Capítulo Seis – El Acontecimiento
“Congrats sa success ng University Week”
“Sobrang enjoy ako sa mga booths”
“Ang ganda ng choices sa movie booth kaya kahit pinanood ko na dati ay pinanood ko pa rin ngayon”
“Parang professional ang mga shots ng mga kasama sa contest”
“Nakakapagod yung marathon kaninang umaga pero enjoy”
“Na-inspired naman ako sa Tree Planting at Feeding Program”
“Ang hirap ng mga tanong sa quiz bee, kaya kahit matatalino ang mga contestants ay pinagpawisan din sa pagsagot”
“Excited na akong manood sa Mr. and Ms. University mamayang gabi”
“This is the best University Week ever”
Yan ang mga pagbati at papuri na naririnig ni Chigo mula sa mga estudyante at faculty na nakakasalubong niya.
“Salamat, pero hindi ko kayang solohin ang mga papuri ninyo. In behalf of the Student Council body, maraming salamat ulit” ang pa-humble na sagot ni Chigo sa mga estudyante at faculty members.
Kitang-kita talaga ni Chigo na masaya ang mga estudyante at faculty na patunay lang noon na naging successful ang mga programs at events na pinagpaguran ng mga kasama niya, at siempre sa pamumuno niya.
At sa huling araw ay gaganapin ang final event, ang Socilization Night.
“Self Expression” yan ang theme na naisip ng grupo ni Chigo sa huling gabi ng University Week nila. Naglagay sila ng isang banner na pwedeng sulatan ng mga estudyante kung ano ang kanilang saloobin at kung ano man ang gusto nilang isulat. At kagaya ng theme, hinikayat nila na magbihis ang mga estudyante kung saan sila magiging komportable, pwedeng formal, semi-formal, casual, Hawaiian, anime inspired, naka-maskara, kahit ano basta ma-express nila ang sarili nila sa pamamagitan ng kanilang kasuotan.
Naka-assign na magbigay ng Welcome Address si Chigo bago ang simula ng event, hindi katulad ng iba na natatakot magsalita sa harap ng maraming tao, sanay na siya sa ganitong eksena.
“Ladies and gentlemen, let’s welcome Mr. Chigo Jimenez for his speech” pagtawag ng host kay Chigo.
“Sa mga panungkulan ng Unibersidad na ito, sa pamumuno ang ating pinakamamahal na Presidente, kasama ang mga guro, estudyante, at mga panauhin, isang mapayapang gabi sa lahat.
Maraming salamat sa mga faculty, sa mga kasamahan kong officers, volunteers at sponsors, dahil kung hindi sa kanila ay hindi magiging successful ang buong Foundation Week natin. Marami akong nakakasalubong na bumabati sa akin, pero ayaw kong solohin ang papuri dahil alam kong marami rin ang naghirap, nagpawis, at nagpakapagod para maging maganda ang lahat ng events.
Siguro maraming nagtatanong kung bakit “Self Expression” ang naging theme ng gabing ito, simple lang, gusto namin na maging malaya kayong mamili kung ano ang isusuot at magiging ayos ninyo. Hindi katulad kung nag-set kami ng dress code, halimbawa formal o masquerade, siguradong merong hindi komportable o mahihirapang maghanap pa ng isusuot. Gusto naming maging komportable kayo, katulad ko, aaminin ko nahirapan akong naghapan sa Egyptian Emperor inspired costume na suot ko ngayon, pero dito ako komportable at ito ang gusto kong isuot, kaya ito ang napili ko.
Masaya akong makakita ngayon ng iba-ibang klase ng kasuotan, merong naka-formal, sports uniforms, anime, fairy, national dress, at kung anu-ano pa. Pero bukod sa costume, gusto rin naming mangyari sa gabing ito ay i-express ang sarili natin, naglagay kami ng banner para maisulat o mas maiigi kung masabi natin sa mga kaibigan o kakilala natin kung ano man ang gusto nating sabihin. Sa atin ang gabing ito, ang gabi kung saan pwede tayong maging malaya sa pamamagitan ng pag-express ng ating sarili.
Hindi ko na hahabaan ang sasabihin ko para masimulan na natin ang gabing ito”, pagtatapos ni Chigo sa kanyang talumpati, na puno ng kasiyahan sa mukha.
“Let’ give Mr. Chigo a round of applause” pasigaw na sabi ng host.
Dahil doon, dumagundong ang ingay sa buong gymnasium na dulot ng masiglang palakpakan.
“Bading, bading. Kaya ka nanalo bilang Presidente ng Student Council dahil nagkalat na ang lahi ninyo” sigaw ng ilang estudyante na matapos ang palakpakan.
Paalis na sana ni Chigo sa stage pero dahil sa narinig ay nagpasya siyang manatili doon, nagdadalawang isip pa sana siya kung sasagutin niya iyon o papabayaan na lang. At nanaig ang una pagkatapos niyang mag-isip. Kinuha niya ang mic sa host at muling nagsalita.
“Salamat sa pag-express ng iyong sarili.
