A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
Monday, January 3, 2011
The Encounter with The Flirt 6
Chapter 6
PINAKAMAHIRAP harapin ang umagang iyon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa kanila ni Billy. Na-realize iyon ni Eiji nang magising siya kinabukasan. Napatingin siya bedside table at napagilalas siya ng makitang alas-otso pa lang ng umaga. Huling sulyap niya doon ay iyong bago siya makatulog ng mag-a-alas tres. Nasapo niya ang ulo. It was pounding like crazy and his whole body felt sore. Ganun pa man ay nanatili siyang nakadapa.
Grabe ang gana ni Billy kagabi. Parang hindi nito first-time. Sa unang beses na may nangyari sa kanila ay iginiya niya lang ito sa dapat na gawin. Wala rin siyang plano na magpa-bottom dito but the idea of giving Billy his first head, his first fuck not to mention his first kiss is quite novelty for him. Wala siyang pinagsisihan sa naganap. He was insatiable last night. Saglit lang itong nagpahinga at ng magkaroon ng pagkakataong magdikit ang kanilang mga katawan ulit ay umulit ito. Umulit ng umilit. Kaso nga lang, ngayong tapos na ang bugso ng kanilang damdamin ay medyo naiilang siyang di mawari.
What the hell are you thinking man? You don't give a damn whenever you had sex with someone before. Tili ng isang bahagi ng isip niya.
That was before. Pilit na pagrarason niya. Iba si Billy. Iba ito sa mga naka-sex niya. At hindi iyon sex para sa kanya. He was made love to. Wonderfully. By Billy.
Whoa! Don't get there man! You're being over-dramatic!
Well siguro nga. Nagiging ganoon lang siya siguro kasi first-time man ni Billy sa sex ay first-time din niyang maging guro sa sex. Iba ang feeling niya. Parang gusto niyang maulit lang ng maulit ang pagtuturuan nila.
Iyan ang napapala mo Eiji. Sukat ba namang sunggaban mo agad si Billy.
But he could not deny that along with those unwanted symptoms his feeling right now. The soreness and etc. He Was also gratified. Billy was an excellent lover. All those he made love to before failed in comparison.
Billy left no part of his body unexplored. Hindi naman siya nagpadaig dito dahil talagang in-explore din niya ang buong katawan nito. He was hard. Like that of a Demi-god. Fascinated na fascinated siya sa anatomy nito. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang lalaking geeky na iyon ay may itinatagong biyaya ng langit. At siyempre pa, sino ba naman siya para tanggihan iyon. Billy's body was like a perfect example of God's creation.
But if Billy was so perfect, bakit problemado siya ngayon?
Kinapa niya ang parteng hinigaan nito. Wala na pala ito doon. Natatakot kasi siyang bumangon agad at baka kausapin siya ni Billy tungkol sa maaksiyong gabi nila, buti na lang at wala pala ito sa tabi niya. Nagpasya siyang bumangon na when realization struck him.
Napaungol siya. Paano nga ba niya haharapin si Billy nang umagang iyon? Kung pwede lang sanang umalis na lang itong bigla para hindi na sila magharap pa. Pero alam niyang imposible iyon. Nakatali si Billy sa isang proviso na kagagawan ng tiyuhin nito.
"Oh Franny! I could kill you!" sambit niya sa sobrang frustration.
Oo nga pala, patay na ito. Sumalangit nawa. Mabigat ang katawang nagtuloy siya sa banyo. Nasulyapan niya ang maayos na pagkakatupi ng damit niya at ni Billy. Napabungtong-hininga na naman siya. Kung pwede lang sanang maghapon siyang magkulong sa kwarto pagkalipat niya doon para lang ma-delay ang pagkikita nila ng lalaki pero alam niyang hindi niya mapipigil iyon. He might as well face him now.
What's the big deal man? It's just sex!
Mabilisan siyang nag-shower at nakaroba lang na lumabas ng kwarto nito para lumipat sa sariling silid. Nang makapag-palit ay bumaba siya para lang salubungin ng mabangong amoy ng isang putaheng iniluluto. Didiretso sana siya sa kusina ng makasalubong niya si Thomacito.
"Good Morning Sir Eiji. Mukhang maganda ang gising niyo ngayon?"
Hindi niya alam kung nahalata nito pero bahagyang nag-init ang punong-tainga niya sa tanong nito. Wala naman siguro itong alam sa nangyari? Pero sino bang hindi magtataka kung kapwa sila hindi kumain ng hapunan kagabi ni Billy dahil ang isa't-isa ang ginawa nilang pagkain.
Napalunok siya at bahagyang napangiwi bago sumagot. "O-oo nga. Medyo masaya ang g-gising ko."
Napangiti ito sa sagot niya. "Of course. Alam ko iyon Sir Eiji." sabi nito sabay pukol ng makahulugang ngiti at tingin sa kanya.
Nagmamadaling tinungo niya ang kusina. Bumungad sa kanya ang samyo ng ulam na iniluluto ng kung sino. Napapikit pa siya para lasapin iyon para lamang pangapusan halos ng hininga ng makitang si Billy ang nagluluto.
Kumabog ng husto ang dibdib niya. He was naked from waist up. Napabilis ang hakbang niya patungo sa kusina. Nakatalikod sa kanya si Billy, wearing only his boxers shorts.
"A-ano iyang ginagawa mo?" panggagambala niya rito.
Pumihit ito paharap sa kanya. Para siyang pinalaso sa puso ng makitang nakangiti ito. His handsome face is radiating. Ayaw niyang isipin na dahil sa nangyari sa kanila kagabi kaya parang nag-go glow ang mukha nito. Yabang mo 'tol!
"Magandang umaga." bati nito.
"Good Morning." ganting-bati niya. Saka niya lang napansin na ang suto nito ay isang pink na apron. Napapangiwing nagtanong siya rito.
"Kaninong apron iyan?"
"Ah ito ba? Sa chef. Hiniram ko lang." Billy said shrugging his shoulders. "Hindi ba bagay?" nahihiyang tanong nito.
"N-no!" nabibiglang sagot niya.
Totoo naman. Hindi nakabawas sa masculinity nito ang kulay pink na apron. In fact, he looked devastatingly sexy with his outfit. "Nagluto na ako. Nagugutom na kasi ako eh. I wanted to make it special kaya naman ako na mismo ang naghanda. Kain na tayo." yaya nito sa kanya.
Napatango lang siya sa kawalan ng masabi. Malisyoso kasi ang pumasok sa utak niya ng sabihin nitong nagugutom ito. Last night, he acted as though he was really starved. Kaso hindi siya gutom sa pagkain. Muntik na siyang mapangisi sa pilyong saloobin niya.
"Maupo ka muna. Malapit ng maluto itong fried chicken."
Sumunod siya sa sinabi ni Billy. Humila agad siya ng upuan at kaagad na naupo roon. Kailangan niya ng suporta dahil parang nawawalan siya ng balanse at bibigay anumang oras ang tuhod niya. Ganoon kalakas ang impact sa kanya ni Billy. The mere presence of him was turning his bones into jelly.
"Masarap ba iyan?" paguusisa niya. Pilit niyang ginagawang kaswal ang pakikipagusap dito kagaya ng ginagawa nito. How could he look so damn cool this morning?
"Of course. Parang ako lang." natatawang sambit nito.
Napalunok siyang bigla. Biglang natuyuan ng lalamunan sa narinig. Dyaskeng lalaking ito! Ang aga-aga pa ay nanunukso agad!
"May ready-to-made gravy diyan. Nakita ko kahapon." nagpapaka-kaswal pa rin niyang sabi.
"Nakita ko na. Pero gumawa na rin ako ng sawsawang kamatis at asin. Sariwa iyon kaya masarap." anito sabay kindat sa kanya. Napahugot siya ng hininga sa hantarang panunukso nito.
Napailing siya. Hindi pa niya nasusubukan ang sinasabi nito pero parang willing siyang subukan. Malala ka na nga Eiji. Since when did you start patronizing men? Tumayo na lang siya para itaboy ang nagsisimulang pagbi-build up ng komosyon sa sikmura niya. Parang may nag-iikutang paru-paro sa loob niyon.
Wala siyang pinaluguran sa mga nakarelasyon niya. Mapa-babae man o lalaki. Lahat ng iyon ay nagdadaan lang sa buhay niya. Masyado siyang strong-willed para lang paluguran ang kahit na sinong mapaugnay sa kanya.
Pero iba si Billy. Ramdam niyang kaya nitong paikutin siya sa mga palad nito. Hmm... Scary...
It was all new to him. And the feeling was overwhelming.
Lumapit siya sa cupboard. "Gusto mo ng kape Billy?"
"Okay lang ba na ipagtimpla mo ako?"
"Oo naman. Kape lang ito. Ikaw naman nagluluto ng breakfast natin."
"Sanay ako sa kusina. Ako ang nagluluto para sa sarili ko. Kahit isama mo pa ang lunch at dinner pwede kitang ipagluto araw-araw." nakakaengganyo ang ngiting sabi nito.
Bahagya naman siyang natilihan sa sinabi nito. Why was he talking about cooking for him everyday? May plano ba itong ipagluto siya habang naririto sila? Napabilis tuloy ang pagsalin niya ng mainit na tubig.
Gumiwang ang thermos at natapunan siya sa kamay na nakahawak sa mug. Mabilis na nakalapit sa kanya si Billy at hinipan ang kamay niya. "Anong nangyari?"
"Napaso ako. Shit!"
Muli nitong hinipan ang kamay niyang napaso. Ngunit imbes na maginhawaan ay parang mas napaso siya sa ginawa nito. "Okay na?" tanong nito.
"O-okay na." Hinila niya ang kamay mula dito. Bumalik siya sa pagtitimpla ng kape. Their intimacy was evoking so many intimate memories of last night. He could feel his manhood reacting to their intimacy.
