Chapter 9
Tumitibok na ang Puso
“Tara na Micco” sabi ni Adrian sabay akbay kay Micco.
“Saan tayo pupunta?” tila may pagtataka kay Micco.
“Papasyal kita dito sa Maynila” sagot ni Adrian “Hindi ka pa nakakalibot dito mula ng mag-stay ka sa amin.” nakangiting wika pa nito.
“Oo nga pala, masyado akong nakulong dito.” sagot naman ni Micco. “Kinikilig ako! Magdadate kami!” tudyo kay Micco nang utak niya.
“Tara na!” wika ni Adrian sabay hila kay Micco papuntang kotse nito.
Nagpatugtog si Adrian nang mga paborito niyang kanta habang nasa biyahe sila ni Micco.
“Wow!” sabi naman ni Micco “My favorite” sabi pa nito ng marinig ang kanta ni Michael Jackson.
“Talaga?” tila umaliwalas ang mukha ni Adrian “I also like that song.” sabi niya ulit.
“Ows?” tila may pagtataka kay Micco.
“Talaga, hindi ako nagbibiro” pagkasabi ni Adrian ay sinabayan niya ang kanta.
“Maganda pala ang boses mo.” komento ni Micco. Ngunit tila hindi siya narinig ni Adriann at tuloy lang ito sa pagkanta.
Sinabayan na din ni Micco si Adrian –
“You are not alone
I am here with you
Thou you’re far away
I am here to stay”
Biglang huminto si Adrian sa pagkanta at mas nais niyang marinig lang si Micco na inaawit ang kantang gusto niya. maya-maya pa at –
“Micco, I think I like you!” walang preno at walang itulak kabigin niyang sinabi. “Pero hindi iyon tulad ng iniisip mo” biglang bawi ni Adrian. – “Stupid Adrian, ano ba yang sinasabi mo? Bakla ka ba? Hindi naman di ba?” – pangaral niya sa sarili.
“I like you kasi ikaw mahal na mahal ka na ng mga pamangkin ko, Tito ka na nga nila at parang kadugo na.” tila depensa ni Adrian sa sarili.
Nabigla si Micco sa sinabing iyon ni Adrian at napahinto siya sa pagkanta. “I also like you” – iyan na ang isasagot niya pero laking panghihinayang nang bawiin din ito kaagad ni Adrian. – “palusot ka pa, bekimon ka din pala.” sabi ng utak ni Micco.
“Bakit defensive ka?” sagot ni Micco.
“Ah, eh, hindi naman kaya” saad ni Adrian na tila nasukol ni Micco.
“Alam mo Sir” sabi ni Micco “I also like you.” sabi ni Micco.
“Talaga Micco” bulong kay Adrian ng isang bahagi ng katauhan niya “eh di tayo na!” komento pa din nito. “Hindi, hindi, hindi pwede Adrian, hindi ka bakla” kontra naman ng kabila.
“Natahimik ka?” tanong ni Micco “I like you kasi naging mabait ka na sa akin” sabi ni Micco “at mahal na mahal mo ang mga pamangkin mo” pahabol pa nito “maswete nga si Sarah sa’yo kasi you will be a good father someday.”
Tila umasim ang mukha ni Adrian sa sinabing iyon ni Micco – “We broke up” diretsang sinabi ni Adrian.
“Huh?” nagulat naman si Micco “bakit?” tanong pa nito.
“Basta it’s a long story” sabi ni Adrian.
“Wala pa kayong isang buwan ‘tas hiwalay na?” komento ni Micco na nagiging sarkastiko ang pagsasalita.
“Gusto mo na naman sigurong mag-away tayo?” sabi ni Adrian na may kasunod na isang pilyong ngiti. Kahit na nga ba ungkatin ni Micco ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Sarah ay tingin niyang hindi na niya magagawang magalit dito. Natatakot siyang muling magtangka itong iwanan siya at baka hindi na niya ito nahabol pa at mas natatakot siyang maiwan ni Micco kasama ang isang hindi maipaliwanag na damdamin.
“Siyempre ayaw ko” mabilis na sagot ni Micco.
Ngiti lang ang sinagot ni Adrian dahil ngayon ay lalo siyang naguluhan sa damdaming dinala sa kanya ni Micco.
Nakaakbay si Adrian kay Micco habang naglalakad sa loob ng mall. Naghaharutan na tila ba sila lang ang namamasyal. Kung minsan nga ay pinapatid kunwari ni Micco si Adrian at gaganti naman si Adrian kay Micco. Dahil mas malaki si Adrian kay Micco ay madali na sa kanyang gulu-guluhin ang buhok nito. Gaganti naman ng tapak sa paa si Micco. Para silang mga batang naglalaro at naghaharutan – mas maigi kung, para silang mag-syotang naglalabingan habang naglalakad. Namili sila nang namili, mga pampasalubong sa mga bata at sa iba pang mga kasama nila sa bahay.
Kumain sila sa isang fastfood chain at magkatabing naupo. Tila wala silang hiya at patay malisya na nagsusubuan ng pagkain. Inorder ni Adrian ang lahat ng pwedeng kainin sa fastfood na iyon at lahat ay pinatikim niya kay Micco. Tuwang-tuwa naman ang dalawa na parang sila lang ang nasa paligid. Walang pagsidlan ang kaligayahan nilang magkasama.
“Grabe” sabi ni Micco “ang dami mong kinain” biro niya kay Adrian sabay lipat sa upuang nakaharap dito.
“Anong ako?” tila kontra ni Adrian “ikaw nga diyan, tingnan mo may dumi ka pa sa bibig” at isang ngiti naman ang kasunod nito.
Kumuha ng tissue si Adrian at pinunasan ang bibig ni Micco. Nagtama ang kanilang mga paningin at sa pagtatamang iyon ay muling napako ang mga mata nila sa isa’t-isa. Muling may nanulay na mga boltahe ng kuryente sa titig nila para sa isa’t-isa na naging sanhi para para kawilihan nilang titigan at huwag nang bumitiw pa. Hanggang sa –
“You are such a nice bi-couple” bati sa kanila ng dalawang lalaki na sa tingin nila ay may relasyon.
Agad naman silang bawi ng mga mata dahil sa bati na iyon at tila nakaramdam ng hiya.
“Tara na” aya ni Micco sa napansing sentro na pala sila ng atensyon. Higit pa ay nahihiya siya kay Adrian dahil sa nangyari.
Ganuon din naman si Adrian, nahihiya kay Micco dahil sa nangyari sa kanila. Ngunit hindi niya matiis ang katahimikan sa pagitan nila.
“Huwag mo ng isipin iyon” sabi ni Adrian.
“Ang alin?” tanong ni Micco na kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi ni Adrian.
“Iyong sinabi sa atin kanina” sagot ni Adrian.
“Ah, iyon ba” sagot ni Micco – “kinikilig kaya ako bakit ko hindi iisipin” buyo ng utak ni Micco.
“Ayaw mo nun, pinagkakamalan tayong magsyota kasi close na tayo” tila pangangalma ni Adrian.
“Asa” sabi ni Micco “saka hindi naman iyon ang iniisip ko” sagot ni Micco.
“Sabi mo, eh di hindi” sabi ni Adrian sabay busina sa gate ng bahay nila.
Sinalubong sila kaagad ng mga bata at isang grupo itong yumakap sa kanilang dalawa.
“Parang mga anak namin ni Adrian na sinasalubong kami” sabi ni Micco sa sarili na naging dahilan para mapangiti ito at magdulot sa kanya ng kakaibang kilig.
“Eto pasalubong namin” sabi ni Adrian sabay abot ng tig-iisang paperbag sa mga bata. Ganuon din sa mayordoma at sa dalawang katulong, sa isang hardinero at sa isang security guard.
“Mabait naman pala talaga itong mokong na ito” wika ni Micco sa sarili.
“Sige na Micco, iakyat mo na sa kwarto mo iyang lahat” sabi ni Adrian kay Micco.
Tila may pagtatakang tiningnan ni Micco si Adrian subalit ngiti lang ang sinagot nito.
Hindi pa man ay pinasok ni Adrian si Micco sa loob ng kwarto at –
“Padala mo sa inyo, kunwari package” sabi ni Adrian sabay ngiti at gulo sa buhok ni Micco.
Natuwa naman si Micco sa ginawang iyon ni Adrian “mahal na ata kita at tumitibok na ang puso ko para sa’yo” – sabi ng isipan ni Micco. “Salamat po Sir” sigaw niya bago umalis si Adrian.
Biglang lingon naman sa kanya si Adrian.
“Ano ka mo? Sir?” tanong ni Adrian na may matitiim na titig.
“Opo Sir” sagot ni Micco na may pagtataka.
Mabilis na nilapitan ni Adrian si Micco at kiniliti sa tagiliran. Malakas ang kiliti ni Micco sa gawing iyon at ang ginawa ni Adrian ay sapat na para magwala siya at tumawa.
“Sir pa din ?” tanong ni Adrian habang kinikiliti si Micco.
“Ano naman ang itatawag ko sa’yo?” pilit na sagot ni Micco habang tumatawa.
“Kuya” sabi ni Adrian “o kaya Adrian na lang” tila pamimilit niya kay Micco at tuloy pa din ang kiliti.
“Sige Kuya Adrian” sagot ni Micco habang tumatawa.
“Good at tinigil na niya ang pagkiliti kay Micco na ngayon ay naghahabol ng hininga.
“Malakas pala ang kiliti mo diyan” sabi ni Adrian.
Tango lang ang sinagot ni Micco.
“Sige lalabas na ako” paalam ni Adrian kay Micco “ngayon alam ko na kahinaan mo.” pahabol pa nito bago lumabas at nag-iwan kay Micco nang hindi maipaliwanag at napakahiwagang ngiti.
No comments:
Post a Comment