Friday, August 19, 2011

Task Force Enigma : Perse Verance 3

Photobucket


Para kay Chii-Choi, pagtiyagaan mo muna ito. Ahaha, at kay Chack Chua na itinalaga ko nang kabiyak ng puso ng isa sa aking TFE Boys...

Enjoy reading...

Chapter 3

Nang matiyak na wala siyang tama ay saka mabilis na binunot ni Perse ang baril. Pinakinggan niyang mabuti kung saan nanggagaling ang putok. May kalapitan iyon sa bahaging kinabagsakan ng babae. Nahihirapan tuloy siyang tukuyin kung tinamaan ba ito o kung ano na ang nangyari dito. Subalit may malinaw at mapanganib na banta sa paligid na dapat muna niyang i-neutralize. Hinanap niya si Raymond. Nasa gilid ito ng mobile at hawak na rin ang baril.

Tinanguan niya ito.

Susubukan niyang lapitan ang babae ayon sa senyas niya at kailangan niya ng cover. Hindi pa siya tapos magbigay ng instructions dito ng may gumalaw sa halamanang naghihiwalay sa rough road at sa maisan ng mga Barnes.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na nagpaputok ng warning shot.

"Tigil! Pulis ito!"

Ngunit nagpaputok lang ulit ang kung sinomang nasa likuran ng mga halaman. Napangisi si Perse. At least, mukhang lalaban ang isang ito. Matagal-tagal na rin siyang natengga sa aksiyon. Last niyang pakikipagsagupaan ay ang bakbakan nila laban sa mga alagad ng Koreanong drug lord.

Mabilis niyang iniumang ang baril sa bahaging may gumalaw at saka nagpaputok ng dalawang beses. Doon nanggaling ang putok kaya tiyak niyang hindi pa nakakalayo ang hunghang na kumalaban sa kanya.

Narinig niyang may sumigaw ng malakas.

Bull's eye!

Napangiti siya ng malawak saka mabilis na sinenyasan si Raymond na natulala yata sa ginawa niyang pagkilos. Pinaalalayan niya rito ang babae na nakahandusay pa rin sa daan.

Pinuntahan niya ang bahaging pinaputukan ngunit tulad ng inaasahan niya ay wala siyang nakitang tao roon maliban sa bahid ng dugo. Sinundan niya ang patak ng dugo at mabilis na nahinuha kung saan ito nagtungo. Mabilis siyang pumitas ng isang dahon na may bahid ng dugo at isinilid iyon sa bulsa.

Tinakbo niya ang bahagi ng maisan na tumutumbok sa highway. Narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto ng isang sasakyan at ang pagharurot nito ngunit hindi na niya nalaman kung anong klaseng kotse iyon dahil nakasabay na ito sa maraming bilang ng mga sasakyan.

"Putang..."

Binalikan niya ang babae na ngayon ay binabantayan ni Raymond. "Nakatakas?"

"Oo. Hindi ko naabutan." Tiningnan niya ang walang-malay na babae.

Maingat niyang nilapitan ang biktima saka masusing pinag-aralan ang kalagayan nito. May nakita siyang dugo pero wala itong tama ng baril. Marami itong pasa at sugat sa katawan. Unang tingin niya ay rape victim ito. Maingat niyang hinawi ang katawan nito paharap sa kanya saka pinulsuhan.

Nakadama siya ng relief ng malamang stable naman ang ilang vital signs nito. Hinawi niya ang buhok nito na tumatabing sa mukha. Bata pa ang babae. Mukhang wala pang bente-anyos. Maganda ito sa kabila ng mga bugbog sa mukha at katawan.

"Buhatin na lang natin 'tol. Wala namang tama ito, eh," sabi ni Raymond sa kanya.

"Sige. Ra-radyo na lang ako sa istasyon," pagsang-ayon niya saka tumulong sa pagbuhat ng di nakikilalang babae.

Habang daan papuntang ospital ay napalingon siya sa biktima na nasa backseat na nang mobile patrol. Kung sinoman ang bumabaril kanina ay obvious na siya ang target. Bakit ayaw siyang palapitin dito? Sino ang babaeng ito?

Nanggigigil na bumaling siya sa bintana saka nagpakawala ng marahas na paghinga. Naiinis siya sa sarili dahil ni anino ng sasakyang ginamit ng talipandas na nagpaputok sa kanila kanina ay hindi niya nakita. Mas natutuon ang ngitngit niya sa sarili kaysa sa salarin.

"Okay ka lang 'tol?" tanong ni Raymond.

Napatingin siya rito.

Walang saysay kung magngingitngit pa siya ngayon. Makakabawi rin siya sa ungas na nagpaputok sa kanila. Marahan niyang tinapik ang balikat ng ka-partner.

"Okay lang ako."

Tinanguan lang siya nito saka nagmamadaling nag-drive. Pagkatapos nilang ihatid sa ospital ang babae ay tumawag siya ng mga pulis na magbabantay dito. Dumiretso sila nang presinto at siya na ang nag-file ng criminal report.  Dumagsa rin ang ilan pang kaso na kailangan niyang i-file kaya pasado alas-sais na siya ng gabi natapos.

Nagkasundo sila ni Raymond na bukas na magpunta ng ospital para kwestiyunin ang babaeng nakita nila dahil wala pa rin daw itong malay ayon sa mga nagbabantay.

Sabay na silang lumabas ng presinto . Sumakay si Raymond sa Rav Four by Four Pick-up nito habang siya ay  pinuntahan ang kanyang Audi R8 Type 42. Inilagay rin niya ang kanyang Glock .357 na paborito niyang gamitin simula ng magkaroon siya ng permit to carry.

Naka-alerto ang lahat ng senses niya hanggang sa makarating siya sa kanyang apartment. Alisto niyang pinasadahan muna ng tingin ang mga nakatambay sa labas bago bumaba ng sasakyan at mabilis na sinusian ang pinto. Wala pang isang minuto ng makababa siya ng sasakyan at makapasok sa loob ng bahay ang nakalilipas. Ganoon kabilis siya kung kumilos kapag inaatake ng adrenaline rush.

Kinapa niya ang bulsa at inilabas ang dahon na may bahid ng papatuyo ng dugo ng salarin kanina. Kinuha niya ang kit na ipinadala sa kanya ni Cody para makapag-eksamin ng mga specimen. Maayos siyang kumuha ng cotton buds at ipinahid ang dulo niyon sa dugo.

Maingat niya iyong isinawsaw sa isang vial na naglalaman ng isang solution. Inilagay niya ang vial kasama ng dahon na may tuyong dugo sa isang maliit na kahon saka tinawagan si Cody.

"Unabia, may regalo ako sa'yo," bungad niya ng sumagot ito sa linya.

"Langya, ang bilis mo 'tol. May napatay ka kaagad diyan?" biro nito.

"Ulol. Kung nadale ko nga sana eh di walang problema. Pero dugo lang ito 'tol. Try mong alamin kung kanino galing. Subukan mo muna kay Keng Barnes."

"Oki doki."

"Salamat."

Napaupo siya pagkatapos nilang magusap ni Cody. Mukhang tumatanda na siya ah. Nasa treinta pa lang naman siya pero feeling niya, ang kunat na nang buto niya.

Kulang ka lang sa aksiyon.

Mukha nga.

Kinuha niya ang baril saka nagtungo sa banyo para maligo.



"SIR ALEXANDER, emergency po galing Suyo Private Hospital. May nangyari raw po sa pamangkin ninyo na si Eloisa."

Nabitiwan ni Alexander ang cellphone nang marinig ang isinambulat na balita sa kanya ng assistant. Nasa office siya ngayon ng kanilang farm at kasalukuyang busy sa pagtawag sa mga prospective buyers ng mga produkto nila.

"A-asaan daw?"

"Sa Suyo Private Hospital daw po," may simpatyang sabi nito.

"S-salamat..." nanghihina niyang sabi.

Si Eloisa ay pamangkin niya sa pinsan at mahal na mahal niya. Subalit hindi ito pinapansin ng sariling magulang. Hiwalay na kasi ang mga ito kaya naman ng magpunta ito ng Pilipinas dalawang taon na ang nakararaan ay siya na ang nagkusang mag-aruga dito. Pinatuloy niya ito sa mansiyon sa kabila ng hostility nito. He used to hug her when she was a kid. Hindi na ito iba sa kanya.

Misguided. Iyon ang tamang taguri sa kanyang pamangkin. Hindi rin naman kasi niya natutukan ng husto ang mga aktibidades nito sa bahay at sa eskwelahang pinagpasukan niya rito kaya wala siyang alam sa mga pinaggagagawa nito. For crying out loud, his niece was already eighteen. Old enough para mapagsabihan pa na parang bata. When he was her age, may sikretong boyfriend na siya.

Ayhian...

Napaka-ironic na maiisip pa niya ang lalaking iyon sa kabila ng biglaang pagkawala nito. Hindi na nakita ang katawan nito pero never siyang nag-isip na patay na ang dating kasintahan. Baka nakatakas lang ito.

Binuksan niya ang computer at tiningnan ang pictures ng pamangking si Eloisa. Paano niya kaya ito matutulungan kung ayaw naman nitong magpatulong sa kahit na kanino? Kahit sarili nito ay ayaw nitong pakinggan. She used to be so sweet.

Hiwalay sa unang asawa ang kanyang pinsang si Jinkee na siyang nanay ni Eloisa. Nakatira ang mga ito dati sa Australia ngunit ng makapag-asawa ito ng iba ay iniwan at ipinaako nito ang responsibilidad sa anak sa dating asawang si Shaunlex. Sinusustentuhan lang ng pinsan niya ang anak na nasa poder na ama nito na nasa Australia din.

Two years ago, nakiusap si Jinkee na umuwi muna ng Pilipinas si Eloisa. Inaaway raw kasi ito ng bagong madrasta. Pumayag si Shaunlex kaya naman napunta sa kanya si Eloisa. Noong una ay maayos ito ngunit kalaunan ay lumala ng husto ang palalong pamangkin.

Barkada at puro good time lang ang inatupag nito. Halos lahat ng gulo ay pinasok na nito. Car racing, inom, marijuana, magarbong house party na nauuwi sa away, bar fights at kung anu-ano pang nagpapaikot ng puwit niya sa gabi at sentido niya sa umaga.

At heto nga, lately ay nabalitaan niyang may jowang tomboy. Maayos sana ang pakiramdam niya kundi lang niya nalamang si Keng Barnes na isa pang pasarap sa buhay at magulo ang mundo ang naging karelasyon nito.

Undergraduate. Six years na sa college pero hanggang ngayon ay second year pa rin. Ka-eskwela ito ng pamangkin niya at sa pagkakaalam niya ay may-ari ng isa sa malalaking asyenda sa bayan na iyon ng Suyo.

Nagtagis ang bagang niya. Mukhang nakahanap ng kakampi sa katauhan ni Keng ang kanyang wala na sa hulog na pamangkin. Kilala pa namang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang Keng na iyon pero wala siyang lakas ng loob na sitahin si Eloisa sa takot na maglaslas na naman ito na minsan na nitong ginawa.

Nananakit ang ulong tumayo siya at kinuha ang susi ng sasakyan. Tinawagan niya si Jocelyn at sinabing pupunta lang siya ng hospital. Hindi na siya nagpaliwanag rito at nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan patungo ng ospital.



MATAMANG tinititigan ni Perse ang babaeng nakahiga at tulala sa kama sa loob ng ospital. Niradyuhan sila agad ng istasyon na gising na ito. Dinalaw na raw ito ng tiyuhin na taga-Suyo lang rin pala. At least di sila mahihirapang tukuyin kung sino ang salaring nakasagupa nila kahapon.

Nalaman niya sa lab tests nito na walang pamumwersang naganap kahit pa may indikasyong nakipag-sex ito. Consensual iyon kaya hindi ito maituturing na rape victim, subalit ang mga pasa, sugat at bugbog na inabot nito sa katawan ay sufficient evidence na para masampahan ng kasong frustrated murder ang sumalbahe rito.

Pero ayaw magsalita ng babae. Hindi sa hindi ito makapagsalita kundi ayaw talaga nitong umimik. ANg sabi ng mga nurse kagabi ay naghihiyaw ito pagkakita sa tiyuhin pero pagdating sa kanila ay daig pa nila ang nakikipag-usap sa bingi.

"Why are you staring at me?" asik nito sa kabiglaanan niya.

"Nothing. Iniisip ko lang kung sino ang responsable sa nangyaring pambubugbog sa iyo na alam kong kilala mo pero pinagtatakpan mo lang. That person tried to kill us yesterday. But I hate to say this, mukhang siya ang tinamaan ko dahil may nakita kaming blood traces sa maisan ng mga Barnes. Now, kung hindi ka magsasalita, oras na matukoy namin kung kanino ang mga finger-prints na na-lift sa katawan mo at kung kanino ang dugo na iyon at mapatunayan naming pinagtatakpan mo, wala akong magagawa kundi ang kasuhan ka ng obstruction of justice."

Hindi nagsalita ang babae.

Nagngitngit ang kalooban ni Perse sa ginawa nito. Ang haba ng litanya niya tapos hindi siya iimikin? Namputsa! mura niya sa isip. Napatingin siya sa pinto ng pumasok si Raymod.

"Lumabas na ang drug test mo. Langya, positibo ka pareho sa shabu at marijuana, tapos may mga na-detect pa na iba't-ibang klaseng pampa-high. Confirmed 'tol. Addict ang isang ito." Iniitsa nito sa kanya ang folder na naglalaman ng lab tests.

"Putang ina niyo hindi ako adik! Sinubukan ko lang yun!" nagpa-panic sabi kaagad nito.

Napangisi si Perse. Mukhang may kinatatakutan rin naman pala ang isang ito. Tinaasan niya ito ng kilay at binigyan ng pamatay niyang tingin. "Your sweat stinks. Masahol pa ang amoy mo sa isang rugby boy na napadaan sa harapan ko. Amoy droga ka ineng, at wala kang kawala sa kasong iyon kung hindi ka magsasalita at ituturo ag may gawa nito sa'yo. Violation of Republic Act 9165 yan, otherwise known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002."

Hindi ulit ito umimik.

Malapit ng kumulo ang dugo ni Perse sa isang ito. Kapag rumaratsada siya ng talak ay nananahimik ang talipandas. Namumuro na ito. Isa pang tawag sa 'O', bibingo na ito.

"Ayaw mo raw sabihin ang pangalan mo. Ni kung sino ang kokontakin para may mag-claim na kamag-anak sa'yo. Mabuti na lang at nakilala ka ng isang nurse dito at nasabihan ang tiyuhin mong may asyenda rito. "Tol, mukhang mayaman ang isang ito. Taga-Villa Alexander daw ito at pamangkin ng may-ari." ani Raymond.

Nanigas at nanlamig ang buong kalamnan niya sa narinig.

"Can you please shut up? Ang ingay mo eh!" sigaw ng babae sa ka-partner niya.

"V-villa Alexander k-kamo...?" he breathed.

"Oo 'tol. Bakit kilala mo ba yung may-ari?" kunot-noong tanong ni Raymond.

Napahawak siya sa dingding na malapit sa kanya. At ang biglang paninikip ng kanyang paghinga ay lumala ng bumukas ang pinto at iluwa ang mukha ng isang taong matagal na niyang pilit kinakalimutan.

"A-alex..."

Sinalubong siya ng namimilog na mata.

"A-ayhian..."


Itutuloy...

