Wednesday, January 19, 2011

One More Chance (04)

Photobucket


Para kina Keng, Rodgie, Jhay Em, Filmark, Jayson, Mark, Half, Emray at sa mga walang sawang tumutugon at nagbabasa sa aking mga akda. Huwag po sanang magsasawa.




CHAPTER 4

"Ano? Sa ganoon lang natapos ang celebration ng anniversary ninyo?"

"Yes." sagot ni Basty kay Charity, ang bading na assistant niya ng magsimula siya sa FAB Magazine. Ito rin ang madalas magpaalala sa kanya na mayroon siyang boyfriend for ten years.


"At sa tingin mo maniniwala ako ng ganoon na lang?" nakataas ang kilay na sabi pa nito.

"Ganoon na nga ang nangyari. Pagkatapos naming mag-do, ayun, umeskapo na agad ang lolo mo sa pasyente niya. Anong laban ko doon?" naghihimutok na sambit niya.

"Haller! Bossing, akala ko ba parehas kayong hindi magpapakapagod sa trabaho kahapon? Kaya nga mabilis mong tinapos ang trabaho sa set niyo ni Raymond di ba?"

"Oo nga. Akala ko rin eh. Pero anong magagawa ko kung on-call siya palagi kasi doktor siya."

"Ay? So lagi ka na lang mag-a-adjust? Kahit doktor siya, dapat may limit ang pagtatrabaho niya. After all, siya ang director ng buong hospital. May Gawd!"

"Well, buhay naman ang sinasagip niya. Hindi na masama yun. It's for a good cause."

"Good cause my ass. Wala na akong sinabi."

"Nakakalimot ka yata Charity." pagre-reprimand niya ng kaunti dito.

"Sorry naman Boss. Pero concerned lang ako sa'yo. Siyempre, nasa iyo ang loyalty ko. Hindi lang kasi healthy na laging ganyan ang eksena nyo sa isa't-isa. Halos di na kayo nakabuo ng isang buwan kasi wala kayong panahon sa mga sarili niyo."

Natahimik siyang bigla. Oo nga naman, since ng maging busy sila ni Popoy sa kanya-kanyang propesyon ay dumalang naman ang pagkikita nilang dalawa. Noong una, hindi malaking bagay sa kanya iyon, but now that Charity mentioned it, para ngang isang malaking palaisipan kung paanong nakatagal sila ni Popoy na hindi halos nagkakasama ng madalas.

"Tell me Boss, wala naman bang kinakalantari ang jowa mo?" pagpapatuloy ng malanding bading na hinawi pa ang bangs na bahagyang tumatakip sa medyo malamang mukha.

"Hindi ako lolokohin ni Popoy." mayabang niyang sabi.

"Okay. I'll revise the question. Wala bang kumakalantari sa jowa mo ngayon?"

Napatingin siyang bigla dito. "What do you mean?"

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."

"Na may nagtatangkang makipaglapit kay Popoy sa work niya? Ganoon ba?"

"Koyek."

"Ano ka ba? Ten years na kami ni Popoy. Kung gusto niyang patulan ang mga iyon, noon pa sana niya ginawa."

"Well, love fades. At alam kong nagsasawa ka na rin sa routine ninyong dalawa. Kumbaga sa pagkain, napaka-bland ng lasa ng niluto mong adobo kumpara sa niluto mo ten years ago. Gets?"

"So?"

"I suggest na magbago naman kayo ng eksena sa buhay ninyo. Tandaan, all work and no play makes Basty a dull boy."

"Masyado kaming busy. Parang di mo naman alam ang schedule ko. Pabago-bago."

"Then find time to relax. Susme, wala naman kayong anak na binubuhay di ba? Parehas namang well-off ang family ninyo? Anong silbi ng salitang "vacation" or "leave" kung di ninyo aabusuhin? Naman!"

"Are you imposing na iwan ko ang mga trabaho ko para lang makasigurong okay pa ang relasyon namin ni Popoy at maisalba pa namin ang ten years na pagsasama?"

"Haller! Siyempre hindi sa unang tanong at oo sa ikalawa. Kaya kong gawan ng paraan na mabakante ang mga photoshoot mo. May mga hindi naman ganoon ka-urgent kang projects. Madadaan na iyon sa charm ko. Pero ang tanong, do you really want to do this?"

"Haller ka rin! Ten years na kami ni Popoy, of course, gusto kong isalba ito kung sakali mang may problema kami. Pero duda ako na may problema kami. Wala naman siguro. Stress lang ito. Masyado kasi kaming nagpapayaman." pilit niyang pagdedepensa sa relasyon nila ni Popoy sa kanyang assistant.

But, somehow, Charity's words hit home. Bigla siyang kinabahan sa maaaring kahinatnan ng relasyon nila ni Popoy kapag nagpatuloy ang nararamdaman niyang pananabang. Marahil ganoon talaga kapag sobrang tagal na ng relasyon, sinusubok sa una, sinusubok din sa katagalan. Baka lang masyado na silang nagiging secured ni Popoy sa isa't-isa, kaya hindi na nila napapansina ng maliliit na bagay. Lalo pa at hindi sila madalas magkita.

"So, aayusin ko na ba ang calendar mo next month?" pukaw sa kanya ni Charity.

"S-sige. Ikaw na ang bahala."

"Sure Boss."

"And Charity." pahabol niya rito.

"Yes?"

"Get back to work. Ang aga-aga dinadaldal mo ako. Mamaya ka na mag-FB."

Umingos ito na ikinatawa niya. "Hmp! Teka Boss, pwedeng magtanong pa? Last na ito."

"Hay naku! Sige, sure."

"Kapag nasa America ba kayo eh hindi ba nagyayayang magpakasal si Popoy?"

Nabigla siya sa tanong na iyon.

"Huh?"

"I'll take that as a no. Hindi ka ba nag-aalala na baka out of convenience na lang kayo ni Popoy at hindi mo na siya mahal?"

Na-shocked siya sa narinig. Paanong nasasabi iyon ni Charity?

Aminin mo, may point siya. Anang isang bahagi ng isip niya.

Na-realize niyang bigla, parang tama ang lahat ng sinasabi nito sa kanya all these times. "Ten years na kami..."

"Eh ano naman kung ten years na kayo? Kung twelve years na sila ng scalpel niya at four years na sila ng bago niyang boyfriend... or girlfriend? Anong laban mo doon, aber?"

"H-hindi nga ako lolokohin ni Popoy." nanghihina niyang sagot.

"Boss, sa dami ng mga sexy at machong nurse or doctor din na gustong mapadikit sa gwapo mong boyfriend? Hello? Parang sa kaso lang nila Pancho at Gboi iyan. Out din naman kayo ni Popoy di ba?" Umiling-iling pa ito na para bang ang tanga-tanga niya.

"H-hindi mangyayari iyan. Basta! Okay ako sa sitwasyon namin ni Popoy. Walang dapat magbago. Please get back to work."

Tinitigan siya nito saka umismid sabay flip ng hair pakaliwa bago maarteng naglakad pabalik sa cubicle nito ng kumekembot. Nakapaloob na sa ginawa nito ang lahat ng mga salitang hindi na nito naisatinig. Naiwan siyang malalim ang iniisip.


Maagang umalis ng trabaho si Basty at kinansel ang lahat ng appointments niya para sa araw na iyon. Nag-aalala man siya ay gusto niyang makasiguro na mali ang lahat ng sinabi ni Charity. Magugulo niya talaga ang bangs ng hitad na iyon kapag nagkataon. Ang laking problema ng mga pinagsasabi ng slight na chubby na iyon.

I-dinayal niya ang numero ni Popoy pagkababa ng sasakyan. Bago umalis ng office ay sinigurado niyang nakapagpa-reserve ang assistant niya ng pwesto para sa kanila ng boyfriend at mga kaibigan sa paborito nilang tambayan.

"Hello. 'Poy. Nandito na ako sa Brazil Brazil. Punta ka na dito." aniya ng sumagot ang kasintahan.

"Oo. Wait lang kaunti mahal ko. Papunta na ako diyan."

"Okay. Ingat ka. I love you."

"I love you too." Popoy said hastily.

Pagpasok niya sa loob ng restaurant ay naroroon na ang mga inimbitahan nilang mga kaibigan. Lima lang lahat iyon. Dalawang babae, mag-jowang bisexual din at isang straight na lalaki.

"Pare! Nasaan na si Popoy?"

"Papunta na." sagot niya sa naunang bumati sa kanya na si Mark. Nakaakap dito ang ever-supportive na jowa nitong si Jayson. Isang Literary Professor si Jayson habang si Mark ay kapwa niya photographer. Humahabol ng taon sa kanila ang mga ito. Six years na ring going smooth ang relationship.

"Ang tagal naman ng esposo mo. Baka nag-sight seeing pa." Humahagikgik na sabi ng babaeng bakla na si Sonia habang seryoso namang nagbabasa ng libro ang prim and proper na best friend nitong si Coney. Para lang itong tuod. No talk, No shit ang bansag nila dito. Kesohodang mapanis sa isang sulok kaysa magsalita. Kabaligtaran ni Sonia na parang may rechargeable battery sa ngala-ngala.

"Hindi naman. Alam niyang naririto na tayo." pagtatanggol niya sa nobyo kahit pa gusto niyang sungalngalin ang hitad dahil sa panggagatong pa nito ng alalahanin niya.

"Busy talaga ang mga doctor Sonia, huwag ka ngang mang-inis diyan. Mukha na ngang aligaga itong isa eh." si Melvin. Ang kuya ni Charity. Buti hindi nahawa sa makulay na mundo ng kapatid nitong iprinoklamang eternal butterfly ang sarili.

"Salamat 'tol." naki-high five siya rito.

Ito ang circle of friends nila ni Popoy. Kaunti lang pero masaya. Parating na rin siguro si Half na siya namang ultimate bestfriend ng kanyang nobyo.

Maya-maya pa ay dumating na si Popoy na naka-coat pa. Kahit kailan, lagi siyang naa-amaze sa kakayahan ng mga doktor na panatilihin ang kalinisan ng mga uniporme nito sa kabila ng maghapong pagta-trabaho.

Ginawaran nito ng smack ang kanyang labi bago nakipagkulitan sa mga kaibigan nila. Gusto sana niyang mag-linger ng kaunti sa halik na iyon pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Popoy. Not that he wanted to show their friends how to do French kissing pero maano ba yung medyo magtagal di ba? Mga kaibigan naman nila iyon. Kiber na sa iba.

"Bakit ang tagal mo? Ang lapit mo lang ah?" sa halip ay nasabi niya.

"Mahal naman, late lang ako ng five minutes. Ikaw nga eh, two hours kang late kagabi." anitong tumatawa pa. Hindi naman ito tunog nanunumbat pero iyon ang dating sa kanya.

"Umorder na ba kayo?" tanong ni Popoy sa kanila.

"Oo." sagot ni Jayson.

"Anong i-n-order niyo?" si Popoy pa rin.

"Bakit? Bibilangin mo ba ang calorie content ng bawat order namin?" Basty answered rether sarcastically.

Napalingon sa kanya ang lahat kahit ang dedma sa banga na si Coney. Nahimigan malamang ng mga ito ang bahagyang asido na inilangkap niya sa kanyang sinabi.

"What?" patay-malisya niyang tanong.

"Wala lang. Okay ka lang ba mahal ko?" si Popoy sa kanyang nag-aalalang anyo.

Natigilan siya ng makita ang mata nito. Iyon ang uanng nakakuha ng atensiyon niya rito ten years ago. Iyon pa rin ang nag-iisang bagay na nagpapatunaw ng mga tampo niya kapag tinititigan niya ito. May calming effect sa kanya ang mga mata ni Popoy.

"O-okay lang. Medyo pa-pagod sa o-office." Natatarantang sagot niya.

Napakunot ang noo ni Popoy.

"Akala ko ba wala kang photoshoot today kasi guto mong huwag mapagod para sa event na ito?" tanong nito.

"Ah--teka? Wala ba akong karapatang mapagod sa loob ng opisina ko kahit wala akong photoshoot ngayon?" biglang outburst niya.