"Dalhin mo na sa mesa iyan, 'Ji. Doon na natin inumin iyan."
"Okay."
Nauna na siyang nagtungo sa lamesa. nagmamadali ang kilos niya dahil ayaw niyang mahalata ni Billy na para siyang sinisilaban kapag kasama ito. Baka kasi bigla na naman niyang mahablot ito at kung saan na naman sila mauwi.
"Breakfast na tayo!"
Napapantastikuhan siya sa kasiglaan na meron ito ngayong umaga. Para siyang hari na pinagsilbihan nito. Nilagyan siya nito ng sinangag sa plato at ang napili nitong fried chicken ay iyong paborito niyang parte. Naiinis na pinagalitan niya ang sarili dahil sa maliit na bagay na iyon ay bigla na naman siyang kinilig.
Tinikman niya ang pritong manok at tama ito. Masarap nga. Only he'd prefer Billy more. "Ang sarap. Anong ipinangtimpla mo dito?"
"M-in-arinate ko iyan sa suka, bawang, asin at paminta. Okay ba?"
"The best." iyon lang ang masabi niya dahil parang energy bar ang kinakain niya at sunod-sunod ang naging pagsubo niya. napadighay siya ng malakas pagkatapos kumain na umani ng amused na tingin mula kay Billy. "Grabe. I'm so full! Tataba ako kung palaging ganito kasarap ang pagkain!" Masayang deklara niya.
"Okay lang na tumaba ang boyfr-- err girlfr-- err, ano bang gusto mong itawag ko sa'yo?" nahihiya pero nakangiting sambit nito.
Nanlalaki ang matang napatingin siya dito.
"What?"
"I said, ano ba ang tamang tawag sa'yo? Boyfriend ko o girlfriend?" nakangiwing sabi ni Billy.
"Whoa!" nanggigilalas na sambit niya. Napatayo siyang bigla.
"Why?" takang tanong nito.
"H-hold it right there Billy."
"Why? Ano bang pinagsasasabi mo?" nakakunot na ang noong sabi nito.
"Ikaw ang kung ano ang pinagsasasabi diyan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"
Napabugha ito ng hangin. "I know what I'm saying Eiji."
"Yeah right." sarcastic niyang balik dito.
"Why are you acting like you don't care? May nangyari sa atin Eiji. Not just once, not twice..."
"Whoa! Hold it right there dude!" putol niya sa sinasabi nito. Napapalakas na kasi ang boses nito.
"Hold it right there Billy, at please, huwag kang magsalita ng ganyan. Nangingilo ako." Nahilot niya ang batok na biglang sumakit yata.
"Bakit?"
Napailing siya. Ano ba ito? "Hindi pa tayo magkakilalang lubusan Billy. How can you talk about us getting into a relationship?"
"Pero may nangyari nga sa atin..."
"I'm not denying it. Pero hindi rason iyon para magkaroon agad tayo ng relasyon." Susme, mukhang old-fashioned din pala ang nadale niyang papa.
"I don't get it. Di ba at ganun naman ang gusto ninyo?"
"Hindi lahat. Ibahin mo ako Billy. Besides, aminado man akong may atraksiyon ako para sa'yo but I don't think attraction should be binding. Hindi ako nakikipag-boyfriend for wrong reasons." Naloloka siya sa scenario. Hindi niya ma-imagine na ganoon ang magiging eksena nilang dalawa ngayon. Dinaig pa niya ang babae. Kung nagkataon pala ay inalok na siya ng kasal nito. Thank God!
"Hindi kita maintindihan." sabi nito.
"Basta huwag mo ng ipilit."
"Ganoon na lang iyon? Ganoon ba palagi iyon?"
"Diyos ko po Billy. Think of it as your hands-on training. Hindi ba at may isusulat kang article about sex? Kasama iyon sa proviso ng mamanahin mo kay Franny. Consider it as my help." naiirita niyang sabi.
Tahimik na lang nitong ipinagpatuloy ang pagkain. ganoon din siya. OBviously ay pareho silang tinabangan ng kumain. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila. Bahagya pa lang nitong nagagalaw ang pagkain ng tumayo ito. Akma nitong liligpitina ng pinakainan ng pigilan niya ito.
"Ako na ang bahalang magligpit dito Billy."
Tumango lang ito. His hadsome face devoid of any emotions. "Aakyat na ako."
"S-sige."
Tuluyan na itong lumabas ng kusina. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Parang biglang lumapit sa kanya ang mga pader at sinu-suffocate siya. Nakapagitan iyon sa kanila ni Billy. Napailing na lang siya.
This is all your fault Eiji.
Bumuntong-hininga siya. Hindi na niya makain ang fried chicken na isinusubo niya. Parang nawalan na iyon ng lasa. Iniligpit na lang niya ang kinakain. Hindi siya makapaniwalang iyon ang kapalit ng ilang oras na kaligayahan sa piling ni Billy ng nagdaang gabi.
He just wished the feeling wouldn't stay longer than he could handle.
Itutuloy....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment