Showing posts with label Task Force Enigma: Rovi Yuno. Show all posts
Showing posts with label Task Force Enigma: Rovi Yuno. Show all posts

Thursday, February 3, 2011

Task Force Enigma : Rovi Yuno 24

Photobucket

To Filmark, Jhay L, AR, KingPunisher, (sa PEX reader ko na nakalimutan ko na ang pangalan) at sa lahat ng mga tumutok, sumubaybay sa istoryang ito, maraming-maraming salamat po.


Chapter 24 (FACE-OFF)


Maingay ang buong paligid at nagkakasayahan ng walang patumanggi ang mga parukyano sa Mae-sik Bar. Ang kalabang club ni Park Gyul Ho. Doon napagkasunduan ng kampo nila Rovi na makipagkita kay Monday na hinihinala nilang kasabwat na ng sindikato.

Maharot ang bawat galaw ng mga babaeng pole dancer. Saliw sa kapwa maharot na musika. Nag-aanyaya sa mga kalalakihang naroroon na mag-isip at gumawa ng makamundong gawain. May sumisipol sa bawat giling ng maliliit na balakang. Mayroong halos lumuwa ang mata sa mapaghalinang kilos ng mga mananayaw.

Sa kabila ng tila piyesta ng pita ng laman ay ang hindi nararamdamang tensiyon sa limang lamesa sa magakakahiwalay na panig ng club.

Sa bandang gitna ay sila Rick at Jerick na nag-i-isnaban kahit may mga nakakandong sa kanilang hita na kapwa naggagandahang belyas.

Sa bandang likuran ay si Bobby na matamang pinagmamasdan ang bawat taong pumapasok sa pinto ng bar. Nakapwesto siya sa lugar na kita ang lahat ng nilalang na iniluluwa ng makasalanang pinto.

Tatlong lamesa ang pagitan sa kanya ay si Rovi at si Perse. Busy ang huli sa pakikipagbolahan kunwari sa magdalenang katabi na halos lumuwa ang dibdib sa mahigpit na pagkakasakal ng mapang-akit na pang-itaas habang si Rovi ay hindi inaalis ang tingin sa lalaking sentro ng kaguluhang iyon.

Si Bobby.

Na siyang sentro rin ng kanyang buhay sa ngayon.

Nakakagulat ang bilis ng kanilang pag-amin tungkol sa nararamdaman sa bawat isa ngunit iyon ang tama. At ayon sa pagkaka-alala niya, walang sinoman ang maaaring kumwestiyon sa bagay na mayroon sila.

Hindi dahil sa hindi ito dapat kastiguhin.

Iyon ay dahil sa hindi rin nila iyon bibigyan ng halaga.

Nothing or no one can hinder what is rightfully his. And that is Bobby's affection. His trust. His love. Love? Uh-oh, that's the dangerous "L" word. Maybe it's too early to tell. But he's willing to wait.

Ang mahalaga, Bobby likes him so much. And for that, he's more than willing to give him all. Including his life.

Hindi pa siya nakaramdam ng ganoon katinding pagnanais na protektahan at mahalin ang isang tao buong buhay niya. Ngayon lang. Kaya nga anong ngitngit niya ng malamang gusto itong ibenta ng kaibigan nitong si Monday.

Sa isang bahagi naman ay si Apple. Nasa tabi siya ng mga belyas at kunwari ay naghihintay ng customer. Makapal ang make-up niya at nakasuot siya ng wig upang hindi makilala kahit ng kakambal niya.

Sa lugar na iyon makikipagkita ang kapatid niya ayon sa text nito. At ngayong gabi nga iyon. Sa gabi ring ito ay nararamdaman niyang matatapos na ang lahat.

Ang pinakahuli ay si Alexa.

Nakatitig siya sa lamesa ng Enigma Boys. Hindi tulad ni Apple, nakasuot man ng disguise ay may kasama siyang customer na kanina pa naglalaway sa makurba niyang katawan at mala-porselanang kutis.

Anumang oras ay darating na sila Kring sa bar na iyon at mangyayari na ang paghaharap-harap nilang lahat.

Ayon sa pagkakarinig niya ay darating din ang utak ng sindikato.

Ang koreanong si Park Gyul-Ho.

Itutumba niya si Gyul-Ho. Kukunin niya ang kalayaan nilang magkapatid kay Rick. Magpapakalayo-layo sila ni Apple. Magbabagong-buhay. Iyon ang plano niya. Pero isa-isa lang. Unahin ang mas importante. Iyon ang pakay niya.

Maya-maya ay dumating na ang grupong makakasagupa para sa gabing iyon. Naka-yellow summer dress ang matabang bakla with matching gold earrings, bangles at necklace. Kumikinang kapag tinatamaan ng mahaharot na ilaw.

Sa likuran niya ay si Monday. Aligaga at maputla. Pinagpapawisan ng malapot.

Kasunod niya ang tatlumpong tauhan ni Park Gyul-Ho na hindi nagawang harangin ng mga bouncer ng may-ari ng club.

Sa labas ay lima pang goons na nakabantay sa kotseng kinalalagyan ng mag-ina niya.

Lingid sa kaalaman nilang lahat ay ang grupo ng mga kasamahan nila Rick ang naka-antabay at naghihintay ng tiyempo para umaksyon.

Dumiretso ang grupo nila sa lamesa ni Bobby na matamang nakatitig sa kanila. Hindi kumukurap. Matapang ang mga mata at panatag na naghihintay ng mga susunod na pangyayari.

"Kamusta Bobby?" anang nakangiting si Monday pagkalapit sa kanyang lamesa.

"Maayos naman."

"May kasama ka ba?"

"Wala."

"Pasensiya ka na pare."

"Bakit?" kunwari ay nagtatakang-tanong niya kay Monday.

"Sorry talaga. Pero kailangan nating magkita para makuha ko ang mag-ina ko ng ligtas."

"Ganoon ba?"

"Oo."

Nagpakawala siya ng mahabang paghinga.

"Hindi kita masisisi pare. Pero hayaan mong tulungan kita. Alam kong balak akong kunin nila Kring ngayon. Pero may paraan pa. Magagawa natin silang lusutan kung makikipagtulungan ka sa akin." pangungumbinsi niya rito.

"Hawak nila ang mag-ina ko." desperado nitong bulong.

"Nasaan sila?"

"Nasa isang sasakyan sa labas. May nakabantay na limang tauhan. Ang usapan, kapag dumating na si Gyul-Ho ay palalabasin nila ako dito para makuha ko na ang mag-ina ko habang kinakausap ka naman ng koreanong yun."

"Ganoon ba? Sige, ako ng bahala doon?" pasimple siyang sumenyas sa nakaantabay na sila Rick, Jerick, Rovi at Perse.

Bumulong naman si Perse sa mga taong nasa labas para kumilos laban sa limang tauhan ng koreano.

"Anong gagawin mo pare?" naguguluhang tanong ni Monday sa kanya.

"Pare, hindi lang kayo ang may barkada dito. Ano sa palagay mo ang dahilan at pumayag akong makipagkita sa iyo rito?"

"Ano pa? Eh di para mapag-usapan natin ang gagawin laban sa amo natin." pagkakaila nito.

"Ulol. Ako pa ba ang maloloko mo pare? Muntik na kaming mamatay mag-tiya ng sugurin kami ng mga tauhan niyan. Ang tanging dahilan kung bakit kaharap mo ako ngayon ay dahil sinuwerte kami sa kabila ng pagta-traydor mo."

"Ginawa ko lang ang tama Bobby. Para makuha ko ang asawa at anak ko. Kahit traydorin ang isan-libong kaibigan ay gagawin ko para mabawi ko sila." mahina ngunit galit nitong sabi.

"Alam ko. At nauunawaan ko iyon. Kaya nga, kung gusto mong parehas tayong makaalis sa lugar na ito ng buhay at ligtas, sa amin ka pumanig. Paniwalain mo silang ginagawa mo ang parte mo. Pero ako, duda ko lang na buhayin pa nila kayo kapag sumunod ka sa kanila. Pagkatapos ng ginawa nila sa amin? Milagro ng buhayin pa nila kayo."

Bahagyang natigilan si Monday.

"Uminom ka 'tol." alok niya rito ng isang beer.

"Sa-salamat."

"Ano? Payag ka na?"

"Pa-paano m-mong nagagawang maging kalmado. Halos kalahati na ng katawan natin ang nasa hukay sa pagpunta natin dito." nalilitong usal ng kaibigan niya.

"Simple lang. Nagtitiwala ako sa mga kasama ko dito."

"Nasaan sila."

"Nandiyan lang sa tabi-tabi."

Akmang lilibutin nito ng tingin ang paligid kaya pinigilan niya ito. "Makakahalata ang mga iyan. Kanina pa sila nakamasid. Ano ba ang plano niyo?"

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Bigla na lang susulpot dito si Gyul-Ho para sorpresahin tayo. Hindi ko na alam ang ibang detalye. Basta, ang usapan, papuntahin kita dito."

"Kung ganoon, wag kang mag-alala. Hindi tayo magagalaw dito."

"Iyon ang akala niyo."

Napataas ang tingin nila sa babaeng biglang lumapit at yumakap sa katawan ni Bobby. Hindi nila ito kilala, pero base sa pagkakasabi nito ng mga katagang iyon ay kilala sila nito.

"Ako si Alexa."

"Alexa?" magkapanabay na tanong nila Bobby at Monday.

"Huwag kayong maingay. Tawagin ninyo akong Ligaya. Kunwari ay naglalandian tayo para hindi makahalata ang baklang baboy na masama ang pagkakatingin sa inyong dalawa." wika ng babaeng makapal ang make-up at nakasuot ng pulang wig.

Pasimpleng sinulyapan ni Bobby ang tinutukoy nito. Nakatingin nga si Kring sa direksiyon nila.

"Hindi kayo bubuhayin ng mga iyan. Pagdating ng Koreano ay ito mismo ang papatay sa inyo. Ayaw na ayaw ni Gyul-Ho ng nalalamangan at nauutakan kaya naman hindi pa nila kayo ginagalaw. Gusto ng amo ng mga iyan na ito mismo ang kikitil sa buhay ninyo."

"Nariyan sila Rick." Nanunuyo ang lalamunang sabi ni Bobby.

Bumaba ang mukha ni Alexa sa kanya saka kumandong. Halos ibuyanyang sa kanya ang mayamang dibdib bago ito sumagot sa mismong tainga niya.

"Alam ko."

Sa malayuan ay makikita mong tila naglalampungan na sila. Kaya naman anong gulat niya ng makarinig ng boses sa kanina pa tahimik na earpiece niya.

"Enjoying yourself?"

Mas lalong nanuyo ang lalamunan niya pagkarinig sa tinig na iyon sa kanyang tainga. Disimulado siyang sumulyap sa kinaroroonan ng may-ari ng tinig at nakita ang mas madilim na mukha nito.

"Ah... eh... H-hindi n-na-naman..." hirap niyang tugon.

Napalayo ng bahagya si Alexa sa pagkakaupo sa hita niya at tinitigan siya. Napangiti ito at pasimpleng idinikit ang gilid ng mukha sa kanyang pisngi saka nagsalita.

"Hello. Who's there?"

Nanlaki ang mata ni Bobby sa ginawa nito. Mukhang alam ni Alexa na naka-wire siya. Pasimple niyang tinitigan ang may-ari ng mga matang halos magbugha na ng apoy sa pagkakakandong sa kanya ng babaeng pangahas.

"Hello Rick." pang-iinis ng babae sa linya.

"Hu-huwag kang maingay Alexa." saway niya rito. Pilit niya itong inilalayo sa kanya.

"Wait lang. May sasabihin pa ako." Muli nitong idinikit ang katawan sa kanya. Sa normal na sirkumstansiya ay nakakaramdam na dapat siya ng matinding flag ceremony sa loob ng pantalon niya. Pero bakit parang zero? May bahagyang init. Pero hindi tumatayo ang dapat tumayo ng husto. Nakow!!! Patay na.

"Rick... Ngayong gabi matatapos ang lahat." makahulugang sabi nito.

Nakarinig ng mahabang paghinga si Bobby sa linya.

"Sinisigurado ko iyon. Pakisabi Bobby." sagot ni Rick.

"Sinisigurado raw niya."

Napalunok siya ng makita ang mukha ng babae. Kamukha ito ni Apple. Saka niya naalala na mayroon nga palang kakambal ang babae.

"Ikaw ang kakambal ni Apple."

Bahagya lang itong nagulat. "Kung ganoon ay alam mo."

"Oo."

Umayos na ito ng upo kaya naman nakahinga na siya ngmaluwag. Pasimple niyang nilingon si Rovi na may sarkastiko ng ngiti sa labi. Nangilabot siya sa nakita.

"Ah... paano mo kami nakilala?" tanong niya sa babae.

"Kilala namin kayong lahat." Napatingin ito sa isang bahagi ng club. Nang sundan niya iyon ng tingin ay nakita niyang papalapit si Kring sa pinto. Sinalubong nito ang isang singkit na lalaki. Parang damong hinawi ang daanan. Iisa ang destinasyon ng bagong dating at ng makintab na bading.

Sa lamesa nila.

"Alexa." anang Koreano na ikinagulat nila.

"Mr. Park. I present to you. Bobby. The runaway courier." malagim ang ngiting sabi nito sa Korean.

"Anong?" maang na sabi ni Bobby.

"So... You took my money and merchandise. Then gave it to the police. How clever of you to think that I will not get into you somehow." nakakalokong sabi nito. Naglabas ng pipa at sinindihan.

"Wala akong kinuha sa'yo. Nahuli ako ng mga pulis. At hindi ko alam na drugs pala yun."

"Dahk chuh!" sigaw nito.

Napakurap siya ng tumalsik ang laway nito sa mukha niya. Humithit muna ito sa pipa bago muling nagsalita.

"You are not allowed to say anything other than telling me where is my money and my merchandise. Understand?"

"Ah... Oo. Dala ko." natatarantang sabi ni Bobby.

Kinuha niya sa ilalim ang bag na naglalaman ng marked money at drugs na siyang gagamitin para sa entrapment na iyon. Ibinuyangyang niya iyon sa harapan ng Koreano habang napapalakpak naman ang matabang bading sa katuwaan ng makita ang pera at epektos.

"Good. Good." Anang amo ng mga hoodlum.

"Paano? Aalis na ako Kring. Pwede ko ng makuha ang mag-ina ko?" umaasang sambit ni Monday.

"Itatanong ko sa amo ko." Anitong nakangiti.

Bumulong ito kay Gyul-Ho para sabihin ang usapan nito at ni Monday. Tumingin sa kaibigan niya ang Koreano saka ngumiti.

"You want to have your wife and daughter back?" tanong nito.

"Y-yes Sir. P-please." Napa-ingles na sagot ng kaibigan.

"A ra so." anito saka mabilis na dinukot ang baril sa beywang ng katabing tauhan saka iyon ipinaputok kay Monday.

Bumagsak ang kaibigan niya sa sahig habang nagtakbuhan ang mga tao sa pagkarinig ng putok ng baril.

Mabilis namang lumapit sila Rick, Rovi, Jerick at Perse sa grupo nila Gyul Ho para sa umaatikabong bakbakan.

"Tigil! Pulis ito!" sigaw nila na ikina-alerto ng mga haragan.

Gamit lamang ang mga matatalas na Ballistic Blades ni Rick, Spiked Baton ni Perse, ang specialized samurai na kung tawagin ay Tanto na gamit ni Jerick, at ang Zmeya Carbon Blade ni Rovi ay sumugod ang apat na enigma boys laban sa tatlumpung tauhan ng koreano.

Nagkagulo ang lahat sa nangyaring paghaharap. Sinamantala iyon ng grupo ni Rick na nasa labas para magapi ang limang tauhan ng palyadong foreigner at makuha ang mag-ina ni Monday.

Lamang ang bala sa espada, pero hindi sa pagkakataong iyon. Gamit ang ilang taon ng marubdob na training ay nagawa ng search and destroy soldiers ang harapin at iwasan ang bawat balang pinakakawalan ng mga tauhan ng Koreano.

Mabilis na tumalilis si Gyul-Ho palayo kasama si Alexa at Kring. Lihim namang sumunod ang nagmamasid na si Apple.

"I thought that the police aren't here Alexa." sigaw ng Koreano habang tumatakbo sila.

"I didn't know they're here." Pagkakaila niya.

"Sinungaling." sigaw ni Kring.

"Anong sinabi mo?" asik niya sa nagmamalditang bakla.

"Hindi tanga ang mga tauhan ko Alexa. Narinig namin kayo. Kasabwat mo ang mga pulis na iyon."

"Ang galing mong mag-imbento."

"Stop it!" sigaw ni Gyul-Ho.

Tumigil silang tatlo sa kahabaan ng madilim na eskinita na papalabas sa kabilang panig ng kalsada.

"Since I can't trust you both, I guess I just have to kill you two." anang koreano at naglabas ng baril.

Walang armas ang dalawang kasama nito kaya naman nagmakaawa bigla ang baklang mataba dito.

"Sir... I didn't betray you. Alexa did. My men can prove it."

"Sorry girl. But your men is facing the elite group of Task Force Enigma."

"At anong paki ko? Elite one din ako!"

"17 seconds."

"Ano? Nakuha mo pang magpabilang ng segundo sa oras na ito?"

"17 seconds lang ang itatagal ng treinta kataong yun sa apat na lalaking iyon."

"Oh relly?" sabad ni Gyul Ho. Nagmukhang interesado.

"Yes Sir." alistong sabi ni Alexa.

"Then Kring is right. You're the traitor." sabay umang nito ng baril.

"No!" sigaw ng isang tinig na sumipa sa kamay ni Gyul-Ho dahilan para mag-iba ang direksiyon ng bala.

Tumalsik ang baril sa may di kalayuan habang umaaringking naman sa sakit si Gyul-Ho na tinamaan ng malakas na sipa sa kamay.

"Okay ka lang ate?" tanong ng bagong dating kay Alexa.

"A-apple?" sindak na sabi niya ng maaninag ang mukha nito.

"Ako nga. Sabi ko na nga ba. Hindi mo magagawang traydorin si Rick." naiiyak na sabi ng kakambal.

"Saka na ang mga ganyan Apple. Harapin muna natin ang dalawang ito." sabi niya.

"Okay."

"Akin ang matabang ito." wika ng napapangiting si Apple.

"Sure."

Isang sipa ang ipinatama ni Alexa sa dibdib ni Kring. Bumalandra ito sa mga drum ng basura na nasa paligid ng eskinita. Napatili ito sa sakit at sa baho ng kinabagsakan.

Bago pa ito makatayo mula sa pagpipilit na makabangon ay sinukluban niya ito ng maliit na drum sa ulo saka iyon pinukpok ng pinukpok ng kahoy. Natigil ito sa pagtili sa loob ng drum at muling bumagsak.

Samantala, si Mandarin ay naharap kay Gyul-Ho na marunong din sa martial arts. Lamang ang lakas nito sa kanya dahil matikas din ito. Isang malakas na sipa ang dapat ay tatama sa kanya kung hindi niya nasalag ng braso. Tumilapon siya sa pader.

Bumwelo si Gyul-Ho ng flying kick na na-intercept ng isa ring flying kick mula kay Alexa. Bagsak ang koreano sa lupa pero agad ding bumangon.

"Apple!"

"Ate!"

"Okay ka lang?"

"Oo. Wala ito. Kaya ko siya."

"Pero mas kaya natin siyang dalawa."

Napangiti ang kakambal sa sinabi niya.

"Ready na ako." saad ni Alexa.

"Ako rin."

Pumuwesto sila sa isang martial-arts style na effective para sa kanilang dalawa. Ang Double-fist style. Para sa katulad nilang kambal ay malaking adbentahe ang pagkakaroon ng kakaibang koneksiyon na siyang importante sa nasabing fighting style.

"I know that style." sabi ni Gyul Ho.

"Good! Coz its bringing you down." magkapanabay na sabi ng kambal.

"Never!" sigaw ng Koreano.

Six swift moves and the sydicate leader is down.

Samantala, sa loob ng bar ay tumba na ang lahat ng tauhan ni Gyul-Ho. Tumba lang, hindi pa patay. Kailangan nila ng buhay ang mga ito para maipresinta sa media at sa iba pang alagad ng batas.

Hinanap ni Rovi si Bobby. Nakita niya itong may dugo sa labi.

"Napaano iyan?" nag-aalalang tanong niya.

"Ah... nakipag-suntukan ako sa tatlong iyon." turo nito sa tatlong nakatumba sa may stage.

"Kaya naman pala kulang ang bilang ko eh. Naksali ka pala sa pagpapatumba ng mga to-its." singit ni Jerick na pinupunasan na ang Tanto nito.

Nagtatakang binalingan ni Bobby ang mga specialized weapons ng mga ito.

"Saan galing ang mga ito?" tanong niya habang hawak ang Zmeya Carbon Blade ni Rovi.

"Careful! Matalas ang isang iyan." asik sa kanya nito.

"Ito naman. titingnan ko lang. Sungit!"

"Eh kasi naman, ikaw na ang makitang kinakandungan ni Alexa. Sino bang hindi mag-iinit ang ulo?" kantiyaw ni Perse.

"Ganoon ba?" natatawang sabi ni Bobby.

Napakamot naman sa ulo si Rovi na bahagyang namula.

"Selos ka?" nanunuksong sabi ni Bobby sa kanya.

"Ungas."

"Hay naku, hanggang ngayon, ayaw pa ring mag-open sa akin." reklamo ni Bobby.

"Baliw!"

"Alam mo, ang dami mo ng taguri sa akin. Pasalamat ka gusto kita."

Namula lao ang kinakantiyawang sarhento.

"Uy!!! Ikaw na may lovelife." sigaw ni Jerick.

Napapangiti lang sila Perse at Rick sa kantiyawan.

"Special Delivery!" sigaw ng dalawang tinig.

Nalingunan nila ang kambal na may hila-hilang dalawang katawan.

"Remind me not to get in trouble with those two." sabi ni Jerick kay Perse.

"Sira ka talaga pare."

Natatawang nag-hig five ang dalawa.

"Alexa, Apple." si Rick.

"Tapos na ang usapan. Ito na ang huli Rick. We want to start anew kaya palayain mo na kami."

"Are you sure?"

"Damn sure!" sabay na bigkas ng kambal.

"Okay. Good job girls."

"Thanks Rick."

Yumakap dito ang kambal. Naunang umalis si Alexa na nag-iwan ng makahulugang tingin kay Rovi na di nakaligtas kay Bobby. Nagpaiwan saglit si Apple. Lumapit ito kay Bobby.

"Mami-miss kita."

"Ako din."

"Pwede bang makahingi ng huling halik Bobby?" naiiyak na sabi nito.

"Hindi pwede." sagot ni Rovi.

"Damot." sabi ni Jerick na aliw na aliw sa pagmamasid.

Umere ang sirena ng pulisya.

"Sige na nga. Paparating na ang pulis. May records kami kaya baka masama pa kami sa hulihan." bumaling ito kay Rick pagkatapos tapikin ang pisngi niya.

"Iyong pangako mo ha? Maki-clear kami ni Ate. Ikaw na ang bahala doon." anito kay Rick.

"Oo. You have my word Apple."

"So this is goodbye guys! I really wish I won't see you, ever, again."

"Likewise." sagot ni Rovi na sinimangutan nito.

"Tse!"

Sasagot pa sana ito ng awatin ito ni Bobby at ikulong sa mga bisig.

"Anong drama mo Bobby?"

Tinitigan siya nito. Nangilabot siya sa init ng titig na iyon. At naloka naman siya ng maramdaman na habang tumatagal ang pagkakayakap nila ay unti-unting nabubuhay ang hindi dapat nabubuhay ng mga oras na iyon.

"Bobby?" he said in a reprimanding voice.

"Ssshhh..."

"Ssshhh ka diyan. Ang hilig mo talaga." Bulong niya rito.

"Tsine-tsek ko lang kung okay pa si jun-jun ko. Eh mukhang okay na okay pa naman. Kinabahan kasi ako kanina na hindi siya nag-attention ng kandungan ako ni Alexa. Buti naman at wala palang problema."

Napamaang siya sa sinabi nito. Halata kasi ang relief sa mukha nito ng sabihin nitong nag-alala ito sa erection nito."

"Baliw ka talaga Bobby."

"Ewan. Umamin ka nga? Kinilig ka naman ng malaman mo na sayo lang nag-a-attention ito di ba?" tukoy nito sa member nito.

Natawa siya.

Oo. Kinilig nga siya. Ibig sabihin kasi, siya lang ang nakakapagpainit dito ng ganun. Na sa simpleng pagdidikit lang nila ay nagwawala na ang pagkalalaki nito.

Hay!!!

Haba ng buhok mo teh! sigaw ng kontrabidang bahagi ng isip niya na hindi pa sumamang matumba ng mga goons ni Park Gyul-Ho.


WAKAS

Friday, January 28, 2011

Task Force Enigma: Rovi Yuno 23

Photobucket

Para kay Russel na naka-chat ko kagabi. I had fun my dear. :)

Follow my blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
FB and e-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com

Enjoy...

Chapter 23

“Napapagod na ako Rovi.”
Iyon ang mga huling salitang narinig ni Rovi sa mga labi ni Bobby bago nito sakupin ang kanyang bibig. Hindi niya maipaliwanag pero the moment na naglapat ang mga labi nila ay nagsimulang mawala ang kanyang control ng tuluyan.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na tinutugon ng kaparehong init at pusok ang bawat pananalakay na ginagawa ng malikot na dila ni Bobby.

Marubdob. Mainit. Nakakapangilabot ang bawat galaw nito. Nakakapangilabot pero sa napaka-senswal na paraan. Naghuhumiyaw ang apoy na gusting tumupok sa kanilang dalawa. Sumisirit sa kani-kanilang kalamnan.

“Bobby…” anas niya sa mga labi nito.

Ungol lang ang isinukli sa kanya ng kahalikan. Mas pinalalm nito ang halik. Naging mas mapaghanap. Napakapit siya ng husto sa batok nito. Naliliyo siyang hindi malaman.

Naglakbay ang kamay ni Bobby sa kanyang likuran. Ganoon din siya. Halos may iisang isip ang kanilang mga kamay na pinagpapala ang katawan nilang nababalutan pa ng kanilang mga kasuotan.

Dinama nito ang kanyang pang-upo dahilan para mapasinghap siya ng bahagya. As if on cue, mariing hinigop ni Bobby ang kanyang dila upang dalhin siya sa kaibuturan ng kaligayahan. Ang akala niya ay namatay na siya at ipinadala na sa langit. Hindi pa pala.

Hindi pa siya patay. Dahil ang kahandaan ni Bobby ay damang-dama niyang nakadiin sa kanyang sariling pag-aari. Mas lalong nag-init ang kanyang pakiramdam sa pagkaalala ng kung paano niyang nilasap ang kasarapan nun. Muli, ang akala niya ay namatay na siya. Ngunit hindi pa rin pala.

Ilang minuto ring nagpalitan sila ng maaalab na halik. Halos huminga na sila sa hangin na ibinubugha ng isa’t-isa. Nilalasap ang nakakalulang damdamin na unti-unting gumugupo sa malinaw na pag-iisip nilang dalawa. Ang masarap na pakiramdaman na iyon ay mas hahaba pa sana kung hindi lang napigil iyon ng pagtunog ng cellphone.

Cellphone?

Walang cellphone si Bobby.

So? Kanino iyon?

Sa iyo loka!

Mabilis siyang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap ni Bobby. Inangat niya ang aparato at itinapat sa tainga. Hindi na nag-abala pang alamin kung sino ang nasa kabilang linya sa pamamagitan ng pagtingin sa screen.

“Y-yuno. Sino I-ito?” humihingal pa niyang tanong.

“Uy, mukhang nag-e-enjoy ka nga.”

Si Rick.

Ang hayup. Paano nito nalaman na nag-e-enjoy nga siya?

Si Jerick.

Automatic na napatingin siya sa bintana ng silid na katapat lang halos nila. Kumaway sa kanya ang talipandas na Sarhento.

“Putsa pare. Bakit ka napatawag?”

Narinig muna niya ang impit na hagikgik sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Hindi kailanman tumawa si Rick sa mga bagay na mababaw para dito kaya naman nagtataka siya ng husto. Nakatanga naman sa kanya si Bobby.

“Naka-conference ba tayo?” tanong niya.

Natawa na ng tuluyan si Jerick kaya naman nakumpirma na ang kanyang hinala.

“Sorry ‘tol. Hindi ko natiis na hindi ikwento agad eh.” Hinging paumanhin kunwari ni Jerick sa kanya.

“Ano pang magagawa ko?” he replied sarcastically.

“At least. Gumagana pa ang utak mo ng maayos. Alam mong naka-tap ka. Congratulations.” Ani Rick.

“Thank you, ha.” He said mockingly.

“Anyway. I-mi-meet natin ang kumpareng tunay niyang sinisintang purorot mo. Kung tama ang mga sapantaha nating may kinalaman siya ay siguradong pagpa-planuhan nila ang gagawin nating pakikipagkita.” Pagpapatuloy ni Lieutenant Colonel Tolentino.

“So anong gagawin natin?” Pasimple niyang tinapunan ng tingin si Bobby na nakatingin pa rin sa kanya.

“Ano pa? Eh di magpapanggap tayong walang alam pero papalibutan na natin sila. Isang malakihang entrapment na nangangailangan ng acting skills ninyo. Kaya ba?”
“Iyon lang ba? Yakang-yaka iyan ni Yuno.” Nang-aasar na sabi ni Jerick.

“Sabi nga ni Salmorin. Malaki ang tiwala sa akin niyan eh.” Pagsakay niya ditto.

“Kung ganoon ay magkita-kita tayo bukas sa bar na katapat ng club ni Gyul Ho. Doon ang meeting place na sinasabi ni Monday. Kunwari hindi natin alam na natunugan na natin ang plano niya. Siguradong nasa paligid lang ang mga tauhan ng Koreanong gunggong na iyan.” Mahabang bilin ni Rick.

“Huwag kayong mag-alala. Kaya ko pang umarte. Nasa dugo ko ang pagiging taartits.” Biro niya.

“Siguro, dapat mo ng sabihin kay Bobby ang plano. Siya kasi ang ipapain natin sa entrapment bukas.”

Napatingin siya sa binata. Nakaupo na ito ngayon sa kawayang papag. Nakatitig lang sa kanya. Mataman. Ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito ay hindi niya mabigyan ng pangalan.

“Okay. Ako ng bahala diyan Rick.”

“Siguraduhin mo. Matatapos na lang itong istorya mo eh hindi man lang natin makuhang makadaupang-palad ang tinamaan ng magaling na koreanong iyan.”

“Oo na. Alam ko na ang gagawin ko.”

“Sige na.” Pagpapaalam ni Rick. Nawala na rin sa bintana si Jerick.

Binalingan niya si Bobby. Alumpihit siyang lumapit dito.

“Anong pinag-usapan ninyo?” tanong nito.

“Si Monday.”

Bahagya itong nagitla. “Anong tungkol sa kanya?”

“Makikipagkita tayo sa kanya bukas.”

“Tayo?” takang tanong nito.

“Oo. Tayo.”

“Sinu-sino?”

“Ang buong grupo.”

“Ayokong masaktan si Monday, Rovi.”

Tinitigan niya ito.

“Muntikan na kayong mapahamak ng dahil sa kanya. Huwag mong kakalimutan iyan Bobby.”

“Alam ko.” Nakipagtitigan ito sa kanya.

“Kung ganoon ay bakit mo pa hinihiling na huwag sana siyang masaktan?”

“Dahil hindi siya magkakaganoon kung hindi nadamay ang pamilya niya. Nang dahil sa akin, nadamay ang misis at anak niya. Naintindihan mo ba? Wala siyang kinalaman ditto. Tulad ko, biktima lang din siya.”

“Maaari nga.” Aniya sa kawalan ng masasabi.

“Mangako ka Rovi. Gawan mo ng paraan na hindi madamay ang pamilya ni Monday.”

Paano niyang tatanggihan ang matinding pakiusap na nasa mga mata ni Bobby? Parang gusto niyang sabihin na magiging ayos lang ang lahat. Na walang madadamay. Patay na! Nalintikan na! Iba na ang tono ng kanta niya.

“Rovi?” pukaw nito sa kanya.

“O-okay.”

“Salamat Rovi.”

Napangiti siya. Ibang klaseng saya ang nararamdaman niyang saya ng sandaling iyon. Nakita niya kasi na sa pamamagitan ng pagsabi niya ng “okay” ay nagliwanag ang buong mukha ni Bobby. Na para bang ibinigay niya rito ang buong mundo para paglaruan nito. Na para bang isang napakalaking bagay na agad ang natupad niya sa mga bagay na hinihiling nito sa buhay.

Hell be damned!

Gustong-gusto niya ang hitsurang iyon ni Bobby. At mamamatay muna siya bago mawala ang kasiyahang iyon.

“Walang anuman.”

Humiga ito sa papag. Nakaunan ang ulo sa mga braso. Bahagyang naka-expose sa mga mata niya ang flat na tiyan nito. Giving his eyes access to a very wonderful view. He summoned an enormous effort of self-control just so he could stop his own hands from grabbing Bobby’s fly.
Napalunok siya ng husto. Pwersahan niyang inilipat ang mata sa mukha ni Bobby para lamang madismaya ng makitang nakangisi ito sa kanya. Again, he summoned all the self-control he could muster to stop his fist from hitting Bobby’s lips curved in a mocking grin.

Naningkit ang mata niyang ipinatama ang nakakuyom na kamao sa tiyan nito. Napa-uklo ito sa sakit.

“Argh!”

Nataranta naman siya ng mamilipit ito at tumagilid paharap sa kanya. Nakita niyang namula ang leeg nito at nagmukhang pinangangapusan ng hininga.

“B-bobby!”

“Aaahhh.”

“Bo-bobby… Sorry!”

Hindi niya malaman ang gagawin para mapayapa ang nararamdaman nito kaya naman hindi niya napansin ang pag-ikot ng mga kamay nito sa kanyang baywang. Nahigit niya ang paghinga ng maramdaman ang pagtumba sa papag at ang agarang pagkubabaw sa kanya ni Bobby.

Akmang pipiglas siya ng takpan ng bibig nito ang kanyang labi. As if by doing that, mababawi nito ang hiningang naiwala kanina dahil sa pagkakasuntok niya rito.

Naglaro ang mga dila nito sa loob ng labi niya. Nakipag-eskrimahan.

Nakipag-tagisan ng galing sa pagpapaligaya.

Nagpapaikot-ikot na parang tsubibo.

At para siyag hinuhulog sa napakalalim na bangin.

Walang katapusan.

Walang hanggan.

Para siyang anghel na ipinapatapon pabalik sa langit.

Sa piling ng Diyos.

“Mahabaging Diyos!”

Ang tinig ng Tiya Edna ni Bobby na nagpagulantang sa kanilang dalawa. Sa gulat ay napabalikwas siya at tumilapon sa lupa ang binata.

Patay!

Bakit ba tuwing may eksena sila ay palaging may umeeksena? Worst, ang tiya pa nito.

“Bobby?!” gilalas ng matandang babae na tutop ang dibdib.

“Ti-tiyang?” nanlalaki ang matang sabi ng binata. Hindi inalintana kung tumalsik lang siya sa lupa.

“Anong ginagawa ni-ninyo ni Sa-sarhento?”

“Ah… eh…”

“Hesusmaryahosep.”

“Tiyang… Magpapaliwanang ako.”

“Huwag na Bobby. Huwag mong maliitin ang kakayahan kong intindihin ang pangyayari. Mag-usap tayo mamaya.”

Iyon lang at nagmamadaling tumalilis paloob ang matandang babae. Naiwan silang dalawa ng pamangkin nito na ngayon ay tutop ang noo at waring ang laki ng problema.

“Okay lang yan.” Aniya rito.

Tumingin ito sa kanya.

“Paano mong nagagawa iyan?”

“Ang alin?”

“Ah... ang maging kalmante sa mga bagay-bagay.”

“Iyon ba?”

“Oo.”

“Madali lang.”

“Paano.” Eager na sabi ni Bobby.

“Eleventh Commandment. Don’t take yourself too seriously.”

Napatanga ito.

Oo nga pala. Hindi ito masyadong nakakaintindi ng ingles.

“Ah… Ikalabing isang utos…”

“Huwag mong seryosohin ang sarili mo.” Maagap na putol nito sa kanya.

“O-oo.”

“Masyado mo akong minamaliit Rovi.” Nagtatampong saad nito.

Nalukot ang mukha niya sa isang ngiwi.

“Pasensiya na.”

“Nakakatampo ka na.”

“Sorry na nga.”

“Talung-talo na nga ako sa’yo eh.”

“Ha?”

“Hindi mo ba alam?”

“Ang alin?” takang tanong niya talaga.

“Astig ka na. Ang lakas-lakas mo pa. Wala nga akong laban sa’yo eh. Hinahanap-hanap pa kita. Tapos inaapi mo pa ako. Hindi pa nga tayo, battered boyfriend na agad ako sa’yo.”

Battered Boyfriend?

Ano daw?

Ang laki ng ulo mo ‘te.

“B-battered b-boyfriend?”

“Bakit ayaw mo?”

“Huh?”

He was dumbfounded. Hindi niya inakalang maririnig niya ang mga katagang iyon kay Bobby. Ang alam lang niya ay gusto siya nito. Pero ang iprisinta nitoa ng sariling maging boyfriend ay…

Kalokohan? Anang isip niya.

Kaipokritohan. Sabi ng isa.

“Ayaw mo ba?” alanganing tanong nito.

Napatitig siya ditto. Sino ba ang aayaw sa katulad ni Bobby? Baliw na lang siguro. At iyon siya.

“B-bobby…”

“Ako nga po. Bakit po?” Pa-cute na sabi nito.

“Anong pinagsasasabi mo?”

“Sigurado ako sa sinasabi ko Rovi. Wala ng maraming tanong. Hindi naman ako naniniwalang hindi mo naintindihan iyon eh.”

Natameme siya.

Oo nga naman. Umaarte lang siya ng hindi tama.

Umarte ng naaayon sa ganda. Sabi ng malditong bahagi ng isip niya.

“Okay.”

“Sure ka?” diskumpiyadong sabi ni Bobby.

“Gusto mong bawiin ko?”

“Ay hindi. Okay na kung okay na sa iyo.” Nakangising sabi nito.

“Good.”

“Yes!” sigaw nito na ikinagulat niya. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito.

“Hoy! Bakit ka sumisigaw diyan?”

Natatawang inalis nito ang kamay niya.

“Eh tayo na di ba?”

Napaangat ang kilay niya.

“Di ba? Tayo na? Iyon ang pagkakaintindi ko sa okay mo eh.” May kalakasang sabi nito.

Pinandilatan niya ito ng mata.

“Sorry.”

He kept silent. Pero hindi maikakailang kinikilig siya. Gusto niyang sumigaw ng “Yes! Finally! May boyfriend na ulit ako!” But he kept his calm.

“Tayo na di ba?”

“Unli?”

“He he, Oo.” Ngisi nito.

“Huwag kang maingay. Baka mamaya idaldal mo agad.”

“Bakit? Dapat ba ilihim natin ito?”

He didn’t expected that. Napatanga tuloy siya ditto. Isang smack ang mabilis na iginawad nito sa kanya. He felt his cheeks colored.

“Uy! Nagba-blush ka.”

“Sira ka talaga.” He can’t help but smile coyly.

“Marunong ka palang mag-blush Sarhento?”

“Malamang. Tao ako hindi lumot.”

“Bakit? May nagsabi bang mukha kang lumot?” inosenteng tanong ni Bobby.

Napailing siya.

“Hay! Slow!”

“Hoy! Nakakasakit ka na ng damdamin ah.”

“Sorry.” Nagpeace sign pa siya kunwari.

“Okay lang. At least, kahit ganito ako, ang importante, kinikilig ka sa akin. Di ba?”

Hindi na siya nagkumento at ngumiti na lang. Tama naman ito eh.

“Paano pala ang tiyahin mo?”

Hindi ito umimik.

“Kita mo to. Ang lakas ng loob na magsalita na hindi ito dapat ilihim tapos takot naman palang malaman ng tiya niya.”

Tumitig ito sa kanya.

“May sinabi ba akong ganyan?”

“Sabi ko nga wala.”

“Susme. Iniisip ko lang kung paano ko sasabihin sa kanya ng hindi siya mabibigla.”

“Goodluck.”

“Sige na nga. Halika sa loob.”

“Ha?”

“Ipapaalam na natin sa Tiya Edna na tayo ay may unawaan na.”

“Balagtas ikaw ba iyan?”

Natatawang tumayo ito at hinila siya sa kamay. “Tara na.”

Napailing siya. “Here goes nothing.”


Itutuloy...

Tuesday, January 18, 2011

Task Force Enigma: Rovi Yuno 22

Photobucket

CHAPTER 22

Hindi niya alam kung paanong babawiin ang lahat ng nasabi niya kay Rovi. Kung bakit naman kasi nagpadala siya sa inis. At kung bakit din naman kasi pagkataray-taray nitong si Rovi. Gusto lang naman niyang makipaglapit at makipag-usap pero parang ang layu-layo nito. Wala naman siyang malaman na dahilan kung bakit niya gustong gawin iyon. Ang alam lang niya ay gusto niyang mapalapit dito. Iyong sa mas kumportableng lebel.

Kumportable? Utog lang yan Bobby!

Napabugha na naman siya ng hangin. Napapadalas ang pagbuntong-hininga niya ng dahil kay Rovi. Hindi pa siya nakaranas ng mga ganitong pakiramdam sa ibang tao kaya nalilito siya. Totoo yung sinabi niya dito kanina na gusto niyang maulit ang nangyari sa kanila. Hindi dahil sa anupamang dahilan kaya gusto niyang maulit. May gusto lang siyang patunayan.

Ipokrito.

Naiinis na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa may barandilya ng safe-house. Ang dami-dami ng gumugulo sa isip niya ngayon. Ang sitwaysyon na kinasuungan niya, si Monday, at si Rovi. Hindi niya balak mamili ng problema ng sabay-sabay, pero parang ganoon ang nangyayari.

Malala na yata ito.

Naagaw ang pansin niya ng isang paparating na sasakyan mula sa malayo. Nanlaki ang mata niya sa pagkataranta kaya naman hinanap niya agad si Rovi. Mabilis niyang tinakbo ang likod-bahay. Sa pagmamadali niya ay nasabit ang isang paa niya sa nadaanang lamesita na naging dahilan para ma-out balance siya.

Ang maling pagtantiya niya ng babagsakan at pagbawi sa bigat ay mas lalong nakasama sa kanyang pagbagsak. Napapikit na lang siya at hinintay ang pagbagsak sa sahig ngunit hindi nangyari ang inaasahang paglagapak niya. Naramdaman niya ang malalaking braso na nakapalibot sa katawan niya. Agad ang pagbalot ng pamilyar na init sa kanyang kabuuan ng dahil sa pagkakadaiti nila ng tagapagligtas niya sa takdang pagsemplang.

Pasimple siyang lumingon sa nasa likuran niya. Hindi nga siya nagkamali. Si Rovi nga ang sumagip sa kanya. Kung paano niyang nalaman na ito iyon ay ewan na lang niya. Basta kilala niya ang reaksiyon ng katawan niya kapag malapit ito.

"Okay ka lang?"

Mataktika niya itong hinatak para pareho silang tuluyang bumagsak. Marahil ay nagulat kaya't hindi napaghandaan ni Rovi ang balak niya. Plastado itong bumagsak sa ibabaw niya. Bahagya mang nasaktan ay hindi niya ininda iyon. Ang mahalaga, nakorner niya ang masungit na sarhento.

"Wala ka ng kawala ngayon." nakangising wika niya.

"Baliw. Sinadya mo ito no?"

"Halata ba?"

"O, anong plano mo ngayon?"

"Wala, ginugulo mo ang utak ko eh."

"Sira ka talaga."

Akmang tatayo na ito kaya pinigilan niya. "Hep, hep! Wag ka munang gumalaw. Hindi pa ko nakakaganti sa'yo eh. Di ba sabi ko humanda ka?"

"Ano bang laro ito Bobby? At anong ganti ang sinasabi mo?"

"Ito lang naman." Aniya bago kinabig ang batok ni Rovi para ibigay ang kanyang "ganti". Hindi agad ito nakahuma kaya naman anong tuwa niya. Katulad ng inaasahan, agad na nagningas ang kanina pa nag-iinit na damdamin niya.

Dama niyang ganoon rin si Rovi. Halata lang ang pagpipigil nito sa sarili kaya naman siya na lang ang nagsimulang kumilos. Baka kasi aabutin pa sila ng siyam-siyam bago mangyari ang gusto niya.

Nagpipingkian na ang kanilang mga dila at busy na sa paglalakbay ang kanilang kamay sa katawan ng isa't-isa ng gambalain sila ng isang tinig.

"Uy may live show!"

Agad ang pagbalikwas nilang dalawa para harapin ang bagong dating.

"Langya naman pare. May kwarto naman ah. Hindi na ba kayo makapagpigil at hanggang dito sa sala ay nagagawa niyong maglingkisan?" Pang-aasar ng kadarating lang na si Jerick.

"Ungas!" Ang tanging nasambit ni Rovi dito.

Pahiyang-pahiya naman ang pakiramdam ni Bobby ng mga sandaling iyon. Kung bakit naman kasi nakalimutan niyang may paparating nga pala ay saka naman niyang naisipang sunggaban si Rovi. Nahuli tuloy sila habang "in action". Naiiling na tumayo siya.

"Okay lang yun Bobby. Kasama sa paglaki yan." Nakangising sabi ni Jerick.

"Bakit ka nga pala narito?" si Rovi.

"Ah, pinapunta ako ni Rick. Nakausap ko na kasi iyong kaibigan nitong si Bobby. Kung tama ang hinala natin na siya ang dahilan kung bakit kayo natunton doon sa Calatagan eh lalaruin natin ang laro nila. Wais kaya ini." nagtaas-baba pa ang kilay nito na para bang balewala lang ang gagawin na "pakikipag-laro".

"Ganun ba? Anong plano?" seryoso pa ring sagot ni Rovi.

"Later na. Magpapalit lang ako ng damit at nangangati na ako. Tuloy niyo na muna ang labing-labing niyo." Humagikgik pa ang kumag pagkatapos tuksuhin si Rovi at tapunan siya ng ampanudyong tingin.

"Ulol."

"Thank you ha." ngisi lang nito sa pagmumura ni Rovi.

Nang maiwan silang dalawa ay naghari ang katahimikan sa pagitan nila.

Naiilang na siyang hawakan ulit si Rovi lalo na at may nakasaksi ng paglalambutsingan nilang dalawa. Kung matatawag ngang ganoon iyon.

Napatingin siya rito ng humakbang ito patungo sa pinto.

"S-san ka pupunta?"

Huminto ito. "Bakit mo ginawa iyon?"

Huminga muna siya ng malalim. "Katulad ng sinabi ko, hindi ko rin alam."

"Pwede ba iyon Bobby?" tanong nito.

"Siguro. Ewan ko."

"Lagi kang ganyan. Alam mo bang nakaka-inis pakinggan ang mga ganyang sagot?"

"Alam mo bang nakakainis ka ring sumagot?"

Umangat ang balikat nito. Halatang natawa ng pasarkastiko.

"Ako ito Bobby. Kung babaguhin ko ang sarili ko para lang sa'yo, hindi na ako magiging ako. Isa pa, kung ayaw mo sa ugali ko, huwag mo akong kausapin."

"Pero gusto nga kita." Nabigla niyang sagot.

Halatang natigilan ito. Parang naging estatwa sa pagkakatayo. Sinamantala niya iyon para harapin ito. Nagpunta siya sa harapan nito.

"Gusto kita, Rovi. Hindi ko alam kung paanong nangyari, pero gusto kita. Gusto na kita."

Tumaas ang isang kilay nito. "Unli?"

"Huh?" Nalilito niyang sambit.

"Pauli-ulit? Naka-unli ka?"

Saka niya naunawaan na nang-aasar ito.

"Sige. Diyan ka magaling. Sa tuwing lumalapit ako sa'yo, lagi mo akong binabara. Hindi ka ba naaawa sa akin? Talong-talo mo nga ako oh."

"At paanong nangyari iyon?" nakasimangot nang sabi nito.

"Rovi, hindi mo lang alam kung paanong umiikot ang puwit ko sa kakaisip sa'yo nitong mga nakaraang araw. Simula ng gabing iyon, hindi ka na nawaglit sa isip ko."

"I didn't know that giving head..."

"Tigil!" awat niya rito. "Sinabi ng hindi ako gaanong nakakaintindi ng ingles. Nasa Pilipinas ka, magtagalog ka na lang." naiirita na niyang sabi.

Last na kasi ito. Kapag di pa sila nagkalinawang dalawa eh titigilan na niya ang kumag na ito. Ngayon lang siya naghabol no? Sa isang lalaki pa.

"Okay. Ano bang gusto mong sabihin?" tinatamad na sabi ni Rovi.

"Makinig ka. Please? Ipangako mo."

"Pinky swear." Nagmuwestra pa ito ng hinliliit. Binalewala na lang niya iyon.

"Kagaya nga ng sabi ko, hindi ko alam kung paanong nangyari pero nagustuhan kita. Iyong gusto na parang sa isang lalaki sa isang babae. Ewan ko, pero ang tanging alam ko ay hindi masu-solusyunan ang nararamdaman ko kung hindi ko ito sasabihin sa'yo. Kaya sana maniwala ka. Nakaka-inis nga na wala akong magawa kasi ang sungit-sungit mo. Hindi kita makausap ng hindi ko iniisip kung tama ba ang mga sasabihin ko. Lagi akong nangangapa kapag ikaw ang kaharap ko. Ano bang ginawa mo sa akin, ha, Rovi?" tuloy-tuloy na buhos niya ng niloloob.

Si Rovi naman sa isang banda ay tila natulala na lang sa sinabi niya. Parang isang masamang balita ang natanggap nito mula sa kanya. Nanlulumong napayuko na lang siya at nagpatuloy magsalita. Tutal naman, kahiyaan na.

"Rovi naman, sana magsalita ka kahit konti. Hirap na hirap na kaya akong magpa-impress sa iyo. Hindi mo ba napapansin simula ng dumating ka puro pagpapa-cute na lang ang ginagawa ko sa'yo?"

"Magpa-impress?" sa wakas ay sambit nito na nagpa-angat ng mukha niya. Sinalubong siya ng nakakunot-noong hitsura nito.

"Oo. Halos maglakad na nga akong naka-burles sa harap mo. Napapagalitan pa ako ni Tiyang ng dahil sa iyo pero binabalewala ko lang. Ang sabi ko kasi, kailangan kong makuha ang atensiyon mo."

"Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi ko kailangan ng pagpapa-impress mo." Galit na sabi ni Rovi.

Nagtataka man kung bakit ito nagagalit ay nagtanong siya.

"Bakit? H-hindi ba at..."

"Don't try to impress me with your looks Bobby. Not even with your stuff. You might have something between your legs but the one I'm after is the one between your ears." galit na galit na bulalas nito sa kanya kaya't hindi na siya nakahuma. Nagtuloy-tuloy din ito sa kwarto na pinasukan ni Jerick. Nakahiyaan na niya tuloy itong sundan kahit pa gustong-gusto niyang malaman ang dahilan ng biglaang pagkagalit nito.


Nagpupuyos ang kaloobang ibinagsak pasara ni Rovi ang pintuan ng silid pagkapasok na pagkapasok niya. Nagagalit siya sa mga pinagsasabi ni Bobby sa labas. Gusto na sana niyang magtatalon sa tuwa ng malamang gusto siya nito pero ng marinig niya ang katagang nagpapa-impress ito ay nairita talaga siya ng husto.

Mukha ba akong pakipot ng husto at kailangan pa niyang gawin ang bagay na iyon? Anang kalahating bahagi ng isip niya.

Ang taray mo teh? Ikaw na ang sinusuyo, ikaw pa ang galit? Tampuhan ba ang manok? Maraming palay sa paligid. Sabi naman ng natitirang bahagi.

"Hindi mo naiintindihan!" napapalakas na sabi niya. Hala! Mag-monologue ka diyan!

"Hindi ko talaga maintindihan 'tol." Natatawang sagot ni Jerick na nakalimutan niyang nasa silid nga rin pala. Kalalabas lang nito ng banyo.

"Shut up pare!"

"Sorry. Hindi kasama iyan sa bokabularyo ko." pang-aasar pa nito.

"Ano bang problema niya?" naiinis na sambit niya na ang tinutukoy ay si Bobby.

"Ang tanong diyan 'tol, anong problema mo?"

"What do you mean?" matalim ang matang tiningnan niya ito.

"Huwag mo akong pandilatan diyan Rovi. Ang akin lang, anong problema kung magkagustuhan kayong dalawa? Palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan. I'm sure, hindi matutuwa si Allan kapag nakita ka niyang ganyan ka-miserable."

"Huwag mong idamay si Allan dito. Nananahimik na siya."

"I know right."

"O bakit binabanggit mo pa?"

"Para matauhan ka. Ayan si Bobby 'tol. Buhay. Pumapalag at mukhang palaban pa. Tell me, nagside-trip ka na sa isang iyan no?"

"Baliw." Paiwas niyang sagot.

"Ikaw iyon. Hindi ako ang nakakulong sa nakaraan. Palayain mo na ang sarili mo. Ang tagal na kaya nun. Move-on pare."

Pangalawang beses na niyang narinig ang mga katagang iyon sa araw na ito. Wala pang isang oras. Ano nga ba ang pinanghahawakan pa niya sa nakaraan? Hindi naman na niya iyon maibabalik pero bakit ang higpit ng hawak niya.

"I know pare, ang pinakamasakit na uri ng love story ay iyong hindi nagkaroon ng katuparan."

Aray!

Wala siyang masabi doon kasi bull's eye siya sa puso. Nalaman kasi niyang gusto siya ni Allan pero huli na. Nasawi na ito ng dahil sa pagiging malapit sa kanya.

"Hindi mo naman kasalanan na namatay si Allan dahil nagkaroon ng kaaway ang tatay mo noon eh. It could happen to anyone. Nataon lang na si Allan ang naroroon. Huwag mong solohin ang kredito. Hindi kayo ni Allan ang target ng mga namaril noon, kung hindi ang tatay mo."

Aray again!

Napapantastikuhang nilingon niya si Jerick na matamang nakatingin sa kanya.

"I know, I know. A simple thanks will do. Alam ko namang alam mo na tama ang mga sinasabi ko."

Napailing siya.

"Langya ka 'tol. Mangbabasa ka ba ng isip?"

Jerick chuckled. "Obvious lang masyado na iyon ang iniisip mo 'tol."

"Ganoon ba?" Nahihiyang sabi niya.

"Oo. Sabi nga sa kanta. It's written all over your face." nag-hum pa ito.

"Ungas ka talaga."

"Sige na. Puntahan mo na iyong kumag at baka magbago ang isip nun."

"Huwag naman sana." may pangambang anas niya.

"Pero bago ang lahat. Tingnan mo ang cellphone mo. Na-i-send ko na ang plano na naisip ni Rick. Tinatamad na akong dumaldal eh."

"Napapagod ka pala? Hindi halata ah."

"Oo naman. Mukha na ba akong robot?"

"Hindi. Mukha ka lang database."

"Ulol."

"Si Unabia?"

"Alaws pa rin. Pero na-track ko na yung device niya. Ang putsa, ibinalot sa chewing gum. Siguro may nakaapak kaya nabuksan. Nasa building na nakadestino sa kanya nung oras ng buy-bust natin."

"O anong balita?"

"Aalamin ko pa. Pero duda ko, nakuha iyon ng kalaban natin. May trace ng panlalaban ni Cody eh."

"Sige. Update mo lang kami 'tol. Lalabas na ako."

"Sige 'tol. Goodluck sa panunuyo mo kay Bobby."

"Gago!"

Paglabas niya ay hinanap niya agad ang pakay. Wala ito sa sala. Paglabas niya ay nakita niyang naka-upo ito sa kawayang papag. Nakatingin sa malayo.

"Bobby..." anas niya.

Lumingon ito. Alanganing ngiti ang ibinalik niya sa sulyap nito. Tumayo si Bobby pero walang emosyong nakikita mukha. Inilang hakbang nito ang pagitan nila at tumigil sa mismong harapan niya. Halos pigilan niya ang paghinga sa pagkakalapit nilang iyon.

"B-bobby..."

"Tama na ang pagpapanggap Rovi. Napapagod na ako." wika nito sabay sakop sa kanyang nanginginig na labi.

ITUTULOY

Tuesday, January 4, 2011

Task Force Enigma: Rovi Yuno 21

Photobucket

Para kina Jhay L, Filmark, at King Punisher ( na dumayo pa from Pex! )

Enjoy Reading!


Chapter 21

Lihim na nagpasalamat si Rovi at kaswal na lang ang usapan pagkabalik na pagkabalik ni Bobby kasama ang Tiya Edna nito. Naguguluhan pa ng bahagya ang matanda ng makita siyang nakaupo sa may kusina. Nangingiting tiningnan niya ito.

"Magandang araw po Aling Edna."

"Ganun din naman sa'yo." ganting-bati nito.

"Bakit po kayo pinagtago ng isang ito?" pang-aasar niya kay Bobby.

"Ay hindi ko alam sa dyaskeng batang ire. Akala ko nga'y sinugod na kami ng mga kalaban. Diyos ko po!"

Nahihiyang nagkamot ng batok si Bobby. "Hindi ko naman po kasi alam na si Rovi pala ang dumating Tiyang."

"Ay hamo na't mabuting hindi ang mga sumugod sa atin kanina ang nagsidating. Kumain na lang tayo at mukhang tutumba na ang isang ito." pambabalewala ng matanda sa pamangkin sabay tukoy sa kanya.

"Kaya pa naman Aling Edna."

"O siya. Kumuha ka pa ng isang plato Bobby."

"Opo Tiyang."

Tinapunan niya ng nakakalokong ngiti ang lalaki na sinuklian naman nito ng isang ingos. Pagbalik nito ay sinaway na naman ito ng tiyahin.

"Magdamit ka nga Bobby. Igalang mo ang hapag at huwag kang magburles dito."

Napahagikgik siya ng mamula ito sa pagpuna ng tiya. Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya. Tinaasan lang niya ito ng kilay na parang nagsasabing, "Pahiya ka no? Akala mo kasi eh."

Tumango lang ito sa tiyahin at kinuha ang damit na hinubad. Bahagya naman siyang nakadama ng panghihinayang ng mawala ang napakagandang view na ibinilad sa kanya kanina ni Bobby. Pero para naman siyang natakam ng husto dahil ang fit na t-shirt nito ay pinamumukulan ng nakatagong mga masel.

Ano ba kuya? Anak ng teteng naman oh!

Padaskol itong naupo sa tabi niya. Kinilabutan naman siya agad-agad sa pagkakalapit nilang iyon. Feeling niya ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso ay epekto ng ilang pulgada lang na pagitan nila ni Bobby. Kung tutuusin pwede niyang idikit ang braso dito ng hindi kunwari sinasadya pero nagpipigil siya. Baka kasi madakma niya ito sa harap ng tiyahin nito.

"Hmm. Masarap ang pagkakaluto mo Bobby." anang matandang babae na tinitikman na ang sinigang.

Patamad kunwari siyang sumadok ng ulam pagktapos ni Aling Edna. Pasimple niyang tiningnan si Bobby ng akmang titikman na niya ang luto nito. Nakatingin nga ito sa kanya. May bahagyang antisipasyon sa mata.

Masarap. Iyon ang unang pumasok sa isip niya. Pero hindi siya nagpahalata. Hindi rin siya nagsalita. Animo hindi naman mapakali sa tabi niya si Bobby na naghihintay marahil ng reaksiyon.
Nagpatuloy siya sa pangde-dedma.

"Okay lang ba?" hindi nakatiis na sabi nito.

Tinatamad na sumulyap siya rito. "Okay lang." Ang matabang niyang tugon.

Napasimangot naman ito sa kawalan ng sigla sa kanyang salita. Padabog pa itong sumandok ng sariling ulam. "May problema ka ba Bobby?" Nagtatakang tanong ng tiyahin nito.

"Ah w-wala po."

"Umayos ka sa harap ng hapag." iyon lang at nagpatuloy na ang matanda sa pagkain.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti na iglap niyang itinago na magbaling ng tingin sa kanya si Bobby. Pero nahuli yata nito iyon.

"Nag-eenjoy ka rito no?" naasar na wika nito kahit pa nakangiti.

"Ha? Oo naman." nagmamang-maangan niyang sabi.

"Humanda ka sa akin mamaya." pabulong nitong wika.

Inasar niya lalo ito ng isang matamis na ngiti.

"May sinasabi ka ba Bobby?" tanong na naman ni Aling Edna.

"Ah w-wala tiyang."

"Huwag kang magsasalita kapag kumakain. Baka mabulunan ka." paalala ng matanda.

"Oo nga naman. Baka mabulunan ka Bobby." panggagatong niya sa inis nito.

Ngumiti ito ng matamis. "Hindi ako mabubulunan Sarhento. Hinding-hindi."

Nakarmdam siya ng malisya sa sinabi nito. Parang nagpalpitate na naman ang puso niya na bahagya lang kumalma mula pa kaninang tumabi ito sa kanya. Hay! Bakit ba parang ang tagal matapos nitong kainan portion?

Hindi na lang siya umimik pa at binilisan na ang pagkain. Nang matapos ay mabilis din siyang tumayo agad at lumayo sa kusina. Nagtataka man hindi na siya tinanong ng mag-tiya. Lalo si Bobby na biglang naging blangko ang mukha ng tapunan niya ng tingin.


"Pare. Wala pa rin bang balita kay Unabia?"

"Wala pa eh. Iyong tukmol na iyon bigla talagang nagdi-disappearing act. Mabuti at sanay na tayo."


Kausap niya si Perse sa kabilang linya. Na-i-dispose na raw ng mga ito ang mga dapat itago. Bilib talaga siya sa pagiging resourceful ng kumag.

"Sinabi mo pa." aniya rito.

"Kamusta naman ang mag-tiyahin?"

"Okay naman Perse. Sobra nga lang tahimik dito. Pero ang ganda at mahusay ang view. Mabuti nga at hindi ako naligaw papunta."

"Kamusta naman kayo ni Bobby?" panunukso nito.

"Next question please."

"Pare, kung hindi ko pa alam. Nag-side trip ka na sa isang iyan."

"Hunghang!" namula siya sa sinabi nito.

"Uy! Nag-blush! Aminin." natatawang tukso pa rin nito.

"Ang sarap mong barilin. Pasalamat ka wala ka sa harap ko." asar-talo naman niyang sabi.

"Kung makakatama ka 'tol." mayabang na saad nito.

Nagkibit-balikat siya na para bang nakikita nito ang reaksiyon niya. "Sabagay."

"O sige. Tatawag na lang ulit ako sa iba pang development. Kung bumaba si Rick kanina ng sasakyan, isa lang ibig sabihin nun."

"Ano?"

"Haharapin nun ang isa sa kambal."

"Ganoon ba?"

"Oo. Sige na. Kupal ka."

"Tigas mo tsong! Ikaw kaya."

Natatawang nag-disconnect na ito ng linya. Pagharap niya ay laking gulat niya ng matunghayan si Bobby na nakasandal sa hamba ng pinto at matamang nakatitig sa kanya.

"A-anong ginagawa mo riyan?"

"Nagpapahangin. Malay ko bang nandiyan ka." pabalang na sagot nito.

"Ang taray ah. Meron ka ba?" nang-iinis niyang tugon.

Nanningkit ang mata nito. Akala niya ay susugod na naman ito sa kanya pero hindi pala. Namulsa ito at lumapit sa kanya. Para naman siyang timang na itinulos sa kinatatayuan. Naging alerto ang lahat ng senses niya sa paglapit nito.

"May gusto sana akong itanong."

Napalunok siya. Bakit parang naging husky ang boses nitong bigla?

"Pwede bang magtanong Rovi?"

Napapikit siya ng makalapit na ito. Ilang dangkal lang ang pagitan nila. Naamoy niya ang mabangong samyo nito. Lalaking-lalaki.

Lumalandi na naman ang ilong mo Rovi.

Pagdilat niya ay parang nabuhusan ng kung anong mainit na bagay ang pakiramdam niya. Damang-dama niya ang init na iyon na hindi kailanman naging pamilyar sa kanya.

"Pwede ba?"

Parang nanunuyo ang lalamunan niya. Hinahanap niya ang boses niya kanina pa. Alam niya meron eh. Kakatapos lang kaya niyang makipag-usap kay Perse!

"A-ano ba iyon?"

Nag-alis ito ng bara sa lalamunan. Lumapit pa ng bahagya. bigla siyang kinabahan. Lumakas lalo ang pintig ng puso niya at nag-aalala siyang baka marinig nito iyon sa sobrang lakas.

"Sino si Allan?"

Natameme siyang bigla. Parang gulong na biglang binutas ang pakiramdam. Sino daw si Allan? Sino nga ba, ha, Rovi?

"Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo magawang masaya kahit pa may nangyari na sa atin?"

Lalo siyang naguluhan. Ano bang pinagsasabi ng kumag na ito?

"P-paano mong nasabi iyan?" aniyang biglang nandilim ang anyo.

"Huwag kang magalit sa akin. Ako ang dapat magalit dahil sa kabila ng pagpapaubaya ko sa'yo ay nakuha mo pang magmalaki na para bang balewala lang sa'yo ang lahat."

"Uulitin ko. Anong gusto mong mangyari? Magtatalon ako sa tuwa?"

"Hindi. Pero siguro naman ay may eksplanasyon ang pagiging malamig mo pagkatapos mong magpakasaya sa piling ko."

Naantig ang kalooban niya sa galit na nakarehistro sa mukha nito. Kailan pa naging isyu sa lalaki kung nasuso siya ng kapwa niya lalaki? Hindi ba at common thing na iyon? Wala namang nawala dito ah.

"Kung makapagsalita ka parang ako lang ang nasiyahan. Huwag ka ngang umarteng parang babae na ninakawan ng dangal." Naiirita na niyang sabi.

"Hindi ako umaarte Rovi. Oo. Aminado ako na nagustuhan ko rin ang ginawa natin, pero ang itrato mo akong balewala pagkatapos ang hindi katanggap-tanggap." nag-iigtingan na ang ugat nito sa leeg sa galit.

Napaingos siya sa sinabi nito. "Bakit ba big deal sa'yo ang nangyari? Kung ako nga hindi na nagsasalita tungkol doon, ikaw pa itong lalaki ang sobrang makapag-bring up ng issue. What happened is a physical joining of our bodies. Nothing more. Nothing less. Mag-move on ka na. Anong gusto mong gawin ko? Pakasalan kita?" Pikon na pikon na sabi niya rito.

Napipilan naman ito. Walang maapuhan na sasabihin. Nakabuka lang ang mga labi pero walang tinig na lumalabas. Hindi makapaniwala ang reaksiyon. Pagdaan ng ilang sandali ay naglapat ang mga labi nito at sa isang mapaklang ngiti ay nagsalita ito.

"Ganun ba ang pagkakaintindi mo? Akala mo ba naghahabol ako? Ulol ka Rovi."

"Huh! Same to you."

"Siguro nga tama ka. Ulol nga rin ako. Dahil gusto kong ulitin ang ginawa natin."

Napatda siya sa tuwirang pag-amin na iyon. Ang haba ng buhok mo! Tse!

"Masaya ka na? Iyon ba ang gusto mong marinig? Pero sorry ka na lang. Hindi naman ako tanga para isiksik ang sarili ko sa'yo ganyang ayaw mo naman pala."

"May sasabihin ka pa?" balewala niyang tugon.

"Oo. At makinig ka. Hindi ko kilala si Allan. At wala na akong panahong kilalanin siya. Ang sa akin lang. Hindi ako siya. Ano man ang nagawa niya sa'yo para maging ganyan ka kalamig sa lahat ng gustong mapalapit sa'yo ay hindi ko na pagkakaabalahan na alamin. Tutal naman, bago pa alng kami makapasok, ayaw mo na agad. Daig mo pa ang sentro sa basketball kung makabox-out. Sana masaya ka. Sana masaya ka na ikinukulong mo ang sarili mo sa isang pangyayaring hindi mo na kailanman mababago pa. Wala kang time-machine Rovi. Pahiram lang ha, mag-move on ka na rin." saka ito walang paalam na tumalikod at pumasok ng bahay.

Mahabang saad ni Bobby na nagpahindik sa kanya ng husto. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Wala mang inidikasyon na may alam ito tungkol kay Allan ay talaga namang nagkaroon siya ng pakiramdam na para siyang inalog-alog ng malakas habang nasa loob ng isang kahon.

Ang lakas ng impact ng sinabi nito. Sana sinampal na lang siya kaysa iyong napagsalitaan siya ng walang kalaban-laban.

O ano ngayon? Naturete ka? Tama naman siya di ba?

Oo nga. Tama si Bobby. Patay na si Allan pero iyon pa rin ang issue niya. Ang mga what-ifs kung nabubuhay pa ito. Ang mga shoulda, coulda, woulda na naiisip niya. Maraming eksena ang naglalaro ngayon sa utak niya. Iyong pagkahaling niya kay Bobby at nito sa kanya.

Ano man ang nagawa niya sa'yo para maging ganyan ka kalamig sa lahat ng gustong mapalapit sa'yo ay hindi ko na pagkakaabalahan na alamin. Tutal naman, bago pa alng kami makapasok, ayaw mo na agad. Daig mo pa ang sentro sa basketball kung makabox-out. Gusto ba nitong mapalapit sa kanya? Gusto ba siya nito?

Nalilito ang isip na naupo siya sa kawayang upuan. Hindi nga pwede na magkaroon sila ng ugnayan nito. Ang gulo ng buhay niya sa ngayon. Kung idadawit pa niya ito ay kawawa lang si Booby at ang Tiya Edna nito.

Napahilamos siya ng palad sa mukha. Ang duda pa niya ngayon, baka ginugulo lang ni Bobby ang isip niya para makaganti ito sa kanya sa mga nakaraang pamamahiya niya rito. They both know that he was a "sure thing". Kung hindi pa nito alam iyon ay ewan na lang niya. Kasabay kasi ng pagkulo ng dugo niya sa inis rito ay ang pagtaas naman ng boiling point ng libido niya.

Nahahapong bumugha siya ng hangin. Mukhang mas marami pang eerhiya niya ang nasayang sa kumprontasyon na iyon kaysa sa naging engkwentro nila sa pabrika. Nakita niya ang papag na kawayan na may sadalang puno. Naisip niyang lumipat doon. Pagkalapat na pagkalapat ng likod niya sa higaan ay agad siyang dinapuan ng antok. Nakatulog agad siya sa pagod.



Pinakiramdaman niya ang paligid. Pinakinggan ang mga nagsasalita. Ang tatlong bantay niya kanina ay nabawasan na ng isa ayon sa mga pag-uusap. Pasugod daw ang mga ito sa hideout nila Rick. Kailangan niyang makatakas. Pinilit niyang bumangon.

"Aba at buhay ka pa pala." Tinig iyon ng isa sa dalawang bantay.

Ngumiti siya ng nakakaloko kahit pa sarado ang kabilang mata niya sa pamamaga.

"Malas niyo. Binuhay niyo pa ako. Kapag nakawala ako dito. Tapos kayong pareho sa akin."

"Huwag kang mayabang. Kahit pakawalan pa kita ngayon ay siguradong hindi ka makakalaban sa kalagayan mo."

"Ows, di nga."

Subukan mo lang tanga!

"Huwag ka ng maangas kupal!"

"Ikaw ang kupal. Subukan mo akong kalagan. Wala pang sampung minuto patay ka na."

"Talaga ha. Hawakan mo ito pare."

Ibinigay nito ang baril sa kasama at nagtatawang lumapit sa kanya. Nakita niyang ibinaba ng isa ang baril sa lamesang katabi.

"Sampung segundo ha?"

"Oo naman." nakakaloko pa niyang ganti.

Nang makalapit ito ay kinalagan siya sa kamay. Hindi pa man ganun kaluwag ay nagawa na niyang ilusot ang isang kamay at dali-daliang dinakot niya ang leeg nito at walang-awang binali iyon. Nagitla ang nakaupong kasamahan nito pero madaling kinuha ang baril at pinaputukan siya. Mabilis nyang iniharang ng husto ang lalaking kapapatay lang sa sarili at mabilis na sinugod ang bumabaril habang nakaharang ang kasamahan nitong tumatanggap ng lahat ng bala.

Nang makalapit sa bumabaril ay iglap lang at bulag ang matang napaluhod ito kasabay ng pagkalagot ng hininga dahil sa pagkabali ng leeg. Agad niyang kinuha ang mga baril at magazine na meron ang mga ito at naghintay sa pagdating ng iba pang kasamahan ng mga ungas. Nang walang marinig ay lumabas siya at di na nag-abalang magbihis pa. kailangan niyang makatakas sa lugar na iyon. Kailangn ng tulong nila Rick.

Walang tao sa paligid. Marahil ay patungo na ang lahat sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya sa TFE. Lalong nag-umigting ang pagnanais niyang makalayo sa lugar na iyon. Paglabas ay tinahak niya ang madilim na kakahuyan. Mahaba-habang lakaraan at ang mga matatalim na damo ay binabalewala na niya.

Nang makarating sa highway ay may nakita siyang paparating na sasakyan. Hindi na siya nag-atubiling iharang ang sarili para makahingi ng tulong. Ang malakas na pag-ingit ng gulong ang huli niyang narinig bago nawalan ng malay.


Itutuloy...

Monday, December 27, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 20

Photobucket

Chapter 20

Tahimik na nakaupo si Bobby sa labas ng panibagong safe house na pinagdalhan sa kanila ni Apple. Pagkahatid na pagkahatid nito sa kanila ay pinaharurot na agad ng babae ang kotse palayo para daw makipagtuos sa kakambal nitong nagiging traydor na yata.

Silang dalawa lang doon ng tiyahin. Napakaliblib ng lugar at napakatahimik. Naalala niya ang buhay sa probinsiya dati. Hindi kasing-gulo ng nangyayari ngayon. Noon, may kahirapan at kapayakan man ang pamumuhay nila ay wala namang humahabol na mga tauhan ng drug lord sa kanya. Marahil, kung hindi siya nangailangan para sa pagpapagamot ng kanyang tiya ay malamang na wala silang ganitong problema ngayon.

Naiinis na napabugha siya ng hangin. Kung may maipagpapasalamat siya siguro ng malaki ay iyong buhay pa sila ngayon ni Tiya Edna niya. At kung meron mang bagay na sa tingin niya ay malala pa sa problemang hatid ng paghabol sa kanila ng koreanong amo ay ang kakaibang damdamin na nararamdaman niya para kay Rovi.

Ewan niya pero gustong-gusto na niya itong makita. Pero kapag naaalala niya ang naging reaksiyon nito pagkatapos ng nangyari sa kanila ay nangngingitngit siya sa inis. First time lang niyang magparaya ng katawan sa kapwa lalaki ganun pa naging resulta. Sa pagkakaalala pa naman niya ay nagustuhan naman ni Rovi ang ginawa nila. Kasi siya, gustong-gusto niya.

Nag-init na naman ang katawan niya ng maalala ang gabing iyon. Akala niya, simula na iyon ng pagpapaamo niya dito. Totoo naman ang sinabi nito na gusto niya itong gantihan nung una. Pero mukhang ang balak niyang pagganti ay nauwi sa pagkahaling niya sa bagay na hindi normal na gustuhin ng isang tunay na lalaki. Hinahanap-hanap niya ang darap na naranasan niya ng gabing iyon.

Tumayo siya at nag-inat. Nag-push up at tumakbo-takbo sa paligid ng bahay. Nakapwesto iyon sa isang burol. Natatakpan ng malalagong puno ng mangga at acacia. Matatanaw mo kaagad kung mayroong paparating na sasakyan dahil nasa paligid iyon ng malawak na palayan.

Nang mapagod ay humilata siya sa papag sa labas ng bakuran. Kung wala lang sanang malaking problema ang nakaamba sa kanila ay hindi siya nalilito ngayon. Ilang ulit na niyang naitanong sa sarili kung bakit kailangang magkaganoon ang tahimik niyang buhay. Nila ng tiya niya. Ninais lang naman niya ang kumita. Napapailing na tumayo ulit siya para maghanda ng makakain nilang mag-tiya.


"Gawan niyo ng paraan ang mga katawan na iyan. Hanapan na rin ninyo ng identity ang bawat isa. Napakalaking clean-up ng gagawin natin. Mahirap ng masilip tayo. Magtataka ang mga iyon sa pagkawala ng napakaraming katawan na iyan."

Tumango lang si Jerick sa utos na iyon ni Rick. Hindi na ito nagsalita pa at sumabay na sa paglakad ni Perse patungo sa napakalaking truck na naglalaman ng mga walang buhay na katawan ng mga tauhan ni Par Gyul Ho.

"Kami ng bahala Pare, tumuloy na kayo sa pupuntahan niyo." pahabol ni Perse sa kanila.

Iyon lang at tahimik na silang naghiwa-hiwalay. Patungo na silang dalawa ni Rick sa safehouse na pinagdalhan ni Apple kina Bobby. Nakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa napipintong paghaharap nilang dalawa ng lalaki. Parang di siya mapakaling pusa na ewan.

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan nila ni Rick. "Pare, sino si Felicitas?"

Wala siyang narinig na sagot.

"Pare, I think I deserve to know." pangungulit niya.

"Bakit?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Meron."

"So what's keeping you?"

"Wala namang significance sa'yo yun."

"Wala talaga akong lusot sa'yo no?"

"Oo Rovi. Kaya huwag ka ng mangulit."

"O siya. Kung ayaw mong malaman ko kahit paano kung sino ang Felicitas na naging dahilan ng pagkaka-save natin sa pagsabog ng factory ay hindi na kita pipilitin."

Malakas lang na buntong-hininga ang sagot nito at hindi na nagsalita.

Malapit na sila sa isang gas station ng magsalita ulit si Rick.

"Ibaba mo ako dito pare."

"Huh? Okay."

Nang huminto siya ay mabilis itong umibis ng sasakyan pero nanatiling nakatayo sa may pintuan. Maya-maya ay yumuko ito para kausapin siya.

"Ang Felicitas na iyon ay ang anak ni Alexa na hindi naisilang dahil sa isang aksidente. Hanggang doon lang ang pwede kong sabihin."

Napangiti siya. "Okay."

Tinapik nito ang bubong ng sasakyan senyales na maaari na siyang umalis. Nang nasa daan na ay binalot siya ng matinding kaba. Hindi niya mawari kung dahil sa magkakaharap na sila ni Bobby ulit o dahil sa katatapos lang na maaksiyong pagsugod nila sa factory.

"Tumatanda ka na talaga Yuno!"


Kumukulo na ang sinigang na baboy sa bayabas ng marinig ni Bobby ang ugong ng papalapit na sasakyan. Dagli niyang pinatay ang stove at sinilip ang paparating na sasakyan. Makikita niya ang paparating na "bisita" pero siya ay hindi nito mapupuna. Salamat sa mayayabong na halaman sa paligid.

Isa iyong van. Mukhang marami ang mga ito. Mabilis siyang pumasok ulit sa loob at inalerto ang tiyahin.

"Tiyang, magtago kayo dito." nagmamadaling hila niya rito.

"Saan ba? At bakit ako magtatago?" natataranta rin nitong sabi.

"Basta. Sabi ni Apple, kapag may parating diba ay magtago kayo dito? Mas maigi na magtago kayo dahil hindi na ninyo kayang tumakbo. At least ako lang ang hahabulin nila." mabilis na pagpapaliwanag niya.

Nang makasigurong nakatago na ito sa sikretong lugar sa ilalim ng bahay ay saka siya kumuha ng kutsilyo. Maigi ng may magamit siya kung sakaling may makahabol sa kanya. Nang huminto ang sasakyan ay nagtago siya sa kusina at nakiramdam. Sinilip niya ang pagbaba ng mga ito pero hindi niya makita. Tahimik ang kilos ng kung sino mang bumaba sa sasakyan.

Umingit ang pintuan sa harapan tanda ng nakapasok na ito. Narinig din niya ang paglapag nito ng gamit sa sahig. Dahan-dahan ang kilos nito patungo sa kinaroroonan niya. Halos pigilan niya ang paghinga para lang huwag marinig nito. Nang malapit na ito sa pwesto niya ay ubod lakas niyang inundayan ng saksak ang pangahas na pumasok.

"Holy shit!" sabi nito.

Dahil hindi nakatingin sa mukha ng inatake ay hindi niya ito nakilala. Ang akala niyang matagumpay na pag-atake ay hindi pala dahil naisakatuparan dahil naramdaman niya ang pag-angat ng katawan sa sahig kasunod ang pagkapilipit ng kanyang kamay.

"Aray!"

"Bobby!"

Natigilan siya. Nag-angat ng tingin at sa pagkamangha ay nakatitig sa kanya ng buong pagtataka ang taong kanina lang ay gumugulo sa isip niya. Parang biglang may nagkarerang daga sa dibdib niya at may nagliparang paru-paro pagkakita sa mukha ni Rovi. Mabilis siyang kumawala at tumayo.

"R-rovi?"

Napapantastikuhan naman na tumingin sa kanya. Hawak na nito ang kanina'y ipinagmamalaki niyang armas. Nakataas ang kilay na inangat nito ang kutsilyo at may nagtatanong na ekspresyon sa mata.

"Ah- eh, ikaw p-pala ang dumating." halos pagalitan ni Bobby ang sarili sa pagkakabulol-bulol.

"Sino pa bang inaasahan mo na darating dito?"

"A-akala ko kasi, k-kalaban ka."

"Susme, kung kalaban ako, tingin mo didiretso ako ng pasok dito? Engot ka ba?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Oo nga naman. Kung kalaban ito, baka pinaulanan na sila ng bala kanina pa. Pero teka? Engot na naman siya? Aba! Nakakarami na ito ha.

"Magdahan-dahan ka naman sa mga salita mo." naiinis na sabi niya.

"Pasensiya na. Balat-sibuyas ka pala." ngising-aso na sagot nito.

Hanep! Ang lakas mang-asar! Hiyaw ni Bobby sa isip niya. Kalma ka lang Bobby. Asar-talo!

"Hindi ako engot. Nagkataon lang na hindi kita nakilala. Huwag ka namang manglait agad."

Ginaya lang nito ang sinabi niya pero sa walang-tinig na paraan. Napatanga naman siya sa ginawa nito. Bigla siyang napatawa pagkatapos.

"Anong nakakatawa?" naiiritang sabi ni Rovi.

"Wala." aniya sa pinipigil na tawa. Mabilis siyang lumayo rito at baka makatikim na naman siya ng sakit ng katawan.

"Baliw! Tumatawa ng walang dahilan."

Tinitigan niya ito. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. Ewan niya pero napakalakas ng epekto ni Rovi sa kanya ngayon. Kung ano man ang dahilan ng lahat ng iyon ay saka na niya hahanapan ng sagot.

"O, anong nangyari sa'yo diyan?"

"Ah eh, wala." aniya ng makabawi.

Parang timang lang si Bobby sa kinatatayuan. Gusto niyang lapitan si Rovi pero alam niyang magtataka ito. Kung alam lang nitong gustong-gusto niya itong hilahin at halikan hanggang sa mapugto ang hininga nilang pareho. Oo. Gusto na niyang maulit ang nangyari sa kanila. Kanina pa siya tigas na tigas pala sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ewan niya kung napapasin nito iyon kasi naka-maong siya. Malay niya, baka kapag nakita nito iyon ay maakit itong muli at maramdaman ang gusto niyang mangyari.


Naaaliw na nakatitig si Rovi kay Bobby na ngayon ay parang itinulos sa kinatatayuan nito. Nagulat siya talaga ng atakihin siya nito. Mabuti na lang at ang mga sneak attack na katulad ng ginawa nito ay hindi na bago sa kanya. Dala na rin siguro ng bahagya pa lang na humuhupang adrenaline rush sa kanya sa katatapos lang na misyon.

Sinalubong niya ang mata nito. Ganoon na lang ang pagkamangha niya ng may mabasang kung ano doon. Something akin to desire. Yes. Bobby's eyes were emitting rays of passion that affected him so much.

Ngayong kaharap niya na ito ay saka niya naunawaan na na-miss niya ito ng sobra. Ibinaba niya ang paningin sa katawan nito at nagulat na naman siya ng makita ang obvious na bagay sa pagitan ng mga hita nito. Bigla siyang kinilig. Na-a-arouse ba si Bobby sa kanya just by staring at him? Aba bago yun? Hindi iyon kayang i-process ng pangunawa niya pero gusto niya ang nangyayari.

"Anong meron diyan?" inginuso niya ang namumuong sama ng panahon sa crotch area nito.

Napangiti ng alanganin si Bobby at pasimpleng sinulyapan ang harapan. Kibit-balikat itong nagsalita. "Ewan ko. Ano bang meron?" napangiwi pa ito pagkatapos. Halatang nagsisinungaling.

Kinilg na naman siya. Tinitigasan ang mokong. Mukhang naalala ang nangyari sa kanila. Kasalanan ba niyang magaling ang performance niya ng gabing iyon. Kung alam lang nitong parehas sila ng itinatakbo ng isip, malamang magyaya agad ito. Dama niya ang tensiyon sa paligid nila. Isang uri ng tensiyon na masarap sa pakiramdam kapag naisakatuparan.

Tumalikod ito at nagsalita.

"K-kumain ka na ba?"

"Hindi pa. May makakain ba?"

"Oo. Sige diyan ka lang. Maghahain ako."

Dumulog si Rovi sa hapag at hinintay itong maghain. Natuwa siya sa eksena kanina. Ewan niya kung anong nangyayari kay Bobby pero mukhang may kakaiba dito.

Narinig niya ang pingkian ng mga plato at kubyertos na inilalabas. Naamoy niya rin ang ulam na mabangong-mabango ang pagkakaluto. Ito ba ang nagluto? Sinigang kasi ang naamoy niya.

Maya-maya ay bumalik ito at ganun na lang ang pagkataranta niya ng makitang nakahubad-baro ito habang dala-dala ang mga ihahain. Napalunok siyang bigla. Yummy! sigaw ng pilyong bahagi ng isip niya.

Akala ko ba ayaw mo sa kanya? Di ba nung nakaraan lang ay tinarayan mo pa siya pagkatapos niyong mag-do? singit ng isa pang bahagi.

Ipinilig niya ang ulo para maiwaksi ang kalaswaan na unti-unting pumapasok sa utak niya. Lalo siyang nataranta ng maglabas ito ng vase na may lamang fresh na mga bulaklak mula sa hardin sa labas. Inilapag nito iyon sa gitna ng lamesa.

Nakataas ang kilay na nagtanong siya para pagtakpan ang kilig. "Anong drama iyan Bobby?"

"Ah wala naman. Baka lang kasi gusto mong may bulaklak sa paligid."

Hindi na siya kumibo. Nagkamot ito ng batok kaya medyo nag-flex ang mga muscles nito. Lord! Unfair ito! Baka siya ang ulamin ko!

"Ayaw mo ba?" nahihiyang tanong nito.

"May sinabi ba ako?" Pigil ang kilig na wika niya.

Para itong nakahinga ng maluwag sa sinagot niya. Napangiti pa ito at mabilis na bumalik sa kusina. Akala niya tapos na ang lahat ng emote nito sa paghahanda ng kakainin nila ng maglabas ito ng alak.

"Pampagana." sabi nito.

"Hmm..."

"Kain na tayo." yaya nito.

"Ang tiya mo?"

Natigilan ito. Biglang namutla.

"Oo nga pala. Pinagtago ko si tiya ng dumating ka. Sandali. Diyan ka lang."

Mabilis itong nawala sa paningin niya. Napabulalas siya ng mahihinang mura. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na hilahin si Bobby sa obvious na pagpapakita nito ng interes. Wala siyang plano na magside-trip habang umaagos pa ang kaso ni Gyul Ho. Isa talagang malaking distraction ang lalaking ito sa kanya.

Nag-side trip ka na kaya dati!

Napatingin siya sa alak. Brandy iyon. Kinuha niya ang baso at nagsalin. Kailangan niya ng pampakalma. Baka kasi sumabog na siya sa tensiyon na kanina pa namumuo sa kaloob-looban niya t sa pagitan ng mga hita niya!


Itutuloy...

Friday, December 24, 2010

Task Force Enigma: Rovi Yuno 19

Photobucket

Pasensiya na po at natagalan. Batiin ko lang ang aking mga masugid na tagasubaybay. Salamat sa pagsuporta sa aking bagong story na ONE MORE CHANCE. Salamat po talaga sa hindi pagbitaw. I love you all! Merry Christmas pumpkins!!!



CHAPTER 19


"Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Mandarin? Ikaw rin ba ang nag-dial sa emergency number ni Rick?"

Natigil ang pagkatigagal ni Bobby saa mga tanong na iyon ni Rovi. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Nangangamba nga siya na baka marinig iyon ni Apple sa sobrang lakas. Pinakalma niya ang sarili at huminga ng malalim.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? Boses lang iyon. Boses!

"Hello? Bobby?" ani Rovi sa kabilang linya.

"Uhm... Ako nga ang pinag-dial ni Mandarin. Pasensiya na. Pero sinugod kasi kami sa safehouse. Nagda-drive si Mandarin kaya ako na ang kumontak sa inyo. Nagpaiwan si Go doon para salubungin ang mga pulis. Nadale si Marcus eh." pagpapaliwanag niya.

Para siyang sinisilihan na hindi niya maintindihan. Paanong naging ganoon ang epekto sa kanya ng boses ni Rovi? Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ano?" sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo niya tuloy bigla ang aparato sa tainga.

"Pare, natunton ang safe house. Paano nangyari yun?" tanong nito kay Rick.

"Hindi ko alam. Baka may kumontak sa kanila sa labas."

Nanlamig ang pakiramdam ni Bobby ng marinig ang sagot ni Rick. Mukhang siya ang may kasalanan kung bakit sila natunton. Pero imposibleng ikanta siya ni Monday? Kaibigan niya ito? Ibinenta ba siya nito kina Mr. Gyul Ho? Pero bakit?

"Meron bang kumontak sa inyo sa labas? May tinawagan ba si Mandarin? Hindi ba at sinabihan siya ni Rick na magpalit ng number?" balik sa kanya ni Rovi.

"Mukhang ako ang dahilan ng pagkakatunton nila sa safehouse." pikit-matang amin niya.

"Ano?" bulyaw na naman nito sa kanya. Panay ang mura sa kabilang linya.

"Patakas ko kasing tinawagan si Monday para makibalita. Sabi niya muntik na daw madamay ang pamilya niya dahil sa pagtatago ko. Pero hindi raw siya naniniwala sa sinabi nila Kring. Ewan ko lang kung paano nila kami na-trace."

"Engot ka ba? Nagtatanong ka pa. Malamang na-trace nila ang location niyo."

Nagtimpi siya sa panglalait nito. Nakakarami na talaga 'tong alanganin na ito.

"Hindi ko sinasadya iyon Rovi. Wala akong alam sa mga ganyang bagay kaya sana maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo."

"Ewan. Paka-usap nga kay Mandarin."

"Bakit hindi mo siya tawaging Apple kung iyon naman ang tunay niyang pangalan?"

"Huh?! Ah-- sige, pakibigay kay Apple."

"I-speaker phone mo na lang Bobby." anang babaeng nagda-drive.

Pumailanlang ang boses ni Rovi pagkatapos niyang i-on ang speaker phone.

"Ilan ang sumugod sa inyo?"

"Mga sampu. Bakit ikaw ang may hawak ng cellphone ni Rick? Ikaw ba ang sekretarya niya?" paasik na sagot ng babae.

Natawa si Bobby sa tensyon na agad bumalot sa paligid. Mukhang di pa rin natitigil ang iringan ng dalawa.

"Oo. May reklamo ka?"

"Wala. Nasaan siya?"

"Busy. Pwede mong sabihin ang gusto mo at naka-speaker din ako."

"Okay. Rick, mabuti na lang at nasa labas kami. Well, ah, nadamay ang isang tao mo pero at least buhay kaming lahat. Hindi sinasadya ni Bobby ang pagkakatunton sa amin. Una pa lang, matinik na talaga si Gyul Ho. Ano na bang balita kay Alexa?" tuloy-tuloy na birada ni Apple.

"Mukhang tuluyan ng bumitiw ang kakambal mo sa atin." sagot ng tinyente.

"Oh my God. Sira-ulo talaga yang babaeng yan. Pero paano ka nakakasiguro?"

"Nilagyan lang naman niya ng self-destruct system ang pabrikang ito."

"Ganun? Paano niyo natigil."

"Felicitas."

Natigilan si Apple ng narinig ang sagot ni Rick. Na-curious din siyang malaman kung anong meron sa Felicitas na iyon. Narinig niya ang disimuladong pagtikhim ng babae. Waring nahihirapang sumagot.

"P-paano mong nalaman a-ang tungkol doon Rick?"

"Ako ang gumawa sa inyo kung ano man kayo ngayon. Don't ever think for one second that I don't know everything about you and your sister." casual lang na sabi ng Tinyente dito.

Napa-preno ang babae na ikinagulat nilang mag-tiya. Napahawak sa dibdib ang matandang babae.

"Bakit?" anang tiya niya.

"H? Ah wala po Tiya Edna."

Muling nag-drive ang babae saka kalmadong nagsalita.

"Hanggang kailan kami makakawala dito Rick?"

"Ikaw? Hanggang kailan mo gusto?"

"Brute." ngitngit na namang sabi nito.

"Thank you." at tumawa pa ang tinyente sa kabilang linya.

"Papunta kami sa Tanauan. Subukan niyong humabol doon. Ibababa ko lang ang mga ito at magtutuos kami ni Alexa. Baka sakaling parehas pa kaming makaalis ng buhay sa pesteng sitwasyon na ito."

"Your call. Pero gawan mo ng paraan na maialis si Alexa doon ng buhay. Maniwala kayo o hindi, I care for you both."

"Tell that to the fucking marines Rick! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nasadlak sa ganito. I can't blame Alexa for turning her back on you. Pero kilala kita, kaya hindi kita kakalabanin. Ililigtas ko ang kapatid ko sa paraang alam ko."

"Do that Apple. Pero kung lalayo kayong magkapatid, make sure na hindi ko kayo makikita pang muli. After-all kayo ang pinakamagaling kong assets."

"Why, you're so business-minded Tolentino."

"And you're just the debutant Apple."

"I can't wait to see you in your coffin."

"Matagal pa iyon. Masamang-damo ako."

"Oo nga naman. O siya. Magpadala ka ng clean-up doon. Duda ko na susugod doon ang mga tao ni Gyul Ho. I have to check on Alexa. Kahit naman gusto kitang mamatay ay hindi ko isasangkalan ang buhay ng kapatid ko."

"Sige na, humahaba na rina ng usapang ito."

Iyon lang at pinutol na ni Rick ang tawag. Litong-lito si Bobby sa mga narinig. Gusto niyang magtanong kay Apple pero parang wala siyang lakas ng loob na gawin iyon s anakikita niyang madilim na mukha nito na parang anumang oras ay sasabog na parang bulkan.

"A-ayos ka lang Apple?"

Lumingon ito sa kanya at marahang tumango.

"Kung gusto mong pag-usapan ay pwede mo akong lapitan."

"Thank you Bobby. Pero malalim ang pinaghugutan nito. Ang tanging goal ko na lang ay makaalis tayo ng maayos sa sitwasyong ito."

Napatango na lang si Bobby at wala ng masabi. Tinapunan niya ng tingin ang tiyahin niyang litong-lito rin ang hitsura.



"Anong meron sa usapang iyon pare?"

Nagmamadaling-tanong ni Rovi kay Rick. Nakatanggap sila ng report na paparating na ang mga pulis kaya kailangan na nilang iligpit ang mga nakuha nilang kontrabando at i-clean-up ang mga katawan ng mga tauhan ng koreano.

"Wala pare. Huwag ka ng magtanong."

"Hindi pwede Rick. Lahat kami ay walang alam sa mga pangyayaring iyon. Bakit hindi mo sabihin sa amin? Bakit wala kaming alam kina Apple at Alexa?" pangungulit niya.

"Hindi lahat pwede kong sabihin pare. What I have with the twins is my business, not yours." malamig na tugon nito.

"May ganoong factor ka Pare? Para saan ang pagiging magkaibigan natin?"

"Meron. At tungkol sa pagiging magkaibigan natin, may limitasyon ang lahat."

"I thought we will always share?"

Huminto ito sa ginagawa. Tinitigan siya. A kind of stare that will make anyone cold and shaky.

"Don't give that look Rick. Kahit alam kong matatalo ako sa'yo ay kaya kitang labanan. Kaya para hindi na tayo umabot sa ganoon ay sabihin mo na sa akin."

Lalapit sana si Rick sa kanya sa napupuyos na anyo ng may humarang dito at binigyan ito ng shoulder throw. Napagibik na bumagsak sa lupa ang galit na galit na tinyente.

"Tang-ina Jerick! Bakit nakiki-alam ka?" sigaw nito.

"Tang-ina mo rin. Bakit hindi mo i-share sa kanila ang lahat ng nararamdaman mo Rick? Pilit ka ng pilit na itago iyang lahat sa sarili mo to the point na nakakalimuitan mo na ang mga tao sa paligid mo!" mas malakas na sigaw ni Jerick.

"Damn you! Wala kang paki-alam!

"Oo. Wala akong paki-alam! Pero kaibigan mo si Rovi. Hindi syota! Hindi Ex! Kaya huwag kang umatungal diyan na para bang kaya mo ang lahat! Nasasaktan din ang mga tao sa paligid mo kapag nasasaktan ka."

Tumayo si Rick. May nang-uuyam na ngiti sa labi.

"Isa ka ba sa nasasaktan Jerick? Do you still love me after all this time?"

Napipilan ang sarhentong naki-alam sa pagsugod ni Rick. Hindi niya akalaing kaya nitong ihagis ang tinyente. Nakita na niyang nalingunan ito ni Rick pero hinayaan lang nito na ihagis siya ni Jerick. Confirmed na nga na mag-ex ang dalawang ito. Puta! Ang dami niyang hindi alam.

"Huwag kang hambog Rick." iyon lang at umalis na ito pagkatapos mabigla.

Tinapunan niya ng tingin si Rick na pinapagpag ang damit at hinihimas ang balikat na nasaktan. Isang tatawa-tawang Perse namana ng nagsalita at lumapit.

"Mga parekoy! Tapusin na niyo yang LQ niyong tatlo. Tapos na ang clean-up. Malapit na rin ang mga pulis. Naikarga na sa mga truck na narito ang katawan ng mga hinayupak. Halina kayo."

"Sige tol." walang-ganang sabi lang ni Rick.

As for Rovi, hindi na siya nagsalita at nagtanong pa. Mukhang malalim ang ugat ng lahat ng iyon. Kahit bestfriends sila ni Rick, hindi naman tamang ubingin niya ito sa mga bagay na ayaw nitong malaman nila. Mabilis siyang sumunod sa mga ito at sumakay sa sasakyan.


SAMANTALA, sa isang safehouse sa Laguna.

"Ano pa ang mga plano ninyo nila Rick?" sabay utos na diinan ang ulo nito sa loob ng drum na puno ng yelo at tubig.

Pagkaahon ay lalong nag-init ang ulo niya ng makitang nakangisi pa ito pag-angat. Humihingal itong nagsalita.

"Wala kayong makukuha sa akin."

"Ah ganun?" sabay sipa niya sa mukha nito.

Tumalsik ang lalaking hubo't-hubad na duguan ang buong katawan. Walang iba kung hindi si Cody.

"Alam ba ni Rick na traidor ka Alexa?" tanong nito kapagkuwan.

"Marahil alam na niya ngayon." nakangising sagot niya.

"Wala kang malalaman sa akin. Kaya kung ako sa'yo, patayin mo na ako kasi kapag nakawala ako dito, tapos kayong lahat sa akin." tumatawang banta ng lalaki sa kanya.

Naningkit ang mata niya. "Ah... ganun ba?" kibit-balikat na sabi niya sabay hataw ng latigo dito.

Napasigaw ito sa sakit. "Ano masakit ba?"

Sa gulat niya ay nagtatawa pa ito at nang-aasar na dinilaan siya. Hinataw niya ulit ito ng latigo pero tawa lang ulit ang isinukli nito kapag natatapos humiyaw sa sakit.

"Bakit ka nagtatawa?" inis na sabi niya.

"Kinikiliti mo ako eh?" nang-iinis na sabi nito.

"Ah kiliti pala ha." sabi ni Alexa. Kinuha niya ang baril sa isang kasama. Pinaputukan niya ang hita nito. Napasadlak lalo ito sa lupa.

"Tingnan natin kung makatawa ka pa." sabay lapit dito at muling sinipa ito sa sikmura. Nanahimik ito at mukhang nawalan ng malay.

"Linisin niyo yan. Gamutin niyo ang sugat." utos niya sa talong naroroon.

"Bakit Ms. Alexa?"

"Kailangan natin ng buhay ang ugok na iyan. Matinik si Rick. Kailangan ko siya as hostage."

Tumalima na ang mga ito at binuhat ang walang malay na si Cody. Paglabas niya ay parang nahahapong sumandal siya sa pintuan. Tumuloy siya sa labas at tinungo ang sasakyan. Pagpasok niya ay napaluha na lang siya. Nagiging kumplikado ang lahat. Naisip niya si Apple. She knew her sister well, inaakala na nito na nagiging traydor siya. Kailangan niyang paniwalain ang lahat na traydor siya. Para maitumba ang Koreanong ito.

May bargain sila ni Rick, last na ito. Kapag natapos nila ng maayos, libre na sila ni Apple. Nahahapong ini-start niya ang kotse at pinaandar iyon palayo sa safehouse. Hiling niya lang ay makayanan ni Cody ang lahat ng iyon. Naaawa siya rito, pero kailangan niyang malinlang ang lahat para sa ikare-resolba ng kasong ito.

Next stop niya, ang mismong hideout ni Park Gyul Ho. Kailang niyang makuha ang loob nito at mukhang nagagawa na niya sa pamamagitan ng pag-traydor niya kay Rick kunwari.

"Konting tiis na lang Apple." bulong niya sa hangin.


Itutuloy...