"Hey man! Relax. Nagtatanong lang si Popoy." awat ni Mark.

"Shutah kang beki ka. Kanina ka pa aligaga." si Sonia sa kanyang pagkainis.

Napabuntong-hininga siya. Nagsasabay-sabay ang lahat ng alalahanin sa utak niya. Hindi niya alam ang dapat unahin. Pesteng Charity kasi ito. Paninisi niya sa assistant.

"Sorry guys. Wala lang ako sa mood." hinging-paumanhin niya sa mga ito.

"Huwag kang magsorry sa amin. Kay Popoy ka mag-sorry kasi siya ang sininghalan mo." sabad ni Coney na ibinaba ang librong binabasa sa lamesa.

"Ay nandiyan ka pala teh?" tukso ni Sonia rito.

"Get a life Sonia." asik nito sa best friend.

"Kung iyang buhay rin lang na napaka-boring, huwag na lang." ganti ng babaeng bakla.

"Whatever."

"Tse!"

"It's okay guys." awat ni Popoy sa mga babae. Mataman siya nitong tinitigan at nginitian kapagkuwan. Masuyo nitong hinawakan ang kamay niya.

"I'm sorry 'Poy." sabi niya rito.

"It's okay. Sanay ako sa outburst mo." humahagikgik pa na sabi nito sabay siil sa kanya ng isang mariing halik.

"Yuck!" sabi sa kabilang mesa.

"Ay? Nahiya naman ako sa hitsura nitong wagas at kung maka-yuck eh ganoon na lang." kontra ni Sonia sa sinumang epal sa paligid.

Dumating ang order nila kaya bahagyang humupa ang tensiyon sa paligid nila. Nagsisimula na siyang kumalma ng makita niyang nakatitig si Popoy sa i-n-order niyang grilled beef. Medyo mayroon iyong parteng malaki ang taba na gustong-gusto niya. Nagtatanong ang matang tumingin din siya dito.

"W-wala." saad ni Popoy.

Nang kumakain na ay mas inilapit ni Popoy ang silya nito sa kanya. Bagay na kinasanayan na nitong gawin. Nagsimula siyang mairita ulit kasi nahihirpan siyang kumain ng hindi nasisikipan pero pinigil niya ang sarili dahil na rin sa pagkapahiya kanina.

Hihiwain na niya ang taba ng baka ng pigilan siya ni Popoy sa isang kamay. Naiinis na nagbaling siya rito ng tingin.

"Basty, taba yan."

"Alam ko 'Poy." Nauubusan ng pasensiyang sabi niya.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang inis niya at kung saan iyon nagsimula pero ang mga dating ginagawa ni Popoy ay sadyang nakakapag-painis talaga sa kanya ngayon ng husto. Dati naman ay gustong-gusto niya ang mga iyon. Kaso parang nananawa na siya. At gusto niyang kumain ng taba!

"I need space 'Poy?" nabibiglang sambit niya.

"Ha? Ganoon ba? O iyan!" Muntik na siyang matuwa kung hindi lang nito namis-interpret ang sinabi niya. Sa halip kasi ay inusog lang nito ang bangko palayo sa kanya ng kaunti. Naiiling na hiniwa na lang niya ulit ang taba.

"Basty, mataas ang cholesterol niyan." awat ulit sa ni Popoy sa ginagawa niya.

Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang nakamasid ang mga kaibigan nila na may pagtataka sa mukha. Pero dinedma niya iyon. Naiinis talaga siya ngayon. Binawi niya ang brasong pinipigalan nito.

"Ano ba 'Poy? Sinabi ko ng alam ko di ba?"

"Oo nga. pero di ka naman kumakain na niyan di ba?"

Napatayo siya. "Kumakain ako. Dati. kaso ipinagbawal mo. Ano ba 'Poy? Taba lang iyan. Gusto kong kumain ng taba. Hindi ako mamamatay diyan." Singhal niya dito.

"Okay, okay! Huwag ka ng magalit. Fine! Kung gusto mong kainin iyan, go ahead. Huwag ka ng sumigaw at nakakahiya sa mga tao." pagpapacify pa nito sa kanya. Hindi man lang siya pinatulan. Masyado na itong nasanay sa temper niya.

Napilitan siyang umupo at muling bumalik sa pagkain.

"Okay ka lang teh?" asked Sonia to which he replied a nod.

"Anong eksena mo?" si Mark.

"Wala." sagot niya. "Sorry 'Poy. Pagod lang siguro talaga ako. Don't mind me. Pasensiya na ulit."

"Okay lang iyon mahal ko. Go ahead. May taba pa dito kay Sonia. Gusto mo pa?"

"No thank you."

Naging tamilmil na siya sa lamesa kaya naman nagpaalam siyang pupunta sa mens room. Pagdating doon ay hindi niya namalayang sinundan siya ni Popoy. Napagdesisyunan niya tuloy bigla na sabihin na ang tunay na nasasaloob niya.

"'Poy, I want out."

"What?"

"I said, I want out."

"You're kidding right?"

"Nakita mo ba akong tumatawa?"

"No Basty. Kaka-celebrate lang natin kagabi ng tenth year anniversary natin. Anong drama ito?"

Hindi siya makatingin ng maayos dito. Bigla kasing parang napakahirap ng hagilapin ng mga salita ngayon samantalang kanina ay parang dam iyon na tuloy-tuloy sa agos.

"Halika ka na Basty. Umuwi na tayo. Baka sa sobrang pagod talaga yan kaya kung anu-ano ang pinagsasasabi mo." Hinila siya nito sa kamay.

Bumitiw siya.

"No Popoy. Ayoko na. Nagsasawa na ako. Maybe we need a little space."

"Space? Anong kalokohan iyan Basty? Saan ka nagsasawa?"

"Sa lahat. Sa routine natin. Sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Sa... iyo." Hindi niya intensiyong maipabulalas.

Napamaang si Popoy sa narinig. Waring naestatwa.

"Look 'Poy, I'm just asking for a little time off. Cool-off muna tayo."

"M-may iba ka na ba?"

"Huh? Wala. Ano ba?" nahihirapan niyang sagot.

"Paano kang nagsawa?" namamasa na ang mata ni Popoy.

Hindi iyon masagot ni Basty. Paano nga ba?

"I-i don't know 'Poy. A-all I k-know is that..."

"Don't say a word Basty." Pinahid nito ang butil ng luhang sumungaw sa dulo ng mata. Namumula na ang mga iyon tanda ng pagpipigil na maiyak.

"P-payag ka na?"

"Hell no Basty."

"Pero 'Poy..."

"Hindi Basty. Ayoko. Hangga't wala kang matibay na dahilan para sabihin sa akin kung bakit ayaw mo na at kung bakit ka nagsasawa sa atin, sa meron tayo, sa mga nakapaligid sa atin, sa... a-akin... hindi kita papayagang lumayo."

"Pero 'Poy, hindi ko na gusto ito. Hindi mo ba nararamdaman? We are not growing together anymore! What if we could be happier pero nagtiyatiyaga lang tayo?" Basty said out of desparation. Mas gusto niya sanang maging maayos ang paghihiwalay nila. Kaso naging ganito ka-emotional si Popoy.

"Paano mong nasasabi iyan Basty. Mahal kita!"

"Sometimes people have to break up, 'Poy, so they can grow up. It takes grown-ups for relationships to work."

"Ten years Basty. Ten years at itatapon mo lang lahat?"

"Wala akong itatapon 'Poy. Cool-off lang naman ang hinihiling ko."

"Damn it Basty, ganoon din iyon! Doon din ang tungo nun!" sabi nito sabay yugyog sa kanya.

"Kailangan ko ito Popoy! Kailangan mo rin!"

"Pero ikaw ang kailangan ko." Niyakap siya nito. Umaagos ang luhang kanina ay pinipigilan ng husto. Ganoon din siya.

"I-I'm s-sory P-popoy..." anas niya rito saka bumitiw at tuloy-tuloy na lumabas patungo sa kinaroroonan ng kotse.


Itutuloy...

1 comment:

Unknown said...

..naks kakabitin na nman pero worth it ang pag hhintay ko sa chapter 04 ^_^ tnx dalisay