16 comments:

Anonymous said...

royvan......


nice ito pala ang magiging way para magkita ulit sila ni ayhian... lalong mas gaganda ang story at kung ano ang kanilang nakaraan at nararamdaman sa kasalukuyan....

silhouette said...

ganyan pala sila magkikita ulet :))

sulit ang 2 weeks na paghihintay!
kahit mas maikli maganda pa rin XD
excited na ako sa next update!! :D

Unknown said...

Hehehe..at least may update na..Sinusubaybayan ko lahat ng TFE.Hehehe.galing ng pagkakagawa.

Ano kaya mangyayari sa pagkikita ng dating magka-I-BIGAN? Hehehe..May feeling aq iiwasan siya ngaun ng Pearse dahil muhing muhi siya sa nakaraan niya. Paano si Alexander na hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso.

Abangan ko next episode.

nino said...

so perfect Ms. D.. wait lang po ulit ako.. worth it po yung wait... sana maging bridge yung pamangkin ni alex para magkabalikan si alex at pearse

Lawfer said...

natuwa nman ako, my update na dn sa wkas^^
knina maaksyon, ngaun nman gulatan :D

Erwin F. said...

Ms. Dalisay thanks sa pag update! ^_^

Thanks din sa mga payo mo sa FB sa akin.

Salamat ng madami!

Geo said...

ayun! nasundan na rin ang chapter ng TFE. nice chapter Miss D. d ka parin kumukupas :)

DALISAY said...

@Royvan: sana nga mas lalong gumanda ang kanilang kasalukuyan, ahahaha...

@Silhouette: 2 weeks ba ang inabot? check my status sa FB, ginagawan ko na ng paraan ito. :) *WinkS*

@Jafinpa: Abangan mo lang dear para masagot ang mga katanungan mo.

@Nino: Salamat sa paghihintay dear

@Lawfer: ganun talaga dear, para iba-iba ang maramdaman mo. ahahaha

@Erwin: Walang anuman. Salamat din sa pagtangkilik.

@Geo: Salamat sa paghihintay at pagtangkilik...


Sa lahat ng FOLLOWERS ng Blog ko at sa mga SILENT READERS, uunahin ko po muna na tapusin ang story ni KGF at Dalisay Diaz na The One Who Could Not Be Taken, then yung One More Chance, every Thursday siya habang ang TFE: Perse Verance ay tuwing Tuesday. :) Salamat. :)) Effective po iyan, next next week!!!

Anonymous said...

so excited sa kasunod ng tfe:perse verance huhuhuhu sana matapos nah agad hehehe yoko basahin ng ndi pah tapos nakakabitin kasi weh heeh

emray08 said...

bigla kong nagising nung mabasa ko ang name ko dito ah...whahaha...nakakagulat...pede bang ako nalang makatuluyan ni patrice o kaya ni eloisa? whahaha...makabayad puri man lang sa pagyurak ng pangalan ko? lolz! piz! lalo tuloy ako na-excite sa kwento...hehehe...

curious lang ako...panu nagkakilala agad si perse at alex kung matagal silang di nagkita at mga bata pa lang sila noong nagkahiwalay sila? hmmm...

DALISAY said...

Simple lang... makakalimuta mo ba agad ang mukha ng taong naging bahagi ng buhay mo?

Chiichoi/Sophia Victoria said...

YASIIIIIIIIIIII! Hai loves youuuuuuu! :)) Sorry kung ngayon ko lang nabasa ito at nakapag-reply ako ha. :D Busy for almost 3 weeks. x_x mooooooore! hai like it hai like it! nagkita na silaaaaaaaa! Wooooo!

Anonymous said...

May kasunod po ba ito?? Hindi ko makita..?? O ayaw magpakita sa akin.. Kaya pala d ko toh binabasa..

-Lonely and Blue..

agent sparrow said...

KAILan ang 4 nito.. i'm excited sinubaybayan ko tlga ang TFE... it's nice

chibixaiz said...

mama D wala na po bang kasunod tong istorya na to?? sana ma2loy pa to.. please.. thnks po..

DALISAY said...

Next in line na ito @Chibixaiz