Naghangad akong tumakbo dati sa Student Council last year, pero ni-reject ang application ko dahil bisexual ako. Hindi raw ako magiging magandang halimbawa sa mga estudyante. Ngayong nanalo ako, sasabihin din ninyo na dahil iyon sa pagiging bisexual ko. Kung minsan ay hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko, pero naiisip ko, hindi dapat husgahan ang kakayanan ng isang tao dahil sa kanyang sekswalidad. Kung ano man ang pwedeng maabot at mga naging achievements ng isang tao, iyon ay dahil sa kakayahan, talino at abilidad niya, hindi iyon dahil sa bisexual, bading, tomboy o straight, o kung meron mang kinalaman ang sekswalidad, maliit na porsiyento lang siguro iyon.
Hindi ibig sabihin na straight ka ay mas malaya kang kumilos sa lipunan, mas marami kang magagawa, at mas magandang halimbawa ka. At ang pagiging bisexual ay parang nakakahawang sakit sa lipunan, walang kwenta, at masamang halimbawa. Sana baguhin natin ang ganoong paniniwala. Sana huwag husgahan ang tao base sa kanyang sekwalidad, maliit lang na bahagi ng pagkatao natin iyon.
Self Expression – siguro isa pang kailangan nating i-express ay ang ating naging desisyon sa buhay, partikular na ang pagpili ng sekswalidad. Sa kaso ko, masaya ako sa pagiging bisexual ko, kahit na alam kong maraming mapaghusgang mata na laging nakatingin sa akin. Dito ako masaya, kagaya ng pagiging masaya ninyo sa pagiging straight na lalake at babae.
Sa gabing ito, masaya akong i-express sa inyong lahat na isa akong bisexual, ito ang pinili ko, paninindigan ko ito, dito ako masaya.
Muli, magandang gabi at maraming salamat sa lahat” pagtatapos ni Chigo, sabay alis sa stage. At kahit hindi sinabi ng host, dumagundong muli ang ingay sa buong gymnasium, sa pagkakataong ito, mas malakas.
“Chigo, isang kampay para sa napakaganda at sobrang inspiring sa speech mo kanina” pagbati ni Timber.
“Isang kampay din para sa pagkapanalo ni Timber sa Quiz Bee” sabay taas ng shot glass ni Patsy.
“Siempre kailangan din nating i-celebrate ang pagkapanalo ni Patsy sa contest” masayang bati ni Chigo.
Pagkatapos ng event sa gymnasium, nagpasyang magpunta sa isang bar ang magka-kaibigan para ipagdiwang ang kani-kanilang naging success sa nagdaang Foundation Week.
“Hindi nga ako nanalo, 1st runner-up lang ako” malungkot na sabi ni Patsy pagkatapos niyang inumin ang isang shot ng vodka.
“Ok lang iyon, para sa amin ikaw ang panalo. Mukhang niluto nga yung resulta, ikaw ang crowd favorite pero yung isa yung nanalo” sabi ni Timber.
“Salamat, friend talaga kita” sabay ngiti ni Patsy kay Timber.
“Bakit kasi tinagalog mo ang sagot mo, ang lahat ng finalist English ang pag-sagot nila?” tanong ni Chigo.
“Ay, excuse me. Ano ba ang theme na naisip mo, di ba “Self Expression”? Kaya nag-express lang ako ng sarili ko, mas komportable akong sumagot sa Tagalog, at gusto ko ring ipahiwatig sa lahat ng dapat talaga Tagalog ang gamitin nating lengwahe. Hindi naman ibig sabihin na kapag nag-English ka ay mas matalino ka o mas magandang pakinggan ang sinasabi mo. Huwag pakinggan ang lengwahe, pakinggan yung laman ng sagot” mahabang paliwanag ni Patsy.
“Sabagay tama ka. At bigla tuloy akong nahiya, hindi ko napansin ang point mo” malungkot na sabi ni Chigo.
“Ok lang iyon, bati tayo ngayon, hindi kita aawayin, it’s your night, Chigo” masayang sabi ni Patsy.
“Yes indeed, isa pang kampay para kay Chigo, para sa success ng Foundation Week” sabay taas ng shot glass ni Timber na sinundan ng dalawa niyang kaibigan.
“Salamat, kahit kayong dalawa lang ang nakapansin sa effort ko, masayang masaya na ako, walang halong kaplastikan” seryosong sabi ni Chigo.
“Walang ganyanan, ayokong magdrama dito” sabi ni Patsy.
“Oo nga naman, after all you deserve all the praises, isa ka talagang magaling na leader” papuri ni Timber.
“Guys, padating na si Migui ko, after 48 years ay nakapag-park din siya ng kotse niya. Kayo ang dadaya ninyo, hindi nyo sinasama ang mga partners ninyo, hindi ko naman sila aagawin sa inyo” biro ni Patsy.
“Hindi kasi pwede si Mitos, masyadong mahiyain” sabi ni Timber.
“Parang si Milton, mahiyain din” malungkot na sabi ni Chigo.
Taong mil ochocientos noventa uno (1891).
“Bakit kailangan nating ilihim ang nararamdaman natin?” tanong ni Yago kay Miguel.
“Yon ang nararapat nating gawin sa ngayon” sagot ni Miguel.
“Di ba mas maganda kung ilahad natin ang ating pagmamahalan para maging masaya at mas malaya tayong maka-kilos” pangungulit ni Yago.
“Kasi, merong mga bagay na nararapat munang itago, hindi lahat ng bagay ay kailangang isiwalat sa buong katauhan” medyo naiinis na paliwanag ni Miguel.
“Paano kung hilingin ko sa’yo na gusto kong umakyat ng ligaw sa inyo?” tanong ni Yago.
“Bakit mo naman gagawin iyon?” balik tanong ni Miguel.
“Nais kong makilala ang pamilya mo at para mahingi na sa kanila ang kamay ng pinakakamamahal ko” seryosong sagot ni Yago.
“Pinapakaba mo naman ako ng husto sa nais mong gawin” balisang tugon ni Miguel.
“Irog ko, gusto na talaga kitang masolo, matagal ko ng ninanais na makasama ka sa isang bubong, kahit na maliit lang na tirahan sapat na sa akin iyon, basta kasama kita” pangungulit ni Yago.
“Nais rin ng puso ko na makasama ka, pero paano tayo mabubuhay kung pareho tayong itatakwil ng mga magulang natin?” tanong ni Miguel.
“Pwede tayong magtanim ng gulay, mag-alala ng manok, mamitas ng prutas sa gubat, at mamingwit ng isda para may makain tayo. At kung merong mga natira, maaari nating ilako sa bayan” paliwanag ni Yago.
“Irog ko, payag ako sa nais mong mangyari, pero…..” naputol ang dapat na sabihin ni Miguel ng marinig niyang tumatawa si Yago. “Anong tinatawa mo?” tanong ni Miguel.
“Irog ko, patawarin mo ako, nagbibiro lang ako. Alam ko naman na mahal na mahal mo ako” panimula ni Yago na medyo natatawa pa. “Sang-ayon ako sa mga tinuran mo, hindi lahat ng bagay ay kailangan nating ipagsabi, at mas maigi kung ilihim ito. Kagaya ng pagmamahalan natin, siguradong itatakwil tayo ng mga pamilya natin at ng mapanghusgang lipunan kapag nalaman nila ang namamagitan sa atin. Sa ngayon, kuntento na akong madalang lang tayong magkita at sa burol na ito tayo nagkikita. Sa ganitong paraan, alam ko, mas tatagal ang relasyon natin” seryosong paliwanag ni Yago.
“Salamat, irog ko” malambing na tugon ni Miguel, sabay halik sa labi ni Yago.
“Irog ko, kailan ko nang umalis sa ngayon, gusto man kitang makasama ng mas matagal pero malayo pa ang lalakarin ko at baka abutan ako ng gabi sa daan” paalam ni Yago.
“Ako rin naman, kailangan ko ng umuwi, panigurado ko kanina pa ako hinahanap ng magulang ko” sabi ni Miguel.
Tumayo ang magkatipan mula sa pagkaka-upo sa tuktok ng burol, ang burol na madalas na tagpuan nila. Bago sila bumaba, nagyakapan sila ng sobrang higpit, tila ba iyon ang nagsilbing pabaon nila sa isa’t isa hanggang sa muli nilang pagkikita. Kasabay noon ang unti-unting paglubog ng araw.
Nang maghiwalay sila ng landas, nakita ni Miguel na pumasok si Yago sa loob ng kamalig kung saan sila unang nagniig. Nagtaka siya kaya minarapat niyang sundan si Yago, hindi naman sa pagdududa pero gusto niyang malaman kung anong gagawin ng katipan niya sa loob ng kamalig.
Akmang papasok na si Yago ng marinig niya ang paghagulgol ng isang tao sa likod niya, at nang humarap siya dito nakita niya ang luhaang si Miguel. Nabigla man siya sa pangyayari pero pinilit niyang maging kalmado para makapagpaliwanag kay Miguel. Lalapit na sana si Yago kay Miguel pero lumayo ang huli.
“Irog ko, magpapaliwanag ako” matigas na sabi ni Yago.
“Sino ka ba talaga? Saan ka nanggaling?” mga tanong ni Miguel.
“Irog ko, pakinggan mo ako, please” pagpupumilit ni Yago.
Dahil sa sobrang pagkabigla sa nakita, tila hindi naririnig ni Miguel si Yago kahit handa na siyang magpaliwanag sa totoo niyang katauhan.
“Irog ko, kumalma ka muna para makapag-usap tayo ng maayos. Hindi ko ninais na lokohin ka, sasabihin ko naman talaga sa’yo pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula” pagpapatuloy ni Yago.
“Ayaw kong makinig sa’yo, hindi kita lubusang kilala kaya hindi ko alam kung mapapaniwalan ko ang lahat ng sasabihin mo” pagtuloy pa rin sa pag-iyak sa Miguel. Yayakap ulit si Yago pero tuluyan na itong tumakbo
Chapter Six – The Event
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Thursday, January 6, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment