From the author of BOOM BOOM JAIRUS. Here's an exciting sequel that will make you burst in laughter and cry a river. LANCE NA LANG PARA POGI.
Akda ni Jaime Sabado
Akda ni Jaime Sabado
CHAPTER ONE
Napili kong maupo sa sa terrace ng aming bahay para langhapin ang sariwang hangin sa umaga at pinagmamasdan ko si tatay habang hinihimas ang manok niyang si coco. Nakakaasiwang tingnan na binubugahan pa niya ito ng usok mula sa sigarilyo niya.
AKO: "tay!!!! ba't niyo po laging binubugahan ng usok si coco? baka po magka cancer of the lungs yan"
TATAY: "Galing naman ng hinayupak kong anak na ere, pati manok ay magkaka cancer pa.. mag doctor ka nalang pag laki mo anak ah at ng magamot mo si coco pagnagkasakit"
AKO: "Tay gusto ko po magnurse gaya ni ate"
TATAY: "Aba't magbabakla ka pa ah? mga babae lng ang magnunurse, gusto ata ng bunso ko na ibitin sa puno ng niyog..hahaha"
AKO: "tay naman, sino ba bakla? may lalaking nurse kaya.. napanood ko sa tv, tsaka tay may girlfriend na po ako, si Kikay ung anak ni aling Doray"
TATAY: "ah yung mukhang tinidor na batang iyon ba?.. de bale at gaganda pa naman yun pag nagdalaga..hahaha"
AKO: "tay ansama naman po ng ugali niyo..hmmmp!!!!.. parang ang ganda ni nanay kong makapanlait kayo"
Natawa naman si tatay sa sinabi ko..
TATAY: "naku at makakarating sa nanay mo.. isusumbong kita..hahaha.. maganda ang nanay mo dati.. tumaba nga lng kaya cute nalang siya ngayon"
AKO: "ah basta itay.. dahil sa sinabi niyo kay kikay, kailangan niyo kong bigyan ng limang piso para gumaan ang loob ko" sabay lapit kay tatay at dukot sa bulsa niya..wahehe
TATAY: "aba't naisahan ako ng bunso ko, ibili mo ng tinapay yan ah? wag puro chechurya"
AKO: "Tay hindi po chechurya, chez car po..hay naku di po kasi kayo nanonood ng tv puro kayo drama sa radyo" sabay takbo palayo.
Habang binabaybay ko ang daan patungo sa tindahan ni aling delly ay nakasalubong ko ang matalik kong kaibigan at may dala dalang isang supot ng santol"
AKO: "Bugoy!!!! san ka galing? wow!! andaming santol.. penge ako"
BUGOY: "doon ako galing sa taniman nila mang atok, inaya ako ni kuya manguha ng santol dun.. libre naman daw kasi nobya niya si ate melit 9anak ni manong atok)
AKO: "Wow ang swerte ni kuya dan no? madaming santol ang nobya niya"
BUGOY: "Oo nga eh.. eto kuha ka oh.. sayo yung brown kasi matamis daw yan.."
Ganyan ang bestprend ko na si bugoy. Lahat ng best ay binibigay sa akin, alagang alaga ako ni bugoy kahit na parehas kaming bunso sa pamilya. Napakabait na bata..wahehehe
AKO: "panu ka?.. cge hati na tayo dito..kuha tayo ng asin sa inyo"
BUGOY: "TARA"
Takbo kami pabalik sa bahay nila bugoy para kumuha ng asin..Pagdating namin sa tapat ng bahay nila Bugoy ay isang napaka ordinaryong pangyayari ang aming inabutan. Magkatapat lng kasi ang bahay namin ni bugoy.
NANAY: "naku napakawalang hiya talaga!!!!!!!!!!!!!!! ang mga basura at nagkalat na dahong ng opuno niyang walang bunga ay dito pa sa bakuran ko tinatapon!!!! haay naku baboy talaga"
ALING Minda(nanay ni Bugoy): "Wala akong kinalaman jan... alam lang cguro ng hangin kung san dadalhin ang basura... sa basuraha syempre... at sino ang baboy? sino kaya ang mataba ja" hahaha
NANAY: "hoooyyy chubby lang ako.. tasaka wag mo isisi sa hangin ang maga basura dito.. sa sobrang dumi mo ay pati basura ayaw na tumambay sa bahay mo..hahaha mas mataba pa ata sayo ang stick ng banana cue"
ALING MINDA: "hooooy slim lng ako.. i'm sexy.. can't you see"
NANAY: "wala ka lang siguro makain" hahaha
ALING MINDA: "Hoooy madami kaming pagkain.. diet lng ako"
At yun ang isang napaka ordinaryong pangyayari na naabutan namin.wahehehe Halos araw araw ay ganyan ang eksena sa bakuran kabag nagkakasabay na mag walis ang mga nanay namin ni bugoy. Dati silang mag super frends at kumari. Ewan lang at kung bakit sila nagkaganito. Ang maganda lng ay silang dalawa lang ang magkaaway. Ang mga tatay at mga kapatid namin ay hindi nila dinadamay sa galit nila sa isa't isa kaya malaya akong nakakapunta sa bahay nila bugoy at ganun din si bugoy sa amin.
Dahil nga sa napaka ordinaryo lng ng eksenang yun ay deadma kaming dumaan sa gitna ng nagaaway naming mga nanay.
AKO: "Bugoy, yung asin na buo buo ha? ayoko ng iodized parang asukal kasi tingnan" (wahehehe deadma namin sila nanay)
Bugoy: "Oo meron kami dun sa kusina.. tara takbo tayo.. pagkatapos natin mag santol ligo tayo sa ilog ah?"
AKO: "cge cge...yehhheyy ilog time"
Ayun at pagkatapos namin kumain magsantolan este kumain ng santol ay dumerecho na kami sa ilog at nagtampisaw doon..wahehehe tampisaw talaga.
Grade six palang kami ni Bugoy kaya hubo't hubad kami kung maligo sa ilog. Habang ngapapahinga kami sa tabi ay pinagmasdan ko si Bugoy.. Haaay napaka pogi talaga ng bestprend kong to. lalo na pag naka smile.
Bugoy: "Lando, ang gwapo mo naman nakaka inggit yang mukha mo"
Wahehehe parehas kami ng iniisip at ginagawa. pinagpapantasyahan ang isa't isa..haha
AKO: "uu naman sabi ni nanay pwede daw ako mag artista (sabay pacute).. pero am pogi mo ng din lalo na pag naka tawa ka"
Bugoy: "yan din sabi ni nanay..hehehe swerte pala natin.. mga pogi..wahehehe"
Nagkatawanan kami sa mga pinag uusapan namin.
Bugoy: "Lando pwede kaya yun pag laki natin tayo magiging mag nobyo"
AKO: "hindi daw pwede sabi ni tatay kasi mga bakla daw nag gaganun"
Bugoy: "pero may napapanood ako sa tv na ganun"
AKO: "cguro paglaki natin baka pwede na..wahehe"
Bugoy: "talaga? cge paglaki natin mag nobyo na tayo ha?"
AKO: "cge!!!!.."
Bugoy: " Promise natin yan sa isa't isa"
AKO: "oO promise bugoy"
Hehe mga bata pa kasi kaya di namin alam ang consequence ng pinag usapan namin. Anyways nagpatuloy kami sa pagtatampisaw, paghahabulan at pagsisisiran sa ilog ng kaligayahan.wahehe
Pagkatapos maligo ay umuwi na kami at napag usapan namin ni Bugoy na sa bahay siya mananaghalian.
SA BAHAY................
AKO: "naynay ko!!!!"
Nanay: "bakit bunsoy ko" sabay halik
AKO: "nay dito kakain si bugoy mamaya ha?"
Nanay: "talaga? eh di magluluto si nanay ng paborito niyo ni bugoy?"
Ako: "yehhey!!!"
wahehehe ganun po ako ka spoiled ng pamilya ko kaya walang basagan ng trip..hehehe
Ganoon ang set up namin ni Bugoy mula bata kami. Masaya ang chilhood namin. Punong puno ng adventure. anjan ang magkasama kaming mag nanakaw ng bayabas sa taniman ng kapitbahay namin at sabay din kaming hahabulin ng aso nila.wahehehe
Lumipas ang ilang buwan at Pasukan na ng High school. Syempre same school kami ni Bugoy, di pwedeng paghiwalayin kung ayaw ng gyera. Malas nga lang at magkaiba kami ng section, kaya as expected. Umiiyak kaming umuwi ng bahay nung lunch break at nagsumbong na di kami magkaklase.
Sa bahay................
AKO: "naynay...huhuhu"
NANAY: "bakit bunsoy? inaway kaba sa school ha?"
AKO: "hindi po kami magkaklase ni bugoy...huhuhu"
NANAY: naku hindi pwede iyan.. hintayin moko bunsoy at mag mamake up lng ng bonggang bongga si nanay at aawayin natin ang principal niyo"
Ayun nga at nagpaganda muna si naynay at lumabas na kami ng bahay papunta ng school. Tyempo at nakasabay namin si Aling minda at si Bugoy na mukhang sa school din susugod. Halatang nagpaganda din ng todo si aling minda. As usual, tinginan ang mga nanay namin mula ulo hanngang paa, di man nagsasalita ay halatang nagpapayabangan ng outfit. Ambabadoy naman parehas.. terno ang kulay ng mga payong sa outfit nila..wahehehe
Pagkatapos ng yabangan at tarayan portion ay derecho na sa school.
ALING MINDA: "maam principal, bakit niyo naman po pinaghiwalay itong anak ko at si Lando.. hindi maaari iyon.. No puede mi amor" sabay irap sa nanay ko. (nagyayabang sa maling pangangastila)wahehe
Nanay: "Madam principal, with due respect (sabay tingin kay aling minda at nagyayabang naman sa english niya)... pwede ho bang maging magkaklase ang anak ko at si bugoy ay brent pala"
Mahaba mahaba ang naging debate sa loob. debate in the sense na kahit parehas ang ipinaglalaban ng mga nanay namin ay halatang halata naman na nag aaway din sila kahit sa tinginan lang ay pansin na pansin iyon..wahehehe
Principal: "Ok ok... magiging magkaklase sila pero hindi na magiging first section si Brent kasi hindi naman nating pwedeng iakyat sa first section si Lando due to the fact na di abot ng grade niya ang cut off.. ok lng ba?"
ALING MINDA: "No problemo.. basta magkasama lang sila ng anak ko, parang anak ko na din kasi yang madam"
NANAY: "Thank you so much madam pRRRincipal" sabay bukay ng pamaypay niyang terno din sa kulay ng damit.
Syempre di nagpahuli si aling minda at inilabas din ang paypay na terno din sa damit niya.waheheeh Kung tutuosin ay parehas ang taste nila sa fashion, ewan lng talaga at nag away amg mga ito.
Samantalang sa tuwa ay nagyakapan kami ni Bugoy..
Aling minda: "So lovely....." sabay smile at yakap sa pamaypay niya
Ganun din ang naging reaction ni nanay..
Masaya kaming pumasok ni Bugoy kinabukasan dahil magkaklase na kami. sabay kami pumasok at magkatabi kami sa tricycle papunta ng school.
Masaya ang takbo ng unang taon namin sa high school at lalo kaming nagiging magclose ni bugoy at minsan pa nga ay napagkakamalan kaming magkamag anak sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
Sa ENGLISH class.............................
LIZA: "bugoy may nagpapabigay sayo ng sulat na to"
Bugoy: "ha? ah eh salamat"
Nang binasa namin pareho ay love letter iyon at mukhang galing sa isang malanding haliparot na babaeng kaklase namin. Mukhang tuwang tuwa naman si Bugoy sa nabas. Ako naman ay Unang bese nakaramdam ng ganung galit at kaba at kung anu anu pang pakiramdam na pag pinagsama sama ay mabubuo ang selos sa dibdib mo.
Oo nga at nagseselos ako. Si bugoy naman ay napakamanhid at lagi nalang bukam bibig sa akin ang sulat na iyon. Sa inis ko ay nauna akong umuwi ng bahay at derecho sa kwartong nag iiyak, nagwala at pinagtatapon ko lahat ng laruan ko at laruan namin ni Bugoy.
ganun pala ang pakiramdam ng nagseselos. Naitanong ko sa sarili ko, bakit ko nararamdaman ito.. naalala ko tuloy si ate nung nagwawala din siya at umiiyak habang pinagpupupunit ang litrato nila ng nobyo niya..wahehehehe
NANAY: "Oh my baby what happened to you?" nag aalalang sabi ni naynay
AKO: "WALA NAYNAY..HUHUHU gusto ko lng mag jollibee"
NANAY: " naku yun lng ba bunsoy? cge at mag papaganda lang si nanay at mag jojollibee tayo"
Nakaramdam kasi ako na di dapat sabihin kay nanay ang pinag aalburuto ko kayat nagsinungaling nalang ako. Di ko naman alam na nadinig pala kami ni tatay.
TATAY: "Naku binata na ang bunsoy ko pero jollibee padin ang gusto.hehehe teka at sasama ako, kakain tayo ng chicken joy bunsoy.."
Mahal na mahal talaga ako ng mga magulang ko pero, nandun padin ang kirot sa dibdib ko..wahuhuhu. Panu ko kaya pakikitunguhan si Bugoy bukas.. ang landi niya kasi.. purket may nag love letter pa sa kanya... sa askin may magsusulat din ng love letter..hmmp!!!!!!!!!
ITutuloy............
1 comment:
Mukhang magandang istorya na naman.
Reading marathon mode.
Post a Comment