To my readers...
Chapter 11 (Happily Ever After)
Chapter 11 (Happily Ever After)
Tinatangay ng malakas na hangin ang buhok ni Earl habang nakatayo siya sa itaas na bahagi ng bleachers sa football field ng San Bartolome. Isa iyon sa mga lugar na pinagdadalhan sa kanya ni Ronnie sa durasyon ng pagbabantay nito sa kanya mula kay Russ. Ang sarap sana sa pakiramdam ang ganoong aktwasyon pero hindi niya makuhang maging masaya ng lubos dahil ang alam niya ay nagpapanggap pa rin sila at umaakto lang ito ng ganoon dahil ayaw nitong masaling ang gabundok nitong ego.
Naalala niya nung huling narooon sila. Gabi rin noon, madilim at malamig ang hangin. Tila naririnig pa niya ang kwentuhan nila at ang panakanakang advances na ginagawa niya katawan nito na mukhang dinededma lang naman nito.
"Ano sa tingin mo ang kahihinatnan mo ten years from now?" tanong ni Ronnie sa kanya.
"I'd probably be a spinster," nakangisi niyang sagot na umani ng mahinang batok mula rito.
"Ouch..." pa-drama effect niya.
"Halika nga rito." ani Ronnie sabay hila sa kanya. Hindi naman sila totally magkalayo pero nabigla pa rin siya dahil hindi niya inaasahang hihilahin siya nito palapit. Naramdaman niya kaagad ang pamilyar na reaksiyon ng katawan niya kapag napapalapit rito. It was wonderful. And he was at a loss for words.
"Sagutin mo ng maayos ang tanong ko, how do you see yourself ten years from now?" mahinang bulong ni Ronnie malapit sa kanyang tainga. Earl felt goosebumps all over. Hindi tuloy siya makaapuhap ng tamang sasabihin.
"T-ten years fr...from now?" napapalunok siya nakaliliyong sensasyon na dulot ng marahan nitong paghaplos sa buhok niya. Hindi rin siya maka-concentrate sa mabining pagdampi ng mainit nitong hininga sa kanyang batok. If only time stood still, he would savor every hour, every minute and every second of it.
"...I'd probably be a head nurse of a private hospital. May sariling sasakyan. May sarili ng mansiyon. All in all, masaya ang buhay kasama si nanay." pagpapatuloy niya.
"That's too much in just a span of ten years. Maliban na lang kung pakakasalan mo ako." Ronnie teased.
Mag-aangat sana siya ng protesta mula sa pagkakayuko niya sa dibdib nito pero hindi siya pinayagan nito. Nandoon lang siya and he felt that it was somewhat, romantic. Nakasandig siya sa dibdib nito at naririnig ang tibok ng puso ng lalaking minamahal niya.
"Be still... Hindi ka na makakawala diyan Earl. You belong there. You belong to me. You belong to my heart."
Naramdaman niya ang paghapdi ng sulok ng kanyang mata. Kay sarap sanang pakinggan. Kay sarap sanang asahan. Pero alam niyang sinasabi lang iyon ni Ronnie dahil iyon ang inaasahan nitong gusto niyang marinig. It was too good to be true. But the fool he was, umaasa siya. Nangangarap siya.
Pinili niyang huwag patulan ang sinabi nito at bagkus ay tinanong rin ng kaparehong tanong. "Ikaw? How do you see yourself ten years from now, Ronnie?"
"Ako? I'll be running one of our companies. I'll be wearing a business suit which I abhor..."
He laughed.
"Silly. Hindi pa ako tapos. Gusto kong pag-uwi ko ng bahay mula sa napaka-boring na opisina ay makikita kita doon. Nagluluto ng hapunan natin. And you would make love to me afterwards..." Ronnie said huskily.
Napangiti siya ng mapakla sa narinig. Another dream again coming from Ronnie's mouth. Bakit ba kung kailang naririnig niya yung mga bagay na gusto niyang paniwalaan ay hindi niya makuhang maging masaya? Siguro kasi ay alam niyang matatapos rin ang lahat ng iyon. Pulos pangarap lang naman kasi ang epekto sa kanya kapag kasama niya si Ronnie.
"Maganda nga iyon..." Earl said almost in a whisper.
"It is... In ten years, asawa na kita. Hahanap tayo ng surrogate mother ng mga magiging anak natin. We will have a girl and a boy. And we are very, very happy together."
His eyes turned misty at the memory. Kung totoo lang sana ang lahat ng mga sinabing iyon ni Ronnie, e di sana hindi siya lumuluha ngayon. Hindi siya nasasaktan ngayon. Gaga rin kasi siya. Sumubok pa siayng mahalin ito kahit alam niyang wala namang katumbas ang pagmamahal niya sa panig nito.
All that there is to their so-called relationship was a lie. Maaaring magkatotoo ang ilan sa mga pangarap nila after ten years but kung ano iyong pinakaaasam niya ay iyon ang hindi matutupad. Hindi sila ikakasal. Hindi sila magkakaroon ng anak sa mga surrogate mothers at hindi sila magiging masayang magkasama.
Tila nakikisama ang malamig na simoy ng hangin at umihip iyon ng bahagyang may lakas. Naramdaman niya ang ginaw hanggang sa kaloob-looban niya. Naalala niya ang bisig ni Ronnie. Ang matipunong dibdib nito. Hindi siya nakakaramdam ng ginaw kapag nasa loob siya ng mga bisig nito. Hindi siya nagkukulang sa kinakailangang init kapag nakasandig siya sa dibdib nito. Pero wala siya ng mga iyon ngayon. Wala si Ronnie sa tabi niya ngayon.
"Earl..."
Nanigas ang buong katawan niya pagkarinig sa tinig na iyon. Hindi niya alam kung lilingon sa nagsalita o mananatili na lang sa pagkakatayo ng nakatalikod rito.
"Earl..."
"Diyan ka lang Ronnie." nagpasalamat siya at hindi siya nag-stammer sa pagsasalita. He face him and he was greeted by his handsome face. Earl felt a strong thug on his chest just by seeing Ronnie. Ang hirap palang harapin ang taong mahal mo kapag magpapa-alam ka na.
"Salamat at dumating ka." aniya.
"Bakit mo ako pinapunta rito Earl?"
"Remember this place?"
Nagtaka ito sa sinabi niya pero hindi nagsalita. Inilibot lang nito ang tingin sa lugar na mismong inupuan nila noong mga nakaraang araw. Hindi na siya nagulat ng mapangiti ito ng bahagya.
"Of course. Dito kita dinadala para iwasan si Russel." ani Ronnie.
"Yes. At dito rin tayo humabi ng mga pangarap. Mga pangarap na hindi naman magkakaroon ng katuparan."
Napatingin ito sa kanya. "What are you trying to say Earl?"
"I quit Ronnie. At sana ay huwag mo akong pigilan. Hayaan mo naman akong maging masaya."
"Is that what you think I'm doing? Pinipigilan kitang maging masaya?"
Napakagat-labi siya. It's now or never. Kailangan niya ng tapusin ang panaginip niya.
"I'm tired Ronnie. Hindi na kaya ng puso ko ang patuloy kang mahalin. Napapagod na akong umasa. Mangarap. Oras na para magbalik naman ako sa reyalidad." hindi na niya napigilang umiyak.
Lumambot ang mukha ni Ronnie sa nakita. Dagli siya nitong niyakap bago pa man siya tuluyang humagulgol. "Hush now baby... I'm sorry kung ganoon ang nagiging interpretasyon mo sa mga ipinapakita ko. But you have to know. Hindi ako marunong manligaw. Hindi ko alam kung paano ko i-pe-persuade ang isang tulad mo dahil lahat ng mga nakarelasyon ko noon puro instant lang. Sinubukan ko lang noon kay Monty pero sumablay ako kasi hindi ako ang gusto niya kundi ang pinsan ko. Tapos nariyan ka very obvious ang attraction sa akin kaya naman napilitan akong patulan ka as part of my coping mechanism. I'm sorry Earl. I never meant to hurt you."
Natulala lang siya sa sinabi nito.
"I'm sorry babe. Hindi ko mapagbibigyan ang hiling mong pakawlan ka. Kasi mahal na kita. Hindi ka dapat mapagod na patuloy akong mahalin kasi mahal din kita. Ewan ko kung kailan o kung paano naganap pero ikaw na ang mahal ko. Ikaw lang. Walang iba.."
Speechless pa rin siya.
"Babe. Say something. Huwag kang tumunganga lang diyan." Masungit na naman nitong sabi.
Mapakla siyang napatawa sa puntong iyon.
"Sige. Pagtawanan mo lang ako. Ito ba ang ganti mo sa akin?"
"No Ronnie. Huwag mo na akong paasahin. Hindi mo kailangang magsalita ng kung anu-ano para makumbinsi ako. Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin ha? Na porke't mahal kita ay maniniwala agad ako kapag sinabi mong mahal mo rin ako? Ganoon ba ako ka-gullible sa mga mata mo?" naniningkit ang matang sabi niya sabay tulak rito. .
"That's not true Earl.."
"Totoo ang lahat ng iyon Ronnie! Ganoon ang tingin mo sa akin kaya ayaw mo akong pakawalan! How dare you! Maawa ka naman sa akin. Pagod na pagod na ako. Ayoko ng maging puppet mo na sa isang galaw mo lang ay susunod sa gusto mo. Ayoko na Ronnie! Ayoko na!"
"Hindi pwede Earl. Mahal kita. Maniwala ka sa akin."
"Hindi totoo yan Ronnie. Sarili mo lang ang mahal mo."
"Anong gusto mong gawin ko para lang maniwala kang mahal kita?"
Napa-ismid siya sa sinabi nito. "Kung totoo ang lahat ng iyan ay pakawalan mo ako Ronnie. Kung totoong mahal mo ako ay umalis ka na rito at huwag ka ng magpapakita sa akin. Huwag ka ng lalapit sa akin." naiiyak na namang sabi niya.
Laylay ang balikat na tumalikod ito. Hindi rin niya kayang makita na umalis ito kaya tumalikod rin siya at kumuha ng balanse sa railings ng bleachers.
Narinig niya ang mararahang hakbang nito palayo kaya lalo siyang napaiyak. Bakit kung kailan nasabi na niyang ayaw na niya ay lalo siyang nasasaktan? Hindi ba at iyon ang gusto niya?
Nakarinig siya ng isang tikhim. Laking gualt niya ng malingunan si Monty, Orly, Dalisay, Jay, Freia at Russ.
"A-anong ginagawa niyo rito?"
"What happened sweetie?" tanong ni Monty.
Mabilis siyang nagpahid ng pisngi. Nilapitan naman siya ng mga kaibigan.
"W-wala naman. Napuwing lang ako." pagdadahilan niya.
"Tse. Palusot dot com. Huwag nga kami ang echosin mo nak. Iba na lang." sabad ni Dalisay.
"What happened here friend? Nag-uusap lang kayo ni Ronnie kanina rito di ba?"
Napatango siya. There's no use hiding his feeling to his friends. Napa-atungal siyang bigla.
"Tahan na friend." ani Jay. "Anong sinabi sayo ni Ronnie."
Sa pagitan ng paghikbi ay sumagot siya. "He said he love me."
"At anong sabi mo?" si Monty.
"Hindi ako naniwala."
"Fool." si Dalisay
"Tanga." si Orly.
"Shunga-shunga." sabay na panambit ni Freia at Jay.
"Sorry naman no? E di sana kayo na ang sumagot sa kanya ng I love you too." napipikon niyang sabi.
"Silly. The man loves you Earl. Kung hindi ba naman ay malaking effort para sa kanya ang ginawa niyang pagtatapat. Ronnie is a man of few words kaya iyong mapagtapat mo siya ay minsan lang niyang gagawin iyon. Mahirap pakisamahan ang pinsan kong iyon." natatawang paliwanag ni Orly.
"Yesterday once more," si Dalisay. "At isa pa, hindi ka kagandahan gurl para mag-inarte ka ng ganyan kay Ronnie. Hindi ka girl katulad ko."
"Nahiya naman ako sa'yo."
"Dapat lang. But enough of me. Habulin mo si Ronnie dahil mahal ka ng taong iyon. Kung ayaw mong magkaroon ng happy ending ang story ninyo ay tumunganga ka lang diyan bruha ka."
"Oh my God! Totoo ba ang sinasabi niyo?"
"Oo naman friend. Nagtapat muna siya sa amin bago sa'yo. Pinapunta niya talaga kami rito para suportahan siya kung sakaling mag-inarte ka nga raw." si Jay.
