WRITER:UNBROKEN/ROVI
Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/
Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.
March 17,2009
George was okay. I mean yeah,he's not really my type cause I'm really into mainstream cute guys but there's really something in him na captivating. It seems na I really don't have the courage to keep my eyes and my mind off of him. Okay. This is not so right.
I grabbed a stick of Marlboro Lights,kinuha ang lighter sa maliit na tukador na pinapatungan ng lampshade. Hindi ko pa sinindihan ang yosi,I took a deep breath,pressed the lighter on until that little green flame came out. Masarap palang magyosi habang nakahiga ka sa kama.
Hindi to maganda,I swear. The moment I saw him,I knew it was different. And I don't know why I blushed nung pinakilala si George sa akin. I need to fight this feeling. Hindi pwede. Ayoko na masaktan,di na din pwede to. Mas masaya ang set-up kung saan ako naroroon.
Hithit. Buga. Hithit. Buga.
I tried clearing my cloudy mind when my phone rang.
I looked at the number. Unfortunately,it was unregistered.
“Hello?” sagot kong may malaking pagtataka.
“Hubby?” sabi ng lalaki sa kabilang linya.
“Oh bakit?” mababatid mo ang pagkairita sa aking tono.
“Am sorry please? Di ko na ulit gagawin yun. Para mo na namang awa.” pagsusumamo nito.
“Shut the fuck up.” matigas kong sagot.
“Sorry. I'll make it up to you. Kita tayo tonight. Please? Babawi ako sayo.” sabi nito.
“Di na natin kailangan magkita. Nakita ko ang dapat kong makita,nalaman ko ang dapat kong malaman. Tapos na tayo. Ayoko na.”
At nireject ko ang tawag.
Sumasakit lang ang ulo ko. Di masyadong maganda,sinabayan pa ni Carl na recent ex boyfriend ko. Ayoko na. Matutulog nalang ako with my heart aching and with it wondering how George was.
George na naman.
* * *
Okay. Same thing,the usual thing na nangyayari. Everytime na gigising ako ay napapagod ako ng husto. Nakakaloka lang. Bakit kaya ang hirap gumising? Mahirap din naman matulog? Ano bang problema ko? Don't tell me iniisip ako ni George? Ang ganda ko naman ata masyado nun. Isa pa di ko alam kung straight yun.
The first thing na lagi kong ginagawa paggising ko:Hanapin ang cellphone. I tried to look for my phone. Luckiliy,I was able to see it under my pink pillow. I've got 3 messages from different people.
1 from my TL saying:
“Don't be late today Teacher Chris. Take Care.”
Wow. Ang sweet ni TL kahit may pagkanerd.
1 from Carl saying:
“Hubby,sorry please? Would you give me another chance?”
and the last one from Ate Joy saying:
“Bakla! Kasabay ko si George kagabi. Same way kami ng inuuwian. Mabait naman sya,gusto nya ngang makipagclose sayo.”
Hindi ko alam pero napangiti ako nang mabasa ko ang message ni Ate Joy sa akin. Para bang may kilig na dumaloy sa akin. Ewan ko ba. Bakit naman nya ako gusto maging close? Bakit naman kaya? Dahil ba maganda ako? Chos!
Feeling inspired,nawala yung mood na tinatamad akong pumasok. Mabilis akong naghanda ng makakain at nagawa ko pang maghumm. Para na naman akong nakatira ng Dora Rat Killer. Di to maganda.
* * *
1pm na at nakagayak na ako papunta ng trabaho. 2pm ang call-time pero since malapit lang ako sa office,kaya din naman kahit 1pm ako umalis. I was the usual me,polo na nakapaloob,slacks at pointed shoes. Syempre standard feature ko na ang salamin ko since may problema ako sa mata.
Bumaba na ako ng bahay. Ilang minuto lang nakapara na ako ng taxi.
“Manong,sa may Pacific Center tayo.”
“Sige po Sir.”
Maayos naman ang pagpapatakbo ni Manong ng taxi. Wala pang 10 minutes ay malapit na ako sa building. Natanaw ko si George na naglalakad sa may intersection. Since nakared pa ang stop light,kita ko ang babaeng kahawak nito ng kamay. Mahaba ang buhok nya,may kaputian. Di ko nakita ng malinaw ang mukha nya pero alam kong kahawak nya ng kamay si George. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Pero hindi maganda,nakaramdam ako ng inis sa nakita ko.
Nasa tapat na ko ng building. Nakita ko si George na huminto sa may Rufo's sa baba ng aming building kasama ang babae. Pinagmasdan ko sila,mayamaya pa,ginawaran ni George ng halik ang babae sa labi nito. Di ko na kaya ang mga nakita ko,nagmadali akong pumasok sa lobby ng building.
Ilang segundo pa,nakita ko si George na nagmamadali sa pagpasok sa building. Since wala pa ang elevator ay nakita kong malapit na sya sa akin.
“Hi Chris!” sabi nitong nakangiti sa akin.
I remained silent. Tumitig lang ako at bigla ko ring binawi ito.
“Chris! Bakit mo ko inirapan?” sabi nito sa akin.
Di ko pa din sya pinansin. Ilang metro na lang ang distansya namin ng biglang bumukas ang elevator. Agad akong sumakay at isinara ito. Not allowing George to enter. Narating ko ang 20th floor ng matiwasay.
Pero I must admit na tinoyo ako. Di to maganda.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Do I feel jealous? Kung oo,bakit?
Till next time,
Chris
A compilation of my thoughts, dreams and fantasies. Stories that describes best my simple wishes in life. In addition to that, I asked friends to contribute their talents in this site where reality and fantasy are as one. Welcome to my site. Welcome to my heart. I am Dalisay.
No comments:
Post a Comment