Showing posts with label One More Chance. Show all posts
Showing posts with label One More Chance. Show all posts

Tuesday, November 27, 2012

One More Chance - 12

Photobucket
For those who have patiently waited, A million thanks to you. Enjoy reading pumpkins!

-Dalisay

Chapter 12

"Not this time, Popoy."

Iyan ang nakiki-usap na sabi ni Gabe sa kabilang linya.

Tinawagan niya ito para pakiusapan na samahan siya sa isang pagtitipon na dadaluhan ng mga batikang mangagamot sa loob at labas ng bansa.

Matagal ng nakaplano ang event na iyon. And he was so damn exhausted. It has been months since he last saw Gabe. He's been his constant companion sa mga nakalipas na araw. Pilit na pinagsasabay ang dalawang bagay. Kailangan niya ito para malibang.

To cope-up with his break-up with Basty and trying to fill the emptiness he has been feeling inside by having Gabe on his side.

Which is wrong.

Ang sabi ng matinong bahagi ng kanyang isipan.

Napabuga siya.

"I just wanted to get through that boring night by having you there with me. Ano bang inaayaw mo, Gabe?" sabi niya.

Napapalatak ito.

"You know I wanted to be with you as much as I could, 'Poy, but not this time."

Napasimangot siya sa sagot nito. He tried not to sound agitated dahil sa pagtanggi nito subalit mukhang hindi siya nagtagumpay ng muli siyang magsalita.

"I thought you said you're willing to accompany me any time of the day, Gabe? Nasaan na ang pangako mong iyon?"

"Popoy..."

He knew he was being childish but he could not help it. Wala naman itong masabing dahilan kung bakit ayaw nitong samahan siya.

"I won't take no for an answer, sweetie." Naisip niyang mag-iba ng taktika sa pakikipag-usap dito.

"I can't."

"Gabe, honey..."

"Don't use that tactic on me, Popoy. It won't work."

"Darling, please?" hindi sumusukong sabi pa niya.

Napabuga ito. Dinig na dinig niya ang reluctance sa boses nito pati na ang resignation.

"Kailan ba iyon?"

Muntik na siyang mapasigaw sa sagot nito. "On Thursday. Sa SMX. Around three in the afternoon."

"Ok. Pero magkita na lang tayo doon." Iyon lang at ibinaba na nito ang linya.

Napangiti siya ng may pagbubunyi. Alam niyang nagiging unfair na siya rito subalit sinabi nitong willing itong tulungan siyang makalimot so he was just utilizing what was freely given to him.

Sa totoo lang, gusto niyang magpahinga muna sa kanyang busy schedule but he can't. Hindi sa hindi niya pwedeng iwan ang trabaho. He just simply can't. Because by doing so, mawawalan siya ng gagawin at magiging hibla iyon para muli siyang mag-isip ng mag-isip.

If there's one thing bad about him, hindi mabilis ang coping mechanism niya. Thank God na mayroong isang Gabe sa paligid niya to keep him company or else nabaliw na siya sa kalungkutan.

Pinindot niya ang intercom at kinausap ang sekretarya na aalis siya. Hindi na niya hinintay na makasagot ito at inabisuhan na ito na ang bahala sa mga nakabinbin niyang schedule para sa araw na iyon. For now, he was taking the day off.

Maglilibot siya sa mga lugar na maari niyang puntahan ng walang sasagabal sa kanya. Pagdating niya sa sasakyan ay pinatay niya ang cellphone para malayo sa mga distractions. With a satisfied smile on his face, he started the engine and headed off to some place that will surely make him forget about his busy week ahead.


WALANG ganang ipinarada ni Basty ang sasakyan sa tapat ng bahay na binili niya para kay Nikkos. Pagod na pagod ang pakiramdam niya sa mga oras na iyon kaya naisipan niyang puntahan ito para makapag-relax.

Nang masigurong naka-lock na ang sasakyan ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto ng bahay ng maulinigan niya ang mahinang tunog na nagmumula sa loob.

It was an instrumental song that he was not familiar with. Nangunot ang noo niya dahil hindi naman mahilig sa ganoong uri ng musika si Nikkos. In fact, he liked rock music from Aerosmith and Bon Jovi so he was a bit curious of what might be happening inside.

Ipinasya niyang pumasok gamit ang sariling susi. Lalong lumakas ang tugtog ng makapasok siya. Hinagilap niya ito at napagtantong ang tunog ay nagmumula sa itaas.

It was a two-storey American-style house. Paakyat na siya ng may marinig pa siyang ibang bagay bukod sa instrumental na pumapailanlang sa buong kabahayan.

Tunog ungol ang naririnig niya subalit nagmumula iyon sa iisang tao. Inigihan niya ang pakikinig as he carefully watch his steps towards the second floor.

Tatlo ang silid sa itaas. Nasa pinakadulo ang silid nila ni Nikkos at doon nagmumula ang ungol pati na ang tugtog na kanina pa niya naririnig.

As he moved closer, the moans became more clear. It was not a moan. Instead, it was more of a chant. Nakakakilabot ang naririnig niya dahil sa hindi niya iyon naiintindihan.

Lalo siyang nagtaka na bukod sa mga ingay na naririnig niya, he was smelling something that was unfamiliar to him. It smelled like an incense or something.

Dahan-dahan pa rin siyang naglakad patungo sa silid nila at sinubukang alamin kung naka-lock iyon. It was not. Kinukutuban man na maaring may ibang nangyayari sa loob niyon ay maingat niyang inikot ang seradura at walang ingay na sumilip sa silid.

He saw Nikkos kneeling on the floor. Nakatalikod ito sa kanya. He was saying something similar to the chant that he was hearing a while ago. Lumakas din ang tugtog at ang amoy ng insenso ng buksan niya ang pinto.

Itinaas nito ang mga kamay. Parang nagdadasal ito. He remembered one time noong nag-uusap sila na mahilig itong magmeditate. Mukhang ito na iyon. Bahagyang nagmaliw ang kutob niyang may ginagawa itong kakaiba.

He was not a fan of rituals or something. Makabago siyang tao ngunit hindi niya naman pinagtatawanan ang mga taong mahilig sa ganoon. Tatawagin na sana niya ito ng marinig niyang muli itong magsalita ng kung anu-ano. Ibinaba nito ang kamay at may kinuha sa sahig. Ibinuka niya pa ng bahagya ang pintuan to see what he was holding clearly on his hands.

He got the shock of his life to see that it was his picture!

Lalo siyang kinilabutan ng marinig ang mga sumunod nitong sinabi sapagkat malinaw niyang narinig ang mga iyon.

"Sa ngalan ng mga espiritu at elementong kaibigan ko. Ibigay ninyo ang kahilingang aking hinihingi sa inyo. Bihagin ninyo ang puso ng nilalang na nasa larawang ito at gawan ng paraan na hindi siya maagaw ninoman sa akin. Sumasamo ako. Sa ngalan ninyo. Sa bawat espiritu at elemento sa apat na sulok ng mundong ito. Igawad ninyo sa akin ang kahilingang minimithi ko."

Nanlaki ang mata niya sa nasaksihan. Napaatras siyang bahagya at nagulat ng may maapakan. Sisigaw sana siya ng may magtakip ng kanyang bibig mula sa likuran.

"Sshh..." mahinang sabi ng boses sa kanya.

Kilala niya iyon. Kilalang-kilala.

"Close the door as gently as you can and follow me outside."

Iyon lang at binitiwan na siya nito saka maingat ngunit may pagmamadaling lumakad pababa at palabas ng bahay.

Naiwan siyang tulala sa may pintuan. Hindi makapaniwala sa dalawang bagay. Hindi niya alam kung paano siyang nakababa at nakapunta sa sasakyan ng hindi napapansin ni Nikkos.

Hindi na rin niya pinagkaabalahang isara ang pinto ng silid nila. He felt the need to get out of that place as fast as he could.

Bubuhayin na sana niya ang sasakyan ng katukin siya ng isang nilalang sa may bintana. Nagulat man ay hindi siya nagpahalata.

"What are you doing here?" mahina niyang sabi.

"I'll answer your questions later, Basty. For now, let's get out of here. Baka lumabas na iyon," tukoy nito kay Nikkos saka nagmamadaling tinungo ang sasakyan sa hindi kalayuan.

Naiiling na ini-start niya ang kotse saka sinundan ang sasakyan nito.


"IS that the kind of guy you're going to replace me with, Basty?"

Bungad sa kanya ni Popoy ng makalabas siya ng sasakyan. Ito ang pangahas na taong nagtakip ng bibig niya ng magulat sa nasaksihan kani-kanina lang.

Kung nataranta man siya sa pinagkakaabalahan ni Nikkos ay mas nagulat siya sa kaalamang habang sinasaksihan niya ang kalokohan ng bagong nobyo ay naroroon lang pala ang ex niya sa likod at nagmamasid din sa kababalaghan ng bago niya. Sigurado siyang pinagtatawanan siya nito ngayon.

"Akalain mo nga naman, ano nga ulit ang tawag doon sa ginagawa niya? Kulam? Gayuma? No wonder patay na patay ka sa kanya, Basty."

The statement was laced with both sarcasm and amusement. Naiinis na hinarap niya ito.

"And what are you doing inside our house? Sinusundan mo ba ako? We're through Popoy. Alam mo iyan. May bago ka na at ganoon din ako."

Hindi niya alam kung nagtunog bitter siya sa huling pangungusap na sinabi niya but he wished Popoy did not took notice of it.

"Ang kapal mo. Bakit kita susundan? I was there before you came. Nangmakita kita, mukha kang babagsak na. So I tried to approach you as you're old friend. Nakalimutan mo pang isara yung pinto kaya sinundan na kita sa loob. Sa hitsura mo kanina para kang may kakaibang natuklasan pagpasok mo. Nasa likod mo lang ako mula pa kanina. Then I heard strange noises. Akala ko kung ano na. Iyon pala kinukulam ka na ng bago mong boyfriend," mahabang paliwanag nito.

Sa haba ng sinabi nito, isa lang ang nakakuha ng atensiyon niya.

Old friend.

Ang sakit pala kapag dito nanggaling. Nung ginamit niya iyon sa party ni Sonia, it left a bitter taste on his tongue. Ganoon pala iyon. But still, hindi siya dapat magpatalo. Nakakalamang ito sa ngayon dahil sa kalokohan ni Nikkos na nasaksihan nito mismo.

"So. tuwang-tuwa ka siguro ngayon?" naiinis niyang sabi.

"Yes and no."

Nangunot ang noo niya. "Care to explain, Popoy?"

"Yes because I was right when I thought that he was not good enough for you, Basty. No, because you don't deserve to be in this situation. I am a man of medicine and I don't believe those foolish crap that Nikkos was doing to have you completely. Tell me, ano bang nararamdaman mo? May kakaiba ka bang napapansin sa sarili mo? Yung para bang may relapses ka? Yung parang wala ka sa sarili mo minsan?" sunod-sunod na sabi nito.

He was shocked to hear that Popoy still cared. Nakaramdam siya ng kagalakan sa mga narinig. After all this time, hindi pa rin pala nawawala ang pagmamahal nito sa kanya. Napangiti siya.

"So you still care, huh?"

Natawa ito.

"Don't get me wrong, Basty. I'm just asking how you are. Don't misinterpret my concern for love. I'm over you. Somebody managed to get you off my mind completely." Taas-noong sabi nito sa kanya.

He winced. Sana sinapak na lang siya nito at matatanggap pa niya iyon. How come Popoy can stand and smile in front of him as if he was nothing to him now?

Itinaas niya ang mukha then he smirked and tried to put a disgusted look on his face. "Very Popoy Mondragon. Don't get me wrong too. Akala ko lang kasi hindi ka pa nakakaget-over. Kawawa ka naman kung ganoon," sabi niya saka tumalikod.

Tinungo niya ang sasakyan para iwan na ito subalit muli niya itong nilingon para magsalita. "I'm glad that you're over me, Poy. Salamat naman. At least hindi ka na maiilang at magiging immature kapag nasa paligid tayo pareho," saka niya ito binirahan ng alis.

Naiwan si Popoy na nakatayo at nakatulala lang sa lugar na iyon. While him? He was furious that after all the rebuttals he did, he was still the sour loser between him and his ex.

Nasa ganoong estado siya ng mag-ring ang kanyang cellphone. It was Charity. He answered it.

"What?"

"Boss, nakalimutan ko lang i-remind ka about sa photoshoot mo sa SMX by Thursday. Kasabay iyon ng International Doctors Convention. Kinumisyon tayo ng TIME Magazine to cover the said event. Three o'clock yun. Doon na kita hihintayin."

Napapalatak siya.

"Ok." Iyon lang at ipinagpatuloy na niya ang pagda-drive.


Itutuloy...

Sunday, November 11, 2012

One More Chance - 11

Photobucket
As I write this new chapter, I was surprised to receive a private message from our BOL moderator Alpo. He sent me a screen-shot of a message from a new reader in BOL named Zeal.09. I really am glad to know that there are new readers who find my novels interesting and good. To you zeal.09, thank you for taking time to read my stories posted in BOL. That 11th Commandment, Father Jerry Orbos should take all the credit. I learned it from him. :)

And on that note, I would like to present you, the newest Chapter of this story. Please don't be confused. Supposedly, this is Chapter 12 but as I've said in BOL, I combined chapters 8 and 9 to make it as one. So here... enjoy and sail with me as we uncover the new chapters in Basty and Popoy's lives.

-Dalisay


Chapter 11


Nagising siyang mabigat ang pakiramdam. Pati ang kanyang biglang pagdilat ay naantala ng masilaw ng maliwanag na sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Madiin siyang pumikit ng maramdaman ang matinding pagkahilo.



Hinilot niya ang sentido. Mukhang marami siyang nainom ng nagdaang gabi. Muli siyang nagdilat at sinalubong ang kanyang mga mata ng kulay-kremang kisame.



Parang may mali?



Pumikit siyang muli para lamang muling mapadilat nang mapagtantong wala siya sa sariling silid.



Agad ang pagbangon na sana'y gagawin niya ng pigilan siya ng isang mabigat na bagay. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niyang braso iyon ng isang lalaki!



Oh my God!



Unti-unti niyang nilingon kung sino ang pangahas na may-ari niyon. He got the shock of his life when he saw Gabe on his side.



Shit!



Mabilis niyang tinanggal ang kamay nito na nakapalibot sa kanyang baywang only to find out that the guy in question was already awake.



"Good morning, 'Poy..." It was said in a very husky voice.



Iginala niya ang paningin. It was not his room and the idea made him guilty for a while. Flashes of good morning memories flooded his mind. But of course, with a different person.



Basty...



Napabalikwas siya ng tayo and he found out the he was wearing only his boxers.



Nasaan ang mga damit ko?



Agad na binalot ng lamig ang kanyang buong pagkatao. Hindi dahil sa fully air-conditioned ang buong silid kundi sa posibilidad na maaaring may nangyari sa kanilang dalawa ni Gabe.



"D-did s-something happen?" he said stuttering.



"Hmm...?"



Iyon lang ang sagot na narinig niya mula kay Gabe. Tinitigan niya ito. Nakadapa ito and half of his face was burrowed in the pillow showing him a perfect chiseled jaw.



Bumaba ng kaunti ang tingin niya sa likod nitong namumutok sa muscles. He was naked from waist-up.



Ang kumot na tumatakip sa pang-upo nito ay hindi sapat para ikubli kung gaano kaganda ang pagkakakurba niyon.



Napalunok siya.



Pinakiramdaman ang sarili.



Wala namang mali sa katawan niya. He was not sore or anything but he was still confused. Why is he wearing only his boxers and why is Gabe with him, on his bed, half-naked and slept with him the whole night! He figured it was his room when he saw pictures of him on the side-table.



"G-gabe..." he said almost in a whisper.



"Hmm...?" Gabe replied.



"I asked you a question. "M-may nangyari b-ba?"



Nagdilat ito. He was welcomed by those sleepy eyes. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo siya.



Unti-unti ang pagbangon na ginawa ni Gabe. Slowly too, his eyes were filled with a very gorgeous sight. Perfect washboard abs. Broad shoulders. Broad chest. All built to perfection. He shivered from the thought of what might have happened last night. Pilit niyang inaalala ang mga pangyayari ngunit ang tanging naaalala niya ay ang mainit nilang halikan sa loob ng kotse nito.



Akala niya ay tatayo na ito ngunit nanatili itong nakaupo ng patagilid paharap sa kanya. Nagulat pa siya ng magsalita ito.



"Take away that shocked expression on your face, Popoy. Nothing happened last night maliban sa tinulugan mo ako sa kotse," Gabe said in amusement.



Napatingin siya rito.



"A-are you sure?" he asked stupidly.



"Damn sure, 'Poy. You were kissing me so hot the next thing I knew you were sleeping," puno ng pang-aasar na sabi pa ni Gabe. Subalit hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang panghihinayang na nasa boses nito na pilit itinatago ng mapang-asar na ngiti.



Napabuga siya. It was only then that he realized he was holding his breath. Ang kaalamang walang nangyari sa kanilang dalawa ni Gabe ay nakapagpalubag ng kanyang kalooban.



Pinilit niyang ngumiti.



"I thought you ravished me or something." he asked nervously. He coated the nervousness with a fake laughter to hide his uneasiness. Pasimple pa niyang hinanap ang kanyang mga damit.



"Nasa laundry ang mga damit mo. Ida-dryer ko na lang para agad matuyo. Nagsuka ka kasi," ani Gabe na agad nagpapula ng kanyang mukha. Mukhang nabasa pa nito ang nasa isip niya.



"H-hindi nga? Nagkalat ba ako?"



Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. Showing him a complete set of white teeth. Kung sa ibang pagkakataon sana ay kikiligin siya sa mga nakikita niya at magiging instant ang reaksiyon ng katawan niya sa nakakatakam na "view" sa harapan niya ngunit nananatiling walang reaksyon ang ibabang bahagi niya.



"Hindi naman. Nakalabas na tayo sa kotse ng magsuka ka. Ihahatid na lang sana kita sa inyo, but on second thought. I wouldn't miss the chance of having the person I love on my bed and stare on his face when I wake up."



The declaration of love rendered him speechless. Hindi dahil sa kinilig siya sa mga sinabi nito. Hindi niya lang kasi alam ang tamang itutugon sa mga salitang iyon.



"You don't have to say anything just to please me, Popoy. Although I just said I loved you but that doesn't mean that you are required to say it too."



He was taken aback. Lahat na lang ng nasa isip niya nababasa nito. Was he that transparent? Or sobra lang obvious sa mukha niya na hindi niya alam ang isasagot to the point na nagmumukha na siyang tanga.



"A-are you sure nothing happened?" ang tanging naisagot niya.



Natawa si Gabe sa tinuran niya.



"Ang kulit mo. Even if I wanted to, making love with you is not possible when you're all wasted. Ang bigat mo kaya. And besides, I don't ravish drunk men. Greek he may be."



Napatango-tango na lang siya at iginala ang paningin for the nth time sa buong silid. It has a comfortable feeling. Lalaking-lalaki ang dating yet may hatid ng pagiging homey. Napatingin siya sa bintana. The view was fantastic. It was facing the mountains na hindi niya inakalang mayroon sa bahaging iyon ng bansa.



"Anong bundok iyon?" tanong niya kay Gabe. Taktika niya iyon para i-divert ang usapan mula sa kakatapos lang na paglalahad nito. Pasimple rin siyang naglakad papunta sa glass-windows to complete the act.



"Iyan ba? Antipolo Mountains yan. Narito tayo sa condo ko."



"Ahh..." Iyon lang ang naibulalas niya sa kawalan ng masabi.



Nag-iisip pa siya ng mga sasabihin para mayroong mapag-usapan ng maramdaman niya ang mainit na braso ni Gabe sa kanyang hubad na katawan.



Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit nitong paghinga sa kanyang batok although ang talagang nagpatigas sa kanyang katawan ay ang matigas na bagay na tumutusok sa bandang puwitan niya! Mabuti na lang at naka-boxers din itong tulad niya.



"G-gabe! What are you doing!" naeeskandalong sabi niya. Tinangka niyang tanggalin ang pangahas na braso nito sa katawan niya but he was locked tightly in Gabe's arms.



"I'm seducing you, Popoy." he said huskily in between nudging his thighs from the back just so he could feel the raging maleness behind him.



"What?"



"Don't be a prude. Kagabi lang ay sobra ka kung makapag-aya at makipaghalikan sa akin tapos tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko? I'm just finishing what we have started. Don't tell me you're having a cold feet now, are you?"



Napasinghap siyang muli ng marahas siyang kabigin nito paharap. Wala siyang makita kundi ang kongkretong ebidensiya ng pagnanasa sa mga mata nito.



"Don't you have any idea how hot you looked in the morning?"



Nanlaki ang mata niya sa narinig. Narinig na niya ang mga salitang iyon dati. Paulit-ulit. Sa condo nila ni Basty.



"G-gabe..."



Siguro ay naipagkamali nito ang kanyang sinabi bilang hudyat na okay lang sa kanya ang advances na ginagawa nito kaya naman tinawid nito ang distansiya sa pagitan ng kanilang mga labi. But he kept his mouth sealed.



"Don't fight, Popoy. Let me in."



Gabe showered his face with butterfly kisses. Damang-dama niya ang init sa hininga nito. He was breathing raggedly that it brought him discomfort. Nahigit pa niya ang paghinga ng maglandas ang kamay nito sa tagiliran niya kung saan grabe ang kiliti niya. Sinamantala iyon ni Gabe at muling sinakop ang kanyang labi.



He tried to return his kisses with the same passion but he failed miserably. Something is missing from Gabe's kisses that he could not fathom. Alam niyang mali ngunit hindi niya maiwasang magkumpara.



Ngayon lang nagsink-in sa kanya na kanina pa siya parang tuod sa harapan nito. Oo, nakikipaghalikan siya ngunit ang isip niya ay nasa iba. In fact, alam niya kung saan ito naroroon. Kasama na roon ang kanyang puso. Kaya naman hindi na siya nagtaka ng itigil nito ang ginagawa. Pinakawalan din siya nito. He was sure Gabe felt the reluctance on his part.



"Basty is such a lucky bastard." Napapalatak na sabi ni Gabe.



Napayuko siya.



Mukhang guilty.



Nasa ganoong disposisyon siya ng hawakan nito ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha.



"Please... don't be guilty."



There he was again. Reading his mind from time to time. He's starting to believe that this guy is way beyond his caliber. Malakas masyado ang pakiramdam nito. Pati ang appeal. Hindi nga lang iyon umeepekto sa kanya.



"I'm s-so..."



"Sssh... Lalo mo lang akong sasaktan kapag itinuloy mo iyan. I know. Hindi ka pa handa. Sabi ko naman sa'yo, willing akong maghintay. Willing akong magpagamit. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na wala na siya sa puso at isipan mo," madamdaming sabi ni Gabe.



Nanghihinang napatingin siya rito.



"Huwag mo akong alalahanin. Alam kong malakas ang kalaban ko. Ten years iyon. Ano bang panama ko? Pero sana, bigyan mo rin ng pagkakataon ang sarili mo na buksan ang puso mo sa ibang tao. May iba na siya. At mayroon kang isang katulad ko na handang magtiis at maghintay sa pagkakataong masasabi mo na sa sarili mong ready ka ng magmahal ulit."


He felt like crying.


Nananakit ang lalamunan niya sa pagpipigil ng hikbing nagbabantang lumabas mula roon anumang oras. If only he could teach his heart to love this guy. He's sure that he will be an awesome lover. A generous one. For Gabe was willing to give him everything that the world has to offer.



"Gabe..." halos wala siyang masabi kundi ang pangalan nito.



Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Parehas lang sila. Parehong naghihintay na mahalin ng mga mahal nila.



Sa kaso niya, hinihintay niyang magmilagro na magkabalikan sila ni Basty.



Sa kaso nito, hinihintay nitong makapagmove-on na siya sa dating nobyo.



It was unfair for Gabe.



But it would be more unfair kapag pinilit niyang mahalin ito dahil lamang gusto niyang kalimutan na ng tuluyan si Basty.



Doon siya nakapagisip-isip. Kailangan niyang makausap si Basty. He needed closure. The last time that they talked, everything turned-out to be a mess. This time, he had to make sure that they were on equal grounds.



Hindi na siya manunumbat. Hindi na rin siya magmumukhang kawawa. Kung anuman ang kalalabasan ng magiging pag-uusap nila, ang bukas na ang bahala.



For the meantime, kailangan niyang bumawi sa pananakit kay Gabe. Wala itong ipinakitang masama sa kanya. He don't deserve an asshole like him kaya naman sisiguruhin niyang the best lang ang mga bagay na makukuha nito mula sa kanya.



Popoy smiled. Then he said,



"Halika. Gutom na ako. Patuyuin na rin natin ang mga damit ko," yaya niya rito.



He earned a smile from Gabe.



Inakbayan siya nito at iginiya palabas ng kwarto.



He put his head on Gabe's shoulder then looked at him as they went across the living room then he mouthed.



"Thank you."



Gabe replied with a sweet kiss on his forehead.



Itutuloy...    

Tuesday, August 9, 2011

One More Chance - 10

Photobucket



Sorry sa paghihintay... welcome to my newest writer sa blog ko, Dark_Ken. Basahin niyo ang "Minahal ni Bestfriend" it's good.


Chapter 10

"Samahan mo ako mamaya sa party, Gabe..." ang naglalambing na sabi ni Popoy sa kausap over the phone. It was part of the plan, actually. He needed to attend Sonia's birthday na alam niyang pupuntahan din ni Basty. Kahit naman kasi nagkasira silang dalawa ay nanatiling kaibigan nila ang circle of friends nila noong sila pa. At kailangan niya si Gabe kung sakaling darating and ex niya kasama ang bagong boyfriend nito.

"Kaninong party naman iyan?" Popoy sensed the reluctance over Gabe's voice.

"A friend of mine. She's sweet, honey. So please come with me." pang-uuto niya.

Napabuga ito. "Ayan ka na naman sa mga banat mo para di kita matanggihan, eh."

"Anong banat, dear?"

"Ayan."

"Anong ayan, sweetie?"

"Hay!" frustrated na sabi ni Gabe.

"May problema ba, hon?" pangungulit niya pa. Alam niyang mahina si Gabe pagdating sa mga endearments na sinasabi niya para dito. 

"Okay. What time? And is Basty going to be there too?" sumusukong sabi nito bagama't naantala ng huling sentence na iyon ang sana'y pagbubunyi niya.

"W-what did you s-say?"

"Popoy, I have a crush on you but I'm not stupid. Nahihinuha kong kaibigan niyo ni Basty ang Sonia na ito. Imposibleng hindi."

Hindi siya agad naka-imik. Matalino talaga si Gabe. Kaya kung gusto niya talagang sumama ito, dapat ay sabihin niya ang buong katotohanan dito.

"Y-yes. You're right. Pero hindi dahil naroroon din si Basty kaya ako magpupunta. Kaibigan ko rin si Sonia, so tama lang na batiin ko siya ng personal sa kaarawan niya."

He knew he sounded defensive but what can he do? Hindi naman niya pwedeng sabihin ang ganito; "Pwede ka bang sumama para maipakita ko sa lahat ng mga kaibigan namin na naka-move on na ako at ikaw ang ipinalit ko kay Basty?"

Muli, napabuga lang si Gabe sa kabilang linya. "Okay. Sunduin na kita diyan sa apartment mo."

"S-sure! Pick me up at seven."

"See you." ani Gabe

Hindi na nakasagot si Popoy dahil busy tone na ang kanyang narinig. Habang binababa ang awditibo ay saka lang niya na-realize na pinipigilan pala niya ang paghinga. Dahan-dahan niya iyong pinakawalan sabay lingon sa orasan.

Three o'clock in the afternoon.

May oras pa siya para bumili ng bagong suit na gagamitin since formal ang magiging gathering. Ite-text na lang niya si Gabe about the attire habang namimili siya ng isusuout. For the meantime, maglilibang muna siya sa mall.


"HAPPY BIRTHDAY, Sonia."

Magiliw ang pagbating isinalubong niya sa birthday celebrant. Napakaganda ng kaibigan niya sa suot nitong revealing red gown. Tinotoo talaga nito ang formal event na concept ng birthday nito. Napailing na lang siya. Buti at sanay siya sa mga ganoong pagtitipon.

"Salamat 'Poy," ani Soniang sumalik pa sa kanyang pisngi. "Hey, sino itong gwapong kasama mo?" baling nito kay Gabe.

"Oh, I would like you to meet Gabe Kirby. Gabe, this is Sonia, the birthday celebrant." pagpapakilala niya.

"Happy birthday, Sonia." ani Gabe na humalik pa sa pisngi ng kaibigan.

"Thanks, Gabe. Enjoy the party. Si Popoy na ang bahala sa iyo," sabi ng kaibigan saka bumaling sa kanya. "Parehas pa kayong may bitbit. I'm glad okay na kayong pareho."

Bahagyang nawala ang ngiti ni Popoy sa sinabi ni Sonia. Of course, alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Alam niyang pupunta rin sa restaurant na iyon si Basty pero nagpatay-malisya lang siya.

"I didn't know," aniya kay Sonia ng makabawi.

"Oh, I'm sorry. Sige na nga, enjoy na muna kayo diyan at may dumarating pang mga bisita." disimuladong pagpapaalam ng may birthday.

Napangiwi siya ng tingnan niya si Gabe. Seryoso ang mukha nito. Sa isang linggong pagkikita nila ay talaga namang na-enjoy niya ang bawat minuto at oras na amgkasama silang dalawa. But that's just it. Nag-eenjoy lang siya. Wala siyang maramdamang sparks tuwing magdidikit sila tulad ngayon. Inakbayan siya nito at iginiya sa isang lamesa.

"Hey, are you okay?" tanong ni Gabe.

"Yes. Bakit mo naman naitanong?"

Nagkibit-balikat ito. "Wala naman. Para lang kasing nagbago ang mood mo ng malaman mong naririto na rin si Basty kasama ang boyfriend nito."

Napayuko siya. Wala talga siyang maitatago dito. But he'd rather die than to admit na tama ito. Muli siyang nag-angat ng mukha.

"Walang dahilan para maapektuhan ako. Past is past. Although hindi nga ako kumportableng makita siya rito but what can I do?" matatag niyang sabi.

"You can at least pretend you're enjoying my company." ani Gabe na tinitigan siya. 

Napatitig siya rito ng wala sa oras. "Of course I do!" he said indignantly.

"I know Popoy, but sometimes, napapaisip ako. Is it really possible not to care anymore with someone you used to love with all your life? With all your soul? Makakaya mo bang balewalain na lang sila ng ganun-ganun na lang?"

The question rendered him immobile. In fact, he was also speechless. Because every word from that question hit home.

"I-i g-guess we all have r-relapses... y-yes, that's it! We all have relapses." aniya ng makabawi ng tinig. "All of us find it so hard to stop caring for someone you've cared about for years. I-in m-my case, it's ten years... P-parang force of habit... You just continue to care and care and care and care... But one day I decided not t-to... although it doesn't meant I'd b-be able to all the t-time..." anas niyang halos pabulong na lang.

"Oh, I'm sorry Popoy. I didn't mean to make you cry." ani Gabe sabay yakap sa kanya.

Cry? 

Was he crying?

Sinalat niya ang pisngi at ganun na lang ang pagkagulat niya ng maramdamang basa iyon. Natatawang kumalas siya kay Gabe.

"Alam mo, hindi ko na alam ang itatawag ko sa sarili ko. Although, I'm sure i'm not crazy, but I think I'm close to being one dahil sa pabago-bago ng mood ko. And you don't have to be sorry, Gabe. Ako lang itong masyadong emotional."

Pinunasan nito ang pisngi niya ng palad nito. Na-touch and puso niya sa gesture na iyon. Hindi tuloy niya maiwasang titigan ang gwapo nitong mukha. Gabe's hot breath was fanning his face. It felt good. Like a warm blanket to hold on to the night.

"You're so fragile, Popoy it makes me want to take care of you and yet you're so hot you're burning me literally..." Gave whispered.

May ilang sandaling napigil ni Popoy ang paghinga. He was a lonely man and Gabe was a very attractive guy. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata sa pagkakatitig dito.

"P-please, Gabe, don't say anything," usal niya.

Dinala ni Gabe sa mga labi nito ang isang pisngi niya at dinampian iyon ng halik. He felt a little shivery and quivery from the act. But there's nothing more to it than what he imagined it would be.

Magsasalita sana siya ng mapigil ng malakas na halakhakan ng isang grupong pabalik yata sa kanilang mga lamesa ang pumukaw sa moment nilang iyon ni Gabe. And Popoy's whole being froze when he saw a pair of eyes staring blankly at him. Guiltily, umisod siyang palayo kay Gabe ng bahagya.

"Is that Basty?" anang tinig ng kasama.

He felt a lump on his throat. Hindi siya makasagot ng ayos. "O-oo..."

"Lucky bastard."

Narinig niya ang pagtatagis ng bagang ng kasama. Hindi niya pinansin iyon. Ang buong atensiyon niya ay nakatutok sa lalaking inaakbayan ni Basty. He was cute. In a very stylish way. Hindi niya inaasahang may sangkaterbang karisma pala ang Nikkos na tinutukoy ng mga kaibigan. Hindi na siya nagtaka ng makitang mga kaibigan nilang sila Coney, Melvin at ang mag-jowang sina Mark at Jayson. Kasama rina ng may birthday na si Sonia.

"Puntahan natin sila. Show that bastard na naka-move on ka na." bulong ni Gabe. Napalingon siya rito.

"Remember? I told you, willing akong maging panakit-butas. Just make sure na maganda ang acting mo." nakangiting sabi pa nito sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya sa naninimbang na tono.

"Damn sure. Halika na." tumaas-baba pa ang kilay na sabi nito sabay tayo pagkuwan.

Tumalima na rin siya at iginiya ito sa lamesa ng mga kaibigan. Magkahawak-kamay pa sila to complete the act.

"Hey guys!" masayang bati niya.

"Uy! Popoy! Miss ka namin bro!" si Melvin. Kapatid ito ng assistant ni Basty na si Charity.

"Oo nga, di ka na namin napagkikita ah..." sabat naman ni Mark. Niyakap niya ang mga ito at nginitian isa-isa.

"Maupo kayo ng kasama mo, 'Poy." si Coney.

Umupo naman sila kaagad. Nang mabati niya at maipakilala si Popoy sa lahat maliban kina Basty at Nikkos na sadya niya inihuli ay muli siyang tumayo at lumigid sa tabi ni Basty sa pagkagulat ng lahat.

"Basty, my dear," aniyang dinukwang ito at hinagkan sa pisngi, malapit na malapit sa labi.

Kung ang ibig sabihin niyon sa bagong nobyo nito ay giyera, pwes, he will give them war. It was an indirect declaration. It was a war for Nikkos, himself and Basty. Isama na rin si Gabe. His bastard ex-boyfriend could be very mean but he can be meaner. Wala ring karapatan ang Nikkos na ito na panghimasukan ang mga bagay na walang kinalaman dito. Kaibigan niya ang mga kasama nito. This Nikkos guy needed to respect authority and seniority.

Blangko ang tingin ni Basty sa kanya pagkatapos ng halik. Patay-malisya siyang bumalik sa lamesa kahit damang-dama na niya ang tensiyon sa paligid. Walang masabi ang mga kaibigan niya hanggang sa makabalik siya sa sariling silya.

"Basty, my dear, aren't you going to introduce me to your nephew here?"

Biglang natawa si Jayson sa sinabi niya. Isang kinakabahang tawa na ang intensiyon ay pawii ang tensiyon na nasa paligid.

"Ano ka ba, 'Poy, siya si Nikkos. Ang boyfriend ni Basty," napangiwi ito ng sikuhin ito ng boyfriend na si Mark.

Tumikhim si Basty.

"Popoy, this is Nikkos, my boyfriend. Nikkos, this is Popoy, a friend."

A friend? Sure, friend na kung friend. He could handle that. Nginitian niya ng matamis ang lalaking ipinakilala sa kanya bilang boyfriend ni Basty. Ngumiti rin ito sa kanya bagama't halatang pilit na pilit. Mukhang hindi ito marunong magtago ng nararamdaman. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi maiinis sa ginawa niya?

Gusto niyang mag-away sila ng lalaking ito. Para maipamukha niya ang lahat ng hindi dapat nito panghimasukan, but on second thought, ayaw niya ng eskandalo ngayong gabi. Kaya mang-iinis lang siya.

Sa duration ng dinner nila ay ang mga barkada lang nila ang bumabangka. Kapag sumasabad ni Nikkos ay inaagaw niya kaagad ang atensiyon ng kausap nito o di kaya ay magpapaka-sweet siya ng sobra kay Gabe para lang mapansin sila ng lahat. 

In a way, effective naman dahil ilang ulit na niyang nahuling nakabusangot at tinititigan siya ng matalim ni Nikkos. Wala siyang paki-alam kung may makahalata man sa kanya. He knew he was being obvious anyway. 

Ipinagkibit balikat rin niya kung ang sa tingin ng lahat ay nanggugulo na siya at nagmumukhang pathetic, just as long as nasisira niya ang araw ng target niya. Minsan lang naman iyon. Pikon-talo.

Nang maramdaman niyang okay na siya sa pang-aasar ay niyaya niya uminom sa bar counter si Gabe at nag-excuse sa mga kaibigan. Huli niyang tinapunan ng nang-uuring tingin si Nikkos bago sumama kay Gabe.

"That was a good show," tuwang-tuwang sabi nito sa kanya.

Umorder ito ng wine para sa kanila.

"Yeah, that felt really good. Thank you Gabe," mahinang usal niya.

Nahihiya siya rito. Kahit kasi alam niyang pumayag itong magpagamit sa kanya ay napaka-selfish pa rin ng reason niya para idamay ito.

"Nahihiya ako sa'yo." sabi niya

"Don't be," ani Gabe na hinila siya para magkalapit silang dalawa.

"Bakit naman?"

"Kasi nakaktsansing naman ako sa'yo, eh." he said huskily to his ear.

Nakiliti siya at natawa ng tuluyan. Tumanaw siya sa lamesa na iniwanan nila. Bumabangka na si Nikkos habang napapansin niyang mukhang inip na inip na ang ilan sa mga kaibigan niya. 

Napangiti siya.

That was a good sign for him.

"Punta muna ako sa cr." paalam ni Gabe sa kanya.

Tumango siya at humarap ulit sa bar. Nang maubos niya ang wine ay nag-order naman siya ng mojito. Parang gusto niyang magpakalasing ngayong gabi. Tutal nandiyan naman si Gabe.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may tumabi sa kanya. Surprise-surprise, it was the little stud amed Nikkos.

"Hello."

"Hi!" confident na sabi niya, considering the idea that not all of his friends are fond of this new guy. "Tired of the attention you're getting? That soon?"

Ngumiti ito.

"Gusto lang kitang kamustahin. Mukha kasing hindi ka na sanay sa puyatan. Alam ko naman na kapag tumatanda na ay hindi na masyadong nakakasabay sa pagpupuyat naming mga bata."

The bastard waged war.

"If you're trying to insult me, you're doing a very lame job. I eat stupid studs like you for breakfast, sugar. But what do you really know about men of my caliber when your world revolves around nothing."

Marahil nga ay tama ka. Pero ang gusto lang talagang sabihin ay kahit na anong gawin mo, hindi mo maaagaw sa akin si Basty. Akin na siya. Kasalanan mo, hindi mo kasi inalagaan, lolo."

Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. Ngali-ngaling bigwasan niya ito sa harap ng maraming tao. Pero nagpakahinahon siya. Alam niyang siya ang makikitaan ng mali dahil mukhang magaling na aktor ang isang ito.

Nabitin ang pagsagot niya sa ere ng marinig ang boses ni Gabe sa likod niya.

"Bumalik ka na sa lamesa ninyo, bata. Masama ang makipag-away sa mga nakakatanda."

Pinagtaasan ito ng kilay ni Nikkos. Mukhang sanay ito na makihalubilo sa mayayamang tulad niya. Nakangiti pa ito sa kabila ng pagbabanta ni Gabe.

"At sino ka para utusan ako? Nag-uusap lang kami ni Tito Popoy at hindi nag-aaway."

Naramdaman niya ang pag-akbay ni Gabe. Waring sinasabing, okay lang ang lahat.

"Don't push your luck, Nikkos," kalmadong sabi ni Gabe. "Hindi ko gustong magkaroon ng eskandalo sa party na ito ng kaibigan ni Popoy. Iyon lang ang dahilan kung bakit nakatayo ka pa rin hanggang ngayon."

Napasinghap siya sa napakalamig at napakadelikadong paraan ng pagsasalita ni Gabe. Namutla naman si Nikkos na biglang tumalikod at dahan-dahang lumayo sa kanila.

Naramdaman niya ang mahinang pagtawa ni Gabe sa gilid ng tainga niya. He shivered when he discovered Gabe's wet lips on his earlobes.

"Have dinner with me tomorrow, Popoy." he said huskily. Napapikit siya sa sensasyon. "Kahit saan mo gusto."

"H-how about we go to somewhere private after this?" anas niya in between controlling his urge to drag his nape and give Gabe a hard kiss. He was really turned on by his advances. Nakakalimutan niyang nasa publiko sila.

"How about now?" said Gabe in ragged breathing. Bahagya itong lumayo sa kanya.

"N-now...?" disoriented niyang sabi.

"Yes. Now."

Wala sa loob na napatango siya. Namlayan na alng niyang inakay na siya nito palabas ng restaurant. Mukhang tinamaan siya sa kaunting nainom. Hindi naman kasi siya sanay.

Pagpasok nila ng sasakyan ni Gabe ay lalo siayng naliyo ng kabigin siya nito at halikan sa labi ng buong diin. Ramdam niya ang paghahangad nito. And boy, he feel the same way too.

Gabe is a good kisser as far as he was concerned. Naramdaman niyang tila siya inililipad at hinehele. Mainit ang labi nito. Na tinutugon niya ng mas maiinit na tugon. Ngunit ang sarap na dulot ng halik nito ay may epekto sa kanya. Unti-unti, dumausdos siya pababa dito. Napakapit siya sa beywang ni Gabe.

He heard him chuckled. "In a hurry, aren't we?"

Itinaas siya ni Gabe para sana ay halikan ulit ngunit laking gulat nito ng makitang nakapikit na ang kahalikan. Napapailing na inayos niya si Popoy sa pagkakaupo saka nito pinaandar ang sasakyan.


Itutuloy...