Thursday, January 6, 2011

Dos Tiempos ..... Capítulo Ocho

Capítulo Ocho – Espejo

Summer Vacation 2010

Simula na ng bakasyon nina Timothy at katulad noong nakaraang taon, naiwan siya kasama ang lolo at lola niya. Ang mga kaibigang sina Patsy at Chigo ay merong kanya-kanyang lakad sa ibang lugar kasama ang mga pamilya nila.

Maagang gumising si Timber noong araw na iyon, pagkatapos niyang magligpit ng higaan ay dumiretso siya sa kusina para mag-almusal. Kagaya ng dati, meron ng nakahandang pagkain sa mesa pero sa madalas na pagkakataon ay mag-isa lang siyang kumakain dahil abala sa pag-eehersisyo ang lolo’t lola niya. Pagkatapos niyang kumain ay naligo at nagbihis na siya.

“Dude, paalis na kami going to Palawan” text ni Chigo kay Timothy.

Pagkabasa ng text ay tiempo naman ang pagtawag ni Patsy sa kanya.

“Hello” bungad ni Timothy.

“Tim, iwan muna kita, paalis na kami papuntahang Hong Kong at pagkatapos ng ilang lingo didiretso naman kami sa Singapore” malungkot na sabi ni Patsy sa kabilang linya.

“Huwag ka ng malungkot, dapat nga masaya ka dahil kamasa mong magbabakasyon ang pamilya mo” sabi ni Timothy.

“Sayang kasi, ito sana ang unang bakasyon natin nina Chigo tapos di man tayo magkakasama” si Patsy, sa kabilang linya.

“Hayaan mo na, mas maraming oras naman ang pagsasamahan natin sa school pagpasok natin, for now, enjoy your time with your family” panunuyo ni Timothy.

“Paano ka? Wala kang kasama, pati si Chigo aalis din” nalulungkot pa ring sabi ni Patsy.

“Huwag mo akong alalahanin, sanay akong mag-isa tuwing bakasyon. Meron namang ibang paraan para mag-enjoy ako, kaya ko naman mag-mall mag-isa, mag-laro ng online games, at mag-aral na rin” paliwanag ni Timothy.

“Ikaw talaga, bigyan mo naman ng panahon na magpahinga ang utak mo. Huwag yung puro aral na lang, mag-relax ka muna” pangungumbinsi ni Patsy.

“Opo, ako ng bahala sa sarili ko dito, kung may time ka, magpadala ka ang message sa akin” paki-usap ni Timothy.

“Oo naman, ako pa. Kahit na magkakalayo tayo at gagawa pa rin ako ng paraan para magkaka-usap pa rin tayo nina Chigo. Sige, I’ll call you when we reach Hong Kong” paalam ni Patsy.

“Ok, ingat. And regards sa family mo” paalam ni Timothy.

Pagkaputol ng tawag ay nag-reply naman si Timothy kay Chigo.

“Kakatawag lang ni Patsy, paalis na rin daw sila” text ni Timothy.

“Oo, nasabihan niya ako kanina. Ingat ka diyan, ha. Pag-uwi namin ikaw ang una kong pupuntahan” reply ni Chigo.

“Ang kulit nyong dalawa, kaya ko ang sarili ko dito. Enjoy your vacation with your family, huwag mo akong intindihin” text ulit ni Timothy.

“Ok, ingat ka diyan, paalis na kami” reply ni Chigo.

“Kayo rin, ingat, enjoy and have fun. Regards pala sa family mo” paalam ni Timothy.

Nakaramdam din ng lungkot si Timothy dahil sabay pa ang pag-alis ng kanyang mga kaibigan, pero ayaw niyang magpakita ng kalungkutan sa kanila para hindi maapektuhan ang pag-alis nila.

Alam ni Timothy ang gagawin kapag nalulungkot siya, makagpagbasa lang siya ng libro siguradong sasaya na siya. Naalala ni Timothy na sa susunod na semester ay magkakaroon sila ng Philippine History na subject at dahil alam niyang hindi niya gamay iyon kaya minabuti niyang magsimula ng magbasa ng mga aklat tungkol sa nakaraan ng bansa.

Mas gugustuhing magbasa ng libro ni Timothy kaysa magbasa ng mga articles sa internet kaya nagpunta siya sa library sa bahay nila upang maghanap ng libro. Makalipas ang ilang oras ay wala pa rin siyang nakikita kahit isang libro kaya nagpasya siyang pumunta sa bodega nila kung saan nakatago ang mga antique collection ng Papa niya, naisip ni Timothy na baka pati ang mga libro tungkol sa kasaysayan ay doon din niya nilagay.

Nagtungo si Timothy sa ibaba ng kanilang bahay, papunta sa bodega. Nakakatakot ang hitsura ng bodega dahil na rin sa mga lumang kagamitan na nakatago doon dagdagan pa ng isang pupundit-pundit na ilaw na nagbibigay ng bahagyang liwanag sa buong kwarto. Nakakatakot man pero malinis naman iyon, kapag umuuwi ang Papa niya ay naglalaan siya ng oras para magtanggal ng mga alikabok sa mga koleksyon niya. Ayaw na ayaw niyang ipalinis ito sa iba, kahit pa kay Timothy, dahil baka makasira sila.

Pagpasok ni Timothy sa bodega ay isa-isa niyang binuksan ang mga lumang aparador at tama siya sa kanyang hinala, doon tinatago ng Papa niya ang mga libro. Noong una ay nawirduhan din si Timothy kasi bakit kailangan ding isama ng Papa niya ang mga History books sa antique collections niya, pero hinayaan na lang niya iyon, ang importante ay may nakita siya at makakapag-simula na siyang mag-aral.

Palabas na ng bodega si Timothy ng bigla siyang napahinto, tila merong isang kakaibang pwersa na tumatawag sa kanya. Minabuti ni Timothy na ilagay muna ang mga hawak niya libro sa pinakamalapit na lumang mesa na nakita niya.

Hindi niya rin maipaliwanag ang mga nangyayari sa loob ng bodega sa mga oras na iyon. Alam niyang wala siyang ibang kasama sa bodega kaya mas naging masigasig siya sa paghahanap ng kung ano man ang tumatawag sa kanya. Inisa-isa niya ulit tignan ang mga lumang kagamitan hanggang sa isang bagay na lang ang natitira.

Isang malaking bagay na naka-pwesto sa dulo ng bodega na nakabalot ng itim na tela. Pagkalapit niya sa bagay na iyon ay naramdaman niyang doon nanggagaling ang pwersang tumatawag sa kanya, ang pwersa na halos humila na sa kanya papunta sa bagay na iyon, ang pwersa na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan, ang pwersang nangungulit sa kanya na tanggalin ang telang nakabalot sa bagay na iyon.

Pagtanggal ng tela, ang susunod niyang nakita ay nasa loob siya ng isang kamalig na imbakan ng sako-sakong bigas.



Second Semester 2010, Waiting Shed sa labas ng campus

“Malapit na ang Christmas break” panimula ni Patsy.

“Anong plano nyo?” tanong ni Chigo.

“Baka pupunta kami ng Thailand, doon kami magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon” sagot ni Patsy.

“As usual, sa bahay lang ako. Swerte na ako kapag naka-uwi ang magulang ko bago mag-Pasko” malungkot na sabi ni Timber.

“Sama ka na lang sa amin sa Bohol, doon kami magse-celebrate ng pamilya ko” pag-anyaya ni Chigo kay Timber.

“Naku, tama na iyong nakikita ang pagmumukha ko sa inyo kapag merong birthday at kung ano pang okasyon, iba ito, Pasko ito kaya dapat kayong magpa-pamilya lang ang magkakasama” paliwanag ni Timber.

“Sabagay mainit naman ang Pasko ni Timber kasi mapupuntahan niya sa Mitos, or should I call him Miguel?” tanong ni Patsy.

“Mitos na lang para hindi halata” natatawang sabi ni Chigo.

“Sige na, I’ll call him Mitos na lang kahit walang koneksyon ang mga sinabi ni Chigo” biro ni Patsy.

“Iyon pa ang ang problema ko, hanggang ngayon di pa rin kasi nagpapakita si Mitos kapag pinupuntahan ko” malungkot na sabi ni Timber.

“Ganito lang iyan, kahit naman ako sa posisyon ni Mitos, di rin kita kaagad kakausapin. Sa katunayan nga hanggang ngayon hindi pa rin ma-absorve ng utak ko kung paano kayo nagkikita” panimula ni Chigo.

“Tama siya, tayo nga nasa modern era na tayo pero nahihirapan pa ring maniwala sa time travelling mo, si Mitos pa kaya na nasa nakaraan. Kahit magpakita ka lang ng Gameboy sa kanya ay matatakot na sa’yo” paliwanag ni Patsy.

“Bakit naman siya matatakot sa Gameboy?” natutuwang tanong ni Chigo.

“Ang ibig kong sabihin, ikaw na nasa nakaraan, tapos magpapakita ka sa kanya ng isang modernong bagay na wala sa panahong iyon, siempre matatakot ako sa’yo kasi di ko alam kung saan nanggaling yung bagay na iyon” muling paliwanag ni Patsy.

“Ano ang magandang gawin ko?” nalilitong tanong ni Timber.

“Hayaan mo muna siya, bigyan mo siya ng panahon para makapag-isip. Alalahanin mo na nasaktan siya at hindi simpleng insidente ang nangyari sa inyo” sagot ni Patsy.

“Kung ako sa kanya parang mas madali ko pang tatanggapin na nabugbog ako ng mga Kastila” natutuwang sabi ni Chigo. “But on a serious note, you’ve done your part, nakapag-explain ka na sa kanya. Hintayin mong maintindihan niya ang mga pangyayari, huwag mong pilitin ang sarili mo na maayos na ang sitwasyon ninyo ni Mitos” si Chigo.

“Salamat. Pero gaano ako katagal maghihintay?” tanong ulit ni Timber.

“Ang kulit mo rin, si Mitos lang ang nakaka-alam kung kailan ka niya kakausapin. Sa ngayon ay ihanda mo ang sarili mo sa susunod ninyong pagkikita” pabirong sabi ni Chigo.

Pero kita pa rin sa mukha ni Timber ang pagkalito sa kabila ng maraming paliwanag ng mga kaibigan niya.

“Timber, ganito lang iyon. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ni Mitos” panimula ni Patsy.

“Paano?” tanong ni Timber.

“Halimbawa si Mitos naman ang nakakapunta dito, sa hinaharap niya. After weeks of friendship merong namagitan sa inyo at naging kayo …” nang biglang putulin ni Timber ang sasahibin ni Patsy.

“Ayos lang sa akin iyon, hindi naman importante sa akin kung saang panahon at lugar siya nanggaling” sabi ni Timber.

“Mukhang di pa tapos si Patsy sa sasabihin niya” pagsaway naman ni Chigo kay Timber.

“Andoon na ako, it’s easy for you kasi naranasan mo na iyan. Ang point ko, pagkatapos mong mahalin siya ng sobra-sobra, as in malalim na talaga ang emotional attachement mo sa kanya, tsaka mo malalamang meron pala siyang tinatagong sikreto. Sabihin na nating hindi mo nga concerned kung saang lumapot ng mundo siya nanggaling, ang concern ko, the fact na nagsinungaling siya sa iyo, na hindi niya sinabi kung sino talaga siya. Anong mararamdaman mo?” tanong ni Patsy.

Muling nanahimik si Timber.

“Alam namin matalino ka, kung nakaya mong ipasa ang Philippine History na kinakatakutan mo dati, kaya mo ring lampasan ito” pampalakas ng loob ni Chigo kay Timber.

“Hindi pala ganoon kadali, hindi pala lahat nadadaan sa pagbabasa ng aklat” panimula ni Timber.

“Alam mo, madali lang naman solusyunan yan, nagiging mahirap lang dahil may time-travel element na kasama, yung lang naman ang pampagulo” si Patsy.

“Maraming salamat talaga sa inyo, kung wala kayo malamang hindi ko makakayanan ito” masayang sabi ni Timber.

“Basta, hayaan mo lang. Kung sa susunod na pagbalik mo doon ay hindi mo pa rin siya makita, subukan mo ulit sa susunod na araw. Panigurado ko, kaka-usapin ka rin niya dahil meron naman kayong pinagsamahan” paliwanag ni Chigo.

“Change topic naman tayo, how is it there, I mean anong hitsura ng lugar natin noong panahong iyon?” tanong ni Patsy.

“Maganda ang lugar natin noon, walang polusyon, wala kang maririnig na ingay na dala ng tsismisan at mga sasakyan, walang nagtataasang gusali. Sa panahong iyon, malalanghap mo ang sariwang hangin kahit saan ka magpunta, ang tubig sa ilog ay sobrang linaw, ang mga lumang simbahan at bahay na bato ngayon ay kakagawa pa lang noon. Ibang-iba talaga ang panahon noon, mas maganda pa sa mga pinapakita sa mga pelikulang ganoon ang tema” kwento ni Timber.

“Ibig sabihin hindi talaga naipapakita ng mga ganoong pelikula kung ano ang hitsura noon?” tanong ni Chigo.

“Actually, hindi. Masyado pang moderno ang mga pinapakita kumpara noong panahong iyon. Pero masasabi ko na rin na talagang nag-eeffort sila para makuha ang hitsura ng lugar natin noon” paliwanag ni Timber.

“Bakit hindi mo kunan ng picture o kaya video ang nakaraan?” tanong ni Patsy.

“Hindi pwede, sinubukan ko na dati pero hindi ako makatawid” sagot ni Timber.

“Sayang naman. Ang ganda siguro noon, meron kang sariling kuha ng lugar noong panahon na iyon. Pero siguro hindi talaga pwedeng magdala ng modernong kagamitan sa nakaraan, kasi kung makikita ito ng mga tao ay siguradong pagkakaguluhan nila at baka maka-apekto pa sa kasaysayan natin” paliwanag ni Chigo.

“Well said, di ko alam na kaya mo palang sabihin iyon” natutuwang sabi ni Patsy.


Nagsimula na ang maikling bakasyon nina Timber para makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon at kagaya ng dati makakasama na naman niya ang lolo’t lola sa pagdiriwang.

Halos araw-araw kung tumawid si Timber sa nakaraan at umaasang makikita at makaka-usap ulit si Miguel, at kagaya ng mga nakaraang araw ay muling pumasok si Timber sa bodega nila. Pumunta sa pinakadulong bahagi para alisin ang itim na telang bumabalot sa malaking salamin na nagiging pinto niya para makabalik sa nakaraan.


Chapter Eight – Mirror

No comments: