan pagkabalik na pagkabalik ni Bobby kasama ang Tiya Edna nito. Naguguluhan pa ng bahagya ang matanda ng makita siyang nakaupo sa may kusina. Nangingiting tiningnan niya ito.

"Magandang araw po Aling Edna."

"Ganun din naman sa'yo." ganting-bati nito.

"Bakit po kayo pinagtago ng isang ito?" pang-aasar niya kay Bobby.

"Ay hindi ko alam sa dyaskeng batang ire. Akala ko nga'y sinugod na kami ng mga kalaban. Diyos ko po!"

Nahihiyang nagkamot ng batok si Bobby. "Hindi ko naman po kasi alam na si Rovi pala ang dumating Tiyang."

"Ay hamo na't mabuting hindi ang mga sumugod sa atin kanina ang nagsidating. Kumain na lang tayo at mukhang tutumba na ang isang ito." pambabalewala ng matanda sa pamangkin sabay tukoy sa kanya.

"Kaya pa naman Aling Edna."

"O siya. Kumuha ka pa ng isang plato Bobby."

"Opo Tiyang."

Tinapunan niya ng nakakalokong ngiti ang lalaki na sinuklian naman nito ng isang ingos. Pagbalik nito ay sinaway na naman ito ng tiyahin.

"Magdamit ka nga Bobby. Igalang mo ang hapag at huwag kang magburles dito."

Napahagikgik siya ng mamula ito sa pagpuna ng tiya. Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay na parang nagsasabing, "Pahiya ka no? Akala mo kasi eh."

Tumango lang ito sa tiyahin at kinuha ang damit na hinubad. Bahagya naman siyang nakadama ng panghihinayang ng mawala ang napakagandang view na ibinilad sa kanya kanina ni Bobby. Pero para naman siyang natakam ng husto dahil ang fit na t-shirt nito ay pinamumukulan ng nakatagong mga masel.

Ano ba kuya? Anak ng teteng naman oh!

Padaskol itong naupo sa tabi niya. Kinilabutan naman siya agad-agad sa pagkakalapit nilang iyon. Feeling niya ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso ay epekto ng ilang pulgada lang na pagitan nila ni Bobby. Kung tutuusin pwede niyang idikit ang braso dito ng hindi kunwari sinasadya pero nagpipigil siya. Baka kasi madakma niya ito sa harap ng tiyahin nito.

"Hmm. Masarap ang pagkakaluto mo Bobby." anang matandang babae na tinitikman na ang sinigang.

Patamad kunwari siyang sumadok ng ulam pagktapos ni Aling Edna. Pasimple niyang tiningnan si Bobby ng akmang titikman na niya ang luto nito. Nakatingin nga ito sa kanya. May bahagyang antisipasyon sa mata.

Masarap. Iyon ang unang pumasok sa isip niya. Pero hindi siya nagpahalata. Hindi rin siya nagsalita. Animo hindi naman mapakali sa tabi niya si Bobby na naghihintay marahil ng reaksiyon.
Nagpatuloy siya sa pangde-dedma.

"Okay lang ba?" hindi nakatiis na sabi nito.

Tinatamad na sumulyap siya rito. "Okay lang." Ang matabang niyang tugon.

Napasimangot naman ito sa kawalan ng sigla sa kanyang salita. Padabog pa itong sumandok ng sariling ulam. "May problema ka ba Bobby?" Nagtatakang tanong ng tiyahin nito.

"Ah w-wala po."

"Umayos ka sa harap ng hapag." iyon lang at nagpatuloy na ang matanda sa pagkain.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti na iglap niyang itinago na magbaling ng tingin sa kanya si Bobby. Pero nahuli yata nito iyon.

"Nag-eenjoy ka rito no?" naasar na wika nito kahit pa nakangiti.

"Ha? Oo naman." nagmamang-maangan niyang sabi.

"Humanda ka sa akin mamaya." pabulong nitong wika.

Inasar niya lalo ito ng isang matamis na ngiti.

"May sinasabi ka ba Bobby?" tanong na naman ni Aling Edna.

"Ah w-wala tiyang."

"Huwag kang magsasalita kapag kumakain. Baka mabulunan ka." paalala ng matanda.

"Oo nga naman. Baka mabulunan ka Bobby." panggagatong niya sa inis nito.

Ngumiti ito ng matamis. "Hindi ako mabubulunan Sarhento. Hinding-hindi."

Nakarmdam siya ng malisya sa sinabi nito. Parang nagpalpitate na naman ang puso niya na bahagya lang kumalma mula pa kaninang tumabi ito sa kanya. Hay! Bakit ba parang ang tagal matapos nitong kainan portion?

Hindi na lang siya umimik pa at binilisan na ang pagkain. Nang matapos ay mabilis din siyang tumayo agad at lumayo sa kusina. Nagtataka man hindi na siya tinanong ng mag-tiya. Lalo si Bobby na biglang naging blangko ang mukha ng tapunan niya ng tingin.


"Pare. Wala pa rin bang balita kay Unabia?"

"Wala pa eh. Iyong tukmol na iyon bigla talagang nagdi-disappearing act. Mabuti at sanay na tayo."


Kausap niya si Perse sa kabilang linya. Na-i-dispose na raw ng mga ito ang mga dapat itago. Bilib talaga siya sa pagiging resourceful ng kumag.

"Sinabi mo pa." aniya rito.

"Kamusta naman ang mag-tiyahin?"

"Okay naman Perse. Sobra nga lang tahimik dito. Pero ang ganda at mahusay ang view. Mabuti nga at hindi ako naligaw papunta."

"Kamusta naman kayo ni Bobby?" panunukso nito.

"Next question please."

"Pare, kung hindi ko pa alam. Nag-side trip ka na sa isang iyan."

"Hunghang!" namula siya sa sinabi nito.

"Uy! Nag-blush! Aminin." natatawang tukso pa rin nito.

"Ang sarap mong barilin. Pasalamat ka wala ka sa harap ko." asar-talo naman niyang sabi.

"Kung makakatama ka 'tol." mayabang na saad nito.

Nagkibit-balikat siya na para bang nakikita nito ang reaksiyon niya. "Sabagay."

"O sige. Tatawag na lang ulit ako sa iba pang development. Kung bumaba si Rick kanina ng sasakyan, isa lang ibig sabihin nun."

"Ano?"

"Haharapin nun ang isa sa kambal."

"Ganoon ba?"

"Oo. Sige na. Kupal ka."

"Tigas mo tsong! Ikaw kaya."

Natatawang nag-disconnect na ito ng linya. Pagharap niya ay laking gulat niya ng matunghayan si Bobby na nakasandal sa hamba ng pinto at matamang nakatitig sa kanya.

"A-anong ginagawa mo riyan?"

"Nagpapahangin. Malay ko bang nandiyan ka." pabalang na sagot nito.

"Ang taray ah. Meron ka ba?" nang-iinis niyang tugon.

Nanningkit ang mata nito. Akala niya ay susugod na naman ito sa kanya pero hindi pala. Namulsa ito at lumapit sa kanya. Para naman siyang timang na itinulos sa kinatatayuan. Naging alerto ang lahat ng senses niya sa paglapit nito.

"May gusto sana akong itanong."

Napalunok siya. Bakit parang naging husky ang boses nitong bigla?

"Pwede bang magtanong Rovi?"

Napapikit siya ng makalapit na ito. Ilang dangkal lang ang pagitan nila. Naamoy niya ang mabangong samyo nito. Lalaking-lalaki.

Lumalandi na naman ang ilong mo Rovi.

Pagdilat niya ay parang nabuhusan ng kung anong mainit na bagay ang pakiramdam niya. Damang-dama niya ang init na iyon na hindi kailanman naging pamilyar sa kanya.

"Pwede ba?"

Parang nanunuyo ang lalamunan niya. Hinahanap niya ang boses niya kanina pa. Alam niya meron eh. Kakatapos lang kaya niyang makipag-usap kay Perse!

"A-ano ba iyon?"

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan. Lumapit pa ng bahagya. bigla siyang kinabahan. Lumakas lalo ang pintig ng puso niya at nag-aalala siyang baka marinig nito iyon sa sobrang lakas.

"Sino si Allan?"

Natameme siyang bigla. Parang gulong na biglang binutas ang pakiramdam. Sino daw si Allan? Sino nga ba, ha, Rovi?

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawang masaya kahit pa may nangyari na sa atin?"

Lalo siyang naguluhan. Ano bang pinagsasabi ng kumag na ito?

"P-paano mong nasabi iyan?" aniyang biglang nandilim ang anyo.

"Huwag kang magalit sa akin. Ako ang dapat magalit dahil sa kabila ng pagpapaubaya ko sa'yo ay nakuha mo pang magmalaki na para bang balewala lang sa'yo ang lahat."

"Uulitin ko. Anong gusto mong mangyari? Magtatalon ako sa tuwa?"

"Hindi. Pero siguro naman ay may eksplanasyon ang pagiging malamig mo pagkatapos mong magpakasaya sa piling ko."

Naantig ang kalooban niya sa galit na nakarehistro sa mukha nito. Kailan pa naging isyu sa lalaki kung nasuso siya ng kapwa niya lalaki? Hindi ba at common thing na iyon? Wala namang nawala dito ah.

"Kung makapagsalita ka parang ako lang ang nasiyahan. Huwag ka ngang umarteng parang babae na ninakawan ng dangal." Naiirita na niyang sabi.

"Hindi ako umaarte Rovi. Oo. Aminado ako na nagustuhan ko rin ang ginawa natin, pero ang itrato mo akong balewala pagkatapos ang hindi katanggap-tanggap." nag-iigtingan na ang ugat nito sa leeg sa galit.

Napaingos siya sa sinabi nito. "Bakit ba big deal sa'yo ang nangyari? Kung ako nga hindi na nagsasalita tungkol doon, ikaw pa itong lalaki ang sobrang makapag-bring up ng issue. What happened is a physical joining of our bodies. Nothing more. Nothing less. Mag-move on ka na. Anong gusto mong gawin ko? Pakasalan kita?" Pikon na pikon na sabi niya rito.

Napipilan naman ito. Walang maapuhan na sasabihin. Nakabuka lang ang mga labi pero walang tinig na lumalabas. Hindi makapaniwala ang reaksiyon. Pagdaan ng ilang sandali ay naglapat ang mga labi nito at sa isang mapaklang ngiti ay nagsalita ito.

"Ganun ba ang pagkakaintindi mo? Akala mo ba naghahabol ako? Ulol ka Rovi."

"Huh! Same to you."

"Siguro nga tama ka. Ulol nga rin ako. Dahil gusto kong ulitin ang ginawa natin."

Napatda siya sa tuwirang pag-amin na iyon. Ang haba ng buhok mo! Tse!

"Masaya ka na? Iyon ba ang gusto mong marinig? Pero sorry ka na lang. Hindi naman ako tanga para isiksik ang sarili ko sa'yo ganyang ayaw mo naman pala."

"May sasabihin ka pa?" balewala niyang tugon.

"Oo. At makinig ka. Hindi ko kilala si Allan. At wala na akong panahong kilalanin siya. Ang sa akin lang. Hindi ako siya. Ano man ang nagawa niya sa'yo para maging ganyan ka kalamig sa lahat ng gustong mapalapit sa'yo ay hindi ko na pagkakaabalahan na alamin. Tutal naman, bago pa alng kami makapasok, ayaw mo na agad. Daig mo pa ang sentro sa basketball kung makabox-out. Sana masaya ka. Sana masaya ka na ikinukulong mo ang sarili mo sa isang pangyayaring hindi mo na kailanman mababago pa. Wala kang time-machine Rovi. Pahiram lang ha, mag-move on ka na rin." saka ito walang paalam na tumalikod at pumasok ng bahay.

Mahabang saad ni Bobby na nagpahindik sa kanya ng husto. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Wala mang inidikasyon na may alam ito tungkol kay Allan ay talaga namang nagkaroon siya ng pakiramdam na para siyang inalog-alog ng malakas habang nasa loob ng isang kahon.

Ang lakas ng impact ng sinabi nito. Sana sinampal na lang siya kaysa iyong napagsalitaan siya ng walang kalaban-laban.

O ano ngayon? Naturete ka? Tama naman siya di ba?

Oo nga. Tama si Bobby. Patay na si Allan pero iyon pa rin ang issue niya. Ang mga what-ifs kung nabubuhay pa ito. Ang mga shoulda, coulda, woulda na naiisip niya. Maraming eksena ang naglalaro ngayon sa utak niya. Iyong pagkahaling niya kay Bobby at nito sa kanya.

Ano man ang nagawa niya sa'yo para maging ganyan ka kalamig sa lahat ng gustong mapalapit sa'yo ay hindi ko na pagkakaabalahan na alamin. Tutal naman, bago pa alng kami makapasok, ayaw mo na agad. Daig mo pa ang sentro sa basketball kung makabox-out. Gusto ba nitong mapalapit sa kanya? Gusto ba siya nito?

