Saturday, January 8, 2011

Boom Boom Jairus 9

BOOM BOOM JAIRUS


Akda ni Jaime Sabado





GABRIEL: " Jai!!! jai!! wait"

Ngunit di ko pinansin ang pagtawag na iyon ni gabriel, ayoko ko na makarinig ulit ng masasakit na salita galing sa kanya at ayokong may magawang hindi niya ikakagusto kaya dinirecho ko nalang ang aking paglalakad. Ngunit tumakbo ata si Gab at naabutan ako, hinawakan niya ang kamay ko.. Ang hawak na iyon ay mistulang kumuryente sa akin kaya agad kung inalis ang kamay niya sa pagkakawahak sa akin.

AKO: "Anu? may atraso pa ba ako sayo na di mo nasasabi? sabihin mo na gab at may pupuntahan pa ako" pagsisinungaling ko

GABRIEL: "Gusto ko lang na magkausap tayo jai, please?" pagmamakaawa ang tanging makikita sa mukha niya.

AKO: "Anung kadramahan na naman ang sasabihin mo gab?, wag mo na ko daanan sa ganyan kasi pagod na pagod na ko. Kung gusto mo kong saktan cge, sapakin mo na ko ngayon na para matapos na to"

Ngunit ibang reaksyon ang nakita ko, isang umiiyak ni gabriel.

GABRIEL: " Jai.. gusto ko sanang ilatag lahat ng baraha ko sa harap mo. Lagi kong inisip na nasaktan moko mula nung makita ko kayo ni Morris hanggang sa makita ko ang pictures sa website. Pero ang hindi ko naisip ang mga paghihirap na dinanas mo simula nang mamatay siya"

AKO: "Anu na naman ito Gab? palabas na naman ba? Diyos ko gabriel maawa ka naman sakin(di ko na napigil ang luha ko).. tiniis kong lahat ng pananakit mo pero hindi ko na kaya ang isa pang pananakit mula sayo kaya nagmamakaawa ako sayo.. layuan mo na ko" iyak padin ako

GABRIEL: "Jai makinig ka naman sakin oh... please kahit ngayon lang jai"

AKO: "Cge sa kahuli hulihang pagkakataon gab, makikinig ako.."

Pinili naming mag usap ni Gab sa isang par malapit sa lugar na iyon. Naupo kami sa isang bench doon at nagsimula na siyang magsalita.

GABRIEL: " Jai, nung sinabi lahat lahat ni Noime ang mga bagay na dapat sana ay itinanong ko sayo, dun ko napagtanto na wala kang ni katiting na kasalanan sa akin (nagsisimulang gumaralgal ang boses ni gab). Mas madami akong naging kasalanan ayo"

AT IKWENENTO LAHAT SA AKIN NI GABRIEL............

GABRIEL: "Mula ng makita ko kayo ni Morris na magkasama, dun na umusbong nga galit ko sayo, galit na sanhi ng pagseselos ko. Mula noon ay pinilit na kitang limutain Jai pero di ko talaga kaya. Nung mabalitaan kong patay na si Morris, nabigla ako...

AKO: "Teka.. si MOrris? bakit? akala ko......."

GABRIEL: "Patawarin moko jai (humahagulgol).. pinsan ko si Morris, kapatid ni daddy si Tita Lina. Napansin mo bang umiwas ako nung makita mo si tita lina sa simbahan. Kasi ayoko malaman mo ang totoo para hindi masira ang plano kong paghihiganti"

AKO: "PAGHIHIGANTI???"

GABRIEL: "Oo jai, inisip kong maghiganti dahil sinaktan mo ang puso ko, at pinsan ko pa ang minahal mo. Higit sa lahat, buong paniniwala ko ay ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya at nadagdagan pa iyon nung ipikita sa akin ni james yung pictures mo sa website. Inisip kong di pa nagtatagal ang pagkamatay ni MOrris pero yun na agad ang pinag gagagawa mo, Doon ko na unang inisip na balikan ka at parusahan sa mga inakala kong kawalanh hiyaan mo"

AKO: "Babaw pala ng tingin mo sakin"

GABRIEL: "Hindi ganun jai..(humagugol muli).."

AKO: "Sana naman ngayong alam mo na ang lahat ay tigilan mo na ako gab"

Masakit man sa dibdib ko ngunit yun ang mga salitang binitiwan ko.

GABRIEL: Jai please... hanggang ngayon mahal na mahal parin kita. punong puno ng galit ang puso ko dahil sa pride at pagka selfish ko pero mahal talaga kita jai"

AKO: "Hindi ko alam gab pero sinasabi ng puso ko na paniwalaan kita, pero sa nakikita ko masaya kana kay James"

GABRIEL: "naging kami ni James mula nung ipakita niya akin pictures mo. Lagi kasi siyang nsa tabi ko noon. Alam mo bang sa kanya kita laging ikinikwento noong wala pa kong galit sa dibdib. Nung nagbalak akong maghiganti ay sinuportahan niya ako. Pakiramdam ko noon siya nalang karamay ko kaya naging kami. Pero jai kahit kelan hindi ka niya napalitan dito (tinuro ang puso). Sa bawat pagtibok nito ikaw ang dahilan kahit ayaw ko na noon. Hindi ko matakasan ang pagmamahal ko sayo jai lalo pa't maliwanag na sa akin ang lahat.. Gusto kong bawiin muli ang puso mo jai" (umiiyak ng sobra)

Sobrang sarap pakinggan ang mga salitang narinig ko mula kay Gabriel at naramdaman ko ang sensiridad sa mga sinabi niya kaya sobra sobra ang pag iyak at pag hagulgol ko habang sinabi sa kanya na.....

AKO: "Sa tingin ko huli na ang lahat para sa atin gab... kahit pagbali baliktarin natin ang mundo, hindi mo na maibabalik ang dating tayo.."

GABRIEL: "jai sabihin mo lang na pinapatawad mo na ako, gagawin ko ang lahat para maibalik ang dati mong saya, ang dating tayo (sabay pinahid ang luha ko)

AKO: "Hindi na ganun kadali gab.."

GABRIEL: "bahit jai? hindi mo na ba ko kayang patawarin? hindi mo na ba ko mahal? Jai nararamdaman kong mahal moko kaya walang dahilan na hindi natin pede ibalik ang lahat"

AKO: "Wala ka palang alam sa mga nangyari"

GABRIEL: " bakit jai? wala talaga akong alam sa mga nangyayari ayo ngayon"

AKO: "buntis si Noime" pinilit kong huwag mapa hagulgol.

Nakita ko naman ang matinding pagkabigla sa mga mata ni gabriel, waring nahulaan niya kung anu ang ibig kong sabihin.

GABRIEL: "at ikaw.......ikaw ang...." tuluyan nang humagolgol si gabriel

Wala akong naging tugon sa sinabi niyang iyon kundi iyak lng.. Nabigla naman ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit...

GABRIEL: " No jai, hindi totoo yan.. hindi totoo yan"

Niyakap ko siya ng mahigpit bilang pagkukopirma na totoo ang nadinig niya mula sa akin. at ako man ay napahagulgol. Alam kong sa puntong ito ay pareha kaming nasasaktan at nanghihinayang.

AKO: "Buo na ang desisyon kong panagutan siya gab........................... pakakasalan ko siya"

Nasabi ko iyon habag pinipigil ko ang sariling humagulgol muli. Yayakapin na sana ulit ako ni gab ngunit tumalikod na ko at patuloy ang agos ng luha ko habag naglalakad at alam kong umiiyak din si gab nung mga sandaling iyon habag pinagmamasdan ako palayo.

AKO: " Paalam Gab.. paalam mahal ko"

Napaka emosyonal nung pag uusap namin ni gab na iyon. the best thing na pwedeng mangyari nalang is nakapagpatawaran na kami. kahit sobrang sakit isipin na hinding hindi na kami pwede sa isa't isa.

Nung gabi ding iyon ay di ako nakatulog sa kaiisip. Di ko alam kung anung nagawa ko mundo at pinarurusahan ako ng ganito, sobrang sakit talaga.

Kinabukasan ay pumasok mejo late na ko nakapasok sa hospital, isang buwan pa kasi bago mag take effect ang resignation na pinasa ko sa admin. Malas naman at nakalimutan ko pa sa bahay ang phone ko.

AKO: "haissst anu ba tong kamalasan na to, panu ako magtetext nito sa mama ko mamaya"

DONNA(nurse din sa ospital na to): " jairus!!!!!!!!!! san kaba galing ba't ngayon ka lang"

Tila namumutla si Donna at tarantang taranta. Naisip ko baka toxic sa station namin ngayon. naku naman.

AKO: "bakit? madami ba tayong admissions today?"

DONNA: " si Noime!!!! si Noime!!!!1"

AKO: "bakit what happend to Noime?"

DONNA: "Nasa emergency room siya ngayon, nakita namin siyang nakahilata sa may covered walk"

Nanginig ang tuhod ko sa narinig, parang napako ako sa kinatatayuan ko. Bakit siya nakahilata sa lugar na iyon. ? sa kabila ng pagkabigla ay nakuha kong tumakbo papunta ng Emergency room. Nakita ko si Noime sa isang bed doon.

AKO: "nOIMS? anung nangyari sayo? ayos kanaba? ang babay natin?"

Ngunit iyak lamang ang naisagot ni Noime.

DOCTOR: " Mr. jairus I'm sorry to tell you, hindi ganun kalakas ang kapit ng bata, naka schedule na si misis mo for D and C."

Nanlumo ako sa narinig ko. Di ako makapaniwalang ganun kadali binawi ang anak ko. Pakiramdam ko mababaliw na ko.

AKO: "Noims? bakit? anu ba nangyari?'

NOIME (UMIIYAK): " Si james... nagkasagutan kami kanina sa covered walk.."


FLASHBACK...............

Naglalakd si Noime sa covered walk papasok na sana sa Ospital.

James: "malas ko naman at ito pa nakasabay ko"

Noime: "Pwede ba, wala akong pakialam sa inyo, tska pde ba pabayaan mo na si jairus"

JAMES: "Jairus? yung puta?"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni NOime sa pisngi ni james. Sa gulat ni james ay itinulak niya si Noime at nahulog si Noime sa mababang parte ng daan o covered walk.

James: "Akala mo siguro di kita papatulan?.. mamatay na sana kayo ni Jairus" sabay tawa at umalis na.


KASALUKUYAN.............................

Nang madinig ko ang salay say na iyon ni Noime ay dumerecho na ko sa station ni james, luhaan akong naglalakad papunta sa station nila. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang anak ko at si Noime. Nakita ko si james na naka upo sa station imbis na mag rounds at nasa tabi niya si gab nagsusulat sa chart.

JAMES: "well, nandito ka? anung luha yan ha? di bagay.. (pabulong) pokpok" sabay tawa

Sa tindi ng galit sa dibdib ko ay agad ko siiyang nilapitan at kwenelyuhan.

AKO: "hayop ka!!!!!!!!!!!! alam ginawa mo sa mag ina ko?!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!.. pinatay mo ang anak ko hayop ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Di ko na napigil ang galit ko at sipak ko si james at tumilapon siya sa may sink area. Pumatong ako sa kanya at pinaulanan ko siya ng sapak hanggang dumugo ang mga ngipin niya pati ilong ay dumudugo na din. Malas at may dalawang humawak sa braso ko at pinilit akong itayo at ilayo kay James, pero nagpahabol pa ko ng tatlong sipa sa sikmura niya. halos di makakilos si james sa sakit siguro ng pagkakabugbog ko.

AKO: "hayop ka!!! anung kasalanan ko sayo?!!! (umiiyak ako). Kung may problema ka sakin sana ako nalang ang pinatay mo gago ka, bakit ang anak pa namin"

Dun ko naramdaman ang maging isang ama. Isang amang nawalan ng anak. masakit pala sobra, di paman iniluluwal sa mundo ang anak ko ay minahal ko na ito ng higit pa sa buhay ko mula ng malaman kong akin siya.

AKO: "idedemanda kita hayop ka!!!!!" habang may nakahawak padin sa magkabilang braso ko.

Nakita ko si gab na nakatingin sa akin at halata ang pagkabigla sa mukha. Ngunit isang matalas at galit na titig ang iginanti ko sa kanya. Nagpumiglas ako at tumakbo pabalik ng ER.

AKO: "Asan na si Noime?"

NUrse: "Nasa OR na.. Raraspahan na siya para matanggal ang ibang fetal fragments sa tiyan niya"

Di ko masukat ang sakit ng dibdib ko dahil sa narinig ko at tuluyan akong tumalikod at patakbong pumunta sa chapel ng hospital at nagdasal habang umiiyak.

AKO: "Diyos ko, wala sanang maging complication kay nOime.... panginoon salamat po sa sandaling pagpaparamdam sa akin kung panu maging ama, kahit sa isang napakasakit na paraan po ninyo ipinaramdam sa akin iyon."

Di ko mapigil ang umiyak habang iniimagine ko ang sarili na karga karga ko ang isang sanggol, at yun ang sanay anak ko. Di ko alam pero awang awa ako sa baby namin ni NOime. Parang nakikita ko ang isang sanggol na umiiyak dahil nabigo diyang makasama ang mga magulang niya.

HIndi ko namalayang naka tulog pala ako sa chapel. Hindi o na naisip na may pasok ako. Pagtingin ko sa relo, dalawang oras ako nakatulog. Pumasok agad sa isip ko si Noime kaya dali akong tumakbo sa OB ward at dun ko hinanap ang kwarto niya. Naabutan kong tulog si NOime. Nilapitan ko siya at naupo ako sa gilid ng kama habang hinahagod ko ang mahaba niyang buhok. umiiyak parin ako that time.

Nagising si Noime at inangat ang mukha niya para makita ako.

NOime: "jai??..kanina pa kita hinintay.. kumusta kana?"

AKO: "Shhh, magpahinga ka muna noims.. ikaw nga dapat kong kumustahin."

Si NOIme, sa kabila ng lagay niya ay ako pa ang kinumusta. pinilit kung ngumiti at sinabing...

AKO: "wag ka mag aalala noims.. ok lng ako.."

NOIme: "jai patawarin moko sa nangyari" mistulang iiyak

AKO: "Noims wala kang kasalanan.. wag kana umiyak.. mugto namata mo oh.. baka pumangit ka niyan.. Huwag na tayo masyadong malungkot noims.. May rason ang diyos bakit nangyari to at alam ko kasama niya ngayon ang baby natin.

Noime: "Oo jai.. yun na lang din ang nagpapagaan ng loob ko. Siguro pinapahinog pa ko ng diyos para mas maging mabuti akong ina kung sakaling bibiyayaan niya ulit ako ng baby" napaluha siya

AKO: "may gardian angel na tayo Noims na sating dalawa lng"

NOime: "Jai, alam kong di ito ang tamang oras pero, mula sa oras na ito.. pinakakwalan na kita.. wala kanag obligasyon sa akin....sana lang ay maging magkaibigan parin tayo jai.."

AKO: "(niyakap ko siya) tuloy ang kasal noims, di natatapos sa pagkawala ng anak natin ang pananagutan ko sayo"

NOime: "Jai...maawa ka nman sa sarili mo.. alam mo sa puso mo kung sino talaga mahal mo.. Jai gawin mo to para sakin.. sundin mo kung saan ka sasaya." umiiyak

Ako: "Pero onoims"

NOIME: "Jai, please? alam mo bang mahal kita hindi lang bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki.. mahal na mahal kita jai kaya gusto kong sumaya ka"

AKO: "salamat noims" niyakap ko siya at nag iyakan kami.

HInintay ko muna na tuluyang gumaling si NOIme bago namin pinag usapan ang magiging hakbang namin laban kay James. Nagsampa kami ng demanda kay James at kasalukuyan itong dinidinig sa korte dahil sa bagal ng hustisya dito sa pinas.

napagkasunduan na din namin ni Noime na di na ituloy ang kasal at maging magkaibigan parin sa kabila ng lahat.

Dalawang buwan na ang nakakaraan mula nung mawala ang anak namin ni NOime. Isang buwan na din ang nakakaraan simula nung huli kong makita si Gabriel. Inaamin kong hanggang ngayon siya parin ang mahal ko pero di ko alam saan siya hahagilapin.

Sana ay matagpuan na ni gab ang kaligayahang alam kong matagal na niyang hindi nararanasan. Nung unang hearing ng kaso ay nakausap ko ng matino si James. halos patayin din daw siya ni Gab sa galit. Umiiyak si James habang sinasabing nagawa niya lahat ng iyon dahil takot siyang mawala sa kanya si gabriel. pero sa kabila ng lahat, ay iniwan padin siya nito.

Napatawad na namin ni Noime si james pero may kailangan siyang panagutan sa batas at hindi na namin saklaw iyon.

Sa sobrang dami ng nangyari ay hindi ko na itinuloy ang resignation ko sa hospital at doon padin ako nagtatrabaho hanggang ngayon. Balik sa dati ang lahat sa amin.

Sa Duty..............................

AKO: "Anu ba naman yang powder mo Noime, langhap ng buong hospital.. adik doon ka magpaganda sa banyo"

NOIme: "Eh sa dito ko gusto magpaganda.. bakit ba? inlove kana ba sa ganda ko?" tawa naman

AKO: "mukha mo bilog" wahehehe

NOIme: "tigilan moko jairus kung ayaw mong sumigaw ako dito ng rape"

AKO: "at bakit ka sisigaw ng rape?"

NOime: "para rapin moko.. dali na, doon tayo" wahehehe

AKO: "halaka! yoko nga.. di pa nga kita nadedemanda sa pang rarape mo sakin dati eh..wahehehe"

NOIme: "Sa ganda kong to? walang maniniwala sayo.. hay naku mamaya may blind date ako.. sna naman papable na to"

AKO: "grabeh 2n d blind date mo na yan ah"

NOIme: "eh literal na blind date yung una.. bulag isang mata" grabe namang sumpa itich.. lord bigyan niyo naman po ako ng pogi na mayaman na mabait na macho na mabago" sabay tingala.

AKO: "wahehehe alam ko san makikita yang ideal man mo"

NOIme: "saan?"

AKO: "magbasa ka ng pocket book andun yan..wahehehe"

NOime: "pakainin kaya kita ng pocketbook?.. haay naku jai mag rounds kana nga at baka may Cosumed IVT na jan"

Balik sa dati ang sitwasyon namin ni Noime. sa kabila nito nagungulila padin ang puso ko.

3pm at out ko na. Naunang umalis si noime para sa blind date pa daw siya..wahehehehe

Napagpasyahan kong pumunta muna ng simbahan at magdasal. Pinagpasalamat ko ang lahat sa diyos. pagkatapos ko sa simbahan ay naglakad lakad muna ako. DInala ako ng mga paa ko papunta sa sakayan papunta sa lugar kung nasaan ang bahay nila Gab. Hindi ko alam pero sumakay ako ng jeep dun at bumaba malapit sa bahay nila.

Nilakad ko iyon at sinariwa ng unang beses na pumunta ako dito. nasa di kalayuan ako ng gate nila gab at naka tanaw lang doon.

Nakita kong bumukas ang gate at may kotse kararating lang sa labas. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang si gab ang papalabas ng gate. Ninais ng puso kung lapitan siya at yakapin. Tuwang tuwa akong makita si gabna naka ngiti.

Nakita ko naman ang isang lalaki na bumaba sa kotse at halos kasing gwapo ito ni gab. Halata ang tuwa at pananabik nila sa isa't isa. Nagyakapan sila at hinalikan ni gab sa pisngi yung lalaki at inakbayan papasok ng bahay nila.


Nakangiti ako habang tinitingnan sila. Masaya akong makitang masaya si gabriel ngunit di ko namalayan ang mga butil ng luha na pumapatak sa mga mata ko."


Tumalikod na ko at naglakad palayo. Tumingala ako sa langit at nagdasal.


"SANA AKO DIN, MATAGPUAN KO NA ANG KALIGAYAHANG HINAHANAP NG PUSO KO"



ITUTULOY...............................................................................

1 comment:

Jadey said...

Tragedy. Masakit pero minsan ito ang daan para sa mga realisasyon natin sa buhay. Nakakaiyak, ramdam ko si Jairus. Pero para kay Noemi, isa lang ang masasabi ko, IDOL! Isang larawan ng tunay na pagmamahal, at para pakawalan niya si Jairus, wala akong masabi. Sarap siguro magkaroon ng kahit kaibigan lang na katulad ni Noemi.