PIPZ! Salamat po sa lahat ng nag-iiwan ng comments..
Dagundong na dagundong po..
Sa mga nag-comment sa part 1, salamat po!!
eto na po ang second part at sana magustuhan ninyo.. :-)
Daglat Series presents
Tee – La - Ok
Ikalawang Bahagi: /ee-ka-la-wa-ang/ - /ba-ha-gee/
Letter B
“Alis muna ako guys!” paalam ni Harold pagkatapos kumain ng tanghalian.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Kenneth.
“Basta, d’yan lang sa malapit.” sagot ni Harold.
“Saan eksakto?” pamimilit ni Kenneth.
“D’yan nga lang.” pacute pa ding sagot ni Harold.
“Maraming d’yan lang.” kontra ni Kenneth.
“Okay, lalakad ako papuntang kanto, tapos sasakay ako ng jeep tapos baba ako, saka sakay ng bus tapos baba na ulit.” sagot ni Harold.
“Umayos ka nga Rold!” singit ni Sean. “Tinatanong ka ni Kenneth ng maayos.” inis na sabi pa ng binata.
“Sa Divisoria lang!” pagsisinungaling ni Harold. “May bibilin lang ako para sa Humanities class ko.” sabi pa ng binata.
“Eh bakit sasakay ka pa ng bus?” tanong ni Kenneth na hindi naniniwala sa sinagot ni Harold.
“Siyempre joke lang un!” sagot ni Harold.
“Basta bumalik ka lang kaagad para sa meeting natin.” sabi ni Sean.
“Salamat buddy!” nakangiting pasasalamat ni Harold saka kinuha ang gamit.
“Nasan muna patak mo?” awat ni Sean sa nagmamadaling si Harold. “Patak patak muna tayo bago ka umalis! Tatakas ka na naman!” sabi pa nito.
“Sandali lang.” sabi ni Harold saka kumuha sa bulsa ng pera at inabot kay Sean.
Sa gate ng FabConCom –
“Sir, pwede po ba kay Mr. Gabby?” magalang na pakiusap ni Harold sa guard.
“Di ba isa ka sa rallihista kahapon?” tanong ng guard kay Harold. “Anung kailangan mo kay Sir Fabregas?” tanong pa nito.
“Pinapapunta po kasi niya ako ngayon.” sagot ni Harold.
“Ay wala siya! Umalis! Hindi mo pwedeng abalahin!” sagot ng guard.
“Manong naman! Sinabi niya sa akin 1pm, sa gate.” sagot ni Harold.
“Huwag mo nga akong pinagloloko! Manggugulo ka lang ulit!” inis na sabi ng guard.
“Kung ayaw mo nga ako na lang ang tatawag kay Gabby!” nainis na ding sagot ni Harold. Mataas ang sikat ng araw at labag sa kalooban ng binata ang pagpunta kay Gabby at heto’s ibibilad siya sa labas habang tirik na tirik ang araw at pagsusungitan ng hindi kagwapuhang guard. Kinuha ang cellphone at saka akmang nagdi-dial.
“Sige! Asa ka namang kausapin ka ni Sir Fabregas! Lokohin mo na ibang tao, huwag lang ako!” mayabang pang sabi ng guard saka pagsasara na sana ng gate. “Tumawag ka hanggang gusto mo!” sabi pa nito.
“It’s none of your business!” sabi ng isang tinig mula sa likod ng guard bago maisara ang gate. “Harold! You don’t need to call me!” sabi pa nito.
“Good afternoon Sir!” natigilang wika ng guard.
“Who told you na bastusin mo ang bisita ko?” sarkastikong sumbat ni Gabby sa guard.
“Sorry Sir! Akala ko po kasi manggugulo lang!” sagot ng guard.
“Joel!” tawag naman niya sa sekretarya. “Call the agency that we need a new guard!” utos pa nito.
“Sorry po Sir!” paumanhin pa ulit ng guard. “Hindi na po mauulit!” pagmamakaawa pa nito.
“Come in Harold!” aya pa ni Gabby na hindi pinansin ang guard.
“Sir Joel!” medyo alangang tawag ni Harold kay Joel.
“Yes Sir Harold!” sagot ni Joel.
“Tell the agency that they trained this guard excellently and you don’t need a new guard!” kontra ni Harold sa utos Gabby kay Joel.
“Kinokontra mo pa ako ngayon!” asar na sabi ni Gabby saka hinatak papasok si Harold.
“I can’t see any reasons to fire him.” paliwanag ni Harold. “In fact, ginawa lang niya ang trabaho niya.” sagot pa nito.
“But, binastos ka niya.” sagot naman ni Gabby.
“And I deserve it!” sagot ni Harold. “Tama nga naman, kahapon nanggugulo ako, then kaaway mo ako, so, how do you think na magtitiwala sa kin si manong? Ano iyon? Kaaway mo kahapon, friends friends na ngayon? So unusual!” litanya pa ng binata.
“Okay! Fine!” sabi ni Gabby. “Joel, do what he said!” sabi pa ng binata kay Joel.
Napangiti na lang sina Harold, Joel at ang guard sa sinabing iyon ni Gabby.
“Pumasok ka na!” asar na sabi ni Gabby. “Hayst!” napabuntong-hiningang tugon pa ng binata.
“Galing mo! First time na sumuko si Sir Gabby!” bulong ni Joel kay Harold.
Sa loob ng opisina ni Gabby –
“Okay Joel, sa labas ka na muna.” sabi ni Gabby.
“Anung meron at pinapunta mo ako dito?” tanong ni Harold.
“Wala lang!” sagot ni Gabby.
“Pwede ba iyong wala lang?” tanong ni Harold.
“Gusto lang kita makita.” sagot ni Gabby. “So, kailan mo ibibigay iyong 4thousand?” tanong pa nito.
“Talagang wala kang palalampasin!” sabi ni Harold. “Wala pa akong pambayad ngayon sa’yo.” sagot pa ng binata.
“So, ibig sabihin, hindi ko muna itutuloy iyong meeting namin. Kasi wala ka pang pambayad.” sabi ni Gabby.
“Naman!” sabi ni Harold. “Wala sa usapan natin iyang ganyan.” sagot pa nito.
“Pero wala din sa usapan nating magpapameeting ako hangga’t kulang pa ang bayad mo.” sabi pa ni Gabby.
“Ang sinabi mo magpapameeting ka na ngayong araw and you did not mention na hindi mo itutuloy pag kulang pa ang bayad ko.” sabi ni Harold.
“Well, I’m just doing you a favor kaya ko magpapameeting ngayon. So, kung wala kang pambayad, wala ding meeting.” nakangising sabi pa ni Gabby.
Nalukot bigla ang mukha ni Harold. Nawala lahat sa isip niya ang mga dahilan at pangangatwiran.
“But, pwede ko namang ituloy ang meeting kung pipilitin mo ako.” nakangiting nakakaloloko si Gabby.
“Talaga?” umaliwalas ang mukha ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
“Yeah!” sagot ni Gabby. “Hindi naman ginagawa ng mga businessman ang ganito eh. So may malaking kapalit ang pabor na ibibigay ko sa’yo.” sabi pa ni Gabby.
“Sabi ko na nga ba eh! Hindi ka papayag na walang kapalit. Tulad ka din ng iba na profit-oriented.” sabi ni Harold.
“Ikaw, bahala ka! Mag-rarally kayo pero hindi ko naman papakinggan iyong sinisigaw ninyo sa labas and worst tanggalin ko sa trabaho lahat ng sumama sa inyo or andito na! Abot kamay mo na. Ikaw na ang susi para kausapin ko sila. Sa isang napakadaling bagay, hindi na kayo maiinitan, magsisisigaw and makukuha mo na iyong gusto ninyo.” pagbibigay ni Gabby kay Harold ng isang palaisipan.
Nanatiling tahimik si Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
“So, ano na?” tanong ni Gabby. “Baka mainip ako at iyong unang option na ang gawin ko.” sabi pa nito.
“Wait! Nagpoprocess pa ang utak ko!” sagot ni Harold.
“Okay!” sagot ni Gabby. “At the count of three! One…” simula ni Gabby sa bilang.
“Two…” sa kasunod.
“Okay! May desisyon na ako.” sagot ni Harold. “I know how illogical your arguments are pero sige, I’ll take the risk.” sabi ni Harold.
“Excellent decision.” nakangiting tugon ni Gabby.
“You know what! This is against our principles at for sure, isusumpa ako ng mga kasama ko pag nalaman nila ito. But for the sake of the many, I’m willing to sacrifice myself!” sabi ni Harold na walang kasiguraduhan sa tumatakbo sa isip ni Gabby.
“Meet me at 7pm sa lugar na’to.” sabi ni Gabby saka abot kay Harold ng isang card na may address.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Don’t ask any questions. Alam mo na ang nakasalalay sa’yo.” sagot pa ni Gabby. “You can go na!” utos pa nito.
“Pero…” tutol sana ni Harold.
“Sige na! Baka hindi mag-fit sa sched ko ang meeting kung hindi ka pa aalis. Basta pumunta ka d’yan mamaya.” sabi pa ni Gabby. “Saka nakita na kita kaya pwede ka ng umalis. Nakakasawa na kasing tingnan iyong picture mo sa cellphone ko eh.” sabi pa nito.
“Hay!” sabi ni Harold saka lumabas.
Sa eskwelahan nila Harold –
“Buddy!” sabi ni Harold kay Sean.
“Bakit?” tanong ni Sean.
“May pupuntahan kasi ako ngayon, emergency at very urgent lang.” sabi ni Harold. “Hindi ako makakapunta sa meeting natin.” sabi pa nito.
“Eh di magpaalam ka.” suhestiyon ni Sean.
“Alam mo namang kakalakalin pa ni Kenneth kung saan ako pupunta. Alam mo naman ding ayaw ko ng pagpapaliwanag ng detalyado at kay haba-haba.” sabi pa ni Harold.
“So, anung balak mo?” tanong ni Sean na tila naiintindihan si Harold.
“Pasabi na lang na masama ang pakiramdam ko, kailangan kong magpahinga para bukas sa mob. Tapos bahala ka ng mag-adlib.” sabi ni Harold.
“Mahirap yan!” sagot ni Sean.
“Please! Sige na buddy!” sagot ni Harold.
“Tsk!” napapalatak si Sean. “Sige na nga!” sang-ayon ni Sean.
“Salamat!” sabi ni Harold saka tapik sa balikat ni Sean.
“Malakas ka sa akin eh.” sagot ni Sean.
Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Harold para kay Sean.
Kinagabihan –
“Nasaan si Harold?” tanong ni Kenneth kay Sean.
“Ah, nasa dorm, nagpapahinga.” sagot ni Sean.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Kenneth na lagi bang nagdududa.
“Kasi napagod ata kahapon tapos lumakad pa ngayon, ayun, medyo masama ang pakiramdam. Sabi niya kailangan niya ng lakas para may laban siya bukas.” sabi pa ni Sean.
“Okay, sige!” sabi ni Kenneth. “After ng meeting pupunta tayo kay Harold para kamustahin.” sabi ni Kenneth.
“Ay hindi, ayaw niya. Huwag nyo na raw siyang intindinhin.” tutol ni Sean na nahihirapang pagtakpan si Harold kay Kenneth. “Alam nyo na, mas kailangan niyang magpahinga.” sabi pa ni Sean.
“Umamin ka nga Sean, may tinatago ka bas a amin?” tanong ni Kenneth na pansin ang pagkabalisa kay Sean.
“Wala!” tanggi ni Sean. “Ano naman ang itatago ko.” sagot pa ng binata.
“Hindi ka magaling magsinungaling Sean kaya alam kong may hindi ka sinasabi sa amin.” sabi pa ni Kenneth.
“Naku! Mainit lang kaya ako pinapawisan.” sabi pa ni Sean saka pinunasan ang pawis sa noo.
“Aircon may pawis!” mahinang usal ni Kenneth. “Pag Sean nalaman kong may tinatago kayo ni Harold, lagot kayo sa akin.” sabi pa nito.
“Wala nga!” kontra ni Sean saka nakahinga ng malalim.
Si Harold –
“Nasaan ka na?” text ni Gabby kay Harold.
“Ewan ko sa’yo!” sabi ni Harold. “Kay aga pa naman.”
Ilang minuto pa lang at tumatawag na si Gabby kay Harold.
“Harold!” sabi ni Gabby.
“Bakit?” tanong ni Harold.
“Nasaan ka na ba?” tanong ni Gabby.
“Nasa dorm.” sagot ni Harold.
“Bakit andyan ka pa?” tanong ni Gabby.
“Maaga pa kaya.” sagot ni Harold. “For your information, 7PM ang usapan at 6pm pa lang.” sagot ni Harold.
“Basta! Pumunta ka na dito. May nakareserve for us.” sabi pa ni Gabby saka pinindot ang end call.
“Anung topak ba ang mayroong ang lokong iyon.” sabi ni Harold sa sarili saka umalis papunta sa sinabing lugar sa kanya ni Gabby.
Kaninang nagpunta siya sa opisina ni Gabby ay nakasuot siya ng school uniform, ngayon naman ay typical na jeans lang ang suot ni Harold, loose t-shirt na ordinary ang print, sandals, saka ang kanyang bag. Agaw atensyon si Harold pagpasok niya sa binigay na address sa kanya ni Gabby.
“Bistro pala to!” sabi ni Harold saka napayukong kakaiba at agaw pansin ang suot niya.
“Miss, reservation with Gabby Fabregas.” tanong ni Harold sa isang waitress.
“Here Sir!” sabi ng babae saka inihatid si Harold sa table ni Gabby.
Nakasuot si Gabby ng fitted na polo, dark colored jeans at black shoes na tinernuhan pa ng shades.
Unang nilapag ni Harold ang bag niya saka siya umupo sa katapat ni Gabby.
Biglang nalamukos ang kaninang nakangiting mukha ni Gabby sa nakitang bikas ng binata.
“Anung ayos yan?” tanong ni Gabby.
“Bakit? Anung mali sa suot ko?” tanong ni Harold.
Walang anu-ano ay hinatak ni Gabby sa balikat si Harold. Hinila niya ito palabas at sinakay sa kanyang kotse. Walang driver ang binata at walang Joel na kasama.
“Saan mo ba ako dadalin?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Wala ka bang matinong damit at ganyan ang suot mo?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Anung problema sa suot ko?” tanong ni Harold.
“So, nagpapanggap ka ngayong inosente?” tanong ni Gabby.
“Kay liit na bagay lang ang pinagpuputok ng butse mo.” asar na ding tugon ni Harold.
“Big deal na iyon Harold!” sabi ni Gabby. “Just imagine, a company president, makikipagdate sa isang gusgusin?” sabi pa nito.
“Date?” tanong ni Harold.
“Yeah! Manhid ka ba?” tanong ni Gabby. “Can’t you see, I’m attracted to you.” sabi pa ng binata.
“Tell me! Is this some sort of your joke?” tanong ni Harold.
“Do you think that I’m kidding?” balik na tanong ni Gabby saka hininto ang kotse. “Look Harold! Come to think of it! Bakit ako mag-iinvest sa’yo nang sobra kung alam ko namang malaki na ang lugi ko?” sabi ni Gabby na diretso ang mga mata niya kay Harold. “I’m attracted pero hindi ko sinabing, that I love you.” sabi pa nito.
“Come on!” hindi makapaniwalang sabi ni Harold.
Sa isang iglap pa ay inangkin ni Gabby ang mga labi ni Harold. Isang mainit na halik at mapusok na desisyon ang isinakatuparan ng binata. Naiwang tulala si Harold pagka-alis ng mga labi ni Gabby.
“Do you think my kiss will lie?” tanong ni Gabby saka muling pinaandar ang sasakyan.
Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata ni Harold. Hindi niya alam kung ano ang dahilan niyon, ngunit sigurado siyang malaki ang naging epekto sa kanya ng halik ni Gabby.
“Hindi ko alam Harold, pero mula pa kahapon, hindi mabakante ang utak ko. Lagi ka na lang sumusunod! Lagi ka na lang sumisingit! Naiinis na nga ako kasi lagi ka na lang pumapapel.” sabi pa ni Gabby.
Maya-maya pa ipinark na ni Gabby ang kotse sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya. Bumaba si Gabby saka ngayon ay hinahatak si Harold pababa.
“Bumaba ka d’yan.” pilit ni Gabby kay Harold.
“Aray! Sandali lang!” sabi naman ni Harold.
Sumakay ang dalawa sa elevator saka dinala si Harold sa isang boutique.
“Good evening Sir Gabby!” bati ng mga saleslady kay Gabby.
Walang sagot na galing kay Gabby at kita pa din sa mukha ng binata at pagka-asar kay Harold. Hatak ng isang kamay niya si Harold samantalang ang isa naman ay kumukuha ng mga damit at lahat ng magustuhan ay isinasakbit kay Harold.
“Ano bang drama ang alam mo Gabby!” anas ni Harold.
“Please shut up!” sabi ni Gabby. “Ipinahiya mo na nga ako kanina, so this time manahimik ka na lang.” sabi pa nito.
“Just to inform you, hindi kita ipinahiya kanina!” kontra ni Harold habang nakatayo lang malapit kay Gabby at hawak-hawak ang mga damit na pinapasa sa kanya ng binata.
“So, kung hindi mo kayang magsuot ng maayos na damit, pwes akong magbibihis sa’yo!” sabi ni Gabby saka patuloy pa ding hinahagisan ng damit si Harold.
“You’re making yourself a fool!” sabi pa ni Harold saka nasa aktong papalabas na.
“Dito ka lang!” naging maagap ang kilos ni Gabby para pigilan si Harold.
“Sir!” nag-aalalang awat ng saleslady sa kanila.
“Here’s my card! Kukunin ko lahat yan.” sabi pa nito saka abot sa card niya.
Pagkalabas ng mall –
“Ihatid mo na ako sa dorm!” utos ni Harold kay Gabby.
“Bakit hindi ka umuwi mag-isa?” tanong ni Gabby dito.
“Kung alam ko kung papaanong umuwi mag-isa sana kanina ko pa ginawa!” sabi ni Harold. “Mahirap maligaw, gabing-gabi pa naman.” asar na dugtong pa nito.
“Lalo kang nagiging cute pag galit ka!” nakangising sabi ni Gabby.
“Pwede lang Gabby, lubayan mo muna ako!” sagot pa ng binata.
“Ayan oh, nagsasalubong na naman ang mga kilay mo.” sabi pa ni Gabby.
Inilingon na lang ni Harold ang paningin sa labas ng kotse at minasdan ang daanan.
“Dito na lang ako!” sabi ni Harold kay Gabby.
“Ihahatid na kita sa dorm mo.” tutol pa ni Gabby.
“Dadaan pa ako sa loob! Hahabol pa ako sa meeting namin.” pagtutol ni Harold.
“Saan meeting na naman yan?” tanong ni Gabby. “Ganitong oras ng gabi?” tanong pa nito.
“May mob kasi bukas, kailangan kong makibalita sa napag-usapan.” tugon ni Harold.
“Mob? Ano un?” tanong ni Gabby.
“Mob, hindi mo alam?” nagtatakang tanong ni Harold. “Rally.” sagot pa nito.
“So, desidido ka talagang sirain ang buhay mo dahil sa pagsama-sama mo sa rally na iyan?” sarkastikong tanong ni Gabby.
“Hindi ko sinisira ang buhay ko!” sagot ni Harold. “Anyways, papaano mo ako maiintindihan eh wala ka naman sa kalagayan ko.” balik na tugon pa nito.
“Sinisira mo, I mean, hindi ka papasok bukas para lang makasali sa rally na iyan.” concern na tugon ni Gabby.
“For your information, wala akong pasok bukas and moderate ang pagsali ko sa rally. May qualifications akong ginawa bago ako sumama sa rally. Una, dapat isang matinding issue na nakakaapekto sa nakararami, pangalawa, free ang academic schedule ko or wala namang gagawin sa school kundi lecture, pangatlo, kung worthy naman ang ipinaglalaban.” sagot ni Harold.
“Kahit na!” tutol ni Gabby. “Sobra naman kasi iyang ginagawa ninyo. Nagkalat kayo sa kalsada, mabigat na traffic and pollution.” paliwanag pa nito.
“You know what, asa pa akong maiintindihan mo ako. Isa ka din sa napakaraming self-centered na taong nagkalat sa paligid. I think ikaw iyong walang puso para sa iba. Buti na lang iyong iba na ang concern eh umaabot pa sa puso kaso wala pa ding aksyon.” sabi pa ni Harold.
“Sige na! Ibaba mo na ang isang tulad ko na kalat sa kalsada at gumagawa ng pollution.” sabi ni Harold.
“No!” tutol ni Gabby. “Ihahatid kita hanggang dorm mo.” sabi pa nito saka lalong binilisan ang pagmamaneho.
Sa dorm ni Harold –
“Sige! Sana second to the last na nating pagkikita ito.” paalam ni Harold kay Gabby.
“Bakit second to the last?” tanong ni Gabby.
“Kasi, the next time na makikipagkita ako sa’yo, I’ll make sure makakabayad na ako para wala ng dahilan pang magkita tayo.” nakakalokong tugon ni Harold na may mga ngiting makahulugan.
“Then, prepare your 4thousand tomorrow!” sabi pa ni Gabby saka pinaandar ang kotse.
Sa kalagitnaan ng gabi sa bahay ni Gabby –
“Another day had passed by
Another memory to retain
Another you so insane
Another me to attain” bulong ng puso ni Gabby habang nasa veranda at nakititig sa mga bituin.
“Bwisit na Harold! Ang kulit! Sabing huwag na akong guluhin!” naiinis na saad ng binata saka kinuha ang cellphone at muling tiningnan ang picture ni Harold.
“Alam mo, napakakulit mo! Sabing patahimikin mo muna ako kahit ilang seconds lang. Please, kahit 10 seconds lang umalis ka muna sa isip ko.” naasar na pakiusap ni Gabby sa animo’y totoong-totoong Harold sa cellphone niya. Pagkasabi’y muling ibinulsa ang cellphone niya at pumikit.
“Bwisit!” sabi ulit ni Gabby saka muling kinuha ang cellphone at tiningnan ang picture ni Harold. “Sabi ko umalis ka muna sa utak ko kahit 10 seconds lang. Please, kahit 5seconds na lang pala.” pagmamakaawa pa ng binata.
“You’re the one that can’t be moved
And the one that cannot be removed
You’re the shiniest person ever told
From the narrowest door of cold. muling pagbulong ng puso ni Gabby.
“Harold!” bulong ni Gabby saka ipinikit ang mga mata.
Samantalang si Harold –
“Oh buddy! Ilang beses ka na bang nabibilaukan?” nag-aalalang tanong ni Sean kay Harold.
“Ewan ko.” sagot ni Harold. “Buti na lang talaga buddy dumating ka at may dala kang pagkain.” pasasalamat pa ni Harold sa kaibigan.
“Hinay-hinay lang sa pagkain buddy!” sabi pa ni Sean. “Sino ba kasi iyong nakakaalala sa’yo?” tanong pa ng binata. “Halos patayin ka na sa sobrang pag-alala sa’yo ah.” nakangising dugtong pa nito.
“Hay! Basta, gutom na gutom ako.” sabi ulit ni Harold. “Ano na iyong napag-usapan ninyo?” tanong pa niya dito.
“Tuloy na ang martsa bukas para sa mga magsasaka.” sabi ni Sean. “Ayaw ka nga nilang pasamahin na kasi masama nga di ba pakiramdam mo.” sabi pa ng binata.
“Buti na lang naniwala sila.” napabuntong-hiningang tugon ni Harold.
“Ayaw ngang maniwala ni Kenneth eh. Feeling ko hindi kumbinsido.” sabi pa ni Sean.
“Yaan mo na! Basta salamat talaga.” tugon ni Harold.
“Saan ka ba kasi galing?” tanong ulit ni Sean.
“May inasikaso lang ako.” sagot ni Harold.
“Ganun ba!” sabi ni Sean. Kabaliktara ni Sean si Kenneth. Kung si Kenneth ay angb tipong matanong at detalyado, si Sean naman ay sapat at kuntento na sa maiikling sagot at paliwanagan. Si Kenneth ay ang tipong hangga’t hindi kumbinsido ay hidi ka titigilan, samantalang si Sean naman ay tahimik na lang kahit may duda.
Ilang sandali pa at –
“Sige Rold! Alis na ako.” paalam ni Sean sa kaibigan.
“Ui, sige, salamat ulit sa pagkain.” pasasalamat ni Harold kay Sean.
Isang matamis na ngiti lang ang isinukli ni Sean dito.
Sa pagkakahiga ni Harold ay muli niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ni Gabby.
“Seryoso kaya si Gabby sa sinabi niya kanina? Hindi naman halataing bakla siya, but why did he said that? Hay, I’m sure I’m not gay, pero bakit ba iniisip kong seryoso si Gabby? I’m sure I’m not gay pero bakit feeling ko affected ako sa sinabi niya? Am I sure na hindi nga talaga ako bakla? Baka naman denial lang ako? Anyways, hindi naman big deal sa akin ang sexuality ko, pero bakit ba dinedeny ko pa ang possibility if ever? Sobrang intellectual masturbation na’to, bakit ba naging interesado ako sa topak na yun?” laman ng isip ni Harold.
“Hay!” isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata.
“Pero may future nga kaya talaga kami? I’m not sure, pero sa tingin ko walang tumpak na tatahakin kung magiging kami nga. Posible nga bang maging kami talaga? Parang mahirap paniwalaan na may hahantungan kami.” laman ulit ng isip ni Harold.
“Hay!” yamot na sinabi ng binata saka ginulo ang buhok. “Kainis na!” sabi pa nito.
“Ano ba? Iyong ibang lalaki mag-iinarte pa, kokontrahin pa ang sariling hindi siya bakla, na straight s’ya, na lalaking-lalaki at barako siya kahit obvious na namang baliko na ang sexduality niya, pero ako, bakit iyong future with Gabby na ang iniisip ko? Try ko kayang mag-inarte din muna.” laman ulit ng isip ni Harold saka napapangiti.
“Shit! Gabby! Ikaw na naman! I really don’t know bakit ba winawalanghiya mo ang gabi ko!” sabi pa ulit ng isip ni Harold.
“Inhale! Exhale!” sabi at gaw ni Harold. “Excited ka lang na masabihang may nagkaka-crush sa’yo kaya ka ganyan!” sabi ni Harold saka unulit ang inhale-exhale exercise.
Kinabukasan –
“Sean, usap muna tayo!” aya ni Kenneth kay Sean.
“Bakit Kenneth?” tanong ni Sean dito.
“Please, ingatan mo si Harold! Huwag mong hahayaang nakakalat lang iyong bata.” sabi pa ni Kenneth.
“Sige ba!” may matipid na ngiting sinabi ni Sean. “Saka hindi ko na aalisin ang tingin ko sa lokong iyon!”
“Good!” nakangiti at napanatag na sagot ni Kenneth. “Alam mo naman di ba kung gaano kahalaga si Harold para sa akin.” sabi pa nito.
“Oo naman!” sagot ni Sean. “Di ba nga’t ako pa ang kausap mo nung naguguluhan ka?” tugon pa nito.
“Salamat pare! Sa ngayon hanggang tingin at sulyap lang ako kay Harold, pero alam mo naman kung gaano ko iniingatan iyong sira-ulong iyon.” sabi pa ulit ni Kenneth.
“Bakit hindi ka mag-akyat ng programa sa mga kasama para ligawan mo na si Harold?” tanong ni Sean na may sandaling kirot sa puso.
“Alam mo namang madami pa akong sinasaalang-alang.” sagot ni Kenneth. “Una, ngayon ko pa lang natatanggap na silahis nga ako, pangalawa, hindi ako sigurado kung papaano ako tatanggapin ng mga kasama natin, kung ano magiging reaksyon nila pag nalaman nilang hindi pala ako straight, pangatlo, may mas malaking hanay ang kailangang pagtuunan natin ng pansin, madaming tao at inaapi sa lipunan ang kailangan nating imulat at tulungan.” makahulugang sagot ni Kenneth.
“Naiintindihan kita Kenneth!” tanging nasabi ni Sean. “Pero kung hindi ko nalamang gusto mo din si Harold, malamang nag-akyat na ako ng programa para ligawan s’ya.” dugtong pa ng isip ni Sean.
“Sige na! Abangan mo na ang ka-buddy mo.” sabi ni Kenneth kay Sean.
Sa Mendiola, sa rally –
“Bayan, bayan, bayan ko!” sigaw ng lider.
“Hindi pa tapos ang laban mo!” sagot naman ng mga kasama sa rally.
“Ngayon ay lumalaban!” sigaw ulit ng lider.
“Iskolar ng bayan!” sagot nang mga kasama sa rally.
“Para sa mga magsasaka!” sabi ulit ng lider.
“Kami ay lumalaban!” sagot ng mga kasama.
“Para handugan tayo ng isang awitin, narito si kasamang Harold mula sa hanay ng mga estudyante!” sabi ng tila emcee ng programa.
Nagulat man ay taas noo siyang umakyat ng entablado –
Simoy ng bukid at hamog sa linang
Luntiang paligid ang aking kinagisnan
Mahal na magulang at mga anak ko
Dito isinilang sa lupang ito
Sa init na labis at salat na ulan
Dinilig ko ng pawis ang lupang tigang
Binhi ay sumibol, nag-usbong, nag-uhay
Nagbunga at bumuhay ng maraming buhay
Ngunit dumating ang araw
Ang lupa'y naagaw at nasiil
Ng mga dayuha't banyagang
May mahiwagang dokumentong papel
Ang aking paniwala magmula pa noon
Iba sa panukala na nakasulat doon
Ang sinabi ng pari ay di raw totoo
Na Dios ang may-ari ng lupang ito
Sa aking bulong at sigaw
Tangis at hiyaw at walang nakinig
Ngunit sa kataastaasan
Ang katotohanan kailanman'y di lingid
Ang Dios ng pag-ibig at kapayapaan
Dios din na hukom, Dios ng katarungan
Babalik na ang hari, magsusulit kayo
Sa tunay na may-ari ng lupang ito
(Ang Lupang Ito, by Gary Granada)
“Ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka sa lupa!” sigaw ni Harold bago bumaba sa stage.
“Ayos buddy!” sabi ni Sean na unang sumalubong sa binata pagbaba nito ng stage.
“Hindi mo naman sinabing may special song number pala ako dito.” sabi ni Harold sa kaibigan.
“Nalimutan ko lang kasi kagabi.” sagot ni Sean.
“Ihanda na ang combo (front ng mga aktibista pag may pisikalan nang laban, kadalasan mga lalaki ang bumubuo nito na kapit-bisig na lumalaban)!” biglang sigaw ni Kenneth.
“Buddy, dun ka na sa likod!” sabi ni Sean. “Sasama ako sa combo!” sabi pa nito.
“Hindi buddy!” tutol ni Harold. “Buddy tayo di ba? Sasama ako sa combo!” determinadong sagot ni Harold.
“Bago ka pa lang, hindi ka pa sanay sa sakit ng katawan.” sagot ni Sean.
“Walang baguhan kung may ipinaglalaban ka! Sa oras na’to, kailangan ng matibay na bisig para harangin ang sumasalag sa ating ipinaglalaban!” buong sinseridad na sinabi ni Harold.
Ngiti lang ang tinugon ni Sean sa sinabing iyon ni Harold.
Unang nagpakawala ng tubig mula sa bumbero ang dispersal unit, ngunit tila pader na hindi kayang tibagin ang lakas ng combo at patuloy nitong pinorotektahan ang pinaglalaban. Si Harold, kahit na nahihirapan ay buong lakas niyang sinasalag ang lamig ng tubig at pressure na humahampas sa kanyang katawan. Pinatibay ng paninindigan ang kanyang loob para harapin ang tubig na dinidilig sa kanila. Kasunod nito ay nakalapit na sila sa hanay ng mga pulis at matinding paluan ang naganap sa pagitan nila. Tinamaan si Harold sa braso na naging sanhi para maalis ang pagkakapit ng braso niya kay Sean. Ang unang tama ay sa kaliwang braso, sunod ay sa kaliwang kamay, sunod ay sa binti na nagin sanhi para mapadapa ang binata. Naging maagap naman si Sean kaya’t ang sumunod na palo ay kanya nang sinalo.
“Sean!” nag-aalalang sabi ni Harold.
“Sanay ako!” nakangiting sagot ni Sean habang patuloy pa din siyang napapalo.
Ilang sandali pa at nahinto na ang dispersal unit at nalinis na ang Mendiola. Masakit man ang katawan ay pinilit itago ni Harold ang lahat ng sakit.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenneth kay Harold na labis ding nabugbog saka tiningnan ang braso ng binata.
“Oo naman!” tugon ni Harold.
“Sorry Kenneth!” paumanhin ni Sean kay Kenneth.
“Wala iyon!” nakangiting tugon ni Kenneth kay Sean.
“Tara na! Balik na tayo ng eskwelahan.” sabi pa ni Kenneth sa mga kasama.
Samantalang –
“Sir Gabby, ano po ba ang ginagawa natin dito?” tanong ni Joel kay Gabby. “Baka po malate tayo sa meeting ninyo.”
“Do I tell you na pakialaman mo ang desisyon ko?” tanong ni Gabby kay Joel.
“Sorry Sir!” sabi ni Joel.
“Had you hear that? Did the host said Harold?” tanong ni Gabby saka binaba ang salamin ng kotse at sinilip ang pinagdadausan ng rally.
Napangiti na lang si Joel at Nick na makita kung sino ang pakay ng boss nila sa lugar na iyon.
“Maganda naman pala ang boses, kaso sinasayang lang niya.” komento ni Gabby.
Ilang sandali pa at –
“Sir! Nagkakagulo po!” sabi ni Nick at agad namang napatingin si Gabby sa mga nagrarally.
“Awtz!” reaksyon ni Gabby sa nakitang pagbomba ng tubig. “Masakit iyon for sure!” sabi pa ng binata. “Pustahan, aatras na yang mga iyan!” sabi pa ni Gabby.
“Ay hindi Sir!” tutol ni Joel. “Pustahan tayo Sir, may paluan pa iyan!” sabi pa nito.
“Really? As in papaluin sila?” tanong pa ni Gabby saka napatingin kay Joel na halos hindi makapaniwala.
Napatango lang si Joel bilang tugon.
“Sir! Paluan na po ata!” sabi pa ulit ni Nick.
“Aray!” napapangiwing sabi ni Gabby nang makita niya ang sinasabing paluan.
Ilang sandali pa at –
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Kenneth kay Harold na labis ding nabugbog saka tiningnan ang braso ng binata.
“Oo naman!” tugon ni Harold na nakasandal sa kotse ni Gabby.
“Sir, si Harold po ata!” sabi ni Joel kay Gabby.
“Alam ko, hindi ako bulag.” sabi pa nito.
“Tawagin ko na po ba?” tanong ni Joel.
“Mamaya na lang, hayaan mo na muna silang mag-usap.” sabi pa nito.
Paalis na sina Harold nang –
“Harold!” tawag ni Gabby pagkababa ng salamin ng kotse.
“Ikaw?” nasabi ni Harold.
“Di ba Rold, siya iyong boss nang FabConCom?” tanong ni Sean.
“Anung kailangan mo kay Harold?” agad na salag ni Kenneth nang marinig kung sino ang lalaki.
“Hindi kayo ang kausap ko!” sabi ni Gabby. “Wala akong interes na kausapin kayo, except kay Harold.” saad pa nito.
“Tinamaan ng lintik!” sabi ni Kenneth. “Kay yabang!” sabi pa nito.
“Kenneth, sige na mauna na kayo! Kakausapin ko lang itong topak na’to!” sabi pa ni Harold saka lumakad papunta kay Gabby.
“Sinong topak?” angal ni Gabby.
“Ikaw, sino pa nga ba!” sagot ni Harold saka muling isinandal ang katawan sa kotse ni Gabby.
“Sinabing umuwi na kayo di ba?” sigaw ni Gabby nang makitang palapit din sina Kenneth at Sean.
“Ang angas!” mahinang usal ni Kenneth.
“Kenneth, Sean!” baling ni Harold sa dalawa. “Mauna na kayo! Susunod na lang ako.” sabi pa nito.
“Pero, iyong mga tama mo?” nag-aalalang tanong ni Sean.
“Don’t worry! I can handle it!” nakangiting sabi ni Harold dito.
“Pero…” sabi pa ni Sean.
“Hayaan mo na si Harold Sean!” sabi ni Kenneth. “Nakaya nga niyang saluhin iyong mga pukpok.” awat pa ulit ni Kenneth kay Sean. “Basta alam mo kung anung oras ka nasa school.” baling naman ni Kenneth kay Harold.
“Salamat Kenneth!” nakangiting pasasalamat ni Harold.
Pagkaalis ng mga kasamahan ay binalingan naman ni Harold si Gabby.
“Anung ginawa mo dito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Napadaan lang.” sagot naman ni Gabby.
“So, pwede na akong umalis?” tanong ni Harold.
“Hmmm!” isang mahabang hmmm. “Hindi pa!” kasunod nito.
“So, ano na!” sabi pa ulit ni Harold na nasa ilalim nang matinding sikat ng araw.
“Gusto mong pumasok sa loob?” tanong ni Gabby. “Well, mali pala! Pumasok ka sa loob!” ulit na utos ni Gabby.
“Inuutusan mo ba ako?” tanong ni Harold.
“Oo!” sagot ni Gabby.
Bubuksan na ni Harold ang pintuan ng kotse ng biglang matumba ang binata.
“Harold?” nag-aalalang sabi ni Gabby saka nilabas si Harold.
“Pupunta tayo sa ospital!” sabi ni Gabby nang makitang may dugo ang umaagos mula sa balikat ni Harold.
Sa ospital makalipas ang ilang oras –
“Okay ka na ba?” tanong ni Gabby kay Harold hindi pa man nito naimumulat ang mga mata.
“Bakit ako nandito?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Tanga ka ba? Siyempre dinala kita dito.” sagot ni Gabby.
“Nagtatanong ako ng maayos!” inis na sabi ni Harold.
“Sinasagot kita ng maayos!” tugon ni Gabby.
“Ewan ko sa’yo!” sagot ni Harold saka dahan-dahang bumangon.
“Bakit ba kasi nagpabugbog sa walang kwentang bagay?” tanong ni Gabby.
“Nabugbog ako para sa mga kasamang magsasaka!” sagot ni Harold. “Palibahasa kasi wala kang awareness sa ibang tao.” sabi pa ng binata.
“At least hindi martir na kagaya mo!” sagot naman ni Gabby.
“Kung hindi dahil sa mga mgasasakang iyon, sana, wala kang kanin sa pinggan.” sabi naman ni Harold.
“Well, I’m not eating rice. I prefer potato instead.” sagot pa ni Gabby.
“Hay! I’m talking with an alien!” napabuntong-hiningang tugon ni Harold. “Okay! I’ll take it slow para sa isang slow poke na kagaya mo.” sabi pa nito.
“Sinong slow poke?” kontra ni Gabby.
“Tumahimik ka na lang pwede!” utos ni Harold kay Gabby.
“I mean, you are enjoying the vegetables, rice, fruits and other crops but are you aware of the story behind it? Kung paano itinanim? Kung paano inani? Kung papaanong hirap at sakripisyo ang inilaan para d’yan? Aware ka ba sa ganuon?” tanong ni Harold. “Yeah! Stupid philosopher like you will say, it is through natural process, from seedlings to crops or through any other cycles available in nature. Kasi, iyon lang ang paliwanag na kaya ninyong intindihin! But, in deeper sense, iyon ang wala kayo, iyon ang madalas ninyong ma-left behind, iyon ang madalas na hindi ninyo naiisip!” sabi ni Harold.
“Anyways, I don’t really care about that! Buhay nila iyon, so wala akong pakialam!” sabi ni Gabby.
“Topak ka talaga!” sabi pa ni Harold saka dahan-dahang tumayo.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Uuwi na!” sagot naman ni Harold.
“Wait! Magkalinawan muna tayo.” tanggi ni Gabby. “I spent 10 thousand pesos for your bill kaya dapat bayaran mo din iyon.” sabi pa ni Gabby.
“10 thousand?” gulat na sinabi ni Harold. “Para sa bendang ito, tapos konting gamot 10k na agad.” paliwanag pa ng binata.
“Yeah!” sagot ni Gabby. “Alam mo, first class itong kwarto mo, tapos isang kilalang surgeon pa ang tumingin sa’yo, high quality ang mga gamot na pinalagay ko sa’yo. “Honestly, kulang pa ang 10thousand.” sabi ulit nito saka pakita sa bill.
“Sino bang maysabing dalin mo ako dito?” tanong ni Harold.
“At sino bang maysabing matumba ka sa harap ko?” balik na tanong ni Gabby.
“Hay!” anas ni Harold.
“Ano? So, kailan mo mababayaran ang 14thousand?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Maghintay ka lang!” sagot ni Harold saka mabilis na lumakad.
“Ihahatid na kita. Madilim na sa daan.” suhestiyon naman ni Gabby.
Walang nagawa si Harold kung hindi ang pumayag na ihatid siya ni Gabby. Hindi naman siya ganuong ka-martir para tanggihan na ang tulong na kailang niya. Sa dorm ni Harold ilang oras matapos siyang ihatid ni Gabby –
“Are we looking on the same night star? Why do you keep on playing with me? Alam mo Gabby, isang suntok sa buwan na maging tayo. Daig pa natin ang papasok sa butas ng karayom nito!” laman ng isip ni Harold.
“Assuming ka masyado Harold!” sabi ni Harold saka tinuro ang sarili.
“Hindi tayo bagay Gabby! Bukod sa same sex tayo, ikaw mayaman ako isang dukhang taga-nayon. Madaming bagay tayong pinag-iba, iba ang prinsipyo ko sa pinaniniwalaan mo. Iba ang mundo ko sa mundo mo. Isang fairytale kung magiging tayo man and fairytales don’t exists kaya hindi tayo magkakatuluyan in the end.” sabi pa ni Harold sa sarili.
“Masaya na ako Gabby! Masaya na ako sa buhay kong ito kaya huwag mo nang ipagsiksikan ang mundo mo sa mundo ko.” sabi pa ulit ni Harold sa sarili.
Samantalang si Gabby –
“Twinkle twinkle little star
Harold shines brighter than you are
Up above the diamond sky
Harold’s no wonder the farthest high.” bulong ni Gabby sa sarili.
“Hay! Harold na naman!” sabi ni Gabby. “Lagi nalang Harold!” inis pa niya sa sarili. “Wala ka bang ibang alam na isipin Gabby!” sabi pa ng binata habang nakatingin muli sa langit at mga bituin.
“Are we looking on the same star
And wishing for the same desire?
Does your heart beat same to mine
And thinking the same with my mind?” sabi pa ulit ni Gabby sa sarili.
“Hello!” simula ni Gabby pagkatawag kay Harold. “Saturday bukas and I know wala kang pasok, prepare your things at susunduin kita bukas ng umaga.” sabi ni Gabby sa kausap.
“Paano mo naman naisip na papayag ako?” tanong ni Harold.
“Simple lang!” sagot ni Gabby. “Kasi may utang ka pa sa akin at ang trabahador ng FabConCom!” sagot nito saka binaba ang cellphone.
“Hays!” inis na anas ni Harold pagkababa ng tawag.
Kinaumagahan –
“Saan mo ba ako balak dalin?” tanong ni Harold kay Gabby pagkasakay nito ng kotse.
“Sa Baguio!” sagot ni Gabby saka pinaharurot ang kotse.
“Sa ganitong panahon?” nagtatakang tanong ni Harold. “Kay lamig na dito sa Manila, tapos magba-Baguio pa tayo.”
Tanghali na silang nakarating sa Baguio –
“Ayan, iwan ko na muna dito itong kotse sa rest house namin! Bitbitin mo iyang gamit mo at magcommute lang tayo papuntang Mountain Province.” utos ni Gabby kay Harold pagkakain nila ng tanghalian.
“Ano bang balak mo talaga?” tanong ni Harold.
“Sawa na kasi ako sa Baguio kasi weekly andito na ako. So, gusto ko naman sa Mt. Province para masaya.” sabi pa ni Gabby.
“Pwede, dito na lang?” tanong ni Harold.
“Sabi ko sa Mt. Province! Whether you like it or not, sasama ka!” sabi ni Gabby.
“Alam mo, ikaw na lalaki ka! Ang gulo ng tumatakbo sa isip mo!” sabi pa ng binata.
“Talagang ganun!” sagot ni Gabby.
Sa Mt. Province –
“Sure ka bang dito talaga iyong babaan?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Oo naman!” sagot ni Gabby.
“Eh nasaan na iyon sinasabi mong palatandaan?” tanong ni Harold.
“Alam ko talaga nandito lang iyon.” paliwanag naman ni Gabby.
“Sabi kasing sa Baguio na lang eh!” sabi pa ni Harold.
“Sawa na nga kasi ako dun!” tutol naman ni Gabby.
“Sawa ka na nga pero atleast hindi tayo apat na oras palakad-lakad!” reklamo ni Harold.
“Four hours lang naman ah!” sagot naman ni Gabby. “Kung sa rally nga nakikipagpukpukan ka eh!”
“Loko ka ba?” saad ni Harold. “Madilim na kaya! Tapos wala pa akong makitang sasakyan na dumadaan. Saan tayo matutulog niyan?” tanong ni Harold.
“Eh di yayakapin na lang kita buong gabi!” nakangiting turan ni Gabby.
“Korni mo!” tutol ni Harold. “Nagugutom na kaya ako!” sabi pa nito.
“Bubusugin na lang kita sa pagmamahal ko!” sagot naman ni Gabby.
“Alam mo hinahangin na naman iyang utak mo!” sabi pa ni Harold saka lumakad pabalik.
“Hey Harold!” awat ni Gabby.
“May ilaw dun oh!” sabi pa ni Harold saka tinakbo ang sinabing ilaw na nakita.
“Hintayin mo ako!” sabi pa ni Gabby.
“Ah lolo!” bati ni Harold sa matandang naabutan niya sa labas ng bahay.
“Ano iyon hijo?” tanong ni Harold.
“Saan po ba dito ang papuntang Baguio?” tanong naman ni Harold.
“Malayo iyon mula dito.” sabi ng matanda. “Mabuti pa ay tumuloy muna kayo!” sabi nang matanda saka ipinaghanda ng makakain ang dalawang bisita.
“Sure ka bang mapagkakatiwalaan iyan?” bulong ni Gabby kay Harold.
“Kung mapagkakatiwalaan lang din naman, mas katiwa-tiwala ang itsura ni lolo kaysa sa’yo.” sabi ni Harold.
“Mabuti pa kung dito na kayo magpalipas ng gabi! Walang sasakyang dumadaan ng ganitong oras at mahabang lakaran pa para makarating kayo sa sakyan.” paliwanag ng matanda.
“Hindi po ba nakakahiya?” tanong ni Harold.
“Ayos lang iyon! Natutuwa nga ako at nagkabisita ulit ako.” sabi pa ng matanda.
“Salamat po lolo!” pasasalamat ni Harold.
Sa silid na nilaan para sa kanilang dalawa –
“Ayan kasi!” sisi ni Harold kay Gabby. “Masyado ka kasing maarte!” sabi pa nito.
“Ako na naman ang nasisi mo?” sabi ni Gabby.
“Oo, kasi naman kung pumayag kang sa Baguio na lang tayo sana hindi tayo maliligaw.” sabi pa ni Harold.
“Malay ko bang biglang mawawala iyong palatandaan ko?” tanong ni Gabby.
“So, isisi ba sa palatandaan?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Oo! Kasi iyong mga nag-alis nun ang may kasalanan talaga.” sagot ni Gabby.
“Kung hindi ko nakita si lolo, malamang sa labas tayo natutulog ngayon.” sabi pa ni Harold.
“Mga hijo!” katok ng matanda sa dalawa.
“Ano po iyon lolo?” tanong ni Harold.
“Pagpasensyahan na ninyo, isa lang kasi ang kumot kong natatago.” sabi ng matanda saka abot sa kumot.
“Nag-abala pa po kayo.” sabi ni Harold.
“Malamig kasi, naisip kong wala kayong panakip sa katawan.” sabi pa ng matanda.
“Salamat po!” pasasalamat ni Harold saka humiga na at nagkumot.
“Ang lamig!” reklamo ni Gabby saka nakisukob sa kumot ni Harold.
“Naku Gabby! Sa susunod bahala ka na lang mag-isa.” sabi ni Harold saka pinikit ang mga mata.
Kinabukasan –
“Tiktilaok!” pang-umagang bati ng manok sa kanila. “Tiktilaok!”
“Haaah!” hikab ni Gabby saka iminulat ang mga mata.
Sandali niyang tinitigan ang kaharap at – “Ang gwapo ko palang talaga kahit tulog!” komento pa niya sa nakikita. “Ngayon ko lang na-realize, ang ganda palang talaga ng labi ko, kissable palang talaga.” sabi pa ng binata.
Samantalang ang imaheng kaharap ay nagbukas na din ng mga mata – “ang ganda din ng mga mata ko!” komento pa ulit ni Gabby.
“Ano ba yan, may bago na naman akong pimple!” unang komento ni Harold nang makita ang kaharap saka hinawakan ang pimple na sinasabi. “Gwapo pala ako kahit papaano.” sabi pa ng binatang si Harold.
Sabay na bumangon sa higaan ang dalawa na tila ba mga repleksyon nila ang isa’t-isa. “Good Morning Harold!” sabi ni Harold na kasabay ang “Good Moring Gabby” ni Gabby.
Sa katahimikan ng umaga ay isang nakakabinging sigaw ang narinig –
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” sabay nilang hiyaw.
5 comments:
ang ganda ng storya..hindi boring basahin at mahaba ang chapter na to :)
-shaft
ano yan? parang sa secret garden?
hahahahahahahahahahaha
grabi talaga ang himahinasyon mo author...
-shaft, di ba sabi ko naman po sa FB na ang part 2 ng tee la ok ay kasnig haba ng book3 ng see lau.. hehehehehe..
-mcfrancis, honestly, oo, inspired ng secret garden iyong switching thing.. pati na iyong part ni cinderella.. hahahaha..
-emray sana nga mapabilis lageh ang update ang saya kasi nag istorya kahit ulit-ulitin d boring :))
-shaft
zehiee - basta saturday or friday ako regular na nag-uupdate..
Post a Comment