Nalilito ang isip na naupo siya sa kawayang upuan. Hindi nga pwede na magkaroon sila ng ugnayan nito. Ang gulo ng buhay niya sa ngayon. Kung idadawit pa niya ito ay kawawa lang si Booby at ang Tiya Edna nito.

Napahilamos siya ng palad sa mukha. Ang duda pa niya ngayon, baka ginugulo lang ni Bobby ang isip niya para makaganti ito sa kanya sa mga nakaraang pamamahiya niya rito. They both know that he was a "sure thing". Kung hindi pa nito alam iyon ay ewan na lang niya. Kasabay kasi ng pagkulo ng dugo niya sa inis rito ay ang pagtaas naman ng boiling point ng libido niya.

Nahahapong bumugha siya ng hangin. Mukhang mas marami pang eerhiya niya ang nasayang sa kumprontasyon na iyon kaysa sa naging engkwentro nila sa pabrika. Nakita niya ang papag na kawayan na may sadalang puno. Naisip niyang lumipat doon. Pagkalapat na pagkalapat ng likod niya sa higaan ay agad siyang dinapuan ng antok. Nakatulog agad siya sa pagod.



Pinakiramdaman niya ang paligid. Pinakinggan ang mga nagsasalita. Ang tatlong bantay niya kanina ay nabawasan na ng isa ayon sa mga pag-uusap. Pasugod daw ang mga ito sa hideout nila Rick. Kailangan niyang makatakas. Pinilit niyang bumangon.

"Aba at buhay ka pa pala." Tinig iyon ng isa sa dalawang bantay.

Ngumiti siya ng nakakaloko kahit pa sarado ang kabilang mata niya sa pamamaga.

"Malas niyo. Binuhay niyo pa ako. Kapag nakawala ako dito. Tapos kayong pareho sa akin."

"Huwag kang mayabang. Kahit pakawalan pa kita ngayon ay siguradong hindi ka makakalaban sa kalagayan mo."

"Ows, di nga."

Subukan mo lang tanga!

"Huwag ka ng maangas kupal!"

"Ikaw ang kupal. Subukan mo akong kalagan. Wala pang sampung minuto patay ka na."

"Talaga ha. Hawakan mo ito pare."

Ibinigay nito ang baril sa kasama at nagtatawang lumapit sa kanya. Nakita niyang ibinaba ng isa ang baril sa lamesang katabi.

"Sampung segundo ha?"

"Oo naman." nakakaloko pa niyang ganti.

Nang makalapit ito ay kinalagan siya sa kamay. Hindi pa man ganun kaluwag ay nagawa na niyang ilusot ang isang kamay at dali-daliang dinakot niya ang leeg nito at walang-awang binali iyon. Nagitla ang nakaupong kasamahan nito pero madaling kinuha ang baril at pinaputukan siya. Mabilis nyang iniharang ng husto ang lalaking kapapatay lang sa sarili at mabilis na sinugod ang bumabaril habang nakaharang ang kasamahan nitong tumatanggap ng lahat ng bala.

Nang makalapit sa bumabaril ay iglap lang at bulag ang matang napaluhod ito kasabay ng pagkalagot ng hininga dahil sa pagkabali ng leeg. Agad niyang kinuha ang mga baril at magazine na meron ang mga ito at naghintay sa pagdating ng iba pang kasamahan ng mga ungas. Nang walang marinig ay lumabas siya at di na nag-abalang magbihis pa. kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon. Kailangn ng tulong nila Rick.

Walang tao sa paligid. Marahil ay patungo na ang lahat sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya sa TFE. Lalong nag-umigting ang pagnanais niyang makalayo sa lugar na iyon. Paglabas ay tinahak niya ang madilim na kakahuyan. Mahaba-habang lakaraan at ang mga matatalim na damo ay binabalewala na niya.

Nang makarating sa highway ay may nakita siyang paparating na sasakyan. Hindi na siya nag-atubiling iharang ang sarili para makahingi ng tulong. Ang malakas na pag-ingit ng gulong ang huli niyang narinig bago nawalan ng malay.


Itutuloy...

2 comments:

Jhay L said...

wow ganda nman ng story,,kala ko may mangyayari na ulit kina rovi at bobby..ehheeh c rovi talaga pakipot pa..ehhehe excited nko sa nxt chapter, sana nakaligtas si code..ehhehe tnx dalisay...

DALISAY said...

Salamat ng marami sa pagbabasa Jhay L. Ahihihi... Keep supporting TFE. :)