"Close na kayo?" nagtatakang tanong niya rito.
"Oo naman no." naka-irap nitong tugon.
"Go na girl. Habulin mo na ang Papa Ronnie mo." Si Freia.
"Saan ko siya pupuntahan?"
"To the left Earl. He took the left stairs," sabi sa kanya ni Russel.
Niyakap muna niya ang lahat ng ito bago tinunton ang dinaanan ni Ronnie. Inabutan na niya ito sa likod ng football field.
"Ronnie! Ronnie wait!" sigaw niya.
Tumigil naman ito at hinintay siyang makalapit. Hingal kabayo pa siya ng maabutan ito.
"Bakit ka tumatakbo Earl?"
"To-totoo b-ba ang sinabi m-mo kanina?" hinihingal niyang sabi.
"Oo naman Earl."
"You love me?"
"Yes. With all my heart."
"I'm sorry kung hindi agad ako naniwala. Hindi ko kasi mapaniwalaan na yung bagay na matagal ko ng pinapangarap na sabihin mo ay magkakatotoo. When you finally said it, I refuse to believe it." naiiyak niyang sabi.
Niyakap siya nito. "Oh I'm sorry to for putting up with my grumpiness. I know I've been a jerk."
"A handsome jerk for that matter," natatawang sabi niya. "Don't make me cry again Ronnie. Baka hindi ko na kayanin."
"Never babe," then he kissed him hungrily.
Earl returned his kisses with equal fervor. Matay man niyang isipin, hindi pa rin siya makapniwalang kanya na si Ronnie ngayon. All of his heart. All of his soul. Mukhang happy ending rin ang inabot niya sa kamay ng grumpy flirt na ito.
Hinihingal pa silang naglayo. "Bakit ang bagal ng lakad mo kanina?" natatawang tanong niya.
"I was expecting you'd follow me soon. Hindi nga ako nagkamali. I have to thank those guys for helping me convince you. Alam ko naman kasing di ka maniniwala. Are you sure? You're taking all of me? The brute that I am?" insecure na sabi ni Ronnie.
"Oo naman no. Wala ka ng kawala sa akin ngayon. Pinangarap yata kita!"
"Ikaw rin. Wala ka ng kawala. Sa akin ka lang." Ronnie said while grinning mischievously.
"Pilyo ka."
Natawa ito ng malakas. Then kissed him afterwards. Narinig pa nila ang palakpakan ng mga kaibigan nila pero dedma lang sila. Patuloy lang silang naghalikan sa harap ng mga ito. Tila binabawi ang lahat ng panahong nagpapanggap at naglalaro lang sila.
"Get a room, you two!"
THE END
Hope you enjoyed this story. Next stop ng Flirt series ay sa August na. Paka-abangan si Russel at Freia sa The Six Feet Flirt and the Tiny Actress. :-) Lovelots...
Dalisay
16 comments:
Mami D.. grabe... kakakilig tlga... sobra.. ang hahaba ng mga hair nila.. sila n tlga ang mga kagandahan.. kalerkey.... cant wait for Freia and Russell... go go go.. God bless!!!!
Thanks Chack! :-)
wew,,, ang sweet naman ..
happyly ever after nga ,, hehe
nice one,, galing ,, :))
thanks Marc :-)
maganda ang ending galing talaga n dalisay ^^ clap clap!!
-Geohund
hehe nice..mabuhay ang bekimonsters saang lupalop ng universe dalisay..
galing eh.
Thanks Geohund Russ and Migs. :-)
Hang Kyot!
KILIG! Ü
sana may mangyari ring ganito kasaya sa buhay ko KAHIT na parang fairytale pa un na malabong mangyari . . T_T
Thank you Nikos... :-)
yan ang sinasabi kong pag-ibig. eh nainggit? :)) good job! :D
-- andrei
thanks Andrei
Ang ganda talaga. :] I can't wait sa new series. Love it!
SLUSHE_LOVE
i try to find the new series tungko kina russ at frei, wala pa ba?... ang ganda ng stor as in WOW!!!
Yey happy ending! Thanks for this awesome story! More power!
Thanks kina SLUSHE_LOVE, Blue Evasco and Jadey. :) Love you guys. ;)
Post a Comment